XIAO TIME, 1 August 2013: NANG PUMANAW SI TITA CORY

by xiaochua

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Pangulong Cory sa paligid ng pagmamahal ng kanyang mga kababayan sa La Salle Greenhills.

Ang Pangulong Cory sa paligid ng pagmamahal ng kanyang mga kababayan sa La Salle Greenhills.

1 August 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=psBQUQmE6Ao

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Apat na taon na ang nakalilipas, July 24, 2009.  Nilisan na tayo ni Tita Cory!  Ito ang maling balita na natanggap ko. Marami ang umiyak.  Mali pala ang balita, pero may nasilip akong bagong pag-asa sa ilang araw nang sama-samang pananalangin para sa kalusugan ng Dating Pangulong Cory Aquino.

Tita Cory Aquino.  Mula sa ABS-CBN Publishing, Inc.

Tita Cory Aquino. Mula sa ABS-CBN Publishing, Inc.

Ang dyaryo ng araw noong magkaroon ng maling balita sa hapon na patay na si Tita Cory.  Nasa gitna ng pananalangin para sa kalusugan ng bayan ang mga tao.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang dyaryo ng araw noong magkaroon ng maling balita sa hapon na patay na si Tita Cory. Nasa gitna ng pananalangin para sa kalusugan ng bayan ang mga tao. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Noong hapon na iyon, nakasakay ako ng taxi sa Vito Cruz nang makakita ako ng isang padyak na may malalaking dilaw na ribbon.  Naiyak ako.  Hindi pa pala nakakalimot ang mga tao.  Makalipas ang ilang araw, August 1, sa ganap na 5:48 ng umaga, ang aking kaibigan na si Ayshia ay ginising ako sa telepono ng isang masamang balita—Nilisan na tayo ng tuluyan ni Tita Cory sa oras na 3:18 ng umaga.  Nakapaligid ang kanyang pamilyang nagdadasal ng rosaryo, katatapos pa lamang ng ikalimang misteryo ng Hapis.

Ang anak ni Tita Cory na si Benigno Simeon "Noynoy" Aquino, III ang siyang nagkumpirma ng balita na wala na si Tita Cory.

Ang anak ni Tita Cory na si Benigno Simeon “Noynoy” Aquino, III ang siyang nagkumpirma ng balita na wala na si Tita Cory.

Ang masamang balita.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ang masamang balita. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Nasa Tarlac ako noon, ngunit tulad sa Maynila makulimlim at panaka-naka ang ulan, maging ang langit ay nagluluksa sa kanyang pagkawala.  Noong hapon na iyon, dinala ang mga labi ni Tita Cory sa St Benilde Gymnasium sa La Salle Greenhills.

Natakpan ang Bundok Arayat ng ulap isang ara matapos mamatay ni Tita Cory.  Kuha ni Xiao Chua.

Natakpan ang Bundok Arayat ng ulap isang araw matapos mamatay ni Tita Cory. Kuha ni Xiao Chua.

Si Cory, kasama si Jun Lozada at Sister Mary John Mananzan sa Baclaran sa panahon ng mga protesta laban lay Pangulong Gloria Arroyo.

Si Cory, kasama si Jun Lozada at Sister Mary John Mananzan sa Baclaran sa panahon ng mga protesta laban lay Pangulong Gloria Arroyo.

Ayon kay Sister Mary John Mananzan, sa mga huling text sa kanya ni Tita Cory tila ipinapahiwatig niya na sa kanyang pakiramdam, hindi na siya naaalala ng mga tao.  Matapos na matagumpay na tumulong sa pagpapatawag ng dalawang EDSA, sa mga huling taon ng kanyang buhay, marami sa kanyang mga kababayan ang tila hindi na siya pinakikinggan.  Tila bingi at bulag na sila sa korupsyon, wala na silang pakialam.

Si Cory habang pinangungunahan ang mga protesta na nagbunsod ng Himagsikang People Power sa EDSA.

Si Cory habang pinangungunahan ang mga protesta na nagbunsod ng Himagsikang People Power sa EDSA.

Si Tita Cory na nagrorosaryo sa gitna ng napakaraming sundalo, Marines Stand-off, February 26, 2006.

Si Tita Cory na nagrorosaryo sa gitna ng napakaraming sundalo, Marines Stand-off, February 26, 2006.

Si Tita Cory habang pinagmamalaki ang aklat ng kanyang apong si Jiggy Cruz ukol kay Ninoy Aquino sa isa sa kanyang mga huling public appearance sa DLSU Manila, 2009.

Si Tita Cory habang pinagmamalaki ang aklat ng kanyang apong si Jiggy Cruz ukol kay Ninoy Aquino sa isa sa kanyang mga huling public appearance sa DLSU Manila, 2009.

Ang kanyang paghihirap sa sakit na kanser ay inalay niya sa Panginoon para sa kanyang bayan.  Kung nakita lamang niya ang dami nang tao na naghihintay para pumila at makita siya sa huling pagkakataon, malalaman niyang hindi nasayang ang kanyang paghihirap.  Nang dumating ang kabaong , sumaludo ng ilang saglit ang mga sundalo, biglang umulan.  Nang matapos ang pagsaludo, tumigil din ito.

