IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: xiaotime

XIAO TIME, 13 December 2013: MGA ARAL SA BUHAY NI NELSON MANDELA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Nelson Rolihlahla Mandela, 1918-2013

Nelson Rolihlahla Mandela, 1918-2013

13 December 2013, Friday: http://www.youtube.com/watch?v=zvhwvCjBonQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alam niyo ba na hindi si Crisostomo Ibarra ang bayani ni Jose Rizal sa kanyang mga nobela?  Ayon kay Heneral Jose Alejandrino, nabanggit sa kanya ni Rizal na pinagsisihan niya na pinatay niya si Elias at hindi si Crisostomo Ibarra sa kanyang unang nobela na Noli Me Tangere.

Jose Rizal at Jose Alejandrino sa Madrid.  Mula sa Vibal Foundation.

Jose Rizal at Jose Alejandrino sa Madrid. Mula sa Vibal Foundation.

Jose Alejandrino.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Jose Alejandrino. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Si Ibarra (na kamukha ni Rizal) sa unang eksena ng Noli Me Tangere sa bahay ni Kapitan Tiago.  Obra maestra ni Leonardo Cruz.

Si Ibarra (na kamukha ni Rizal) sa unang eksena ng Noli Me Tangere sa bahay ni Kapitan Tiago. Obra maestra ni Leonardo Cruz.

Si Ibarra at Elias sa pinilakang tabing.

Si Ibarra at Elias sa pinilakang tabing.

Kung alam lamang niya na makakapagsulat siya ukol sa himagsikan dapat daw ay binuhay niya si Elias dahil siya ang nagtataglay ng mga kinakailangang katangian ng isang tao na namumuno sa isang himagsikan:  noble character, patriotic, self-denying and disinterested.  Si Ibarra raw kasi ay makasarili, na kumilos lamang nang masaktan ang kanyang interes, at ang kanyang mga mahal sa buhay.  Sa mga katulad raw ni Ibarra na paghihiganti ang naiisip, walang tagumpay na dapat maasahan sa kanilang mga kilos.

Si Elias, si Maria Clara at si Crisostomo Ibarra.  Obra maestra ni Carlos "Botong" Francisco.

Si Elias, si Maria Clara at si Crisostomo Ibarra. Obra maestra ni Carlos “Botong” Francisco.

Si Rizal at si Elias.

Si Rizal at si Elias.

Nakakatuwa na sa kasaysayan ng daigdig, mayroong isang tao na tumumpak sa katangian ng isang Elias:  si Nelson Rolihlahla Mandela, na sumakabilang buhay noong nakaraang December 5 at magkakaroon ng state funeral sa Linggo, December 15 sa Qunu, South Africa.

NOW HAPPENING AS I BLOG:  Family members stand near former South African President Nelson Mandela's casket during his funeral service in Qunu, South Africa, Dec. 15, 2013.  Associated Press.

NOW HAPPENING AS I BLOG: Family members stand near former South African President Nelson Mandela’s casket during his funeral service in Qunu, South Africa, Dec. 15, 2013. Associated Press.

Si Mandela ay isinilang sa isang pamilya ng mga datu noong 1918.  Ngunit dahil ang Timog Africa ay nasa pamumuno noon ng mga Kolonyalistang British, naging malupit maging para sa kanya ang lipunan.  Noong 1948, isinabatas ang Apartheid, mula sa salitang “apart,” ang pagbubukod ang paghihiwalay sa mga puti at mga itim halimbawa sa mga pampublikong lugar, mga banyo, mga bus at mga paaralan.  Naglalagay ng mga karatulang “For whites only.”

Si Mandela bilang abogado.

Si Mandela bilang abogado.

Si Mandela bilng boksingero.

Si Mandela bilng boksingero.

Sampol ng paghihiwalay batay sa Apartheid.  Mula sa Wikipedia.

Sampol ng paghihiwalay batay sa Apartheid. Mula sa Wikipedia.

Gayundin, nararanasan din nilang maduraan o hindi pagbentahan sa tindahan.  Naging rebolusyunaryo si Mandela at nakibaka laban sa Apartheid.  Bagama’t naniniwala siya sa mapayapang pakikibaka tulad ng ginawa ni Gandhi, naniniwala siyang taktika ito kaysa prinsipyo.  Kung hindi magtatagumpay ang mapayapang pakikibaka, wala itong silbi.  Tulad ni Andres Bonifacio, ang marahas na himagsikan ay isang huling opsyon.

Si Mandela ay inaresto.

Si Mandela ay inaresto.

Si Mandela na tumutungo sa kanyang paglilitis suot ang tradisyunal na kasuotan ng kanyang dugong bughaw na pamilya.

Si Mandela na tumutungo sa kanyang paglilitis suot ang tradisyunal na kasuotan ng kanyang dugong bughaw na pamilya.

Ilang beses ikinulong hanggang sa mapatawan ng habangbuhay na pagkakabilanggo at ikinulong sa notoryus na Robben Island Prison kung saan siya ay araw-araw na ibinulid sa mahirap na pagtatrabaho sa ilalim ng mainit na sikat ng araw.  Sa loob ng kulungan, nakibaka siya para matanggal ang hard labor na ito sa mga bilanggo.

Robben Island Prison.

Robben Island Prison.

Mabigat na pagtatrabaho ng pagsisibak ng mga bato sa piitan ng islan ng Robben.

Mabigat na pagtatrabaho ng pagsisibak ng mga bato sa piitan ng islan ng Robben.

Si Mandela habang inaayos ang kanyang kasuotan sa piitan.

Si Mandela habang inaayos ang kanyang kasuotan sa piitan.

Si Mandela bilang isang preso.

Si Mandela bilang isang preso.

Si Mandela at si Pangulong William Jefferson Clinton na nagmo-moment sa loob ng naging piitan ni Nelson Mandela sa Robben Island.

Si Mandela at si Pangulong William Jefferson Clinton na nagmo-moment sa loob ng naging piitan ni Nelson Mandela sa Robben Island.

27 taon siyang nakakulong ngunit nang siya ay pinalaya noong 1990, hindi naghiganti.  Nakipag-usap siya sa bagong pinuno ng South Africa na si F.W. de Clerk sa tuluyang pagbabasura sa Apartheid, at dahil dito nagtamo sila kapwa ng Nobel Peace Prize.  At nang ganapin ang unang halalan na isinama ang mga itim noong 1994, nahalal si Mandela na Pangulo.

Nang mapalaya si Nelson Mandela mula sa piitang Victor Verster habang hinahawak ang kamay ng kanyang asawa na si Winnie, 11 February 1989.

Nang mapalaya si Nelson Mandela mula sa piitang Victor Verster habang hinahawak ang kamay ng kanyang asawa na si Winnie, 11 February 1990.

Si Mandela at si Pangulong F. W. de Clerk habang tinatanggap ang kanilang mga premyo Nobel, 1993.

Si Mandela at si Pangulong F. W. de Clerk habang tinatanggap ang kanilang mga premyo Nobel, 1993.

Itinatag niya ang mga Truth and Reconciliation Commission na siyang kumuha ng testimonya ng mga biktima ng pag-abuso sa karapatang pantao sa harapan ng mga bumiktima sa kanila at kung saan maaari ring humingi ng amnestiya ang mga nambiktima.  Dahil napag-usapan ang mga alaalang sumugat, naging salik ito sa pagkahilom ng mga ito at sa pagkakaisa ng mga puti at itim sa Timog Africa.

Si Arsobispo Desmond Tutu, kaibigan at kaisa sa pakikibaka ni Mandela, at ang kanyang mga kasama sa Truth and Reconciliation Commission.

Si Arsobispo Desmond Tutu, kaibigan at kaisa sa pakikibaka ni Mandela, at ang kanyang mga kasama sa Truth and Reconciliation Commission.

