IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: bonifacio

XIAO TIME, 13 December 2013: MGA ARAL SA BUHAY NI NELSON MANDELA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Nelson Rolihlahla Mandela, 1918-2013

Nelson Rolihlahla Mandela, 1918-2013

13 December 2013, Friday: http://www.youtube.com/watch?v=zvhwvCjBonQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alam niyo ba na hindi si Crisostomo Ibarra ang bayani ni Jose Rizal sa kanyang mga nobela?  Ayon kay Heneral Jose Alejandrino, nabanggit sa kanya ni Rizal na pinagsisihan niya na pinatay niya si Elias at hindi si Crisostomo Ibarra sa kanyang unang nobela na Noli Me Tangere.

Jose Rizal at Jose Alejandrino sa Madrid.  Mula sa Vibal Foundation.

Jose Rizal at Jose Alejandrino sa Madrid. Mula sa Vibal Foundation.

Jose Alejandrino.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Jose Alejandrino. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Si Ibarra (na kamukha ni Rizal) sa unang eksena ng Noli Me Tangere sa bahay ni Kapitan Tiago.  Obra maestra ni Leonardo Cruz.

Si Ibarra (na kamukha ni Rizal) sa unang eksena ng Noli Me Tangere sa bahay ni Kapitan Tiago. Obra maestra ni Leonardo Cruz.

Si Ibarra at Elias sa pinilakang tabing.

Si Ibarra at Elias sa pinilakang tabing.

Kung alam lamang niya na makakapagsulat siya ukol sa himagsikan dapat daw ay binuhay niya si Elias dahil siya ang nagtataglay ng mga kinakailangang katangian ng isang tao na namumuno sa isang himagsikan:  noble character, patriotic, self-denying and disinterested.  Si Ibarra raw kasi ay makasarili, na kumilos lamang nang masaktan ang kanyang interes, at ang kanyang mga mahal sa buhay.  Sa mga katulad raw ni Ibarra na paghihiganti ang naiisip, walang tagumpay na dapat maasahan sa kanilang mga kilos.

Si Elias, si Maria Clara at si Crisostomo Ibarra.  Obra maestra ni Carlos "Botong" Francisco.

Si Elias, si Maria Clara at si Crisostomo Ibarra. Obra maestra ni Carlos “Botong” Francisco.

Si Rizal at si Elias.

Si Rizal at si Elias.

Nakakatuwa na sa kasaysayan ng daigdig, mayroong isang tao na tumumpak sa katangian ng isang Elias:  si Nelson Rolihlahla Mandela, na sumakabilang buhay noong nakaraang December 5 at magkakaroon ng state funeral sa Linggo, December 15 sa Qunu, South Africa.

NOW HAPPENING AS I BLOG:  Family members stand near former South African President Nelson Mandela's casket during his funeral service in Qunu, South Africa, Dec. 15, 2013.  Associated Press.

NOW HAPPENING AS I BLOG: Family members stand near former South African President Nelson Mandela’s casket during his funeral service in Qunu, South Africa, Dec. 15, 2013. Associated Press.

Si Mandela ay isinilang sa isang pamilya ng mga datu noong 1918.  Ngunit dahil ang Timog Africa ay nasa pamumuno noon ng mga Kolonyalistang British, naging malupit maging para sa kanya ang lipunan.  Noong 1948, isinabatas ang Apartheid, mula sa salitang “apart,” ang pagbubukod ang paghihiwalay sa mga puti at mga itim halimbawa sa mga pampublikong lugar, mga banyo, mga bus at mga paaralan.  Naglalagay ng mga karatulang “For whites only.”

Si Mandela bilang abogado.

Si Mandela bilang abogado.

Si Mandela bilng boksingero.

Si Mandela bilng boksingero.

Sampol ng paghihiwalay batay sa Apartheid.  Mula sa Wikipedia.

Sampol ng paghihiwalay batay sa Apartheid. Mula sa Wikipedia.

