IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: jacinto

PANATA NG MANGGAGAWA (Batay sa mga salita nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at Julio Nakpil)

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Caloocan.  Nililok ni Guillermo Tolentino.  Mula kay Isagani Medina.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Caloocan. Nililok ni Guillermo Tolentino. Mula kay Isagani Medina.

Ako ay manggagawang Pilipino

Mahigpit akong nanunumpa na maging masipag sa pag hahanap-buhay

Sapagkat ito ang siyang tunay na pag ibig at pag mamahal sa sarili sa asawa, anak at kapatid o kababayan

Ngunit hindi ako papaapi at hindi ako makikiapi

Ipagtatanggol ko ang inaapi at kakabakahin ang umaapi sa kapwa manggagawa

Gagawin ko ito ng malamig ang aking loob, matiyaga, makatuwiran at maypag-asa

Sapagkat dito nagbubuhat ang ikagaganap ng mabuting ninanais.

Magkakawanggawa ako, iibig ako sa kapwa

Isusukat ko ang bawat kilos gawa at pangungusap sa talagang katuwiran

Sapagkat isinusulong ko ang tunay na puri at kabanalan

Ipagwawagi ko ang kahusayan, upang matupad ang layon ng Katipunan

Na itampok at tubusin ang bayan

Hindi ko gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba

Ang hindi ko ibig gawin sa asawa, anak at kapatid ko

Hindi ko sasayangin ang panahon

Sisikapin kong magkaroon ng magandang asal

May isang pangungusap, may dangal at puri

Sapagkat sa kabutihang-loob nagmumula ang tunay na kaginhawaan

Babahaginan ko ng makakaya ang alin mang nagdaralita

Iibigin ko ang kapwa ko bilang aking kapatid

At aampunin ko ang bayan dahil ang nais ko ay lunas

Sapagkat ang kaginhawaan ng bayan ay ang kalayaan ng lahat

Itinataya ko ang aking dangal sa ipagkakaisa ng loob at kaisipan ng mga Anak ng Bayan

Kasihan nawa ako ng Maykapal

Binuo ni Michael Charleston “Xiao” Chua, batay sa mga sinulat nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at Julio Nakpil, ngayong 30 Nobyembre 2013, ika-150 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, 4:44 AM sa kahilingan ng NAGKAISA! para sa kanilang pagkilos sa araw na ito.

IKA-150 TAONG KAARAWAN NI GAT ANDRES BONIFACIO, GUGUNITAIN BUKAS: SPECIAL REPORT

Text of the broadcast of Xiao Chua’s special report for News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Jim Richardson.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Jim Richardson.

29 November 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=NIgF4twsSXM

Gat Andres Bonifacio, isang pangalan na nagpapagunita sa atin ng isang a-tapang a-tao, ngunit madalas, ng isang matayog na rebulto o matigas na mukha sa barya.  Ngunit, kilala ba natin talaga siya?  Madalas na ipakilala bilang Ama ng Katipunan, Unang Naggalaw ng Paghihimagsik, ngunit nakilala din bilang bobong bodegero na walang pinanalong laban dahil walang pinag-aralan at walang kakayahang militar.

Ang orihinal na Bantayog sa Balintawak, "Sa alaala ng mga Bayani ng 1896."  Hindi po ito si Bonifacio.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ang orihinal na Bantayog sa Balintawak, “Sa alaala ng mga Bayani ng 1896.” Hindi po ito si Bonifacio. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Sino nga ba ang tunay na Andres Bonifacio.  Isinilang siya noong November 30, 1863 sa Tondo, Maynila sa isang bangkero, sastre at naging teniente mayor na si Santiago Bonifacio, at isang mestisang Espanyola na puno ng isang sangay ng pagawaan ng sigarilyo na si Catalina de Castro.  Isinilang na middle class si Andres at nakapag-aral kay Guillermo Osmeña at nakaabot hanggang sa mataas na paaralan hanggang sa siya ay matigil dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang noong siya ay 14.  Bilang panganay sa anim na magkakapatid, tumayo siyang kapwa ama at ina nila, gumagawa at nagbebenta ng mga baston at pamaypay sa mga maykaya sa labas ng simbahan.

Si Andres habang nagbebenta ng baston at abaniko sa patio ng simbahan.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Si Andres habang nagbebenta ng baston at abaniko sa patio ng simbahan. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Naging empleyado ng dalawang international company sa Maynila.  Ito ang dahilan bakit sa kanyang tanging larawan, siya ay naka-amerikana at postura.  Sa pagitan ng pagtatrabaho at paggawa ng mga baston, binuklat niya ang mga aklat at nagbasa ukol sa batas, medisina, mga nobela ni Jose Rizal, Kasaysayan ng Amerika at Rebolusyong Pranses, kasama na ang Les Miserables.

Nagsikap si Bonifacio na matuto sa sarili at naging palabasa.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Nagsikap si Bonifacio na matuto sa sarili at naging palabasa. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Dahil dito lumawak ang kanyang pag-iisip at nangarap, nagkaroon siya ng ideya na kung dati rati kapag isinilang ang indio, mamamatay pa rin siyang alipin, sa kanyang pinangarap na bansa, ang bayan, tayo, hari, ang makapangyarihan.  Sumapi siya sa Masoneriya, at sa La Liga Filipina ni Rizal noong itatag ito noong July 3, 1892 upang magtulungan ang mga kababayan.

Pagtatatag ng La Liga Filipina.  Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Ngunit matapos lamang ang tatlong araw, inaresto si Rizal kaya kinabukasan, July 7, 1892, isinakatupran nila ang matagal na nilang binabalak ayon sa mga dokumentong nanggaling sa Archivo Militar ng Madrid, ang pormal na pagtatag ng Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan na sa loob ng apat na taon ay lumaganap at nagkaroon ng kasapian sa Luzon, Visayas ay Mindanao.  Hindi lamang simpleng samahang mapanghimagsik ang Katipunan, sa tulong ng kanyang mga kapanalig tulad nina Emilio Jacinto, Pio Valenzuela, Aurelio Tolentino at iba pa, naging proyekto ito ng pagbubuo ng isang bansang tunay na malaya, may kaginhawaan, mabuting kalooban at kapatiran.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto.  Mula sa isang malaganap na postcard.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto. Mula sa isang malaganap na postcard.

Dr. Pio Valenzuela

Dr. Pio Valenzuela

Bago ka lumaban sa Espanya, kailangan handa at mabuti muna ang kalooban ng bawat isa.  Naging code name niya ang Maypagasa.  Dumating ang oras, August 1896, nabisto ang Katipunan at isanlibong tao ang nagpunit ng sedula sa Unang Sigaw sa Balintawak, Kalookan.

Unang Bugso ng Himagsikan

Unang Bugso ng Himagsikan

Si Bonifacio ang nagtakda ang istratehiya ng himagsikan.  May mga laban ang Katipunan na nagtagumpay at nabigo subalit hindi nanamlay ang mga Anak ng Bayan.  Sa pagtatangka niyang ayusin ang sigalot sa mga balanghay sa Cavite bilang Pangulo ng Haring Bayan, naipit siya sa pilitika at pinaslang noong May 10, 1897.

Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng demokrasyang elit sa bansa.  Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng demokrasyang elit sa bansa. Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

Lagi nating naaalala si Gat Andres bilang a-tapang a-tao. Nakaligtaan natin na tinuruan din niya tayong umibig.  Maligayang ika-150 kaarawan, Supremo.  Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 24 November 2013)

ANG DIWA NG KATIPUNAN: “Kapatiran, Kabutihang-Loob, Kaginhawaan, Kalayaan!” (Para sa Bonifacio@150)

Andres Bonifacio.  Mula sa La Ilustracion Espanola y Americana.

Andres Bonifacio. Mula sa La Ilustracion Espanola y Americana.

Ang papel na ito ang aking abang ambag sa pagdiriwang ng ika-150 taong kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, Unang Pangulo ng Pilipinas at Ama ng Sambayanang Pilipino.

