IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Month: January, 2013

XIAOTIME, 31 January 2013: JOSEFA LLANES ESCODA AT ANG MGA PASAWAY NA BABAE NOONG DIGMAAN

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 31 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Josefa Llanes Escoda, tagapagtatag ng Girl Scouts of the Philippines

Josefa Llanes Escoda, tagapagtatag ng Girl Scouts of the Philippines

31 January 2013, Thursday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  68 years ago ngayong araw, January 31, 1945, naging martir si Josefa Llanes Escoda sa ilalim ng mga Hapones.  Siya ang guro na pangunahing social worker ng kanyang panahon.  Itinatag niya ang Girls Scouts of the Philippines noong 1940 at naging pangulo ng Women’s Clubs of the Philippines noong panahon ng digmaan.

 

Isang kasapi ng Girl Scouts of the Philippines na nanunumpa gamit ang Scout Sign.

Isang kasapi ng Girl Scouts of the Philippines na nanunumpa gamit ang Scout Sign.

 

Ngunit bakit siya pinatay ng mga Hapones???  Siya kasi at ang kanyang mister na si Col. Antonio Yangzon Escoda ay nagpapasaway sa mga Hapones na pulis na tinatawag na Kempei-tai.  Nagpupuslit sila ng mga tulong na salapi, gamot at mga liham sa mga taong sumama sa Death March at sa mga detenido ng mga prisoner-of-war camps ng mga Hapones sa Capas at Cabanatuan.

Ang pamilya Escoda.  Mula sa Warsaw of Asia:  The Rape of Manila.

Ang pamilya Escoda. Mula sa Warsaw of Asia: The Rape of Manila.

Col. Antonio Yangzon Escoda.  Mula sa Warsaw of Asia:  The Rape of Manila.

Col. Antonio Yangzon Escoda. Mula sa Warsaw of Asia: The Rape of Manila.

Nahuli sila ng mga Hapones ilang buwan bago matapos ang digmaan.  Ang gerileyero niyang asawa ay tinortyur at binitay noong November 1944.  46 years old lamang si Josefa nang makulong.  Sinasabing sa Fort Santiago, sa Lumang Bilibid at sa Far Eastern University.  Huli siyang nakitang sumasakay sa isang trak kasama ng iba pang bihag na matindi ang kasalanan sa Hapones.  Tatlong araw bago dumating ang mga Amerikano sa Maynila, January 31, 1945, pinaniniwalaang pinugutan siya ng ulo ng mga Hapones sa North Cemetery sa La Loma sa pamamagitan ng katana, ang kanilang espada.

Jose Abad Santos, Vicente Lim at Josefa Llanes Escoda sa ating new generation bills na isanlibong piso.

Jose Abad Santos, Vicente Lim at Josefa Llanes Escoda sa ating new generation bills na isanlibong piso.

Dahil sa kanyang dakilang kabayanihan, isinama siya sa tatlong bayani ng digmaan na nasa ating isanlibong perang papel kasama ng gerilyerong si Vicente Lim na pinaniniwalaang pinugutan kasama niya, at si Chief Justice José Abad Santos na pinatay ng mga Hapones sa pagtanggi na makipagtulungan sa kanila.  Ang kanilang mga bangkay ay hindi na natagpuan.  Kinatawan din ni Josefa Llanes Escoda ang iba’t ibang papel ng babae sa digmaan.  Ang 1935 Miss Philippines na si Conchita “Tita Conching” Sunico at Helena Benitez ng Maynila, at Josefa Capistrano ng Mindanao, katulad ni Escoda, ay tumulong sa mga sundalong Pilipino at Amerikano sa pagbibigay ng pagkain at kalinga sa kabila na ito ay ipinagbabawal ng mga Hapones.

Tita Conching Sunico

Tita Conching Sunico

Helena Benitez

Helena Benitez

Josefa Capistrano.

Josefa Capistrano.

Habang ang mga katulad naman nina Magdalena Leones, Remedios Gomez Paraiso alias Commander Liwayway ng Tarlac at Pampanga, Celia Mariano-Pomeroy, Yay Panlilio-Agustin, at si Simeona Punzalan, ang six-footer na babaeng amasona na may alias na Kumander Guerrero.

Magdalena Leones

Magdalena Leones

Remedios Gomez Paraiso.  Mula sa Singsing.

Remedios Gomez Paraiso. Mula sa Singsing.

Celia Mariano-Pomeroy

Celia Mariano-Pomeroy

Yay Panlilio-Agustin

Yay Panlilio-Agustin

Simeona Punzalan.  Mula sa Singsing.

Simeona Punzalan. Mula sa Singsing.

Ang food technologist na nag-imbento ng banana ketchup na si Maria Orosa ay nag-imbento pa ng pagkain para sa mga bihag at nag-ambag pa sa gawaing gerilya.  Maging ang Haponesang nakapangasawa ng Pinoy, na si Masay Masuda Almazan, ay tumulong na mailigtas ang napakaraming buhay mula sa kalupitan ng mga Hapones sa San Narciso, Zambales.

Masay Masuda-Almasan.  Mula kay Celia Bulan.

Masay Masuda-Almasan. Mula kay Celia Bulan.

Maria Orosa

Maria Orosa

Ang mga pasaway na babae na katulad nila ang nagpapakita na walang pinipiling kasarian ang pagmamahal sa bayan.  Mabuhay kayong lahat na mga Lola Beterana!!!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 26 January 2013)

"Bataan" Obra-Maestra ni Fernando Amorsolo.  Nakasabit sa Judge Guillermo B. Guevara Memorabilia sa Main Library ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman.  Mula sa Philippine History and Art.

“Bataan” Obra-Maestra ni Fernando Amorsolo. Nakasabit sa Judge Guillermo B. Guevara Memorabilia sa Main Library ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Mula sa Philippine History and Art.

XIAOTIME, 30 January 2013: ANG BATTLE OF MENDIOLA NOONG REHIMENG MARCOS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 30 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang mga aktibista sa mismong bukana ng Palasyo ng Malacanan noong Battle of Mendiola, January 30, 1970.  Mula sa Delusions of a Dictator.

Ang mga aktibista sa mismong bukana ng Palasyo ng Malacanan noong Battle of Mendiola, January 30, 1970. Mula sa Delusions of a Dictator.

30 January 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=GXatwgaeX3Q

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  43 years ago, January 30, 1970, apat na araw matapos ang madugong pagbaklas sa rally ng kabataan sa lumang Kongreso matapos ang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos, naganap ang tinatawag na “Battle of Mendiola,” bahagi ng tinatawag na First Quarter Storm.  Isa sa pinakamadugong demonstrasyon na nangyari sa Pilipinas.  Mababasa ang kwento ng First Quarter Storm sa aklat na Days of Disquiet, Nights of Rage ni Jose “Pete” Lacaba.

Jose "Pete" Lacaba a.k.a. Ruben Cuevas kasama si Xiao Chua

Jose “Pete” Lacaba a.k.a. Ruben Cuevas kasama si Xiao Chua

Noong araw na iyon, inimbitahan ni Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malacañan sina Edgar Jopson, ang pinuno ng moderatong aktibistang National Union of Students of the Philippines (NUSP) at Portia ilagan ng National Students’ League (NSL) para sa isang dayalogo.

Edgar Jopson.  Mula sa U.G.

Edgar Jopson. Mula sa U.G.

Ayon sa pangulo, may karapatan raw ang mga estudyante na magpahayag ng kanilang mga hinaing sa publiko at sa totoo lang suportado niya ang kanilang mga makatwirang mga kahilingan.  Ngunit, nang himukin ni Edjop ang pangulo na pumirma ng isang nakasulat na kasunduan na hindi na siya tatakbo para sa ikatlong termino kahit na mabago ang Saligang Batas, na kanyang iwinasiwas sa harapan ng pangulo, sumagot si Marcos, “Who are you tell me what to do! You’re only a son of a grocer!”

Ang pagpupulong nina Marcos at Edjop at mga kasama.  Mula sa U.G.

Ang pagpupulong nina Marcos at Edjop at mga kasama. Mula sa U.G.

Si Edgar Jopson habang iwinawasiwas sa harapan ng pangulo ang kasunduan.  Mula sa Batas Militar.

Si Edgar Jopson habang iwinawasiwas sa harapan ng pangulo ang kasunduan. Mula sa Batas Militar.

Upang hupain ang tensyon, sumabat si Portia, “Tingling!  Ops, break muna!  Break!”  Bago magpatuloy ang pulong, sinabihan si Marcos na kailangan na nilang lumisan dahil may nangyayari na sa labas.  Alas seis na noon ng gabi.  Matapos na mapayapang magwakas ang demonstrasyon sa harap ng lumang kongreso upang iprotesta ang mga naganap apat na araw ang nakalilipas, ang mga radikal ay hindi umuwi, bagkus dumiretso sa Mendiola patungo sa mismong Gate [6] ng Palasyo ng Malacañan, sumisigaw ng “Makibaka! Huwag matakot!” at “Sigaw ng Bayan, Himagsikan!”  Sa pagdilim, hiniling ng mga estudyante na “Sindihan ang ilaw!”  Nang sindihan ito ng palasyo, isa-isa na lamang itong binasag ng mga raliyista sa pamamagitan ng mga bato at pamalo.  May mga nagsasabi naman na aktibista na may mga batong nagmumula sa direksyon ng palasyo kaya gumanti sila at nakipagbatuhan na rin.  Hindi lang bato ang itinapon ng mga raliyista kundi mga pill boxes at Molotov cocktails.

