XIAO TIME, 31 October 2013: ANG KAHULUGAN NG SALITANG “UNDAS”
Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:
31 October 2013, Thursday: http://www.youtube.com/watch?v=3nTKRscMGhw
Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! Ipinagdiriwang sa daigdig ang Halloween tuwing October 31. Ang salitang ito ay nagmula salitang “All Hallow’s Evening,” ang kahulugan ng “hallow” ay saint dahil gabing bisperas nga ito ng All Saints’ Day.

Hallow–hindi walang laman, hindi rin “shallow” (korne) kundi banal, ala “hallowed by thy name.” Therefore “all hallows” ay “all saints.”
Kasabay nito ang bisperas ng pista ng mga patay na ipinagdiriwang pa ng mga sinaunang Celtic bilang “Samhain” kung kalian pinaniniwalaan nilang bumabalik sa mga tahanan nila ang kaluluwa ng mga ninuno nila. Ginugunita nila ito sa pamamagitan ng “trick or treat,” kumbaga, kung may kakatok sa iyo at hindi mo bigyan ng kahit ano ay maaari ka nilang lokohin ng mga pranks. Upang kumatawan sa mga kaluluwa na maaari kang saktan kung maging maramot ka, nagsusuot ng kung anu-nong nakakatakot na costume ang mga bata.
Gayundin, gumagawa ng mga inukitang kalabasa o pumpkin ang mga Kanluranin upang pantaboy sa mga masasamang demonyo na naglipana sa tuwing Holloween. 1866 unang nabanggit ang koneksyon ng Hollween at pumpkin sa Amerika. Mapapansin din na sa kwentong bayan sa Kanluran, ang mga mangkukulam ay may nakaugalian na gawing mga pumpkin ang mga tao.
Dahil sa komersyalisasyon at globalisasyon, umabot ang mga Kanluraning praktis na ito sa Pilipinas. Ang pista ng patay sa Pilipinas ay tinatawag nating “Undas.” Nang tanungin ko si Dr. Lars Raymund Ubaldo, na nag-aral ng mga praktis sa burol ng mga Ilokano, ang salitang “Undas” ay nagmula sa Espanyol na “honras funebres” o funeral honors na sa ibang lalawigang Tagalog ay naging “honras” at “undras,” at sa Ilocos ay “atang” na tinatawag ding “umras.”

Prop. Dr. Lars Raymund Ubaldo noong DLSU History Department Teacher Training Workshop noong October 19, 2013. Kuha ng opisyal na potograpo ng De La Salle University Manila, Kuya Greg (Taga Litrato).
Dahil sa impluwensyang Katoliko ng mga Espanyol, naitali sa Todos Los Santos o All Saints Day ang paggalang natin sa patay na tila ang ating mga namatay na ninuno ay itinuturing na rin natin na mga santo na nasa langit kasama ng Panginoon. Ang doktrina ng Santa Iglesia Catolica Romana ay nagsasabi na ang namatay na mahal sa buhay ay ipinapanalangin upang mahango sa purgatoryo, mapunta sa langit o magabayan ang kanilang mga kaluluwa sa kabilang buhay.

Recuerdos de Patay (souvenir of the dead) sa Pampanga noong panahong sinauna. Pansinin kung papaano inaangat ang patay upang masilayan sa larawan. Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies.
Ngunit hindi ba kayo nagtataka, kapag undas ay nagdadasal tayo mismo sa kamag-anak natin at kinakausap natin sila? Ito na ang pananatili ng sinaunang kulturang Pilipino na mas matanda pa sa Katolisismo sa Pilipinas. Naniniwala tayo na tayong ay may mga kaluluwa ngunit kapag tayo ay namatay ay naglalakbay tayo sa mga ilog at dagat gawa nga na tayo ay isang maritime culture tulad ng makikita sa bangang Manunggul. Ang mga namatay na kaluluwa ay itinuturing na anito na nagbabalik sa kalikasan, sa mga ilog, sa mga bundok, sa mga bato at sa mga punongkahoy. Sila ay kinakatawan ng mga estatwa at inaalayan at dinadasalan natin ang mga ninuno natin na ito. At pinaniniwalaan na nakikipag-usap pa ang mga anito sa atin noon sa pamamagitan ng mga babaylan at catalonan.

Illustration of the worldview and belief in the afterlife of early Filipinos in Palawan. Photo from the Dante Ambrosio-Xiao Chua Archives.

Adoring the Manunggul Jar at the National Museum and learning about the common culture and belief of all Austronesians, the ancestors of Filipinos.
Muli, ngayon alam niyo na ang UNDAS ay nagmula sa Honras Funebres, hindi sa binaligtad na “SADNU?” Dahil hindi naman sad ang pista ng patay sa Pilipinas, hindi ba HAPPYNU ito? Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.
(Andrew Bldg., DLSU Manila, 29 October 2013)