SINO ANG TARLAKIN? (About Me)

SIR MICHAEL CHARLESTON B. CHUA, K.G.O.R., KNIGHT GRAND OFFICER OF RIZAL AND LASALLIAN EDUCATOR. The 2013/2023 Portrait by digital artist Bon Jovi Bernardo, featuring the uniform of the International Order of the Knights of Rizal and its sash and decoration for the rank Knight Grand Officer of Rizal (equivalent to the rank of an elected member of the Supreme Council), the Medal of Recognition, Distinguished Service Medal, Distinguished Service Star and the Distinguished Service Cross conferred on Xiao Chua.
IF INTRODUCING PROF. XIAO CHUA AS A SPEAKER IN YOUR EVENT, PLEASE ASK HIM FOR THE APPROPRIATE INTRODUCTIONS AS FOCUS WILL BE DIFFERENT DEPENDING ON THE EVENT. NEVER USE THIS AS INTRODUCTION.
Si Michael Charleston “Xiao” Briones Chua, tubong Tarlac, Tarlac (ngayo’y lungsod), ay Assistant Professorial Lecturer sa Kasaysayan sa Pamantasang De La Salle Maynila at Senior Lecturer sa Broadcast Communicatrion sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman.
Nakapagturo ng tatlong taon (2005-2008) sa Departamento ng Kasaysayan, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, kung saan din siya nagtapos ng kanyang BA (2005) at MA (2010) sa Kasaysayan, at kasalukuyang nag-aaral ng Ph.D. Antropolohiya.
Kasapi siya ng Pi Gamma Mu at Phi Kappa Phi honor societies, Honorary member ng Rotaract Club of Manila Metro; kasaping tagapagtatag at dating Deputy Commander ng International Order of the Knights of Rizal, Sucesos Chapter; dating Pangalawang Pangulo at kasalukuyang Public Relations Officer ng Philippine Historical Association; at kasapi ng Bahay Saliksikan ng Kasaysayan (BAKAS) at ng Asosasyon ng mga Dalubhasa May Hilig at Interes sa Kasaysayan (ADHIKA ng Pilipinas, Inc).
Nakapaglathala na sa iba’t ibang dyornal at publikasyon: Social Science Diliman (2007), Philippine Social Sciences Review (2008-2009), Daluyan: Journal ng Wikang Filipino (2009), Agham-Tao (2009), Dalumat EJournal (2011); Historical Bulletin (2011, 2012); at Plaridel. Kasamang may-akda ng Kaalaman at Pamamaraan sa Pagtuturo ng Kasaysayan (2008) at Kasaysayang Pampook: Pananaw, Pananaliksik, Pagtuturo (2012) ng UP Lipunang Pangkasaysayan, Bonifacio: Ang Unang Pangulo (2014), at Bayani Biographies: Andres Bonifacio (2019).
Itinuturing siyang isa sa pinaka-aktibong tagapagsalita sa mga pangkasaysayang lakbay-aral at sampaksaan at pangunahing komentaristang pangkasaysayan sa radyo at telebisyon sa Pilipinas. Naging isa sa pinaka-aktibong historyador sa mga webinar sa panahon ng pandemyang COVID-19.
Ilang beses ng naging commentator sa telebisyon ng mga opisyal na paggunita ng araw ng Kasarinlan at iba’t ibang araw ng mga bayani, at sa mga makasaysayang pangyayari sa pambansang telebisyon: Ang Paglilitis Special Coverage ng PTV-4, EDSA 25, Kasalang Real nina HRH Prinsipe William at HRH Catherine, Duke at Dukesa ng Cambridge, Rizal @150, Bonifacio @ 150, Mabini @ 150 at sa 500-araw na countdown para sa Paggunitang Pangkwinsentenaryo sa Tagumpay sa Mactan. Naging kolumnista sa pahayagang Good Morning Philippines sa pitak na “Walking History” at ngayon ay nagsusulat tuwing Martes sa Manila Times sa kolum na Walking History.
Palagian siyang napanood bilang isa sa mga orihinal na panelista sa pinakaunang reality political talk show sa telebisyong Pilipino, ang The Bottomline with Boy Abunda sa ABS-CBN. Siya rin ang historical consultant ng History with Lourd sa TV-5, ng unang historical drama series ng GMA-7, ang Katipunan, at ang pinakaunang bayani-serye sa Philippine Primetime, ang Ilustrado.
Noong 2012 – 2017, lumikha sa People’s Television Network (PTV–Telebisyon ng Bayan) at sa Radyo ng Bayan sa programang News@1, ang “Xiao Time: Ako ay Pilipino” na siyang pinagbatayan ng karamihan sa mga sanaysay sa web blog na ito.
