IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

A MARCOS BIBLIOGRAPHY

03 aklat na The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I,

A MARCOS BIBLIOGRAPHY

Xiao Chua

As it appeared in the master’s thesis ANG MAYNILA NI IMELDA:  Isang Kapanahong Kasaysayan ng Pagbabagong-Anyo ng Metropolitan Manila (1965-1986) that I finished in 2010 for his degree Master of Arts in History at the University of the Philippines Diliman.  This bibiography is being published for the first time since requests for lists of Marcos books surged since this moring.  Although it focuses on my topic which was Mrs. Marcos’s governance, it cites the most important books on the Marcoses.  Raissa Robles’s book Marcos’ Martial Law:  Never Again is the latest book on the period and with its scope, scoop and visuals is maybe one of the best after many years.  A powerful personal narrative would be Susan Quimpo’s Subversive Lives:  A Family Memoir of Martial Law.  A lot of activists memoirs came out after 2010 and this were not covered by this list.  Historians had done their share in clarifying about the era.  My three papers on the time including the top Google search “Tortyur is available here.  In the bibliographic entries of those papers will be cited works on the People Power Revolution not included in this list, as well as more recent works beyond 2010.

 

Ang isang bibliograpiya ng lahat ng mga akda ukol sa mga Marcos ay isa nang paksa para sa isang mahabang papel.  Ang pagtutuunan lamang ng pansin ng bahaging ito ay yaong mga aklat, pelikula at dula na ang paksa o ang sumulat ay si Gng. Marcos, at ilang piling mahahalagang materyal tungkol sa mag-asawang Marcos.  Hindi ibinilang ang lahat ng mga materyal na isinulat ukol sa mag-asawang Marcos at sa kanilang diktadura.

 

Unang nagkaroon ng tanaw sa buhay ng mag-asawang Marcos ang madla sa mga aklat na For Every Tear A Victory ni Hartzell Spence (na naging Marcos of the Philippines noong 1969), at sa kaakibat nitong pelikulang Iginuhit ng Tadhana:  The Ferdinand E. Marcos Story, na pinagbidahan nina Luis Gonzales at Gloria Romero  (Noong 1969, nagkaroon ito ng sequel na pinamagatang Pinagbuklod ng Langit).  Ang mga ito ay mga propaganda para sa halalang 1965 kung saan ang mag-asawa ay tila isang Pilipinong Jack at Jackie Kennedy, at sumaatin na ang Camelot.  Isang maliit na publikasyon din ang inilabas noon, ang Medals for Peace and Freedom, na bagama’t nagtataglay ng mga pag-uulat ng Weekly Graphic ukol sa landas ni Marcos sa pagkapangulo bilang isang kawal-pinuno tulad nina Eisenhower, Kennedy at Johnson, ay isang balon ng kayamanan dahil sa mga magaganda at bihirang-makitang mga larawan ni Gng. Marcos.

 

Ilang akda na rin ang lumabas na pinagtutuunan ng pansin ang Unang Ginang Marcos.  Noong Oktubre 1969, sa ika-apat na taon ng panunungkulan ni Pang. Marcos, inilathala sa Estados Unidos ng The World Publishing Company ang unang opisyal at komprehensibong talambuhay ni Gng. Marcos na isinulat ng manunulat na si Kerima Polotan, Imelda Romualdez Marcos:  A Biography.  Ang tuon ng talambuhay na ito ay ang kanyang pulitikal na papel bilang kabiyak ng Pang. Marcos.

 

Noong sumunod na taon, sa kabila ng mga pagtatangka na supilin ito, inilathala ng peryodistang si Carmen Navarro-Pedrosa ang The Untold Story of Imelda Marcos.  Ang mga impormasyon sa kontrobersyal na kontra-naratibo ay nagmumula sa mga mismong kamag-anak at nakasama ng Unang Ginang, lalo na si Loreto Romualdez Ramos na pinsan ni Gng. Marcos, at Estrella Cumpas, ang kaniyang kasambahay noong sila ay bata pa.  Dinetalye nito ang mga paghihirap na dinanas ng pamilya ni Imelda lalo na ang mga sakripisyo ng kanyang ina na hindi napagtuunan sa mga naunang pagsasalaysay ng kanyang buhay.

 

Bilang tugon sa aklat ni Pedrosa, inilathala ng isang Alemang pari na nakakakilala sa kanya noong nasa Leyte pa lamang siya, si Albert Van Gansewinkel, ang The True Story of Imelda Romualdez Marcos, na isang pagtugon sa mga diumano’y maling mga impormasyon na ibinigay ng naunang aklat.[1]  Ipinakita rin dito ang pagbawi ni Estrella Cumpas sa kanyang mga sinabi sa aklat.  Sa mga panahong ito, si Estrella ay nasa kustodiya ni Kol. Fabian Ver, dating drayber ng Pang. Marcos at magiging Puno ng Estado ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (Pedrosa 1987, 156).

 

Sa ilalim ng Batas Militar, ipinalaganap ang mga opisyal na mga lathalain na nagbabandila sa “Bagong Lipunan” ng mag-asawang Marcos.  Ang peryodistang si Ileana Maramag ang naging opisyal na tagapagsalaysay ng mga naisakatuparang mga proyekto ni Gng. Marcos sa kanyang mga akdang Compassion and Commitment:  Action Programmes of the First Lady Imelda Romualdez Marcos noong 1975 at ang Imelda Romualdez Marcos: A Biography of Deeds noong 1982.  Ang mga manunulat na tagahanga ay gumawa rin ng kanilang pagkilala kay Gng. Marcos, tulad ni Leticia S. Guzman Gagelonia ay gumawa ng dalawang akda, ang Imelda:  Ang Ulirang Unang Ginang, isang talambuhay na patula, at ang Si Imelda, Ang Pilipina.  Ang kilalang mananalambuhay ng mga pangulo ng Pilipinas na si Isabelo Crisostomo ay sumulat ng Imelda Romualdez Marcos: Heart of the Revolution.  Ang makatang si Alejandrino G. Hufana ay kumatha pa ng isang epiko ng Unang Ginang noong mga kalagitnaan ng Dekada 1970.

 

At tulad ng ginawa ni Eva Perón ng Argentina sa kanyang La Razón de Mi Vida, naglabas din si Gng. Marcos ng koleksyon ng kanyang sariling mga pananalita, The Compassionate Society noong 1973 at 1977.  Na sinundan ng dalawang tomong koleksyon ng kanyang mga talumpati, Ideas of Imelda Marcos.  Noong 1981, inilathala ang kanyang Paths to Development, at noong 1982, ang The New Human Order, na kapwa nagtataglay ng kanyang mga pilosopiya at paniniwala na inirerepresenta ng mga bilog.  Ilang sipi ng mga maiikling pananalita ni Gng. Marcos ay inipon ni Julio F. Silverio sa kanyang Golden Quotations Of Our First Lady noong 1978.  Liban pa ito sa iba’t ibang opisyal na mga bidyo-dokumentaryo at mga aklat ukol sa kanyang iba’t ibang paglalakbay bilang pangunahing diplomatiko ng rehimeng Marcos.

 

Dahil sa hindi pinapayagan ang kritikal na mga sulatin sa Unang Ginang sa Pilipinas, sa ibang bansa ito lumabas.  Ang pananaw mula sa loob ng rehimen ng kumalas na propagandista ni Marcos na si Primitivo Mijares, The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I ay sinundan noong 1981 ng Two ‘Terrorists’ Meet, ang mga alaala ni Steve Psinakis tungkol sa kaniyang pakikipag-usap kay Gng. Marcos ukol sa mga kaguluhan sa Pilipinas.

 

Sa pagbagsak ng rehimeng Marcos, dalawang kritikal na mga talambuhay ni Gng. Marcos ang lumabas para sa pandaigdigang merkado.  Ang buong mundo ay namangha sa People Power sa Pilipinas, at sa dami ng sapatos ng Unang Ginang.  Muling naglabas si Carmen Navarro Pedrosa ng isang talambuhay, Imelda Marcos: The Rise and Fall of One of the World’s Most Powerful Women (Inilabas ito ng Bookmark para sa pambansang merkado bilang The Rise and Fall of Imelda Marcos).  Sinundan ito noong 1988 ng Imelda:  Steel Butterfly of the Philippines na sinulat ni Katherine Ellison, isang batikang peryodistang Amerikano na nauna nang nagwagi ng Premyong Pulitzer para sa kanyang pag-uulat sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos.  Noong taon din na iyon, ang manunulat na si Beatriz Romualdez-Francia, na nagpakilalang “dissident niece,” ay naglabas ng talambuhay ni Gng. Marcos sa konteksto ng kanilang angkan at ng bansa, Imelda and the Clans:  A Story of the Philippines (na naging Imelda:  A Story of the Philippines sa kanyang ikatlo at binagong edisyon noong 1992).

 

Sa loob ng tatlong taon post-EDSA, lumabas sa Estados Unidos ang ilang mahahalagang akda ukol sa mag-asawang Marcos.  Noong 1987, inilabas ni Beth Day Romulo ang kanyang mga alaala bilang kaibigan ng mga Marcos sa Inside the Palace:  The Rise and Fall of Ferdinand and Imelda Marcos.  Sa taon din na iyon, ang mga naipong dokumento ni Raymond Bonner mula sa CIA ukol sa mga Marcos ang naging primaryang mga batis para sa Waltzing With A Dictator:  The Marcoses and the Making of American Policy.  Noong 1988, ang mga alaala at pag-uulat sa Pilipinas ng reporter ng TIME na si Sandra Burton, na nakapanayam kapwa ang mga mag-aasawang Marcos at Aquino, ay nailathala sa Impossible Dream:  The Marcoses, The Aquinos, and the Unfinished Revolution. Ang ugnayan naman ng mga Amerikanong mangangalakal, pamahalaan at ng CIA sa pandarambong ng mga Marcos ang naging paksa ni Sterling Seagrave sa kanyang The Marcos Dynasty.  Kasabay nito ang isang talong-bahaging telemovie na pandaigdigang ipinalabas ng HBO, ang A Dangerous Life, na patungkol sa huling tatlong taon ng paghahari ng mga Marcos na pinagbidahan ng b-actor na si Gary Busey at kinatatampukan din nina Ruben Rustia at Tessie Tomas bilang sina Ferdinand at Imelda, at si Laurice Guillen bilang si Cory Aquino.

 

Patuloy pa rin ang pagkamangha ng mga manunulat sa kwento ng mga Marcos.  Katunayan nito ang paglabas noong 1998 sa London ng America’s Boy:  The Rise and Fall of Marcos and Other Misadventures of US Colonialism in the Philippines na isinulat ni James Hamilton-Paterson, isang manunulat na Briton na nanirahan sa Pilipinas.  Noong 2000, isang organisasyon na nagpakilalang Katotohanan at Katarungan Foundation ang naglabas ng simpatetikong akda ni Karla Sohmer na Hubris: When States and Men Dare God: The Persecution of the Marcoses.