Ang unang pagpupulong ng Truth and Reconciliation Commission sa London.

Ang unang pagpupulong ng Truth and Reconciliation Commission sa London.

Si Nelson Mandela at si Pangulong Corazon Aquino ng Pilipinas.

Si Nelson Mandela at si Pangulong Corazon Aquino ng Pilipinas.

Tutol si Mandela sa dominasyon ng mga puti ngunit tutol din siya sa dominasyon ng mga itim.  Mula 1994 hanggang 1999, nagtagumpay siya na ipunla ang mga reporma at pagkakapantay-pantay sa kanyang bansa at dahil dito, siya ang kinilalang Ama ng Sambayanang Timog Aprikano.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pasay Rotonda, 12 December 2013)

Si Nelson Mandela, ang Ama ng Sambayanang Timog Aprikano.

Si Nelson Mandela, ang Ama ng Sambayanang Timog Aprikano.

IKA-150 TAONG KAARAWAN NI GAT ANDRES BONIFACIO, GUGUNITAIN BUKAS: SPECIAL REPORT

Text of the broadcast of Xiao Chua’s special report for News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Jim Richardson.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Jim Richardson.

29 November 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=NIgF4twsSXM

Gat Andres Bonifacio, isang pangalan na nagpapagunita sa atin ng isang a-tapang a-tao, ngunit madalas, ng isang matayog na rebulto o matigas na mukha sa barya.  Ngunit, kilala ba natin talaga siya?  Madalas na ipakilala bilang Ama ng Katipunan, Unang Naggalaw ng Paghihimagsik, ngunit nakilala din bilang bobong bodegero na walang pinanalong laban dahil walang pinag-aralan at walang kakayahang militar.

Ang orihinal na Bantayog sa Balintawak, "Sa alaala ng mga Bayani ng 1896."  Hindi po ito si Bonifacio.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ang orihinal na Bantayog sa Balintawak, “Sa alaala ng mga Bayani ng 1896.” Hindi po ito si Bonifacio. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Sino nga ba ang tunay na Andres Bonifacio.  Isinilang siya noong November 30, 1863 sa Tondo, Maynila sa isang bangkero, sastre at naging teniente mayor na si Santiago Bonifacio, at isang mestisang Espanyola na puno ng isang sangay ng pagawaan ng sigarilyo na si Catalina de Castro.  Isinilang na middle class si Andres at nakapag-aral kay Guillermo Osmeña at nakaabot hanggang sa mataas na paaralan hanggang sa siya ay matigil dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang noong siya ay 14.  Bilang panganay sa anim na magkakapatid, tumayo siyang kapwa ama at ina nila, gumagawa at nagbebenta ng mga baston at pamaypay sa mga maykaya sa labas ng simbahan.

Si Andres habang nagbebenta ng baston at abaniko sa patio ng simbahan.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Si Andres habang nagbebenta ng baston at abaniko sa patio ng simbahan. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Naging empleyado ng dalawang international company sa Maynila.  Ito ang dahilan bakit sa kanyang tanging larawan, siya ay naka-amerikana at postura.  Sa pagitan ng pagtatrabaho at paggawa ng mga baston, binuklat niya ang mga aklat at nagbasa ukol sa batas, medisina, mga nobela ni Jose Rizal, Kasaysayan ng Amerika at Rebolusyong Pranses, kasama na ang Les Miserables.

Nagsikap si Bonifacio na matuto sa sarili at naging palabasa.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Nagsikap si Bonifacio na matuto sa sarili at naging palabasa. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Dahil dito lumawak ang kanyang pag-iisip at nangarap, nagkaroon siya ng ideya na kung dati rati kapag isinilang ang indio, mamamatay pa rin siyang alipin, sa kanyang pinangarap na bansa, ang bayan, tayo, hari, ang makapangyarihan.  Sumapi siya sa Masoneriya, at sa La Liga Filipina ni Rizal noong itatag ito noong July 3, 1892 upang magtulungan ang mga kababayan.

Pagtatatag ng La Liga Filipina.  Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Ngunit matapos lamang ang tatlong araw, inaresto si Rizal kaya kinabukasan, July 7, 1892, isinakatupran nila ang matagal na nilang binabalak ayon sa mga dokumentong nanggaling sa Archivo Militar ng Madrid, ang pormal na pagtatag ng Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan na sa loob ng apat na taon ay lumaganap at nagkaroon ng kasapian sa Luzon, Visayas ay Mindanao.  Hindi lamang simpleng samahang mapanghimagsik ang Katipunan, sa tulong ng kanyang mga kapanalig tulad nina Emilio Jacinto, Pio Valenzuela, Aurelio Tolentino at iba pa, naging proyekto ito ng pagbubuo ng isang bansang tunay na malaya, may kaginhawaan, mabuting kalooban at kapatiran.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto.  Mula sa isang malaganap na postcard.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto. Mula sa isang malaganap na postcard.

Dr. Pio Valenzuela

Dr. Pio Valenzuela

Bago ka lumaban sa Espanya, kailangan handa at mabuti muna ang kalooban ng bawat isa.  Naging code name niya ang Maypagasa.  Dumating ang oras, August 1896, nabisto ang Katipunan at isanlibong tao ang nagpunit ng sedula sa Unang Sigaw sa Balintawak, Kalookan.

Unang Bugso ng Himagsikan

Unang Bugso ng Himagsikan

Si Bonifacio ang nagtakda ang istratehiya ng himagsikan.  May mga laban ang Katipunan na nagtagumpay at nabigo subalit hindi nanamlay ang mga Anak ng Bayan.  Sa pagtatangka niyang ayusin ang sigalot sa mga balanghay sa Cavite bilang Pangulo ng Haring Bayan, naipit siya sa pilitika at pinaslang noong May 10, 1897.

Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng demokrasyang elit sa bansa.  Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng demokrasyang elit sa bansa. Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

Lagi nating naaalala si Gat Andres bilang a-tapang a-tao. Nakaligtaan natin na tinuruan din niya tayong umibig.  Maligayang ika-150 kaarawan, Supremo.  Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 24 November 2013)

XIAO TIME, 6 November 2013: JOSE PALMA, BAYANING SINGER

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Jose Palma.  Mula fcebook page ni Dr. Jose Victor Torres.

Jose Palma. Mula fcebook page ni Dr. Jose Victor Torres.

6 November 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=cP-yT6O8orI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayong buwan ng Bonifacio @ 150, ginuguita rin natin ang mga bayani ng himagsikang kanyang sinimulan.  Well, 150 years ago sa taon ding ito, June 3, 1863, isinilang si José Velásquez Palma, nakababatang kapatid ng naging Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas, Rafael Palma.  Habang siya ay isinisilang, naganap ang isa sa pinakamalakas na lindol na yumanig sa Maynila.

Rafael Palma, kapatid ni Jose, Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas.  Painting mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas.

Rafael Palma, kapatid ni Jose, Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas. Painting mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas.

Maagang namatay ang kanyang ina kaya naging maramdamin at tahimik, limang taon pa lamang siya noon.  Nag-aral sa Ateneo Municipal ngunit huminto sa pag-aaral, sumapi rin sa Katipunan nang maakit ng kisig sa pakikidigma ni Heneral Gregorio del Pilar.  Isang buwang nawala noong 1897 sa hindi malamang kadahilanan.  Sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, nakipaglaban siya sa Angeles at Bamban sa ilalim ni Heneral Servillano Aquino, ang lolo sa tuhod ng ating mahal na pangulo.