Noong 2011, pinarangalan siya bilang Natatanging Tarlaqueño para sa Pamamahayag, ang unang pagkakataon na ipinagkaloob ito ng pamahalaang panglungsod. Ginawaran din ng Medal of Recognition, Distinguished Service Medal, Distinguished Service Star Distinguished Service Cross, at ang ranggong Knight Grand Officer of Rizal ng International Order of the Knights of Rizal sa kanyang mga gawain sa pagpapalaganap ng buhay at aral ni Rizal sa iba’t ibang paraan.
Noong 2022, napili siya ng Esquire bilang isa sa 100 Most Powerful Filipinos (Wielders of Soft Power).
Marubdod ang paniniwala niyang anumang kanyang natutunan ay kailangan ibalik niya sa bayan, sa mga anyong maaabot at maiintindihan nito.
Maaari siyang maabot sa xiaoking_beatles@yahoo.com, sa kanyang facebook at twitter.
Revised: 22 Enero 2023.
Isang lumang maikling pelikula ukol kay Xiao na ginawa ng kanyang estudyante sa UP Diliman na si Gerry Roxas at isinumite kay Prop. Ramon Bautista.
In brief:
Kawaksing Propesoryal na Tagapanayam (Assistant Professorial Lecturer)
Departamento ng Kasaysayan, Pamantasang De La Salle – Maynila
Ph.D. Anthropology Student, University of the Philippines Diliman
Founding Member and Deputy Commander, Sucesos (Young Historians) Chapter, International Order of the Knights of Rizal
Public Relations Officer and former Vice President, Philippine Historical Association
Segment Host, XIAO TIME (the 3-minute daily history documentaries), People’s Television Network
Original Panelist, The Bottomline with Boy Abunda, Late-night Saturdays, ABS-CBN-2
Historical consultant, History with Lourd, TV-5
Historical consultant, Katipunan, GMA-7
Historical consultant, Ilustrado, GMA-7
Member, Bahay Saliksikan ng Kasaysayan;
Member, Asosasyon ng mga Dalubhasa May Hilig at Interes sa Kasaysayan (ADHIKA ng Pilipinas, Inc)
Honorary Dato, Sultanate of Buayan Darussalam
Honorary Member, Rotaract Club of Manila Metro
Adviser, Rotaract Club of DLSU Manila
Lecturer-on-Board, Linangan Educational Trips
Medal of Recognition Awardee from the International Order of the Knights of Rizal
Distinguished Service Medal Awardee from the International Order of the Knights of Rizal
Distinguished Service Star Awardee from the International Order of the Knights of Rizal
Distinguished Service Cross Awardee from the International Order of the Knights of Rizal
Wikipinoy of the Year 2007 for History
Natatanging Tarlakenyo 2011 para sa Pamamahayag
Gawad Lasallian Para sa Filipino 2012 (fakulti)
Gawad Likasyan para sa Pagpapalaganap ng Kasaysayan 2013
Kamusta Maestro,
Mabuhay! Gusto ko sana makitanong sa inyo tungkol sa history kasi kayo ang expert. Sinubukan ko si Dr. Dery pero wala akong success ma contact siya.
Sana po ay gumawa kayo nang article about this.
Ang tanong ko ay maari po bang mag bayad ang Espanya nang “war reparations” sa Pilipinas? may nabasa ako dati sa Times na nag bayad ang Italy sa Libya dahil sila ay sinakop.
At nabasa ko rin ang Japan ay nag bayad sa Pilipinas during WW II nang war reparations.
Hindi ako ang dapat tanungin diyan kundi international law expert.
waloa naman ako mahanap na history!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1
Boss huwag itong pag na ito, xiaochua.net mismo
Sr.Chua, Tanong ko lang ho tungkol sai heneral luna. Curious po ako kung saan yung burial location niya. Ang dami po kasing haka haka. Yung popular po na nabasa ko sa Binondo church raw. Salamat po 🙂
Hindi ko rin alam kung nahanap
Ser chu pwedi po bang malaman talam buhay ni datu ali
https://xiaochua.net/2012/12/07/xiaotime-4-december-2012-datu-ali-ng-buayan-juramentado-o-bayani/
Sir Chua, paano po bang maging isang historyador sa Pilipinas?
Sa buong mundo, mag-aral ka ng kursong Kasaysayan ang pinakamadali at magpublish sa refereed journals ang pauna.
Sir,
I am your cousin from Tarlac. Gusto ko lamang malaman niyo napakalaking inspirasyon niyo para sa akin. Balang araw, gusto ko maging isang tulad niyo. Karangalan ka ng mga Briones!
Salamat, sino ka?