 

Marami ring mga kwentista ang naglathala ng kanilang mga maiikling kwento na umikot sa personalidad ni Gng. Marcos, tulad ng “Imelda of the Islands” ni Leoncio P. Deriada noong 1994 (Cruz 2008) at ang “A Tall Woman from Leyte” ni Gina Apostol noong 2001.  Siya rin ay patuloy na paksa ng mga palabas.  Matapos ang paglabas ng kontrobersyal na dokumentaryo ni Ramona Diaz na Imelda: Power, Myth, Illusion na nagwagi sa Sundance Film Festival noong 2004, dalawang dula tungkol kay Gng. Marcos ang ipinalabas:  Imelda: A New Musical, na unang lumabas noong 11 Mayo 2005 sa Los Angeles (Nepales 2005), at ang Here Lies Love, na isinulat ni DJ Fatboy Slim at ng bokalista ng Talking Heads na si David Byrne, na unang ipinalabas sa Adelaide Bank Festival of Arts 2006 sa Ridley Centre, Royal Adelaide Showground noong 9 Marso 2006 (Byrne 2005; “Fatboy Slim Makes Marcos Musical” 2006).  Sa unang bahagi ng 2010, ang lumabas sa komersyal na merkado ang concept album ng Here Lies Love, at natapos ang The Red Shoes, isang romantikong pelikula na ang kwento’y umikot sa isang pares ng naiwang sapatos ni Gng. Marcos noong Himagsikang EDSA.  Nang isadula sa Pilipinas ang pandaigdigang nobelang Dogeaters ni Jessica Hagedorn noong 16 Nobyembre hanggang 2 Disyembre 2007 sa Carlos P. Romulo Auditorium sa RCBC Plaza, Lungsod ng Makati, naging prominente ang karakter ng Unang Ginang na ginampanan ni Andoy Ranay (Evangelista 2007).

 

At tulad ng kanyang patuloy na pamamayani na kamalayan ng mga Pilipino at ng daigdig, patuloy din ang na ibinabandila ni Gng. Marcos ang kanyang mga paniniwala.  Noong mga 1995, ang kanyang mga dalumat ukol sa Katotohanan, Kabaitan at Kagandahan na ipinapaliwanag sa pamamagitan ng mga hugis ay inilathala niya sa Circles Of Life, at kanyang nirebisa at pinaikli sa isang pulyeto na pinamagatang Mothering: The Rising Spirit noong Dekada 2000.

 

Sa kabila ng marami nang naisulat ukol kay Gng. Marcos, kulang pa rin ng pagtasa sa kanyang mga nagawa sa lenteng historikal ng mga akademiko.  Isang kapuri-puring pagtatangka ang tesis masterado na isinulat ni Gerard Rey Lico na inilimbag bilang Edifice Complex:  Power, Myth and Marcos State Architecture na nagpapakita ng mga pamang arkitektural ni Gng. Marcos at ng naging epekto nito sa mga tao.

 

[1]              Nang aking ipakita kay Gng. Marcos ang akda ng kanyang dating pari noong 29 Hulyo 2008, kanyang hiniram ang kopya at sinabing ngayon lamang niya nakita ang aklat na ito.

BIBLIYOGRAPIYA

MGA PRIMARYANG BATIS

Mga Sulatin at Talumpati ni Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos:

 

Marcos, Imelda Romualdez.  1977.  The Compassionate Society And Other Selected Speeches.  Maynila:  National Media Production Center.

 

__________.  1978a.  Golden Quotations Of Our First Lady, comp. Julio F. Silverio.  Maynila:  National Book Store, Inc.

 

__________.  1978b.  Ideas of Imelda Marcos dalawang tomo, ed. Ileana Maramag.  Maynila:  National Media Production Center.

 

__________.  1980, Setyembre.  “Tourism and the Humanization of Man,” na binigkas sa World Tourism Congress na ginanap sa Maynila.  1980 Fookien Times Philippines Yearbook, 42-43.

 

__________.  1981a, 27 Abril.  “A Universal View of Human Settlements” na binigkas sa ika-4 na Sesyon ng United Nations Commission on Human Settlements na ginanap sa Bulwagang Plenaryo ng Philippine International Convention Center.  1981-82 Fookien Times Philippines Yearbook, 38-39.

 

__________.  1981b, 27 Abril.  “Rules and Regulations Governing the Development of Intramuros:  Implementing P.D. 1616 creating the Intramuros Administration, as amended.”  Maynila:  The Intramuros Administration.

 

__________.  1981c.  Paths to Development.  W.p.: w.t.

 

__________.  1982a.  The New Human Order.  Metropolitan Manila:  Office of Media Affairs.

 

__________.  1982b, 7 Nobyembre.  “Metro Manila, Lungsod ng Tao:  Kalayaan, Kaunlaran, Kasiyahan.”  Talumpati para sa ika-pitong anibersaryo ng Matropolitan Manila at ng MMC sa Quirino Grandstand.

 

__________.  1983, 23 Setyembre .  “My Problem is My Sensitivity and Worse, My Girl Scout Mentality,” Mr & Ms Special Edition, 3-5, 16.

 

__________.  1995.  Circles Of Life.  W.p.: w.t.

 

__________.  2005a.  “Negotiations With Qaddafi,” sa Little Book of Miracles & Answered Prayers, ed. Bunny V. Reyes, 188-189.  Alabang:  Bare Feet Publishing.

 

__________.  2005b.  “Surviving An Assassination Attempt,” sa Little Book of Miracles & Answered Prayers, ed. Bunny V. Reyes, 191-192.  Alabang:  Bare Feet Publishing.

 

__________.  2005c, 20 Hulyo.  Talumpati sa Ika-7 Diliman Governance Forum na may temang “Metro Governance in the Philippines:  In the Pink of Health or in the Brink of Collapse”  (Ginanap sa National College of Public Administration, Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Lungsod Quezon.)

 

__________.  W.tn.  Mothering:  The Rising Spirit.  W.p.: w.t.

 

__________.  W.tn.  “The New Human Order:  Seven Portals to Infinity (Life, Work, and Immortality:  Recovery of the Filipino Soul).”  W.p.: w.t. (Maaaring sabihing inilathala ng Committee of the Propagation of the Filipino Ideology, Executice Working Group, c/o The President’s Center for Special Studies).

 

Mga Sulatin at Talumpati ni Pang. Ferdinand Edralin Marcos:

 

Marcos, Ferdinand E.  1969, 27 Enero.  Bagong Pilipinismo:  Landas Tungo sa Kaunlaran:  Kalatas sa Batasang-Bansa ng Pilipinas Tungkol sa Kalagayan ng Bansa.  W.p.: w.t.

 

__________.  1971.  Today’s Revolution:  Democracy.  W.p.: w.t.

 

__________.  1972, 24 Enero.  Strength Through Crisis, Growth in Freedom:  State of the Nation Message.  W.p.: w.t.

 

__________.  1973.  Notes on the New Society of the Philippines.  Maynila:  Ferdinand E. Marcos Foundation, Inc.

 

__________. 1973, 19 Setyembre.  “Executive Order No. 419:  Creating A Task Force on Human Settlements,”  The Lawphil Project – Arellano Law Foundationhttp://www.lawphil.net/executive/execord/eo1973/eo_419_1973.html.

 

__________.  1974a.   Dream of a Reformed Society and Other Speeches.  Maynila, National Media Production Center.

 

__________.  1974b.  The Democratic Revolution in the Philippines.  W.p.:  Focus Philippines.

 

__________.  1976a  Notes on the New Society of the Philippines II:  Rebellion of the Poor.  Maynila:  Ferdinand E. Marcos Foundation, Inc.  1976.

 

__________.  1976b.  Tadhana:  The History of the Filipino People Outline.  W.p.: w.t.

 

__________.  1976c.  Tadhana:  The History of the Filipino People Tomo II, Bahagi 1.  W.p.: w.t.

 

__________.  1978:  Five Years of the New Society.  Maynila:  Ferdinand E. Marcos Foundation, Inc.

 

__________.  1980.  “The Philippines in the Last 15 Years,” 1980 Fookien Times Philippines Yearbook, 28-34.

 

__________.  1981.  Marcos Notes for the Cancun Summit 1981.  Maynila:  Ferdinand E. Marcos Foundation, Inc.

 

__________.  1982.  The New Philippine Republic:  A Third World Approach to Democracy.  Maynila:  Ferdinand E. Marcos Foundation, Inc.

 

__________.  1983.  An Ideology for Filipinos.  Maynila:  Ferdinand E. Marcos Foundation, Inc.

 

__________.  1985.  The Democratic Revolution, ed. Ileana Maramag.  Kalakhang Maynila:  Office of Media Affairs.

 

__________.  1988, 1 Mayo.  Liham Para kay Gng. Imelda Marcos.  Personal na koleksyon ni Gng. Marcos.

 

MGA SEKUNDARYANG BATIS

 

Mga Aklat Ukol sa Mga Marcos:

 

Agpalo, Remigio.  2007.   A Hero in History.  Maynila:  Marcos Presidential Center.

 

Angeles, José Angelito, Michael Charleston B. Chua, Nancy Aenoh Cortez, Webster Laureñana, Olivia Ontoria, Gretzhel Saligbon at Leah Abayao.  2004.  INA, ANAK:  Ang Kwento ng Dalawang Imelda (Ang Masalimuot na Ugnayang Mag-inang Imelda at Imee Marcos).  Tesis Praktikum Batsilyer sa B.A. Kasaysayan, UP Diliman.

 

Aquino, Benigno, Jr., S.  1984, 2000.  Testament from a Prison Cell 2nd Edition.  Makati:  Benigno S. Aquino, Jr., Foundation.

 

Brillantes, Alex Jr. Bello.  1987.  Dictatorship and Martial Law.  Lungsod Quezon:  Great Books Publisher.

 

Bonner, Raymond.  1987.  Waltzing With A Dictator:  The Marcoses and the Making of American Policy.  Nueba York:  Times Books.

 

Burton, Sandra. 1989.  Impossible Dream:  The Marcoses, the Aquinos, and the Unfinished Revolution.  Nueva York:  Warner Books, Inc.

 

Constantino, Renato.  1972.  Renato Constantino and The Marcos Watch.  Lungsod Quezon:  Malaya Books, Inc.

 

Crisostomo, Isabelo T.  1980.  Imelda Romualdez Marcos:  Heart of the Revolution.  Maynila: J. Kriz.

 

de Dios, Aurora Javate, Petronilo Bn. Daroy at Lorna Kawal Tirol, eds.  1988.  Dictatorship and Revolution:  Roots of People’s Power.  Lungsod Quezon:  Conspectus Foundation, Inc.

 

De Vega, Guillermo C.  1974.  Ferdinand Marcos:  An Epic.  W.p.: w.t.

 

Dizon, Anacleto I.  1976.  Ferdinand E. Marcos:  Itinadhana sa Kadakilaan.  Maynila:  Malaya Publishing Corporation.

 

Domingo, Benjamin.  2007.  The Marcos Foreign Policy.  Maynila:  Marcos Presidential Center.

 

Ellison, Katherine.  1988.  Imelda:  Steel Butterfly of the Philippines.  Nueba York: McGraw-Hill.

 

Francia, Beatriz Romualdez. 1992.  Imelda:  A Story of the Philippines 3rd Edition.  Manila:  Solar Publishing Corporation.

