ANG DIWA NG KATIPUNAN: “Kapatiran, Kabutihang-Loob, Kaginhawaan, Kalayaan!” (Para sa Bonifacio@150)

by xiaochua

Andres Bonifacio.  Mula sa La Ilustracion Espanola y Americana.

Andres Bonifacio. Mula sa La Ilustracion Espanola y Americana.

Ang papel na ito ang aking abang ambag sa pagdiriwang ng ika-150 taong kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, Unang Pangulo ng Pilipinas at Ama ng Sambayanang Pilipino.

Download full paper here:  http://www.bagongkasaysayan.org/saliksik/wp-content/uploads/2014/11/06-Artikulo-Chua.pdf

Abstract:

ANG KAUGNAYAN NG MABUTING KALOOBAN SA DALUMAT NG KALAYAAN AT PAGKABANSA NG KATIPUNAN

Marami ang nag-stereotype sa Katipunan bilang samahan ng mga bobong masa na sugod ng sugod at walang ibang alam na gawin kung hindi maging bayolente.  Ngunit sa mga pananaliksik ng mga historyador at iba pa sa Agham Panlipunan sa mga nakaraang tatlong dekada, makikita na lumilitaw na ang tunay na mukha ng Katipunan hindi lamang bilang isang samahang mapanghimagsik kundi isang proyekto sa pagbubuo ng bansa.  Sa pananaliksik ni Teresita Maceda, kanyang kinonekta, batay sa mga batis ng Katipunan mismo, na ang tunay na kalayaan ng bayan ay maiuugat sa kaginhawaan.  Sa pagbanggit naman sa mga pag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino tulad nang kay Zeus A. Salazar, makikita na ang batis ng ginhawa ay ang mabuting kalooban.  Kung pag-uugnayin ang mga ito, makikita ang kumpletong larawan ng konsepto ng Katipunan ng Kalayaan:  Walang tunay na kalayaan kung walang kaginhawaan, at wala namang kaginhawaan kung walang mabuting kalooban.  At dito makikita kung bakit mahalaga ang Kartilya ng Katipunan sa pagpapanatili ng asal ng tao, ang mga anting-anting bilang proteksyon ng kalooban, at ang sanduguan bilang sagisag ng kapatiran at pagiging magka-loob.  Na hindi sapat na humawak lamang ng sandata ang mga Katipunero kundi kailangan na mayroon din silang banal, kapuri-puri at marangal na mga hangarin para sa bayan.  Na ang pagkabansa ay nagsisimula sa kapasyahan ng kalooban na palayain ang sarili at umibig sa Maykapal at sa kapwa.  Lagi nating naaalala ang Supremo Bonifacio bilang a-tapang a-tao. Nakaligtaan natin na tinuruan din niya tayong umibig.

Binasa sa pambansang kumperensya-pagtatanghal ng Unibersidad ng Pilipinas, BONIFACIO 150: ALAY SA BAYAN Nobyembre 22, 2013 sa GT-Toyota Asian Cultural Center, Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

Binasa sa pambansang kumperensya-pagtatanghal ng Unibersidad ng Pilipinas, BONIFACIO 150: ALAY SA BAYAN Nobyembre 22, 2013 sa GT-Toyota Asian Cultural Center, Unibersidad ng Pilipinas Diliman.