Ang mga naghihintay sa pagdting ng labi ng dating pangulo upang masilayan siya.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ang mga naghihintay sa pagdting ng labi ng dating pangulo upang masilayan siya. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Nang sumaludo ang mga sundalo, bigla na lamang umulan.  Sa pagbaba ng kanilang kamay, tumigil ang ulan.  Mula sa Philippine Graphic.

Nang sumaludo ang mga sundalo, bigla na lamang umulan. Sa pagbaba ng kanilang kamay, tumigil ang ulan. Mula sa Philippine Graphic.

Isang aleng lubos na nalumbay sa pagkamatay ng pangulo.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Isang aleng lubos na nalumbay sa pagkamatay ng pangulo. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Sina Borther Armin Luistro at Brother Bernie Oca ng Christian Brothers ng De La Salle na nagpahiram ng kanilang gymnasium para kay Tita Cory.  Mula sa Paalam Cory.

Sina Borther Armin Luistro at Brother Bernie Oca ng Christian Brothers ng De La Salle na nagpahiram ng kanilang gymnasium para kay Tita Cory. Mula sa Paalam Cory.

Matapos tatlong araw, nang ilipat ang kanyang mga labi mula sa LSGH patungong Katedral ng Maynila, tila naulit ang kasaysayan.  Dumagsa ang mga tao.  Muling nanariwa sa kanilang alaala ang tagumpay ng EDSA, sa mismong kalsada kung saan ito naganap, Ortigas cor. EDSA.  Gayundin, tila bumalik ang mga confetti revolts laban sa diktadura sa kahabaan ng Ayala Avenue nang dumaan siya doon at tila nagkasama sila muli ng asawang si Ninoy nang ipagtagpo ang kanyang mga labi at ang monumento ng asawa.

Naulit ang kasaysayan.

Naulit ang kasaysayan.

Hindi man naabutan ang EDSA, ang mga kabataan ay nakiramay/nakiusyoso din.  Mula sa Doon Po Sa Amin.

Hindi man naabutan ang EDSA, ang mga kabataan ay nakiramay/nakiusyoso din. Mula sa Doon Po Sa Amin.

Ang pagdaan ng mga labi ni Tita Cory sa harapan ng POEA sa Ortogas cor EDSA kung saan siya nagpakita noong Himagsikang People Power sa EDSA noong 1986.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Ang pagdaan ng mga labi ni Tita Cory sa harapan ng POEA sa Ortogas cor EDSA kung saan siya nagpakita noong Himagsikang People Power sa EDSA noong 1986. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Nang magkasama ang monumento ni Ninoy at ng kabaong ng kanyang kabiyak.  Pareho na silang iniluklok ng bayan na mga bayani.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Nang magkasama ang monumento ni Ninoy at ng kabaong ng kanyang kabiyak. Pareho na silang iniluklok ng bayan na mga bayani. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Sa Katedral, kahit na kung minsan ay siyam na oras na pumila ang mga tao, dinagsa pa rin ang burol.  Si Tita Cory, bagama’t hindi perpekto at mayroon ding mga kontradiksyon sa kanyang kasaysayan, tulad din naman natin, ay niyakap natin dahil sumimbolo siya sa adhikain nating malinis na pamumuno.  Hindi lang tayo nagpugay sa kanya.  Nagbigay tayo ng mensahe sa mga nakaupo sa ating pamahalaan noon na pagod na tayo sa pamunuang walang malasakit sa bayan.

Ang haba ng pila mula sa Pamatasan ng Lungsod ng Maynila hanggang sa Katedral ng Maynila, ang dome nito ay makikita pa rin sa larawan, maliit na nga lang.  Mula sa Wikipedia.

Ang haba ng pila mula sa Pamatasan ng Lungsod ng Maynila hanggang sa Katedral ng Maynila, ang dome nito ay makikita pa rin sa larawan, maliit na nga lang. Mula sa Wikipedia.

Ang pagpila ng mga tao sa mga kalye ng lumang lungsod ng Maynila--Intramuros para kay Cory.

Ang pagpila ng mga tao sa mga kalye ng lumang lungsod ng Maynila–Intramuros para kay Cory.

Sina McRhonald Banderlipe at Tina Langit habang nagbibigay ng pagkain sa mga matagal na pumila upang makita si Tita Cory.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Sina McRhonald Banderlipe at Tina Langit habang nagbibigay ng pagkain sa mga matagal na pumila upang makita si Tita Cory. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Si Noynoy Aquino habang inasasalamatan ang mga pumipila.  Mula sa Cory Magic:  Her People's Stories.

Si Noynoy Aquino habang inasasalamatan ang mga pumipila. Mula sa Cory Magic: Her People’s Stories.

Kung nakita lang ito ni Tita Cory, lalo niyang mapapatunayan ang lagi niyang sinasabi, “Nagpapasalamat ako sa inyong lahat, lalo na sa Panginoong Diyos, at ikinararangal ko na ginawa niya akong Pilipino na katulad niyo.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(People’s Television Network, 25 July 2013)

Maria Corazon Sumulong Cojuangco Aquino (January 25, 1933 – August 1, 2009)

Maria Corazon Sumulong Cojuangco Aquino (January 25, 1933 – August 1, 2009)