Heneral Gregorio del Pilar

Heneral Gregorio del Pilar

Heneral Servillano Aquino

Heneral Servillano Aquino

Ngunit nakitaan ng kahinaan ng katawan kaya ayun, pinakanta na lamang siya ng mga kundiman upang maaliw ang mga sundalo sa pagitan ng mga labanan.  Mahilig din siya na maglapat ng sarili niyang mga titik sa mga sikat na tugtugin noon.  Sa loob ng isang railway depot sa Bautista, Bayambang, Pangasinan, napagtripan niyang lagyan ng titik ang martsa na sinulat ni Julian Felipe sa Cavite isang taon na ang nakalilipas na naging Marcha Nacional Filipina.

Julian Felipe

Julian Felipe

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe.  Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe. Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Lumabas ang kanyang tulang pinamagatang “Filipinas” sa unang anibersaryong edisyon ng pahayagang La Independencia noong September 3, 1899.  Nagsimula ang tula sa mga katagang “Tierra adorada, hija del sol de oriente.”  Lumaganap ang mga titik kahit magsara ang diyaryo dulot ng pagtatagumpay ng mga Amerikano.  At dahil ang titik at musika ay naging sagisag ng pakikibaka laban sa mga Amerikano, ano pa kundi bi-nan nga ng kolonyal na pamahalaan ang pagpapatugotog at pag-awit ng Marcha at ang pagpapakita ng pambansang bandila sa pamamagitan ng Act 1696 na inaprubahan ng Philippine Commission bilang ang Flag Law.

La Independencia.  Mula kay Pinoy Kolektor.

La Independencia. Mula kay Pinoy Kolektor.

Mga titik ng Hymno Nacional Filipino.  Mula sa http://filipinoway.blogspot.com/2011/03/hymno-nacional-filipino.html.

Mga titik ng Hymno Nacional Filipino. Mula sa http://filipinoway.blogspot.com/2011/03/hymno-nacional-filipino.html.

Marami ang naaresto dahil sa batas na ito na pinawalang-bisa lamang noong 1917.  Mismong mga Amerikano na rin ang nagpasalin ng tula patungong Ingles noong Dekada 1920 kina Camilo Osias at Mary A. L. Lane na ginawang opisyal ng Kongreso noong 1938, ito yung awit na nagsisimula sa, “Land of the Morning, child of the sun returning.”  Noong 1948, isinalin nina Ildefonso Santos at Julian Cruz Balmaceda bilang “Diwang Pilipino” na pinaglaruan naman ng komite ng mga musikero, manunulat at pangkat tekniko sa direksyon Kagawaran ng Edukasyon na nagsalin ng opisyal na bersyon Pilipino, ang Lupang Hinirang, na sinimulang isalin noong May 26, 1956, naging opisyal na lamang na may kasamang pagwawasto noong December 19, 1963.

Camilo Osias

Camilo Osias

Julian Cruz Balmaceda mula sa poemhunter.com

Julian Cruz Balmaceda mula sa poemhunter.com

Piyesa ng Pambansang Awit ng Pilipinas bilang "Lupang Hinirang."

Piyesa ng Pambansang Awit ng Pilipinas bilang “Lupang Hinirang.”

Si Palma naman ay patuloy na nagsulat at nagtatag ng mga pahayagan, kasama na ang El Renacimiento kasama ng kanyang kapatid na si Rafael noong 1900.  Ngunit ilang taon lamang ang lilipas, yayao rin sa buhay na ito si Jose Palma noong 1903.

Isang sipi ng El Renacimiento Filipino.

Isang sipi ng El Renacimiento Filipino.

Hindi lamang mga kawal ang may papel sa pakikibaka para sa kalayaan, kundi maging ang mga artista, at  mga singer dahil bagama’t hindi man sila humahawak ng armas, sila ang nagpapadaloy ng diwa at damdamin nating mga Pilipino.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 25 May 2013/ People’s Television Network, 3 November 2013)

XIAO TIME, 1 November 2013: KASAYSAYAN NG KONSEPTO NG ASWANG

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

1 November 2013, Friday: http://www.youtube.com/watch?v=RWX_oiJmNCM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong isang linggo ay nagtungo ako sa Roxas City sa Capiz para sa magsalita sa unang Borres Youth Leadership Institute Social Science Camp.  Nang sabihin ko sa isang mahal sa buhay na nagmula ako sa Capiz, tinanong ba naman sa akin, “nakakita ka ba ng aswang?  Maraming aswang sa Capiz.”

Si Xiao Chua habang nagsasalita sa Borres Youth Leadership Institute Social Science Camp sa Capiz National High School sa Lungsod ng Roxas, October 25, 2013.  Dito nag-aral ng hayskul si Pangulong Manuel A. Roxas.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Matandang Capiz.  Mula sa jes9.wordpress.com.

Matandang Capiz. Mula sa jes9.wordpress.com.

Hindi na naalis sa Capisnon ang stigma na sila ay bayan ng mga aswang, therefore, bayan ng mga delikadong tao.  Ano ba ang ugat ng konseptong ng “aswang.”  Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga kwentong bayan at tala ng mg Espanyol, ipinakita ni Prop. Randy R. Gigawin sa kanyang papel na “Debunking the Myth of Aswang in Capiz.” Ito ay bilang tugon sa hamon ng pagtuturo ng lokal na kasaysayan ng Capiz sa Araling Panlipunan sa Grade 7 sa ating K+12 kung saan kabilang ang “aswang.”

Si Xiao Chua kasama si Prop. Randy R. Gigawin, October 25, 2013.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama si Prop. Randy R. Gigawin, October 25, 2013. Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Bago pa man dumating ang mga Espanyol, mayroon nang mga kwentong bayan sa Capiz na binabanggit ang aswang.  Ang isa ay binabanggit na may mga naghari sa isla ng Panay na kahahango pa lamang noon mula sa Dakilang Baha, sina Agurang, ang mabuting kaluluwa nakagagaling, at Asuwang, ang masamang kaluluwa na maaaring makasama o makamatay.  Ang pangalawa naman ay sa “Humadapnon” kung saan na binaggit na isang aswang si Paglambuhan, isang matapang, kagalang-kagalang at batikang mandirigma o hangaway na iniipon ang mga buto ng mga taong natalo niya sa isang mano manong labanan at kinikilalang datu ng lipunan.  Kung titingnan ang aswang ay ikinakabit sa kahit na sinong kinatatakutan o iniiwasan ng bayan.  Sa depinisyon sa mga diskyunaryong isinulat ng mga prayleng Espanyol ang aswang ay “hechicero, brujo, y fantasma” na ang kahulugnan ay “sorcerer,” “witch,” at “ghost.”

Aswang.  Mula kay Carlene  Collis-Smith aka sassyangel.

Aswang. Mula kay Carlene Collis-Smith aka sassyangel.

Aswang.  Kinulayan ng totmoartstudio.

Aswang. Kinulayan ng totmoartstudio.

Aswang.  Mula sa philippinesplus.com.

Aswang. Mula sa philippinesplus.com.

Mula sa mga pagbasang ito, makikita na ang pinapatungkulan ng mga Espanyol na mga aswang ay yung mga babaylan.  Ang mga dating esprituwal na pinuno ng bayan na dahil nais nilang palitan ay siniraan nila upang tawaging “may sa demonyo.”  Malakas kasi ang babaylanismo sa Panay at magtutungo sila at ang kanilang mga tagasunod sa kabundukan upang umiwas sa Katolisismo at kolonyalismo.  Kaya naman ang mga taga-bundok ay tatawaging mga masasamang tao.

Ang Babaylan.  Obra ni R. Aguilar oara sa Museo ng Negros.  agboiblogspot.com.

Ang Babaylan. Obra ni R. Aguilar oara sa Museo ng Negros. agboiblogspot.com.

Ang babaylan na inilarawan dito na lumilipad.

Ang babaylan na inilarawan dito na lumilipad.

