XIAO TIME, 6 November 2013: JOSE PALMA, BAYANING SINGER

by xiaochua

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Jose Palma.  Mula fcebook page ni Dr. Jose Victor Torres.

Jose Palma. Mula fcebook page ni Dr. Jose Victor Torres.

6 November 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=cP-yT6O8orI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayong buwan ng Bonifacio @ 150, ginuguita rin natin ang mga bayani ng himagsikang kanyang sinimulan.  Well, 150 years ago sa taon ding ito, June 3, 1863, isinilang si José Velásquez Palma, nakababatang kapatid ng naging Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas, Rafael Palma.  Habang siya ay isinisilang, naganap ang isa sa pinakamalakas na lindol na yumanig sa Maynila.

Rafael Palma, kapatid ni Jose, Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas.  Painting mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas.

Rafael Palma, kapatid ni Jose, Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas. Painting mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas.

Maagang namatay ang kanyang ina kaya naging maramdamin at tahimik, limang taon pa lamang siya noon.  Nag-aral sa Ateneo Municipal ngunit huminto sa pag-aaral, sumapi rin sa Katipunan nang maakit ng kisig sa pakikidigma ni Heneral Gregorio del Pilar.  Isang buwang nawala noong 1897 sa hindi malamang kadahilanan.  Sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, nakipaglaban siya sa Angeles at Bamban sa ilalim ni Heneral Servillano Aquino, ang lolo sa tuhod ng ating mahal na pangulo.

Heneral Gregorio del Pilar

Heneral Gregorio del Pilar

Heneral Servillano Aquino

Heneral Servillano Aquino

Ngunit nakitaan ng kahinaan ng katawan kaya ayun, pinakanta na lamang siya ng mga kundiman upang maaliw ang mga sundalo sa pagitan ng mga labanan.  Mahilig din siya na maglapat ng sarili niyang mga titik sa mga sikat na tugtugin noon.  Sa loob ng isang railway depot sa Bautista, Bayambang, Pangasinan, napagtripan niyang lagyan ng titik ang martsa na sinulat ni Julian Felipe sa Cavite isang taon na ang nakalilipas na naging Marcha Nacional Filipina.

Julian Felipe

Julian Felipe

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe.  Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Ang piyesa para sa Marcha Nacional ni Felipe. Mula sa Mansyong Aguinaldo.

Lumabas ang kanyang tulang pinamagatang “Filipinas” sa unang anibersaryong edisyon ng pahayagang La Independencia noong September 3, 1899.  Nagsimula ang tula sa mga katagang “Tierra adorada, hija del sol de oriente.”  Lumaganap ang mga titik kahit magsara ang diyaryo dulot ng pagtatagumpay ng mga Amerikano.  At dahil ang titik at musika ay naging sagisag ng pakikibaka laban sa mga Amerikano, ano pa kundi bi-nan nga ng kolonyal na pamahalaan ang pagpapatugotog at pag-awit ng Marcha at ang pagpapakita ng pambansang bandila sa pamamagitan ng Act 1696 na inaprubahan ng Philippine Commission bilang ang Flag Law.

La Independencia.  Mula kay Pinoy Kolektor.

La Independencia. Mula kay Pinoy Kolektor.

Mga titik ng Hymno Nacional Filipino.  Mula sa http://filipinoway.blogspot.com/2011/03/hymno-nacional-filipino.html.

Mga titik ng Hymno Nacional Filipino. Mula sa http://filipinoway.blogspot.com/2011/03/hymno-nacional-filipino.html.

Marami ang naaresto dahil sa batas na ito na pinawalang-bisa lamang noong 1917.  Mismong mga Amerikano na rin ang nagpasalin ng tula patungong Ingles noong Dekada 1920 kina Camilo Osias at Mary A. L. Lane na ginawang opisyal ng Kongreso noong 1938, ito yung awit na nagsisimula sa, “Land of the Morning, child of the sun returning.”  Noong 1948, isinalin nina Ildefonso Santos at Julian Cruz Balmaceda bilang “Diwang Pilipino” na pinaglaruan naman ng komite ng mga musikero, manunulat at pangkat tekniko sa direksyon Kagawaran ng Edukasyon na nagsalin ng opisyal na bersyon Pilipino, ang Lupang Hinirang, na sinimulang isalin noong May 26, 1956, naging opisyal na lamang na may kasamang pagwawasto noong December 19, 1963.

Camilo Osias

Camilo Osias

Julian Cruz Balmaceda mula sa poemhunter.com

Julian Cruz Balmaceda mula sa poemhunter.com

Piyesa ng Pambansang Awit ng Pilipinas bilang "Lupang Hinirang."

Piyesa ng Pambansang Awit ng Pilipinas bilang “Lupang Hinirang.”

Si Palma naman ay patuloy na nagsulat at nagtatag ng mga pahayagan, kasama na ang El Renacimiento kasama ng kanyang kapatid na si Rafael noong 1900.  Ngunit ilang taon lamang ang lilipas, yayao rin sa buhay na ito si Jose Palma noong 1903.

Isang sipi ng El Renacimiento Filipino.

Isang sipi ng El Renacimiento Filipino.

Hindi lamang mga kawal ang may papel sa pakikibaka para sa kalayaan, kundi maging ang mga artista, at  mga singer dahil bagama’t hindi man sila humahawak ng armas, sila ang nagpapadaloy ng diwa at damdamin nating mga Pilipino.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 25 May 2013/ People’s Television Network, 3 November 2013)