Mula sa U.G.

Mula sa U.G.

Sina Edjop ay isinakay sa bangka sa likod ng palasyo, hindi na nakabalik sa kotse niyang sinunog na ng mga raliyista.  Nang isang trak ng bumbero ang nagtangkang bombahin sila ng tubig upang ma-disperse ang mga kabataan, inagaw nila ang trak, ni-liberate ito at ibinundol sa gate.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

At sa pagbukas nito, tumahimik daw ang lahat.  At doon narinig ang sunod-sunod na putok mula sa Presidential Guard Batallion.  Daan-daang estudyante ang bumagsak, apat ang namatay.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Naghabulan ang mga awtoridad at ang mga raliyista hanggang sa mga nakapaligid na mga erya, Azcarraga (Recto), Divisoria at España at umabot ng madaling araw.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Si Jerry Barican habang tinutulungan ang isang sugatan.  Mula sa Not on Our Watch.

Si Jerry Barican habang tinutulungan ang isang sugatan. Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Mula sa Not on Our Watch.

Ito ang climax ng Sigwa ng Unang Kwarto ngunit hindi ito ang huling pag-aalsa ng kabataan.  Ayon sa ilan, ang mga estudyanteng radikal ang may kasalanan sa nangyari, sabi naman ng iba, binuyo talaga ni Marcos ang mga pangyayari upang magkaroon ng dahilang maghigpit.  Marahil, pareho nilang ninais mangyari ito.  Anuman, binago ng mga pangyayari ang kasaysayan.  Tutungo na ang bansa sa dilim ng Batas Militar.  Binago rin nito ang buhay ng marami katulad ng moderatong si Edjop na kinaiinisan ng mga radikal.

Si Edjop matapos mahuli noong June 17, 1979.  Mula sa U.G.

Si Edjop matapos mahuli noong June 17, 1979. Mula sa U.G.

Sumama rin siya sa mga radikal upang ipaglaban ang kalayaan.  Natugis siya at pinatay ng mga militar sa Davao noong 1983.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 26 January 2013)

XIAOTIME, 29 January 2013: SULTAN KUDARAT, Isang Mandirigmang Magiting, Matalino, at Matapang

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 29 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Sultan Dipatwan Kudarat.  Mula sa Mga Dakilang Pilipino ng National Historical Commission of the Philippines.

Sultan Dipatwan Kudarat. Mula sa Mga Dakilang Pilipino ng National Historical Commission of the Philippines.

29 January 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=oO5wSqAH4MM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  38 years ago ngayong buwan, January 1975, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand E. Marcos si Sultan Mohammed Dipatwan Kudarat bilang isang bayani, hindi lamang ng mga taga-Mindanao, kundi ng buong bansa.

Nasa disenyo ng selyong ito sa karangalan ni Sultan Kudarat ag disenyo ng dekorasyong ipinangalan sa kanya.  Mula sa Mga Dakilang Pilipino ng National Historical Commission of the Philippines.

Nasa disenyo ng selyong ito sa karangalan ni Sultan Kudarat ag disenyo ng dekorasyong ipinangalan sa kanya. Mula sa Mga Dakilang Pilipino ng National Historical Commission of the Philippines.

Kasabay nito, upang makilala ng buong bayan, naglabas ng selyo na nagtataglay ng kanyang imahe.  Isang dekorasyon o gawad ang ipinangalan sa kanya ang Order of Kudarat.  Isang probinsya din ang ipinangalan sa kanya at isang monumento sa kanyang karangalan ang ipinatayo sa puso ng Makati Central Business District.

Ang monumento para kay Sultan Kudarat sa harapan ng Kapitolyo ng Lalawigan na nakapangalan sa kanya.

Ang monumento para kay Sultan Kudarat sa harapan ng Kapitolyo ng Lalawigan na nakapangalan sa kanya.

Monumento para kay Sultan Kudarat sa Ayala Triangle, Lungsod ng Makati.

Monumento para kay Sultan Kudarat sa Ayala Triangle, Lungsod ng Makati.

Paano ba naging bayani si Sultan Kudarat.  Si Kudarat ay isinilang noong 1580 at nang mamatay ang kanyang bayaning ama na si Sultan Buisan ng Maguindanao noong 1602, ang batang Kudarat ay hinirang na humalili sa kanya.  Noong 1619, ganap siyang nanungkulan bilang sultan.  Ang tawag sa kanyang ng mga Espanyol ay Cachil Corralat, at nakilala nila bilang isang mandirigmang magiting, matalino at matapang at kinilala siya bilang tunay na pinuno ng mga Muslim sa Maguindanao.   Sa ilalim ni Kudarat, patuloy at malayang nakipagkalakalan ang mga Tsino at iba pang bansa sa kanila at patuloy na nakapangolekta ang mga magigiting na mandirigma niyang Lutao ng mga buwis.  Ang kanyang hukbong may dalawang libong kawal ay naging matagumpay sa pakikidigma sa mga Espanyol.

Ang pagtindig ni Sultan Kudarat sa Lamitan.  Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Ang pagtindig ni Sultan Kudarat sa Lamitan. Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Ngunit noong 1637, nakaranas siya ng pagkatalo sa Lamitan sa itinuturing na pinakamadugong labanan na namagitan sa mga Muslim at mga Espanyol sa Pilipinas.  Nasugatan siya sa isa niyang bisig at nang mapagtanto na matatalo din sila sa laban na ito, nagpasya siyang lumikas.  Ngunit hindi niya matagpuan ang kanyang mag-ina.  Ang kanya palang asawa, kilik sa dibdib ang kanilang sanggol na anak ay tumalon sa bangin kaysa maging bihag ng Espanyol.

Ang pagtalon ng mag-ina ni Sultan Kudarat sa Lamitan upang hindi mabihag ng mga Espanyol.  Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Ang pagtalon ng mag-ina ni Sultan Kudarat sa Lamitan upang hindi mabihag ng mga Espanyol. Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Sa kabutihang palad, ang mag-ina ni Kudarat ay sumabit sa isang puno at nakaligtas!  Dalawang beses na ninais makipagkasundo ng mga Espanyol kay Kudarat dahil hindi talaga siya mahuli-huli.  Ngunit dahil sa nakikita niyang pang-aabuso ng mga Espanyol, hindi niya tinupad ang mga kasunduan na ito at kinausap ang ibang mga datu na tumiwalag na sa mga Espanyol.  Noong 1663, pansamantalang nilisan ng mga Espanyol ang pulo ng Mindanao dahil hindi tumigil sa paglaban si Kudarat.  Namatay siya noong 1671 sa edad na 90 years old.  Ang panahon ni Kudarat ang nagpakita sa atin na sa kabila ng pananakop ng mga Espanyol may mga pinili na hindi magpasakop, manatiling malaya at may dangal!  Kailangan ng ating bansa ng mga pinunong katulad ni Sultan Kudarat, may political will at may dangal, upang pagkaisahin tayo itayo ang ating bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiaotime.

(Pizza Hut Technohub, 24 January 2013)

XIAOTIME, 28 January 2013: JULIAN FELIPE, ANG KOMPOSITOR NG PAMBANSANG AWIT

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 28 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Julian Felipe

Julian Felipe

 

28 January 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=ynyNkSIWnYg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  152 years ago ngayong araw, January 28, 1861, isinilang si Julian Felipe, ang inatasan ni Heneral Emilio Aguinaldo na gumawa ng isang martsa para sa pagpoproklama ng kasarinlan o independencia matapos ang napipintong pagtatagumpay ng himagsikan laban sa mga Espanyol.  Nagkita sina Aguinaldo at Felipe sa Calle Arsenal sa Cavite Puerto noong June 5, 1898 at matapos ang anim na araw, June 11, 1898, pumunta si Felipe sa bahay ni Heneral Aguinaldo dala-dala ang borador ng piyesa.

Ang mansyon ng mga Aguinaldo noong 1898.  Mula sa Ang Tahanan ng Kasarinlan.

Ang mansyon ng mga Aguinaldo noong 1898. Mula sa Ang Tahanan ng Kasarinlan.

Ang loob ng bahay ni Aguinaldo.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang loob ng bahay ni Aguinaldo. Kuha ni Xiao Chua.

Habang nagpapahinga mula sa isang pulong, pinakinggan nina Heneral Emilio at Heneral Mariano Trias at at ng Kalihim Pandigma na si Heneral Baldomero Aguinaldo ang pagtugtog ni Felipe ng kanyang komposisyon.  Dahil nagustuhan nila ito, pinaulit nila ito ng ilang beses kay Felipe!  Pinangalanang nila ang piyesa na Marcha Filipino Magdalo na kalaunan ay naging Marcha Nacional Filipina.