Download full paper here:  http://www.bagongkasaysayan.org/saliksik/wp-content/uploads/2014/11/06-Artikulo-Chua.pdf

Abstract:

ANG KAUGNAYAN NG MABUTING KALOOBAN SA DALUMAT NG KALAYAAN AT PAGKABANSA NG KATIPUNAN

Marami ang nag-stereotype sa Katipunan bilang samahan ng mga bobong masa na sugod ng sugod at walang ibang alam na gawin kung hindi maging bayolente.  Ngunit sa mga pananaliksik ng mga historyador at iba pa sa Agham Panlipunan sa mga nakaraang tatlong dekada, makikita na lumilitaw na ang tunay na mukha ng Katipunan hindi lamang bilang isang samahang mapanghimagsik kundi isang proyekto sa pagbubuo ng bansa.  Sa pananaliksik ni Teresita Maceda, kanyang kinonekta, batay sa mga batis ng Katipunan mismo, na ang tunay na kalayaan ng bayan ay maiuugat sa kaginhawaan.  Sa pagbanggit naman sa mga pag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino tulad nang kay Zeus A. Salazar, makikita na ang batis ng ginhawa ay ang mabuting kalooban.  Kung pag-uugnayin ang mga ito, makikita ang kumpletong larawan ng konsepto ng Katipunan ng Kalayaan:  Walang tunay na kalayaan kung walang kaginhawaan, at wala namang kaginhawaan kung walang mabuting kalooban.  At dito makikita kung bakit mahalaga ang Kartilya ng Katipunan sa pagpapanatili ng asal ng tao, ang mga anting-anting bilang proteksyon ng kalooban, at ang sanduguan bilang sagisag ng kapatiran at pagiging magka-loob.  Na hindi sapat na humawak lamang ng sandata ang mga Katipunero kundi kailangan na mayroon din silang banal, kapuri-puri at marangal na mga hangarin para sa bayan.  Na ang pagkabansa ay nagsisimula sa kapasyahan ng kalooban na palayain ang sarili at umibig sa Maykapal at sa kapwa.  Lagi nating naaalala ang Supremo Bonifacio bilang a-tapang a-tao. Nakaligtaan natin na tinuruan din niya tayong umibig.

Binasa sa pambansang kumperensya-pagtatanghal ng Unibersidad ng Pilipinas, BONIFACIO 150: ALAY SA BAYAN Nobyembre 22, 2013 sa GT-Toyota Asian Cultural Center, Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

Binasa sa pambansang kumperensya-pagtatanghal ng Unibersidad ng Pilipinas, BONIFACIO 150: ALAY SA BAYAN Nobyembre 22, 2013 sa GT-Toyota Asian Cultural Center, Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

AN ANDRES BONIFACIO TIMELINE (In commemoration of the month of the 150th birth anniversary of the Father of the Filipino Nation, updated and edited November 2017)

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

  • 30 Nobyembre 1863—Isinilang si Andres Bonifacio sa Tondo, Maynila.  Panganay sa anim na magkakapatid.  Nag-aral sa ilalim ni Guillermo Osmeña na taga Cebu.  Naghanap-buhay kasama ang mga kapatid sa pamamagitan ng pagbenta ng mga baston at abaniko.  Naging clerk-messenger sa Fleming and Co. at Fressel and Co.  Itinuturing ni Dr. Milagros Guerrero na isang young urban professional noong mga panahong iyon.  Naulila ng lubos sa edad na 22.  Aktor siya sa Teatro Porvenir kasama nina Aurelio Tolentino at Macario Sakay at paborito niyang karakter si Bernardo Carpio, ang itinuturing na tagapagligtas ng mga Tagalog.  Naging bihasa siya sa Wikang Tagalog at nagbasa rin ng mga salin sa Espanyol ng mga aklat ni Alexandre Dumas, Les Miserables ni Victor Hugo, Las Ruinas de Palmyra, ukol sa Himagsikang Pranses, Buhay ng mga Pangulo ng Estados Unidos, Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal, Ang Bibliya, maging mga aklat ukol sa medisina at batas.
Ang magkakapatid na Bonifacio.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Ang magkakapatid na Bonifacio. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Si Andres habang nagbebenta ng baston at abaniko sa patio ng simbahan.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Si Andres habang nagbebenta ng baston at abaniko sa patio ng simbahan. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Nagsikap si Bonifacio na matuto sa sarili at naging palabasa.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Nagsikap si Bonifacio na matuto sa sarili at naging palabasa. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Ang Katipunan

  • Enero 1892—May dokumento na natagpuan sa Archivo Militar sa Espanya na isinulat mismo ng Katipunan ukol sa plano ng pagtatatag at istruktura ng Kataas-taasang Katipunan bago pa man ito pormal na maitatag noong Hulyo 7, 1892.
Unang pahina ng "Casaysayan; Pinagcasunduan; Manga daquilang cautosan," Enero 1892.  Mula sa Archivo General Militar de Madrid sa pamamagitan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Unang pahina ng “Casaysayan; Pinagcasunduan; Manga daquilang cautosan,” Enero 1892. Mula sa Archivo General Militar de Madrid sa pamamagitan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

  • 3 Hulyo 1892—Itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.  Ang Liga ay naglalayong pagsama-samahin ang kapuluan sa isang katawan, proteksyon para sa lahat, pagtatanggol laban sa kaguluhan at kawalan ng katarungan, pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura, at pangangalakal, at pag-aaral at pagsasagawa ng mga reporma.  Naging kasapi nito sina Andres Bonifacio, Deodato Arellano at Apolinario Mabini.
Unang pahina ng orihinal na manuskrito ng saligang batas ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal sa Hongkong, 1892.

Unang pahina ng orihinal na manuskrito ng saligang batas ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal sa Hongkong, 1892.

  • 6 Hulyo 1892—Inaresto si Rizal at ikinulong sa Fuerza Santiago, at matapos ang ilang araw, 17 Hulyo 1892, dumating si Rizal sa Dapitan bilang isang destiero.
  • 7 Hulyo 1892—Sa Kalye Azcarraga (ngayo’y CM Recto), itinatag ni Andres Bonifacio ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK), kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata (nang hasik o triangolo), Valentin Diaz, Deodato Arellano, Briccio Pantas at iba pang kasama.
  • Oktubre 1892—Dahil sa kabagalan ng metodong triangolo sa pagkuha ng mga kasapi, napagkayarian na ibasura ito tungo sa inisasyon.  Nang umabot ng isandaan ang kasapi ng Katipunan, nagkaroon ng halalan para sa Kataas-taasang Sanggunian at naging Kataas-taasang Pangulo (Supremo) si Deodato Arellano.
  • Pebrero 1893—Naging Kataas-taasang Pangulo si Roman Basa.
Sanduguan sa Katipunan,.  Detalye ng mural na "History of Manila" ni Carlos V. Francisco.

Sanduguan sa Katipunan,. Detalye ng mural na “History of Manila” ni Carlos V. Francisco.

  • Maagang 1895—Nahalal na Kataas-taasang Pangulo si Andres Bonifacio.  Muli siyang mahahalal sa 31 Disyembre 1895 at Agosto 1896 bago mabunyag ang lihim na samahan.
  • 12 Abril 1895—Tumungo si Andres Bonifacio at mga kasama sa Kweba ng Pamitinan, Bundok Tapusi, sa Montalban, tila sumusunod sa yapak ng maalamat na Tagapagligtas ng mga Tagalog, si Bernardo Carpio, at sinasabing isinigaw at isinulat sa mga pader ng kweba ng Makarok sa pamamagitan ng uling, “Naparito ang mga Anak ng Bayan, Hinahanap ang Kalayaan.  Mabuhay ang Kalayaan!”
Bundok Tapusi, Montalban.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Bundok Tapusi, Montalban. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

  • Marso 1896—Lumabas ang una at huling edisyon ng pahayagan ng Katipunan, ang Kalayaan.  Mula 300 kasapi, dumami ang kasapian sa tinatayang 30,000 miyembro.  Sa mga sulatin dito, sa Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jacinto at iba pang akdang Katipunan makikita ang konsepto nila ng tunay na Kalayaan ng Katipunan na nakabatay sa kaginhawaan at matuwid at mabuting kalooban.  Gayundin, ang konsepto ng bansa na nakabatay sa pagkakaisa, kapatiran at pagmamahalan ng mga Tagalog (Taga-Ilog) tungo sa katuwiran at kaliwanagan.
  • 21 Hunyo 1896—Binisita ni Dr. Pio Valenzuela, bahagi ng pamunuan ng Katipunan, si Rizal sa Dapitan at pinaalam ng una sa huli ang binabalak na Himagsikan.  Inalok ni Valenzuela si Rizal na maging Pangulo ng Katipunan.  Tumanggi si Rizal at pinayuhan na kailangan ng armas, maghanda bago mag-alsa, humingi ng tulong sa mga mayayaman, at gawing heneral si Antonio Luna.
Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Pagkabunyag ng Katipunan at Unang Sigaw ng Himagsikan

  • 19 Agosto 1896—Sinalakay ang Diario de Manila at natuklasan ang Katipunan matapos na isumbong ni Teodoro Patiño sa cura parroco ng Tondo na si P. Mariano Gil ang lihim na samahan.  Buong gabing nanghuli ang mga Espanyol ng mga pinaghihinalaang kasapi.
Padre Mariano Gil.  Mula kay Dr. Isagani Medina.