Gayundin, nararanasan din nilang maduraan o hindi pagbentahan sa tindahan.  Naging rebolusyunaryo si Mandela at nakibaka laban sa Apartheid.  Bagama’t naniniwala siya sa mapayapang pakikibaka tulad ng ginawa ni Gandhi, naniniwala siyang taktika ito kaysa prinsipyo.  Kung hindi magtatagumpay ang mapayapang pakikibaka, wala itong silbi.  Tulad ni Andres Bonifacio, ang marahas na himagsikan ay isang huling opsyon.

Si Mandela ay inaresto.

Si Mandela ay inaresto.

Si Mandela na tumutungo sa kanyang paglilitis suot ang tradisyunal na kasuotan ng kanyang dugong bughaw na pamilya.

Si Mandela na tumutungo sa kanyang paglilitis suot ang tradisyunal na kasuotan ng kanyang dugong bughaw na pamilya.

Ilang beses ikinulong hanggang sa mapatawan ng habangbuhay na pagkakabilanggo at ikinulong sa notoryus na Robben Island Prison kung saan siya ay araw-araw na ibinulid sa mahirap na pagtatrabaho sa ilalim ng mainit na sikat ng araw.  Sa loob ng kulungan, nakibaka siya para matanggal ang hard labor na ito sa mga bilanggo.

Robben Island Prison.

Robben Island Prison.

Mabigat na pagtatrabaho ng pagsisibak ng mga bato sa piitan ng islan ng Robben.

Mabigat na pagtatrabaho ng pagsisibak ng mga bato sa piitan ng islan ng Robben.

Si Mandela habang inaayos ang kanyang kasuotan sa piitan.

Si Mandela habang inaayos ang kanyang kasuotan sa piitan.

Si Mandela bilang isang preso.

Si Mandela bilang isang preso.

Si Mandela at si Pangulong William Jefferson Clinton na nagmo-moment sa loob ng naging piitan ni Nelson Mandela sa Robben Island.

Si Mandela at si Pangulong William Jefferson Clinton na nagmo-moment sa loob ng naging piitan ni Nelson Mandela sa Robben Island.

27 taon siyang nakakulong ngunit nang siya ay pinalaya noong 1990, hindi naghiganti.  Nakipag-usap siya sa bagong pinuno ng South Africa na si F.W. de Clerk sa tuluyang pagbabasura sa Apartheid, at dahil dito nagtamo sila kapwa ng Nobel Peace Prize.  At nang ganapin ang unang halalan na isinama ang mga itim noong 1994, nahalal si Mandela na Pangulo.

Nang mapalaya si Nelson Mandela mula sa piitang Victor Verster habang hinahawak ang kamay ng kanyang asawa na si Winnie, 11 February 1989.

Nang mapalaya si Nelson Mandela mula sa piitang Victor Verster habang hinahawak ang kamay ng kanyang asawa na si Winnie, 11 February 1990.

Si Mandela at si Pangulong F. W. de Clerk habang tinatanggap ang kanilang mga premyo Nobel, 1993.

Si Mandela at si Pangulong F. W. de Clerk habang tinatanggap ang kanilang mga premyo Nobel, 1993.

Itinatag niya ang mga Truth and Reconciliation Commission na siyang kumuha ng testimonya ng mga biktima ng pag-abuso sa karapatang pantao sa harapan ng mga bumiktima sa kanila at kung saan maaari ring humingi ng amnestiya ang mga nambiktima.  Dahil napag-usapan ang mga alaalang sumugat, naging salik ito sa pagkahilom ng mga ito at sa pagkakaisa ng mga puti at itim sa Timog Africa.

Si Arsobispo Desmond Tutu, kaibigan at kaisa sa pakikibaka ni Mandela, at ang kanyang mga kasama sa Truth and Reconciliation Commission.

Si Arsobispo Desmond Tutu, kaibigan at kaisa sa pakikibaka ni Mandela, at ang kanyang mga kasama sa Truth and Reconciliation Commission.

Ang unang pagpupulong ng Truth and Reconciliation Commission sa London.

Ang unang pagpupulong ng Truth and Reconciliation Commission sa London.

Si Nelson Mandela at si Pangulong Corazon Aquino ng Pilipinas.

Si Nelson Mandela at si Pangulong Corazon Aquino ng Pilipinas.