Paglalarawan sa babaylan bilang tagapamagitan ng tao sa Maykapal.

Paglalarawan sa babaylan bilang tagapamagitan ng tao sa Maykapal.

Paglalarawan sa tatlong pangunahing papel sa lipunang Pilipino noong sinaunang bayan ayon kay Dr. Zeus A Salazar:  Datu, Babaylan at Panday.

Paglalarawan sa tatlong pangunahing papel sa lipunang Pilipino noong sinaunang bayan ayon kay Dr. Zeus A Salazar: Datu, Babaylan at Panday.

Ang pagdating mga mga prayle at ng Katolisimo sa Pilipinas.

Ang pagdating mga mga prayle at ng Katolisimo sa Pilipinas.

Ang babaylan ang ang prayle na gustog pumalit sa kanya.

Ang babaylan ang ang prayle na gustog pumalit sa kanya.

Kaya gumawa na ng iba’t ibang kwento ang mga prayle na katulad ni Juan de Plasencia na nagsasabing ang mga aswang ay nakikitang lumilipad, pumapatay ng mga tao at kinakain ang kanilang mga laman.  Kay Ortiz, ang aswang ay lumilipad sa bubong ng bahay, nilalabas ang dila na parang sinulid at ipinapasok sa puwitan ng bata upang kainin ang mga lamang-loob nito.

Aswang.  Mula sa villains.wikia.com.

Aswang. Mula sa villains.wikia.com.

Aswang.  Mula sa websayt ng GMA News.com/

Aswang. Mula sa websayt ng GMA News.com.

Binabanggit din ng mga prayle na nagiging aso ito, minsan pusa o ipis upang makalapit sa bata.  Kinakain din daw nila ang mga maysakit at ang mga patay.  Sa huli, ayon kay Alicia Magos, eksperto sa kasaysayan ng Panay, dalawang babaylan sa Panay ang siyang tumutol na sumailalim sa mga Espanyol, sina Conitnit and Cauayuay at dahil sa patuloy na pagpapraktis nila ng katutubong paniniwala, ibinigay sa kanila ng mga Espanyol ang pinakamalaking insulto sa mga Panayanhon, ang katawagang aswang.

Aswang.  Mula kay Alamat ng Lakan.

Aswang. Mula kay Alamat ng Lakan.

Si Xiao Chua at Dr. Alicia Magos, November 28, 2012, Guimaras.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at Dr. Alicia Magos, November 28, 2012, Guimaras. Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Nanay Lilia Cuntapay ay madala sna gumanap na aswang sa pelikula.  Mula sa Philippine Daily Inquirer/

Si Nanay Lilia Cuntapay ay madala sna gumanap na aswang sa pelikula. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Muli, paninirang puri ng mga Espanyol ang salitang aswang sa mga ninuno nating babaylan.  Hindi sila masasamang tao.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(At the taxi and People’s Television Network, 29 October 2013)

XIAO TIME, 31 October 2013: ANG KAHULUGAN NG SALITANG “UNDAS”

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Undas.  Mula sa Filway's Philippine Almanac (1995).

Undas. Mula sa Filway’s Philippine Almanac (1995).

31 October 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=3nTKRscMGhw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!   Ipinagdiriwang sa daigdig ang Halloween tuwing October 31.  Ang salitang ito ay nagmula salitang “All Hallow’s Evening,” ang kahulugan ng “hallow” ay saint dahil gabing bisperas nga ito ng All Saints’ Day.

Hallow--hindi walang laman, hindi rin "shallow" (korne) kundi banal, ala "hallowed by thy name."  Therefore "all hallows" ay "all saints."

Hallow–hindi walang laman, hindi rin “shallow” (korne) kundi banal, ala “hallowed by thy name.” Therefore “all hallows” ay “all saints.”

Kasabay nito ang bisperas ng pista ng mga patay na ipinagdiriwang pa ng mga sinaunang Celtic bilang “Samhain” kung kalian pinaniniwalaan nilang bumabalik sa mga tahanan nila ang kaluluwa ng mga ninuno nila.  Ginugunita nila ito sa pamamagitan ng “trick or treat,” kumbaga, kung may kakatok sa iyo at hindi mo bigyan ng kahit ano ay maaari ka nilang lokohin ng mga pranks.  Upang kumatawan sa mga kaluluwa na maaari kang saktan kung maging maramot ka, nagsusuot ng kung anu-nong nakakatakot na costume ang mga bata.

Samhain

Samhain

Trick or Treat.  Mula sa cheboygan.com.

Trick or Treat. Mula sa cheboygan.com.

Si Gillianne Cowenn Manlutac Calma noong Undas 2010 sa Garden of the Ascension, Lungsod ng Tarlac.

Si Gillianne Cowenn Manlutac Calma noong Undas 2010 sa Garden of the Ascension, Lungsod ng Tarlac.

Gayundin, gumagawa ng mga inukitang kalabasa o pumpkin ang mga Kanluranin upang pantaboy sa mga masasamang demonyo na naglipana sa tuwing Holloween.  1866 unang nabanggit ang koneksyon ng Hollween at pumpkin sa Amerika.  Mapapansin din na sa kwentong bayan sa Kanluran, ang mga mangkukulam ay may nakaugalian na gawing mga pumpkin ang mga tao.

Pumpkin o jack-o-lantern.  Mula sa National Geographic.

Pumpkin o jack-o-lantern. Mula sa National Geographic.

Dahil sa komersyalisasyon at globalisasyon, umabot ang mga Kanluraning praktis na ito sa Pilipinas.  Ang pista ng patay sa Pilipinas ay tinatawag nating “Undas.”  Nang tanungin ko si Dr. Lars Raymund Ubaldo, na nag-aral ng mga praktis sa burol ng mga Ilokano, ang salitang “Undas” ay nagmula sa Espanyol na “honras funebres” o funeral honors na sa ibang lalawigang Tagalog ay naging “honras” at “undras,” at sa Ilocos ay “atang” na tinatawag ding “umras.”

Prop. Dr. Lars Raymund Ubaldo noong DLSU History Department Teacher Training Workshop noong October 19, 2013.  Kuha ng opisyal na potograpo ng De La Salle University Manila, Kuya Greg (Taga Litrato).

Prop. Dr. Lars Raymund Ubaldo noong DLSU History Department Teacher Training Workshop noong October 19, 2013. Kuha ng opisyal na potograpo ng De La Salle University Manila, Kuya Greg (Taga Litrato).

Dahil sa impluwensyang Katoliko ng mga Espanyol, naitali sa Todos Los Santos o All Saints Day ang paggalang natin sa patay na tila ang ating mga namatay na ninuno ay itinuturing na rin natin na mga santo na nasa langit kasama ng Panginoon.  Ang doktrina ng Santa Iglesia Catolica Romana ay nagsasabi na ang namatay na mahal sa buhay ay ipinapanalangin upang mahango sa purgatoryo, mapunta sa langit o magabayan ang kanilang mga kaluluwa sa kabilang buhay.

Recuerdos de Patay (souvenir of the dead) sa Pampanga noong panahong sinauna.  Pansinin kung papaano inaangat ang patay upang masilayan sa larawan.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies.

Recuerdos de Patay sa Pampanga.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies.

Recuerdos de Patay sa Pampanga. Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies.

Prusisyon ng patay sa Pampanga.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies.

