XIAO TIME, 30 October 2013: ANG KAIBIGANG KAPRE NI HENERAL EMILIO AGUINALDO

by xiaochua

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Kapre ni Madilumad.

Kapre ni Madilumad.

30 October 2013, Wednesday: http://www.youtube.com/watch?v=85vnd8dfPG8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Dahil malapit na ang Undas, magkakaroon tayo ng Todos Los Santos specials ngayon at sa mga susunod na araw.   Isa sa mga mahiwagang mga nilalang sa ating mga kwentong bayan ay ang mga kapre.  Ang kapre ay isang engkanto na nakatira sa mga punong malalaki tulad ng acacia, mangga, kawayan at balete.

Kapre.  Mula sa Filway's Philippine Almanac (1994).

Kapre. Mula sa Filway’s Philippine Almanac (1994).

Kapre.  Mula sa frenchlivinginthephilippines.blogspot.com.

Kapre. Mula sa frenchlivinginthephilippines.blogspot.com.

Lagi itong inilalarawan na nakabahag at sobrang tangkad, 7-9 feet tall, imagine!  Nagyoyosi siya sa malaking pipang ganja na sa sobrang lakas ng amoy ay maaaring maamoy ng tao.  Sa ibang bersyon, ang kapre ay may hawak na mahiwagang puting bato na maliit pa sa itlog ng pugo.  Kung mapasakamay ito ng tao, maaari niyang bigyan ang tao ng kanyang kahilingan.

Kapre.  Mula kay cloudminedesign.

Kapre. Mula kay cloudminedesign.

Kung kaibiganin ka ng kapre, babantayan ka niya habambuhay.  Ang mga kaibigan lamang ng kapre ang nakakakita sa kanya. Itong kapre ay mapagbiro, nagwawala ng mga tao sa kakayuhan o sa kabundukan, maging sa mga lugar na pamilyar ang isang binibirong tao.

Ang kapre at ang kanyang kaibigan. Mula sa definitelyfilipino.com.

Ang kapre at ang kanyang kaibigan. Mula sa definitelyfilipino.com.

Nagpaparamdam ang mga kapre sa pamamagitan ng paggalaw ng mga puno kahit na wala namang hangin, pagaparinig ng pagtawa, pagkakaroon ng usok sa ibabaw ng puno, at pagpapakita ng malaking pulang mga mata sa puno.

Kapre sa kalunsuran.  Mula sa legendakota.blogspot.com.

Kapre sa kalunsuran. Mula sa legendakota.blogspot.com.

Kapre.  Mula sa bagoh2.deviantart.com.

Kapre. Mula sa bagoh2.deviantart.com.

Ayon sa mga kwento, si Heneral Emilio Aguinaldo ay mayroong kaibigan kapre na inalagaan sa kanyang mansyon sa Kawit, Cavite.  Ayon sa artikulo ni Dr. Isagani Medina na “Aguinaldo para kay Aguinaldo,” ang kapre raw ay nakatira sa ilalim ng tulay ng marulas hindi kalayuan sa bahay ng mga Aguinaldo.

Dr. Isagani Medina.  Mula sa National Commission for Culture and the Arts.

Dr. Isagani Medina. Mula sa National Commission for Culture and the Arts.

Sa gitnang bintana ng mansyon na ito ng mga Aguinaldo ipinroklama ang Independencia ng Pilipinas noong June 12, 1898.  Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.

Sa gitnang bintana ng mansyon na ito ng mga Aguinaldo ipinroklama ang Independencia ng Pilipinas noong June 12, 1898. Mula sa Retrato Filipinas Photo Collection.

Nakikita raw ang kapre kapag maliwanag ang buwan, nananabako sa may sanga ng punong kabalyero.  Sinasabing ang kapreng ito ang nagbigay ng anting-anting kay Aguinaldo.  Kaya nga kapag binabaril siya ng mga kalaban ay tumatagos lamang ang bala.  Sa gabi bago makipaglaban sa mga Espanyol, makikita si Aguinaldo na nakikipag-usap sa isang puting anino sa may bintana, nagpapayo ang kapre sa kanya kung paano manalo sa laban.

Hen. Emilio Aguinaldo.  Mula sa Studio 5 Designs.

Hen. Emilio Aguinaldo. Mula sa Studio 5 Designs.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

 

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi.  Kuha ni G. Angelo Aguinaldo, apo sa tuhod ng heneral.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi. Kuha ni G. Angelo Aguinaldo, apo sa tuhod ng heneral.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi.  Kuha ni Jun Tulao ng Cavote Camera Club.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi. Kuha ni Jun Tulao ng Cavite Camera Club.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi.  Kuha ni Jun Tulao ng Cavote Camera Club.

Ang Dambanang Pangkasaysayang Emilio Aguinaldo sa gabi. Kuha ni Jun Tulao ng Cavite Camera Club.

Nang minsan daw na magtangka ang mga Espanyol na pasukin ang Kawit gamit ang tulay ng Marulas, may nakitang malaking binti na nakaharang sa tulay.  Nang barilin ito ng mga Espanyol, bumalik lamang ang mga bala sa kanila.  Kaya hindi na muli pang ginambala ng mga Espanyol ang bahay ni Aguinaldo.  Gayundin, si Aguinaldo ay nakikita na nakasakay sa isang puting kalabaw ng mga kalaban sa labanan.  Kaya nga naging simbolo raw ni Aguinaldo ang kalabaw at maraming beses na makikita sa kanyang tahanan.

Kalabaw sa ibabaw ng balkonahe.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa ibabaw ng balkonahe. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa tagiliran ng bahay.  Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa tagiliran ng bahay. Mula sa Tahanan ng Kasarinlan.

Kalabaw sa ilalim ng balkonahe.

Kalabaw sa ilalim ng balkonahe.

Nang siya ay mawalan nang hininga sa Veteran’s Memorial Hospital noong 1964, mayroon daw lumabas na bato na singlaki ng holen sa kanyang bibig.  Ito raw ang kanyang anting-anting.

Mas matandang Don Emilio, kuha ng Life magazine isang taon bago siya mamatay noong 1964.

Mas matandang Don Emilio, kuha ng Life magazine isang taon bago siya mamatay noong 1964.

Si Heneral Emilio Aguinaldo habang dinadala sa Veterans' Memorial Hospital isang araw bago bawian ng buhay noong February 6, 1964.  Mula sa Aguinaldo-Suntay Museum sa Lungsod ng Baguio.

Si Heneral Emilio Aguinaldo habang dinadala sa Veterans’ Memorial Hospital isang araw bago bawian ng buhay noong February 6, 1964. Mula sa Aguinaldo-Suntay Museum sa Lungsod ng Baguio.

Hindi natin masabi kung totoo ang mga alamat ukol kay Heneral Aguinaldo.  Hindi niya ito itinanggi at hindi rin naman niya ito pinatunayan.  Ang mahalaga marahil ay makita na para sa atin ang mga dakilang Pilipino ay para ring mga bayani natin sa epiko, maalamat at astig.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Miguel Hall, DLSU Manila, 29 October 2013)