Tutol si Mandela sa dominasyon ng mga puti ngunit tutol din siya sa dominasyon ng mga itim.  Mula 1994 hanggang 1999, nagtagumpay siya na ipunla ang mga reporma at pagkakapantay-pantay sa kanyang bansa at dahil dito, siya ang kinilalang Ama ng Sambayanang Timog Aprikano.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pasay Rotonda, 12 December 2013)

Si Nelson Mandela, ang Ama ng Sambayanang Timog Aprikano.

Si Nelson Mandela, ang Ama ng Sambayanang Timog Aprikano.

BAKIT PARANG AYAW KONG PANIWALAAN SI LAZARO MAKAPAGAL KAHIT SIYA ANG NANGUNA SA PAGPATAY KAY ANDRES BONIFACIO?

Michael Charleston “Xiao” Chua

Historical Consultant, Katipunan (GMA Network)

Lumilitaw na may ilang bersyon ang pagpatay kay Gat Andres Bonifacio.  Nangyari ito dahil hindi naging transparent ang mga kinauukulan sa nangyari at maaari pang may pagnanais na ikubli ito.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Jim Richardson.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Jim Richardson.

Procopio Bonifacio.  Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Procopio Bonifacio. Mula kay Isagani Medina sa Great Lives Series.

Ayon sa mga ilang mga historyador, na may punto rin naman:  isa lang ang taong dapat paniwalaan pagdating sa pagkamatay ni Andres Bonifacio, dahil eyewitness siya.  Ang pinuno mismo ng pagpatay kay Andres Bonifacio na si Lazaro Makapagal.  Ito ang nanaig sa historiyograpiya.  Dinala niya sa bundok ang magkapatid na Andres at Procopio dala ang isang selyadong sulat mula sa Conseho de Guerra ng pamahalaan ni Heneral Emilio Aguinaldo, na nagtataglay pala ng hatol na barilin ang patayin ang magkapatid.

Komandante Lazaro Makapagal, mula kay Isagani Medina.

Komandante Lazaro Makapagal, mula kay Isagani Medina.

Pero ang eyewitness na ito.  Dalawa ang ibinigay na version ng pagpatay: Una, sa isang testimonya na ibinigay niya kay Santiago Alvarez para sa isang dyaryo, mga tatlong dekada matapos ang pangyayari, nang malaman ang hatol, nanangis na yumakap raw ang Procopio at sinabing “Kuya, paano tayo?”  Di raw nakakibo ang Andres at “umaagos ang mapapait na luha sa dalawang mata.”  Tumalikod raw si Makapagal sa habag sa magkapatid at hindi tingnan ang pagbaril sa Supremo.

"The Verdict," obra ni Rody Herrera. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Makikita sa aklat na Fine Artists of the Philippines 1999 ni Marlene Aguilar at Larry Bortles.

“The Verdict,” obra ni Rody Herrera. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Makikita sa aklat na Fine Artists of the Philippines 1999 ni Marlene Aguilar at Larry Bortles.

Nag-iba ng testimonya ang lolo mo nang sumulat siya kay Jose P. Santos.  Nang basahin raw niya ang hatol sa magkapatid, napatalon daw at nagsabi si Procopio ng “Naku Kuyang!” Napaluhod raw si Bonifacio at akmang yayakapin siya at umiiyak na nagsabing, “Kapatid, patawarin mo ako.”  Unang binaril si Procopio.  Muli raw nagmakaawa nang nakaluhod si Bonifacio at sinabing “Kapatid, patawarin mo ako!”  Sagot ni Makapagal, “Wala akong magagawa!”  Noo’y tumakbo ang Supremo at tinugis nila sa kakahuyan at malapit sa ilog ay binaril nila hanggang mamatay.

Ok, dalawa ang version niya.  Sorry naman,  tao lang siya.  Sa pangalawa hindi na siya tumalikod, hinabol nila ang tumakbong Supremo.  Sabi ng historiyograpiya, malaki ang timbang para sa testimonya  ng eyewitness.  Primary source kasi siya.  Tapos ang kwento. Pero ang natutunan ko rin sa historiyograpiya sa UP ang nagsasabi sa akin na huwag akong maniwala sa lahat ng nababasa ko, maging kritikal ako, at gamitin ang pagsusuri ng mga batis.  Internal o external criticism.

