IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: martial law

XIAO TIME, 5 April 2013: INTERIM BATASANG PAMBANSA ELECTIONS AT NOISE BARRAGE

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si imahe ni Ninoy Aquino para sa kanyang kampanya para sa Interim Batasang Pambansa noong 1978.  Kuha ni Willie Vicoy noong panahon ng paglilitis ni Ninoy.  Lahat ng larawan mula sa Ninoy:  The Willing Martyr ni Alfonso Policarpio.

Si imahe ni Ninoy Aquino para sa kanyang kampanya para sa Interim Batasang Pambansa noong 1978. Kuha ni Willie Vicoy noong panahon ng paglilitis ni Ninoy. Lahat ng larawan mula sa Ninoy: The Willing Martyr ni Alfonso Policarpio.

5 April 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=BWZPnSPRwaQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ayon kay Mommy Imelda Romualdez Marcos, “Martial Law was the most democratic time in Philippine history.”  Ngek, e hindi ba diktadura yun.  Well, oo nga pero si Pangulong Ferdinand Marcos was a different kind of dictator.  Siya ay isang constitutional autocrat na ipinakita na mas lehitimo ang kanyang pamumuno dahil siya ay nagdaos ng mga halalan.  Ang unang halalan na naganap ay nangyari 35 years ago sa Linggo, April 7, 1978 para sa interim Batasang Pambansa.

03 Proclamation of Martial Law

Matapos ang pagsarado sa Senado at Kongreso simula 1972, ipinahayag ni Pangulong Marcos ang pagkakaroon ng halalan noong 1978 para sa interim o pansamantalang kapulungan na magsisilbing gagawa ng batas na bubuuin ng tinalagang bilang ng mga kinatawan sa bawat rehiyon sa bansa.  Sa Metro Manila, ang partido ng administrasyon, ang Kilusang Bagong Lipunan, ay pinatakbo ang Unang Ginang Mommy Imelda.

Opisyal na larawan ni Mommy Imelda Romualdez Marcos, ang Unang Ginang.  Mula sa aklat ni Carmen Pedrosa.

Opisyal na larawan ni Mommy Imelda Romualdez Marcos, ang Unang Ginang. Mula sa aklat ni Carmen Pedrosa.

Pinangunahan ng nakakulong noon na si Ninoy Aquino ang pagboykot ng Partido Liberal sa eleksyon lalo na at block voting raw ang magiging sistema nito.  Sabi ni Ninoy ayaw niyang makilahok sa “bulok voting” na ito.  Ngunit ikinagulat ng lahat ang pagbabago ng isip niya.  Mula sa kulungan tatakbo mismo si Ninoy sa eleksyong ito para sa Metro Manila sa ilalim ng Lakas ng Bayan o LABAN.  Dito nagsimula ang Laban sign na ginagamit ng mga Aquino hanggang ngayon.

IMG_1817 IMG_1822 IMG_1824 IMG_1825 IMG_1828

Pambihirang pagkakataon daw ito na makausap ang bayan kahit hindi manalo.  Hiniling ni Ninoy na makalabas upang mangampanya ngunit hindi pinayagan dahil si Ninoy daw ay may links kapwa sa NPA at sa CIA.  Kaya ang nag-ikot para sa kanya ay ang kanyang mga kapwa kandidato sa laban tulad nina Alex Boncayao, Neptali Gonzales, Tito Guingona, Ernie Maceda, Ramon Mitra, Nene Pimentel, Soc Rodrigo at iba pa, lalo na ang kabiyak na si Cory at ang kanilang pitong-taong gulang na si Kris, na kinakitaan na  ng star power noon pa lamang, napakagaling niyang magsalita.

IMG_1816 IMG_1832 IMG_1831 IMG_1834 IMG_1835

Hiniling na lamang ni Ninoy na makapag-presscon at makapanayam ng live sa telebisyon.  Noong March 10, mula sa Fort Bonifacio sa pamamagitan ng GTV-4, nanood ang buong bayan kay Ninoy sa pinakamagaling niyang interview ever, mabilis magsalita, matapang, magaling.  Sinasabing kakaunting tao at sasakyan ang nasa labas noong panahon na iyon, nanonood lahat kay Ninoy.

IMG_1836 IMG_1818

Ang Sri Lankan na si Ronnie Nathanielsz na binigyan ng Filipino citizenship ng Pangulong Marcos, ang siyang nanguna sa pagtatanong kay Ninoy Aquino sa loob ng Fort Bonifacio sa live show na Face The Nation.  Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Ang Sri Lankan na si Ronnie Nathanielsz na binigyan ng Filipino citizenship ng Pangulong Marcos, ang siyang nanguna sa pagtatanong kay Ninoy Aquino sa loob ng Fort Bonifacio sa live show na Face The Nation. Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Isang gabi bago ang halalan, April 6, nagkaroon ng malawakang noise barrage mula 7:00 pm hanggang madaling araw.  Sa unang pagkakataon, malawakan sa Metro Manila, Central Luzon at Timog Katagalugan ang pagbalikwas.  Nagpiyesta ang lahat ng walang takot, bumubusina at nagpupukpok ng kaldero.

IMG_1820 IMG_1821

Ngunit sa halalan kinabukasan, natalo si Ninoy ng mga hindi kilalang kandidato.  Obviously, “Lutong Makoy” daw.  Nagprotesta ang LABAN sa España noong April 8 ngunit pinaghuhuli sila kasama sina Joker Arroyo, Pimentel, Guingona, Rodrigo pati na ang matandang Lorenzo Tañada.

IMG_1838 IMG_1848 IMG_1839 IMG_1840 IMG_1841 IMG_1842 IMG_1846 IMG_1843 IMG_1850 IMG_1849 IMG_1851 IMG_1847

Dahil sa frustration, may mga aktibistang moderato na pinondohan ng mga natapon sa Amerika ang nagsagawa ng mga serye ng pagbomba sa ilalim ng pangalan “April 6 Liberation Movement.”  Ang petsa ng noise barrage.  Sa susunod na halalan para sa Batasan 1984, magwawagi rin ang oposisyon ng ilang mga puwesto.  Ayon nga kay Salud Algabre, “Walang himagsikan na nabibigo, ang lahat ay hakbang sa tamang direksyon.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Bldg., DLSU Manila, 3 April 2013, pasasalamat sa Eugenia Apostol Foundation para sa bidyo mula sa Batas Militar at sa Ninoy and Cory Aquino Foundation para sa Ninoy:  The Heart and the Soul na siyang ginamit sa bidyo.)