Ngunit hindi ba kayo nagtataka, kapag undas ay nagdadasal tayo mismo sa kamag-anak natin at kinakausap natin sila?  Ito na ang pananatili ng sinaunang kulturang Pilipino na mas matanda pa sa Katolisismo sa Pilipinas.  Naniniwala tayo na tayong ay may mga kaluluwa ngunit kapag tayo ay namatay ay naglalakbay tayo sa mga ilog at dagat gawa nga na tayo ay isang maritime culture tulad ng makikita sa bangang Manunggul.  Ang mga namatay na kaluluwa ay itinuturing na anito na nagbabalik sa kalikasan, sa mga ilog, sa mga bundok, sa mga bato at sa mga punongkahoy.  Sila ay kinakatawan ng mga estatwa at inaalayan at dinadasalan natin ang mga ninuno natin na ito.  At pinaniniwalaan na nakikipag-usap pa ang mga anito sa atin noon sa pamamagitan ng mga babaylan at catalonan.

Paglilibing sa Cordillera.  Mula sa Filway's Philippine Almanac (1995).

Paglilibing sa Cordillera. Mula sa Filway’s Philippine Almanac (1995).

Isang namatay sa Cordillera.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Isang namatay sa Cordillera. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Bullol, representasyon ng anito sa Ifugao.  Kuha ni Neil Oshima.

Bullol, representasyon ng anito sa Ifugao. Kuha ni Neil Oshima.

Illustration of the worldview and belief in the afterlife of early Filipinos in Palawan.  Photo from the Dante Ambrosio-Xiao Chua Archives.

Illustration of the worldview and belief in the afterlife of early Filipinos in Palawan. Photo from the Dante Ambrosio-Xiao Chua Archives.

Adoring the Manunggul Jar at the National Museum and learning about the common culture and belief of all Austronesians, the ancestors of Filipinos.

Adoring the Manunggul Jar at the National Museum and learning about the common culture and belief of all Austronesians, the ancestors of Filipinos.

Muli, ngayon alam niyo na ang UNDAS ay nagmula sa Honras Funebres, hindi sa binaligtad na “SADNU?”  Dahil hindi naman sad ang pista ng patay sa Pilipinas, hindi ba HAPPYNU ito?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Andrew Bldg., DLSU Manila, 29 October 2013)

Undas sa mga "apartment."  Mula sa kjrosales.blogspot.com.

Undas sa mga “apartment.” Mula sa kjrosales.blogspot.com.

Undas.

Undas.

Ang angkan ng mga Briones ng Lungsod ng Tarlac noong Undas 2010 sa Garden of the Ascension.  Hindi Sad Nu?  Happy Nu!  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang angkan ng mga Briones ng Lungsod ng Tarlac noong Undas 2010 sa Garden of the Ascension. Hindi Sad Nu? Happy Nu! Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

XIAO TIME, 30 October 2013: ANG KAIBIGANG KAPRE NI HENERAL EMILIO AGUINALDO

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Kapre ni Madilumad.

Kapre ni Madilumad.

30 October 2013, Wednesday: http://www.youtube.com/watch?v=85vnd8dfPG8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Dahil malapit na ang Undas, magkakaroon tayo ng Todos Los Santos specials ngayon at sa mga susunod na araw.   Isa sa mga mahiwagang mga nilalang sa ating mga kwentong bayan ay ang mga kapre.  Ang kapre ay isang engkanto na nakatira sa mga punong malalaki tulad ng acacia, mangga, kawayan at balete.

Kapre.  Mula sa Filway's Philippine Almanac (1994).

Kapre. Mula sa Filway’s Philippine Almanac (1994).

Kapre.  Mula sa frenchlivinginthephilippines.blogspot.com.

Kapre. Mula sa frenchlivinginthephilippines.blogspot.com.

Lagi itong inilalarawan na nakabahag at sobrang tangkad, 7-9 feet tall, imagine!  Nagyoyosi siya sa malaking pipang ganja na sa sobrang lakas ng amoy ay maaaring maamoy ng tao.  Sa ibang bersyon, ang kapre ay may hawak na mahiwagang puting bato na maliit pa sa itlog ng pugo.  Kung mapasakamay ito ng tao, maaari niyang bigyan ang tao ng kanyang kahilingan.

Kapre.  Mula kay cloudminedesign.

Kapre. Mula kay cloudminedesign.

Kung kaibiganin ka ng kapre, babantayan ka niya habambuhay.  Ang mga kaibigan lamang ng kapre ang nakakakita sa kanya. Itong kapre ay mapagbiro, nagwawala ng mga tao sa kakayuhan o sa kabundukan, maging sa mga lugar na pamilyar ang isang binibirong tao.

Ang kapre at ang kanyang kaibigan. Mula sa definitelyfilipino.com.

Ang kapre at ang kanyang kaibigan. Mula sa definitelyfilipino.com.

Nagpaparamdam ang mga kapre sa pamamagitan ng paggalaw ng mga puno kahit na wala namang hangin, pagaparinig ng pagtawa, pagkakaroon ng usok sa ibabaw ng puno, at pagpapakita ng malaking pulang mga mata sa puno.

Kapre sa kalunsuran.  Mula sa legendakota.blogspot.com.

Kapre sa kalunsuran. Mula sa legendakota.blogspot.com.

Kapre.  Mula sa bagoh2.deviantart.com.

Kapre. Mula sa bagoh2.deviantart.com.

Ayon sa mga kwento, si Heneral Emilio Aguinaldo ay mayroong kaibigan kapre na inalagaan sa kanyang mansyon sa Kawit, Cavite.  Ayon sa artikulo ni Dr. Isagani Medina na “Aguinaldo para kay Aguinaldo,” ang kapre raw ay nakatira sa ilalim ng tulay ng marulas hindi kalayuan sa bahay ng mga Aguinaldo.

Dr. Isagani Medina.  Mula sa National Commission for Culture and the Arts.

Dr. Isagani Medina. Mula sa National Commission for Culture and the Arts.

Sa gitnang bintana ng mansyon na ito ng mga Aguinaldo ipinroklama ang Independencia ng Pilipinas noong June 12, 1898.  Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.

Sa gitnang bintana ng mansyon na ito ng mga Aguinaldo ipinroklama ang Independencia ng Pilipinas noong June 12, 1898. Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.

Nakikita raw ang kapre kapag maliwanag ang buwan, nananabako sa may sanga ng punong kabalyero.  Sinasabing ang kapreng ito ang nagbigay ng anting-anting kay Aguinaldo.  Kaya nga kapag binabaril siya ng mga kalaban ay tumatagos lamang ang bala.  Sa gabi bago makipaglaban sa mga Espanyol, makikita si Aguinaldo na nakikipag-usap sa isang puting anino sa may bintana, nagpapayo ang kapre sa kanya kung paano manalo sa laban.

Hen. Emilio Aguinaldo.  Mula sa Studio 5 Designs.

Hen. Emilio Aguinaldo. Mula sa Studio 5 Designs.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi.  Kuha ni G. Angelo Aguinaldo, apo sa tuhod ng heneral.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi. Kuha ni G. Angelo Aguinaldo, apo sa tuhod ng heneral.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi.  Kuha ni Jun Tulao ng Cavote Camera Club.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi. Kuha ni Jun Tulao ng Cavite Camera Club.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi.  Kuha ni Jun Tulao ng Cavote Camera Club.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi. Kuha ni Jun Tulao ng Cavite Camera Club.

Nang minsan daw na magtangka ang mga Espanyol na pasukin ang Kawit gamit ang tulay ng Marulas, may nakitang malaking binti na nakaharang sa tulay.  Nang barilin ito ng mga Espanyol, bumalik lamang ang mga bala sa kanila.  Kaya hindi na muli pang ginambala ng mga Espanyol ang bahay ni Aguinaldo.  Gayundin, si Aguinaldo ay nakikita na nakasakay sa isang puting kalabaw ng mga kalaban sa labanan.  Kaya nga naging simbolo raw ni Aguinaldo ang kalabaw at maraming beses na makikita sa kanyang tahanan.

Kalabaw sa ibabaw ng balkonahe.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa ibabaw ng balkonahe. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa tagiliran ng bahay.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa tagiliran ng bahay. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa ilalim ng balkonahe.