Pero bakit gusto kong pagdudahan ang testimonya niya:

Una:  Sa testimonya ni Makapagal, naglalakad ag Supremo patungo sa bundok.  Pinalilitaw niya na mababa at iisa ang sugat ni Andres Bonifacio.  Sa gunita ni Emilio Aguinaldo na isinulat niya noong matanda na siya, nagdadrama ang Andres at nagpabuhat sa duyan kahit na ang sugat niya ay isang sentimetro lamang ang lalim.  Ok.  Pero sa eyewitness accounts mula sa paglilitis at sa nakolekta ni Santiago Alvarez, nang mabaril sa balikat ang Supremo at sinaksak ni Intsik Paua sa leeg, sumulimpat ang dugo at malubha ito.  Dinala siya sa duyan mula sa pagkakahuli sa Limbon ng 28 Abril, 1897.  Hindi ginamot ang mga sugat nila.  Pero hindi makikita ang epekto ng gangrene na ito sa testimonya ni Makapagal.  Ayon kay Artemio Ricarte, bagama’t hindi si Makapagal ang pinangalanan niya na pumatay kay Bonifacio kundi si Agapito Bonzon at Paua na mga humuli kay Bonifacio sa Limbon, may kwento siya na DALA-DALA SA DUYAN si Andres Bonifacio.

Pangalawa:  Oo, primaryang batis nga si Lazaro, pero  HINDI LAHAT NG PRIMARYANG BATIS AY MAGSASABI NG TOTOO.  May motibo ba na magsinungaling si Lazaro?  Sa aking palagay oo.  Kung ako si Lazaro, gugustuhin kong palitawin na kahit papaano, hindi ako super engot o mali sa ginawa ko.  Or in short, na tama ang ginawa ko.  Kung gayon, palilitawin kong DUWAG SI ANDRES BONIFACIO, nagluluhod.  Kahit na sa aksyon ni Bonifacio ayon sa ibang nakakita, atapang-a-tao siya.  Bakit siya hihingi ng tawad kung sa buong pagtigil niya sa Cavite, iginiit niya na siya ang tunay na pinuno ng himagsikan?  Tumakbo pa?  E hindi ba atapang-a-tao nga. Pangatlo:  Ang tagal ng paglipas ng panahon ng pagkakuwento.

Lazaro Makapagal.

Lazaro Makapagal.

PERO WALA TAYONG MAGAGAWA SIYA ANG PRIMARYANG BATIS. May mga sekundaryang batis na pwedeng makita.  Isinulat mismo ni Emilio Aguinaldo sa kanyang talambuhay ni Andres Bonifacio na ipinasok niya sa contest bilang si “Dalomag,” mayroon daw kwento si Paciano Rizal na ayaw na barilin ng Katipunero ang Supremo, kaya kinuha ni Jose Clemente Zulueta ang baril at ipinutok ito sa Supremo.  Kung isinulat ito ni Aguinaldo, na malamang sa malamang pinag-ulatan ng pagpatay kay Supremo ni Makapagal, dapat itong paniwalaan.  Pero sabi ni Aguinaldo, hindi na niya alam ang nangyari dahil sa araw ng pagpatay, lumusob ang mga Espanyol sa Maragodon, ang bayan kung saan din nilitis at pinatay ang Supremo.   Pero bakit hindi tumutugma ang kwento nilang mag-amo?  Tapos, sa kanyang mga gunita, sasang-ayon din siya na si Lazaro Makapagal nga ang nanguna sa pagpatay sa Supremo.  Mayroon bang bersyon na tinatawag kong “Luis Dery” hypothesis.  Ipinangalan sa tagapanguna nito na si Dr. Luis Camara Dery na naniniwala na dahil sa mas maagang date nang paggunita noon sa pagkamatay ng Supremo, 23 Abril 1897 (at ang nakalagay sa matandang marker sa Maragondon kung saan nakalagay na inilibing ang mga labi doon ng 26 Abril), ay sa pag-aresto sa Limbon kung saan tinamaan raw ang carotid vein sa leeg ng Supremo, Limbon palang patay na!  Para sa akin, kailangan pa ng karagdagang pag-aaral dito dahil sa mismong sulat ni Gregoria de Jesus, asawa ni Bonifacio, kay Emilio Jacinto, na dinala ang Supremo “kinbukasan ng tanghali nila inalis ang dalawang magkapatid, at bandang hapon na ay nagkaroon ng laban sa mabas ng bayanna di malayo sa aking kinalalagyan.  Saka lamang ako pinakawalan.”  Ibig sabihin tumutugma ito sa testimonya ni Aguinaldo at Makapagal:  10 Mayo, ang araw ng paglusob ng mga Espanyol sa Maragondon, niyare ang magkapatid na Bonifacio.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Gregoria de Jesus.  Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Bahay Nakpil-Bautista.

