IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Month: August, 2013

THE SMILING FACE THAT LAUNCHED A REVOLUTION

ANG KULAY NG KABAYANIHAN NI NINOY: Pambihirang pagkakataon ang makita natin ang isang malapitang kuhang-larawan kay Ninoy Aquino matapos paslangin noong 21 Agosto 1983. Ito ang scan ng orihinal na poster na ipinakalat ni Don Joaquin "Chino" Roces sa panahong iyon at ipinagkaloob naman sa akin ni G. Linggoy Alcuaz.

ANG KULAY NG KABAYANIHAN NI NINOY: Pambihirang pagkakataon ang makita natin ang isang malapitang kuhang-larawan kay Ninoy Aquino matapos paslangin noong 21 Agosto 1983. Ito ang scan ng orihinal na poster na ipinakalat ni Don Joaquin “Chino” Roces sa panahong iyon at ipinagkaloob naman sa akin ni G. Linggoy Alcuaz.

Bagama’t naniniwala ako na ang pagsama sa hilahil ng bayan ni Ninoy noong siya ay nabubuhay pa, at ang kilos at sakripisyo ng iba pang nakibaka noong Dekada 1970 ang siyang tunay na ugat ng landas tungo sa EDSA, ang pagkamartir ni Ninoy ay walang dudang nagkaroon ng malaking impak sa bayan at nagbigay-daan sa pagsama ng elit at gitnang-uri sa pakikibaka.

Laging sinasabing walang nagawa ang EDSA upang baguhin ang bayan. Hindi ako naniniwala dito dahil kaya kong isulat sa fb sa Pilipinas ngayon ang mga salitang ito at hindi ko tutumbasan ng salapi ang kalayaan kong ito. Hindi ito isyu kung may nagawa ba ang EDSA upang magkaroon ng pagbabago.

Sa pagtunghay sa larawan na ito, maaaring magmuni, ginawa niya ba ang “willing sacrifice” para lamang sa sariling pakinabang? Para kaya maging bayani? Para kaya maging presidente ang kanyang asawa at anak? O maaari namang alam niyang ang pag-aalay ng kanyang buhay ay hindi na niya mapapakinabangan bagkus ay mapakikinabangan na lamang ng susunod na henerasyon ng kaniyang mga anak at apo? Hindi po ba tayo yun?

Sa pagtunghay sa larawan na ito, mapukaw sana tayo sa mahalagang pamanang ito ng ating mga bayani, upang maisip naman natin na kung ito ay ipinamana sa atin, dapat hindi ako balasubas na wawaldasin lamang ito. Ano ang ginagawa ko upang maging karapat-dapat sa kabayanihang ito?

Hindi dapat isyu kung may nabago ba ang EDSA, ang ating mga bayani, si Ninoy at Cory at ang bayan sa atin. Ang dapat nating itanong ay ano ba ang nagawa nating hakbang sa ating munting buhay para magkaroon ng pagbabago at maipagpatuloy ang hindi pa tapos na laban para sa tunay na diwa ng EDSA: Kalayaan at Pagkakaisa tungo sa Kaginhawaan.

Muling ipinaskil para sa ika-30 anibersaryo ng pagkamartir ni Ninoy Aquino, August 30, 2013.

Isang kopya na ibinigay ni Xiao Chua sa Aquino Center ginamit sa isa sa kanilang mga eksibit sa mall:  https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10151863893772437&set=a.10150109438062437.311025.582402436&type=1&theater

Text mula kay Xiao Chua:  https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150140031352437&set=a.10150608542617437.439575.582402436&type=3&theater

XIAO TIME, 7 August 2013: ANG MASALIMUOT NA BUHAY NI JOSEPHINE BRACKEN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Josephine Bracken sa kasuotang Pilipino.  Mula sa Wikipedia.

Si Josephine Bracken sa kasuotang Pilipino. Mula sa Wikipedia.

7 August 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=bSbu8VfKw_4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  137 years ago, August 9, 1876, isinilang si Josephine Leopoldine Bracken sa Victoria Barracks, Hongkong.  Kaakibat ng kanyang papel sa kasaysayan bilang huling pag-ibig ni Gat. Dr. Jose Rizal, heroe nacional ng Pilipinas, ay ang samu’t saring mga ispekulasyon ukol sa kanyang pagkatao.  Na isa siyang ilehitimong anak ng isang kapitan sa Hukbong Briton at isang Tsina, na isa siyang bayarang babae, na ang kanyang ama-amahan na si George Taufer ay nakilala siya sa isang bar, na naiteybol na siya ni Rizal nasa Hongkong pa lamang siya.

Si Rizal.

Si Rizal.

George Taufer

George Taufer

Mga ispekulasyon na mismong mga kilalang mga biographer at mga kaanak mismo ni Rizal ang nagpakalat.  Isang apo ni Josephine Bracken, si Macario Ofilada, ang nagsabi sa kanyang aklat na Errante Golondrina, The Life and Times of Josephine Bracken na inilimbag ng New Day, na isang dokumento ang magpapakita sa atin ng tunay na pinagmulan ni Josephine, ang kanyang baptismal records sa inilista siya na may lahing Anglo-Saxon.

Si Xiao Chua kasama sina Luciano Santiago at Macario Ofilada Mina, Vargas Museum, January 2007

Si Xiao Chua kasama sina Luciano Santiago at Macario Ofilada Mina, Vargas Museum, January 2007

Pabalat ng Errante Golondrina ni Macario Ofilada.

Pabalat ng Errante Golondrina ni Macario Ofilada.

Lumilitaw din ang pangalan ng kanyang ama na si James Bracken na nagpapatunay na lehitimo ang anak.  Hindi na nailista ang pangalan ng nanay sapagkat namatay ito ilang araw matapos isilang si Josephine.  Gayundin, nakalista na bilang saksi sa pagbibinyag ang mag-asawang James at Leopoldine Taufer na siyang aampon kay Josephine.

Baptismal certificate ni Josephine Bracken.

Baptismal certificate ni Josephine Bracken.

Ang calling card ni Jose Rizal bilang optalmologo sa Hongkong.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Ang calling card ni Jose Rizal bilang optalmologo sa Hongkong. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Nang tila nabubulag na ang kanyang ama-amahan, sinamahan niya ito patungo sa Pilipinas para magpagamot sa isang doktor na noong nasa Hongkong pa lamang ay naririnig na nila na nakakapagpagaling ng mga mata.  Noong February 1895, nagkakilala si Rizal at si Josephine at nang mukhang wala nang pag-asa na makakita ang matanda, hinatid na niya ito pabalik ng Hongkong.  Muntik nang pagpakamatay ang matanda sa pamamagitan ng paggilit sa sarili nang malaman na nag-iibigan ang dalawa, 18 taong gulang lamang si Josephine noon at si Rizal ay 33 na.  May mga nagsasabi rin na minomolestiya ni Taufer si Josephine.  Kaya naman hindi siya nagustuhan ng ilan sa mga kapatid ni Rizal.

Josephine Bracken.

Josephine Bracken.

Josephine Bracken.  Mula sa Lolo Jose.

Josephine Bracken. Mula sa Lolo Jose.

Ang lilok ni Rizal sa mukha ni Josephine sa isang kahoy.

Ang lilok ni Rizal sa mukha ni Josephine sa isang kahoy.

Ang lilok ni Rizal kay Josephine habang natutulog.

Ang lilok ni Rizal kay Josephine habang natutulog.

Anuman, natuto ng mga gawaing bahay si Josephine, paglalaba at pagluluto at nakatuwang ni Rizal sa kanyang klinika.  Nagkaroon pa sila ng anak na patay na nang maisilang.  Ngunit natapos ang maliligayang araw niya noong Hulyo 1896, nang magpasya si Rizal na umalis ng Dapitan.  Anuman ang sinasabi ng mga tao sa kaniya, ito ag sigurado tayo, nang barilin si Rizal sa Luneta noong December 30, 1896, sumama si Josephine kay Paciano sa himagsikan sa Cavite, nanggamot ng mga maysakit at nakabaril pa ng isang Espanyol!  At naroon na umaawat ng mga nagbabangayan sa Tejeros Convention.  Naglingkod siya sa Inang Bayan ni dear Joe.

Si Josephine Bracken habang nagsisilbi sa ating himagsikan.  Guhit ni Ronelito Escauriaga para sa Adarna Publishing House, Inc.

Si Josephine Bracken habang nagsisilbi sa ating himagsikan. Guhit ni Ronelito Escauriaga para sa Adarna Publishing House, Inc.

Dedikasyon ni Rizal kay Josephine sa isang aklat na "The Imitations of Christ" ni Thomas Kempis kung saan tinawag niya si Josephine na kanyang "dear and unhappy wife."

Dedikasyon ni Rizal kay Josephine sa isang aklat na “The Imitations of Christ” ni Thomas Kempis kung saan tinawag niya si Josephine na kanyang “dear and unhappy wife.”

Ngunit, nakaalitan ang pamilya Rizal dahil interasado siyang makihati sa mga aklat ni Rizal ngunit hindi niya mapatunayan na kinasal sila sa umaga ng kanyang kamatayan, kaya bumalik siya sa Hongkong, nagpakasal muli sa isang Pilipino na si Vicente Abad, at namatay sa murang edad na 25 noong 1902.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 27 July 2013)

Si Josephine Bracken at si Vicente Abad sa araw ng kanilang kasal.  Mula sa Errante Golondrina.

Si Josephine Bracken at si Vicente Abad sa araw ng kanilang kasal. Mula sa Errante Golondrina.