Kalabaw sa ilalim ng balkonahe.

Nang siya ay mawalan nang hininga sa Veteran’s Memorial Hospital noong 1964, mayroon daw lumabas na bato na singlaki ng holen sa kanyang bibig.  Ito raw ang kanyang anting-anting.

Mas matandang Don Emilio, kuha ng Life magazine isang taon bago siya mamatay noong 1964.

Mas matandang Don Emilio, kuha ng Life magazine isang taon bago siya mamatay noong 1964.

Si Heneral Emilio Aguinaldo habang dinadala sa Veterans' Memorial Hospital isang araw bago bawian ng buhay noong February 6, 1964.  Mula sa Aguinaldo-Suntay Museum sa Lungsod ng Baguio.

Si Heneral Emilio Aguinaldo habang dinadala sa Veterans’ Memorial Hospital isang araw bago bawian ng buhay noong February 6, 1964. Mula sa Aguinaldo-Suntay Museum sa Lungsod ng Baguio.

Hindi natin masabi kung totoo ang mga alamat ukol kay Heneral Aguinaldo.  Hindi niya ito itinanggi at hindi rin naman niya ito pinatunayan.  Ang mahalaga marahil ay makita na para sa atin ang mga dakilang Pilipino ay para ring mga bayani natin sa epiko, maalamat at astig.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Miguel Hall, DLSU Manila, 29 October 2013)

XIAO TIME, 29 October 2013: ANG UNANG TV BROADCAST SA PILIPINAS

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

James Lindbergh, ang Ama ng Telebisyong Pilipino at tagapagtatag ng Bolinao Electronics Corporation.  Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.

James Lindbergh, ang Ama ng Telebisyong Pilipino at tagapagtatag ng Bolinao Electronics Corporation. Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.

29 October 2013, Tuesday: http://www.youtube.com/watch?v=t4XWxsn4Mik

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  60 years ago, October 23, 1953, lumabas ang pinakaunang broadcast ng telebisyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng DZAQ TV Channel 3.  Alam niyo ba na ang pinakaunang mga imahe na nakita sa telebisyon sa Pilipinas ay ang pagpaparty ng mga mayayaman sa hardin ni Judge Antonio Quirino sa Sitio Alto, at ang pinakaunang taong nakita sa telebisyon ay walang iba kung hindi ang kapatid ni Tony na si Pangulong Elpidio Quirino.

Pagsasalarawan ng unang broadcast ng DZAQ-TV (Mula sa ad ng ABS-CBN noong 2003 sa Philippine Daily Inquirer).

Pagsasalarawan ng unang broadcast ng DZAQ-TV (Mula sa ad ng ABS-CBN noong 2003 sa Philippine Daily Inquirer).

Elpidio Quirino.  Mula sa Wikipedia.

Elpidio Quirino. Mula sa Wikipedia.

Paano ba naisakatuparan ang makasaysayang pangyayaring ito?  Itinatag muna ni James Lindbergh noong 1946 ang isang radio station, ang Bolinao Electronics Corporation o BEC, taga-Bolinao, Pangasinan kasi ang misis niyang Pinay.  Sa Amerika, ang telebisyon ay una nang sinubukan ni Philo Farnsworth sa kanyang image dissector camera tube noong 1927, nang ipakita niya dito ang isang straight line.

Philo Farnsworth

Philo Farnsworth

Mga empleyado ng Bolinao Electronics Corporation habang nagsasalo sa pagkain.  Mula sa Nostalgia Manila.

Mga empleyado ng Bolinao Electronics Corporation habang nagsasalo sa pagkain. Mula sa Nostalgia Manila.

Maging ang mga pamantasan, ang Unibersidad ng Santo Tomas ay nag-eeksperimento na ng home-made receiver at ang Feati naman ay nagkaroon ng experimental TV station.  Naisip ni Lindbergh na ang susunod na hakbang para sa kanyang kumpanya ay pumasok sa telebisyon.  Si Judge Tony Quirino naman ay hindi nabigyan ng permit na magkaroon ng isang istasyong pantelebisyon dahil nangamba ang pamahalaan na baka gamitin ito para sa kampanya para sa ikalawang termino ni Elpidio Quirino.  Kaya nakipagsanib-pwersa si Tony Quirino kay Lindbergh at binili ang ilang bahagi ng shares ng BEC na muling pinangalanan na Alto Broadcastng System.

Radiowealth, unang distributor ng TV sa Pilipinas.  Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.

Radiowealth, unang distributor ng TV sa Pilipinas. Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.

Itsura ng mga unang telebisyon sa Pilipinas.  Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.

Itsura ng mga unang telebisyon sa Pilipinas. Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.

Muling hinarang ng Bangko Sentral ang pagpapahiram ng pautang na dolyar kay Quirino dahil masyado raw risky ang bagong negosyong papasukin, kaya humingi na lamang ng tulong sa Quirino sa Radio Corporation of America (RCA).  Nagtayo sila ng tore sa San Juan at nag-import at nagbenta ng tinatayang 150-300 TV sets.  At ito na nga ang naging daan upang mapanood ang pinakaunang TV broadcast na iyon kasama ang Pangulong Quirino.  Si Lindbergh ang kinilalang “Ama ng Telebisyong Pilipino” at noong araw na iyon, ang Pilipinas ang ika-15 bansa pa lamang na nagkaroon ng telebisyon sa mundo, pangalawa sa Asya.  Ang ABS noon ay nagkaroon ng opisina sa Roxas Blvd. at nagpalabas mula ika-anim hanggang ikasampu ng gabi.

1953, ang taon ng pagsisimula ng TV broadcast sa Pilipinas.

1953, ang taon ng pagsisimula ng TV broadcast sa Pilipinas.

Si Charlie Agatep at James Lindbergh.  Mula kay Charlie Agatep.

Si Charlie Agatep at James Lindbergh. Mula kay Charlie Agatep.

Opisina ng Alto Broadcasting Company sa Roxas Blvd.  Mula sa talambuhay Dolphy.

Opisina ng Alto Broadcasting Company sa Roxas Blvd. Mula sa talambuhay Dolphy.

Paanyaya sa mga test broadcast ng ABS DZAQ-TV Channel 3.

Paanyaya sa mga test broadcast ng ABS DZAQ-TV Channel 3.

Dati rati mga pelikulang banyaga ang madalas ipalabas sa telebisyon, hanggang ang makasaysayang Heswitang si Padre James Reuter ay gumawa ng kasaysayan at nagpalabas sa telebisyon ng isang live stage play, ang Cyrano de Bergerac, na tumagal ng tatlong oras at mga estudyante ang lahat ng aktor. Hindi naglaon sabayang ipinalabas sa telebisyon ang mga popular na programa sa radio tulad ng Tawag ng Tanghalan, Kuwentong Kutsero, at Student Canteen.

Padre James Reuter, S.J.

Padre James Reuter, S.J.

Mga host ng "Student Canteen" kasama ni Eddie Ilarde, sina Connie Reyes at Helen Vela.

Mga host ng “Student Canteen” kasama ni Eddie Ilarde, sina Connie Reyes at Helen Vela.  Mula sa Philippine Star.

Noong 1958, itinatag ng mga Lopez ang Chronicle Broadcasting Network (CBN) at binili nila ang ABS, na naging ABS-CBN.  Hindi naglaon, noong 1961 nagkaroon ng DZBB-TV-7 o Republic Broadcasting System (RBS) ni Bob Stewart na magiging GMA na ang pinakasikat na programa ay Gabi ng Lagim hanggang matatag noong 1974 ang DWGT-TV 4 na hindi naglaon ay magiging People’s Television o Telebisyon ng Bayan.

Si Eugenio Lopez, Jr, (kanan) Kapitan ng ABS-CBN.