Gregoria de Jesus. Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Bahay Nakpil-Bautista.

Ngunit bakit ba lumitaw ang tula na “Andres Bonifacio, atapang-a-tao, a-putol-a-kamay, hindi atakbo.  A-putol-a-paa, hindi atakbo.”  Alam naman natin na si Andres Bonifacio ayon kay Makapagal ay binaril.  Ngunit bakit meron nitong tula?

Ito ang alternatibong bersyon ng pagpatay sa Supremo.  Ayon sa kaibigan ng Supremo na si Heneral Guillermo Masangkay, kinausap siya ng dalawa sa apat na Katipon na kasama ni Makapagal sa pagpatay sa Supremo.  At ayon sa kanila, inuna raw nilang patayin si Procopio sa pamamagitan ng pagbaril, ngunit, si Andres Bonifacio, ay nakatungo sa kakahuyan, at nakitang nagkukubli sa pagitan ng dalawang bato.  At dahil sa ayaw nilang masayang ang bala, dito na nila inundayan ng mga panaksak si Bonifacio.

Nang mag-field work naman ang namayapang Prop. Danilo “Piwi” Aragon sa Maragondon, kinapanayam niya ang ilang matatanda na nagsasabi sa kanilang ang kwento sa kanila ng kanilang ninuno ay may isang nakakita sa pagpatay sa Supremo, na tinataga ng limang tao. Alternatibong bersyon ng pagpatay kay Bonifacio batay sa testimonya ng dalawang  sinasabing pumatay sa Supremo kay Hen. Guillermo Masangkay, na siya ay tinaga hanggang mamatay.  Sinuportahan ito ng papel ni Danilo Aragon ukol sa kwento ng mga matatanda sa Maragondon na tila pinagbatayan ng tulang "Andres Bonifacio, a-tapang a-tao."  Maraming bersyon ang pagpatay kay Bonifacio liban sa opisyal na tanging eyewitness account ni Lazaro Makapagal.  Para sa akin, anumang bersyon ang tama ay hindi na mahalaga.

“Ang Wakas ni Andres Bonifacio” ni Carlos Valino Jr.

Kaya ang pinili ng mga producers ng Katipunan ay ang bersyon ng nagsumbong kay Masangkay.  Sa unang bersyon ng script pinag-usapan ang dalawang bersyon kaya nagmukhang akademiko.  Sa aking mga lektura, bagama’t may pagkiling ako sa pagtaga, akin nang iniiwan sa mga nakikinig ang mga datos at ang pagdedesisyon.  Wala ako doon kaya hindi ko rin masabi with finality.  Ngunit ako yun bilang historyador, iniwan ko sa producers ng Katipunan ang pagdedesisyon, bagama’t marami naman akong kilalang mga tunay na historyador, eksperto at mga guro sa kasaysayan na mas pinaniniwalaan ang bersyong ito, kaya hindi lang ako ito.  Marami na ring beses na ikinuwento ang bersyon ni Macapagal sa telebisyon at pelikula kaya pagbibigay din ito sa publiko na hindi iisa ang bersyon sa pagpatay sa Supremo.  Gayundin, hindi naman masisiyahan ang lahat ng panig at laging magiging kontrobersyal anumang bersyon ang piliin.  Anuman, ang ginagawa nila ay hindi diskursong akademiko kudi isang serye sa telebisyon.