IMG_1833

XIAOTIME, 27 February 2013: ADBOKASIYA NG ABOGADONG SI JOSE W. DIOKNO

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 27 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ka Pepe Diokno:  Makatao, Makabayan.  Mula sa biyograpiya ni Diokno na isinulat ni Bernardo Noceda Sepeda.

Ka Pepe Diokno: Makatao, Makabayan. Mula sa biyograpiya ni Diokno na isinulat ni Bernardo Noceda Sepeda.

27 February 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=kNhxzOEgINQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  91 years ago kahapon, February 26, 1922, isinilang si Jose Wright Diokno sa Maynila.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Siya ang nasyunalista na mas kilala bilang si Ka Pepe Diokno.  Anak siya ng isang dating senador at dating hurado ng Korte Suprema at ng isang mestisang Briton.  Sa La Salle College, siya ay nagningning.  Valedictorian ng kanyang high school class at summa cum laude sa kursong Commerce.  Sobrang bata niyang kumuha ng CPA board exam kaya kailangan pa niya ng espesyal na permiso.  Nag-abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas ngunit naudlot dahil sa digmaan.  Patuloy na pinag-aralan ang mga aklat ng kanyang ama at kahit na hindi nakapagtapos, binigyan ng pahintulot na kumuha ng bar exams.  Siya ang tanging Pinoy na naguna kapwa sa CPA at bar exams!  Cool!

Si Diokno bilang pulitiko at abogado.

Si Diokno bilang pulitiko at abogado.

Nakilala siyang magaling na abogado at ginawang Secretary of Justice ni Pangulong Diosdado Macapagal noong 1961.  Ipina-raid ni Diokno ang negosyo ng Amerikanong si Harry Stonehill dahil sa korupsyon at panunuhol nito sa mga nasa pamahalaan.  Nadiskubre niya ang mas malalim na korupsyon sa pamahalaan.  Bago makasuhan, pina-deport na lamang ni Macapagal si Stonehill at inutos ang pagbibitiw ni Diokno.

Kalihim ng Katarungan Jose Diokno.  Mula sa Our Rights, Our Victories.

Kalihim ng Katarungan Jose Diokno. Mula sa Our Rights, Our Victories.

Harry Stonehill.  Mula sa Our Rights, Our Victories.

Harry Stonehill. Mula sa Our Rights, Our Victories.

Listahan ni Stonehill sa kanyang kwaderno ng mga sinusuhulan niya.  Bituwin sa tala na lang kayo mag-argument.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Listahan ni Stonehill sa kanyang kwaderno ng mga sinusuhulan niya. Bituwin sa tala na lang kayo mag-argument. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Si Diokno sumasagot sa telebisyon ukol sa isyung Stonehill na ikinasibak niya sa pwesto.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Si Diokno sumasagot sa telebisyon ukol sa isyung Stonehill na ikinasibak niya sa pwesto. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Dahil sa kanyang tindig, nanalo bilang senador noong 1963 at nagsulong ng batas sa pagpapalakas ng suporta sa mga Pilipinong negosyo.  Sa apat na sunod-sunod na taon mula 1967 hanggang 1970, kinilala siya ng Philippine Free Press bilang isa sa mga pinakamahusay na senador.

Si Diokno sa Senado.  Mula sa biyograpiya ni Diokno na isinulat ni Bernardo Noceda Sepeda.

Si Diokno sa Senado. Mula sa biyograpiya ni Diokno na isinulat ni Bernardo Noceda Sepeda.

Ourstanding Senator.  Mula sa biyograpiya ni Diokno na isinulat ni Bernardo Noceda Sepeda.

Ourstanding Senator. Mula sa biyograpiya ni Diokno na isinulat ni Bernardo Noceda Sepeda.

Noong patayin ang mga muslim na sundalo sa proyektong pagbawi ng Sabah, ang Jabidah, kanyang sinabi, “No cause is more worthy than the cause of human rights… they are what makes a man human. Deny them and you deny man’s humanity.”  Ngunit, bilang katunggali ng Pangulong Marcos sa pulitika, isa siya sa pinakaunang ipinahuli noong gabi ng September 22, 1972 nang ideklara ang Batas Militar.  Ibinartolina minsan kasama ni Ninoy Aquino sa Laur, Nueva Ecija.  Walang nakaalam kung nasaan sila ng ilang linggo at nang mabisita ng pamilya ay pinaghiwalay naman ng chicken wire.

Carmen at Pepe Diokno.  Mula sa Philippine Star.

Carmen at Pepe Diokno. Mula sa Philippine Star.

Ang rebulto ni Diokno  na nakalagak ngayon sa kanyang kwarto nang makulong sila dito. Fort Magsaysay, Laur.  Kuha ni Xiao Chua

Ang rebulto ni Diokno na nakalagak ngayon sa kanyang kwarto nang makulong sila dito. Fort Magsaysay, Laur. Kuha ni Xiao Chua

Si Pepe Diokno kasama ang mga nakasama sa kulungan tulad nina Ninoy Aquino, Napoleon Rama at Ramon Mitra.  Mula sa Testament from a Prison Cell.

Si Pepe Diokno kasama ang mga nakasama sa kulungan tulad nina Ninoy Aquino, Napoleon Rama at Ramon Mitra. Mula sa Testament from a Prison Cell.

Ang pamilya Diokno at Aquino sa grandstand ng Fort Bonifacio.

Ang pamilya Diokno at Aquino sa grandstand ng Fort Bonifacio.

Matapos ang dalawang taon, pinalaya nang hindi man lamang nakakasuhan ng kahit ano.  Ngunit hindi tumigil sa pagtataguyod ng Human Rights.  Walang takot na naglabas-pasok pa ng bansa at tinulungan ang mga biktima ng Martial Law bilang tagapagtatag ng Free Legal Assistance Group o FLAG.  Nang magprotesta ang mga babaeng Kalinga ng nakahubad sa harapan ng mga sundalong nais agawin ang kanilang lupa para gawing Chico Dam, sinamahan nila ang mga Kalinga nang sila ay magprotesta rin kasama ni Senador Tañada nang nakahubad.