CELEBRATING THE FIRST ANNIVERSARY OF XIAO CHUA’S BLOG “IT’S XIAOTIME!”

anniversary-1x

Salamat sa lahat ng nagbabasa at gumagamit ng mga materyal mula sa blog na ito lalo na ang mga guro ng kasaysayan.  Para po talaga ito sa inyong lahat.  Para po ito sa ating mga Pilipino.  Salamat sa Panginoon at sa inyong lahat na binigyan ninyo ako ng pagkakataon na maglingkod sa inyo sa pamamagitan ng blog na ito atng telebisyon. Salamat po!

First post for this blog:  https://xiaochua.net/2012/08/12/walking-histor/

which was dedicated to Dr. Ambeth R. Ocampo, whose birthday we celebrate tomorrow, for bringing me to the journey of history with his book Rizal Without The Overcoat when I was in grade 5.  Reading him and trying to catch his tone I first realized how I wanted to be a cool history teacher just like him.

XIAO TIME, 6 August 2013: NANG ILIBING SI TITA CORY

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Xiao Chua at Gobernador Ed Panlilio sa Luneta noong funeral march para kay Cory Aquino, 5 Agosto 2009.

Xiao Chua at Gobernador Ed Panlilio sa Luneta noong funeral march para kay Cory Aquino, 5 Agosto 2009.

6 August 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=J-UIC6jUl8k

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Apat na taon na ang nakalilipas, August 5, 2009, humimlay sa pagmamahal ng kanyang pamilya at mga kababayan ang unang inang pangulo ng Pilipinas, si Corazon Sumulong Cojuangco Aquino sa kanyang huling hantungan, 8:35 ng gabi, sa Manila Memorial Park.  Muling nakatabi ang kaisa-isang lalaking kanyang minahal, si Ninoy.

Hindi nagpapigil ang mga tao sa barikada sa Manila Memorial Park sa Sucat, gusto nila ihatid si Tita Cory hanggang sa huling sandali.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Hindi nagpapigil ang mga tao sa barikada sa Manila Memorial Park sa Sucat, gusto nila ihatid si Tita Cory hanggang sa huling sandali. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Sina Viel, Kris, Pinky at Ballsy, mga anak na babae ni Tita Cory, habang namamaalam sa kanya.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Sina Viel, Kris, Pinky at Ballsy, mga anak na babae ni Tita Cory, habang namamaalam sa kanya. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Si Noynoy habang humahalik sa kabaong ng kanyang ina sa huling pagkakataon.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Si Noynoy habang humahalik sa kabaong ng kanyang ina sa huling pagkakataon. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Ang mga apo ni Tota Cory habang nagluluksa.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ang mga apo ni Tota Cory habang nagluluksa. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Si Boy Abunda sa likuran ng mga matitikas na mga heneral.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Si Boy Abunda sa likuran ng mga matitikas na mga heneral. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Magkasama na sa kanilang puntod sa Manila Memorial Park sina Ninoy at Cory.

Magkasama na sa kanilang puntod sa Manila Memorial Park sina Ninoy at Cory.  Mula sa Paalam, Cory.

Noong umagang iyon, sa labas ng Katedral ng Maynila kung saan nagaganap ang huling misa para sa kanya, sa kabila ng ulan at kaunting baha, naroon ang bayan, ang mga usisero na gusto makakita ng artista tulad ni Piolo, ang mga nabigyan ng trabaho sa pagkamatay ng “Ina ng Bayan,” nagbebenta ng samu’t saring mga pins at t-shirt, ngunit mas marami ang naroon upang ipakita, hindi artista ang kanilang ipinunta doon kundi ang Tita Cory.  Alam ng bayan kung bakit sila nandoon.

Naroon kahit naulan.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Naroon kahit naulan. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Ang mga nabigyan ni Tita Cory ng hanapbuhay noong araw na iyon.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ang mga nabigyan ni Tita Cory ng hanapbuhay noong araw na iyon. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Ina at anak na nagdadalamhati.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ina at anak na nagdadalamhati. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Ang mga batang sumisigaw ng Coree! Coree!  Kuha ni Christian Lucas Sangoyo.

Ang mga batang sumisigaw ng Coree! Coree! Kuha ni Christian Lucas Sangoyo.

Si Kerby Alvarez at ako habang nasa baha.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Kerby Alvarez at ako habang nasa baha. Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Sa wakas, narinig ng mga nasa labas ang pasasalamat ng anak niyang si Kris sa madla, hiniram pa ang mga kataga ng kanyang ama, “The Filipinos are worth it….  Paano po ba kami makakapagpasalamat sa inyong lahat sa effort ninyong pumila sa gitna ng matinding init at malakas na pagbuhos ng ulan para po masulyapan ang mommy namin, magbigay respeto at maipagdasal siya sa huling pagkakataon?”  Idinagdag pa niya na “Noy, ikaw at ako ang nasa posisyon para ipagpatuloy ang lahat ng kanilang nasimulan.”  Nagpalakpakan ang mga tao.  Sino ba ang mag-aakala na walang isang taon ang lilipas, si Noy, si Benigno Simeon Aquino, III, ay pangulo na ng bansang Pilipinas.

SI Kris Aquino habang ibinibigay ang kanyang eulogy para sa ina.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

SI Kris Aquino habang ibinibigay ang kanyang eulogy para sa ina. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Si Noynoy sa gitna ng pagmamahal at simpatiya ng kanyang bayan.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Si Noynoy sa gitna ng pagmamahal at simpatiya ng kanyang bayan. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Sinabayan ng bayan sa labas ng katedral si Lea Salonga sa pag-awit ng “Bayan Ko,” bumuhos ang mga luha.  Dumating ang mga pulis at kinordonan ang kalsada.  Motorcade ang binalak ng pamilya, at sa loob ng sementeryo mas pribado ang paglilibing.  Ngunit hindi inasahan ang mga pangyayari, hindi inalintana ng mga tao ang mga pulis, binaklas ng bayan ang mga harang sa plaza, gustong ihatid ng libo-libong tao ang dating pangulo.  Ang itinakdang dalawang oras lamang na biyahe ay naging siyam na oras.

Bumuhos ang mga luha.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Bumuhos ang mga luha. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Ang karo ni Tita Cory habang inilalagay sa trak na magdadala nito sa kanyang huling hantungan.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ang karo ni Tita Cory habang inilalagay sa trak na magdadala nito sa kanyang huling hantungan. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Ang bayan habang nagpupugay kay Cory sa pamamagitan ng Laban sign.

Ang bayan habang nagpupugay kay Cory sa pamamagitan ng Laban sign.

Lumabas sila para kay Cory.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Lumabas sila para kay Cory. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Naulit ang People Power.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Naulit ang People Power. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Mamang may dalang napakagandang larawan ni Tita Cory.

Mamang may dalang napakagandang larawan ni Tita Cory.

Ang larawan na iyon sa gitna ng mga tao.

Ang larawan na iyon sa gitna ng mga tao.

Si Kerby nang baklasin ng mga tao ang barikada.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Kerby nang baklasin ng mga tao ang barikada. Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang simula ng kalbaryo at kagitingan ng apat na honor guard na nagbantay sa kabaong ng walang galawan.  Sa kanilang pagtayo, binigyan nila ng malaking karangalan, hindi lamang ang kanilang dating commander-in-chief, kundi ang kanila ring mga uniporme.  Mula sa pinoyweekly.org.

Si Xiao Chua kasama ang mga honor guard mula sa iba't ibang mga sangay ng Sandatahang Lakas at ng pulisya na nagbigay parangal sa Pangulong Cory, kabilang na sina Navy Petty Officer 2 Edgardo Rodriguez, Army Pfc. Antonio Cadiente, Airman 2nd Class Gener Laguindan, at Police Officer 1 Danilo Malab, Jr. Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama ang mga honor guard mula sa iba’t ibang mga sangay ng Sandatahang Lakas at ng pulisya na nagbigay parangal sa Pangulong Cory, kabilang na sina Navy Petty Officer 2 Edgardo Rodriguez, Army Pfc. Antonio Cadiente, Airman 2nd Class Gener Laguindan, at Police Officer 1 Danilo Malab, Jr. Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Naroon ako at nasaksihan ko sa mga mata ko at naramdaman ng puso ko ang dati ay nababasa ko lang sa mga libro, ang dalawang milyong magkakapatid na naghatid kay Ninoy sa kanyang huling hantungan noong 1983, ang dalawang milyon sa EDSA noong 1986, ang hindi magkakakilala ay nagbabatian ng Laban sign at nangngingitian.

Xiao Chua at Gobernador Ed Panlilio sa Luneta noong funeral march para kay Cory Aquino, 5 Agosto 2009.

Xiao Chua at Gobernador Ed Panlilio sa Luneta noong funeral march para kay Cory Aquino, 5 Agosto 2009.

Si Xiao Chua habang kinakapanayam ng RPN-9 sa Luneta noong libing ni Tita Cory, sinasabi niya 1983 ULIT!  Mula sa RPN-9.

Si Xiao Chua habang kinakapanayam ng RPN-9 sa Luneta noong libing ni Tita Cory, sinasabi niya 1983 ULIT! Mula sa RPN-9.