Ang pagpaslang kay Procopio at Andres Bonifacio sa serye ng GMA Network na "Katipunan."  Sa kagandahang loob ni Jayson Bernard Santos.

Ang pagpaslang kay Procopio at Andres Bonifacio sa serye ng GMA Network na “Katipunan.” Sa kagandahang loob ni Jayson Bernard Santos.

Masaya ako na pinili kong ituloy ang pagiging consultant ng Katipunan kasama si Dr. Lars Raymund Ubaldo.  May mga kakulangan man dahil sa kawalan ng sapat na pondo at oras, sinikap ng Katipunan na ibatay sa batis ang mga historikal na eksena hanggang sa maraming maliliit na detalye, na itinatawag pa sa amin sa telepono kahit wala kami sa shoot.  Ngunit mas importante, naipalaganap nito ang diwa ni Andres Bonifacio, ang Ama ng Sambayanang Pilipino, na unang naghiraya ng isang bansang may kapatiran, kabutihang-loob, kaginhawaan at kalayaan.

14 Disyembre 2013, 10:38 PM, Pook Amorsolo, UP Campus, Diliman, Lungsod Quezon Habang nanonood ng huling episode ng Katipunan

PANATA NG MANGGAGAWA (Batay sa mga salita nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at Julio Nakpil)

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Caloocan.  Nililok ni Guillermo Tolentino.  Mula kay Isagani Medina.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Caloocan. Nililok ni Guillermo Tolentino. Mula kay Isagani Medina.

Ako ay manggagawang Pilipino

Mahigpit akong nanunumpa na maging masipag sa pag hahanap-buhay

Sapagkat ito ang siyang tunay na pag ibig at pag mamahal sa sarili sa asawa, anak at kapatid o kababayan

Ngunit hindi ako papaapi at hindi ako makikiapi

Ipagtatanggol ko ang inaapi at kakabakahin ang umaapi sa kapwa manggagawa

Gagawin ko ito ng malamig ang aking loob, matiyaga, makatuwiran at maypag-asa

Sapagkat dito nagbubuhat ang ikagaganap ng mabuting ninanais.

Magkakawanggawa ako, iibig ako sa kapwa

Isusukat ko ang bawat kilos gawa at pangungusap sa talagang katuwiran

Sapagkat isinusulong ko ang tunay na puri at kabanalan

Ipagwawagi ko ang kahusayan, upang matupad ang layon ng Katipunan

Na itampok at tubusin ang bayan

Hindi ko gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba

Ang hindi ko ibig gawin sa asawa, anak at kapatid ko

Hindi ko sasayangin ang panahon

Sisikapin kong magkaroon ng magandang asal

May isang pangungusap, may dangal at puri

Sapagkat sa kabutihang-loob nagmumula ang tunay na kaginhawaan

Babahaginan ko ng makakaya ang alin mang nagdaralita

Iibigin ko ang kapwa ko bilang aking kapatid

At aampunin ko ang bayan dahil ang nais ko ay lunas

Sapagkat ang kaginhawaan ng bayan ay ang kalayaan ng lahat

Itinataya ko ang aking dangal sa ipagkakaisa ng loob at kaisipan ng mga Anak ng Bayan

Kasihan nawa ako ng Maykapal

Binuo ni Michael Charleston “Xiao” Chua, batay sa mga sinulat nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at Julio Nakpil, ngayong 30 Nobyembre 2013, ika-150 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, 4:44 AM sa kahilingan ng NAGKAISA! para sa kanilang pagkilos sa araw na ito.

IKA-150 TAONG KAARAWAN NI GAT ANDRES BONIFACIO, GUGUNITAIN BUKAS: SPECIAL REPORT

Text of the broadcast of Xiao Chua’s special report for News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Jim Richardson.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Jim Richardson.

29 November 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=NIgF4twsSXM

Gat Andres Bonifacio, isang pangalan na nagpapagunita sa atin ng isang a-tapang a-tao, ngunit madalas, ng isang matayog na rebulto o matigas na mukha sa barya.  Ngunit, kilala ba natin talaga siya?  Madalas na ipakilala bilang Ama ng Katipunan, Unang Naggalaw ng Paghihimagsik, ngunit nakilala din bilang bobong bodegero na walang pinanalong laban dahil walang pinag-aralan at walang kakayahang militar.