Si Eugenio Lopez, Jr, (kanan) Kapitan ng ABS-CBN.

Uncle Bob Stewart.  Mula sa http://twicsy.com/i/oH4GJb.

Uncle Bob Stewart. Mula sa http://twicsy.com/i/oH4GJb.

Government Television, naging People's Television.  Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.

Government Television, naging People’s Television. Mula sa http://timerime.com/en/timeline/397360/Timeline+in+Philippine+Television/.

Isang lumang telebisyon na tila isang cabinet.

Isang lumang telebisyon na tila isang cabinet.

At iyan ang pagsisimula sa bansa ng ngayon ay makapangyarihang impluwensya sa buhay nating lahat, ang telebisyon.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 12 October 2013)

XIAO TIME, 25 October 2013: MGA INTERPRETASYON NG “PARISIAN LIFE” NI JUAN LUNA Part 2

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang "Parisian Life" ni Juan Luna.  Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.  Kuha ni John Ray Ramos.

Ang “Parisian Life” ni Juan Luna. Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kuha ni John Ray Ramos.

24 October 2013, Thursday: http://www.youtube.com/watch?v=RJroET5oXIM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Bilang paggunita natin sa I56th birthday ni Johnny Moon a.k.a. Juan Luna, October 23, 1857, ipagpatuloy natin ang ating paglalahad ng mga interpretasyon ng “Parisian Life” ni Juan Luna.

Si Juan Luna y Novicio sa Roma

Si Juan Luna y Novicio sa Roma

Dr. Eric Zerrudo.  Mula sa dokumentaryo ng GSIS Museo ng Sining ukol sa Parisian Life.

Dr. Eric Zerrudo. Mula sa dokumentaryo ng GSIS Museo ng Sining ukol sa Parisian Life.

Ayon kay Dr. Eric Zerrudo, dating director ng GSIS Museum, nang magkaroon ng kontrobersya sa pagbili ng GSIS sa painting sa auction sa Christy’s sa Hongkong sa halagang PHP 46 Million, inanyayahan ng GSIS ang ilang estudyante ng Fine Arts at suriin ang painting at bigyan ito ng kahulugan.  Nakagawa sila ng simboliko at historikal na interpretasyon sa obra maetsra.  Kailangan liwanagin na ang JVAN LVNA CODE na ito ay hindi sinasabing pakahulugan mismo ni Luna.  Kung titingnan daw ang komposisyon ng painting, gusto raw ni Juan Luna na ang unang mapansin ninyo ay ang babae:  Ang tatlo ay nakatingin sa babae, ang upuan at la mesa ay nakaturo sa babae, ang sombrero at coat ay nakaturo sa babae, ang triangulation ng dyaryo ay nakaturo sa babae.  Kaya mahalaga na makita, sino kaya ang babae?

Nakaturo lahat sa babae.  Kaya kailangan pansinin ang katauhan ng babae.  Kuha ni Xiao Chua.

Nakaturo lahat sa babae. Kaya kailangan pansinin ang katauhan ng babae. Kuha ni Xiao Chua.

Kung titingnan ang babae, tila nakatingin siya sa kawalan, sa porma ng kanyang kamay at nakataas na mga paa, tila hindi kumportable ang babae.  At kung titingnan ang kanyang baywang, ipininta ni Juan Luna na anatomically impossible raw na 12-inches ito!  E master painter siya.

Awkward ang position ng mga kamay at tila nakataas ang paa ng babae.  Yun bang kapag umuurong at nagsasabi siya ng "Wag po! Wag po!"  Kuha ni Xiao Chua

Awkward ang position ng mga kamay at tila nakataas ang paa ng babae. Yun bang kapag umuurong at nagsasabi siya ng “Wag po! Wag po!” Kuha ni Xiao Chua

Ayon sa mga nagbasa ng obra maestra, anatomically impossible 12-inch waist ay kakatwa kung ginawa ng isang bihasang master painter (pero siyempre sa corsette, posible noon).  Kuha ni Xiao Chua.

Ayon sa mga nagbasa ng obra maestra, anatomically impossible 12-inch waist ay kakatwa kung ginawa ng isang bihasang master painter (pero siyempre sa corsette, posible noon). Kuha ni Xiao Chua.

Kung titingnan raw ang awkward na hugis ng babae, magtutugma ito sa isang mapa ng Pilipinas na itinapat sa salamin.  Tingnan, ang Batanes ang naging mga luha ng babae, tugma din ang 12-inch waist sa pinakamakipot na bahagi ng Pilipinas mula sa San Narciso, Zambales hanggang sa Infanta-Real, Quezon.  At kung ilagay mo naman ang Palawan sa braso ng babae magtutugma din ito.  So, ang babae ay si Inang Pilipinas.  Kahit na mukha siyang Pranses, interpretasyon nga, walang basagan ng trip.

Tumutugma ang reverse image ng mapa ng Pilipinas sa babae.  Kahit ang Palawan ay maaari mong ilagay sa braso ng babae.  Kuha ni Xiao Chua.

Tumutugma ang reverse image ng mapa ng Pilipinas sa babae. Kahit ang Palawan ay maaari mong ilagay sa braso ng babae. Kuha ni Xiao Chua.

Ang Batanes Islands ang nagmistulang luha ng babae.

Ang Batanes Islands ang nagmistulang luha ng babae.

Ang 12-inch waist ang pinakamaiksing bahagi ng lupa sa Pilipinas mula sa San Narciso, Zambales hanggang Infanta, Real, Quezon.

Ang 12-inch waist ang pinakamaiksing bahagi ng lupa sa Pilipinas mula sa San Narciso, Zambales hanggang Infanta, Real, Quezon.

Alam na natin ngayon ang kwento.  May kasama siyang umalis muna sa eksena dahil may bakanteng silya, coat at sombrero.  Sino ang kasama niya?  Kung titingnan ang dalawang baso, ang laman ng baso ng babae ay kalahati na lamang habang puno pa ang sa kasama niya.  May pagtatangkang pagsamantalahan ang babae.

Ang baso ng babae ay nainom na habang puno pa ang sa lalake. Kuha ni Xiao Chua.

Ang baso ng babae ay nainom na habang puno pa ang sa lalake. Kuha ni Xiao Chua.

At sino ba ang nagsasamantala sa atin noong 1892?  Ang Espanya!  Ayon sa mga potograpo, huwag kukunan ang isang tao sa ilalim ng linya, dahil parang binabarbeque mo ang iyong kinukuhanan.  Tingnan na may linya sa ibabaw ng babae.  Tingnan din ang scarf.  Hindi siya isang scarf, tila itim siya sa leeg ng babae.  Pagsamahing tingnan ang linya at ang itim sa leeg ng babae at makikita mong nakabigti ang babae.  Nasa panganib ang babae.

Pagsamahin ang linya sa itaas na babae at ang itim na leeg, NAKABIGTI ANG BABAE.  Kuha ni Xiao Chua.

Pagsamahin ang linya sa itaas na babae at ang itim na leeg, NAKABIGTI ANG BABAE. Kuha ni Xiao Chua.

Noong 1892, nasa bingit na tayo ng Himagsikan, itinatag ang La Liga Filipina, inaresto si Rizal at itinatag ang Katipunan.  Kaya pinag-uusapan ng tatlo nating bayani na sina Rizal, Juan Luna at Bautista-Lin, ito ang dustang kalagayan ng ating Inang Bayan, ano ang gagawin natin para sa kanya?

Detalye ng "Parisian Life" ni Juan Luna, kuha ni Xiao Chua.

Detalye ng “Parisian Life” ni Juan Luna, kuha ni Xiao Chua.

