IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

XIAO TIME, 8 August 2013: INTRAMUROS: LUNGSOD SA LOOB NG MGA PADER

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

The Building of Intramuros.  Obra maestra ni Fernando Amorsolo.  Mula sa Pacto de Sangre.

The Building of Intramuros. Obra maestra ni Fernando Amorsolo. Mula sa Pacto de Sangre.

8 August 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=j2bltcomixg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  441 years ago, August 20, 1572, sumakabilang buhay si Miguel Lopez de Legaspi, ang conquistador ng mga Islas Filipinas, isang taon lamang matapos nilang itatag ng mga Espanyol ang kolonyal na Lungsod ng Maynila mula sa kaharian ni Rajah Soliman. 

Representasyon ng pagkamatay ni Miguel Lopez de Legaspi sa kanyang nitso sa Simbahan ng San Agustin na nilikha ng Espanyol na iskultor na si Juan Manuel Iriarte sa kagandahang loob ng Ministry of Froeign Affairs ng Espanya.  Mula sa Koleksyon ng Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Bago siya mamatay, ang lungsod na pinabakuran niya ng kawayan ay mayroon nang mga 150 na mga kabahayan na nakapaloob sa mga parisukat sa pagitan ng mga nagkukrus na daan tulad sa Europa—Roman Grid Pattern, at ang simbahan at monasteryo ng mga unang paring tumungo sa Pilipinas, ang mga Agustino. 

Ang pagtatayo ng mga Espanyol ng mga pader na kahoy sa paligid ng Lungsod ng Maynila.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagtatayo ng mga Espanyol ng mga pader na kahoy sa paligid ng Lungsod ng Maynila. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Noong 1574, ayon sa pinakamadaling basahin at pinakakomprehensibong gabay sa lungsod na isinulat ni Jose Victor Torres, ang Ciudad Murada, ang lungsod na ito ay binigyan ng titulo o karangalan ng Haring Felipe II, sa kanya ipinangalan ang ating bansang Pilipinas, bilang Insigne y siempre leal ciudad (katang-tangi at laging tapat na lungsod). 

Si Xiao Chua at Jose Victor Torres, 2013, mula sa Koleksyon ng Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at Jose Victor Torres, 2012, mula sa Koleksyon ng Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Pabalat ng Ciudad Murada.  Mula sa Aklatan ng Sinupang Xiao CHua.

Pabalat ng Ciudad Murada ni Dr. Vic Torres. Mula sa Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Haring Felipe Segundo.  Obra maestra ni Antonio moro batay kay Pantoja de la Cruz.

Haring Felipe Segundo. Obra maestra ni Antonio moro batay kay Pantoja de la Cruz.

Ang coat of arms ng Maynila na nagpapakita ng  isang kastilyo bilang sagisag ng Kaharian ng Castille, ang pinakamalaking kaharian sa Espanya, at ang merlion, o ang ultramar na simbolo ng mga Espanyol para sa kapuluang Pilipinas.  Mula kay Dr. Ambeth R Ocampo.

Noong 1574, sumalakay ang piratang Tsino na kinatatakutan ng mga Portuges sa Malacca, mga Olandes, maging ng mga Muslim, si Limahong, kasama ng ilang indio tulad ni Rajah Soliman.  Bagama’t nabigo, kamuntik nang maagaw ang Maynila.  Noong 1587, isang pasaway na kandila ang hindi nabantayan sa burol ni Gob Hen. Gonzalo Ronquillo de Peñalosa sa Simbahan ng San Agustin.  Sinunog nito ang simbahan, sinunog din nito ang buong lungsod. 

Ang pagsalakay ni limahong sa Maynila.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagsalakay ni limahong sa Maynila. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagsalakay ni Limahong.  Detalye mula sa mural ni Carlos V. Francisco na pinamagatang "Filipino Struggles Through History" na nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Lungsod ng Maynila.

Ang pagsalakay ni Limahong. Detalye mula sa mural ni Carlos V. Francisco na pinamagatang “Filipino Struggles Through History” na nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Lungsod ng Maynila.