 

Gagelonia, Leticia S. Guzman.  1972.  Hamon Sa Kagitingan:  Marcos ng Silangan.  Lungsod ng Kalookan:  Ricson’s Enterprises.

 

__________.  1979.  Si Imelda:  Ang Pilipina.  W.p.: w.t.

 

Hufana, Alejandrino Gurtiza.  1975.  Imelda Romualdez Marcos: A Tonal Epic.  W.p.: Konsensus.

 

Gansewinkel, Albert Van.  1971.  The True Story of Imelda Marcos.  W.p.: w.t.

 

Gleeck, Lewis, Jr.  1988.  President Marcos and the Philippine Political Culture. Maynila: w.t..

 

Gray, Banjamin A. 1968.  Rendezvous with Destiny.  Maynila:  Philippine Education Company.

 

Hila, Antonio.  2007.  The Musical Arts in the New Society.  Maynila:  Marcos Presidential Center.

 

Lico, Gerard Rey A.  2003.  Edifice Complex:  Power, Myth, and Marcos State Architecture.  Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Pamantasang Ateneo de Manila.

 

McDougald, Charles C.  1987.  The Marcos File.  San Francisco:  San Francisco Publishers.

 

Magno, Alexander R.  1998.  Kasaysayan:  The Story of the Filipino People, Volume Nine:  A Nation Reborn.  Hongkong:  Asia Publishing Company Limited.

 

Manapat, Ricardo.  1991.  Some Are Smarter Than Others:  The History Of Marcos’ Crony Capitalism.  Nueba York:  Aletheia Publications.

 

Maramag, Ileana.  1975.  Compassion and Commitment:  Action Programmes of the First Lady Imelda Romualdez Marcos.  Maynila:  National Media Production Center.

 

__________.  1982.  Imelda Romualdez Marcos: A Biography of Deeds.  Metro Manila: Office of Media Affairs.

 

Mijares, Primitivo.  1976.  The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I.  San Francisco:  Union Square Publications.

 

Nituda, Victor G.  1982.  Marcos The Statesman.  Maynila:  Foresight International, Inc.

 

__________.  1980.  The Young Marcos.  Maynila:  Foresight International, Inc.

 

Paterson, James Hamilton.  1998.  America’s Boy:  The Marcoses And The Philippines.  London:  Granta Books.

 

Pedrosa, Carmen Navarro.  1969.  The Untold Story Of Imelda Marcos.  Rizal: Tandem Publishing Company, Ltd.

 

__________.  1987.  Imelda Marcos: The Rise and Fall of One of the World’s Most Powerful Women.  Nueba York:  St Martin’s Press.

 

Polotan, Kerima.  1970.  Imelda Romualdez Marcos:  A Biography Of The First Lady Of The Philippines.  Cleveland, Ohio:  The World Publishing Company.

 

Rempel, William C.  1993.  Delusions of A Dictator:  The Mind of Marcos as Revealed in His Secret Diaries.  Boston:  Little Brown and Company.

 

Rotea, Hermie.  1984.  Marcos’ Lovey Dovey.  Los Angeles:  Liberty Publishing.

 

Romulo, Beth Day.  1987.  Inside The Palace:  The Rise and Fall of Ferdinand and Imelda Marcos.  Nueba York:  Ferrer and Simons.

 

Rural Electrification Advocate of the Philippines (REAP).  2007.  Light This Beloved Land.  Maynila:  Marcos Presidential Center.

 

Salonga, Jovito R.  2000.  Presidential Plunder:  The Quest for the Marcos Ill-Gotten Wealth.  Lungsod Quezon:  UP Center for Leadership, Citizenship and Democracy at Regina Publishing, Inc.

 

__________.  2001.  A Journey of Struggle and Hope:  A Memoir of Jovito R. Salonga.  Lungsod Quezon:  UP Center for Leadership, Citizenship and Democracy at Regina Publishing, Inc.

 

Seagrave, Sterling.  1988.  The Marcos Dynasty.  Nueba York:  Harper and Row, Publishers.

 

Silvestre, Reynaldo P.  2007.  The AFP During and After Martial Law.  Maynila:  Marcos Presidential Center.

 

Simons, Lewis M.  1987.  Worth Dying For.  Nueba York:  William Morrow and Company, Inc.

 

Sohmer, Karla.  2007.  Hubris: When States and Men Dare God:  The Persecution of the Marcoses.  W.p.: Katotohanan at Katarungan Foundation.

 

Tan, Samuel K.  2007.  The Filipino Military Tradition.  Maynila:  Marcos Presidential Center.

 

UP Law.  2007.  The FM Law Book.  Maynila:  Marcos Presidential Center.

 

Vizmanos, Danilo P.  2003.  Martial Law Diary and Other Papers.  Lungsod Quezon:  Ken Incorporated.

 

Walang May-akda.  1965.  Medals for Peace and Freedom.  W.p.:  Weekly Graphic.

 

Walang May-akda.  1975.  Marcos of the Philippines, intro, Francisco S. Tatad.  Maynila:  Department of Public Information.

 

Walang May-akda, 1976.  The Philippines in the World:  The Foreign Relations of the Republic in the New Society.  Maynila:  Department of Public Information.

 

Walang May-akda.  1978.  Marcos of the Philippines, intro, Francisco S. Tatad.  Hongkong:  Raya Books.

 

Mga Artikulo sa Jornal at Peryodiko Ukol sa Mga Marcos:

 

Abaya, Hernando J.  1988.  “Imelda:  Theater Personified,” sa Looking Back in Anger, 250-252.  Lungsod Quezon:  New Day Publishers, Inc., 1992.

 

Alagao, Michelan Sarile.  2009a 15 Abril – 15 Mayo.  “Journey of the Center,” Metro Society, 162-166.

 

__________.  2009b, 15 Abril – 15 Mayo.  “There, Mr. Rockefeller…,” Metro Society, 167.

 

Apostol, Gina.  2001.  “A Tall Woman from Leyte,” sa Tribute:  An Anthology of Contemporary Philippine Fiction, eds. Timothy R. Montes and César Ruiz Aquino, 1-17.  Lungsod Pasig:  Anvil Publishing, Inc.

 

Aquino, Benigno S.  1969, 10 Pebrero.  “A Pantheon for Imelda,” sa A Garrison State in the Make and Other Speeches.  Makati:  Benigno S. Aquino, Jr. Foundation, 1985, 231-242.

 

Associated Press, The.  1998.  “Imelda:  The Words,” Independent Lenshttp://www.pbs.org/independentlens/imelda/words.html.

 

__________.  2006, 6 Nobyembre.  “Shoe maven Imelda Marcos has a new collection.”  http://www.imeldacollection.com/press1.asp.

 

Brillantes, Gregorio  1989.  “A Brief History of Martial Law,” sa The Cardinal’s Sins, the General’s Cross, the Martyr’s Testimony and other Affirmations, 302-306.  Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Pamantasang Ateneo de Manila, 2005.

 

Byrne, David.  2005.  “Trip To The Philippines,”  The Work of David Byrne Website.  http://journal.davidbyrne.com/2005/12/philippines_mar.html.

 

Chua, Michael Charleston B.  2001, 12 Marso.  Martial Law:  Never Again – Some Reported Cases of Atrocities and Brutalities of the Marcos Dictatorship (1965-1986).  Mini-Tesis sa Hayskul na isinumite kay Gng. Julieta Paras, St. Matthew Christian Academy of Tarlac, Tarlac, Inc.

 

__________.  2002.  “Torture:  A Preliminary Look at Brutality and Its Effects Under the Marcos Dictatorship (1972-1986).”  Papel na isinumite para sa klase ng Kasaysayan 10 ni Dr. Ma. Serena Diokno.  UP Diliman, Unang Semestre, 2002-2003, at nagwagi para sa UP Departamento ng Kasaysayan sa Paper Presentation Series ng College of Social Sciences and Philosophy Student Council, UP Diliman, noong Enero 2003.

 

__________.  2006a.  “Imelda / Maynila:  Isang Panimulang Pagtingin sa Pagiiba ng Landscape at Kapangyarihan Ayon Kay Unang Ginang Imelda Romualdez-Marcos.”  Papel na isinumite para sa klase ng Anthropology 232 (Ecological Anthropology) ni Dr. Maria Mangahas, UP Diliman, Unang Semestre, 2006-2007.

 

__________.  2006b.  “Imeldific Folklorismus: Ang Mga Ideya ng Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos Batay sa Pagsasatradisyon ng Kanilang Pamumunong Konjugal (1965-     ).”  Papel na isinumite para sa klase ng Anthropology 265 (Field Research in Philippine Folklore) ni Dr. Eufracio Abaya, UP Diliman, Unang Semestre, 2006-2007.

 

__________.  2007, 4 Mayo.  “Ang Ating Panahon:  Ang Bayan Mula Pagkabansang Republika Hanggang Kapangyarihang Bayan (1946-kasalukuyan).”  Papel na binasa sa CHED – UP Departamento ng Kasaysayan Seminar-Workshop sa Kasaysayan ng Bayan, College of the Immaculate Conception, Lungsod ng Cabanatuan.  http://michaelxiaochua.multiply.com/journal/item/73.

 

__________.  2008-2009, Enero-Disyembre.  “Ang Imeldific: Representasyon at Kapangyarihan sa Sto. Niño Shrine sa Lunsod ng Tacloban.”  Philippine Social Science Review, Tomo 60-61 (Bilang 1-2), 57-93.

 

Coronel, Sheila S.  2006, Enero-Pebrero.  “Imelda Marcos:  ‘The greatest moment of Marcos was Edsa’” PCIJ i-Report, 8-10.

 

Cruz, Romeo V.  1993.  Ang Paggawa ng Tadhana Mula 1980, ” sa Paksa, Paraan at Pananaw sa Kasaysayan, eds. Ma. Bernadette L. Abrera at Dedina A. Lapar, 200-203.  Lungsod Quezon:  Departamento ng Kasaysayan UP, UP Lipunang Pangkasaysayan at Bahay Saliksikan ng Kasaysayan.

 

Dauz, Florentino.  1974a.  “A River To Her Own People,” sa Essays of A Decade:  From Marcos to Marcuse, 32-36.  Lungsod Quezon:  Pan-A-Print Corporation.

 

__________.  1974b.  “Imelda R. Marcos and the Arts,” sa Essays of A Decade:  From Marcos to Marcuse, 1-16.  Lungsod Quezon:  Pan-A-Print Corporation.

 

__________.  1974c.  “The Active Spirit,” sa Essays of A Decade:  From Marcos to Marcuse, 38-42.  Lungsod Quezon:  Pan-A-Print Corporation.

 

__________.  1974d.  “The Living Mind,” sa Essays of A Decade:  From Marcos to Marcuse, 50-57.  Lungsod Quezon:  Pan-A-Print Corporation.

 

__________.  1974e.  “The Master Builder,” sa Essays of A Decade:  From Marcos to Marcuse, 44-49.  Lungsod Quezon:  Pan-A-Print Corporation.

 

de Dios, Emmanuel S.  1988.  “The Erosion of the Dictatorship,” sa Dictatorship and Revolution:  Roots of People’s Power, eds. Aurora Javate De Dios, Petronilo Bn. Daroy at Lorna Kawal Tirol, 70-131.  Lungsod Quezon:  Conspectus Foundation, Inc.