Sina Xiao Chua (may hawak na dyaryo sa may kaliwa) kasama sina Ayshia Kunting at Kerby Alvarez ng UP Lipunang Pangkasaysayan noong libing ni Pangulong Cory Aquino, 5 Agosto 2009 (Sa kagandahang loob ng Studio 23)

Sina Xiao Chua (may hawak na dyaryo sa may kaliwa) kasama si Kerby Alvarez ng UP Lipunang Pangkasaysayan noong libing ni Pangulong Cory Aquino, 5 Agosto 2009 (Sa kagandahang loob ng Studio 23)

Cory Aquino Funeral, August 5, 2009.

Cory Aquino Funeral, August 5, 2009.

Ninoy Aquino Funeral, August 31, 1983.

Ninoy Aquino Funeral, August 31, 1983.

Cory Aquino Funeral, August 5, 2009.

Cory Aquino Funeral, August 5, 2009.

Ninoy Aquino Funeral, August 31, 1983.

Ninoy Aquino Funeral, August 31, 1983.

Cory Aquino Funeral at the Luneta, August 5, 2009.

Cory Aquino Funeral at the Luneta, August 5, 2009.

Ninoy Aquino Funeral sa Luneta, August 31, 1983.

Ninoy Aquino Funeral sa Luneta, August 31, 1983.

Ang mga tao ay nagbabatian ng Laban Sign.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ang mga tao ay nagbabatian ng Laban Sign. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Isang batang nagla-Laban sign.  Kuha ni Julia Sombilon.

Isang batang nagla-Laban sign. Kuha ni Julia Sombilon.

Isang mamang nagla-Laban sign.  Kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Isang mamang nagla-Laban sign.

Mga hindi mo kakilala babatiin ka ng Laban sign.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang kokyot ng mga bata na ni hindi pa ipinapanganak noong presidente pa si Cory, na sumisigaw ng “Coree!  Coree!”  Nakararanas sila noon ng isang kakaibang leksyon sa kasaysayan.  Kung hindi minamahal ng bayan si Cory, hindi sila lalakad ng mahaba, magpapaulan, magluluksa ngunit nagpipiyesta rin ng sama-sama.  Ito pala yung pakiramdam na naramdaman ni Jim Paredes nang isatitik niya sa awitin, “Kay sarap palang maging Pilipino!”

Mga batang nakikiramay.  Kuha ni Christian Lucas Sangoyo.

Mga batang nakikiramay. Kuha ni Christian Lucas Sangoyo.

Mga magulang nagbibigay ng isang history lesson sa kanilang mga anak.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Mga magulang nagbibigay ng isang history lesson sa kanilang mga anak. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Isang mukha ng pakiisa at pakikiramay.  Kuha ni Christian Lucas Sangoyo.

Isang mukha ng pakiisa at pakikiramay. Kuha ni Christian Lucas Sangoyo.

Kaysarap palang maging Pilipino.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Kaysarap palang maging Pilipino. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Paaano mo sasabihing hindi minahal ng bayan?  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Paaano mo sasabihing hindi minahal ng bayan? Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Inuulit ang kasaysayan.

Inuulit ang kasaysayan.

Si Cory sa gitna ng pagmamahal ng bayan.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Si Cory sa gitna ng pagmamahal ng bayan. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Ang bayan at si Tita Cory.  Mula sa thecouchpotato.info.

Ang bayan at si Tita Cory. Mula sa thecouchpotato.info.

Ang pakikiramay ng bayan.

Ang pakikiramay ng bayan.

Si Tita Cory na nakabalot ng bandilang Pilipino.

Si Tita Cory na nakabalot ng bandilang Pilipino.

Naluha ako.  Lagi kong iniisip na ang Pilipino ay walang pakialam sa bansa.  Ngunit mali ako.  At tama pala si Ninoy at Cory sa kanilang pagtitiwala sa bayan.  Sa araw na iyon, inilabas muli ni Tita Cory ang pinamahusay sa mga Pilipino—kapatiran, kabutihang loob at pagmamahal sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 27 July 2013)

XIAO TIME, 2 August 2013: ANG MAKULAY NA KARERA NI MANUEL LUIS QUEZON

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang gwapong mestisuhin na tinawag na "Kastila" bilang Resident Commissioner ng Pilipinas sa Estados Unidos.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ang gwapong mestisuhin na tinawag na “Kastila” bilang Resident Commissioner ng Pilipinas sa Estados Unidos. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

2 August 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=nGy3n-qkITI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  135 years ago, August 19, 1878, isinilang si Manuel Luis Quezon y Molina sa Baler Tayabas.  Ang ama niya ay retirading sarhento ng Hukbong Espanyol at parehong guro rin ang kanyang mga magulang.  Minsan daw nakita ng ama na nakipag-away sa mga kapwa bata.  Nang itanggi niya ito nang tanungin, talagang sinampal siya ng kanyang ama at sinabing, “Hindi dapat igalang ang sinungaling at dapat pa ngang insultuhin.  Magsabi palagi ng totoo, anuman ang ibunga nito.”  At dito raw natutunan ni Quezon ang maging tapat.  Well, nag-aral siya sa Letran, summa cum laude si koya.  Sa UST, nakasalumuha niya sina Sergio Osmeña at Emilio Jacinto.  Sa panahon ng Himagsikang Pilipino, napatay ang kanyang ama at kapatid.  Sa kabila nito, lumaban sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano sa panig ng ating republika.

Manuel Quezon ar Sergio Osmena.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Manuel Quezon ar Sergio Osmena. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Manuel Quezon, rebolusyunaryo.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Piknik sa Baler para kay Manuel, 1906.  Si Quezon ang Mr. Suave, si Aurora ang babaeng nakaupo sa kaliwa.  Siya ang pinsan at future wife niya.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Nang mabalitaan niya na sumuko na si Heneral Aguinaldo, hindi siya makapaniwala.  Kaya siya sumuko at pinuntahan sa kulungan ng Malacañan si Heneral Emilio Aguinaldo, kumbinsido na siya.  Nang makapasa sa eksaminasyong bar, nagbalik siya sa Tayabas at nagbigay ng libreng serbisyo sa mahihirap at naglantad ng mga ilegal na kabulastugan ng isang Amerikanong abogado.  Nahalal siyang piskal at gobernador ng Tayabas at noong 1907 nahalal na kinatawan ng Tayabas sa unang Philippine Assembly at naging majority floor leader nito.  Si Sergio Osmeña naman ay naging Speaker.  Dito na nagsimula ang kanilang kalahating siglong pamamayagpag ng magkaribal na ito sa pulitika ng Pilipinas.

Quezon bilang Kinatawan ng Tayabas.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon bilang Kinatawan ng Tayabas. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Ispiker ng Kapulungang Pilipino.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Ispiker ng Kapulungang Pilipino. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon at Osmena.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon at Osmena. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Majority Floor Leader.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Majority Floor Leader. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Sa kalaunan si Quezon ay naging Resident Commissioner sa Washington (1909-1916) at Pangulo ng Senado (1918).  Nang ikampanya ni Osmeña sa Senado ng Estados Unidos ang Hare-Hawes Cutting Act na siyang magbibigay sa atin ng sampung taong komonwelt bago isauli ng mga Amerikano ang kasarinlan natin, hinarang ito ni Quezon at nagtagumpay sa kampanyang huwag itong manalo sa plebisito.  Nang siya naman ang nagkaroon ng pagkakataong mag-lobby para sa Batas Tydings-McDuffie, kahit walang ipinagkaiba ito, ikinampanya pa rin niya ito, nagtagumpay at siya ang nakakuha ng pagkilala ng bayan.

Si Quezon bilang Resident Commissioner.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Farewell speech ni Quezon bilang Resident Commissioner sa Kongreso ng Amerika.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Farewell speech ni Quezon bilang Resident Commissioner sa Kongreso ng Amerika. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Pangulo ng Senado.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Pangulo ng Senado. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Osmena at Quezon kasama si Gobernador Heneral Francis Burton Harrison.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Osmena at Quezon kasama si Gobernador Heneral Francis Burton Harrison. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Osmena habang ikinakampanya ang Hare-Hawes-Cutting Act.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Osmena habang ikinakampanya ang Hare-Hawes-Cutting Act. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ang pagkampanya ni Quezon laban sa Hare-Hawes-Cutting Act.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ang pagkampanya ni Quezon laban sa Hare-Hawes-Cutting Act, in fairness naka-jacket. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Nang itatag ang pamahalaang Komonwelt noong 1935, siya ang nanumpang pangulo at si Osmeña naman ang pangalawang pangulo.  Maraming kontradiksyon sa kasaysayan ni Quezon.  Na siya raw ang unang tunay na diktador sa Pilipinas sa lakas ng kanyang panguluhan, na kahit nangampanya siya para sa kalayaan ay kinonsidera niya na isali tayo sa British Commonwealth kapag umalis ang mga Amerikano, na siya raw ang template ng modernong tradisyunal na pulitiko.

Si Quezon at kabiyak na si Aurora sa kanilang pagdating sa kanyang inagurasyon.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon at kabiyak na si Aurora sa kanilang pagdating sa kanyang inagurasyon. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ang panunumpa ni Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt sa harapan ng gusali ng lehislatura (ngayon ay National Art Gallery) noong November 15, 1935.  Mula kay Carlos Quirino.

Ang panunumpa ni Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt sa harapan ng gusali ng lehislatura (ngayon ay National Art Gallery) noong November 15, 1935. Mula kay Carlos Quirino.