Napagtanto ang pangangailangan na gawing mas matibay ang lungsod.  Ang gumawa ng plano ay ang Heswitang si Padre Antonio Sedeño at sinimulang ipatupad ni Goberndor Heneral Santiago de Vera sa pagpapatayo ng mga tanggulang adobe na Fuerza Santiago, at ang pabilog na Nuestra Señora de Guia o Baluarte de San Diego) kapwa sa batong adobe

Baluarte de San Diego.  Planong gawing watch tower (bantayan) ngunit hindi itinuloy, ibinaon sa lupa hanggang aksidenteng madiskubre noong 1979.  Tinanggal  ang lupa at muling isinaayos ng Intramuros Administration.

Isang larawan sa Furza Santiago noong 1903.  Mula sa Wikipedia.

Isang larawan sa Furza Santiago noong 1903. Mula sa Wikipedia.

Ang humalili sa kanya, si Gobernador Heneral Gomez Perez Dasmariñas, ang siyang nagsimulang magpalibot ng buong lungsod sa pader noong Hunyo 1590 sa utos na rin ng hari.  Dalawang beses din kasi siyang pinagtangkaang kikilan ng tributo ng pinunong Hapones na si Hideyoshi.  Hindi lang pader ang kanyang ipinalibot sa lungsod kundi pati na rin mga ilog-ilogan o moat tulad sa mga midyibal na mga kastilyo sa Europa. 

Hideyoshi.  Mula a Wikipedia.

Hideyoshi. Mula a Wikipedia.

Ilog-ilogan na may drawbridge na parang mga kastilyo sa Europa, ito ang Ravelin Real de Bagumbayan.  Mula kay intrepiddreamer.wordpress.com.

Ilog-ilogan na may drawbridge na parang mga kastilyo sa Europa, ito ang Ravelin Real de Bagumbayan. Mula kay intrepiddreamer.wordpress.com.

Ikonikong gareta o bantayan ng Intramuros.

Ikonikong gareta o bantayan ng Intramuros.

Lumang mapa ng Intramuros noong 1713 na ginawa ni Antonio Fernandez Rojas mula sa orihinal ni Antonio Fernandez Rojas.  Nagpapakita ito ng kaayusan ng mga kalsada ayon sa Roman Grid Pattern at ang mga ilog-ilogan o moat na hindi basta-basta ilog kundi may mga harang na maliliit na isla.  Mula sa Ciudad Murada.

Siyempre, hindi ang mga mananakop ang nagtayo nito, kundi ang mga indio.  Sila ang kumuha ng mga batong adobe mula sa Guadalupe sa San Pedro de Makati, sila ang nagpaanod ng mga ito sa ilog, ang nagbuhat at nagtayo ng mga ito.  Ngunit nang matapos, tanging mga pari, opisyal at mga sundalong Espanyol lamang ang tumira at nakinabang. 

Ang pagpapaanod ng mga troso sa mga dagat at ilof ng mga indio sa pagtatatag ng Intramuros.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagpapaanod ng mga troso sa mga dagat at ilof ng mga indio sa pagtatatag ng Intramuros. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagbuhat ng mga indio sa batong adobeng gagamitin sa pagtatayo ng mga pader na nagmula sa Guadalupe sa San Pedro de Makati.

Ang pagbuhat ng mga indio sa batong adobeng gagamitin sa pagtatayo ng mga pader na nagmula sa Guadalupe sa San Pedro de Makati.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagtatayo ng mga indio ng Intramuros.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagtatayo ng mga indio ng Intramuros. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga pari at mga opisyal Espanyol ng pamahalaang kolonyal ang tumira sa Intramuros.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga pari at mga opisyal Espanyol ng pamahalaang kolonyal ang tumira sa Intramuros. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga mayayamang Espanyol ang siyang tumira sa Intramuros.  Nasa Plaza Mayor sila sa harapan ng Palacio del Gobernador.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga mayayamang Espanyol ang siyang tumira sa Intramuros. Nasa Plaza Mayor sila sa harapan ng Palacio del Gobernador. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Nakilala ang lungsod sa tawag na Intramuros—nakapaloob sa mga pader.  Ito lamang noon ang lungsod ng Maynila, kung saan naroroon ang lahat ng mahahalagang mga tanggapan ng pamahalaan, mga kumbento at monasteryo, mga paaralan.  Umabot sa mahigit pito ang bilang ng simbahan sa loob nito, ang labas nito ay tinawag na mga arabal o suberbs

Intramuros--Sa Loob ng mga pader. Itong 64 ektaryang lupain na ito ang tanging Lungsod ng Maynila noon.