Padre Mariano Gil. Mula kay Dr. Isagani Medina.

  • 24 Agosto 1896—Ayon sa mga historyador na sina Guerrero, Encarnacion at Villegas, naganap  ang unang sigaw ng Himagsikan at punitan ng sedula (pagsira ng dokumento bilang simbolo ng paghiwalay sa Espanya–Grito de Balintawak, ang iba’t ibang lugar na binanggit sa mga tila magkakasalungat na tala–Balintawak, Kangkong, Bahay Toro, Pugad Lawin—ang unang tatlo ay mga lugar sa Balintawak).  Ayon kay Aurelio Tolentino, ang tunay na sinigaw ni Bonifacio sa “Unang Sigaw” ay:  “Kalayaan o kaalipinan?  Kabuhayan o kamatayan?  Mga kapatid:  Halina’t ating kalabanin ang mga baril at kanyon upang kamtin ang sariling kalayaan!”  At sa pulong sa araw na iyon sa kamalig ni Tandang Sora sa Sitio Gulod, Barrio Banlat, Kalookan, itinatag ang Rebolusyunaryong Pamahalaan at si Andres Bonifacio ang naging pangulo nito.  Napagkasunduan rin ang magaganap na pagsalakay sa Maynila sa hatinggabi ng 29-30 Agosto 1896.
Unang Sigaw ng Himagsikan.

Unang Sigaw ng Himagsikan.

Letterhead ni Andres Bonifacio, dokumento na nagtatalaga kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila kung saan binabanggit na si andres Bonifacio ang Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan--ang unang pamahalaang pambansa at mapanghimagsik (Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion).

Letterhead ni Andres Bonifacio, dokumento na nagtatalaga kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila kung saan binabanggit na si andres Bonifacio ang Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan–ang unang pamahalaang pambansa at mapanghimagsik (Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion).

  • 25 Agosto 1896—Sagupaan ng KKK at ng mga Espanyol sa Pasong Tamo malapit sa Bahay ni Tandang Sora, talunan ang mga Espanyol.
  • 26 Agosto 1896—Sagupaan ng KKK at ng mga Espanyol sa Caloocan at Malabon, talunan ang mga Espanyol.
  • 30 Agosto 1896—Madaling araw nang pangunahan ni Bonifacio ang pag-atake sa Polvorín, San Juan del Monte (Ngayo’y Pinaglabanan).  Nagkaroon ng sabay-sabay na pagsalakay sa buong lalawigan ng Maynila.  Hindi sumipot ang hukbo ng Cavite sa napagkasunduang pag-aalsa.  Ipinailalim ni Gob. Hen. Ramon Blanco ang walong lalawigan—Maynila, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, Cavite, at Batangas, sa ilalim ng Batas Militar (Sinasagisag ng walong sinag ng araw sa ating bandila).
Ang Pagsalakay ni Andres Bonifacio sa Pinaglabanan sa madaling araw ng August 30, 1896.  Kung gayon, paano siya nakatulog at hindi nakapaghudyat kung naroon nga sila sa San Juan?  Mula sa "History of Manila," mural ni Carlos V. Francisco, na nasa City Hall ng Maynila.

Ang Pagsalakay ni Andres Bonifacio sa Pinaglabanan sa madaling araw ng August 30, 1896. Kung gayon, paano siya nakatulog at hindi nakapaghudyat kung naroon nga sila sa San Juan? Mula sa “Filipino Struggles Through History,” mural ni Carlos V. Francisco, na nasa City Hall ng Maynila.

Katipunan sa Cavite

  • 31 Agosto 1896—Nagapi ni Hen. Artemio Ricarte ang mga Espanyol sa San Francisco de Malabon, Cavite.  Sinimulan ang pag-aalsa sa Cavite sa pangunguna ni Hen. Emilio Aguinaldo.
  • 9-11 Nobyembre 1896—Pagtatagumpay ng Cavite laban sa mga Espanyol sa labanan sa Binakayan.  Gamit ng mga taga-Cavite ang Giyerang Pantrintsera sa Zapote at Cavite Viejo sa pangangasiwa ng inhinyero na nagtapos sa Ghent, Belgium na si Edilberto Evangelista na namatay sa Labanan sa Zapote noong 17 Pebrero 1897 .
Ang mga trintsera ng Cavite na itinayo ni edilberto Evangelista habang epektibong ginagamit... ng mga Amerikano.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ang mga trintsera ng Cavite na itinayo ni Edilberto Evangelista habang epektibong ginagamit… ng mga Amerikano. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

  • 30 Disyembre 1896—Bahagi ng serye ng mga pagbitay na may kinalaman sa himagsikan, binaril si Rizal sa Bagumbayan.  Nasa Cavite na noong mga panahon na iyon si Bonifacio na inanyayahan upang uyusin ang sigalot ng mga paksyon ng Katipunan sa lalawigang iyon—ang Magdiwang, Magdalo at Mapagtiis.
Aktwal na larawan ng pagbaril kay Gat Dr. Jose Rizal noong 30 December 1986 sa ganap na 7:03 ng umaga.

Aktwal na larawan ng pagbaril kay Gat Dr. Jose Rizal noong 30 December 1986 sa ganap na 7:03 ng umaga.

Kumbensyon ng Tejeros, Pacto de Tejeros at Naic Military Agreement

  • 22 Marso 1897—Sa kanyang kaarawan, nahalal in absentia si Emilio Aguinaldo bilang pangulo ng pamahalaang rebolusyunaryo sa Kumbensyon sa Casa Hacienda ng Tejeros (Binalaan ni Diego Mojica si Bonifacio na maraming mga balota ang napunan na bago pa man ang halalan, ang ispekulasyon ay hindi pinansin ni Bonifacio).  Nauna nang pumayag si Bonifacio na palitan ang Katipunan bilang pamahalaan sa pagkumbinsi ng kumbensyon basta anumang mapagkayarian ng kapulungan ay igagalang.  Ngunit nang tutulan ni Daniel Tirona ang pagkakahalal ni Bonifacio sa consuelo de bobong posisyon ng Direktor ng Interyor dahil siya ay walang pinag-aralan at hindi abogado ay nainsulto si Bonifacio, tinutukan ng baril si Tirona, pinawalang-bisa ang konseho bilang tagapangulo nito, at lumisan.
Ang pagbunot ng baril ni Andres Bonifacio upang hamunin ng duwelo ang uminsulto sa kanyang pagkatao na si Daniel Tirona sa Kumbensyon ng Tejeros, 22 March 1897.

Ang pagbunot ng baril ni Andres Bonifacio upang hamunin ng duwelo ang uminsulto sa kanyang pagkatao na si Daniel Tirona sa Kumbensyon ng Tejeros, 22 March 1897.

