XIAO TIME, 1 November 2013: KASAYSAYAN NG KONSEPTO NG ASWANG

by xiaochua

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

1 November 2013, Friday: http://www.youtube.com/watch?v=RWX_oiJmNCM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong isang linggo ay nagtungo ako sa Roxas City sa Capiz para sa magsalita sa unang Borres Youth Leadership Institute Social Science Camp.  Nang sabihin ko sa isang mahal sa buhay na nagmula ako sa Capiz, tinanong ba naman sa akin, “nakakita ka ba ng aswang?  Maraming aswang sa Capiz.”

Si Xiao Chua habang nagsasalita sa Borres Youth Leadership Institute Social Science Camp sa Capiz National High School sa Lungsod ng Roxas, October 25, 2013.  Dito nag-aral ng hayskul si Pangulong Manuel A. Roxas.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Matandang Capiz.  Mula sa jes9.wordpress.com.

Matandang Capiz. Mula sa jes9.wordpress.com.

Hindi na naalis sa Capisnon ang stigma na sila ay bayan ng mga aswang, therefore, bayan ng mga delikadong tao.  Ano ba ang ugat ng konseptong ng “aswang.”  Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga kwentong bayan at tala ng mg Espanyol, ipinakita ni Prop. Randy R. Gigawin sa kanyang papel na “Debunking the Myth of Aswang in Capiz.” Ito ay bilang tugon sa hamon ng pagtuturo ng lokal na kasaysayan ng Capiz sa Araling Panlipunan sa Grade 7 sa ating K+12 kung saan kabilang ang “aswang.”

Si Xiao Chua kasama si Prop. Randy R. Gigawin, October 25, 2013.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama si Prop. Randy R. Gigawin, October 25, 2013. Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Bago pa man dumating ang mga Espanyol, mayroon nang mga kwentong bayan sa Capiz na binabanggit ang aswang.  Ang isa ay binabanggit na may mga naghari sa isla ng Panay na kahahango pa lamang noon mula sa Dakilang Baha, sina Agurang, ang mabuting kaluluwa nakagagaling, at Asuwang, ang masamang kaluluwa na maaaring makasama o makamatay.  Ang pangalawa naman ay sa “Humadapnon” kung saan na binaggit na isang aswang si Paglambuhan, isang matapang, kagalang-kagalang at batikang mandirigma o hangaway na iniipon ang mga buto ng mga taong natalo niya sa isang mano manong labanan at kinikilalang datu ng lipunan.  Kung titingnan ang aswang ay ikinakabit sa kahit na sinong kinatatakutan o iniiwasan ng bayan.  Sa depinisyon sa mga diskyunaryong isinulat ng mga prayleng Espanyol ang aswang ay “hechicero, brujo, y fantasma” na ang kahulugnan ay “sorcerer,” “witch,” at “ghost.”

Aswang.  Mula kay Carlene  Collis-Smith aka sassyangel.

Aswang. Mula kay Carlene Collis-Smith aka sassyangel.

Aswang.  Kinulayan ng totmoartstudio.

Aswang. Kinulayan ng totmoartstudio.

Aswang.  Mula sa philippinesplus.com.

Aswang. Mula sa philippinesplus.com.

Mula sa mga pagbasang ito, makikita na ang pinapatungkulan ng mga Espanyol na mga aswang ay yung mga babaylan.  Ang mga dating esprituwal na pinuno ng bayan na dahil nais nilang palitan ay siniraan nila upang tawaging “may sa demonyo.”  Malakas kasi ang babaylanismo sa Panay at magtutungo sila at ang kanilang mga tagasunod sa kabundukan upang umiwas sa Katolisismo at kolonyalismo.  Kaya naman ang mga taga-bundok ay tatawaging mga masasamang tao.

Ang Babaylan.  Obra ni R. Aguilar oara sa Museo ng Negros.  agboiblogspot.com.

Ang Babaylan. Obra ni R. Aguilar oara sa Museo ng Negros. agboiblogspot.com.

Ang babaylan na inilarawan dito na lumilipad.

Ang babaylan na inilarawan dito na lumilipad.

Paglalarawan sa babaylan bilang tagapamagitan ng tao sa Maykapal.

Paglalarawan sa babaylan bilang tagapamagitan ng tao sa Maykapal.

Paglalarawan sa tatlong pangunahing papel sa lipunang Pilipino noong sinaunang bayan ayon kay Dr. Zeus A Salazar:  Datu, Babaylan at Panday.

Paglalarawan sa tatlong pangunahing papel sa lipunang Pilipino noong sinaunang bayan ayon kay Dr. Zeus A Salazar: Datu, Babaylan at Panday.

Ang pagdating mga mga prayle at ng Katolisimo sa Pilipinas.

Ang pagdating mga mga prayle at ng Katolisimo sa Pilipinas.

Ang babaylan ang ang prayle na gustog pumalit sa kanya.

Ang babaylan ang ang prayle na gustog pumalit sa kanya.

Kaya gumawa na ng iba’t ibang kwento ang mga prayle na katulad ni Juan de Plasencia na nagsasabing ang mga aswang ay nakikitang lumilipad, pumapatay ng mga tao at kinakain ang kanilang mga laman.  Kay Ortiz, ang aswang ay lumilipad sa bubong ng bahay, nilalabas ang dila na parang sinulid at ipinapasok sa puwitan ng bata upang kainin ang mga lamang-loob nito.

Aswang.  Mula sa villains.wikia.com.

Aswang. Mula sa villains.wikia.com.

Aswang.  Mula sa websayt ng GMA News.com/

Aswang. Mula sa websayt ng GMA News.com.

Binabanggit din ng mga prayle na nagiging aso ito, minsan pusa o ipis upang makalapit sa bata.  Kinakain din daw nila ang mga maysakit at ang mga patay.  Sa huli, ayon kay Alicia Magos, eksperto sa kasaysayan ng Panay, dalawang babaylan sa Panay ang siyang tumutol na sumailalim sa mga Espanyol, sina Conitnit and Cauayuay at dahil sa patuloy na pagpapraktis nila ng katutubong paniniwala, ibinigay sa kanila ng mga Espanyol ang pinakamalaking insulto sa mga Panayanhon, ang katawagang aswang.

Aswang.  Mula kay Alamat ng Lakan.

Aswang. Mula kay Alamat ng Lakan.

Si Xiao Chua at Dr. Alicia Magos, November 28, 2012, Guimaras.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at Dr. Alicia Magos, November 28, 2012, Guimaras. Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Nanay Lilia Cuntapay ay madala sna gumanap na aswang sa pelikula.  Mula sa Philippine Daily Inquirer/

Si Nanay Lilia Cuntapay ay madala sna gumanap na aswang sa pelikula. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Muli, paninirang puri ng mga Espanyol ang salitang aswang sa mga ninuno nating babaylan.  Hindi sila masasamang tao.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(At the taxi and People’s Television Network, 29 October 2013)