Si Pepe at si Carmen Diokno.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Si Pepe at si Carmen Diokno. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Mga abogado para sa bayan:  FLAG.  Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio-Xiao Chua.

Mga abogado para sa bayan: FLAG. Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio-Xiao Chua.

Si Diokno at Tanada sa Kalinga, sinamahan ang mga kasamahan na nakahubad.

Si Diokno at Tanada sa Kalinga, sinamahan ang mga kasamahan na nakahubad.

Nang magkaroon ng People Power, naatasan na maging founding chair ng Commission on Human Rights at punong negosyador pangkapayapaan para sa mga rebeldeng komunista.

Diokno at Tanada:  Mga makabayan.

Diokno at Tanada: Mga makabayan.

Ngunit nang ang mga may hang-over pa sa diktadura na mga pulis ay barilin ang mga nagpoprotesta sa Mendiola noong January 22, 1987.  Mamuntik lumuha si Diokno ng paghihinagpis at nagbitiw sa pamahalaan.  Matapos ang ilang araw, namatay sa sakit sa baga 26 years ago ngayong araw, February 27, 1987.

Bansa para sa ating mga anak.

Bansa para sa ating mga anak.

Si Pepe at si Cory Aquino

Si Pepe at si Cory Aquino

Mendiola incident.

Mendiola incident.

46 sapagkat buong buhay niya

Noong 2007, nagkaroon ng Diokno Boulevard sa may MOA at nag-iwan ng mga anak at apong naglilingkod sa bayan, tulad ng anak na si Maris na ngayon na tagapangulo ng National Historical Commission of the Philippines at apong filmmaker na si Pepe Diokno na pinuno ng RockEd Philippines.  Sana hindi kalimutan ng kabataan si Ka Pepe Diokno sapagkat buong buhay niya, para sa kanila ang lahat ng kanyang pagpupunyagi, “There is one dream that all Filipinos share: that our children may have a better life than we have had. … the vision to make this country, our country, a nation for our children.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)

Pagbubukas ng Diokno Blvd kasama si Dona Carmen at si Cory Aquino.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Pagbubukas ng Diokno Blvd kasama si Dona Carmen at si Cory Aquino. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

A Nation for Our Children

A Nation for Our Children

XIAOTIME, 21 February 2013: HIMAGSIKAN SA EDSA, BAKIT NGA BA ISANG MALAKING JIGSAW PUZZLE?

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 21 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang tunay na bayani, ang bayan.  Mula sa Nine Letters.

Ang tunay na bayani, ang bayan. Mula sa Nine Letters.

21 February 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=0sGAZaUrefE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  27 years ago bukas, February 22, 1986, nagsimula ang Himagsikang People Power sa EDSA na nagpatalsik sa diktadura ni Pangulong Ferdinand E. Marcos at muling nagpanumbalik ng ating mga demokratikong institusyon.  Marami ang nagsasabi na sila ang dahilan kung bakit nagtagumpay ang EDSA.  Sabi ng mga militar, kung hindi dahil sa kanila, hindi mangyayari ang EDSA.  Sabi ng simbahan, himala ito ng Diyos.  Sabi ng iba, pakana lahat ito ng CIA at ng mga Amerikano.  Sabi ng Unang Ginang Imelda Marcos, si Pangulong Marcos mismo ang bayani dahil sa kabila ng lahat, pinili niyang hindi patayin ang mga tao.  Sino nga ba talaga ang tunay na bayani???

Ang pagtiwalag nina Ramos at Enrile sa Camp Aguinaldo, February 22, 1986.   Mula sa Bayan Ko!

Ang pagtiwalag nina Ramos at Enrile sa Camp Aguinaldo, February 22, 1986. Mula sa Bayan Ko!

Ang pagtiwalag nina Ramos at Enrile sa Camp Aguinaldo, February 22, 1986.   Mula sa Bayan Ko!

Ang pagtiwalag nina Ramos at Enrile sa Camp Aguinaldo, February 22, 1986. Mula sa Bayan Ko!

Oo nga’t ang naging mitsa ng Himagsikang EDSA ay ang pagtiwalag nina Defense Minister Juan Ponce Enrile at Heneral Fidel Ramos noong February 22, 1986.  Ngunit, panahon pa lamang ng Batas Militar, marami nang nagbuwis ng buhay at nakibaka upang mapatag ang landas ng EDSA.  Isang linggo na ring pinangungunahan ni Cory Aquino ang isang civil disobedience campaign ng pagboykot ng mga kumpanyang sumusuporta kay Pangulong Marcos upang iprotesta ang diumano ay pandaraya sa snap elections.  Hindi nga agad naniwala ang mga tao na ang dalawang pinuno na ito na 14 na taong tinulungan ang pangulo sa pagpapatupad ng kanyang diktadura ay tumiwalag na, akala nila isa itong moro-moro o zarzuela.

Happier times:  Pangulong Marcos, Chief of Staff Fabian Ver, Enrile.  Mula sa Bayan Ko!

Happier times: Pangulong Marcos, Chief of Staff Fabian Ver, Enrile. Mula sa Bayan Ko!

Happier times:  Si General Ver at Ramos.  Mula sa Bayan Ko!

Happier times: Si General Ver at Ramos. Mula sa Bayan Ko!

Ngunit nang itaya ni Jaime Cardinal Sin ang kanyang kredibilidad at nagpatawag ng suporta para sa dalawa, doon lamang dumating ang mga taong hinanda na ng mga martir ng Batas Militar, isinisigaw ang pangalan ni “Cory” bilang pangulo at ang alaala ni Ninoy bilang simbolo.

Cool:  Si Cory Aquino sa isang Press Conference.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Cool: Si Cory Aquino sa isang Press Conference. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Jaime Cardinal Sin.  Mula sa Bayan Ko!

Jaime Cardinal Sin. Mula sa Bayan Ko!