  • 23 Marso 1897—Bumalik sa Casa Hacienda ng Tejeros sina Bonifacio at mga tagapanalig upang tutulan ang naganap na halalan sa pamamagitan ng Acta de Tejeros.  Habang nanumpa bilang Pangulo si Aguinaldo sa harapan ni P. Villfranca sa Tanza.  Nang ipahayag ang bagong mga opisyales ng pamahalaan noong 17 Abril 1897, kapwa mga Magdiwang at Magdalo ay kabilang na dito.
Huling pahina at mga lagda sa Acta de Tejeros, March 23, 1897.    Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Tejeros, March 23, 1897. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

  • 19 Abril 1897—Pagpupulong sa Casa Hacienda ng Naic ng pangkat ni Bonifacio.  Nang masabihan ni Lazaro Makapagal, napasugod ang namalariang si Aguinaldo sa nasabing pulong at muntik nang magkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng mga hukbo ni Aguinaldo at Bonifacio.  Nagulat pa si Aguinaldo na ang kanyang dalawang tapat na kawal na sina Mariano Noriel at Pio del Pilar ay kasama ng Supremo.  Muling bumalik kay Aguinaldo ang dalawang heneral at nanguna sa pag-uusig sa mga Bonifacio.
Huling pahina at mga lagda sa Acta de Naic, April 19, 1897.  Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Naic, April 19, 1897. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Paglilitis at Pagpaslang kay Bonifacio

  • 28 Abril 1897—Ang sugatang sina Andres at Procopio Bonifacio ay inaresto at dinala sa Naic.  Nasawi si Ciriaco Bonifacio sa pataksil na paglusob ng sariling kababayan sa Limbon, Indang sa pangnguna ni Kol. Agapito Bonzon, na nagtangka ring gahasain ang asawa ng Supremo at Lakambini ng Katipunan Gregoria de Jesus.  Sa Casa Hacienda ng Naic, ikinulong sa bartolina sa ilalim ng hagdanan sa loob ng tatlong araw ang Supremo, dalawang beses lamang pinakain pagkaing hindi na dapat banggitin.
Ang bartolina sa Naic.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang bartolina sa Naic. Kuha ni Xiao Chua.

Gregoria de Jesus.  Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Bahay Nakpil-Bautista.

Gregoria de Jesus. Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Bahay Nakpil-Bautista.

  • 1 Mayo 1897—Sa pagbagsak ng Naic sa mga Espanyol, lumipat sina Aguinaldo at ang kanilang mga bihag sa Maragondon, Cavite kung saan ipinagpatuloy ang paglilitis sa magkapatid na Bonifacio.  Hindi naisakatuparan ang pagliligtas sana sa Supremo na gagawin ng pangkat nina Diego Mojica.
Ang matandang bahay sa Maragondon kung saan nilitis ang Supremo Andres Bonifacio.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang matandang bahay sa Maragondon kung saan nilitis ang Supremo Andres Bonifacio. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

  • 10 Mayo 1897—Isinakatuparan ng pangkat ni Lazaro Macapagal ang kautusan ng Consejo de Guerra na barilin at patayin ang magkapatid na Bonifacio sa mga kabundukan ng Maragondon.  Ngunit ayon sa testimonya kay Guillermo Masangkay ng dalawa raw sa mga Katipunerong pumatay kay Bonifacio, binaril si Procopio pero tinaga raw hanggang mamatay si Andres Bonifacio.
"The Verdict," obra ni Rody Herrera. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Makikita sa aklat na Fine Artists of the Philippines 1999 ni Marlene Aguilar at Larry Bortles.

“The Verdict,” obra ni Rody Herrera. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Makikita sa aklat na Fine Artists of the Philippines 1999 ni Marlene Aguilar at Larry Bortles.

Pagkamatay sa isang duyan.  Paglalarawan ni Egai Fernandez mula sa aklat na Supremo ni Sylvia Mendez Ventura.

Pagkamatay sa isang duyan. Paglalarawan ni Egai Fernandez mula sa aklat na Supremo ni Sylvia Mendez Ventura.

Andres Bonifacio.  Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

Andres Bonifacio. Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

XIAO TIME, 2 August 2013: ANG MAKULAY NA KARERA NI MANUEL LUIS QUEZON

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang gwapong mestisuhin na tinawag na "Kastila" bilang Resident Commissioner ng Pilipinas sa Estados Unidos.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ang gwapong mestisuhin na tinawag na “Kastila” bilang Resident Commissioner ng Pilipinas sa Estados Unidos. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

2 August 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=nGy3n-qkITI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  135 years ago, August 19, 1878, isinilang si Manuel Luis Quezon y Molina sa Baler Tayabas.  Ang ama niya ay retirading sarhento ng Hukbong Espanyol at parehong guro rin ang kanyang mga magulang.  Minsan daw nakita ng ama na nakipag-away sa mga kapwa bata.  Nang itanggi niya ito nang tanungin, talagang sinampal siya ng kanyang ama at sinabing, “Hindi dapat igalang ang sinungaling at dapat pa ngang insultuhin.  Magsabi palagi ng totoo, anuman ang ibunga nito.”  At dito raw natutunan ni Quezon ang maging tapat.  Well, nag-aral siya sa Letran, summa cum laude si koya.  Sa UST, nakasalumuha niya sina Sergio Osmeña at Emilio Jacinto.  Sa panahon ng Himagsikang Pilipino, napatay ang kanyang ama at kapatid.  Sa kabila nito, lumaban sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano sa panig ng ating republika.

Manuel Quezon ar Sergio Osmena.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Manuel Quezon ar Sergio Osmena. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Manuel Quezon, rebolusyunaryo.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Piknik sa Baler para kay Manuel, 1906.  Si Quezon ang Mr. Suave, si Aurora ang babaeng nakaupo sa kaliwa.  Siya ang pinsan at future wife niya.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Nang mabalitaan niya na sumuko na si Heneral Aguinaldo, hindi siya makapaniwala.  Kaya siya sumuko at pinuntahan sa kulungan ng Malacañan si Heneral Emilio Aguinaldo, kumbinsido na siya.  Nang makapasa sa eksaminasyong bar, nagbalik siya sa Tayabas at nagbigay ng libreng serbisyo sa mahihirap at naglantad ng mga ilegal na kabulastugan ng isang Amerikanong abogado.  Nahalal siyang piskal at gobernador ng Tayabas at noong 1907 nahalal na kinatawan ng Tayabas sa unang Philippine Assembly at naging majority floor leader nito.  Si Sergio Osmeña naman ay naging Speaker.  Dito na nagsimula ang kanilang kalahating siglong pamamayagpag ng magkaribal na ito sa pulitika ng Pilipinas.

Quezon bilang Kinatawan ng Tayabas.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon bilang Kinatawan ng Tayabas. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Ispiker ng Kapulungang Pilipino.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Ispiker ng Kapulungang Pilipino. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon at Osmena.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon at Osmena. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Majority Floor Leader.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Majority Floor Leader. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Sa kalaunan si Quezon ay naging Resident Commissioner sa Washington (1909-1916) at Pangulo ng Senado (1918).  Nang ikampanya ni Osmeña sa Senado ng Estados Unidos ang Hare-Hawes Cutting Act na siyang magbibigay sa atin ng sampung taong komonwelt bago isauli ng mga Amerikano ang kasarinlan natin, hinarang ito ni Quezon at nagtagumpay sa kampanyang huwag itong manalo sa plebisito.  Nang siya naman ang nagkaroon ng pagkakataong mag-lobby para sa Batas Tydings-McDuffie, kahit walang ipinagkaiba ito, ikinampanya pa rin niya ito, nagtagumpay at siya ang nakakuha ng pagkilala ng bayan.

Si Quezon bilang Resident Commissioner.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Farewell speech ni Quezon bilang Resident Commissioner sa Kongreso ng Amerika.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Farewell speech ni Quezon bilang Resident Commissioner sa Kongreso ng Amerika. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Pangulo ng Senado.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon bilang Pangulo ng Senado. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Osmena at Quezon kasama si Gobernador Heneral Francis Burton Harrison.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Osmena at Quezon kasama si Gobernador Heneral Francis Burton Harrison. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Osmena habang ikinakampanya ang Hare-Hawes-Cutting Act.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Osmena habang ikinakampanya ang Hare-Hawes-Cutting Act. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ang pagkampanya ni Quezon laban sa Hare-Hawes-Cutting Act.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ang pagkampanya ni Quezon laban sa Hare-Hawes-Cutting Act, in fairness naka-jacket. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Nang itatag ang pamahalaang Komonwelt noong 1935, siya ang nanumpang pangulo at si Osmeña naman ang pangalawang pangulo.  Maraming kontradiksyon sa kasaysayan ni Quezon.  Na siya raw ang unang tunay na diktador sa Pilipinas sa lakas ng kanyang panguluhan, na kahit nangampanya siya para sa kalayaan ay kinonsidera niya na isali tayo sa British Commonwealth kapag umalis ang mga Amerikano, na siya raw ang template ng modernong tradisyunal na pulitiko.