Si Quezon habang umaastang astig.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang umaastang astig. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang nagsusuot ng Barong Tagalog.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang nagsusuot ng Barong Tagalog. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Isang larawan ni Quezon habang nagtatalumpati.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Isang larawan ni Quezon habang nagtatalumpati. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ngunit, hindi rin maikakaila ang kanyang malaking kontribusyon sa bayan, ang kanyang konsepto ng “Social Justice”—ipinabili niya sa pamahalaan ang mga malalaking lupain at ibinebenta ito sa mga kasama sa mababang halaga, sinuportahan niya ang karapatan ng mga kababaihan na bumoto, at ginawa niyang batayan ang Tagalog upang maging wikang pambansa.

Si Quezon sa isa kanyang mga inspection trips.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon sa isa kanyang mga inspection trips. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang nilalagdaan ang pagboto ng mga kababaihan.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang nilalagdaan ang pagboto ng mga kababaihan. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Lumikas nang sumiklab ang digmaan at tumungo sa Estados Unidos kung saan niya itinatag ang Philippine Governement-in-exile, kung saan na siya naabutan ng kamatayan, 69 years ago, August 1, 1944.

Ang Philippine Commonwealth Government-in-Exile.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ang Philippine Commonwealth Government-in-Exile. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Pangulong Quezon habang nagsasalita sa Kongreso ng Amerika.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Pangulong Quezon habang nagsasalita sa Kongreso ng Amerika. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon kasama ang kanyang gabineta sa kanyang sick bed.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon kasama ang kanyang gabineta sa kanyang sick bed. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Isa sa mga huling larawan ni Quezon na buhay ay kasama pa rin niya ang kanyang karibal at matalik na kaibigan na si Osmena.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Isa sa mga huling larawan ni Quezon na buhay ay kasama pa rin niya ang kanyang karibal at matalik na kaibigan na si Osmena. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang nakaburol sa Amerika.  Mula sa Quezon City Council:  History and Legacy.

Si Quezon habang nakaburol sa Amerika. Mula sa Quezon City Council: History and Legacy.

Quezon Memorial Monument.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon Memorial Monument. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon Sarcophagus.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon Sarcophagus. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ngayon nakalibing si Quezon sa ilalim ng monumentong ito sa lungsod na ipinangalan sa kanya, na tulad ng dakilang si Napoleon, nakaangat ang kanyang puntod sa lupa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 27 July 2013)

Si Xiao Chua sa harapan ng Quezon Memorial Monument na may 66 metrong taas na kumakatawan sa 66 na taon sa buhay ni Quezon.  Ang tatlong anghel ay kumakatawan sa pagluluksa at pagpupugay ng Luzon, Visayas at Mindanao.  Kuha ni Florenda Pangilinan mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa harapan ng Quezon Memorial Monument.  Kuha ni Florenda Pangilinan mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa harapan ng Quezon Memorial Monument. Kuha ni Florenda Pangilinan mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa harapan ng sarcophagus ng bangkay ni Quezon sa ilalim ng Quezon Memorial Monument.  Kuha ni Florenda Pangilinan mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa harapan ng sarcophagus ng bangkay ni Quezon sa ilalim ng Quezon Memorial Monument. Kuha ni Florenda Pangilinan mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

XIAO TIME, 1 August 2013: NANG PUMANAW SI TITA CORY

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Pangulong Cory sa paligid ng pagmamahal ng kanyang mga kababayan sa La Salle Greenhills.

Ang Pangulong Cory sa paligid ng pagmamahal ng kanyang mga kababayan sa La Salle Greenhills.

1 August 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=psBQUQmE6Ao

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Apat na taon na ang nakalilipas, July 24, 2009.  Nilisan na tayo ni Tita Cory!  Ito ang maling balita na natanggap ko. Marami ang umiyak.  Mali pala ang balita, pero may nasilip akong bagong pag-asa sa ilang araw nang sama-samang pananalangin para sa kalusugan ng Dating Pangulong Cory Aquino.

Tita Cory Aquino.  Mula sa ABS-CBN Publishing, Inc.

Tita Cory Aquino. Mula sa ABS-CBN Publishing, Inc.

Ang dyaryo ng araw noong magkaroon ng maling balita sa hapon na patay na si Tita Cory.  Nasa gitna ng pananalangin para sa kalusugan ng bayan ang mga tao.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang dyaryo ng araw noong magkaroon ng maling balita sa hapon na patay na si Tita Cory. Nasa gitna ng pananalangin para sa kalusugan ng bayan ang mga tao. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Noong hapon na iyon, nakasakay ako ng taxi sa Vito Cruz nang makakita ako ng isang padyak na may malalaking dilaw na ribbon.  Naiyak ako.  Hindi pa pala nakakalimot ang mga tao.  Makalipas ang ilang araw, August 1, sa ganap na 5:48 ng umaga, ang aking kaibigan na si Ayshia ay ginising ako sa telepono ng isang masamang balita—Nilisan na tayo ng tuluyan ni Tita Cory sa oras na 3:18 ng umaga.  Nakapaligid ang kanyang pamilyang nagdadasal ng rosaryo, katatapos pa lamang ng ikalimang misteryo ng Hapis.

Ang anak ni Tita Cory na si Benigno Simeon "Noynoy" Aquino, III ang siyang nagkumpirma ng balita na wala na si Tita Cory.

Ang anak ni Tita Cory na si Benigno Simeon “Noynoy” Aquino, III ang siyang nagkumpirma ng balita na wala na si Tita Cory.

Ang masamang balita.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ang masamang balita. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Nasa Tarlac ako noon, ngunit tulad sa Maynila makulimlim at panaka-naka ang ulan, maging ang langit ay nagluluksa sa kanyang pagkawala.  Noong hapon na iyon, dinala ang mga labi ni Tita Cory sa St Benilde Gymnasium sa La Salle Greenhills.

Natakpan ang Bundok Arayat ng ulap isang ara matapos mamatay ni Tita Cory.  Kuha ni Xiao Chua.

Natakpan ang Bundok Arayat ng ulap isang araw matapos mamatay ni Tita Cory. Kuha ni Xiao Chua.

Si Cory, kasama si Jun Lozada at Sister Mary John Mananzan sa Baclaran sa panahon ng mga protesta laban lay Pangulong Gloria Arroyo.

Si Cory, kasama si Jun Lozada at Sister Mary John Mananzan sa Baclaran sa panahon ng mga protesta laban lay Pangulong Gloria Arroyo.

Ayon kay Sister Mary John Mananzan, sa mga huling text sa kanya ni Tita Cory tila ipinapahiwatig niya na sa kanyang pakiramdam, hindi na siya naaalala ng mga tao.  Matapos na matagumpay na tumulong sa pagpapatawag ng dalawang EDSA, sa mga huling taon ng kanyang buhay, marami sa kanyang mga kababayan ang tila hindi na siya pinakikinggan.  Tila bingi at bulag na sila sa korupsyon, wala na silang pakialam.

Si Cory habang pinangungunahan ang mga protesta na nagbunsod ng Himagsikang People Power sa EDSA.

Si Cory habang pinangungunahan ang mga protesta na nagbunsod ng Himagsikang People Power sa EDSA.

Si Tita Cory na nagrorosaryo sa gitna ng napakaraming sundalo, Marines Stand-off, February 26, 2006.

Si Tita Cory na nagrorosaryo sa gitna ng napakaraming sundalo, Marines Stand-off, February 26, 2006.

Si Tita Cory habang pinagmamalaki ang aklat ng kanyang apong si Jiggy Cruz ukol kay Ninoy Aquino sa isa sa kanyang mga huling public appearance sa DLSU Manila, 2009.

Si Tita Cory habang pinagmamalaki ang aklat ng kanyang apong si Jiggy Cruz ukol kay Ninoy Aquino sa isa sa kanyang mga huling public appearance sa DLSU Manila, 2009.

Ang kanyang paghihirap sa sakit na kanser ay inalay niya sa Panginoon para sa kanyang bayan.  Kung nakita lamang niya ang dami nang tao na naghihintay para pumila at makita siya sa huling pagkakataon, malalaman niyang hindi nasayang ang kanyang paghihirap.  Nang dumating ang kabaong , sumaludo ng ilang saglit ang mga sundalo, biglang umulan.  Nang matapos ang pagsaludo, tumigil din ito.

Ang mga naghihintay sa pagdting ng labi ng dating pangulo upang masilayan siya.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ang mga naghihintay sa pagdting ng labi ng dating pangulo upang masilayan siya. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Nang sumaludo ang mga sundalo, bigla na lamang umulan.  Sa pagbaba ng kanilang kamay, tumigil ang ulan.  Mula sa Philippine Graphic.

Nang sumaludo ang mga sundalo, bigla na lamang umulan. Sa pagbaba ng kanilang kamay, tumigil ang ulan. Mula sa Philippine Graphic.

Isang aleng lubos na nalumbay sa pagkamatay ng pangulo.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Isang aleng lubos na nalumbay sa pagkamatay ng pangulo. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Sina Borther Armin Luistro at Brother Bernie Oca ng Christian Brothers ng De La Salle na nagpahiram ng kanilang gymnasium para kay Tita Cory.  Mula sa Paalam Cory.

Sina Borther Armin Luistro at Brother Bernie Oca ng Christian Brothers ng De La Salle na nagpahiram ng kanilang gymnasium para kay Tita Cory. Mula sa Paalam Cory.

Matapos tatlong araw, nang ilipat ang kanyang mga labi mula sa LSGH patungong Katedral ng Maynila, tila naulit ang kasaysayan.  Dumagsa ang mga tao.  Muling nanariwa sa kanilang alaala ang tagumpay ng EDSA, sa mismong kalsada kung saan ito naganap, Ortigas cor. EDSA.  Gayundin, tila bumalik ang mga confetti revolts laban sa diktadura sa kahabaan ng Ayala Avenue nang dumaan siya doon at tila nagkasama sila muli ng asawang si Ninoy nang ipagtagpo ang kanyang mga labi at ang monumento ng asawa.