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe.  Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe. Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Tinuro ni Felipe ang piyesa ng musika sa Banda San Francisco de Malabon (na ngayon ay Banda Matanda) at pinatugtog nila ang marcha kinabukasan June 12, 1898, proklamasyon ng independencia, matapos basahin ang teksto ng pagpapahayag ng kasarinlan habang opisyal na iwinawagayway ang bagong watawat ng Pilipinas.   Napansin ni Kalihim Alejandro Roces na tila naging inspirasyon ni Felipe sa unang galaw ng musika ang pambansang awit ng Espanya ang Marcha Real, habang ang pangalawa naman ay hawig sa Triumphal March sa operang Aida ni Verdi na ginagamit natin ngayon bilang graduation song, at ang pangatlo naman ay may hawig sa pambansang awit ng Pransya, ang Marseillaise.

Isang maluwalhating eksena mula sa Aida ni Verdi.

Isang maluwalhating eksena mula sa Aida ni Verdi.

Sa pag-amin mismo ni Felipe, “kusang nagpasok ng mga himig na gumugunita sa Marcha Real ng Espanya upang mapangalagaan ang alaala ng lumang kalunsuran.”

Moro-moro

Moro-moro

Ngunit ayon kay Dr. Ambeth Ocampo, may hawig din sa Pilipinong mga musika tulad ng Moro-Moro at ayon din kay Propesor Felipe de Leon, Jr., mas inspirasyon ng ating pambansang awit ang tradisyunal na mga musika ng prusisyon at kundiman kaysa ang ibang mga kanluraning musika.

Felipe de Leon Jr., Zeus Salazar at Xiao Chua

Felipe de Leon Jr., Zeus Salazar at Xiao Chua

Anuman, sinasabing tinanggihan ni Felipe ang alok ng isang Español na bilhin ang eksklusibong karapatan sa paglalathala ng pambansang awit.  Parab sa kanya, pag-aari ng bayan ang musikang ito.  Noong December 4, 1943, binigyan ng pamahalaan si Felipe ng Php 4,000.00 bilang pabuya sa kanyang komposisyon.  Pinakiusapan din siya ng pamahalaan na muling aregluhin ang martsa, kung ang orihinal na areglo ang susundin, sobrang napakataas ng pag-awit natin at hihingalin tayong parang mga kabayo sa sobrang bilis nito.  Nagkaroon lamang ng titik ang Marcha Nacional nang si José Velásquez Palma ay naglathala ng titik para dito na nasa wikang Espanyol sa La Independencia noong September 3, 1899.

José Velásquez Palma

José Velásquez Palma

Ang pamagat ng kanyang tula ay Filipinas na nagsisimula sa mga katagang “Tierra adorada, hija del sol de oriente.”  Kahit kolonya tayo ng Amerika, sinasabing noong 1918, nagwagi tayo ng pangalawang pinakamagandang pambansang awit sa isang patimpalak na ginanap sa Boston, Estados Unidos.  Noong Dekada 1920, nagkaroon ito ng saling Ingles na ginawa nina Camilo Osias at Mary A. L. Lane na may pamagat na Land of the Morning.

Camilo Osias

Camilo Osias

Ang Lupang Hinirang sa Wikang Filipino na ating inaawit ngayon ay isinalin lamang noong 1956 at ginawa lamang opisyal noong 1963.  Ang ating pambansang martsa ay produkto ng isang rebolusyon, di katulad ng sa Amerika na ang musika ay nagmula sa awit ng mga manginginom noon.  Kaya kapag inaawit natin ang pambansang awit na pamana sa atin ng mga bayani, dibdibin natin ito.

27 Ito ang nagpapaalala na sa isang himig natin, nagkakaisa tayo bilang isang bansa

Ito ang nagpapaalala na sa isang himig natin, nagkakaisa tayo bilang isang bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pizza Hut Technohub, 24 January 2013)

26 Ang ating pambansang martsa ay produkto ng isang rebolusyon

PANALANGIN PARA SA MALIGAYANG KAMATAYAN ni Cory Aquino, salin ni Xiao Chua

298633414_d7afdae514

PANALANGIN PARA SA MALIGAYANG KAMATAYAN

Prayer for a happy death

Corazon C. Aquino

Salin Mula sa Ingles ni Michael Charleston “Xiao” B. Chua

 

Makapangyarihang Bathala, maawaing Ama

Almighty God, most merciful Father

Tanging ikaw lamang ang nakaaalam ng panahon

You alone know the time

Tanging ikaw lamang ang nakaaalam ng oras

You alone know the hour

Tanging ikaw lamang ang nakaaalam ng sandali

You alone know the moment

Ng aking huling hininga

When I shall breathe my last.

Kaya naman, sa bawat araw po ako ay paalalahanan,

So, remind me each day, 

Lubos na mapagmahal na Ama

most loving Father

Na maging pinakamabuting ako.

To be the best that I can be.

Na maging mapagkumbaba at maging mabait,
To be humble, to be kind,

Marunong maghintay, nagpapakatotoo.
To be patient, to be true.

Na yakapin ang anumang mabuti,

To embrace what is good,

Na tanggihan ang masama,

To reject what is evil,

Na tanging Ikaw ang sambahin

To adore only You.

Sa pagdating ng huling sandali

When the final moment does come

Huwag Niyo pong pahintulutang magtagal ang pagluluksa ng aking mga mahal sa buhay
Let not my loved ones grieve for long.

Tulutan niyo pong kalingain nila ang isa’t isa

Let them comfort each other

At tulutan niyo pong malaman nila
And let them know

Ang dakilang kaligayahang

how much happiness

Idinulot nila sa aking buhay.
They brought into my life.

Tulutan niyo pong ipanalangin nila ako,

Let them pray for me,

Tulad ng patuloy kong pananalangin para sa kanila,

As I will continue to pray for them,

Sa pag-asang patuloy nila ipapanalangin

Hoping that they will always pray 

Ang isa’t isa.

for each other.

Hayaan niyo pong malaman nila na nang dahil sa kanila naisakatuparan

Let them know that they made possible

Ang unamang mabuting naialay ko sa daigdig.

Whatever good I offered to our world.

Tulutan niyo pong mapagtanto nila na ang aming paghihiwalay

And let them realize that our separation

Ay sa maikling panahon lamang

Is just for a short while

Bilang paghahanda sa aming muling pagkikita-kita sa kailanman.
As we prepare for our reunion in eternity.

Ama namin sa langit,

Our Father in heaven,

Tanging ikaw ang aking pag-asa.

You alone are my hope.

Tanging ikaw ang aking kaligtasan.
You alone are my salvation. 

Salamat sa iyong wagas na pagmamahal, Siya nawa.
Thank you for your unconditional love, Amen. 


Isinulat ng dating pangulo noong 2004, 

Isinalin noong  11 Nobyembre 2009.  

Ang tagasalin ay nagtuturo ng Kasaysayan sa Pamantasang De La Salle Maynila.

Pasasalamat kay G. Rafael Lopa ng Benigno S. Aquino, Jr. Foundation para sa ilang pagwawasto, 17 Disyembre 2009.

XIAOTIME, 25 January 2013: ANG MAKULAY NA BUHAY NI TITA CORY

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 25 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Cory ilang linggo matapos na maging pangulo ng Pilipinas, 1986

Si Cory ilang linggo matapos na maging pangulo ng Pilipinas, 1986

25 January 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=YzTv_DPjVCg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  80 years ago ngayong araw, January 25, 1933, isinilang sa Maynila si Corazon Aquino—Tita Cory, unang babaeng pangulo ng Pilipinas at itinuturing na isang Ina ng Demokrasya sa Pilipinas.  Kilala siya na may mahalagang bahagi sa pag-aalsang People Power sa EDSA na mapayapang nagpatalsik sa isang diktador noong 1986, isang halimbawa ng mapayapang pakikibaka na gagayahin sa buong mundo.

Si Cory Aquino at si Doy Laurel ang kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo na tumakbo laban kay Marcos noong snap elections at naupo matapos ang People Power, 1986.

Si Cory Aquino at si Doy Laurel ang kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo na tumakbo laban kay Marcos noong snap elections at naupo matapos ang People Power, 1986.

Subalit, ayon sa ilan, W.A. siya, o walang alam sa pamumuno.  Biro ng iba—Corazon, Si, Aqui, No!  Sa puso, meron, dito sa utak, wala.  Gayundin, wala naman daw siyang malaking papel sa People Power, nakinabang lang daw siya dito.  Nagtago daw siya sa Cebu sa takot na bumalik sa Maynila!  Liwanagin natin.  Paano masasabi na walang alam sa pamumuno si Tita Cory kung nanggaling siya sa dalawang pulitikal na angkan—ang mga Cojuangco ng Tarlac at ang mga Sumulong ng Rizal. Paano masasabi na wala siyang alam kung ang napakasalan niya noong 1954 sa murang edad na 21 ay ang itinuturing na isa sa pinakamagaling na pulitiko na nabuhay sa bansa—si Ninoy Aquino.