Si Quezon at kabiyak na si Aurora sa kanilang pagdating sa kanyang inagurasyon.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon at kabiyak na si Aurora sa kanilang pagdating sa kanyang inagurasyon. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ang panunumpa ni Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt sa harapan ng gusali ng lehislatura (ngayon ay National Art Gallery) noong November 15, 1935.  Mula kay Carlos Quirino.

Ang panunumpa ni Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt sa harapan ng gusali ng lehislatura (ngayon ay National Art Gallery) noong November 15, 1935. Mula kay Carlos Quirino.

Si Quezon habang umaastang astig.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang umaastang astig. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang nagsusuot ng Barong Tagalog.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang nagsusuot ng Barong Tagalog. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Isang larawan ni Quezon habang nagtatalumpati.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Isang larawan ni Quezon habang nagtatalumpati. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ngunit, hindi rin maikakaila ang kanyang malaking kontribusyon sa bayan, ang kanyang konsepto ng “Social Justice”—ipinabili niya sa pamahalaan ang mga malalaking lupain at ibinebenta ito sa mga kasama sa mababang halaga, sinuportahan niya ang karapatan ng mga kababaihan na bumoto, at ginawa niyang batayan ang Tagalog upang maging wikang pambansa.

Si Quezon sa isa kanyang mga inspection trips.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon sa isa kanyang mga inspection trips. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang nilalagdaan ang pagboto ng mga kababaihan.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang nilalagdaan ang pagboto ng mga kababaihan. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Lumikas nang sumiklab ang digmaan at tumungo sa Estados Unidos kung saan niya itinatag ang Philippine Governement-in-exile, kung saan na siya naabutan ng kamatayan, 69 years ago, August 1, 1944.

Ang Philippine Commonwealth Government-in-Exile.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ang Philippine Commonwealth Government-in-Exile. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Pangulong Quezon habang nagsasalita sa Kongreso ng Amerika.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Pangulong Quezon habang nagsasalita sa Kongreso ng Amerika. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon kasama ang kanyang gabineta sa kanyang sick bed.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon kasama ang kanyang gabineta sa kanyang sick bed. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Isa sa mga huling larawan ni Quezon na buhay ay kasama pa rin niya ang kanyang karibal at matalik na kaibigan na si Osmena.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Isa sa mga huling larawan ni Quezon na buhay ay kasama pa rin niya ang kanyang karibal at matalik na kaibigan na si Osmena. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Si Quezon habang nakaburol sa Amerika.  Mula sa Quezon City Council:  History and Legacy.

Si Quezon habang nakaburol sa Amerika. Mula sa Quezon City Council: History and Legacy.

Quezon Memorial Monument.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon Memorial Monument. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon Sarcophagus.  Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Quezon Sarcophagus. Mula sa Manuel Luis Quezon nina Edgardo J. Angara at Sonia P. Ner.

Ngayon nakalibing si Quezon sa ilalim ng monumentong ito sa lungsod na ipinangalan sa kanya, na tulad ng dakilang si Napoleon, nakaangat ang kanyang puntod sa lupa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 27 July 2013)

Si Xiao Chua sa harapan ng Quezon Memorial Monument na may 66 metrong taas na kumakatawan sa 66 na taon sa buhay ni Quezon.  Ang tatlong anghel ay kumakatawan sa pagluluksa at pagpupugay ng Luzon, Visayas at Mindanao.  Kuha ni Florenda Pangilinan mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa harapan ng Quezon Memorial Monument.  Kuha ni Florenda Pangilinan mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa harapan ng Quezon Memorial Monument. Kuha ni Florenda Pangilinan mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa harapan ng sarcophagus ng bangkay ni Quezon sa ilalim ng Quezon Memorial Monument.  Kuha ni Florenda Pangilinan mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa harapan ng sarcophagus ng bangkay ni Quezon sa ilalim ng Quezon Memorial Monument. Kuha ni Florenda Pangilinan mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

MAKABAGONG EMILIO JACINTO: Ginhawa, Liwanag, Dilim at Iba Pang Mga Dalumat ng Bayan at Katipunan sa mga Awitin ni Francis Magalona

Emilio Jacinto at Francis Magalona, iisa ang diwa?  Paanong nangyari???

Emilio Jacinto at Francis Magalona, iisa ang diwa? Paanong nangyari???

Nina

Michael Charleston “Xiao” B. Chua, Pamantasang De La Salle Maynila

at Alvin D. Campomanes, University of Asia and the Pacific

(Muling inilalabas sa bahay-dagitab na ito bilang paggunita sa ika-114 na anibersaryo ng kamatayan ni Emilio Jacinto, 16 Abril 1899.)

Sasaysayin ng papel ang mga dalumat at diwa ng Himagsikang 1896 na nasalamin rin sa Kapanahong Kasaysayan sa mga awiting nilikha ng Hari ng Pinoy Rap, Francis Magalona.

Sa kanilang mensahe ng pag-iisa ng loob at kaisipan ng lahat ng tumubo sa Sangkapuluang ito, ginamit nina Emilio Jacinto at Andres Bonifacio ng Katipunan ang mga dalumat ng bayan noong 1892-1896.  Sa Kartilya ng Katipunan, Dekalogo, at iba pang mga sulatin, makikita ang  mga dalumat ng Kalayaan, Kaginhawaan, Liwanag, Dilim, Puri, Kabanalan, Dangal, Pag-ibig sa bayan at isa’t isa, at marami pang iba.

Ang pagpapatuloy sa kasaysayan ng ating bansa ay nasasalamin sa nagpapatuloy na kamalayan ng mga dalumat na ito.  Halos isandaang taon matapos itatag ang Katipunan, pumaimbabaw ang karera ng “Hari ng Pinoy Rap” na si FrancisM sa kaisipan ng mga kabataan.  Inangkin niya ang isang dayuhang porma ng musika na popular noon at nilapatan ng mensaheng nagmula sa kamalayang pangkalinangan ng bayan.

Mula sa kanyang unang hit song na “Mga Kababayan Ko,” makikita na ang malay na diwang bayan ni FrancisM.  Batay sa kasabihan at sikolohiyang Pilipino, ang awitin na ito ang naging bagong Kartilya na nagsaysay ng pagkakakilanlang Pilipino noong Dekada 1990.  Sinundan ito ng iba pang mga awitin na nagpatunay lamang na tulad ng Katipunan, konsistent ang mensahe ni FrancisM ng pagmamahal sa bayan at bandila hanggang sa ito ay sumakabilang-buhay nitong nakaraang 6 Marso 2009.

Hindi kalabisan na ituring siyang isang makabagong Emilio Jacinto.

Download paper:  Chua at Campomanes – FrancisM DLSU Arts Congress

Si Xiao Chua at Alvin Campomanes nang unang itanghal ang papel nilang "Makabagong Emilio Jacinto" sa Kumperensya ng ADHIKA, Inc., 28 Nobyembre 2009.

Si Xiao Chua at Alvin Campomanes nang unang itanghal ang papel nilang “Makabagong Emilio Jacinto” sa Kumperensya ng ADHIKA, Inc., 28 Nobyembre 2009, GSIS Museo ng Sining.