Bagama’t maraming Amerikano ang naging kaibigan ng demokrasya at tinulungan tayo sa Kongreso nila tulad nina Sen. Richard Lugar sa kabila ng pagiging close friends nina Marcos at Pangulong Ronald Reagan, tila nagmasid lamang ang sa mga nangyayari ang State Department at ang tangi nilang ginawa ay mabigyan ng ligtas na pag-alis ang mga Marcos sa Pilipinas na kung hindi nila ginawa ay maaaring naging madugo ang katapusan ng EDSA.

24 Bagama’t maraming Amerikano ang naging kaibigan ng demokrasya 25 at tinulungan tayo sa Kongreso nila tulad 26 nina Sen. Richard Lugar sa kabila ng

In fairness, may punto rin ang dating unang ginang sa pagsasabi na hindi nais patayin ni Pangulong Marcos ang mga sibilyan.  Ayon kay Randy David, alam ni Pangulong Marcos na huhusgahan siya ng kasaysayan at nais niyang mag-iwan pa rin ng mas magandang pangalan kaya hindi niya ninais patayin ang mga tao.  Ngunit totoo ring may ilang taong inutusan na pulbusin ang ilang daang rebelde na nasa mga kampo militar sa EDSA sa lupa man o sa era.  Yun nga lang, pumagitna ang mamamayan at nakaligtas sina Enrile at Ramos.  At may mga pinunong militar rin tulad nina Artemio Tadiar, Antonio Sotelo, Braulio Balbas na gumawa ng paraan upang hindi sumunod sa mga utos na ito.

Ang mga kanyong handa nang paputukan mula sa Camp Crame sa ilalim ni Baulio Balbas.  Mula sa Breakaway.

Ang mga kanyong handa nang paputukan mula sa Camp Crame sa ilalim ni Baulio Balbas. Mula sa Breakaway.

Imbes na bombahin ang Crame, tumiwalag sila at sumama sa himagsikan.  Mula sa Breakaway.

Imbes na bombahin ang Crame, tumiwalag sila at sumama sa himagsikan. Mula sa Breakaway.

Artemio Tadiar.  Mula sa Mga Tinig ng Himagsikan.

Artemio Tadiar. Mula sa Mga Tinig ng Himagsikan.

Antonio Sotelo.  Mula sa James Reuter Foundation.

Antonio Sotelo. Mula sa James Reuter Foundation.

Braulio Balbas.  Mula sa Mga Tinig ng Himagsikan.

Braulio Balbas. Mula sa Mga Tinig ng Himagsikan.

Ang madalas nating kalimutan, ang totoong mga bayani—ang dahilan kung bakit napilitan ang America na kagyat na paalisin ang Pangulong Marcos, ang dahilan kung bakit naligtas ang mga rebeldeng sundalo sa kampo, ang dahilan kung bakit si Cory Aquino ang naupo bilang pangulo—ang dalawang milyong Pilipino na nakibaka sa EDSA.

Ang taumbayan sa Ortigas, malapit sa Philippine Overseas Employment Administration, kung nasaan ngayon ang Robinson's Galleria.  Mula sa James Reuter Foundation.

Ang taumbayan sa Ortigas, malapit sa Philippine Overseas Employment Administration, kung nasaan ngayon ang Robinson’s Galleria. Mula sa James Reuter Foundation.

Ang taumbayan ng EDSA.  Mula sa Breakaway.

Ang taumbayan ng EDSA. Mula sa Breakaway.

Sabihin na lamang natin, na ang EDSA ay isang jigsaw puzzle.  Kung wala o hindi nangyari ang isa man sa nabanggit, babagsak ang puzzle.  Ngunit, walang himala!  Walang aparisyon ng mahal na birhen!  Kung naghimala man ang Diyos sa EDSA, ito ay ang himala na nangyari sa puso ng bawat Pilipino noong apat na araw na iyon!

Babaeng nananalangin sa Panginoon humaharang sa tangke.  Mula sa James Reuter Foundation.

Babaeng nananalangin sa Panginoon humaharang sa tangke. Mula sa James Reuter Foundation.

Medieval morality play, ang mabuti laban sa masama, ang krus laban sa bala.  Mula sa Nine Letters.

Medieval morality play, ang mabuti laban sa masama, ang krus laban sa bala. Mula sa Nine Letters.

Si Gringo Honasan, Juan Ponce Enrile, Fidel Ramos at ang mahal na birhen.  Mula sa Bayan Ko!

Si Gringo Honasan, Juan Ponce Enrile, Fidel Ramos at ang mahal na birhen. Mula sa Bayan Ko!

Alam nating ang taumbayan ang bayani sa EDSA, ngunit hindi pa ata siya lubos na nananalo at nakikinabang dito.  Nariyan na ang kalayaan, ang tanging dapat gawin ay tuloy-tuloy natin itong gamitin upang bigyan ng ginhawa ang lahat.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(McDonald’s Visayas Ave., 15 February 2013)

Kailangan pang mapakinabangan nang mas nakararami ang Diwa ng EDSA.  Ang demokrasya ay gamitin sa kaginhawaan ng mas nakararami.  Para sa susunod na henerasyon.  Mula sa James Reuter Foundation.

Kailangan pang mapakinabangan nang mas nakararami ang Diwa ng EDSA. Ang demokrasya ay gamitin sa kaginhawaan ng mas nakararami. Para sa susunod na henerasyon. Mula sa James Reuter Foundation.

XIAOTIME, 27 November 2012: NINOY@80

Broadcast of Xiaotime news segment today, 27 November 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ninoy Aquino, the Hero. Photo-montage ng Philippine Daily Inquirer, 21 August 2012.

27 November 2012, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=mdqe8WHB8jg&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Mahalagang pagdiriwang po ang araw na ito!  Ito po ang 80th birth anniversary ni Benigno S. Aquino, Jr. NINOY@80!  Isinilang siya noong November 27, 1932 sa Concepcion, Tarlac.  Ang ama ni Ninoy na si Benigno Sr. ay nanilbihan bilang opisyal sa ilalim ng mga Hapones at binansagang kolaboreytor at taksil sa bayan.  Nag-iwan ito ng mapait na alaala sa batang Ninoy na mahal na mahal ang kanyang ama.  Kaya naging determinado ito na iangat ang pangalang Aquino.