Ninoy Aquino.  Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Ninoy Aquino. Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Noong ikulong ng Rehimeng Marcos si Ninoy noong 1972, si Cory ang naging tagapag-ugnay ni Ninoy sa daigdig sa labas ng kulungan, nagpupuslit ng mga pahayag ng asawa para sa kanyang bayan. Si Cory din ang naging lakas ni Ninoy sa kanyang kalungkutan sa kulungan.  Nang maging martir si Ninoy, kahit na napakabribado niyang tao, isang mayamang tao, sinamahan niya ang bayan sa pakikibaka sa kalsada.

Pag-uwi ni Cory sa Pilipinas matapos ang pagkamartir ng kanyang asawa, August 1983.

Pag-uwi ni Cory sa Pilipinas matapos ang pagkamartir ng kanyang asawa, August 1983.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ang pagbendisyon sa higit isang milyong lagda na humihiling sa pagtakbo sa pagkapangulo ni Cory Aquino, 1985.

Ang pagbendisyon sa higit isang milyong lagda na humihiling sa pagtakbo sa pagkapangulo ni Cory Aquino, 1985.

Sa kabila ng pag-aalinlangan, nang hilingin natin siya sa pamamagitan ng higit isang milyong lagda para lumaban kay Pangulong Marcos, nakinig siya sa ating pakiusap.  Upang ipantapat sa malakas na lalaking pulitiko, ang imahe ni Tita Cory, Mater Dolorosa, isang inang nagdurusa kasama ng bayan.

Ang imeheng pumatok sa bayan:  Mater Dolorosa na tulad ni Maria ang kalinisan.

Ang imeheng pumatok sa bayan: Mater Dolorosa na tulad ni Maria ang kalinisan.

Kumonsulta pa sa political consultancy firm na Sawyer Miller upang mas maging magaling na kandidato.  Ang galing niyang kumampanya.  Kung paano bang nalampasan niya ang siyam na kudeta at nanatiling popular sa bayan bilang pangulo ay kamangha-mangha sa isang sinasabing maybahay lamang.

Si Cory sa kampanya, 1986.

Si Cory sa kampanya, 1986.

Kaya naman sa paratang na wala siyang alam, isinagot niya, “I admit that I have had no experience in cheating, stealing, lying and assassinating political opponents.”  Sa paratang naman na noong People Power ay nagtago siya sa Cebu at walang malaking papel dito.  Matatandaan na nang tawagin ni Cardinal Sin at Butz Aquino ang bayan para saklolohan ang mga militar na kumalas sa rehimen noong February 22, 1986, isang linggo nang nagpapatawag si Tita Cory ng boykot ng mga produkto ng mga kumpanyang sumusuporta kay Pangulong Marcos.  Naapektuhan ang ekonomiya sa dami nang nagboykot kaya nang mangyari ang EDSA, naihanda na ni Tita Cory ang mamamayan sa People Power.

Si Cory at ang mga Pink Sisters.

Si Cory at ang mga Pink Sisters.

Gayundin, ng abutan ng EDSA sa Cebu, February 22, 1986, nagpasya siyang magpalipas na lamang ng gabi sa kumbento ng mga Pink Sisters at bumalik sa Maynila kinabukasan, nakasabay pa ng kanilang kotse ang mga tangke ng marines na tutungo sa EDSA!

Ang kotse nina Cory sa Maynila kasabay ng mga Marines na tutungo sa EDSA para pulbusin ang mga rebelde, February 23, 1986.  Mula sa Eggy Apostol Foundation.

Ang kotse nina Cory sa Maynila kasabay ng mga Marines na tutungo sa EDSA para pulbusin ang mga rebelde, February 23, 1986. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

At noong ika-apat na araw ng EDSA, sa kabila ng hindi pagsang-ayon ng kanyang mga tagapayo, tumungo siya sa bandang POEA, isang pangyayari na inilabas ng mga pahayagan kinabukasan.

Sinipi ng aklat ni Angela Stuart Santiago na Chronology of a Revolution ang Business Day article ng February 25, 1986, isang araw matapos ang pagpunta ni Cory sa EDSA.  Mula sa EDSA 25.

Sinipi ng aklat ni Angela Stuart Santiago na Chronology of a Revolution ang Business Day article ng February 25, 1986, isang araw matapos ang pagpunta ni Cory sa EDSA. Mula sa EDSA 25.

Oo nga’t ang bayani ng EDSA ay ang bayan, ang People Power ay Kapangyarihang Bayan, ngunit hindi makakaila, maging nang ilang mga nakausap ko na mga aktibista at progresibo na kung minsan ay hindi sumasang-ayon kay Tita Cory, na tunay siyang nag-ambag sa laban para sa demokrasya.

Ilang mga militanteng progresibo na kung minsan ay hindi sumasang-ayon kay Tita Cory ngunit nakiramay at naguna pa sa paglilibing sa kanya, August 5, 2009.  Mula sa Cory Magic.

Ilang mga militanteng progresibo na kung minsan ay hindi sumasang-ayon kay Tita Cory ngunit nakiramay at naguna pa sa paglilibing sa kanya, August 5, 2009. Mula sa Cory Magic.

Hindi man perpekto ang panguluhan niya, ginawa niya ang best niya bilang pangulo at nanatiling malinis ang kanyang pangalan bilang isang lider.

Si Cory Aquino nang magsalita sa Kongreso ng Estados Unidos ng Amerika noong September 1986.  Ayon sa Ispiker ng Kamara Tip O'Neill, ito raw ang pinakamagandang talumpati na narinig niya sa Kongreso.  Pinalakpakan siya doon ng ilang munto.  Naging dangal ng bayan sa ibang bansa ang ating pangulo.  Mula sa LIFE.

Si Cory Aquino nang magsalita sa Kongreso ng Estados Unidos ng Amerika noong September 1986. Ayon sa Ispiker ng Kamara Tip O’Neill, ito raw ang pinakamagandang talumpati na narinig niya sa Kongreso. Pinalakpakan siya doon ng ilang munto. Naging dangal ng bayan sa ibang bansa ang ating pangulo. Mula sa LIFE.

Happy 80th birthday Tita Cory, salamat at isa kayo sa aming lakas.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pizza Hut Technohub, 24 January 2013)

Mula sa Bayan Ko!

Mula sa Bayan Ko!

THE KAPAMPANGAN POWER-COUPLE WHO ROCKED THE WORLD (For Cory Aquino’s 80th Birth Anniversary)

2975_499745056711499_34118169_n

This, my take and summary of Ninoy and Cory Aquino’s significance in our history, in the writing of which I gave my very best, was written at the request of The Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies, Holy Angel University for inclusion in Singsing 6 (1):  204-207, edited by Robert Tantingco and published in 2012.  The issue of the Kapampangan cultural magazine had the theme “Bravehearts:  Kapampangan Rebels, Radicals & Renegades Who Changed Philippine History.” Posted in this website in commemoration of Cory Aquino’s 80th birth anniversary.

Ninoy and Cory during Ninoy's trial under Martial Law.

Ninoy and Cory during Ninoy’s trial under Martial Law.

“Well, I always say that Ninoy and I were able to bring the best in each other. And I think that’s all that’s necessary for a married couple. To try to bring out the best in each other.”

-Cory Aquino to Xiao Chua and classmates, 2003

Years after playing their part in a theatre called Philippine History, Ninoy and Cory Aquino are still the subject of debates in academic discussions and even facebook and twitter posts.  Considered icons of democracy and heroism, Ninoy and Cory are now the object of revisionist attempts to denigrate their contribution to our struggle for freedom, especially in the cyber world:  That Ninoy was a traditional politician, the same as Ferdinand Marcos, and that the two were actually very good friends to the end, fooling the country with their charade.  That Cory was a weakling, who hid herself in the safety of a Cebu convent during People Power, playing absolutely no part in it.  That the couple were non-heroes who actually destroyed the Marcos dictatorship which was the most democratic and peaceful time in Philippine history.

The milieu of the childhood of Benigno S. Aquino, Jr. (born 1932) and Corazon Sumulong Cojuangco (born 1933) was the Kapampangan Tarlac political and economic elite circles.  Both spoke Kapampangan and the two were actually childhood friends.  If what they say is true that to be Kapampangan is to be cocky, then Ninoy would be the quintessential Kapampangan.  It is not surprising that Cory’s first memory of Ninoy is this, “…Ninoy kept bragging he was a year ahead of me in school so I didn’t even bother to talk to him.”  His self-assuring attitude is rooted in his dear father’s infamy as a collaborator to the Japanese during the war.  He wanted to both clean the name of his father and to prove himself.  Kapampangan Local Historian Lino Dizon said that Ninoy’s family gave away their land in Concepcion, Tarlac to the peasants, and Frankie Sionil Jose claimed that in later life Ninoy told him of his plans to distribute Hacienda Luisita itself.