Naulit ang kasaysayan.

Naulit ang kasaysayan.

Hindi man naabutan ang EDSA, ang mga kabataan ay nakiramay/nakiusyoso din.  Mula sa Doon Po Sa Amin.

Hindi man naabutan ang EDSA, ang mga kabataan ay nakiramay/nakiusyoso din. Mula sa Doon Po Sa Amin.

Ang pagdaan ng mga labi ni Tita Cory sa harapan ng POEA sa Ortogas cor EDSA kung saan siya nagpakita noong Himagsikang People Power sa EDSA noong 1986.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ang pagdaan ng mga labi ni Tita Cory sa harapan ng POEA sa Ortogas cor EDSA kung saan siya nagpakita noong Himagsikang People Power sa EDSA noong 1986. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Nang magkasama ang monumento ni Ninoy at ng kabaong ng kanyang kabiyak.  Pareho na silang iniluklok ng bayan na mga bayani.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Nang magkasama ang monumento ni Ninoy at ng kabaong ng kanyang kabiyak. Pareho na silang iniluklok ng bayan na mga bayani. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Sa Katedral, kahit na kung minsan ay siyam na oras na pumila ang mga tao, dinagsa pa rin ang burol.  Si Tita Cory, bagama’t hindi perpekto at mayroon ding mga kontradiksyon sa kanyang kasaysayan, tulad din naman natin, ay niyakap natin dahil sumimbolo siya sa adhikain nating malinis na pamumuno.  Hindi lang tayo nagpugay sa kanya.  Nagbigay tayo ng mensahe sa mga nakaupo sa ating pamahalaan noon na pagod na tayo sa pamunuang walang malasakit sa bayan.

Ang haba ng pila mula sa Pamatasan ng Lungsod ng Maynila hanggang sa Katedral ng Maynila, ang dome nito ay makikita pa rin sa larawan, maliit na nga lang.  Mula sa Wikipedia.

Ang haba ng pila mula sa Pamatasan ng Lungsod ng Maynila hanggang sa Katedral ng Maynila, ang dome nito ay makikita pa rin sa larawan, maliit na nga lang. Mula sa Wikipedia.

Ang pagpila ng mga tao sa mga kalye ng lumang lungsod ng Maynila--Intramuros para kay Cory.

Ang pagpila ng mga tao sa mga kalye ng lumang lungsod ng Maynila–Intramuros para kay Cory.

Sina McRhonald Banderlipe at Tina Langit habang nagbibigay ng pagkain sa mga matagal na pumila upang makita si Tita Cory.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Sina McRhonald Banderlipe at Tina Langit habang nagbibigay ng pagkain sa mga matagal na pumila upang makita si Tita Cory. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Si Noynoy Aquino habang inasasalamatan ang mga pumipila.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Si Noynoy Aquino habang inasasalamatan ang mga pumipila. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Kung nakita lang ito ni Tita Cory, lalo niyang mapapatunayan ang lagi niyang sinasabi, “Nagpapasalamat ako sa inyong lahat, lalo na sa Panginoong Diyos, at ikinararangal ko na ginawa niya akong Pilipino na katulad niyo.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(People’s Television Network, 25 July 2013)

Maria Corazon Sumulong Cojuangco Aquino (January 25, 1933 – August 1, 2009)

Maria Corazon Sumulong Cojuangco Aquino (January 25, 1933 – August 1, 2009)

EID AL-FITR: SPECIAL REPORT (First-ever for PTV)

Text of the broadcast of Xiao Chua’s first ever special report for News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM

Kanina, unang idineklara ng Saudi ang pagsisimula ng Eid nang magpakita sa crescent moon sa kanilang bansa.  Nasa larawan ang Hagia Sophia sa Turkey.  Mula sa english.alarabiya.net.

Kanina, unang idineklara ng Saudi ang pagsisimula ng Eid nang magpakita sa crescent moon sa kanilang bansa. Nasa larawan ang Hagia Sophia sa Turkey. Mula sa english.alarabiya.net.

9 August 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=0Q8FEkrRDPc

Sasagutin natin ang tanong ng mga bata ngayong araw, “Mommy, bakit po ba wala kaming pasok???”  Bakit nga ba may holiday?  Panahon kasi ngayon ng Eid al-Fitr, na tinatawag ding Hari Raya Puasa o araw ng wakás ng Ramadán.  Yung iba sa atin, tinatawag ito na “Ramadan,” Kailangang liwanagin, hindi ito ang Ramadan.  Ang Ramadan ay nagmula sa salitang ugat na Arabe na ramiḍa o ar-ramaḍ na ang ibig sabihin ay matinding init o tagtuyot.  Ito ang buwan sa Kalendaryong Islamiko kung saan nagfa-fasting ang mga Muslim ng 29 hanggang 30 araw sang-ayon sa sinasabi ng Quar’an Surah 2: Verse 183 upang sila’y magmatuwid.

Ang Surah 2: verse 183 ng Quran:  “O you who have believed, decreed upon you is fasting as it was decreed upon those before you that you may become righteous.”

Ang Surah 2: verse 183 ng Quran: “O you who have believed, decreed upon you is fasting as it was decreed upon those before you that you may become righteous.”

Isa rin ito sa limang haligi ng Islam na dapat ganapin ng bawat tunay na Muslim.  Sa buwan ng Ramadan unang ipinahayag ni Angel Gibril ang unang talata ng Quaran sa Propeta Muhammad (Mapasakanya nawa ang kapayapaan), gayundin ayon sa mga hadith, o mga salaysay ukol sa propeta, na sa tuwing Ramadan nagbubukas ang mga gate ng Paraiso.  Anumang kabutihan na gawin sa panahon na ito ay babalik ng sampung beses, at ang mga taos-pusong hihingi ng tawad ay patatawarin, gaano man kabigat ang kasalanan.  Ngunit liban sa hindi pagkain mula 4:30 ng umaga bago bigkasin ang pang-umagang panalangin, hanggang mga 6:00 ng gabi sa paglubog ng araw, bawal din ang pagsasabi ng masama o pagmumura at ipinagbabawal din ang pagsisiping ng mag-asawa.  Exempted naman dito ang mga may sakit, nagbibiyahe, mga buntis, nagpapasuso, o mga babaeng may dalawa ngunit inaasahan na babayaran nila ang araw na hindi sila nakapag-ayuno kahit na hindi na Ramadan.  Tuwing Ramadan, mas matindi rin ang pagninilay-nilay sa Quaran at pananalangin ng mga Muslim dahil ang diwa nito ay paglilinis ng espiritu at panahon na maalala ng bawat isang Muslim na ang patuloy na paggabay at biyaya ni Allah sa sangkatauhan.

Piging para sa Eid

Piging para sa Eid

Kaya naman matapos ang pagsasakripisyo ng isang buwan, natural, masayang pagdiriwang ang Eid al-Fitr.  Nasa hadith, na dapat magsama-samang magdasal ang mga Muslim ng 7:00 ng umaga at kailangang gawin ito sa isang bukas na lugar upang hindi “watak-watak” ang mga mga magkakapatid sa pananampalataya.  E bakit nag-iiba-iba ang petsa ng Hadith at hindi masigurado hanggang sa araw mismo na iyon.  Katuruan sa Islam na kailangang abangan kung kalian lilitaw ang crescent moon upang malaman kung tapos na ang Ramadan.

Ayshia Fernando Kunting, UP Diliman, August 2012.  Kuha ni Xiao Chua.

Ayshia Fernando Kunting, UP Diliman, August 2012. Kuha ni Xiao Chua.

Ayon kay Prop. Ayshia Fernando Kunting ng Western Mindanao State University ng Zamboanga, ito ay “biyaya/awa ng Allah sa sangakatauhan na paalalahanan tayo na kahit tayo ay hitik na sa teknolohiya at napakatatalino… hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama tayo, na malalaman natin ang lahat. Ang talino natin, ang progreso ay biyaya lahat ng Allah.  Na Siya lamang ang nakaaalam ng lahat.”  Ayon pa sa kanya, “Ang mga eid ang dalawang pagkakataon sa isang taon na nagkakasama-sama ang mga Muslim at nagdiriwang, simpleng pagre-affirm ng kapatiran, walang dekorasyon, walang parada, simpleng salu-salo ng magkakapatid.”  Ang Pilipinas ang tanging bansang hindi Muslim na mayroong pista opisyal sa mga mahahalagang araw ng Islam, pagkilala ng malaking bahagi at papel ng mga kapatid nating Muslim sa ating lipunan at kasaysayan.  Ako po si Xiao Chua, Telebisyon ng Bayan.

(De La Salle University, 8 August 2013)

ANO ANG RAMADHAN AT EID AL-FITR: Pananaw ng Isang Pilipinong Muslim

Kanina, unang idineklara ng Saudi ang pagsisimula ng Eid nang magpakita sa crescent moon sa kanilang bansa.  Nasa larawan ang Hagia Sophia sa Turkey.  Mula sa english.alarabiya.net.

Kanina, unang idineklara ng Saudi ang pagsisimula ng Eid nang magpakita sa crescent moon sa kanilang bansa. Nasa larawan ang Hagia Sophia sa Turkey. Mula sa english.alarabiya.net.

