XIAO TIME, 16 October 2013: WHISTLE BLOWER SA PILIPINAS: PRIMITIVO MIJARES (Whistle Blowers Part 1)

by xiaochua

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Primitivo Mijares at ang kanyang 16-years old na anak na si Boyet, mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Primitivo Mijares at ang kanyang 16-years old na anak na si Boyet, mula sa Eugenia Apostol Foundation.

16 October 2013, Wednesday: http://www.youtube.com/watch?v=Lz26rT8iCSE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  “Benhur Luy, Luy, Luy | Oh she’s only lookin’ to me.”  Si Benhur Luy yang pinakakilalang whistleblower sa pinakahuling telenovela ng koruspsyon sa bansa—ang pork barrel scam.  Ngunit siya ay pinakahuli lang sa mahaba nang kasaysayan ng whistleblowing sa bansa.

Benhur Luy.  Mula sa Interaksyon.

Benhur Luy. Mula sa Interaksyon.

Benhur Luy.  Mula sa Rappler

Benhur Luy. Mula sa Rappler

Whistleblower.  Mula sa airobserver.wordpress.com.

Whistleblower. Mula sa airobserver.wordpress.com.

Maaari sigurong sabihin na ang whistleblowing ay singtanda na rin ng mismong korupsyon, dahil nangyayari ito kapag mayroong nilalantad na iregularidad o korupsyon sa isang institusyon.  Mula sa salitang whistle o yung pito na tinatawag ding silbato.  Ginagamit ito kapag may “foul” sa mga laro.  Alam niyo bang sa Estados Unidos ay nagkaroon na ng whistleblower protection law nang aprubahan ito ng Continental Congress noong 1778, matapos na resbakan ng commander-in-chief ang continental navy ang dalawang whistleblower nang sampahan niya ang mga ito ng libelo.  Alam niyo rin bang sa Estados Unidos may mismong Office of the Whistleblower na umaagapay naman sa mga whistleblower sa mga pribadong kumpanya na gumagawa ng anomalya.

Si Sean McKessy, Pinuno ng Office of the Whistleblower sa Estados Unidos.

Si Sean McKessy, Pinuno ng Office of the Whistleblower sa Estados Unidos.

Isa sa mga sikat na whistleblower sa US ay si “Deep Throat” na siyang nagbigay ng impormasyon sa dalawang Washington Post reporters na sina Bob Woodward at Carl Bernstein sa ilalim ng isang garahe.  Ang impormasyon ay ukol sa tangkang pagtatakip ng mismong Pangulong Richard Nixon sa panloloob na ginanap sa headquarters ng kalabang Democratic Party sa Watergate Building noong 1972.  Ang mga paghahayag ni Deep Throat na siya palang Associate Director ng Federal Bureau of Investigation na si Mark Felt, ang siyang nagtulak kay Nixon na magbitiw sa tungkulin bago ma-impeach.

"Woodstein" -- Si Bob Woodward at Carl Bernstein ng Washington Post.

“Woodstein” — Si Bob Woodward at Carl Bernstein ng Washington Post.

Opisina ng Democratic National Convention sa Watergate.

Opisina ng Democratic National Convention sa Watergate.

Si Deep Throat ay si Mark Felt.  Mula sa Wikipedia.

Si Deep Throat ay si Mark Felt. Mula sa Wikipedia.

Ang pagbibitiw ni Richard Milhous Nixon, August 9, 1974.

Ang pagbibitiw ni Richard Milhous Nixon, August 9, 1974.

Isa pang whistleblower ay si Linda Tripp, empleyado ng Pentagon, na kumaibigan kay Monica Lewinsky at siyang nagrekord ng mga pakikipag-usap niya kay Monica ukol sa sekswal na relasyon ni Monica sa Pangulong William Jefferson Clinton.  Isa ito sa ebidensya na ginamit upang ma-impeach si Clinton noong 1998.

Linda Tripp.

Linda Tripp.

Si Monica Lewinsky, intern ng White House, at ang kanyang "boss" na si Pangulong William Jefferson "Bill" Clinton.

Si Monica Lewinsky, intern ng White House, at ang kanyang “boss” na si Pangulong William Jefferson “Bill” Clinton.

Sa Pilipinas, nauna nang maging whistleblower ang isa sa pinakapinagkakatiwalaang propagandista ni Pangulong Ferdinand Marcos na si Primitivo Mijares.  Si Mijares ang sumulat ng mahaba at komprehensibong pagpapaliwanag kung bakit ipinroklama ang Martial Law sa Sunday Express noong September 24, 1972.  Kumbaga kung may Josef Goebbels si Hitler, may Tibo Mijres si Marcos.  Sinasabing maaari siyang pumasok sa opisina ng pangulo ng walang kaukulang appointment, lakas!

Primitivo Mijares.  Naging Pangulo ng Manila Press Club.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Primitivo Mijares. Naging Pangulo ng Manila Press Club. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Ngunit nakaalitan ni Tibo ang kapatid ni Imelda Marcos na si Kokoy Romualdez kaya naman kumalas siya sa diktador noong 1975.  Tinangka ng rehimen sa suhulan siya ng US$ 100,000.00 ngunit sa kabila nito, tumestigo siya sa US Congress ukol sa mga iregularidad sa pamahalaan ni Marcos.  Sinulat niya rin ang aklat na The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I makalipas ang isang taon, matapos ito, nawalang sukat si Mijares.  Naging desaparecido.

Primitivo Mijares, awtor ng The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Primitivo Mijares, awtor ng The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I.  Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I. Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Autograph mula kay Primitivo Mijares, isang huling mensahe para sa bayan?  Mula sa http://thelivingrice.blogspot.com/2009/12/remembering-primitivo-mijares-and-his.html.

Autograph mula kay Primitivo Mijares, isang huling mensahe para sa bayan? Mula sa http://thelivingrice.blogspot.com/2009/12/remembering-primitivo-mijares-and-his.html.

Hindi naglaon, nakatanggap ang anak niyang si Boyet nang tawag sa telepono noong 1977 na nagsasabing buhay ang kanyang ama at gusto siyang makita.  Dalawang linggo matapos nito, natagpuang patay si Boyet, tonortyur, binunot lahat ng kuko at 33 saksak ng ice pick sa buong katawan, 16 na taong gulang lamang siya.

Boyet Mijares.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Boyet Mijares. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 8 October 2013)