Ang bata at gwapong war correspondent na si Ninoy Aquino sa Korean War, pangalawa mula sa kaliwa. Mula sa Video 48.

Sa kanyang sobrang ambisyon at kayabangan, naging pinakabata sa lahat ng bagay, pinakabatang war correspondent sa Korean War sa edad na 17 at pinasuko ang pinuno ng rebeldeng Huk na si Luis Taruc sa edad na 21.  Naging pinakabatang alkalde, bise gobernador, gobernador at kahit hindi gaanong kilala noong 1967, nangunang senador dahil sa sipag mangampanya gamit ang isang helikopter.  Maaari siyang ituring na tradisyunal na pulitiko.  Gumamit ng guns, goons and gold, isang balimbing, malakas ang charm sa kababaihan.

Si Ninoy Aquino, Tarlakin. Kuha ni Dick Baldovino.

Ngunit masipag, nagbigay ng eksplosibong mga rebelasyon ukol sa sinasabing katiwalian sa pamunuan ni Pangulong Marcos—ang pagiging “Garrison State in the Make” ng pamahalaang Marcos, ang Jabidah Massacre, ang luho diumano ng Cultural Center of the Philippines na proyekto ni Gng. Imelda Romualdez Marcos na ex niyang niligawan, at ang pagsasabatas ng “Study Now, Pay Later.”  Target niyang maging pangulo sa eleksyon ng 1973, ngunit ang brad niyang equally ambitious ay naunahan siya.  Nang ideklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar, si Ninoy ang unang inaresto noong September 22, 1972 at binulok sa kulungan ng pitong taon at pitong buwan.

Pinakulong ni Pang. Marcos ang brad niya sa Upsilon Sigma Phi na si Ninoy.

Nang minsang pinabartolina ni Pangulong Marcos dahil sa kanyang pasaway na pagsulat ng mga artikulo na nalathala sa Bangkok, kanyang kinwestiyon kung totoo ba ang Diyos, at doon din kanyang napagtanto na ang buti sa kanya ng Diyos, bakit nga ba siya malulumbay e nabigyan siya ng lahat ng biyaya sa mundo—mabuting pamilya, pagkakataong makapaglingkod bilang pinakabatang lahat.  At naalala niya si Kristo sa kalbaryo, walang kasalanan ngunit inalay ang pagdurusa para sa kaligtasan ng mundo.  Sino ba naman siya?  Naisip niya.

Si Senador Ninoy Aquino at anak na si Kristina Bernadette. Mula sa Ninoy: the Willing Martyr ni Alfonso Policarpio.

Kaya naman mula noon nagkaroon ng pagbabagong puso si Ninoy at minsang sinabing, “While it’s true Mr. Marcos, I sad, that after eight years in prison I have lost appetite for office, I am no longer seeking the presidency of this land, I am not seeking anymore any office in this country, but believe me, I said when I tell you, that while I have vowed never to enter the political arena again, I shall dedicate the last drop of my blood to the restoration of freedom and the dismantlement of your Martial Law.”  Naging bayani na sumama sa paghihirap ng bayan, ipinakita ang sinseridad nang hindi kumain ng 40 days bilang pakikibaka sa diktadura.

Si Ninoy, malaking mama na pumayat nang mag-hunger strike ng 40 araw dahil sa kalokohang paglilitis militar laban sa kanya. Koleksyong Dante Ambrosio sa Sinupang Xiao Chua.

Nang payagang umalis papuntang Amerika upang magpagamot, ito na marahil ang pinakamasayang tatlong taon nila niya bilang ama at asawa kay Cory, ngunit iniwan niya ang lahat ng ito sa paniniwalang may magagawa siya upang makausap si Pangulong Marcos, udyukin si Hesukristo sa puso ni Marcos, upang ibalik ang demokrasya.  Sa kanyang pagkamartir sa tarmac noong 1983, ipinakita niya na ang mayabang pulitiko noon ay maaari rin palang mag-alay ng buhay para sa bayan.

Pagkamartir ni Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport, August 21, 1983.

Dalawang milyon ang nakipaglibing kahit na bawal, inspirasyon sa mga pinuno natin, magbago na tulad ni Ninoy at nang malasap niyo ang pagmamahal ng sambayanan!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Trellis, Kalayaan, 14 November 2012)

Si Ninoy Aquino sa morge ng ospital ng Fort Bonifacio, 21 August 1983. Mula sa Ninoy: Ideals and Ideologies.

XIAOTIME, 26 November 2012: TANGKANG PAGPASLANG KAY PAUL VI SA MAYNILA

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 26 November 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Napigilan ng Sekretaryo ng Papa na si Msgr. Pasquale Macci si Benjamin Mendoza Y Amor ng Bolivia na patayin ang Santo Papa Paul VI. Si Pangulong Marcos ay nasa pinakadulong kaliwa. November 27, 1970 (United Press International).

26 November 2012, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=G3lubxPLK4A&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  42 years ago bukas, November 27, 1970, nang dumating si Pope Paul IV sa Maynila para sa Conference of Asian Bishops.  Ang tatlong araw na pagbisita sa Pilipinas, ay bahagi ng paglalakbay sa Asya, ang pinakamahaba at pinaka-nakahahapo sa pitong taon na niyang papasiya.  Ngunit lingid sa alaala ng marami, nauwi sana ang pagbisita sa isang makasaysayang trahedya.  Paano???  Sa pagbaba ng papa sa eroplano habang binabati ang mga sumasalubong sa kanya, bigla na lamang siyang nilapitan ng isang mamang nakasuot pari.  Nang lumuhod at hinalikan ni Stephen Cardinal Kim ang kamay ng santo papa, binitawan din ng mama ang krusipiho, nilabas ang kanyang ten inch na patalim at inundayan ng saksak ang papa.  Napunit ang kapa ng cardinal at dumugo ang kanyang kamay.  Nagulat ang papa ngunit matapang na nakabalik sa ulirat.

Banjamin Mendoza

Nailayo agad ang sumaksak na napag-alam na isa palang Bolivianong pintor na si Benjamin Mendoza, isang ateo na naniniwalang ang relihiyon ang ipokrisiya kaya kailangan niyang saktan ang papa.  Ngunit paano nga ba nakaligtas ang Santo Papa?