Intramuros–Sa Loob ng mga pader. Itong 64 ektaryang lupain na ito ang tanging Lungsod ng Maynila noon.

Ang Plaza Complex ng Intramuros ang pinakasentro ng Imperyong Espanyol sa Asya!!!  Mga gusali mula sa kaliwa:  Ayuntamiento (City Hall), Katedral ng Maynila at Palacio del Gobernador.  Mula sa National Media Production Center.

Ang Plaza Complex ng Intramuros ang pinakasentro ng Imperyong Espanyol sa Asya!!!  Mga gusali mula sa kaliwa:  Ayuntamiento (City Hall), Katedral ng Maynila at Palacio del Gobernador.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang San Agustin Church, ang pinakamatandang simbahan sa Pilipinas.  Mula sa San Agustin.

Ang San Agustin Church, ang pinakamatandang simbahan sa Pilipinas. Mula sa San Agustin.

Ang Calle Real.  Mula sa Intramuros of Memory.

Ang Calle Real. Mula sa Intramuros of Memory.

Ang Puerte del Parian kung saan bumbili ang mga Espanyol sa mga mangangalakal na Tsino sa labas ng intramuros.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang Puerte del Parian kung saan bumbili ang mga Espanyol sa mga mangangalakal na Tsino sa labas ng intramuros. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga pader ng Intramuros mula sa Binondo at ilog Pasig.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang mga pader ng Intramuros mula sa Binondo at ilog Pasig. Mula sa Pacto de Sangre.

Mapa ng Intramuros at mga Arabales, 1898.

Mapa ng Intramuros at mga Arabales, 1898.

Sa loob ng tatlong siglo, pinrotektahan ng pader ang Pamahalaang Espanyol mula sa lahat ng banta, at ipinakita na mula sa Intramuros dumaloy ang ginhawa para sa kolonya, ang sentro ng Emperyong Espanyol sa Silangan!  Ang Intramuros ay bahagi po ng ating kasaysayan, ingatan po natin ito.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 27 July 2013)

Katedral ng Maynila ngayon sa perspektiba ng isang pool ng tubig-ulan.  Mula sa The Intramuros Collection.

Katedral ng Maynila ngayon sa perspektiba ng isang pool ng tubig-ulan. Mula sa The Intramuros Collection.

XIAO TIME, 17 October 2013: WHISTLE BLOWING SA PILIPINAS (Whistle Blowers part 2)

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Governor Luis "Chavit" Singson.  Mula sa EDSA Dos:  A Nation in Revolt.

Governor Luis “Chavit” Singson. Mula sa EDSA Dos: A Nation in Revolt.

17 October 2013, Thursday: http://www.youtube.com/watch?v=xNaMkVYqGn0

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Usong-uso ngayon ang mga whistle blowers sa ating mga balita, ngunit kung titingnan sa kasaysayan ng ating bansa, hindi na ito bago.  Magbalik-tanaw tayo.  Sa isang testimonya sa US Congress at sa kanyang aklat na The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I, inilantad ni Prmitivo Mijares noong 1975 ang mga kalabisan ng Pangulong Marcos.  Nawalang sukat si Mijares.

Primitivo Mijares, awtor ng The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Primitivo Mijares, awtor ng The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Sa kabila nito marami pa ang sumunod sa yapak ni Tibo.  Ang paglalantad ni Defence Minister Juan Ponce Enrile na pandarayang ginawa niya, lalong-lalo na sa Cagayan, sa halalang snap noong 1986 ang siyang naging mitsa na nagpaalab ng People Power Revolution sa EDSA na tuluyang nagpatalsik sa Pangulong Marcos.