Ninoy and Cory with their parents Jose Sr. and  Demetria Cojuangco and Aurora Aquino during their wedding day, 11 October 1954.

Ninoy and Cory with their parents Jose Sr. and Demetria Cojuangco and Aurora Aquino during their wedding day, 11 October 1954.

His star rose fast, writing about a war at 17, brought down one of the greatest rebels in Philippine history, Luis Taruc at 22, and was holder of major posts in government as the youngest Mayor, Vice Governor, Governor and Senator in a span of about only 13 years!  His official biographer Nick Joaquin did not even hide the fact that he was a bragger and sweet talker, very much reflected in all video footage of his speeches, even up to the very last interviews he did before he was shot.  He was once bragging about his walky-talkies, Arab stallions, helicopters and his hacienda (not his, his wife’s) to foreign guests.  As local leader, he was indeed a traditional politician by many accounts:  a turncoat who used guns, goons and gold and who also worked with Kapampangan rebels to protect his interests.  Close friends suggest that Marcos and Ninoy were actually very good friends and that sometimes Ninoy would supply Marcos, his fraternity brod, ammunitions to win elections.  He was a charmer, who courted the prettiest ladies at that time like the actress Dorothy Jones (a.k.a. Nida Blanca) and Imelda Romualdez herself.

Ninoy, the public servant, with Cory and their children:  Ballsy, Pinky, Noynoy and Viel.  Photo by Dick Baldovino.

Ninoy, the public servant, with Cory and their children: Ballsy, Pinky, Noynoy and Viel. Photo by Dick Baldovino.

But this most ambitious politician, who aimed at the presidency in 1973, was humbled by his experiences in his seven years and seven-month detention at Fort Bonifacio as the very first political detainee when Martial Law was proclaimed, especially his one month solitary confinement in Fort Magsaysay where he claimed to have found God.  His source of strength was Cory and his family, who brought him his favorite Kapampangan food in prison.  He in turn would prepare for them chicken spread placed on toasted bread.  He loved to eat and this was evident with his size.  But Alvin Campomanes, who is doing his thesis on Ninoy said that the greatest evidence of Ninoy’s sincerity to fight Marcos, that they ceased being friends by Martial Law, was that he abandoned his love of food and fasted as a protest for 40 days.  He almost died in the attempt and this was definitely not a stunt.  He chose to suffer with the people and did all his best to fight for their freedom.

Ninoy during his hunger strike.  Dante Ambrosio and Xiao Chua Collection.

Ninoy during his hunger strike. Dante Ambrosio and Xiao Chua Collection.

After the three happiest years as a family man while in exile in Boston, Massachusetts, he returned to Manila on 21 August 1983 knowing he can do something about the worsening situation in his country.  Whether or not he still wanted to be president was beside the point; he willingly gave his life for the country.  When he died, People Power—which had started even in the seventies with the heroism and martyrdom of a few thousand freedom fighters, including Ninoy himself when he was still in prison—intensified with the participation of millions in the struggle that eventually brought down the dictatorship in two years.

Ninoy Aquino, the Man, the Hero.  Photo-montage by Philippine Daily Inquirer.

Ninoy Aquino, the Man, the Hero. Photo-montage by Philippine Daily Inquirer.

Cory, who used to be just by the side of her husband, took center stage, walking and talking in rallies.  Boy, she could talk.  And when it became apparent that Marcos was still strong and no opponent could actually beat him, she sacrificed her privacy and accepted the mantle of leadership of the opposition in the 1986 snap elections, even acquiring the services of the political consultancy group Sawyer Miller to improve her craft for the cause.  Protesting the fraudulent conduct of the elections and her defeat, she called for a boycott rally at the Luneta against the better judgment of her advisers who feared that the people would not come, but a million came.  According to Angela Stuart Santiago, if the EDSA Revolution did not happen, the government would still fall just because so many had stopped drinking Coke and San Miguel and had withdrawn their deposits from crony banks.  People Power happened because Cory’s call for peaceful civil disobedience which was going on for about a week already, prepared the people for full participation in People Power.  On the second day of the revolution, 22 February 1986, Cory insisted on returning to Manila from Cebu, being driven beside the tanks going to EDSA.  On the third day, she insisted on going to EDSA where she briefly stayed with the people near Ortigas-POEA, a fact documented by newspapers accounts the next day.  She didn’t have to be there because the people were already shouting her name, but she came nonetheless.  The peaceful change of regime that moved Filipinos to show their best qualities in four days and was inspired by this Kapampangan couple, was imitated by other peoples freeing themselves from dictatorships in the next quarter of a century, calling their movements “People Power.”

Cory of EDSA.

Cory of EDSA.

Cory heard Ninoy predict that the next president who came after Marcos would have a very difficult job handling the country.  It was like turning a broken car after using it.  Little did she realize that she would be the one.

Although her administration was marred by different crises, like the unfortunate Mendiola Massacre of 1987, the human rights violations of the post-Marcos Armed Forces who probably had a hang-over of their heyday, the nine coup attempts that rocked her administration, the power crisis, the 1990 Luzon earthquake and the 1991 Mt. Pinatubo eruption which buried the Kapampangan region, she should be credited for facilitating the difficult task of opening the democratic space which paved way for the development of cyberspace and the proliferation of different NGO and volunteer groups who are now hand-in-hand in helping the less fortunate.  She also made a strong front against military adventurists who wanted to grab power.  Two decades of decay cannot be overturned overnight and a lot people realized that although hers was not a perfect presidency, she did her best as president.  There was even a popular clamor for her to run again but she peacefully stepped down and passed the baton to her elected successor in 1992.  She continued to play an active role as Citizen Cory, promoting micro-finance among the poor and playing a key role in different protest movements during her post-presidency until she died in 2009.  She was no saint, and didn’t claim as such, but she was a staunch and true defender of the kind of democracy she knew and tried to stay personally incorrupt as a public official.  The world recognized and admired her for it.  The continued popularity and political stability in the presidency of their son Noynoy is a testament of how many Filipinos revere the memory of these two Kapampangans.

Citizen Cory never stopped defending the kind of democracy she knew.  With Jojo Binay, Noynoy Aquino, Tito Guingona and Rafael Lopa at Ayala Avenue.

Citizen Cory never stopped defending the kind of democracy she knew. With Jojo Binay, Noynoy Aquino, Tito Guingona and Rafael Lopa at Ayala Avenue.

Ninoy and Cory are two of the only few Filipino leaders known the world over.  With their place in history secured more so even in demystification, this Kapampangan power-couple will continue to inspire countless others to share the light of their candles as they did, and to do what they can when they know they can.

23 September 2012, Ayala Museum, 40th anniversary of the announcement of Martial Law

Cory and Ninoy during their 25th Wedding Anniversary.

Cory and Ninoy during their 25th Wedding Anniversary.

XIAOTIME, 24 January 2013: FIRST QUARTER STORM o SIGWA NG UNANG KWARTO

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 24 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Isang alegorikal na obra ukol sa pagbato sa Pangulong Ferdinand E. Marcos matapos ang kanyang state of the Nationa Address, January 26, 1970.  Mula sa aklat na  Not On Our Watch.

Isang alegorikal na obra ni Juanito Torres, “Watusi,” ukol sa pagbato sa Pangulong Ferdinand E. Marcos matapos ang kanyang state of the Nation Address, January 26, 1970.  Matatagpuan ito sa Galerie Joaquin.  Mula sa aklat na Not On Our Watch.

24 January 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=lDg7ywxHlvQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  43 years ago sa Sabado, January 26, 1970, si Pangulong Ferdinand E. Marcos ang naging unang pangulo na binato ng mga raliyista matapos ang kanyang  State of the Nation Address sa Lumang Kongreso.  Ito ang isa sa pinakamahalagang tagpo sa tinawag noon na First Quarter Storm o Sigwa ng Unang Kwarto.  Ang mga panahon na iyon sa buong mundo ay isang panahon kung saan humihingi ng pagbabago ang mga kabataan.  Tinawag ni Mao Zedong ang mga kabataang Tsino na pangunahan ang Cultural Revolution sa Tsina.  Sa Kanluran, marami ring pakikibaka ang mga kabataan—ang civil rights movement o paghingi ng pantay na karapatan para sa itim sa Amerika, ang kilusang kumokontra sa Digmaan sa Vietnam at ang mga hippies na humihingi ng kapayapaan, at ang women’s liberation movement na nag-aadhika ng flower power, burn the bra, at ban the bra!!!  Umabot sa Pilipinas ang diwa nito.  Sinuportahan ng Pangulong Marcos ang Digmaan ng Amerika sa Vietnam sa pagpapadala ng mga sundalong tumutulong sa mga operasyong sibil at medical, ang Philippine Civic Action Group-Vietnam (PHILCAG-V).  Para sa mga estudyante, ito ay ebidensya ng pagiging neo-kolonya natin ng Estados Unidos at kakulangan natin sa kasarinlan.

Saturnino Ocampo, Bernabe Buscayno alias Commander Dante, at Jose Maria Sison.