XIAO TIME, 15 April 2013: DOKUMENTO NG PAGKATALAGA KAY EMILIO JACINTO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang dokumento ng pagkatalaga ni Andres Bonifacio kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila.  Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Ang dokumento ng pagkatalaga ni Andres Bonifacio kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila. Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

15 April 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=yorBr63aP_4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  114 years ago, bukas, April 16, 1899, ang tunay na Utak ng Himagsikan at ng Katipunan at nagsulat ng Kartilya nito na si Emilio Jacinto, ay namatay dahil sa sakit na malaria sa edad na 23 sa Santa Cruz, Laguna.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto.  Mula sa isang malaganap na postcard.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto. Mula sa isang malaganap na postcard.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Kahit hindi namatay sa laban si Jacinto sa tanging larawan niyang ito na nagpapakita sa kanya na nakahiga sa paligid ng mga nagmamahal at magmamasid na kababayan, siya ay pinagsuot ng uniporme ng himagsikan, pinaghawak ng baril, at may makikitang isang napakalungkot na mukha.  Ayon sa historian na si Ambeth Ocampo, ito ang kabiyak niya sa puso na si Catalina de Jesus na mapapansin ding nagdadalang tao.

Si Ambeth Ocampo na natutulog.  Obra ni julie Lluch-Dalena.  Ang obra ay nasa tabi ng ilan sa mga dekorasyon at parangal na iginawad kay Sir Ambeth, kumbaga, "resting on his laurels."

Si Ambeth Ocampo na natutulog. Obra ni julie Lluch-Dalena. Ang obra ay nasa tabi ng ilan sa mga dekorasyon at parangal na iginawad kay Sir Ambeth, kumbaga, “resting on his laurels.”

Ang tanging larawan ni Emilio Jacinto, patay na.

Ang tanging larawan ni Emilio Jacinto, patay na.

Ang buntis na babae na malungkot na nakatitig ay si Catalina de Jesus. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Ang buntis na babae na malungkot na nakatitig ay si Catalina de Jesus. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Unang inilibing sa Sta. Cruz, matapos sa North Cemetery, at noong 1975, sentenaryo ng kapanganakan ni Jacinto, inilipat sa Himlayang Pilipino sa Lungsod Quezon at pinatuyuan doon ng monumento na nasa labanan na ginawa ni Florante “Boy” Beltran Caedo.

Ang sayt ng unang pinaglibingan kay Emilio Jacinto sa Sta. Cruz, Laguna

Ang sayt ng unang pinaglibingan kay Emilio Jacinto sa Sta. Cruz, Laguna

Si Emilio Jacinto sa labanan, likhang sining ni Florante “Boy” Beltran Caedo na itinayo noong Sentenaryo ng kapanganakan ni Jacinto. Dito rin nakalibing ang mga labi ni Jacinto sa Himalayang Pilipino sa Lungsod Quezon.

Gayundin, 116 years ago ngayong araw, April 15, 1897.  Naglabas ang Supremo Andres Bonifacio ng isang dokumento na nagtatalaga sa kanyang tapat na tagasunod at kaibigang si Jacinto, bilang Pangulong Hukbo sa Dakong Hilaga ng Maynila.

Monumento ni Andres Bonifacio na dati ay nasa harapan ng City Hall ng Maynila, ngayon ay inilipat na sa Liwasang Bonifacio sa harapan ng Manila Post Office Building.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Andres Bonifacio na dati ay nasa harapan ng City Hall ng Maynila, ngayon ay inilipat na sa Liwasang Bonifacio sa harapan ng Manila Post Office Building. Kuha ni Xiao Chua.

12 bilang Pangulong Hukbo sa Dakong Hilaga ng Maynila

Interesante ang iisang dokumento na ito.  Nakasulat ito sa letterhead ni Andres Bonifacio na mayroon pang sagisag ng Kataas-taasang Kapulungan na nagpapakilala sa kanya bilang “Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan.  Maytayo ng Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng manga Anak ng Bayan at Unang Nag Galaw ng Paghihimagsik.”

Sagisag at pirma

Sagisag at pirma

Letterhead

Letterhead

Masasabing ang yabang naman ni Bonifacio, ngunit kailangan maintindihan ang konteksto ng pagkagawa ng dokumento.  Sa panahong ito, hinalal ng mga elitistang heneral si Heneral Emilio Aguinaldo bilang pangulo ng pamahalaang mapanghimagsik sa isang halalan sa Tejeros na ipinawalang bisa ni Bonifacio dahil hindi iginalang ang kanyang pagkakahalal sa isang mas mababang posisyon.

Kumbensyon sa Tejeros

Kumbensyon sa Tejeros

Kumbaga, dito sinasabi ni Bonifacio na siya pa rin ang unang pangulo na naunang napagkayarian sa bahay ni Tandang Sora sa Sitio Gulod, Barrio Banlat na ngayon ay Tandang Sora, Lungsod Quezon noong August 24, 1896.  Gayundin, ipinapawalang-saysay din ng dokumento ang paratang na nagpanggap na hari si Andres Bonifacio.

23 hindi siya ang Hari ng Bayan tulad ng sinasabi ng kanyang mga kalaban at ilang mga historyador

Sapagkat makikita na hindi siya ang Hari ng Bayan tulad ng sinasabi ng kanyang mga kalaban at ilang mga historyador, pangulo lamang siya.

24 pangulo lamang siya

At ang Hari ay ang Bayan, Sovereignity to the People o People Power.

25 At ang Hari ay ang Bayan, Sovereignity to the People o People Power

Katagalugan ang tawag niya sa Pilipinas noon dahil ayaw niyang katawagan ang isang pangalan ng naging hari ng Espanya, Felipe para sa ating bansa.

26 Katagalugan ang tawag niya sa Pilipinas noon

Sinulat ni Jacinto na ang salitang Tagalog ang katuturan ay ang lahat ng tumubo sa sangkapuluang ito, samakatuwid, Bisaya man, Ilokano man, Kapampangan man, etcetera, ay Tagalog din.  Dahil tayong lahat ay mga Taga-ilog.

27 salitang Tagalog ... ay Tagalog din

May mga historyador na tulad ni Glenn Anthony May ang nagdududa sa dokumentong ito sapagkat natagpuan ito sa isang kulungan ng manok sa Bataan ng isang taga-Tondo kasama ng iba pang sulat ni Bonifacio kay Jacinto.

Si Xiao Chua kasama si Glenn Anthony May, 2006.

Si Xiao Chua kasama si Glenn Anthony May, 2006.

Inventing A Hero ni Glenn Anthony May.

Inventing A Hero ni Glenn Anthony May.

Sabi naman sa akin ni Dr. Jaime Veneracion, “Noong Martial Law, ganyan din naman kami magtago ng dokumento!”  Nakakatuwa, sa simpleng dokumento na ito nakita natin ang ebidensya gamit ang siyensya at lohika: 1) ang papel ni Bonifacio bilang Unang Pangulo ng Pilipinas at 2) ang kanyang konsepto ng nakapangyayari at nagkakaisang Haring Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 13 April 2013)

XIAO TIME, 4 April 2013: PAPEL NI PIO VALENZUELA SA KATIPUNAN

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Dr. Pio Valenzuela

Dr. Pio Valenzuela

4 April 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=ZrGe8PZX2TU

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  57 years ago sa Sabado, April 6, 1956, sumakabilang-buhay si Pio Valenzuela.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Kamakailan lamang, isang maikling malayang pelikula ang isinulat ng curator ng Museo Valenzuela na si Jonathan Balsamo at dinirehe ni John Matthew Baguinon, Pio Valenzuela: Bayani ng Bayan, Inspirasyon ng Kabataan.

John Matthew Baguinon.  Mula sa kanyang peysbuk.

John Matthew Baguinon. Mula sa kanyang peysbuk.

Prop. Jonathan Capulas Balsamo, Curator ng Museo Valenzuela, habang pinaparangalan ng Supreme Commander ng International Order of the Knight of Rizal Sir Reghis Romero, KGCR noong Pebrero 2013 sa Lungsod ng Baguio para sa kanyang paglilingkod sa kapatiran sa unang taon pa lamang niya bilang kasapi.

Museo Valenzuela, halina't bisitahin lalo't ika-150 kaarawan ng kaibigan niyang si Andres Bonifacio, malapit lamang sa Simbahan ng Valenzuela.

Museo Valenzuela, halina’t bisitahin lalo’t ika-150 kaarawan ng kaibigan niyang si Andres Bonifacio, malapit lamang sa Simbahan ng Valenzuela.