Ang pagtiwalag nina Ramos at Enrile sa Camp Aguinaldo, February 22, 1986.   Mula sa Bayan Ko!

Ang pagtiwalag nina Ramos at Enrile sa Camp Aguinaldo, February 22, 1986. Mula sa Bayan Ko!

Noong, taong 2000, ang pagbubunyag ni Gobernador Luis Chavit Singson na ang Pangulong Joseph Estrada ay tumatanggap ng jueteng payola bilang si Asiong Salonga, “The Lord of All Jueteng Lord” ay nagbunsod sa impeachment ng Pangulong Estrada.  At sa paglilitis naman, ibinunyag ni Emma Lim na tumatanggap siya ng pera mula kay Erap para sa amo niyang si Gobernador Singson.  Hindi nagpasindak sa panlilito ng de kampanilyang abogado, nasabi niya nang tanungin kung kumain ang kasama niya ng iced tea, sumagot ba naman ng, “Uminom po ng iced tea, hindi po niya kinain, your honor.”

Uminom po ng iced tea, hindi po niya kinain, your honor:  Sagot ni Emma Lim kay Atty. Estelito Mendoza.  Mula sa Bayan Ko!

Uminom po ng iced tea, hindi po niya kinain, your honor: Sagot ni Emma Lim kay Atty. Estelito Mendoza. Mula sa Bayan Ko!

At sino ang makakalimot kay Clarissa Ocampo, ang mismong senior vice-president ng trust department ng Equitable PCI Bank na nagsabi na nagbukas ng account ang Pangulong Estrada bilang si Jose Velarde.  Ang mga pagbunyag na ito ang nagbunsod ng tinaguriang EDSA Dos na nagpaalis sa Pangulong Estrada sa Malacanang.

Si Xiao Chua at si Ma'am Clarissa Ocampo, 2011.  Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Ma’am Clarissa Ocampo, October 13, 2011. Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Nariyan din si narcotics agent Mary “Rosebud” Ong na nagbunyag ng mga illegal na aktibidad diumano ng isang senador.

Mary "Rosebud" Ong.

Mary “Rosebud” Ong.

At siyempre sa panahon ng Pangulong Gloria Arroyo, nariyan si intelligence agent Vidal Doble, Jr. at National Bureau of Investigation Deputy Director Sammy Ong na siyang nagsiwalat ng “Hello Garci” scandal; sina Joey de Venecia at Jun Lozada na nagsiwalat ng NBN-ZTE Broadband Deal; sina Sandra Cam at Boy Mayor na nagsiwalat ng pagtanggap ng unang pamilya ng pera mula sa jueteng noong 2005.  Si Boy Mayor ay pinaslang noong 2010;

Vidal Doble.  Mula sa Agence France Presse.

Vidal Doble. Mula sa Agence France Presse.

Samuel Ong.

Samuel Ong.

Joey Lozada habang minomonstra ang pagsasabi sa kanya ng Unang Ginoo ng "Back Off."

Joey Lozada habang minomonstra ang pagsasabi sa kanya ng Unang Ginoo ng “Back Off.”

Si Xiao Chua at si Jun Lozada, Quirino Grandstand, June 30, 2010.  Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Jun Lozada, Quirino Grandstand, June 30, 2010. Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Boy Mayor at Sandra Cam.  Mula sa ABS-CBN News Channel.

Boy Mayor at Sandra Cam. Mula sa ABS-CBN News Channel.

si Atty. Melchor Magdamo na nagbunyag ng PHP 690 million ballot secrecy folder scam, at si Col. George Rabusa na nagsiwalat ng mga pabaon sa pamunuan ng military.  At ang orgmate ko sa UP Lipunang Pangkasaysayan na si Congressman Romeo Candazo na siya palang pinakaunang whistle blower ukol sa anomalya sa prok barrel noon pang 1996.