Si Paul VI at ang mga Marcos . Larawan mula sa Marcos Presidential Center.

Kinagabihan, sinulat ni Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang diary, “This has been an eventful day, I probably saved the life of Pope Paul VI, five to ten minutes after his arrival.”  Paano???  Ayon kay Pangulong Marcos nagbigay siya ng karate chop sa kamay ni Mendoza na naging dahilan para mabitawan niya ang patalim.  Itinulak rin niya ang papa ng makalawang beses at sinalo siya ni Gng. Imelda Marcos.  Nang ilabas ni Marcos ang balita, nagduda ang mga peryodista kaya lumabas minsan ang pangulo na may benda sa kanang kamay at dahil daw sa karate chop ay muling sumakit ang kanyang sprain sa palad.  Walang makasigurado kung ano ang totoo sa bilis ng pangyayari.  Sa totoo lang kahit sa mga bidyo ng pagtatangka hindi maliwanag ang lahat sa dami ng tao.  Iba-iba rin ang sinasabi ng mga peryodiko.  Ayon sa New York Times, ang ibispo ng Malaysia na si Anthony Dennis Galvin na anak ng isang pulis na Irlandes ang nakapigil kay Mendoza.  Sa ebidensyang larawan na ito, ang sekretaryo ng papa na si Monsignor Pasquale Macchi ang makikitang pumagitna sa papa at kay Mendoza at tinulak ang pintor palayo.  Naglabas ng pirmadong affidavit si Mendoza na nagsasabing ang Pangulong Marcos ang pimigil sa kanya.  Ilang taon siyang nakulong sa Bilibid at ibinalik sa Bolivia kung saan hindi na siya matunton.  Si Paul VI ang unang “pilgrim” Pope na naglakbay sa labas ng Italya sa makabagong panahon.  Ngunit, ang paglalakbay sa Asya na ito noong 1970 ang kanyang magiging huli.

Si Paul VI kasama si Macci sa Maynila.

Sa matagal na panahon, siya rin ang unang papa na pinagtangkaan ang buhay.  Noong 1995, pinagtangkaan din ng Al Qaeda si John Paul II nang bumisita ito sa Pilipinas, naagapan lamang ng ating mga awtoridad.   Nang mamatay si Paul VI noong 1978, may natagpuan na dalawang saksak sa kanyang dibdib.  Itinago niya pala ito upang iligtas sa parusang kamatayan ang nagtangka sa kanya.  Anuman ang totoo, ayon sa pangulo, “I feel that I have been an instrument of God in saving the life of the Pope.”  Nadama niyang may dahilan ito, na itinadhana siya ng Panginoon na “iligtas” din ang bansa.  Kaya ipinataw niya ang Batas Militar noong September 21, 1972.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(DLSU Manila Library, 21 November 2012)

XIAOTIME, 19 November 2012: Istorya sa Likod ng MANILA FILM CENTER

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 19 November 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pagguho ng Manila Film Center, 17 November 1981, kuha ng GMA News

19 November 2012, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=JkITPw4SYxw&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  31 years ago noong Sabado, November 17, 1981, bandang alas tres ng madaling araw, nang gumuho ang ginagawang Manila Film Center na proyekto ng dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos.  Sinasabing hanggang ngayon marami pa rin daw na katawan na nakalibing doon at nagmumulto sila?  Huh?

Sino kaya ang nagsulat ng mga nakasulat sa pader ng hindi napupuntahang bahagi ng Manila Film Center, at kaninong anino ito? Kay Howie Severino, sa kanyang dokumentaryong “Multo ng Nakaraan.”

Liwanagin natin.  Noong 1981, hiniraya ni Gng Marcos na magkaroon ng isang sinupan na mag-iingat ng mga pelikula sa Pilipinas at magtataguyod din ng masining na paggawa nito.  Si Arkitekto Froilan Hong ang nagdisenyo nito na inspired ng Parthenon sa Athens, Greece at nagkakahalaga ng tinatayang Php 200 Milyon.

Parthenon sa Atenas, Gresya

Sinasabing nais ni Gng. Marcos na maging “Cannes of Asia” ang Maynila at ninais raw niya na maglagay ng white sand sa bahagi ng CCP Complex upang makumpleto ang ilusyon.  Araw-gabi na trabaho upang madaliin ang gusali para umabot sa pagbubukas ng Manila International Film Festival o MIFF noong January 18, 1982.  Hindi pa gaanong natutuyo ang semento, naglalagay muli ng bagong palapag ang mga trabahador.

Noong madaling araw ng November 17 1981, gumuho ang bandang bubungan ng tinatayong gusali, natabunan ng sementong madaling matuyo maging ang ilang mga bata dahil may mga pamilya pala na nakatira doon.  Kinordunan ang eksena at maging ang mga ambulansya at nakapasok lamang matapos ang siyam na oras.

Sinasabing ang supervisor ng proyekto ay nag-utos “pour the cement” sa bangkay ng mga biktima at kahit ang mga hindi mabunot ay lagariin na lamang dahil ayaw maantala ng Unang Ginang ang pagpapatayo ng gusali.  Ayon sa opisyal na tala na lumabas sa mga dyaryong kontrolado ng rehimen, 25 lang ang namatay kabilang ang isang inhinyero, na si Benigno G. Aquino.  Hanep ang nilabas pang pangalan kapangalan pa ng kalaban ni Pangulong Marcos!  Ayon kay Gng. Marcos mismo, “…may nabaon na ilang taon doon, pero hindi totoo na meron kaming iniwan na patay d’yan.  Yan naman Diyos ang may alam.  Maski natin hukayin piece by piece, stone by stone d’yan, ni isang buto ng tao wala d’yan naiwan.  Totoo ‘yan.  I will never do that.”  Ang tunay na taya ay 168 ang nasawi, ang mga katawan ng marami sa mga ito ay sinunog sa tabing-dagat.  Matapos ang trahedya, hinarang ni Prime Minister Cesar Virata ang pagpapalabas ng karagdagang $ 5 Milyong pondo para sa MIFF.  Trenta minutos bago ang inaugural program naglalagay pa rin ng mga silya.  Ang mga damo ay kinulayan ng berde na dumikit naman sa gowns ng mga bisita.  Sa sumunod na taon 1983, flopchina na ang MIFF kaya pinayagan na rin ang mga experimental films o mga pelikulang hubaran.  Nakilala ang MIFF bilang Manila International Fighting Fish, Fighting Fish ay kolokyal na ekspresyon para sa torohan noon.  Pero in fairness maaari ngang totoo ang sinasabing wala ngang naiwan na patay doon.  Nang ilabas ni Howie Severino ang dokumentaryo niya ukol sa trahedya, “Multo ng Nakaraan” noong 2005, nanawagan siya para sa mga taong may kamag-anak pa na nabaon sa Film Center, walang tumugon.  Wala rin naming nagtitirik ng bulaklak doon tuwing Todos Los Santos.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 14 November 2012)