 

de Paolo, Ron (kasama ang potograpo na si Harry Redl).  1966, 8 Agosto.  “Philippines’ First Lady at work:  Busy Beauty in the Barrios, How ‘Miss Manila’ became First Lady,” LIFE Asia Edition, 70-78.

 

Deriada, Leoncio P.  1994.  “Imelda of the Islands,” sa The Week of the Whales & Other Stories, 73-83.  Lungsod Quezon:  New Day Publishers.

 

Gunnes, Christopher.  2000, 31 Oktubre.  “The Day I Met Imelda Marcos,” BBChttp://news.bbc.co.uk/2/hi/asia-pacific/1000140.stm.

 

Jiménez, David.  2004, 9 Mayo.  “’Santa Imelda’ de Filipinas,” Cronicas (Un Suplemento de El Mundo).  http://www.elmundo.es/cronica/2004/447/1084196070.html.

 

Joaquin, Nick (Quijano de Manila).  1968, Agosto.  “Art in the Palace,” sa Doveglion & Other Cameos, 1-13.  Maynila:  National Book Store, Inc.

 

Kelley, Ken at Phil Bronstein.  2008, Mayo.  “1987 Playboy Interview:  Imelda & Ferdinand Marcos,” Playboy Phiippines, 36-45.

 

Lopez, Antonio.  1987, 5 Hulyo.  “Interview / Ferdinand Marcos:  ‘My Heart is There,’”  Asiaweek, 30-32, 34-35.

 

Lopez, Antonio.  1987, 5 Hulyo.  “Interview / Imelda Marcos:  ‘The World is Against Us,’”  Asiaweek, 33.

 

Malanes, Maurice.  1999, 21 Setyembre.  “Remembering Martial Law,” Philippine Daily Inquirer, 16.

 

Martinez, Manuel F.  2002.  “The Kamikaza Attack on Mrs. Marcos,” sa Assassinations & Conspiracies:  From Rajah Humabon to Imelda Marcos.  Lungsod ng Pasig:  Anvil Publishing Inc., 175-185.

 

Mydans, Seth.  2006, 21 Marso.  “The Life of Imelda Marcos, in Powerpoint and Plastic,” New York Timeshttp://www.nytimes.com/2006/03/21/international/asia/21marcos.html?_r=1&scp=3&sq=Imelda+Marcos&st=nyt&oref=slogin.

 

Mydans, Seth at Richard Vokey.  1982, 13 Setyembre.  “The World According to Imelda,” Newsweek, Setytembre 13, 24.

 

Ocampo, Ambeth R.  1986.  “Malakas at Maganda:  The Book That Never Was” sa Aguinaldo’s Breakfast, 214-217.  Lungsod Pasig:  Anvil Publishing, Inc, 1993.

 

Ong, Charlson.  Memories of a Martial Law Minor (sanaysay na pinakomisyon para sa The Philippine Century: 1900-2000, na inilathala ng Philippines Free Press).  http://philippinesfreepress.wordpress.com/2006/02/19/memories-of-a-martial-law-minor/.

 

Patawaran, AA.  2006, Enero-Pebrero.  “Ilocos Imeldific!:  On A Tour of Ilocos Norte in the Company of One Of Its Most Ardent Lovers, Imelda Romualdez Marcos,” Stopover, 94-103.

 

Perdon, Renato.  2008.  “Two Women:  Evita and Imelda,” sa Footnotes to Philippine History, 200-220.  Sydney at Maynila:  The Manila Prints.

 

Porio, Emma.  2008, 23-25 Hulyo.  “Governance, Capital and Shifting Spaces of Power in Metro Manila.”  Papel na binasa sa ika-8 Pandaigdigang Kumperensya para sa Araling Pilipino (ICOPHIL) na ginanap sa Philippine Social Science Center, Lungsod ng Quezon.

 

Quismundo, Tarra.  2006, 8 Nobyembre.  “Imelda Basks in Past Glory, Pushes Tunnel.”  Philippine Daily Inquirerhttp://newsinfo.inq7.net/breakingnew…ticle_id=31143

 

Reginato, James.  2007, Abril.  “Forever Imelda,” Whttp://www.style.com/w/feat_story/030407/full_page.html.

 

Rosales, Etta.  1999, 21 Setyembre.  “Face Off,” The Philippine Star, 12.

 

Rowan, Roy.  1976, 7 Hunyo.  “Malakas and Maganda at Home,” TIME, 10-11.

 

Seno, Alexandra A.  2004, 2 Pebrero.  “The Last Word Imelda Marcos:  Inside The Mind of Imelda,” Newsweek, 58.

 

Sindayen, Nelly.  2006, 26 June.  “10 Questions:  Imelda Marcos,” TIME.

 

Treen, Joseph, Richard Vokey at Tessa Namuth.  1983, 5 Setyembre.  “The Iron Butterfly,” Newsweek, 12.

 

Tubeza, Philip.  2006, 5 Setyembre.  “Imelda Wants to be Mayor of Manila,” Philippine Daily Inquirer, A19.

 

Vanzi, Sol José.  1998, 7 Oktubre.  “Supreme Court Acquits Imelda on 3 Grounds,” Philippine Headline News Onlinehttp://www.newsflash.org/199810/hl/hl000959.htm.

 

Zamora, Fe.  2007, 18 Hulyo.  “Imelda Marcos visits PGH, ‘scene of crime’,” Philippine Daily Inquirerhttp://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20070718-77261/Imelda_Marcos_visits_PGH%2C_%91scene_of_crime%92

 

Mga Bidyo at Audio:

 

Abunda, Boy, int.  2005, 30 Disyembre.  “Mrs. Marcos,” Kontrobersyal.  Lungsod Quezon:  ABS-CBN News and Current Affairs.

 

Bigornia, Doris, narr.  1999, Setyembre.  “Apo Marcos,” The Correspondents.  Lungsod Quezon:  ABS-CBN News and Current Affairs.

 

Brocka, Lino, dir.  1975.  Maynila sa Mga Kuko ng Liwanag.

 

__________.  1979.  Jaguar.

 

__________.  1990.  Gumapang Ka Sa Lusak.

 

Byrne, David at Fatboy Slim.  2010.  “Please Don’t,”  Here Lies Love concept album.

 

de Castro, Noli, pres.  1999, 13 Hunyo.  Anak ng Bayan.  Lungsod Quezon:  ABS-CBN News and Current Affairs.

 

Diaz, Ramona, dir.  2003.  Imelda:  Power, Myth, Illusion.  W.p.:  CineDiaz, Inc.

 

Garcia, Dante Nico, dir.  2008, 28 Setyembre.  Newsmakers.  Lungsod Quezon:  GMA News and Public Affairs.

 

GMA News and Public Affairs.  2004, 7 Setyembre.  Reporter’s Notebook.  Lungsod Quezon:  GMA News and Public Affairs.

 

Hotdog (Rene at Dennis D. Garcia).  1974.  “Miss Universe ng Buhay Ko.” Hotdog Greatest Hits.  Maynila:  Bell Films, Dyna Records at Universal Records, 1992.

 

Hotdog (Rene at Dennis D. Garcia).  1976.  “Manila.” Hotdog Greatest Hits.  Maynila:  Bell Films, Dyna Records at Universal Records, 1992.

 

IRM Production.  1981.  Conquest of Iraq.  Lungsod ng Makati:  IRM Production, 2005.

 

Lacaba, Jose F., manunulat.  2002.  Lakas Sambayanan.  Lungsod ng Pasig:  Foundation for World Wide People Power.

 

Lazaro, Che-Che, narr.  2007, 15 August.  “Araw ng Paniningil,” Probe.  Lungsod ng Quezon:  Probe Productions.

 

Logarta, Charo at Abner Mercado, narr.  2007, 31 Hulyo.  “Yaman ng Marcos:  Deal or No Deal,” The Correspondents.  Lungsod Quezon:  ABS-CBN News and Current Affairs.

 

Lopez, Jade, narr.  2003, Setyembre.  “Nakaw na Ninakaw,”  The Correspondents.  Lungsod Quezon:  ABS-CBN News and Current Affairs.

 

Magsaysay, Jing, narr.  1999, Setyembre.  “Karinyo Militar,” The Correspondents.  Lungsod Quezon:  ABS-CBN News and Current Affairs.

 

Maramag, Ileana, manunulat.  1973.  The First Lady’s Visit To Australia.  Maynila:  National Media Production Center (Jess Decolongan, narr).

 

Markowitz, Robert, dir. 1988.  A Dangerous Life.  Australia: Shuiyi Investment, Ltd, Autralian Broadcasting Corporation at Home Box Office (Tatlong-bahaging dulang pantelebisyon na kinatatampukan ni Gary Busey at Rebecca Gilling).

 

Mercado, Cheri, narr.  1999, Hulyo.  “Ang Pagbabalik ni Madam,” The Correspondents.  Lungsod Quezon:  ABS-CBN News and Current Affairs.

 

National Media Production Center.  1974.  China Visit:  IRM and FM, Jr. Maynila:  National Media Production Center.

 

__________.  1979.  Mission Accomplished (Ikatlong pagbisita ni Imelda sa Tsina).  Maynila:  National Media Production Center.

 

__________.  1982.  A Reaffirmation of Eternal Friendship (Ika-apat na pagbisita ni Imelda sa Tsina).  Maynila:  National Media Production Center.

 

Nolasco, Butch dir.  2008, 21 Agosto.  Beyond Conspiracy:  25 Years After The Aquino Assassination.  Lungsod ng Pasig:  Foundation for World Wide People Power.

 

Philippine Center for Investigative Journalism.  2006.  “Imelda Marcos:  ‘The greatest moment of Marcos was Edsa’” sa PCIJ Channel.  http://pcij.org/blog/wp-files/podcasts/Imelda.mp3.

 

Rao, Anjali, narr.  2007,  24 Enero. Talk Asia:  Imelda Marcos.  HongKong:  Cable News Network.  http://edition.cnn.com/2007/WORLD/asiapcf/01/19/talkasia.marcos.script/index.html

 

Reyes, Joey, manunulat.  2004.  Papogi:  The Imaging of Philippine Presidents.  Maynila:  Philippine Center for Investigative Journalism.

 

Roño, Chito, dir.  2002.  Dekada 70.  Lungsod Quezon:  Star Cinema.

 

Severino, Howie G. at Ella Marie C. Evangelista.  2005.  “Multo ng Nakaraan, dokumentaryo ni Howie Severino,” I-Witness.  Lungsod ng Quezon:  GMA News and Public Affairs.

 

 

Tiongson, Lito, manunulat.  1997, 21 Setyembre.  Batas Militar:  A Documentary About Martial Law in the Philippines.  Lungsod ng Pasig:  Foundation for World Wide People Power (Unang ipinalabas sa ABS-CBN).

 

Trofeo, Dik, dir.  1974.  Kasaysayan ng Lahi.  Metro Manila:  National Media Production Center.

 

__________.  1975.  Gates of Friendship, Bridges For Tomorrow (Pagbisita ni Pang. At Gng. Ferdinand at Imelda Marcos sa Tsina).  Metro Manila:  National Media Production Center.