Si Xiao Chua at si Atty. Melchor Magdamo sa set ng The Bottomline, June 2010.  Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Atty. Melchor Magdamo sa set ng The Bottomline, June 2010. Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Col George Rabuza sa set ng The Bottomline, March 2, 2011.  Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at si Col George Rabuza sa set ng The Bottomline, March 2, 2011. Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Romeo Candazo.

Romeo Candazo.

Ang frontpage ng pagbubunyag ni Kongresista Romeo Candazo noong 1996.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Ang frontpage ng pagbubunyag ni Kongresista Romeo Candazo noong 1996. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Ayon kay Edmund Burke, “The only thing necessary for the triumph of evil is for good men do nothing.”  Mahirap maging whistle blower dahil kung lumantad ka, tila nakabaon na ang isang paa mo sa hukay, dead man walking ka na, ngunit kailangang humugot ng napakalalim na tapang at lakas mula sa pag-ibig sa nakararami, sa bayan, sa pag-asang hindi na ito maulit.  Yan ay kung hindi kakalimutan ang kasaysayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Faculty Center, Old Library, DLSU Manila, 8 October 2013)

Edmunde Burke.

Edmunde Burke.

Heidi Mendoza, COA accountant na nagbunyag ng anomalya sa AFP.

Heidi Mendoza, COA accountant na nagbunyag ng anomalya sa AFP.

Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nagbunyag ng mga natatagong deposito ng isang punong mahistrado sa pamamagitan ng mga dokumento mula sa AMLC.

Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nagbunyag ng mga natatagong deposito ng isang punong mahistrado sa pamamagitan ng mga dokumento mula sa AMLC.

XIAO TIME, 16 October 2013: WHISTLE BLOWER SA PILIPINAS: PRIMITIVO MIJARES (Whistle Blowers Part 1)

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Primitivo Mijares at ang kanyang 16-years old na anak na si Boyet, mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Primitivo Mijares at ang kanyang 16-years old na anak na si Boyet, mula sa Eugenia Apostol Foundation.

16 October 2013, Wednesday: http://www.youtube.com/watch?v=Lz26rT8iCSE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  “Benhur Luy, Luy, Luy | Oh she’s only lookin’ to me.”  Si Benhur Luy yang pinakakilalang whistleblower sa pinakahuling telenovela ng koruspsyon sa bansa—ang pork barrel scam.  Ngunit siya ay pinakahuli lang sa mahaba nang kasaysayan ng whistleblowing sa bansa.

Benhur Luy.  Mula sa Interaksyon.

Benhur Luy. Mula sa Interaksyon.

Benhur Luy.  Mula sa Rappler

Benhur Luy. Mula sa Rappler

Whistleblower.  Mula sa airobserver.wordpress.com.

Whistleblower. Mula sa airobserver.wordpress.com.

Maaari sigurong sabihin na ang whistleblowing ay singtanda na rin ng mismong korupsyon, dahil nangyayari ito kapag mayroong nilalantad na iregularidad o korupsyon sa isang institusyon.  Mula sa salitang whistle o yung pito na tinatawag ding silbato.  Ginagamit ito kapag may “foul” sa mga laro.  Alam niyo bang sa Estados Unidos ay nagkaroon na ng whistleblower protection law nang aprubahan ito ng Continental Congress noong 1778, matapos na resbakan ng commander-in-chief ang continental navy ang dalawang whistleblower nang sampahan niya ang mga ito ng libelo.  Alam niyo rin bang sa Estados Unidos may mismong Office of the Whistleblower na umaagapay naman sa mga whistleblower sa mga pribadong kumpanya na gumagawa ng anomalya.

Si Sean McKessy, Pinuno ng Office of the Whistleblower sa Estados Unidos.

Si Sean McKessy, Pinuno ng Office of the Whistleblower sa Estados Unidos.