Saturnino Ocampo, Bernabe Buscayno alias Commander Dante, at Jose Maria Sison.

Isang batang instruktor ng UP na si José Maria Sison ang nagtatag ng Kabataang Makabayan (KM), na naging isa sa mga kilusang kabataan na nanguna sa mas malawakang pakikibaka laban sa Administrasyong Marcos na noon ay nagpapakita na ng tendensiyang diktatoryal.

Kabataang Makabayan

Kabataang Makabayan (KM)

Ang Samahan Demokratiko ng Kabataan (SDK) sa paanan ng Bulwagang Palma, UP Diliman.

Ang Samahan Demokratiko ng Kabataan (SDK) sa paanan ng Bulwagang Palma, UP Diliman.  Mula sa Militant but Groovy.

Si Edgar Jopson ng Ateneo, isa sa mga pinuno ng National Union of Students of the Philippnes.  Mula sa U.G.

Si Edgar Jopson ng Ateneo, isa sa mga pinuno ng National Union of Students of the Philippnes. Mula sa U.G.

Kasama na sa mga samahang ito ang Samahang Demokratiko ng Kabataan (SDK) at ang moderatong National Union of Students of the Philippines (NUSP).  Bagama’t iisa ang ipinaglalaban, nagtunggalian naman sila sa kaibahan ng kanilang mga ideolohiya.  Noong December 29, 1969, dumating ang Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos na si Spiro T. Agnew para sa ikalawang inagurasyon ng Pangulong Marcos.

Pangulong Marcos ng Pilipinas at Pangalawang Pangulo Agnew ng Estados Unidos at ang kanilang mga kabiyak.

Pangulong Marcos ng Pilipinas at Pangalawang Pangulo Agnew ng Estados Unidos at ang kanilang mga kabiyak.  Mula sa Delusions of a Dictator.

Kinabukasan, sinalubong siya ng mga aktibista.  Marahas na binaklas ng mga anti-riot police ang protesta sa pamamagitan ng pamamalo ng mga mahahabang truncheons.  Matapos ang ilang araw, January 26, 1970, binigkas ng Pangulong Marcos ang kanyang State of the Nation Address sa joint-session ng Senado at Kamara sa Lumang Kongreso.

SONA 1970.  Mula sa Not On Our Watch.

SONA 1970. Mula sa Not On Our Watch.

Sa kanyang opening prayer, humingi ng tulong sa Diyos ang pangulo ng Ateneo na si Fr. Pacifico Ortiz para sa Pilipinas na ayon sa kanya ay nasa nanginginig na bingit ng himagsikan, “a trembling edge of revolution.”

Padre Pacifico Ortiz, S.J. unang Pilipinong pangulo ng Pamantasang Ateneo de Manila.  Mula sa Lakas Sambayanan ng FFWWPP.

Padre Pacifico Ortiz, S.J. unang Pilipinong pangulo ng Pamantasang Ateneo de Manila. Mula sa Lakas Sambayanan ng FFWWPP.

Sa labas ng kongreso malapit na malapit sa pintuan, 50,000 tao ang nagprotesta.  Naghanda sila ng isang kabaong, simbolo ng pagkamatay ng demokrasya, at effigy ng isang buwaya na kumatawan sa korupsyon ng pamahalaan.

Ang tinatayang 50,000 sa labas ng Kongreso, hinihintay si Pangulong Marcos na lumabas.  Mula kay Susan Quimpo.

Ang tinatayang 50,000 sa labas ng Kongreso, hinihintay si Pangulong Marcos na lumabas. Mula kay Susan Quimpo.

50,000 kabataan na humihingi ng pagbabago sa harapan ng Kongreso.  Mula sa Koleksyon Dante Ambrosio at Xiao Chua.

50,000 kabataan na humihingi ng pagbabago sa harapan ng Kongreso. Mula sa Koleksyon Dante Ambrosio at Xiao Chua.

Sobrang lapit.  Mula sa Not On Our Watch.

Sobrang lapit. Mula sa Not On Our Watch.

Ang buwaya.  Mula kay Dr. Vic Torres.

Ang buwaya. Mula kay Dr. Vic Torres.

Sa paglabas ni Pangulong Marcos sa gusali, binato siya ng mga radikal na raliyista at itinapon sa kanyang direksyon ang kabaong at ang buwaya.

Si Pangulong Marcos habang pinapaulanan ng debris ng mga raliyista, January 26, 1970.  Mula sa Ninoy Aquino:  The Willing Martyr.

Si Pangulong Marcos habang pinapaulanan ng debris ng mga raliyista, January 26, 1970. Mula sa Ninoy Aquino: The Willing Martyr.

Si Fabian Ver habang pinoprotektahan ang Pangulo.  Mula sa Delusions of a Dictator.

Si Fabian Ver habang pinoprotektahan ang Pangulo. Mula sa Delusions of a Dictator.

Nasubukan ang katapatan ni Fabian Ver, ang drayber-militar ni Marcos, hinarang niya ang kanyang katawan sa pangulo.  Marahas ang kasagutan ng mga pulis.  Pinalo nila ng mga rattan ang kahit na sinong makita, mga radikal man at mga moderato.

Walang habas at walang pinipiling pagpalo ng mga  awtoridad sa mga aktibista, radikal man o moderato.  Mula sa Not On Our Watch.

Walang habas at walang pinipiling pagpalo ng mga awtoridad sa mga aktibista, radikal man o moderato. Mula sa Not On Our Watch.

Sipa ng sipa.  Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio at Xiao Chua.

Sipa ng sipa. Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio at Xiao Chua.

Maging ang binti ng babae na ito ay patuloy na pinalo ng pulis kahit na sumasakay na ang babae sa dyipni.  Ang babaeng ito pala ay si Propesora Judy Taguiwalo.

Ang mga binti ni Prop. Judy Taguiwalo at patuloy na hinampas ng mga awtoridad.  Mula sa Militant But Groovy.

Ang mga binti ni Prop. Judy Taguiwalo at patuloy na hinampas ng mga awtoridad. Mula sa Militant But Groovy.

Sumasakay na sa dyip. hinahampas pa.  Mula kay Susan Quimpo.

Sumasakay na sa dyip. hinahampas pa. Mula kay Susan Quimpo.

Gumanti ng pagbato ng mga bato at bote ang mga estudyante.  Hanggang magdamag ang naging labanang ito.  Marami ang nasaktan.

Palo  ng palo.  Mula sa Not On Our Watch.

Palo ng palo. Mula sa Not On Our Watch.

Mula sa Not On Our Watch.

Mula sa Not On Our Watch.

Ngunit hindi pa pala ito ang huli.  Abangan ang susunod na kabanata.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(People’s Television Network, 19 January 2013)

XIAOTIME, 23 January 2013: SAYSAY NG REPUBLIKA NG MALOLOS

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 23 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

23 January 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=ncw0CY8dqC0

Si Emilio Aguinaldo patungo sa kanyang inagurasyon bilang pangulo Unang Republika sa Malolos, 23 Enero 1899.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Si Emilio Aguinaldo patungo sa kanyang inagurasyon bilang pangulo Unang Republika sa Malolos, 23 Enero 1899. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  114 years ago ngayong araw, January 23, 1899, matapos ang ratipikasyon ng isang konstitusyon na binalangkas ng Kongreso ng Malolos, pinasinayaan sa Simbahan ng Barasoain ang Republica Filipina, na mas kilala sa tawag na Republika ng Malolos.

Diorama sa Ayala Museum na nagpapakita ng Kongreso ng Malolos.

Diorama sa Ayala Museum na nagpapakita ng Kongreso ng Malolos.

Ang republikang ito ay itinatag upang patunayan sa mga dayuhan na umaakmang agawin ang tagumpay ng ating himagsikan na mayroon na tayong sariling estado na namumuno sa ating sarili.  Kung ikukumpara kahit sa iba pang mga dakilang bansa sa Asya tulad ng Tsina at India, ang republikang ito ang itinuturing na Unang Konstitusyunal na Demokratikong Republika sa Asya sa kanluraning modelo dahil na rin sa unang paggalaw ng paghihimagsik ni Andres Bonifacio noong 1896.  Wala na siya sa eksena nang magkaroon ng Republika.  Si Emilio Aguinaldo na ang el presidente na sumumpa sa katungkulan noong araw na iyon at inatasan niya si Apolinario Mabini na maging pangulo ng gabinete at kalihim ng Ugnayang Panlabas.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.  El Presidente.  Mula sa Great Lives:  Emilio Aquinaldo.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy. El Presidente. Mula sa Great Lives: Emilio Aquinaldo.

Ang konstitusyon na niratipika at pangunahing inakda ni Felipe Calderon na kinopya sa mga konstitisyon ng Pransya, Belgium, Brazil, Mexico, Guatemala at Costa Rica.

Felipe Calderon. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Felipe Calderon. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ipinaglaban naman ng ibang delegado ang kalayaan sa pananampalataya.  Upang hindi magkaroon ng monopolyo ang iisang tao o grupo sa kapangyarihan at magkaroon ng checks and balances, nagkaroon din ng tatlong sangay ang pamahalaan—executive, legislative at judiciary.