Tila hinahamon pa rin nila tayo sa kasalukuyan, “Siya ang inyong Inang Bayan, nakalugmok pa rin matapos ang isang siglo, ano ang gagawin mo para sa kanya?”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 12 October 2013)

XIAO TIME, 24 October 2013: MGA INTERPRETASYON NG “PARISIAN LIFE” NI JUAN LUNA Part 1

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang "Parisian Life" ni Juan Luna.  Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.  Kuha ni John Ray Ramos.

Ang “Parisian Life” ni Juan Luna. Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kuha ni John Ray Ramos.

24 October 2013, Thursday: http://www.youtube.com/watch?v=BCcxiUaXSxk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  I56 years ago, October 23, 1857, isinilang sa Badoc, Ilocos Norte si Johnny Moon?  Huh?  Who’s that Pokemon?  Hindi ba sikat na restaurant iyon sa Ilocos Norte???  Salin pala ito sa Ingles ng pangalan ni Juan Luna y Novicio, bayani at pintor.

Si Juan Luna y Novicio sa Roma

Si Juan Luna y Novicio sa Roma

Sa panahon na ang mga indio ay minamaliit ng mga Espanyol bilang mga mababang uri ng tao, ang mga obra ni Juan Luna na tulad ng Spoliarium, La Batalla de Lepanto, at Pacto de Sangre ang nagpakita na maaaring makipagsabayan ang mga indio kung sining ang pag-uusapan.

Spoliarium, 1884, nasa National Art Gallery, National Museum of the Philippines.

Spoliarium, 1884, nasa National Art Gallery, National Museum of the Philippines.

La Batalla de Lepanto (1887), nasa Senado ng Espanya, mula sa koleksyong Dr. Eric Zerrudo

La Batalla de Lepanto (1887), nasa Senado ng Espanya, mula sa koleksyong Dr. Eric Zerrudo

Pacto de Sangre.  Ang modelo para kay Legazpi ay ang bayaw ng pintor na si Trinidad Pardo de Tavera.  Si Sikatuna si Jose Rizal.  Obra maestra ni Juan Luna.

Pacto de Sangre. Ang modelo para kay Legazpi ay ang bayaw ng pintor na si Trinidad Pardo de Tavera. Si Sikatuna si Jose Rizal. Obra maestra ni Juan Luna.

Kamakailan, noong October 5 lamang, isang naunang bersyon ng kanyang obra maestra na “España y Filipinas” ang nabili sa auction sa Sotheby’s Hongkong sa halagang US$ 3.5 million o PHP 150 million.  Ganoon kahalaga ang mga Luna ngayon.

Maagang bersyon ng "España y Filipinas" na nabili sa Sotheby's sa Hong Kong.  Mula sa fb page ni Dr. Ambeth R, Ocampo.

Maagang bersyon ng “España y Filipinas” na nabili sa Sotheby’s sa Hong Kong. Mula sa fb page ni Dr. Ambeth R, Ocampo.

Maaalala na nagkaroon din ng usapin noong Oktubre 2002 nang bilhin ng Government Service Insurance System ang “Parisian Life” ni Juan Luna sa halagang isang milyong dolyar o PHP 46 Million!  Marami ang nagprotesta sa sinasabing pagwaldas ng pera ng mga empleyado ng gobyerno nang dahil lamang sa isang painting.  Hindi naman daw nakakain ang Juan Luna kahit na ito ay isang asset ng ating kaban ng bayan na hindi bumababa ang halaga, pero mahabang usapin yan.

Ang dating Pangulo ng GSIS WInston Garcia matapos na mabili para sa GSIS ang obra maestrang "Parisian Life" ni Juan Luna.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Ang dating Pangulo ng GSIS WInston Garcia matapos na mabili para sa GSIS ang obra maestrang “Parisian Life” ni Juan Luna. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Nang mapakinggan ko sa mga lektura ni Dr. Eric Zerrudo, dating director ng GSIS Museum of Art nang bilhin ang painting, nakita ko ang halaga ng pagpapakahulugan natin sa kasalukuyan sa sining, kahit na hindi naman talaga ito mga interpretasyon ni Juan Luna.  Magagamit pa rin natin ito bilang interesanteng tuntungan sa pagtuturo ng kasaysayan, isang bagong lapit sa pagtuturo ng isang itinuturing na “boring subject.”  Ang ehersisyo ay tinawag kong THE JVAN LVNA CODE, parang Da Vinci Code lang ang peg.

Dr. Eric Zerrudo.  Mula sa dokumentaryo ng GSIS Museo ng Sining ukol sa Parisian Life.

Dr. Eric Zerrudo. Mula sa dokumentaryo ng GSIS Museo ng Sining ukol sa Parisian Life.

Si Xiao Chua at si Dr. Eric Zerrudo, March 9, 2007, History and Destiny Room (Juan Luna Room), GSIS Museo ng Sining.

Si Xiao Chua at si Dr. Eric Zerrudo, March 9, 2007, History and Destiny Room (Juan Luna Room), GSIS Museo ng Sining.

Ayon kay Zerrudo, may tatlong popular na interpretasyon ang “Parisian Life.”  Una ay ang literal na interpretasyon na tinatawag kong kwentong barbero interpretation.  May isang coquette o prostitute ang pumasok sa isang kapihan sa Paris na nagpatipo, napansin ng tatlong lalaki na nag-uusap.  Sabi ng nasa dulong kanan, “Uy pare, chicks!”  Sabi ng nasa gitna, “Pare, pustahan tayo, mamaya kateybol ko na yan!”  Tiningnan sila ng ikatlong lalaki at sinabing, “Hindi niyo ba alam na kasama ko na siya kagabi.”

Detalye ng "Parisian Life" ni Juan Luna, kuha ni Xiao Chua.

Detalye ng “Parisian Life” ni Juan Luna, kuha ni Xiao Chua.

Bagama’t parang kalokohan lang, repleksyon pala ang mga linyang binitawan sa personalidad ng tatlong aktwal na modelo ni Luna sa painting—ang may-ari ng painting Dr. Ariston Bautista Lin, kilalang may hilig sa magaganda, si Juan Luna mismo na kumukuha ng mga prostitute bilang modelo para sa kanyang mga paintings, at siyempre ang pangatlong lalaki, ang bida sa lahat, si Jose Rizal na kilala na international ang taste sa kababaihan.

Si Rizal.

Si Rizal.

Juan Luna

Juan Luna

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Xiao Chua, Dr. Santiago Albano Pilar at si Prop. Ana Labrador, January 17, 2007, Vargas Museum.

Xiao Chua, Dr. Santiago Albano Pilar at si Prop. Ana Labrador, January 17, 2007, Vargas Museum.

Ang pangalawang interpretasyon naman ay ang biographical at tragic interpretation ni Santiago Albano-Pilar.  1892 nang ipinta ni Juan Luna ang painting sa Paris, hindi kaya sinasabi ni Juan Luna sa mga kaibigan, “Mga pare, may problema ako, ang asawa ko ay pinaghihinalaan kong may kalaguyong Pranses, si Mssr Dussaq”?  Sa taong ding iyon, dahil sa selos, mapapatay ni Juan Luna ang kanyang biyenan at asawa.  May pangatlo pang popular na interpretasyon.  Abangan bukas.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 12 October 2013)

Paz Pardo de Tavera

Paz Pardo de Tavera

Ang tanging larawan ni Rizal na nakangiti ay larawan niya kasama sina Feliz R. Hidalgo, ang pintor, si Nelly Boustead na kanyang niligawan, at ang mga Pardo de Tavera:  Katabi ni Nelly si Paz Pardo de Tavera at nakaupo si Juliana Gorricho kalong-kalong ang apong si Andres Luna.

Mula kay Alfredo Roces, "Philippine Heritage"

Mula kay Alfredo Roces, “Philippine Heritage”