Isa sa mga sikat na whistleblower sa US ay si “Deep Throat” na siyang nagbigay ng impormasyon sa dalawang Washington Post reporters na sina Bob Woodward at Carl Bernstein sa ilalim ng isang garahe.  Ang impormasyon ay ukol sa tangkang pagtatakip ng mismong Pangulong Richard Nixon sa panloloob na ginanap sa headquarters ng kalabang Democratic Party sa Watergate Building noong 1972.  Ang mga paghahayag ni Deep Throat na siya palang Associate Director ng Federal Bureau of Investigation na si Mark Felt, ang siyang nagtulak kay Nixon na magbitiw sa tungkulin bago ma-impeach.

"Woodstein" -- Si Bob Woodward at Carl Bernstein ng Washington Post.

“Woodstein” — Si Bob Woodward at Carl Bernstein ng Washington Post.

Opisina ng Democratic National Convention sa Watergate.

Opisina ng Democratic National Convention sa Watergate.

Si Deep Throat ay si Mark Felt.  Mula sa Wikipedia.

Si Deep Throat ay si Mark Felt. Mula sa Wikipedia.

Ang pagbibitiw ni Richard Milhous Nixon, August 9, 1974.

Ang pagbibitiw ni Richard Milhous Nixon, August 9, 1974.

Isa pang whistleblower ay si Linda Tripp, empleyado ng Pentagon, na kumaibigan kay Monica Lewinsky at siyang nagrekord ng mga pakikipag-usap niya kay Monica ukol sa sekswal na relasyon ni Monica sa Pangulong William Jefferson Clinton.  Isa ito sa ebidensya na ginamit upang ma-impeach si Clinton noong 1998.

Linda Tripp.

Linda Tripp.

Si Monica Lewinsky, intern ng White House, at ang kanyang "boss" na si Pangulong William Jefferson "Bill" Clinton.

Si Monica Lewinsky, intern ng White House, at ang kanyang “boss” na si Pangulong William Jefferson “Bill” Clinton.

Sa Pilipinas, nauna nang maging whistleblower ang isa sa pinakapinagkakatiwalaang propagandista ni Pangulong Ferdinand Marcos na si Primitivo Mijares.  Si Mijares ang sumulat ng mahaba at komprehensibong pagpapaliwanag kung bakit ipinroklama ang Martial Law sa Sunday Express noong September 24, 1972.  Kumbaga kung may Josef Goebbels si Hitler, may Tibo Mijres si Marcos.  Sinasabing maaari siyang pumasok sa opisina ng pangulo ng walang kaukulang appointment, lakas!

Primitivo Mijares.  Naging Pangulo ng Manila Press Club.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Primitivo Mijares. Naging Pangulo ng Manila Press Club. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Ngunit nakaalitan ni Tibo ang kapatid ni Imelda Marcos na si Kokoy Romualdez kaya naman kumalas siya sa diktador noong 1975.  Tinangka ng rehimen sa suhulan siya ng US$ 100,000.00 ngunit sa kabila nito, tumestigo siya sa US Congress ukol sa mga iregularidad sa pamahalaan ni Marcos.  Sinulat niya rin ang aklat na The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I makalipas ang isang taon, matapos ito, nawalang sukat si Mijares.  Naging desaparecido.

Primitivo Mijares, awtor ng The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Primitivo Mijares, awtor ng The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I.  Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I. Mula sa Koleksyon ng Sinupang Xiao Chua.

Autograph mula kay Primitivo Mijares, isang huling mensahe para sa bayan?  Mula sa http://thelivingrice.blogspot.com/2009/12/remembering-primitivo-mijares-and-his.html.

Autograph mula kay Primitivo Mijares, isang huling mensahe para sa bayan? Mula sa http://thelivingrice.blogspot.com/2009/12/remembering-primitivo-mijares-and-his.html.

Hindi naglaon, nakatanggap ang anak niyang si Boyet nang tawag sa telepono noong 1977 na nagsasabing buhay ang kanyang ama at gusto siyang makita.  Dalawang linggo matapos nito, natagpuang patay si Boyet, tonortyur, binunot lahat ng kuko at 33 saksak ng ice pick sa buong katawan, 16 na taong gulang lamang siya.

Boyet Mijares.  Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Boyet Mijares. Mula sa Eugenia Apostol Foundation.

Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 8 October 2013)