Limbag na edisyon ng Saligang Batas ng Malolos.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Limbag na edisyon ng Saligang Batas ng Malolos. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Dahil nga panahon ito ng digmaan at himagsikan, may mga lugar sa Pilipinas na kinatawan ng mga taong hindi mana taga-roon ngunit kahit papaano nagkaroon ng semblance ng representasyon ng buong Pilipinas.  Nagpadala pa ng diplomat ang pamahalaan ito sa Pransya at Amerika sa iba’t ibang bansa, si Felipe Agoncillo, na napagsarhan ng pinto sa Paris nang pinag-uusapan na ang pagbili ng Estados Unidos sa Pilipinas mula sa Espanya.

Sina Felipe Agincillo at Juan Luna bilang mga diplomat na Pilipino sa ibang bansa.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Sina Felipe Agincillo at Juan Luna bilang mga diplomat na Pilipino sa ibang bansa. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ngunit bakit tinawag na Krisis ng Republika ng historian na si Teodoro Agoncillo ang mga pangyayari sa Malolos.  Kung titingnan ang mga pulitikahan na nangyari sa loob ng republika, lalo na ang naging mga paninira kay Mabini, parang salamin din ito ng pulitika na umiiral sa mga pinuno natin hanggang ngayon.  Kung titingnan ang mga larawan ng mga kasiyahan sa Malolos ayon kay Zeus Salazar, mapapansin na ang mga taga-Malolos ang bayan, ay nakamasid lamang sa paligid, nasa tagiliran lamang sila.

Ang parada ng pangulo sa pagpapasinaya ng Republika ng Malolos, January 23, 1899.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ang parada ng pangulo sa pagpapasinaya ng Republika ng Malolos, January 23, 1899. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Sa larawan na ito sa loob ng simbahan ng Barasoain habang binubuksan ang Kongreso noong September 15, 1898, matagal nang may mga nakakapansin sa linyang nasa larawan, ngunit nang pakitaan ako ng mas malinaw na larawan ni Ian Alfonso, napansin namin na lubid ito na naghihiwalay sa mga kinatawan ng kongreso at ng mga manonood na mamamayan.

Ang larawan ng pagbubukas ng Kongreso ng Malolos noong September 15, 1898.  Pansinin ang mahabang linya, ang tali.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ang larawan ng pagbubukas ng Kongreso ng Malolos noong September 15, 1898. Pansinin ang mahabang linya, ang tali. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Kinagabihan, sa piging na ginanap, ang menu nila ay nasa Wikang Pranses.  At taliwas sa pinakita ng isang pelikula na San Miguel Beer ang kanilang ininom na noon ay inumin ng mga mahihirap, nakalagay sa menu na champagne, cognac at iba pa ang kanilang tinungga.

Menu ng piging para sa pagbubukas ng Kongreso ng Malolos na nasa Wikang Pranses., September 15, 1898.  Sosyal.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Menu ng piging para sa pagbubukas ng Kongreso ng Malolos na nasa Wikang Pranses., September 15, 1898. Sosyal. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Pakana lahat ni Pedro Paterno ang kabonggahan na ito habang ang mga karaniwang tao ay naghihirap.  Bagama’t kapuri-puri ang republika sa paggiit na may sarili na tayong pamahalaan na una pa sa mga nasakop na mga bansa sa Asya, kailangang tanggapin ang katotohanan na salamin din ito ng pagsisimula ng demokrasyang elit na umiiral sa atin hanggang ngayon.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 19 January 2013)

ANG TALI SA RETRATO NG MALOLOS, Para sa ika-114 taon ng Unang Republika ng Pilipinas, 23 Enero 2013

Kongreso ng Malolos, mula sa Ayala Museum

 

Hindi nabasang pahayag ni Xiao Chua na noon ay Pangalawang Pangulo ng Philippine Historical Association, sa pagsasara ng sampaksaan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan at ng Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas bilang paggunita sa ika-112 na taon ng pagpapasinaya sa Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan, “ImaheNasyon 2:  Ang Imahe ng Nasyon at Bayan ng Republica Filipina, 1899,” Bulacan State University, 21 Enero 2011.  Inilagay sa wordpress bilang paggunita sa ika-114 na taon ng pagpapasinaya sa Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan, 23 Enero 2013.

Ayon kay Propesora Winnie Monsod, may dalawang klase ng tao sa Pilipinas, kung hindi ka mayaman, siyempre mahirap ka.

Tila tumutugma ito sa pagsusuring ginawa sa lipunan ni Dr. Zeus A. Salazar.  Ayon sa kanya, mayroon daw dambuhalang pagkakahating pangkalinangan sa pagitan ng elit at ng bayan / masa.  Tumutukoy ito sa magkaibang kultura at kaisipan nila na lumitaw sa kanilang ideya ng bansa noong panahon ng Himagsikang Pilipino.

Sa mga elit / ilustrado noon na na nagkaroon ng edukasyong Europeo ang pagkabansa ay yaong naganap Rebolusyong Pranses at mababasa sa mga sinulat ng mga pilosopo ng Enlightenment —isang Nación sa uring Republicano kung saan ang bawat citizen ay may mga karapatan at kalayaang tinatamasa ayon sa Konstitusyon, nakakamit ito sa pamamagitan ng Revolucion hanggang matamo ang pulitikal naIndependencia.

Ngunit hindi sapat ang kalayaan lamang para sa bayan at mga makabayan.  Sa orihinal na Katipunan ang ideya ng bansa ay nag-uugat sa dalumat o konsepto ng Inang Bayan, kung saan ang lahat ay magkakapatid sa pag-ibig sa bayan, at ang tunay na kalayaan ay kaginhawaan, at ang batis ng kaginhawaan ay ang matuwid na kaluluwa ng mga anak ng bayan.[1]

Sa pagkawala kay Andres Bonifacio ng pamunuan ng Katipunan, ang nangibabaw ay ang hiraya (imagination) ng mga ilustrado ng kung ano ang bansa.

Ang pagkakahating ito ay nasasalamin rin sa mga larawan ng Kongreso at Republika ng Malolos noong 1898-1899 ayon kay Dr. Salazar sa kanyang presentasyon na unang ImaheNasyon.  Kung titingnan ang parada, ang mga elit ang bida habang ang bayan ay tagamasid lamang.[2]  Sa sikat na larawan ng looban ng Simbahan ng Barasoain noong Kongreso ng Malolos, ipinakita sa akin ni Prop. Ian Christopher Alfonso na ang mahiwagang linya na matagal nang tinatanong ni Dr. Ambeth Ocampo sa kanyang mga kolum[3] ay tali pala na naghihiwalay sa mga delegado at sa mga manonood kung titingnan ang mga mas maliwanag na larawan.

Sa mga historyador na tulad ni Teodoro Agoncillo, total failure ang Gobierno Revolucionario sa Malolos dahil mga mayayaman at elitista ang kumatawan sa bayan.  Elitista ang konsepto, elitista ang tao.  Malolos: Crisis of the Republic, pamagat ng kanyang akda.

Pero para sa akin, elit man ang Kongreso at Republika ng Malolos, hindi ibig sabihin ay lahat ng nag-aadhika ng Nación ay masama na, at hindi para sa bayan ang kanilang ginagawa.  Nakulong tayo sa imahe ng balimbing na elit na tulad ni Pedro Paterno.

Ang Malolos noong 1899 ay salamin ng tunay na mundo.  Ang inggitan at pulitikahan na makikita sa ating pamahalaan ngayon ay makikita na rin sa Unang Republika.  Tulad ng ipinahayag ng papel ni Prop. Jonathan Balsamo, ito ay “laro ng pulitika” ng ating mga pinuno kung saan ang kadalasang natatalo ay ang bayan na tagamasid lamang at hindi naman talaga kasali.  Ngunit sa kabila nito ay mayroong mga salaysay ng kabayanihan.

Ang pagkakaroon sa Malolos ng Republica Filipina na nagpatuloy sa Tarlac, Tarlac, ay nagpapatunay na kaya nating magpatakbo ng pamahalaan sa kabila ng Digmaang Pilipino-Amerikano.[4]

Felipe Agoncillo, obra ni Felix Resurrecion Hidalgo, mula sa Pambansang Tipunan ng Sining, Pambansang Museo ng Pilipinas

 

Sa pagtalakay ni Dr. Celestina Boncan ngayong hapon nakilala natin ang katulad ni Felipe Agoncillo na isinakripisyo ang kanyang gumagandang karera sa pagka-abogado para maglingkod bilang diplomat, ang ating unang diplomat, ng isang pamahalaang walang perang pantustos sa kanyang mga paglalakbay.  Ang kanyang asawa, si Marcela Mariño Agoncillo ay ipinagbenta pa ang kanyang mga hiyas upang ipantulong na itustos sa mga paglalakbay ni Felipe sa Paris upang makilahok sa Tratado sa Paris bagama’t pinagsarhan siya ng pinto, at sa Washington, D.C. kung saan nakausap niya ang Pangulo ng Estados Unidos, at sa iba’t iba pang bansa sa daigdig upang makuha ang isang kinakailangan upang maging isang bansa-estado—ang pagkilala ng pandaigdigang pamayanan.  Hindi rin siya basta-basta naniwala sa mga pangako ng Estados Unidos at kinausap ang iba pang mga bansa.  Elit nga at kanluranin si Felipe Agoncillo ngunit nakita natin na siya ang isa sa pinakamagaling na kanluranin, at kung kanluraning mga bansa at tao ang kausap, kailangang kanluranin ka rin, kaya naman siya iginalang.  Ikararangal ng Malolos ang Batangueño na ito sa Republika ng inyong bayan.