05 Pio Valenzuela Bayani ng Bayan, Inspirasyon ng Kabataan

Nagsisimula ang pelikula sa nakakatuwang eksena ng mga batang estudyanteng taga-Valenzuela na tinanong kung kilala ba nila si Pio Valenzuela at kung ano nagawa niya.  Natapos ang eksena na nagbabalyahan ang mga bata dahil walang maisagot.

07 Natapos ang eksena na nagbabalyahan ang mga bata dahil walang maisagot

Hindi kilala ng mga kabataan, sa mga aklat din maraming kontrobersya ang mababasa ukol kay Pio.  Liwanagin natin.  Isinilang si Pio sa Polo, Bulacan, ngayo’y Lungsod ng Valenzuela, noong July 11, 1869.  Estudyante siya ng medisina sa UST at 23 years old lamang nang noong Hulyo 1892, sumapi siya sa kakatatag pa lamang na Katipunan ni Andres Bonifacio.

Pook Sinilangan ni Pio Valenzuela.

Pook Sinilangan ni Pio Valenzuela.

Ang rekord ni Pio Valenzuela bilang estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Ang rekord ni Pio Valenzuela bilang estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Si Pio Valenzuela bilang manggagamot ng Katipunan.  Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Si Pio Valenzuela bilang manggagamot ng Katipunan. Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Hindi pa siya doktor noon, ginawa na siyang manggagamot ng Katipunan.  Naging bahagi ng camara secreta o ang tatlong pinakamataas na pinuno ng Katipunan hindi naglaon, si Bonifacio, Emilio Jacinto at si Pio.  Siya ang nagmungkahi na magkaroon ng dyaryo ang Katipunan, ang Kalayaan na nakasulat sa Wikang Tagalog.  Mula 300 kasapi, lomobo ang kasapian sa 30,000 kasapi dahil sa dyaryo.

Monumento ng Camara Negra o Camara Secreta:  Jacinto, Bonifacio at Valenzuela, gawa ni Napoleon V. Abueva

Monumento ng Camara Negra o Camara Secreta: Jacinto, Bonifacio at Valenzuela, gawa ni Napoleon V. Abueva.  Kuha ni Cari Noza.

Si Valenzuela bilang tagapaglathala ng Kaayaan kasama ang editor nito na si Emilio Jacinto.  Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Si Valenzuela bilang tagapaglathala ng Kaayaan kasama ang editor nito na si Emilio Jacinto. Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Dahil edukado at doktor, siya ang pinagkatiwalaan ng Katipunan na kumausap sa kapwa niya doktor na si José Rizal na nakatapon noon sa Dapitan.  Tumanggi si Rizal sa alok na maging pangulong pandangal ng lihim na samahan ngunit nagpayo na mag-armas muna at hingin ang tulong ng mga mayayaman bago mag-alsa.

Dr. Pio Valenzuela

Dr. Pio Valenzuela

Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Pagputok ng himagsikan noong August 1896, sumuko si Pio Valenzuela sa mga Espanyol kaya naman pinagdudahan ang kanyang pagkabayani.  Ayon naman sa kanya, naramdaman niyang sinusundan na siya ng mga guardia civil at alam niyang kung hindi siya susuko at makipagkita pa rin sa mga kasama, maaaring mahuli rin ang mga ito.

Si Dr. Pio Valenzuela (may hawak na sumbrero) na inilalarawan na kasama sa Unang Sigaw ng Himagsikan sa Caloocan (Balintawak), Agosto 1896.

Si Dr. Pio Valenzuela (may hawak na sumbrero) na inilalarawan na kasama sa Unang Sigaw ng Himagsikan sa Caloocan (Balintawak), Agosto 1896.  Mula sa Tragedy of the Revolution.

Si Valenzuela habang sinusundan ng mga guardia civil sa pagputok ng himagsikan.  Isang diorama na nasa Museo Valenzuela.

Si Valenzuela habang sinusundan ng mga guardia civil sa pagputok ng himagsikan. Isang diorama na nasa Museo Valenzuela.

Habang nakapreso, ginawa siyang saksi laban kay Dr. Rizal at kanyang isinalaysay sa mga Espanyol na tutol na tutol ang national hero sa rebolusyon.  Nalito ang mga historyador, ano ba talaga koya?  Was Rizal for or against the revolution???  Ayon kay Floro Quibuyen, makikita na nais talagang iligtas ni Valenzuela si Rizal sa parusang kamatayan dahil sinabi niyang hindi nagpayo kundi kinondena ni Rizal ang himagsikan.  Tatlong taong ipinatapon sa Espanya si Pio, at sa kanyang pagbalik, ikinulong ulit ng mga bagong mananakop na mga Amerikano dahil alam nilang maghihimagsik ang taong ito sa kanila.  Nang ihalal na capitan municipal ng bayang sinilangan ng kanyang mga kababayan, napilitan na pakawalan si Pio upang manungkulan.

Ang portrait ni Pio Valenzuela bilang punongbayan ng Pulo.

Ang portrait ni Pio Valenzuela bilang punongbayan ng Polo.

Si Dr. Pio Valenzuela sa kanyang tanggapan bilang gobernador ng Bulacan.

Si Dr. Pio Valenzuela sa kanyang tanggapan bilang gobernador ng Bulacan.

Dalawang beses din siyang naging Gobernador ng Bulacan.  Kilalang matapat, imbes na yumaman sa pwesto, nagbenta pa ng kanyang mga lupa at tumangging magpasuhol sa mga maghu-jueteng.  Naging matatag laban sa katiwalian.  Namatay siya noong 1956 sa gulang na 87.

Matandang Don Pio.

Matandang Don Pio.

Mas matandang Don Pio at ang kanyang maybahay.

Mas matandang Don Pio at ang kanyang maybahay.

Mas matanda pang Don Pio sa mga huling taon ng kanyang buhay.

Mas matanda pang Don Pio sa mga huling taon ng kanyang buhay.

33 Namatay siya noong 1956 sa gulang na 87 q 34 Inilibing siyang bayani ng mga taga-Polo

Ang paglibing ng bayan sa isang bayani.  Mga dyaryo at larawan mula sa Koleksyon ng Museo Valenzuela.

Ang paglibing ng bayan sa isang bayani. Mga dyaryo at larawan mula sa Koleksyon ng Museo Valenzuela.

Si Don Pio sa selyo ng Pilipinas.

Si Don Pio sa selyo ng Pilipinas.

Inilibing siyang bayani ng mga taga-Polo.  Ngayong halalan, sana maghalal tayo ng mga taong katulad ni Pio Valenzuela na may pusong bayani at para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 March 2013)

XIAOTIME, 14 February 2013: PAG-IBIG SA KATIPUNAN

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 14 February 2013, at News@1 at News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Puso.  Mula sa poster ni Mayo Baluyut.

Puso. Mula sa poster ni Mayo Baluyut.

14 February 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=a51zLDW95Z4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayon po ay araw ng mga puso na itinaon sa St. Valentine’s Day.  Ang kwento sa amin noong bata kami, namartir ang obispo ng Roma na si Valentinius dahil sa pagkasal at pagkalinga sa mga Kristiyano na noon ay ipinagbabawal ng emperyo.  Actually, dalawa talaga ang santong may pangalang Valentinius.

San Valentino ng Roma

San Valentino ng Roma

Ngunit noong 1969, tinanggal sa kalendaryo ng mga pistang ipinagdiriwang sa buong mundo ang araw ni St. Valentinius dahil ayon sa Vatican, wala naman talaga tayong historikal na nalalaman sa taong ito kundi siya ay inilibing sa Via Flaminia on February 14.

Bungo ni St. Valentine.  Mula sa Sacred Destinations.

Bungo ni St. Valentine. Mula sa Sacred Destinations.