Panayam ni Xiao Chua kay Prop. Ayshia Fernando Kunting ng Western Mindanao State University ng Zamboanga.

  1.  Ano ang batayang iskriptural at panrelihiyon ng Ramadan, ang katapusan nito ang ipinagdiriwang tuwing Eid al-Fitr?

Ang Surah 2: verse 183 ng Quran:  “O you who have believed, decreed upon you is fasting as it was decreed upon those before you that you may become righteous.”

2_183

Bukod sa Quran, kabilang ang pag-aayuno sa tinatawag na “5 pillars of Islam” o limang haligi ng Islam… ito ay pang-apat sa lima.  Ngunit sa pangkalahatan at pangkabuuan, ang limang haligi na ito ay kailangang magampanan ng isang Muslim para siya ay maging “tunay” na nananampalataya.

Sinabi sa Quran na buwan ng Ramadhan noong nireveal ang unang verse ng Quran, ang salita ng Diyos na gabay para sa sangkatauhan.  Sa hadith naman sinasaad na tuwing ramadhan, bukas ang mga gate ng paraiso.  May isang gate doon, ang Al-Raiyan, na sa araw ng paghuhukom ay magpapasok lamang ng mga nag-aayuno noong buhay pa sila.  Ang implikasyon nito ay habang andito pa sa mundo, at habang buwan ng Ramadhan, mainam na gumawa ng maraming kabutihan dahil ang mga ito ay nagmu-multiply ng 10 times sa reward.  Habang ang mga nagdadasal naman nang most sincerely and most ardently na sila ay mapatawad, ay patatawarin ng Allah—kahit ano pa man ang kasalanan na iyon.

Ayshia Fernando Kunting, UP Diliman, August 2012.  Kuha ni Xiao Chua.

Ayshia Fernando Kunting, UP Diliman, August 2012. Kuha ni Xiao Chua.

  1.  Paano isinasagawa ang pag-aayuno tuwing Ramadhan?

Ang pag-aayuno ay hindi simpleng pag-iwas o paggutom sa sarili mula 4:30 ng umaga hanggang 6 ng gabi sa loob ng isang buwan. Bukod sa pag-iwas sa pagkain, kasama dito ang pag-iwas sa lahat ng masasama: salita, gawa, at isip.  Lahat ng nasa edad na ng “puberty” babae o lalaki man ay kailangang mag-ayuno; maliban na lamang sa mga may sakit, nasa byahe, o mga babaeng may dalaw.  Ngunit kailangan pa rin nilang mag-ayuno pagkatapos ng ramadhan bilang kabayaran.

  1.  Liban sa espituwal na aspekto, mayroon bang ibang dimensyon ang Ramadhan?

Sa pisikal, natutulungan ng pag-aayuno ang katawan ng tao upang luminis naman ito at magkaroon ng pahinga ang “digestive system” mula sa isang taon na halos walang tigil sa pagkain at kung ano-anong kinakain.  Nililinis natin ang ating katawan sa pamamamgitan ng pagbabawas (moderate) ng ating mga kinakain.  Hindi tama na nagtiis ng gutom buong araw at magpipiyesta naman pagdating ng sunset.  Kinakailanganang normal pa rin ang dami/kaunti ng isang meal.
Sa panlipunan naman, sa pagsagawa ng pag-aayuno ay magbibigay ng kapantayan sa mayaman at mahirap.  Tuwing Ramadhan, nararanasan ng lahat ng Muslim ang pagkagutom kahit pa sila ay mayaman.  Kayang kaya niyang bumili ng pagkain ngunit pinipigilan siya ng pag-aayuno.  Dito niya mararamdaman ang gutom—na halos hindi niya nararamdaman sa pang-araw araw niya.  Kaya’t ang objective din ng pag-aayuno ay ang marealize ng mga mayayaman na wala silang pinagkaiba sa mahihirap at na si Allah ang nagtatakda ng mga blessings sa natatamasa nila. kapag nag-aayuno nang taos-puso ang isang muslim lalo na ang mayaman, siya ay magiging mapagkumbaba at magkakaroon ng affection sa mahihirap o less fortunate na kagaya niya dahil naiintindihan na niya na kung wala ang biyaya ni Allah, wala rin siya sa kganoong katayuan.  Bukod sa pagpapakumbaba, dapat rin siyang maging matulungin sa kapwa at maging grateful sa tinatamasa niya.

Kung ang Ramadhan ay panahon na malinis ang katawan, higit na mahalagang banggitin na ito ay panahon ng paglilinis ng isip, salita, at gawa—o spiritual cleansing.  Panahon ito na maalala ng Muslim ang Allah, ang Kanyang patuloy na paggabay, at ang Kanyanh hindi mabilang na mga biyaya sa sangkatauhan.

  1. E paano niyo naman ipinagdiriwang ang pagtatapos ng Ramadhan, o ang Eid?

Pagkatapos ng buwan ng Ramadhan, nasa hadith na dapat ay magtipon ang mga Muslim para magdasal bandang 7 ng umaga.  Nasa hadith na dapat ay gawin ito sa isang lugar ba bukas (open field) at para sa isang area, iisa lamang ang lugar ng pagdadasalan.  Para hindi magkaroon ng “watak watak” at iisa ang damdamin ng mga muslim.  Pagkatapos ng maikling pagdarasal ay magkakaroon ng maikling sermon.  Dito sa Zamboanga, sa granstand ginanap ang pagdarasal kani-kanina lamang at ang sermon ay tungkol sa pagwawasasak sa arrogance natin laban sa kapwa/kapatid dahil pakiramdam natin ay nakatataas na tayo sa kanila.  Dapat laging tandaan na tayo ay magkakapantay-pantay.

Piging para sa Eid

Piging para sa Eid

  1. E ano naman ang masasabi mo na ang Pilipinas ang tanging hindi-Islamikong bansa sa mundo na ginawang holiday ang mga Eid?

Nakakatuwa ito na kinikilala na ang mga Muslim sa bansa, na hindi na binabalewala at minimisunderstand ang mga islamic practice.  Natutuwa rin ako na may mga programa na rin na naghahangand maipaliwanag sa bansa ang kagandahan ng mga katuruang Islamiko.  Nakakataba ito ng puso at nakakaluha na rin na sa wakas, unti-unti na kaming nauunawaan at natatanggap.

  1. Ang ginawang holiday ng estado ay August 9, 2013 para sa Eid ngunit bakit ngayon pa lamang August 8 ay nagdiriwang na kayo?  Bakit ang gulo ata ng kalendaryo niyo? LOL

Sa kabila ng mga advancement sa science at ang “accurate” na pagtakda ng araw ng eid, katuruan pa rin sa Islam na kailangang abangan ang crescent moon sa gabi upang malaman kung simula/tapos na ba ang Ramadhan.  Para sa akin, isa ito sa mga biyaya/awa ng Allah sa sangakatauhan na paalalahanan tayo na kahit tayo ay hitik na sa teknolohiya at napakatatalino.  Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama tayo.  Ang talino natin, ang progreso ay biyaya lahat ng Allah.  Na Siya lamang ang nakaaalam ng patungkol sa lahat ng bagay na nilikha Niya.

  1. Sa tuwing Ramadhan lamang ba dapat nag-aayuno ang mga Muslim?

Ang pag-aayuno sa Ramadhan at pagwawakas nito sa pamamagitan ng pagcecelebrate ng Eid al-Fitr, ay hindi nagtatapos doon.  Sabi sa hadith, ang pinakamagandang pag-aayuno ay ang pag-ayuno ng Propeta David.  Paano ba siya nag-ayuno?  Siya ay nag-aayuno sa alternate days sa buong taon!  Ang ibig sabihin nito ay hindi nagtatapos ang paglilinis sa sarili sa pagtatapos ng Ramadhan, ang buwan na ito ay parang “check point” lamang upang paalalahanan ang sangkatauhan na kailangang kilalanin si Allah, ang Kanyang paggabay, at pagbiyaya sa buong taon.

EID MUBARAK SA LAHAT NG MGA KAPATID NATING MUSLIM-xiao chua

XIAO TIME, 31 July 2013: ANG KODIGO NI KALANTIAW

PARA SA TUNAY NA KALANTIAW, TUMUNGO SA BABA NG PAGE NA ITO MATAPOS BASAHIN ANG ARTIKULO.

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Kalantiaw at Lubluban.  Obra maestra ni Carlos "Botong" Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Si Kalantiaw at Lubluban. Obra maestra ni Carlos “Botong” Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

31 July 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=uTSXeZSLVnA

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong 1913, may natagpuan na dokumento na pinamagatang Ancient Legends of the Island of Negros na isinulat ng isang prayleng Espanyol na nagngangalang José María Pavon.  At dito makikita ang sinasabing 18 mga sinaunang batas ng mga Pilipino bago dumating ang mga Espanyol na isinulat diumano ng isang nagngangalang Kalantiaw at nilikha sa Aklan noong 1433.

Mga dahon kung saan raw  nakasulat ang Kodigo ni Kalantiaw.  Nawasak noong digmaan.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ayon sa batas na ito, kung ikaw ay nakapatay, nagnakaw o sinaktan ang mga matatanda, ikaw ay itatali sa isang bato at ibubulid sa ilog o kumukulong tubig.  Gayundin, kung malaki utang mo sa datu na hindi mo nabayaran, tatlong beses na ang iyong kamay ay ibubulid sa kumukulong tubig.  Wala ring sinuman ang bibigay sa labis na tawag ng laman o magkaroon ng mga asawang ubod ng bata dahil sa unang beses na gawin mo ito, ikaw ay palalanguyin ng tatlong oras at sa ikalawa naman ay hahampasin hanggang mamatay sa pamamagitan ng latigong may mga tinik.  Hindi rin dapat gambalain ang kapayapaan ng mga libingan, dahil hahampasin ng latigong may tinik hanggang mamatay.  Papatawan ng parusang bitay ang makapatay ng pating o buwaya na may stripes.  Huh?? So pwede kung walang stripes?