 

__________.  1981.  The Revolution From The Center.  Metro Manila:  National Media Production Center.

 

__________.  2003, 12 Oktubre.  Sa Mata ng Balita:  50 Taon ng Pamamahayag.  Lungsod Quezon:  ABS-CBN News and Current Affairs.

 

Walang May-Akda.  1975.  The Record of the 8th Kajima Peace Award.  W.p.: w.t.

 

Webb, Pinky, int.  2007, 25 Hunyo.  “Pinky Meets Meldy,”  Umagang Kay Ganda.  Lungsod Quezon:  ABS-CBN News and Current Affairs.

 

Yan, Rico, narr.  1999, Setyembre.  “Bagong Lipunan,”  The Correspondents.  Lungsod Quezon:  ABS-CBN News and Current Affairs.

 

THE JVAN LVNA CODE:Pagtuturo ng Kasaysayan Gamit ang “Parisian Life” (a.k.a. “the Php 46 Million Painting”)

05 Nagpapakita ito ng isang babaeng nakaupo sa isang Parisian Café na pinagmamasdan ng tatlong lalake

Ang “Parisian Life” ni Juan Luna. Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kuha ni John Ray Ramos.

Ang bawat museo ay may isang tampok na likhang-sining na maituturing na pinakamahalagang obra maestra ng kanilang koleksyon:  Kung Spoliarium ni Juan Luna ang sa Pambansang Museo, at Virgenes Cristianas Expuestas Al Populacho ni Felix Resureccion Hidalgo ang sa Metropolitan Museum of Manila, ang Parisian Life naman ang sa GSIS Museo ng Sining.  Bagama’t mas maliit at hindi ganoong kapopular ang isa pang likhang sining na ito ni Luna noong 1892, hindi ito pahuhuli sa kontrobersiya nang bilhin ito ng Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan (GSIS) sa Christie’s sa Hongkong noong 2002 sa halagang Php 46 Milyon.  Maraming kumuwestiyon sa paggamit ng GSIS ng pera ng bayan sa pagbili nito bagama’t bilang isang investment na hindi nababawasan ang halaga, nananatili itong asset sa pondo ng GSIS.

 

Kung pagbabatayan ang iba nitong pangalan na Intérieur d’un Café, ipinapakita ng pinturang ito ang isang babaeng nakaupo sa isang kapihang Pranses at pinagmamasdan ng tatlong lalakeng nag-uusap.

 

Pangunahin nang ibinatay sa mga datos at puntos na ibinibigay ng ekspertong si Dr. Eric Zerrudo sa kanyang tatlong-oras na lektura ukol sa tatlong interpretasyon ng Parisian Life, at sa sarili kong karanasan bilang historyador, guro sa Kasaysayan, at docent/tour guide/historian-on-board, sisikapin ng aking presentasyon na ipakita ang gamit ng obra maestrang upang paigtingin ang interes ng mga bata sa Kasaysayan, liban pa sa mga asignaturang MAPE at Art History.

 

Sa pamamagitan ng Parisian Life, maaaring ipakilala sina Juan Luna, José Rizal, Andres Bonifacio, Gregoria de Jesus, Juan Nakpil, ang Kilusang Propaganda, ang Katipunan at ang Himagsikang Pilipino, maging ang mga hindi kilalang bayani na katulad ni Dr. Ariston Bautista-Lin.  Lalakbayin ang Pilipinas, Espanya, Pransya at Hongkong, at ipakilala ang konsepto ng sining bilang salamin ng mga tunay na pangyayari at ang kahalagahan ng Heritage.  Lahat ng ito sa isang peregrinasyon upang mahayag ang isang misteryo:  Sino ang babae sa likhang-sining?

 

Sa huli, maaaring itanong, hindi kung ano ang halaga ng obra maestra sa bayan, kundi ano ba ang halaga natin bilang isang bayan sa harap ng obrang ito upang maging nararapat sa pamanang kahusayan at kabayanihan ng ating mga ninuno.  Bilang mga guro ng Kasaysayan, magagamit natin ang likhang ito sa napakahalagang misyon upang udyukin ang mga bata na mahalin ang bayan at mga pamana nito tungo sa kaginhawaan ng lahat tulad ng binanggit ni Andres Bonifacio, “Ampunin ang bayan kung nasa ay lunas pagka’t ginhawa niya ay para sa lahat.”

Download whole paper:  Chua – PARISIAN LIFE The Jvan Lvna Code

Watch a lecture-performance by Xiao Chua:  https://www.youtube.com/watch?v=Qj5NUerC9yk&list=PLNSgpaK0T-m0GEMK8wmig4FUB1kjm3F1f

Para sa Ika-apat na Arts Congress ng Pamantasang De La Salle Maynila na may temang “Culture and Arts in Nation Building” noong hapon ng 16 Pebrero 2011 sa Silid 507, Bulwagang Don Enrique T. Yuchengco, Pamantasang De La Salle, Lungsod ng Maynila.  Unang binasa sa Pambansang Kumperensya ng Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas (Philippine Historical Association) na may temang “Sining sa Pagtuturo ng Kasaysayan” noong hapon ng 17 Setyembre 2010 sa Museo ng Sining ng Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan (GSIS), Lungsod ng Pasay, Kalakhang Maynila

LOOKING DOWN ON EACH OTHER: The Filipinos and the Chinese, a History of Racism

Xiao Chua - Esquire - The Filipinos and the Chinese 02b

This article was published in Esquire Philippine edition, November 2015, 70-73. Reposted in celebration of Chinese New Year 2016. With gratitude to Editor-in-Chief Erwin Romulo.

LOOKING DOWN ON EACH OTHER: 

The Filipinos and the Chinese, a History of Racism

 

This is not exclusive to the Chinese.  Our telenovelas can attest to that.

 

By Xiao Chua

 

I am a Filipino with Chinese blood.  My great grandfather who was pure Chinese married a Filipina, making me more Filipino than Chinese—I wasn’t able to acquire the culture and the language simply because I was raised by already Filipino parents.  Yet recently, my historical articles in a network website were flooded by comments basically saying, “Why should I listen to him, he is Chinese?”

 

I have been doing public work for years now and it’s the first time I am confronted by this.  I was shocked and hurt by this at first, since nothing is more important to me than my Filipino identity.  It’s my only treasure.

 

A lot the racist sentiments understandably stem from the West Philippine Sea debacle. This is despite the fact that in the past few decades an educational campaign, largely made by Kaisa Heritage Center, had stated that the Chinese and the Filipinos with Chinese heritage in the Philippines are Tsinoys and Filipinos.  They emphasized the Chinese in Philippine life and their contribution to the building of the nation—From the Chinese who traded with the ancient kingdoms of the Philippines, to the Sangleys who provided goods and services during the colonial period, in which we shared a painful history (i.e. Chinese massacres); the participation of the ethnic Chinese and the “Tsinoy,” in the struggle for freedom—during the Philippine Revolution and the Guerrilla Resistance Movement of the Pacific War; and the continued impact of the “Tsinoy” in the Philippine economy.  They emphasized that “Tsinoys” are Filipinos.

 

Racial slurs against the Chinese and the Tsinoys are not new.  An old cartoon reproduced by Ambeth Ocampo in his book Aguinaldo’s Breakfast and Other Looking Back Essays shows the “Apat na espesyalidades ng Mga Intsik,” presumably from the early 20th Century: “Para sumarap ang pancit lang-lang,” which shows a stereotypical Chinese guy with pig tail putting a cat in the soup; “Para sumarap ang tsokolate,” a Chinese guy sweats himself on the drink; “Para sumarap ang chicharon” and “Para sumarap ang tira-tira,” the Chinese guy spits on the food.

 

Seeing archive copies of local newspapers in Tarlac from the early 1970s made me realize that the intense nationalism and anti-colonial sentiment during that time were also directed to the Chinese in the Philippines. Political cartoons showed big Chinese figures taking over the islands, the bed and the dining table from small Filipino figures, with calls to uphold Philippine independence and patrimony from “aliens.”

 

It seems that we have been mean to the Chinese for quite some time.

 

But according to some Filipinos, the Chinese are also racist towards Filipinos.  They pointed to the fact that traditional Chinese families refuse to intermarry with the local population, very similar to the Jews exclusivist attitude of not intermarrying with their host peoples in Europe, which eventually contributed to the anti-Semitic sentiment that would lead to the injustices and atrocities of the holocaust.

 

I asked my ethnic Chinese students if they were aware of this.  China is not called China by the Chinese but Zhongguo, for Middle Kingdom.  In the time of the emperors, the Chinese considered people from other lands as barbarians.  I was asking them if this has something to do with their culture.  They said they were unaware of this.

 

So if it’s not in their culture, could it be that this came as a reaction to centuries of negative racial attitudes not just by the Filipinos but by the Spaniards?

 

“You are right to say that the objection to intermarriage is partly a kind of defensive ethnocentrism that was reinforced by the historical racism Chinese experienced in the Philippines under Spanish rule.”  Said Prof. Caroline S. Hau, professor at the Kyoto University and author of The Chinese Question:  Ethnicity, Nation and Region In and Beyond the Philippines, but according to her there is a more compelling reason.

 

Answering my questions, she said that indeed the ethnic Chinese here have a sense that they are a separate and distinct “people” (lannang), so their “enclave” mentality.  But this is actually a more recent phenomenon because the ethnic Chinese migrants, who for a long time were mostly men, intermarried a lot with the local population, giving rise to the large Chinese mestizo population in the country.  If the Chinese were originally exclusivist, there would be no large portion of this country today exclaiming “I have Chinese blood.”

 

But China was wracked with turbulent historical occurrences from the late 19th century and for the next fifty years:  the Chinese Revolution, the Civil War, the brutal Japanese occupation (1937-1945) and the communist takeover by 1949.  Many of these Chinese migrants, which now included women, found haven in the Philippines.  For the first time it became possible to produce “Chinese families.”  According to Hau, “This trend also coincided with the rising Filipino and Chinese nationalisms (backed by state policies on citizenship, education, immigration, as well as popular attitudes toward ‘Chinese’ and ‘Filipinos’) that further hardened the ‘identities’ and ‘self-identification” of people who in earlier years would not have been so inflexible.”

 

But the more compelling reason for the “enclave” mentality was (and according to Hau plays “a more crucial role”) is class prejudice.  The ethnic Chinese who had made a fortune would not want to marry their daughters with people of the lower class—“the anxieties seem to focus especially on, for example, fears regarding a daughter eloping with the family driver, or a son marrying a dancer or waitress and such.”  In other words, to keep the money in the family.  If that is so, then, this is not exclusive to the Chinese.  Our telenovelas can attest to that.

 

Despite the resistance of a certain part of the ethnic Chinese population to intermarry, it continued to happen, especially among those who move out of the Chinese district of Binondo to have more chances of finding Filipino partners, the younger generation of parents with a more liberal attitude, or the Chinese who, in increasing numbers, had gone to university and as professionals get exposed to Filipino co-workers, and… fall in love.  And then of course, in 1975, the state granted Filipino citizenship en masse to the Chinese population.