Hen. Emilio Aguinaldo, mula sa Dambanang Aguinaldo, Kawit, Cavite

 

Sa papel ni Prop. Ian Christopher Alfonso nakita natin na sa kabila ng elitistang konsepto ng pamahalaan, may pagtatangka na magkaroon ito ng mukha na katutubo.  Ngayon ko lang nalaman mula sa kanya na ang opisyal na salin nina Hen. Aguinaldo sa Tagalog ng Gobierno Revolucionario ay Pamunuang Tagapagpabangong Puri.  Makikita rin sa memorandum sa kalendaryo ni Aguinaldo para sa petsang 12 Hunyo 1898, kanyang sinulat “Ypinanaog ang Bandera nacional dito sa bahay ng nasirang Dn. Maximo Ynocencio, patungo sa bayan ng Cauit o C. Viejo p.a proclamahin ang aspiracion ng Yndep.a nitong Sangkapuluang Katagalugan o Filipinas oras ng a las cuatro at dalauang minutong hapon. Cavite a 12 Junio 1898.”[5]  Samakatuwid, ginamit niya bilang pantawag sa Pilipinas ang konsepto ng “Katagalugan” ni Andres Bonifacio!  Pagkilala niya ito sa pagpapatuloy ng pamahalaan niya sa pamahalaan ni Bonifacio, bagamat masalimuot na isyu ito.

Bagama’t inaakala ng marami na masoniko ang mga simbolismo na nasa ating watawat na dinisenyo ni Hen. Aguinaldo, na isa mismong mason, sa pagbasa ni Dr. Zeus Salazar, kung nag-ugat sa tatsulok ng Katipunan ang trianggolo ng watawat, may impluwensya rin sa disenyo ang disenyo ng anting-anting ng mata ng omniscient na Diyos.  At ang mitolohikal na araw ay nagmula rin sa simbolo ng mga katutubo Austronesyano sa Bathala.[6]

Tatsulok na anting-anting na nasa kamalayan at gamit ng Katipunan, inspirasyon ng kanilang tatsulok

Bandilang Anting-Anting ng Samahang Tres Personas Solo Dios, Kinabuhayan Dolores, Quezon, mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People

 

Maaaring sabihin na nalinlang si Hen. Aguinaldo ng Amerikanong Konsul na si E. Spencer Pratt nang pangakuan ito ng diplomat na tutulong ang Amerika sa pagpapaalis sa mga Espanyol habang kikilalanin ang pagsasarili ng mga Pilipino (Bagama’t nabasa ko sa isang librong Amerikano ukol sa Digmaang Espanyol-Amerikano na walang ebidensya o dokumento na magpapatunay na mayroong ipinangako na gayon kay Aguinaldo), si Hen. Aguinaldo rin ay mabilis na kumilos nang kanyang maramdaman na ang pangakong ito ay hindi tutuparin.  Matapos ang Moro-Morong labanan sa Maynila noong 13 Agosto 1898, at nang makuha ng mga Amerikano ang Intramuros, ang sentro ng kapangyarihang kolonyal, at hindi pinapasok ang mga kawal Pilipino dito, agad na itinatag ni Hen. Aguinaldo ang Kongreso ng Malolos upang itatag na ang naging unang konstitusyunal na demokratikong republika sa Asya.

Kaya naman bagama’t debatable ang papel ni Hen. Aguinaldo sa ating kasaysayan, let us give credit to where credit is due.  Ibigay ang aginaldo na nararapat kay Hen. Emilio Aguinaldo.

Sa kasaysayan na ito ng Unang Republika sa Malolos, makikita natin ang pagtatalaban ng kwento ng elit at bayan, at maging ng bisa ng kasaysayang pampook (local history o micro history / bulilit kasaysayan sa kataga nina Dr. Jaime B. Veneracion at Dr. Lino Dizon) sa kasaysayang pambansa, at vice versa.  Hindi magkakasaysay ang pambansang kasaysayan kung hindi titingnan ang mga lokal na reyalidad.

Bilang pangwakas, sa ating paghimay ng mga imahe ng nasyon at bayan sa Unang Republika sa bayang ito, makikita natin ang hindi nawawalang kahalagahan ng Malolos sa pagtanaw sa pambansang kasaysayan.  Gayundin huwag lamang tayong magpokus sa mga masasamang nangyari kundi sa mga mabubuti ring mga nagawa sa Republikang iyon.

Sa aking palagay, nakita rin natin dito na hindi masama na maging elit o maimpluwensyahan ng Kanluran.  Ang masama ay maging sakim sa kayamanan at kapangyarihan anuman ang iyong katayuan sa buhay.  Nariyan na ang impluwensyang kanluranin, yakapin na natin ang mga ito, basta iaangkop natin ang mga ito sa kultura at pangangailangan ng bayan.

Ayon sa Lakambini ng Katipunan, Gregoria de Jesus, “Sikapin ang ikapagkakaisa ng lahat at ika uunlad ng bayan upang huwag magkaroon ng sagabal ang kasarinlan.”[7]  Mabubuo lamang ang sambayanan kapag lumiit na ang agwat at nagkaisa na ang elit at ang masa, nabagtas na ang dambuhalang pagkakahating pangkalinangan sa pamamagitan ng talastasang bayan na isinasaalang-alang ang ating pananaw at ang ating ikabubuti.

Ngunit huwag nating kalimutan ang mga katutubo nating konsepto, lalo ang pakahulugan ng unang Katipunan sa Kalayaan at Katimawaan, na kailangan may kaginhawaan at kagandahang loob bago maging tunay na malaya ang buong sambayanan.

Prop. Ian Christopher Alfonso, Dr. Celestina Boncan, Prop. Jonathan Balsamo, 21 Enero 2011

 

[1]               Zeus A. Salazar, “Ang Kartilya ni Emilio Jacinto at ang Diwang Pilipino sa Agos ng Kasaysayan,”Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Lahi, 1999); Zeus A. Salazar, “Wika ng Himagsikan, Lengguwahe ng Rebolusyon.” Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, 6 (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Lahi, 1999); at Teresita Gimenez-Maceda, “The Katipunan Discourse on Kaginhawahan:  Vision and Configuration of a Just and Free Society,” sa Kasarinlan:  A Philippine Quarterly of Third World Studies 14:2 (1998), 80.

[2]               Zeus A. Salazar, “Ang Nasyon at Bayan sa ‘Congreso Filipino’ ng 1898:  Isang Pangkalahatang Perspektiba” (Papel na binasa sa  pagsasara ng pambansang kumperensya ng Bahay Saliksikan ng Bulacan, Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas at UP Lipunang Pangkasaysayan bilang paggunita sa ika-112 na taon ng pagbubukas ng Unang Kongreso ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan, “ImaheNasyon:  Paghiraya sa Nasyon at Bayan ng Congreso Filipino, 1898,” Bulacan State University Hostel, 14 Setyembre 2010).

[3]               Ambeth R. Ocampo, “Sosyal in Malolos” sa Mabini’s Ghost (Lungsod ng Pasig: Anvil Publishing, Inc., 1995), 78.

[4]               Lino Lenon Dizon, “The Tarlac Revolutionary Congress” sa The Tarlac Revolutionary Congress of July

14, 1899:  A Centennial Commemoration (Lungsod ng Tarlac:  Center for Tarlaqueño Studies, Tarlac State University, 1999) at Michael Charleston B. Chua, “A Footnote in History:  Tarlac, Seat of Government of the Philippine Republic, 1899,” Alaya:  The Kapampangan Resesarch Journal 3, December 2005.

[5]               Isagani R. Medina, “Si Emilio Aguinaldo Bilang Tao at Ama ng Kalayaan, Bandila at Awiting Pambansa,” sa Isagani R. Medina, ed., Ilang Talata Tungkol sa Paghihimagsik (Revolucion) nang 1896-97 sinulat ni Carlos Ronquillo y Valdez (Lungsod ng Quezon:  Palimbagan ng Unibersidad ng Pilipinas, 1996), 795.

[6]               Zeus A. Salazar, “Ang Kartilya ni Emilio Jacinto at ang Diwang Pilipino sa Agos ng Kasaysayan,”Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Lahi, 1999), 29, 34.

[7]               Gregoria de Jesus, Mga Tala ng Aking Buhay at mga Ulat ng Katipunan (Maynila:  Palimbagang Fajardo, 1932).