Bitay para sa papatay ng buwaya na may stripes.

Bitay para sa papatay ng buwaya na may stripes.

Gayundin, kamatayan din kung mamamana ka sa gabi sa mga matatandang babae at lalaki.  So, ok lang kung mamana sa araw ng mga bata?  Gagawin ka namang alipin kung may-ari ka ng aso na kumagat sa datu.  Papaluin naman sa loob ng dalawang araw ang mga mga umaawit habang naglalakbay sa gabi!  Whaaaaat???

Hahampasin ng dalawang araw ang mga umaawit kapag naglalakbay sa gabi.

Hahampasin ng dalawang araw ang mga umaawit kapag naglalakbay sa gabi.

Ipapakagat ka naman sa mga langgam sa loob ng kalahating araw kung ikaw ay makapatay ng itim na pusa kapag new moon.  So ok lang kung puting pusa kapag full moon.

Kapag pumatay ka ng itim na pusa, ipapakagat ka sa langgam sa loob ng kalahating araw.  So ok lang kung ang pusang ito, hahaha.

Kapag pumatay ka ng itim na pusa, ipapakagat ka sa langgam sa loob ng kalahating araw. So ok lang kung ang pusang ito, hahaha.

Susunugin naman ang mga eetyas kung saan sinasamba ang mga anito.  Sa matagal na panahon, ginawa itong ebidensya na mayroon na tayong sinaunang batas, nilagay si Kalantiaw sa sining, sa selyo, naisulat sa bakal, at naging pangalan ng dekorasyon para sa mga retiradong punong hurado ng Korte Suprema—ang Order of Kalantiaw.

Ang pahina sa aklat nina Teodoro Agoncillo at Oscar Alfonso, "History of the Filipino People" na nagpapakita ng pahina  ukol sa Kodigo ni Kalantiaw.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang pahina sa aklat nina Teodoro Agoncillo at Oscar Alfonso, “History of the Filipino People” na nagpapakita ng pahina ukol sa Kodigo ni Kalantiaw. Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Rajah Kalantiaw sa sining.

Rajah Kalantiaw sa sining.

Si Marcos bilang tagapagmana ni Kalantiaw, ang pinakaunang tagapagbatas.  Obra ni Leonardo Cruz.

Si Marcos bilang tagapagmana ni Kalantiaw, ang pinakaunang tagapagbatas. Obra ni Leonardo Cruz.

Ang selyo bilang parangal kay Rajah Kalantiaw.

Ang selyo bilang parangal kay Rajah Kalantiaw.

Marker para kay Rajah Kalantiaw sa Aklan.

Marker para kay Rajah Kalantiaw sa Aklan.

RPS Datu Kalantiaw nang sumayad sa dalampasigan ng Calayan, September 21, 1981 (anibersaryo ng Batas Militar.  79 ng 97 na mga tauhan nito ang namatay, ang pinakamalalang sakuna sa Philippine Navy.

RPS Datu Kalantiaw nang sumayad sa dalampasigan ng Calayan, September 21, 1981 (anibersaryo ng Batas Militar. 79 ng 97 na mga tauhan nito ang namatay, ang pinakamalalang sakuna sa Philippine Navy.  Mula sa Wikipedia

Napakalupit naman pala ng mga ninuno natin at ang sabaw lang nila.  Buti nalang, napatunayan ng isang dayuhang iskolar, si William Henry Scott, na pekeng dokumento ito na nilagay ng isang nagngangalang Jose Marco.  Ayon kay Ambeth Ocampo sa kanyang katatapos pa lamang na lektura sa Ayala Museum, marami pang mga dokumentong pagkasaysayan ang pineke ni Jose Marco, maging ang nobela raw ni Padre Burgos na La Loba Negra.

William Henry Scott

William Henry Scott

Jose Marco

Jose Marco

Sinaunang kalendaryo raw ng mga sinaunang Pilipino na gawa ni... Jose Marco.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Sinaunang kalendaryo raw ng mga sinaunang Pilipino na gawa ni… Jose Marco. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Orihinal na manuskrito ng La Loba Negra na sinulat raw ni Padre Jose Burgos na gawa pala ni... Jose Marco.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Orihinal na manuskrito ng La Loba Negra na sinulat raw ni Padre Jose Burgos na gawa pala ni… Jose Marco. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ngunit bakit nagtagumpay si Marco sa krimen niyang ito na pekehin ang nasyon?  Ayon kay Ambeth, sa pagnanais natin na likhain ang bansa—forge the nation, napeke ni Marco ang bansa—forge the nation.  Sa panahon na naghahanap tayo ng ginintuang nakaraan, lumikha siya nito para sa atin.

Ang poster ng katatapos lamang na lektura ni Dr. Ambeth R. Ocampo noong July 20, 2013 sa Ayala Museum.

Ang poster ng katatapos lamang na lektura ni Dr. Ambeth R. Ocampo noong July 20, 2013 sa Ayala Museum.

Si Ambeth Ocampo sa kanyang July 20, 2013 lecture sa Ayala Museum.  Kuha ni Xiao Chua.

Si Ambeth Ocampo sa kanyang July 20, 2013 lecture sa Ayala Museum. Kuha ni Xiao Chua.

Ang mga tao ay naisyahan sa lektura ni Dr. Ambeth Ocampo.  Kuha ni Xiao Chua.

Si Xiao Chua at mga kasama--tagahanga lahat ni Sir Ambeth.  Mula kay MJ Numerosa Beldera ng Holy Spirit National High School.

Si Xiao Chua at mga kasama–tagahanga lahat ni Sir Ambeth. Mula kay MJ Numerosa Beldera ng Holy Spirit National High School.

Ngayon, mas marami nang eksperto sa iba-ibang disiplina ng Agham Panlipunan na mas maingat sa pagsusuri ng mga datos at dokumento sa pagsasalaysay ng kwento ng bayan kaya harinawa hindi na maloko ang bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Sa taxi, 25 July 2013)

Ang tunay na Kalantiaw?  Ang kahulugan ng pangalan sa Wikang Tsino.

Ang tunay na Kalantiaw? Ang kahulugan ng pangalan sa Wikang Tsino.

Ang tunay na Kalantiaw?  Ang kahulugan ng pangalan sa Wikang Tsino.

Ang tunay na Kalantiaw? Ang kahulugan ng pangalan sa Wikang Tsino.

XIAO TIME, 30 July 2013: EVITA PERON AT IMELDA MARCOS

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Maria Eva Duarte de Peron, opisyal na larawan pang-estado, 1947.

Maria Eva Duarte de Peron, opisyal na larawan pang-estado, 1947.

30 July 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=b3JrztkKBuw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  61 years ago, July 26, 1952, inanunsyo sa radio sa buong Argentina na sa oras na 8:25 ng gabi, sumakabilang buhay na ang espirituwal na pinuno ng kanilang bansa na si Unang Ginang Eva Duarte de Peron.  Opo, siya nga po yung paksa sa isang musical na isinulat nina Andrew Lloyd Webber at ni Tim Rice at noong 1996 ay ginanapan pa ng international pop icon na si Madonna.

Ang pila ng mga tao upang makita ang katawan ni Eva Peron, 1952.

Ang pila ng mga tao upang makita ang katawan ni Eva Peron, 1952.

Ang mga tao habang nagwawala sa katawan kapag nakikita ang katawan ni Eva Peron, 1952.

Ang mga tao habang nagwawala sa katawan kapag nakikita ang katawan ni Eva Peron, 1952.

Ang marcha funebre para kay Eva Peron, sa mga malalapad na kalsada ng Buenos Aires, 1952.

Ang marcha funebre para kay Eva Peron, sa mga malalapad na kalsada ng Buenos Aires, 1952.

Ang pinreserbang katawan ni Eva Peron bago ito mawala ng 17 taon.  Matapos maglakbay at itinago sa iba't ibang bansa, nailibing din sa Argentina.

Ang pinreserbang katawan ni Eva Peron bago ito mawala ng 17 taon. Matapos maglakbay at itinago sa iba’t ibang bansa, nailibing din sa Argentina.

Andrew Lloyd Webber at Tim Rice, ang kumatha ng musical na "Evita."

Andrew Lloyd Webber at Tim Rice, ang kumatha ng musical na “Evita.”

Ang cover ng playbill ng unang pagtatanghal ng Evita sa Pilipinas, na ginanapan ni Bb. Joy Virata na asawa ng naging primer ministro ng bansa na si Cesar Virata.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang tunay na Evita.

Ang tunay na Evita.

Si Madonna, sa aktwal na balkonahe ng Casa Rosada sa Buenos Aires, bilang si Evita.

Si Madonna, sa aktwal na balkonahe ng Casa Rosada sa Buenos Aires, bilang si Evita.

Noong 1969 pa lamang pala, naikumpara na siya sa ating sariling Unang Ginang, Mommy Imelda Marcos ni Ninoy Aquino.  Sa tuwing tinatanong sa paghahambing kay Evita, sinasabi ni Imelda, “I’m not a whore.”  Pina-ban ang musical na ito sa Pilipinas at naipalabas lamang noong 1986 matapos ang People Power sa EDSA.