 

We Filipinos are offended when foreigners throw racist remarks our way.  But we have to remind ourselves that we also have racist tendencies (toward the Indians or the blacks for example).  And this ethnocentrism is shaped by history, policy and contemporary attitudes.  Awareness that we are racist is the beginning of the solution.  Avoiding racism shows our maturity as an individual and as a nation.

 

Speaking of the nation, it should not defined by race, but by the feeling of wanting to be part of that nation.  I dream of one nation that is also more inclusive to the many cultures and ethnicities within it.

 

As for my detractors, I have learned to ignore them.

 

I know who I am.  I am Filipino.

 

Xiao Chua is a historian and writer.

 

 

MIRIAM: RISE OF A PRINCESS (Reportage of a Homecoming)

001

Cover of the original MSS (manuscript)

This is a memorial that the author was once a missosologist.

This book, originally written and compiled in 1999 to celebrate the homecoming of Miss Universe First Runner-up Miriam Quiambao, was written when the author was still fourteen years old.

The author went on to become a historian.

In 2009, the manuscript was encoded for a tenth anniversary edition for limited distribution.

Today, 23 January 2016, after 42 years, a Filipina comes home again wearing the crown of Miss Universe, Pia Alonzo Wurtzbach.

We are releasing again this book on this inspiring and beautiful day, along with the original scrapbook coming from different periodicals from that time that we had another homecoming that inspired the Filipinos just as well, seventeen years ago…

This is the story of Miriam Quiambao.

Download:  Chua – Chua – Miriam Rise of A Princess 2016

BONIFACIO: ANG UNANG PANGULO Isang Study Guide Para sa Pelikula

12239492_919474224804353_6639191019772459813_n

 

Pakidownload dito:  Bonifacio Ang Unang Pangulo Film Study Guide

XIAO TIME, 13 December 2013: MGA ARAL SA BUHAY NI NELSON MANDELA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Nelson Rolihlahla Mandela, 1918-2013

Nelson Rolihlahla Mandela, 1918-2013

13 December 2013, Friday: http://www.youtube.com/watch?v=zvhwvCjBonQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alam niyo ba na hindi si Crisostomo Ibarra ang bayani ni Jose Rizal sa kanyang mga nobela?  Ayon kay Heneral Jose Alejandrino, nabanggit sa kanya ni Rizal na pinagsisihan niya na pinatay niya si Elias at hindi si Crisostomo Ibarra sa kanyang unang nobela na Noli Me Tangere.

Jose Rizal at Jose Alejandrino sa Madrid.  Mula sa Vibal Foundation.

Jose Rizal at Jose Alejandrino sa Madrid. Mula sa Vibal Foundation.

Jose Alejandrino.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Jose Alejandrino. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Si Ibarra (na kamukha ni Rizal) sa unang eksena ng Noli Me Tangere sa bahay ni Kapitan Tiago.  Obra maestra ni Leonardo Cruz.

Si Ibarra (na kamukha ni Rizal) sa unang eksena ng Noli Me Tangere sa bahay ni Kapitan Tiago. Obra maestra ni Leonardo Cruz.

Si Ibarra at Elias sa pinilakang tabing.

Si Ibarra at Elias sa pinilakang tabing.

Kung alam lamang niya na makakapagsulat siya ukol sa himagsikan dapat daw ay binuhay niya si Elias dahil siya ang nagtataglay ng mga kinakailangang katangian ng isang tao na namumuno sa isang himagsikan:  noble character, patriotic, self-denying and disinterested.  Si Ibarra raw kasi ay makasarili, na kumilos lamang nang masaktan ang kanyang interes, at ang kanyang mga mahal sa buhay.  Sa mga katulad raw ni Ibarra na paghihiganti ang naiisip, walang tagumpay na dapat maasahan sa kanilang mga kilos.

Si Elias, si Maria Clara at si Crisostomo Ibarra.  Obra maestra ni Carlos "Botong" Francisco.

Si Elias, si Maria Clara at si Crisostomo Ibarra. Obra maestra ni Carlos “Botong” Francisco.

Si Rizal at si Elias.

Si Rizal at si Elias.

Nakakatuwa na sa kasaysayan ng daigdig, mayroong isang tao na tumumpak sa katangian ng isang Elias:  si Nelson Rolihlahla Mandela, na sumakabilang buhay noong nakaraang December 5 at magkakaroon ng state funeral sa Linggo, December 15 sa Qunu, South Africa.

NOW HAPPENING AS I BLOG:  Family members stand near former South African President Nelson Mandela's casket during his funeral service in Qunu, South Africa, Dec. 15, 2013.  Associated Press.

NOW HAPPENING AS I BLOG: Family members stand near former South African President Nelson Mandela’s casket during his funeral service in Qunu, South Africa, Dec. 15, 2013. Associated Press.

Si Mandela ay isinilang sa isang pamilya ng mga datu noong 1918.  Ngunit dahil ang Timog Africa ay nasa pamumuno noon ng mga Kolonyalistang British, naging malupit maging para sa kanya ang lipunan.  Noong 1948, isinabatas ang Apartheid, mula sa salitang “apart,” ang pagbubukod ang paghihiwalay sa mga puti at mga itim halimbawa sa mga pampublikong lugar, mga banyo, mga bus at mga paaralan.  Naglalagay ng mga karatulang “For whites only.”

Si Mandela bilang abogado.

Si Mandela bilang abogado.

Si Mandela bilng boksingero.

Si Mandela bilng boksingero.

Sampol ng paghihiwalay batay sa Apartheid.  Mula sa Wikipedia.

Sampol ng paghihiwalay batay sa Apartheid. Mula sa Wikipedia.

Gayundin, nararanasan din nilang maduraan o hindi pagbentahan sa tindahan.  Naging rebolusyunaryo si Mandela at nakibaka laban sa Apartheid.  Bagama’t naniniwala siya sa mapayapang pakikibaka tulad ng ginawa ni Gandhi, naniniwala siyang taktika ito kaysa prinsipyo.  Kung hindi magtatagumpay ang mapayapang pakikibaka, wala itong silbi.  Tulad ni Andres Bonifacio, ang marahas na himagsikan ay isang huling opsyon.

Si Mandela ay inaresto.

Si Mandela ay inaresto.

Si Mandela na tumutungo sa kanyang paglilitis suot ang tradisyunal na kasuotan ng kanyang dugong bughaw na pamilya.

Si Mandela na tumutungo sa kanyang paglilitis suot ang tradisyunal na kasuotan ng kanyang dugong bughaw na pamilya.

Ilang beses ikinulong hanggang sa mapatawan ng habangbuhay na pagkakabilanggo at ikinulong sa notoryus na Robben Island Prison kung saan siya ay araw-araw na ibinulid sa mahirap na pagtatrabaho sa ilalim ng mainit na sikat ng araw.  Sa loob ng kulungan, nakibaka siya para matanggal ang hard labor na ito sa mga bilanggo.

Robben Island Prison.

Robben Island Prison.

Mabigat na pagtatrabaho ng pagsisibak ng mga bato sa piitan ng islan ng Robben.

Mabigat na pagtatrabaho ng pagsisibak ng mga bato sa piitan ng islan ng Robben.

Si Mandela habang inaayos ang kanyang kasuotan sa piitan.

Si Mandela habang inaayos ang kanyang kasuotan sa piitan.

Si Mandela bilang isang preso.

Si Mandela bilang isang preso.

Si Mandela at si Pangulong William Jefferson Clinton na nagmo-moment sa loob ng naging piitan ni Nelson Mandela sa Robben Island.

Si Mandela at si Pangulong William Jefferson Clinton na nagmo-moment sa loob ng naging piitan ni Nelson Mandela sa Robben Island.

27 taon siyang nakakulong ngunit nang siya ay pinalaya noong 1990, hindi naghiganti.  Nakipag-usap siya sa bagong pinuno ng South Africa na si F.W. de Clerk sa tuluyang pagbabasura sa Apartheid, at dahil dito nagtamo sila kapwa ng Nobel Peace Prize.  At nang ganapin ang unang halalan na isinama ang mga itim noong 1994, nahalal si Mandela na Pangulo.

Nang mapalaya si Nelson Mandela mula sa piitang Victor Verster habang hinahawak ang kamay ng kanyang asawa na si Winnie, 11 February 1989.

Nang mapalaya si Nelson Mandela mula sa piitang Victor Verster habang hinahawak ang kamay ng kanyang asawa na si Winnie, 11 February 1990.

Si Mandela at si Pangulong F. W. de Clerk habang tinatanggap ang kanilang mga premyo Nobel, 1993.

Si Mandela at si Pangulong F. W. de Clerk habang tinatanggap ang kanilang mga premyo Nobel, 1993.

Itinatag niya ang mga Truth and Reconciliation Commission na siyang kumuha ng testimonya ng mga biktima ng pag-abuso sa karapatang pantao sa harapan ng mga bumiktima sa kanila at kung saan maaari ring humingi ng amnestiya ang mga nambiktima.  Dahil napag-usapan ang mga alaalang sumugat, naging salik ito sa pagkahilom ng mga ito at sa pagkakaisa ng mga puti at itim sa Timog Africa.

Si Arsobispo Desmond Tutu, kaibigan at kaisa sa pakikibaka ni Mandela, at ang kanyang mga kasama sa Truth and Reconciliation Commission.

Si Arsobispo Desmond Tutu, kaibigan at kaisa sa pakikibaka ni Mandela, at ang kanyang mga kasama sa Truth and Reconciliation Commission.

Ang unang pagpupulong ng Truth and Reconciliation Commission sa London.

Ang unang pagpupulong ng Truth and Reconciliation Commission sa London.

Si Nelson Mandela at si Pangulong Corazon Aquino ng Pilipinas.

Si Nelson Mandela at si Pangulong Corazon Aquino ng Pilipinas.

Tutol si Mandela sa dominasyon ng mga puti ngunit tutol din siya sa dominasyon ng mga itim.  Mula 1994 hanggang 1999, nagtagumpay siya na ipunla ang mga reporma at pagkakapantay-pantay sa kanyang bansa at dahil dito, siya ang kinilalang Ama ng Sambayanang Timog Aprikano.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pasay Rotonda, 12 December 2013)

Si Nelson Mandela, ang Ama ng Sambayanang Timog Aprikano.

Si Nelson Mandela, ang Ama ng Sambayanang Timog Aprikano.

BAKIT PARANG AYAW KONG PANIWALAAN SI LAZARO MAKAPAGAL KAHIT SIYA ANG NANGUNA SA PAGPATAY KAY ANDRES BONIFACIO?

Michael Charleston “Xiao” Chua

Historical Consultant, Katipunan (GMA Network)

Lumilitaw na may ilang bersyon ang pagpatay kay Gat Andres Bonifacio.  Nangyari ito dahil hindi naging transparent ang mga kinauukulan sa nangyari at maaari pang may pagnanais na ikubli ito.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Jim Richardson.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Jim Richardson.

Procopio Bonifacio.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Procopio Bonifacio. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Ayon sa mga ilang mga historyador, na may punto rin naman:  isa lang ang taong dapat paniwalaan pagdating sa pagkamatay ni Andres Bonifacio, dahil eyewitness siya.  Ang pinuno mismo ng pagpatay kay Andres Bonifacio na si Lazaro Makapagal.  Ito ang nanaig sa historiyograpiya.  Dinala niya sa bundok ang magkapatid na Andres at Procopio dala ang isang selyadong sulat mula sa Conseho de Guerra ng pamahalaan ni Heneral Emilio Aguinaldo, na nagtataglay pala ng hatol na barilin ang patayin ang magkapatid.