XIAOTIME, 14 November 2012: KABATAAN ANG GAGAWA NG KASAYSAYAN

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 14 November 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

14 November 2012, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=_im1rsC0SPQ&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ang episode na ito sa aking kaibigan at housemate na si Joshua Duldulao.  Sa December 17, 2012, inanyayahan niya akong maging tagapagsalita para sa paksang “Learning from Our Heroes” na isa sa magbubukas sa National Youth Development Summit o N-Y-D-S ng Kaakbay Youth Development Initiatives na gaganapin sa Silliman University sa Dumaguete City na may temang “Reclaiming the past, imagineering the future.”  Magiging kasama kong tagapagsalita sina Tony Meloto, Liling Briones, Etta Rosales, Erin Tañada, Anna Oposa, Bam Aquino, Juana Change, Sherwin Gatchalian at marami pang iba at tatalakayin dito ang apat na pangunahing mga isyu:  Accountability in Public Finance, Environmental Accountability, Idealism, at Nationalism.  Sinasabing ito ang “most holistic youth development conference in the Philippines yet.”  Ito po ay endorsado na ng DILG para sa mga SK leaders, ng DepEd at ng CHED.  Para sa karagdagang impormasyon, puntahan ang http://www.nydsph.org.  Magkita-kita po tayo doon.  Pero nasaan na nga ba tayong kabataan na sinasabi ni Rizal na pag-asa ng bayan.  Wala daw tayong pakialam, wala daw tayong inatupag kundi ang pagkahumaling sa kulturang kanluranin at sa kanilang mga video games.

Si Rizal, obra maestra ni RC Mananquil

Sa kanyang El Filibusterismo tila kinakausap pa rin tayo ng ating National Hero, “A, kayong kayo bago pa man dumating ang inyong kamatayan!”  Bahagi ng aking talk ang pagpapakita mga kabataan! Nanaginip pa rin kayo! …Gusto n’yong maging mga Kastila din kayo, pero hindi n’yo nakikitang ang pinapatay n’yo ay ang inyong pagkabansa! Ano ang inyong magiging kinabukasan? Isang bansang walang pagkatao at kalayaan? Lahat sa inyo ay hiniram, pati na ang inyong mga depekto. Mamamatay ng mga patunay na hindi hadlang ang pagiging kabataan upang paglingkuran ang bayan.  Huh???  Paano maglilingkod, e bata pa, wala pang kapangyarihan, wala pang kayamanan?  Paano???  Liwanagin natin.  137 years ago ngayong araw, November 14, 1875, isinilang si Gregorio del Pilar sa San José, Bulacan.  Nang ipagtanggol niya ang Republika ng Pilipinas mula sa mga Amerikano sa Tirad Pass, Ilocos Sur noong December 2, 1899, ang kanyang edad:  24 years old.

Gregorio del Pilar

Nang ipalimbag ni Rizal ang kanyang unang nobela, ang Noli Me Tangere na naglantad ng mga pang-aabuso ng kolonyal na sistema, ang kanyang edad:  26 years old.  Nang isulat ni Emilio Jacinto ang Kartilya ng Katipunan na naging batas at doktrina ng mga Anak ng Bayan, ang kanyang edad: 18 years old.

Emilio Jacinto

Nang binusalan ang malayang media sa panahon ng diktadura, ang Philippine Collegian na pinamatnugutan ni Abraham “Ditto” Sarmiento, Jr. ang naglabas ng katotohanan.

35 years ago rin ngayong araw na ito, November 14, 1977, namatay si Ditto sa edad na 27 years old sa sakit sa puso, epekto ng kanyang pagkakakulong ng ilang buwan sa mga kampo militar noong 1976.

Inuudyukan tayong mga kabataan ng ating mga bayani na gamitin ang ating talento at hilig upang ma-inspire din ang iba pa na paglingkuran ang sambayanan, tulad ng iniwang mga bilin sa atin ni Ditto, “Kung hindi tayo kikibo, sino ang kikibo?  Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos?  Kung hindi ngayon, kalian pa?”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Hall, DLSU Manila, 8 November 2012)

FM DECLARES MARTIAL LAW: You Saw The Most Famous Headline in Philippine History, Now Read The Rest

Xiao Chua talks about the day Martial Law was proclaimed and shows his personal copy of the most famous headline in Philippine History (Courtesy of The Lasallian).

Daily Express, 24 September 1972: The most famous headline in Philippine History. Now read the rest of the paper scanned from photocopies of the original in the possession of Michael Charleston “Xiao” Chua.  The original I bought for only Php 150.00 when I was still in college in a thrift shop near the Cubao post office now demolished.  Personally signed by First Lady Imelda Romualdez Marcos in 2005.  Download and use but please cite me whenever possible. Thanks.

Published in WordPress to commemorate the 40th anniversary of the headline on the Proclamation of Martial Law, in the service of Filipino teachers and history enthusiasts.