Si Senador Ninoy Aquino at anak na si Kristina Bernadette.  Mula sa Ninoy:  the Willing Martyr ni Alfonso Policarpio.

Si Senador Ninoy Aquino at anak na si Kristina Bernadette. Mula sa Ninoy: the Willing Martyr ni Alfonso Policarpio.

Si Imelda kalmado habang nagkakagulo ang lahat sa harapan ng kanyang proyektong Cultural Center of the Philippines.  Ang proyektong binananatan ni Ninoy Aquino nang ikumpara niya ito kay Eva Peron.  Kuha ni Steve Tirona.

Si Eva Peron na mahilig sa aso.

Si Eva Peron na mahilig sa aso.

Si Imelda Marcos na mahilig sa aso,  na kumakain daw ng caviar.

Si Imelda Marcos na mahilig sa aso, na kumakain daw ng caviar.

Si Evita ay isinilang noong May 7, 1919 sa Los Toldos, Argentina, anak sa labas at lumaki sa hirap.  Si Imelda naman ay isinilang noong July 2, 1929 sa prominenteng pamilyang Romualdez ng Leyte, pangalawang asawa ang kanyang ina at minsan nanirahan sa garahe kasama ang ina bago maulila.  Si Evita ay ginamit ang kanyang charm sa kalalakihan upang maging aktres sa radyo at pelikula hanggang mapaibig niya ang isang sumisikat na koronel na si Juan Domingo Peron, nagpakasal sila.  Si Imelda naman ay naging beauty queen, Muse of Manila, at habang kumakain sa kantina ng Kongreso, napansin ng ambisyosong Congressman mula sa Ilocos Norte na si Ferdinand Marcos.  Matapos ang isang 11-day courtship, nagpakasal sina Marcos at Imelda.

Ang batang Evita noong kanyang unang komunyon.  Mula sa FIHEP.

Ang batang Evita noong kanyang unang komunyon. Mula sa FIHEP.

Ang batang Evita noong kanyang unang komunyon.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang batang Evita noong kanyang unang komunyon. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Evita bilang modelo.

Si Evita bilang modelo.

Si Imelda bilang Rose of Tacloban.

Si Imelda bilang Rose of Tacloban.

Si Evita bilang aktres.  Mula sa FIHEP.

Si Evita bilang aktres. Mula sa FIHEP.

Si Imelda bilang Muse of Manila.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Imelda bilang Muse of Manila. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Evita at si Kor. Juan Domingo Peron habang nagliligawan.  Mula sa Evita:  An Intimate Portrait of Eva Peron.

Si Evita at si Kor. Juan Domingo Peron habang nagliligawan. Mula sa Evita: An Intimate Portrait of Eva Peron.

Si Meldy at si Andy noong kanilang kasal.

Si Meldy at si Andy noong kanilang kasal.

Si Imelda at si Ferdinand Marcos habang siasariwa ang suyuan.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Imelda at si Ferdinand Marcos habang siasariwa ang suyuan. Mula sa Marcos Presidential Center.

Noong 1946, si Evita ay naging Unang Ginang sa edad na 26, habang si Imelda ay naging Unang Ginang noong 1965 sa edad na 36.  Parehong ninais na maging inspirasyon sa mga mahihirap kaya nagsuot ng mga magagarang mga gowns, mga alahas, mga sapatos.  Parehong nakibahagi sa pulitika, parehong nagpostura na kalaban ng aristokrasya, parehong naging diplomat, pareho ding nagpatayo ng mga ospital at parehong sinasabing nagbulsa ng pera ng bayan.

Si Evita Peron, Unang Ginang ng Argentina.

Si Evita Peron, Unang Ginang ng Argentina.

Si Evita Peron, Unang Ginang ng Pilipinas.

Si Evita Peron, Unang Ginang ng Pilipinas.

Juan at Eva Peron ng Argentina.  Mula sa Hoover Institution ng Stanford University.

Juan at Eva Peron ng Argentina. Mula sa Hoover Institution ng Stanford University.

Sina Ferdinand at Imelda Marcos ng Pilipinas. Mula sa Marcos Presidential Center.

Sina Ferdinand at Imelda Marcos ng Pilipinas. Mula sa Marcos Presidential Center.

Sina Juan at Eva Peron ng Argentina at sina Ferdinand at Imelda Marcos, royalty!

Sina Juan at Eva Peron ng Argentina at sina Ferdinand at Imelda Marcos, royalty!

Si Evita at si Imelda bilang mga fashionista sa mga gowns.

Si Evita at si Imelda bilang mga fashionista sa mga gowns.

Si Evita at si Imelda kapwa sa pribadong tagpo ng pagmamalaki sa kanilang mga alahas.

Si Evita at si Imelda kapwa sa pribadong tagpo ng pagmamalaki sa kanilang mga alahas.

Evita Peron, Jefa Espiritual de la Nacion.

Evita Peron, Jefa Espiritual de la Nacion.

Imelda Marcos, s akanyang imahe bilang Ina ng Bayan.  Mula sa Compassion and Commitment.

Imelda Marcos, s akanyang imahe bilang Ina ng Bayan. Mula sa Compassion and Commitment.

Nagpatayo ng pabahay na “Evita City” si Evita habang itinatag naman ang Metropolitan Manila para maging gobernador nito si Imelda at nagpatayo ng mga pabahay na BLISS at marami pang iba.  Kung si Evita ay may ampunan na “Children’s City,” si Imelda naman ay may ospital na “Lungsod ng Kabataan.”

Si Evita at Juan kasama ng kanilang ga kababayan.

Si Evita at Juan kasama ng kanilang ga kababayan.

Si Imelda Marcos kasama ang kaniyang mga tagahanga.

Si Imelda Marcos kasama ang kaniyang mga tagahanga.

Ang housing project na Ciudad de Evita ni Eva Peron.

Ang housing project na Ciudad de Evita ni Eva Peron.

Ang proyektong pabahay ni Imelda Marcos--Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS)

Ang proyektong pabahay ni Imelda Marcos–Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS)

Ang ampunang Ciudad Infantil (Lungsod ng mga bata), proyekto ni Evita.

Ang ampunang Ciudad Infantil (Lungsod ng mga bata), proyekto ni Evita.

Ang ospital na Lungsod ng Kabataan (Ngayo'y Philippine Children's Medical Center), proyekto ni Imelda.

Ang ospital na Lungsod ng Kabataan (Ngayo’y Philippine Children’s Medical Center), proyekto ni Imelda.

Ngunit hindi natupad ni Evita ang pangarap na maging bise presidente dahil nagkasakit ng kanser at namatay sa edad lamang na 33 noong 1952 na lubos na ipinagluksa ng tao.  Matapos nito, babagsak na rin si Peron.  Si Imelda naman naging “The Other President,” isa sa pinakamakapangyarihang babae ng kanyang panahon.  Bagama’t pinatalsik ng Himagsikang EDSA ang mag-asawang Marcos, tila winner pa rin si Imelda, hanggang ngayon buhay na buhay at aktibo pa sa pulitika.

Sa unang pagboto ng kababaihan sa Argentina na kanyang ikinampanya, bumoto si Eva Peron mula sa kanyang kama sa ospital bago mamatay sa sakit noong 1952.

Sa unang pagboto ng kababaihan sa Argentina na kanyang ikinampanya, bumoto si Eva Peron mula sa kanyang kama sa ospital bago mamatay sa sakit noong 1952.

Ang larawan ni Imelda na iginuhit ni Betsy Westerndorf de Brias sa Malacanang ay sinira ng mga tao noong himagsikang EDSA na nagpatalsik sa mga Marcos.

Ang larawan ni Imelda na iginuhit ni Betsy Westerndorf de Brias sa Malacanang ay sinira ng mga tao noong himagsikang EDSA na nagpatalsik sa mga Marcos.

Kung si Evita naghahagis ng pera, si Imelda naman ay mahilig maghagis ng kendi.

Kung si Evita naghahagis ng pera, si Imelda naman ay mahilig maghagis ng kendi.

Ang charming na si Mommy Imelda Romualdez Marcos.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang charming na si Mommy Imelda Romualdez Marcos. Mula sa Marcos Presidential Center.

Ngunit paanong pareho silang umiral at namayagpag sa kapwa Katolikong mga bansa—Ang Argentina at Pilipinas kung saan malakas ang machismo?  Kasi itinuturing ng mga taga-Argentina si Evita na isang curandera, isang lokal na babaeng faith healer, habang sa aking tesis masterado, aking sinabi na tila nag-ala sinaunang babaylan si Imelda—espirituwal at kultural na pinuno, kwentista at manggagamot.

Curandera, babaeng faith healer sa Argentina.

Curandera, babaeng faith healer sa Argentina.

Si Evita bilang curandera.

Si Evita bilang curandera.

Babaylan, ang manggagamot.  Detalye ng serye ng mural na "History of Philippine Medicine"  ni Carlos "Botong" Francisco.

Babaylan, ang manggagamot. Detalye ng serye ng mural na “History of Philippine Medicine” ni Carlos “Botong” Francisco.

Si Imelda na umaawit sa gitna ng kaguluhan sa karagatan.  Parang isang babaylan.  Kuha ni Steve Tirona.

Si Imelda na umaawit sa gitna ng kaguluhan sa karagatan. Parang isang babaylan. Kuha ni Steve Tirona.

Ang hindi maikakaila, sa masama man o mabuti, binago nila ang mundo.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 25 July 2013)