Tsk.  Gayundin, taliwas sa sinasabi ng iba na may kinalaman Ang Valentine’s Day sa paganong pista ng fertility, Lupercalia, na ipinagdiriwang ng Ferbruary 13-15 noon, wala namang romantikong konotasyon ang pista ni St. Valentinius hanggang isulat ni Geoffrey Chaucer noong 1382 ang isang tula para sa unang anibersaryo ng engagement ng hari ng Inglatera na nagsasabing, “For this was on Saint Valentine’s Day, when every bird cometh there to choose his mate.” Ayun, ganun pala nakabit ang araw na ito sa pag-ibig at mga puso. Kailangan ding liwanagin na sa mga tipikal na depiksyon kay St. Valentinius, hindi puso at mga puso, rosas at kupido ang kasama nito kundi hawak nito ang isang espada!

Ang orgy sa fertility feast na Lupercalia ng Romano.  Mula sa naturalbookcraft.wordpress.com.

Ang orgy sa fertility feast na Lupercalia ng Romano. Mula sa naturalbookcraft.wordpress.com.

Geoffrey Chauser

Geoffrey Chauser

Mga kung anu-anong kasweetan:  tsokolate, puso, pagmamahal.  Mula sa Wikipedia.

Mga kung anu-anong kasweetan: tsokolate, puso, pagmamahal. Mula sa Wikipedia.

Antique Valentine's Card.  Mula sa Wikipedia.

Antique Valentine’s Card. Mula sa Wikipedia.

St. Valentine.  Mula sa Saints:  A Visual Guide.

St. Valentine. Mula sa Saints: A Visual Guide.

Dito naman sa Pilipinas, punong-puno pala ng mensahe ng pag-ibig ang rebolusyunaryong samahan ni Andres Bonifacio, ang Katipunan.  Huh?  Hindi ba wala namang gusto ang Katipunan kundi pumatay ng mga Espanyol at maging bayolente??? Well, ayon sa pag-aaral nina Bomen Guillermo, Atoy Navarro, at Mary Jane Rodriguez-Tatel, makikita sa mga literature na isinulat sa loob ng Katipunan na pangunahing itinuturo sa mga Katipon, may tatlong uri ng pag-ibig:  Pag-ibig sa Maykapal, pag-ibig sa Inang Bayang Tinubuan, at pag-ibig sa kapwa (kabilang na ang sa kapatid, kabiyak, at sa kaibigan).

Pabalat ng Wika, Panitikan, Sining at Himagsikan na inedit nina Atoy Navarro at Raymund Arthur Abejo at inilathala ng UP LIKAS kung saan matatagpuan ang sanaysay na "Pag-ibig sa Katipunan"

Pabalat ng Wika, Panitikan, Sining at Himagsikan na inedit nina Atoy Navarro at Raymund Arthur Abejo at inilathala ng UP LIKAS kung saan matatagpuan ang sanaysay na “Pag-ibig sa Katipunan” nina Bomen Guillermo, Atoy Navarro at Mary Jane Rodriguez.

Ang Kartilya ni Emilio Jacinto ay nagtuturo ng pag-ibig sa kapwa at paggalang sa kababaihan, na wala nang hihigit pa kung hindi ang pag-ibig sa tinubuang lupa.  Paalala ni Andres Bonifacio, “Sumampalataya sa MayKapal ng taimtim sa puso at gunamgunamin sa sarili tuina, na ang matapat na pag sampalataya sa Kanya ay ang pag ibig sa lupang tinubuan, sa pagkat ito ang tunay na pag ibig sa kapwa.”

Emilio Jacinto

Emilio Jacinto

Andres Bonifacio

Andres Bonifacio

At sa limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan ni Jacinto, binanggit sa isang talata, “Dito’y isa sa mga kaunaunahang utos ang tunay na pag-ibig sa bayang tinubuan at lubos na pagdadamayan ng isa’t isa.”  Ang pangunahing aral ng Katipunan ay hindi ang makipagdigma lamang, kundi ang umibig.

Limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan ni Jacinto.  Mula sa Tragedy of the Revolution.

Limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan ni Jacinto. Mula sa Tragedy of the Revolution.

Kaya naman pala pusong mamon tayong mga Pilipino pagdating sa pag-ibig, kahit sa preyambolo ng ating Saligang Batas 1987, nakatatak ang salitang “pag-ibig,” na sinasabing natatangi sa lahat ng mga konstiitusyon sa daigdig.

Ang preambolo ng Saligang Batas ng 1987:  Mayroong salitang "love.

Ang preambolo ng Saligang Batas ng 1987: Mayroong salitang “love.

Mga sawi:  Kulaog Band ng Pusong Bato fame.

Mga sawi: Kulaog Band ng Pusong Bato fame.

Kaya naman, sa mga nasa bahay lamang, walang date ngayong gabi kaya pinapanood niyo ako ngayon, ok lang yan!  Mahalin na lang natin ang bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Razon’s, UP-Ayala Technohub, 5 February 2013)

XIAOTIME, 18 January 2013: KALAYAAN, Ang Dyaryo ng Katipunan

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 18 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Emilio Jacinto, editor ng Kalayaan.

Emilio Jacinto, editor ng Kalayaan.

18 January 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=r8M3nHro2lo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  29 years ago bukas, January 19, 1984, isinilang si Tarlac City si Michael Charleston B. Chua, huh??? Who’s that Pokémon???  Ako pala yun??? So happy birthday to me?

Baby Michael, 1984.

Baby Michael, 1984.

Sa mga taong hanggang ngayon wala pang New Year’s resolution na babaguhin sa taong 2013, may suggestion ako.  Ano pa kayang pinakamagandang batis ng aral para sa pagbabago kundi ang ipinamana sa atin ng ating mga bayani?  116 years ago ngayong araw, January 18, 1896, sinimulang ilathala ng rebolusyunaryong kilusan ni Andres Bonifacio, ang Katipunan, ang pahayagang Kalayaan.  2,000 kopya ang inilabas at nagtagal ang pag-imprenta hanggang Marso!  Imagine!  Ito ang una at huling labas nito sa pamamatnugot ni 20 years old pa lamang noon na si Emilio Jacinto.  Si Pio Valenzuela na isa sa tatlong pangunahing pinuno ng Katipunan ang nagmungkahi na upang linlangin ang mga Espanyol:  Kunwari si Marcelo H. del Pilar ang editor at kunwari sa Yokohama, Japan ito inimprenta.  Ngunit sa totoo lang, nilathala lamang ito sa imprenta sa Maynila nina Candido Iban and Francisco del Castillo, na kanilang binili sa panalo nila sa loterya sa Australia.  Nakalagay sa dyaryong Kalayaan ang ilang mga artikulo na isinulat mismo nina Valenzuela na nagtago sa pangalang Madlang-Away at Jacinto na nagtago sa pangalang Dimas-Ilaw.  Maging ang mga sulatin at tula ni Andres Bonifacio sa pangalang Agap-ito Bagumbayan.  Mula 300 kasapi, sinasabing lumaki ang kasapian ng Katipunan hanggang 30,000 na kasapi dahil sa lamang sa nag-iisang labas ng dyaryong ito.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan.  Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Ang editor nito na si Emilio Jacinto ang siya ring sumulat ng 13 batas ng Katipunan, ang Kartilya.  Mamili na kayo nang pwedeng i-New Year’s resolution:

(I) Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi man damong makamandag.

(IV) Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay; mangyayaring ang isa’y higtan sa dunong, sa yaman, sa ganda; ngunit di mahihigtan sa pagkatao.

(VI) Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.

(VII) Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala’y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan na’y di na muli pang magdadaan.

(IX) Ang taong matalino’y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; at matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.

(XI) Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan.

(XII) Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.

Ayon kay Jacinto, kapag daw tinupad ang mga aral na ito, sisikat raw ang araw ng kalayaan sa atin na nangagkakaisang magkakalahi at magkakapatid at sasabugan tayo ng matamis na ligayang walang katapusan.  Ang mga ginugol raw nilang buhay, pagod at tiniis na hirap ay labis nang matutumbasan.  Ang Kartilya pala ang best new year’s resolution natin.  Hindi lang tayo nagbabago, tinutumbasan pa natin ang sakripisyo ng ating mga bayani.  Sa kabila ng ating mga kahinaan, huwag tayong magpapigil na paggawa ng mabuti para sa bayan at sa ating kapwa, para sa Katipunan ito ang tunay na pagmamahal sa Diyos.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Fairlane Subd., Tarlac City; at McDo Philcoa, 28 December 2012)