WHY SEPTEMBER 23, WHY NOT 21?  Read this by Manolo Quezon:  http://www.gov.ph/featured/declaration-of-martial-law/

THE DAY MARTIAL LAW WAS PROCLAIMED, read this by Rod Vincent Yabes:  http://www.philstar.com/Article.aspx?articleid=401934

Image

Image

Image

Image

Image

Image

Image

Image

Image

Image

Image

Image

Image

Image

Image

Image

Xiao Chua, with the most famous headline in Philippine History, 203 Yakal Residence Hall, UP Diliman, December 2003

XIAOTIME, 20 September 2012: HINDI LANG SI NINOY (Mabuting dulot ng Batas Militar)

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 20 September 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang mga bayani ng People Power noong Pebrero 1986, kuha ni Patrick Uy

20 September 2012, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=tVQk2QRs5OM&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  May maganda bang naidulot ang Martial Law liban sa mga imprastraktura, OPM at mga love bus?  Mayroon.  Dumami ang mga bayani.  Akala ng iba, si Ninoy Aquino lang ang lonely hero noong Martial Law na ipinataw 40 years ago, na nagsimula lamang ang People Power nang mapaslang siya noong 1983.  Unfair ito sa napakaraming nakibaka at nagbuwis ng buhay.  Unfair ito mismo kay Ninoy, na noong nasa kulungan pa lamang ay sinamahan ang bayan sa paghihirap at pakikibaka nang ito ay hindi kumain ng 40 days!  Dalawang buwan pagkatapos pa lamang ipataw ang Martial Law, mayroon nang nagpupukpok ng mga tray sa mga kantina ng UP Diliman bilang protesta; Noong 1976, nanalo na ang mga unyonista sa La Tondeña sa isang strike.  Naglabas na ang “Philippine Collegian” editor na si Ditto Sarmiento ng edisyong “Kung Hindi Tayo Kikilos Sino ang Kikilos, Kung Hindi Ngayon Kailan Pa” nang bumisita sa UP ang pangulo.  Kahit walang fb at twitter, nagdidikit na ang mga estudyante ng mga slogan at nagpapakalat ng mga mimeo ng pakikibaka kahit baka sila mahuli o mapatay.  Nag-oorganisa na ang mga taga-Tondo pati ang mga taga-Kalinga.  Isinusulat na nila Lino Brocka, Behn Cervates, Freddie Aguilar at APO Hiking Society ang kanilang mga likhang-sining pamprotesta,  magiging aktibo ang mga abogado at mga pulitiko tulad nina Tañada, Diokno, Saguisag, at iba pa sa pagtulong sa mga biktima ng Human Rights Violations kasama ang Kardinal Arsobispo ng Maynila, mga madre, pari at mga imam.  Si Chino Roces ay haharap pa rin sa tear gas at mga tubig ng bumbero sa kabila ng kahinaan at katandaan.  Nang mamatay si Ninoy, doon na sumama ang mga middle class, mayayaman at iba pang sektor, pero naihanda ang ang daan.  Bayani kayong milyong-milyong taong nakipaglibing kay Ninoy, nakipagprotesta, nakimeron at nakisigaw sa People Power kasama ang inyong mga anak.  May maganda bang naidulot ang Martial Law?  Oo, nalaman natin na puwede palang magkaisa ang mga Pilipino gamit ang iba’t iba nilang talento at kakayahan para tapusin ito noong 1986.  Sana, ang mga talentadong Pinoy ay magkaisa muli para bigyang ginhawa ang bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, 14 September 2012)

XIAOTIME, 19 September 2012: ISANG DAKOT, Ekonomiya Noong Martial Law

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 19 September 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Pope John Paul II kasama ang kanyang sekretaryang si Stanislaw Dziwisz at ang mag-asawang Marcos sa Manila International Airport noong Pebrero 1981.  Larawan mula sa: http://www.juice.ph/cms_images/3882/feb1981manillaairportph3ph.jpg

19 September 2012, Wednesday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! Sumikat sa MetroPop noong Nineteen Eighties ang “Isang Dakot.” Ano ang nag-inspire kay Vehnee Saturno na isulat ang lyrics nito? Sagot: Nang bumisita kasi si Blessed John Paul II sa Pilipinas noong 1981, nakita niyang nagsulputan ang mga malalaking puting pader sa ruta na kanyang dadaanan. Ikinukubli sa likod nito ang mga maralitang tagalungsod at ang ating kahirapan! “…Isang dakot na gunita ang bulong ng isang dukha / Na humihingi sa tulad mo, sa tulad mong ganap ang karangyaan / Ba’t di bigyan? Tapunan mo ng pagtingin na’ng langit ay ‘di magdilim.” May mga nagsasabi na mas ok ang ekonomiya noong Martial Law: Totoo naman, ang daming naipatayong kalsada at tulay na hanggang ngayon pinakikinabangan natin. Pasasalamatan mo si Imelda kapag kahit na mahirap ka makapagpagamot ka pa rin sa kanyang Heart Center. Ngunit ang naaalala natin ay ang ganda ng ekonomiya noong mga unang taon ng Martial Law. Pero lomobo ang bilang ng mga walang trabaho 6.25 % noong 1972 hanggang 11.058 % noong 1985. Ang poverty incidence naman ay 41% noong 1965 hanggang 58.9% noong 1985. Ang utang panlabas natin na 360 Milyong dolyar nooog 1962 ay lumaki hanggang 28.3 Bilyong dolyar noong 1986, at naging isa sa topnotcher na utangero sa Asya. Mula 3.9 piso sa dolyar sa pagsisimula ng rehimen noong 1965, ang palitan ay naging anim na piso sa isang dolyar matapos gumastos ng pera ng bayan sa pinakamaruming halalan sa bansa noong 1969. Pagdating ng 1986, 19.030 pesos na ang isang dolyar. At ito ang malala, ang inflation rate ay tumaas mula 10 % noong 1983 hanggang 50 % noong 1984, ang pinakamataas na infalation rate mula pa noong digmaan. Habang naagaw sa mga Marcos sa kanilang pag-alis sa bansa ang 24 na maleta ng ginto, diamante sa mga diaper, at sa palasyo naiwan ang libo-libong sapatos ng Unang Ginang. Bakit hindi alam ito ng mga magulang natin? Kasi naman teh, epektibong naitago ito ng sensura at mga puting pader. Aminin! Hanggang ngayon, sobra atang natuto ang mga opisyal natin mula sa style ng Martial Law, naglalagay pa rin ng puting pader upang ikubli ang kahirapan. Chong, maawa naman kayo sa bayan, isang dakot man lang. Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, 14 September 2012)