XIAO TIME, 17 October 2013: WHISTLE BLOWING SA PILIPINAS (Whistle Blowers part 2)

by xiaochua

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Governor Luis "Chavit" Singson.  Mula sa EDSA Dos:  A Nation in Revolt.

Governor Luis “Chavit” Singson. Mula sa EDSA Dos: A Nation in Revolt.

17 October 2013, Thursday: http://www.youtube.com/watch?v=xNaMkVYqGn0

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Usong-uso ngayon ang mga whistle blowers sa ating mga balita, ngunit kung titingnan sa kasaysayan ng ating bansa, hindi na ito bago.  Magbalik-tanaw tayo.  Sa isang testimonya sa US Congress at sa kanyang aklat na The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I, inilantad ni Prmitivo Mijares noong 1975 ang mga kalabisan ng Pangulong Marcos.  Nawalang sukat si Mijares.

Primitivo Mijares, awtor ng The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Primitivo Mijares, awtor ng The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Sa kabila nito marami pa ang sumunod sa yapak ni Tibo.  Ang paglalantad ni Defence Minister Juan Ponce Enrile na pandarayang ginawa niya, lalong-lalo na sa Cagayan, sa halalang snap noong 1986 ang siyang naging mitsa na nagpaalab ng People Power Revolution sa EDSA na tuluyang nagpatalsik sa Pangulong Marcos.

Ang pagtiwalag nina Ramos at Enrile sa Camp Aguinaldo, February 22, 1986.   Mula sa Bayan Ko!

Ang pagtiwalag nina Ramos at Enrile sa Camp Aguinaldo, February 22, 1986. Mula sa Bayan Ko!

Noong, taong 2000, ang pagbubunyag ni Gobernador Luis Chavit Singson na ang Pangulong Joseph Estrada ay tumatanggap ng jueteng payola bilang si Asiong Salonga, “The Lord of All Jueteng Lord” ay nagbunsod sa impeachment ng Pangulong Estrada.  At sa paglilitis naman, ibinunyag ni Emma Lim na tumatanggap siya ng pera mula kay Erap para sa amo niyang si Gobernador Singson.  Hindi nagpasindak sa panlilito ng de kampanilyang abogado, nasabi niya nang tanungin kung kumain ang kasama niya ng iced tea, sumagot ba naman ng, “Uminom po ng iced tea, hindi po niya kinain, your honor.”

Uminom po ng iced tea, hindi po niya kinain, your honor:  Sagot ni Emma Lim kay Atty. Estelito Mendoza.  Mula sa Bayan Ko!

Uminom po ng iced tea, hindi po niya kinain, your honor: Sagot ni Emma Lim kay Atty. Estelito Mendoza. Mula sa Bayan Ko!

At sino ang makakalimot kay Clarissa Ocampo, ang mismong senior vice-president ng trust department ng Equitable PCI Bank na nagsabi na nagbukas ng account ang Pangulong Estrada bilang si Jose Velarde.  Ang mga pagbunyag na ito ang nagbunsod ng tinaguriang EDSA Dos na nagpaalis sa Pangulong Estrada sa Malacanang.

Si Xiao Chua at si Ma'am Clarissa Ocampo, 2011.  Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Ma’am Clarissa Ocampo, October 13, 2011. Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Nariyan din si narcotics agent Mary “Rosebud” Ong na nagbunyag ng mga illegal na aktibidad diumano ng isang senador.

Mary "Rosebud" Ong.

Mary “Rosebud” Ong.

At siyempre sa panahon ng Pangulong Gloria Arroyo, nariyan si intelligence agent Vidal Doble, Jr. at National Bureau of Investigation Deputy Director Sammy Ong na siyang nagsiwalat ng “Hello Garci” scandal; sina Joey de Venecia at Jun Lozada na nagsiwalat ng NBN-ZTE Broadband Deal; sina Sandra Cam at Boy Mayor na nagsiwalat ng pagtanggap ng unang pamilya ng pera mula sa jueteng noong 2005.  Si Boy Mayor ay pinaslang noong 2010;

Vidal Doble.  Mula sa Agence France Presse.

Vidal Doble. Mula sa Agence France Presse.

Samuel Ong.

Samuel Ong.

Joey Lozada habang minomonstra ang pagsasabi sa kanya ng Unang Ginoo ng "Back Off."

Joey Lozada habang minomonstra ang pagsasabi sa kanya ng Unang Ginoo ng “Back Off.”

Si Xiao Chua at si Jun Lozada, Quirino Grandstand, June 30, 2010.  Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Jun Lozada, Quirino Grandstand, June 30, 2010. Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Boy Mayor at Sandra Cam.  Mula sa ABS-CBN News Channel.

Boy Mayor at Sandra Cam. Mula sa ABS-CBN News Channel.

si Atty. Melchor Magdamo na nagbunyag ng PHP 690 million ballot secrecy folder scam, at si Col. George Rabusa na nagsiwalat ng mga pabaon sa pamunuan ng military.  At ang orgmate ko sa UP Lipunang Pangkasaysayan na si Congressman Romeo Candazo na siya palang pinakaunang whistle blower ukol sa anomalya sa prok barrel noon pang 1996.

Si Xiao Chua at si Atty. Melchor Magdamo sa set ng The Bottomline, June 2010.  Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Atty. Melchor Magdamo sa set ng The Bottomline, June 2010. Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Col George Rabuza sa set ng The Bottomline, March 2, 2011.  Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Col George Rabuza sa set ng The Bottomline, March 2, 2011. Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Romeo Candazo.

Romeo Candazo.

Ang frontpage ng pagbubunyag ni Kongresista Romeo Candazo noong 1996.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Ang frontpage ng pagbubunyag ni Kongresista Romeo Candazo noong 1996. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Ayon kay Edmund Burke, “The only thing necessary for the triumph of evil is for good men do nothing.”  Mahirap maging whistle blower dahil kung lumantad ka, tila nakabaon na ang isang paa mo sa hukay, dead man walking ka na, ngunit kailangang humugot ng napakalalim na tapang at lakas mula sa pag-ibig sa nakararami, sa bayan, sa pag-asang hindi na ito maulit.  Yan ay kung hindi kakalimutan ang kasaysayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Faculty Center, Old Library, DLSU Manila, 8 October 2013)

Edmunde Burke.

Edmunde Burke.

Heidi Mendoza, COA accountant na nagbunyag ng anomalya sa AFP.

Heidi Mendoza, COA accountant na nagbunyag ng anomalya sa AFP.

Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nagbunyag ng mga natatagong deposito ng isang punong mahistrado sa pamamagitan ng mga dokumento mula sa AMLC.

Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nagbunyag ng mga natatagong deposito ng isang punong mahistrado sa pamamagitan ng mga dokumento mula sa AMLC.