Komandante Lazaro Makapagal, mula kay Isagani Medina.

Komandante Lazaro Makapagal, mula kay Isagani Medina.

Pero ang eyewitness na ito.  Dalawa ang ibinigay na version ng pagpatay: Una, sa isang testimonya na ibinigay niya kay Santiago Alvarez para sa isang dyaryo, mga tatlong dekada matapos ang pangyayari, nang malaman ang hatol, nanangis na yumakap raw ang Procopio at sinabing “Kuya, paano tayo?”  Di raw nakakibo ang Andres at “umaagos ang mapapait na luha sa dalawang mata.”  Tumalikod raw si Makapagal sa habag sa magkapatid at hindi tingnan ang pagbaril sa Supremo.

"The Verdict," obra ni Rody Herrera. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Makikita sa aklat na Fine Artists of the Philippines 1999 ni Marlene Aguilar at Larry Bortles.

“The Verdict,” obra ni Rody Herrera. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Makikita sa aklat na Fine Artists of the Philippines 1999 ni Marlene Aguilar at Larry Bortles.

Nag-iba ng testimonya ang lolo mo nang sumulat siya kay Jose P. Santos.  Nang basahin raw niya ang hatol sa magkapatid, napatalon daw at nagsabi si Procopio ng “Naku Kuyang!” Napaluhod raw si Bonifacio at akmang yayakapin siya at umiiyak na nagsabing, “Kapatid, patawarin mo ako.”  Unang binaril si Procopio.  Muli raw nagmakaawa nang nakaluhod si Bonifacio at sinabing “Kapatid, patawarin mo ako!”  Sagot ni Makapagal, “Wala akong magagawa!”  Noo’y tumakbo ang Supremo at tinugis nila sa kakahuyan at malapit sa ilog ay binaril nila hanggang mamatay.

Ok, dalawa ang version niya.  Sorry naman,  tao lang siya.  Sa pangalawa hindi na siya tumalikod, hinabol nila ang tumakbong Supremo.  Sabi ng historiyograpiya, malaki ang timbang para sa testimonya  ng eyewitness.  Primary source kasi siya.  Tapos ang kwento. Pero ang natutunan ko rin sa historiyograpiya sa UP ang nagsasabi sa akin na huwag akong maniwala sa lahat ng nababasa ko, maging kritikal ako, at gamitin ang pagsusuri ng mga batis.  Internal o external criticism.

Pero bakit gusto kong pagdudahan ang testimonya niya:

Una:  Sa testimonya ni Makapagal, naglalakad ag Supremo patungo sa bundok.  Pinalilitaw niya na mababa at iisa ang sugat ni Andres Bonifacio.  Sa gunita ni Emilio Aguinaldo na isinulat niya noong matanda na siya, nagdadrama ang Andres at nagpabuhat sa duyan kahit na ang sugat niya ay isang sentimetro lamang ang lalim.  Ok.  Pero sa eyewitness accounts mula sa paglilitis at sa nakolekta ni Santiago Alvarez, nang mabaril sa balikat ang Supremo at sinaksak ni Intsik Paua sa leeg, sumulimpat ang dugo at malubha ito.  Dinala siya sa duyan mula sa pagkakahuli sa Limbon ng 28 Abril, 1897.  Hindi ginamot ang mga sugat nila.  Pero hindi makikita ang epekto ng gangrene na ito sa testimonya ni Makapagal.  Ayon kay Artemio Ricarte, bagama’t hindi si Makapagal ang pinangalanan niya na pumatay kay Bonifacio kundi si Agapito Bonzon at Paua na mga humuli kay Bonifacio sa Limbon, may kwento siya na DALA-DALA SA DUYAN si Andres Bonifacio.

Pangalawa:  Oo, primaryang batis nga si Lazaro, pero  HINDI LAHAT NG PRIMARYANG BATIS AY MAGSASABI NG TOTOO.  May motibo ba na magsinungaling si Lazaro?  Sa aking palagay oo.  Kung ako si Lazaro, gugustuhin kong palitawin na kahit papaano, hindi ako super engot o mali sa ginawa ko.  Or in short, na tama ang ginawa ko.  Kung gayon, palilitawin kong DUWAG SI ANDRES BONIFACIO, nagluluhod.  Kahit na sa aksyon ni Bonifacio ayon sa ibang nakakita, atapang-a-tao siya.  Bakit siya hihingi ng tawad kung sa buong pagtigil niya sa Cavite, iginiit niya na siya ang tunay na pinuno ng himagsikan?  Tumakbo pa?  E hindi ba atapang-a-tao nga. Pangatlo:  Ang tagal ng paglipas ng panahon ng pagkakuwento.

Lazaro Makapagal.

Lazaro Makapagal.

PERO WALA TAYONG MAGAGAWA SIYA ANG PRIMARYANG BATIS. May mga sekundaryang batis na pwedeng makita.  Isinulat mismo ni Emilio Aguinaldo sa kanyang talambuhay ni Andres Bonifacio na ipinasok niya sa contest bilang si “Dalomag,” mayroon daw kwento si Paciano Rizal na ayaw na barilin ng Katipunero ang Supremo, kaya kinuha ni Jose Clemente Zulueta ang baril at ipinutok ito sa Supremo.  Kung isinulat ito ni Aguinaldo, na malamang sa malamang pinag-ulatan ng pagpatay kay Supremo ni Makapagal, dapat itong paniwalaan.  Pero sabi ni Aguinaldo, hindi na niya alam ang nangyari dahil sa araw ng pagpatay, lumusob ang mga Espanyol sa Maragodon, ang bayan kung saan din nilitis at pinatay ang Supremo.   Pero bakit hindi tumutugma ang kwento nilang mag-amo?  Tapos, sa kanyang mga gunita, sasang-ayon din siya na si Lazaro Makapagal nga ang nanguna sa pagpatay sa Supremo.  Mayroon bang bersyon na tinatawag kong “Luis Dery” hypothesis.  Ipinangalan sa tagapanguna nito na si Dr. Luis Camara Dery na naniniwala na dahil sa mas maagang date nang paggunita noon sa pagkamatay ng Supremo, 23 Abril 1897 (at ang nakalagay sa matandang marker sa Maragondon kung saan nakalagay na inilibing ang mga labi doon ng 26 Abril), ay sa pag-aresto sa Limbon kung saan tinamaan raw ang carotid vein sa leeg ng Supremo, Limbon palang patay na!  Para sa akin, kailangan pa ng karagdagang pag-aaral dito dahil sa mismong sulat ni Gregoria de Jesus, asawa ni Bonifacio, kay Emilio Jacinto, na dinala ang Supremo “kinbukasan ng tanghali nila inalis ang dalawang magkapatid, at bandang hapon na ay nagkaroon ng laban sa mabas ng bayanna di malayo sa aking kinalalagyan.  Saka lamang ako pinakawalan.”  Ibig sabihin tumutugma ito sa testimonya ni Aguinaldo at Makapagal:  10 Mayo, ang araw ng paglusob ng mga Espanyol sa Maragondon, niyare ang magkapatid na Bonifacio.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Gregoria de Jesus.  Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Bahay Nakpil-Bautista.

Gregoria de Jesus. Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Bahay Nakpil-Bautista.

Ngunit bakit ba lumitaw ang tula na “Andres Bonifacio, atapang-a-tao, a-putol-a-kamay, hindi atakbo.  A-putol-a-paa, hindi atakbo.”  Alam naman natin na si Andres Bonifacio ayon kay Makapagal ay binaril.  Ngunit bakit meron nitong tula?

Ito ang alternatibong bersyon ng pagpatay sa Supremo.  Ayon sa kaibigan ng Supremo na si Heneral Guillermo Masangkay, kinausap siya ng dalawa sa apat na Katipon na kasama ni Makapagal sa pagpatay sa Supremo.  At ayon sa kanila, inuna raw nilang patayin si Procopio sa pamamagitan ng pagbaril, ngunit, si Andres Bonifacio, ay nakatungo sa kakahuyan, at nakitang nagkukubli sa pagitan ng dalawang bato.  At dahil sa ayaw nilang masayang ang bala, dito na nila inundayan ng mga panaksak si Bonifacio.

Nang mag-field work naman ang namayapang Prop. Danilo “Piwi” Aragon sa Maragondon, kinapanayam niya ang ilang matatanda na nagsasabi sa kanilang ang kwento sa kanila ng kanilang ninuno ay may isang nakakita sa pagpatay sa Supremo, na tinataga ng limang tao. Alternatibong bersyon ng pagpatay kay Bonifacio batay sa testimonya ng dalawang  sinasabing pumatay sa Supremo kay Hen. Guillermo Masangkay, na siya ay tinaga hanggang mamatay.  Sinuportahan ito ng papel ni Danilo Aragon ukol sa kwento ng mga matatanda sa Maragondon na tila pinagbatayan ng tulang "Andres Bonifacio, a-tapang a-tao."  Maraming bersyon ang pagpatay kay Bonifacio liban sa opisyal na tanging eyewitness account ni Lazaro Makapagal.  Para sa akin, anumang bersyon ang tama ay hindi na mahalaga.

“Ang Wakas ni Andres Bonifacio” ni Carlos Valino Jr.

Kaya ang pinili ng mga producers ng Katipunan ay ang bersyon ng nagsumbong kay Masangkay.  Sa unang bersyon ng script pinag-usapan ang dalawang bersyon kaya nagmukhang akademiko.  Sa aking mga lektura, bagama’t may pagkiling ako sa pagtaga, akin nang iniiwan sa mga nakikinig ang mga datos at ang pagdedesisyon.  Wala ako doon kaya hindi ko rin masabi with finality.  Ngunit ako yun bilang historyador, iniwan ko sa producers ng Katipunan ang pagdedesisyon, bagama’t marami naman akong kilalang mga tunay na historyador, eksperto at mga guro sa kasaysayan na mas pinaniniwalaan ang bersyong ito, kaya hindi lang ako ito.  Marami na ring beses na ikinuwento ang bersyon ni Macapagal sa telebisyon at pelikula kaya pagbibigay din ito sa publiko na hindi iisa ang bersyon sa pagpatay sa Supremo.  Gayundin, hindi naman masisiyahan ang lahat ng panig at laging magiging kontrobersyal anumang bersyon ang piliin.  Anuman, ang ginagawa nila ay hindi diskursong akademiko kudi isang serye sa telebisyon.

Ang pagpaslang kay Procopio at Andres Bonifacio sa serye ng GMA Network na "Katipunan."  Sa kagandahang loob ni Jayson Bernard Santos.

Ang pagpaslang kay Procopio at Andres Bonifacio sa serye ng GMA Network na “Katipunan.” Sa kagandahang loob ni Jayson Bernard Santos.

Masaya ako na pinili kong ituloy ang pagiging consultant ng Katipunan kasama si Dr. Lars Raymund Ubaldo.  May mga kakulangan man dahil sa kawalan ng sapat na pondo at oras, sinikap ng Katipunan na ibatay sa batis ang mga historikal na eksena hanggang sa maraming maliliit na detalye, na itinatawag pa sa amin sa telepono kahit wala kami sa shoot.  Ngunit mas importante, naipalaganap nito ang diwa ni Andres Bonifacio, ang Ama ng Sambayanang Pilipino, na unang naghiraya ng isang bansang may kapatiran, kabutihang-loob, kaginhawaan at kalayaan.

14 Disyembre 2013, 10:38 PM, Pook Amorsolo, UP Campus, Diliman, Lungsod Quezon Habang nanonood ng huling episode ng Katipunan

PANATA NG MANGGAGAWA (Batay sa mga salita nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at Julio Nakpil)

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Caloocan.  Nililok ni Guillermo Tolentino.  Mula kay Isagani Medina.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Caloocan. Nililok ni Guillermo Tolentino. Mula kay Isagani Medina.

Ako ay manggagawang Pilipino

Mahigpit akong nanunumpa na maging masipag sa pag hahanap-buhay

Sapagkat ito ang siyang tunay na pag ibig at pag mamahal sa sarili sa asawa, anak at kapatid o kababayan

Ngunit hindi ako papaapi at hindi ako makikiapi

Ipagtatanggol ko ang inaapi at kakabakahin ang umaapi sa kapwa manggagawa

Gagawin ko ito ng malamig ang aking loob, matiyaga, makatuwiran at maypag-asa

Sapagkat dito nagbubuhat ang ikagaganap ng mabuting ninanais.

Magkakawanggawa ako, iibig ako sa kapwa

Isusukat ko ang bawat kilos gawa at pangungusap sa talagang katuwiran

Sapagkat isinusulong ko ang tunay na puri at kabanalan

Ipagwawagi ko ang kahusayan, upang matupad ang layon ng Katipunan

Na itampok at tubusin ang bayan

Hindi ko gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba

Ang hindi ko ibig gawin sa asawa, anak at kapatid ko

Hindi ko sasayangin ang panahon

Sisikapin kong magkaroon ng magandang asal

May isang pangungusap, may dangal at puri

Sapagkat sa kabutihang-loob nagmumula ang tunay na kaginhawaan

Babahaginan ko ng makakaya ang alin mang nagdaralita

Iibigin ko ang kapwa ko bilang aking kapatid

At aampunin ko ang bayan dahil ang nais ko ay lunas

Sapagkat ang kaginhawaan ng bayan ay ang kalayaan ng lahat

Itinataya ko ang aking dangal sa ipagkakaisa ng loob at kaisipan ng mga Anak ng Bayan

Kasihan nawa ako ng Maykapal

Binuo ni Michael Charleston “Xiao” Chua, batay sa mga sinulat nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at Julio Nakpil, ngayong 30 Nobyembre 2013, ika-150 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, 4:44 AM sa kahilingan ng NAGKAISA! para sa kanilang pagkilos sa araw na ito.

IKA-150 TAONG KAARAWAN NI GAT ANDRES BONIFACIO, GUGUNITAIN BUKAS: SPECIAL REPORT

Text of the broadcast of Xiao Chua’s special report for News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Jim Richardson.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Jim Richardson.

29 November 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=NIgF4twsSXM

Gat Andres Bonifacio, isang pangalan na nagpapagunita sa atin ng isang a-tapang a-tao, ngunit madalas, ng isang matayog na rebulto o matigas na mukha sa barya.  Ngunit, kilala ba natin talaga siya?  Madalas na ipakilala bilang Ama ng Katipunan, Unang Naggalaw ng Paghihimagsik, ngunit nakilala din bilang bobong bodegero na walang pinanalong laban dahil walang pinag-aralan at walang kakayahang militar.

Ang orihinal na Bantayog sa Balintawak, "Sa alaala ng mga Bayani ng 1896."  Hindi po ito si Bonifacio.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ang orihinal na Bantayog sa Balintawak, “Sa alaala ng mga Bayani ng 1896.” Hindi po ito si Bonifacio. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Sino nga ba ang tunay na Andres Bonifacio.  Isinilang siya noong November 30, 1863 sa Tondo, Maynila sa isang bangkero, sastre at naging teniente mayor na si Santiago Bonifacio, at isang mestisang Espanyola na puno ng isang sangay ng pagawaan ng sigarilyo na si Catalina de Castro.  Isinilang na middle class si Andres at nakapag-aral kay Guillermo Osmeña at nakaabot hanggang sa mataas na paaralan hanggang sa siya ay matigil dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang noong siya ay 14.  Bilang panganay sa anim na magkakapatid, tumayo siyang kapwa ama at ina nila, gumagawa at nagbebenta ng mga baston at pamaypay sa mga maykaya sa labas ng simbahan.

Si Andres habang nagbebenta ng baston at abaniko sa patio ng simbahan.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Si Andres habang nagbebenta ng baston at abaniko sa patio ng simbahan. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Naging empleyado ng dalawang international company sa Maynila.  Ito ang dahilan bakit sa kanyang tanging larawan, siya ay naka-amerikana at postura.  Sa pagitan ng pagtatrabaho at paggawa ng mga baston, binuklat niya ang mga aklat at nagbasa ukol sa batas, medisina, mga nobela ni Jose Rizal, Kasaysayan ng Amerika at Rebolusyong Pranses, kasama na ang Les Miserables.

Nagsikap si Bonifacio na matuto sa sarili at naging palabasa.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Nagsikap si Bonifacio na matuto sa sarili at naging palabasa. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Dahil dito lumawak ang kanyang pag-iisip at nangarap, nagkaroon siya ng ideya na kung dati rati kapag isinilang ang indio, mamamatay pa rin siyang alipin, sa kanyang pinangarap na bansa, ang bayan, tayo, hari, ang makapangyarihan.  Sumapi siya sa Masoneriya, at sa La Liga Filipina ni Rizal noong itatag ito noong July 3, 1892 upang magtulungan ang mga kababayan.

Pagtatatag ng La Liga Filipina.  Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Ngunit matapos lamang ang tatlong araw, inaresto si Rizal kaya kinabukasan, July 7, 1892, isinakatupran nila ang matagal na nilang binabalak ayon sa mga dokumentong nanggaling sa Archivo Militar ng Madrid, ang pormal na pagtatag ng Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan na sa loob ng apat na taon ay lumaganap at nagkaroon ng kasapian sa Luzon, Visayas ay Mindanao.  Hindi lamang simpleng samahang mapanghimagsik ang Katipunan, sa tulong ng kanyang mga kapanalig tulad nina Emilio Jacinto, Pio Valenzuela, Aurelio Tolentino at iba pa, naging proyekto ito ng pagbubuo ng isang bansang tunay na malaya, may kaginhawaan, mabuting kalooban at kapatiran.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto.  Mula sa isang malaganap na postcard.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto. Mula sa isang malaganap na postcard.

Dr. Pio Valenzuela

Dr. Pio Valenzuela

Bago ka lumaban sa Espanya, kailangan handa at mabuti muna ang kalooban ng bawat isa.  Naging code name niya ang Maypagasa.  Dumating ang oras, August 1896, nabisto ang Katipunan at isanlibong tao ang nagpunit ng sedula sa Unang Sigaw sa Balintawak, Kalookan.

Unang Bugso ng Himagsikan

Unang Bugso ng Himagsikan

Si Bonifacio ang nagtakda ang istratehiya ng himagsikan.  May mga laban ang Katipunan na nagtagumpay at nabigo subalit hindi nanamlay ang mga Anak ng Bayan.  Sa pagtatangka niyang ayusin ang sigalot sa mga balanghay sa Cavite bilang Pangulo ng Haring Bayan, naipit siya sa pilitika at pinaslang noong May 10, 1897.

Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng demokrasyang elit sa bansa.  Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng demokrasyang elit sa bansa. Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

Lagi nating naaalala si Gat Andres bilang a-tapang a-tao. Nakaligtaan natin na tinuruan din niya tayong umibig.  Maligayang ika-150 kaarawan, Supremo.  Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 24 November 2013)

ANG DIWA NG KATIPUNAN: “Kapatiran, Kabutihang-Loob, Kaginhawaan, Kalayaan!” (Para sa Bonifacio@150)

Andres Bonifacio.  Mula sa La Ilustracion Espanola y Americana.

Andres Bonifacio. Mula sa La Ilustracion Espanola y Americana.

Ang papel na ito ang aking abang ambag sa pagdiriwang ng ika-150 taong kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, Unang Pangulo ng Pilipinas at Ama ng Sambayanang Pilipino.

Download full paper here:  http://www.bagongkasaysayan.org/saliksik/wp-content/uploads/2014/11/06-Artikulo-Chua.pdf

Abstract:

ANG KAUGNAYAN NG MABUTING KALOOBAN SA DALUMAT NG KALAYAAN AT PAGKABANSA NG KATIPUNAN

Marami ang nag-stereotype sa Katipunan bilang samahan ng mga bobong masa na sugod ng sugod at walang ibang alam na gawin kung hindi maging bayolente.  Ngunit sa mga pananaliksik ng mga historyador at iba pa sa Agham Panlipunan sa mga nakaraang tatlong dekada, makikita na lumilitaw na ang tunay na mukha ng Katipunan hindi lamang bilang isang samahang mapanghimagsik kundi isang proyekto sa pagbubuo ng bansa.  Sa pananaliksik ni Teresita Maceda, kanyang kinonekta, batay sa mga batis ng Katipunan mismo, na ang tunay na kalayaan ng bayan ay maiuugat sa kaginhawaan.  Sa pagbanggit naman sa mga pag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino tulad nang kay Zeus A. Salazar, makikita na ang batis ng ginhawa ay ang mabuting kalooban.  Kung pag-uugnayin ang mga ito, makikita ang kumpletong larawan ng konsepto ng Katipunan ng Kalayaan:  Walang tunay na kalayaan kung walang kaginhawaan, at wala namang kaginhawaan kung walang mabuting kalooban.  At dito makikita kung bakit mahalaga ang Kartilya ng Katipunan sa pagpapanatili ng asal ng tao, ang mga anting-anting bilang proteksyon ng kalooban, at ang sanduguan bilang sagisag ng kapatiran at pagiging magka-loob.  Na hindi sapat na humawak lamang ng sandata ang mga Katipunero kundi kailangan na mayroon din silang banal, kapuri-puri at marangal na mga hangarin para sa bayan.  Na ang pagkabansa ay nagsisimula sa kapasyahan ng kalooban na palayain ang sarili at umibig sa Maykapal at sa kapwa.  Lagi nating naaalala ang Supremo Bonifacio bilang a-tapang a-tao. Nakaligtaan natin na tinuruan din niya tayong umibig.

Binasa sa pambansang kumperensya-pagtatanghal ng Unibersidad ng Pilipinas, BONIFACIO 150: ALAY SA BAYAN Nobyembre 22, 2013 sa GT-Toyota Asian Cultural Center, Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

Binasa sa pambansang kumperensya-pagtatanghal ng Unibersidad ng Pilipinas, BONIFACIO 150: ALAY SA BAYAN Nobyembre 22, 2013 sa GT-Toyota Asian Cultural Center, Unibersidad ng Pilipinas Diliman.