Ang orihinal na Bantayog sa Balintawak, "Sa alaala ng mga Bayani ng 1896."  Hindi po ito si Bonifacio.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ang orihinal na Bantayog sa Balintawak, “Sa alaala ng mga Bayani ng 1896.” Hindi po ito si Bonifacio. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Sino nga ba ang tunay na Andres Bonifacio.  Isinilang siya noong November 30, 1863 sa Tondo, Maynila sa isang bangkero, sastre at naging teniente mayor na si Santiago Bonifacio, at isang mestisang Espanyola na puno ng isang sangay ng pagawaan ng sigarilyo na si Catalina de Castro.  Isinilang na middle class si Andres at nakapag-aral kay Guillermo Osmeña at nakaabot hanggang sa mataas na paaralan hanggang sa siya ay matigil dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang noong siya ay 14.  Bilang panganay sa anim na magkakapatid, tumayo siyang kapwa ama at ina nila, gumagawa at nagbebenta ng mga baston at pamaypay sa mga maykaya sa labas ng simbahan.

Si Andres habang nagbebenta ng baston at abaniko sa patio ng simbahan.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Si Andres habang nagbebenta ng baston at abaniko sa patio ng simbahan. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Naging empleyado ng dalawang international company sa Maynila.  Ito ang dahilan bakit sa kanyang tanging larawan, siya ay naka-amerikana at postura.  Sa pagitan ng pagtatrabaho at paggawa ng mga baston, binuklat niya ang mga aklat at nagbasa ukol sa batas, medisina, mga nobela ni Jose Rizal, Kasaysayan ng Amerika at Rebolusyong Pranses, kasama na ang Les Miserables.

Nagsikap si Bonifacio na matuto sa sarili at naging palabasa.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Nagsikap si Bonifacio na matuto sa sarili at naging palabasa. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Dahil dito lumawak ang kanyang pag-iisip at nangarap, nagkaroon siya ng ideya na kung dati rati kapag isinilang ang indio, mamamatay pa rin siyang alipin, sa kanyang pinangarap na bansa, ang bayan, tayo, hari, ang makapangyarihan.  Sumapi siya sa Masoneriya, at sa La Liga Filipina ni Rizal noong itatag ito noong July 3, 1892 upang magtulungan ang mga kababayan.

Pagtatatag ng La Liga Filipina.  Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Ngunit matapos lamang ang tatlong araw, inaresto si Rizal kaya kinabukasan, July 7, 1892, isinakatupran nila ang matagal na nilang binabalak ayon sa mga dokumentong nanggaling sa Archivo Militar ng Madrid, ang pormal na pagtatag ng Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan na sa loob ng apat na taon ay lumaganap at nagkaroon ng kasapian sa Luzon, Visayas ay Mindanao.  Hindi lamang simpleng samahang mapanghimagsik ang Katipunan, sa tulong ng kanyang mga kapanalig tulad nina Emilio Jacinto, Pio Valenzuela, Aurelio Tolentino at iba pa, naging proyekto ito ng pagbubuo ng isang bansang tunay na malaya, may kaginhawaan, mabuting kalooban at kapatiran.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto.  Mula sa isang malaganap na postcard.

Isang paglalarawan kay Emilio Jacinto. Mula sa isang malaganap na postcard.

Dr. Pio Valenzuela

Dr. Pio Valenzuela

Bago ka lumaban sa Espanya, kailangan handa at mabuti muna ang kalooban ng bawat isa.  Naging code name niya ang Maypagasa.  Dumating ang oras, August 1896, nabisto ang Katipunan at isanlibong tao ang nagpunit ng sedula sa Unang Sigaw sa Balintawak, Kalookan.

Unang Bugso ng Himagsikan

Unang Bugso ng Himagsikan

Si Bonifacio ang nagtakda ang istratehiya ng himagsikan.  May mga laban ang Katipunan na nagtagumpay at nabigo subalit hindi nanamlay ang mga Anak ng Bayan.  Sa pagtatangka niyang ayusin ang sigalot sa mga balanghay sa Cavite bilang Pangulo ng Haring Bayan, naipit siya sa pilitika at pinaslang noong May 10, 1897.

Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng demokrasyang elit sa bansa.  Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng demokrasyang elit sa bansa. Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

Lagi nating naaalala si Gat Andres bilang a-tapang a-tao. Nakaligtaan natin na tinuruan din niya tayong umibig.  Maligayang ika-150 kaarawan, Supremo.  Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 24 November 2013)

ANG DIWA NG KATIPUNAN: “Kapatiran, Kabutihang-Loob, Kaginhawaan, Kalayaan!” (Para sa Bonifacio@150)

Andres Bonifacio.  Mula sa La Ilustracion Espanola y Americana.

Andres Bonifacio. Mula sa La Ilustracion Espanola y Americana.

Ang papel na ito ang aking abang ambag sa pagdiriwang ng ika-150 taong kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, Unang Pangulo ng Pilipinas at Ama ng Sambayanang Pilipino.

Download full paper here:  http://www.bagongkasaysayan.org/saliksik/wp-content/uploads/2014/11/06-Artikulo-Chua.pdf

Abstract:

ANG KAUGNAYAN NG MABUTING KALOOBAN SA DALUMAT NG KALAYAAN AT PAGKABANSA NG KATIPUNAN

Marami ang nag-stereotype sa Katipunan bilang samahan ng mga bobong masa na sugod ng sugod at walang ibang alam na gawin kung hindi maging bayolente.  Ngunit sa mga pananaliksik ng mga historyador at iba pa sa Agham Panlipunan sa mga nakaraang tatlong dekada, makikita na lumilitaw na ang tunay na mukha ng Katipunan hindi lamang bilang isang samahang mapanghimagsik kundi isang proyekto sa pagbubuo ng bansa.  Sa pananaliksik ni Teresita Maceda, kanyang kinonekta, batay sa mga batis ng Katipunan mismo, na ang tunay na kalayaan ng bayan ay maiuugat sa kaginhawaan.  Sa pagbanggit naman sa mga pag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino tulad nang kay Zeus A. Salazar, makikita na ang batis ng ginhawa ay ang mabuting kalooban.  Kung pag-uugnayin ang mga ito, makikita ang kumpletong larawan ng konsepto ng Katipunan ng Kalayaan:  Walang tunay na kalayaan kung walang kaginhawaan, at wala namang kaginhawaan kung walang mabuting kalooban.  At dito makikita kung bakit mahalaga ang Kartilya ng Katipunan sa pagpapanatili ng asal ng tao, ang mga anting-anting bilang proteksyon ng kalooban, at ang sanduguan bilang sagisag ng kapatiran at pagiging magka-loob.  Na hindi sapat na humawak lamang ng sandata ang mga Katipunero kundi kailangan na mayroon din silang banal, kapuri-puri at marangal na mga hangarin para sa bayan.  Na ang pagkabansa ay nagsisimula sa kapasyahan ng kalooban na palayain ang sarili at umibig sa Maykapal at sa kapwa.  Lagi nating naaalala ang Supremo Bonifacio bilang a-tapang a-tao. Nakaligtaan natin na tinuruan din niya tayong umibig.

Binasa sa pambansang kumperensya-pagtatanghal ng Unibersidad ng Pilipinas, BONIFACIO 150: ALAY SA BAYAN Nobyembre 22, 2013 sa GT-Toyota Asian Cultural Center, Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

Binasa sa pambansang kumperensya-pagtatanghal ng Unibersidad ng Pilipinas, BONIFACIO 150: ALAY SA BAYAN Nobyembre 22, 2013 sa GT-Toyota Asian Cultural Center, Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

AN ANDRES BONIFACIO TIMELINE (In commemoration of the month of the 150th birth anniversary of the Father of the Filipino Nation, updated and edited November 2017)

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

  • 30 Nobyembre 1863—Isinilang si Andres Bonifacio sa Tondo, Maynila.  Panganay sa anim na magkakapatid.  Nag-aral sa ilalim ni Guillermo Osmeña na taga Cebu.  Naghanap-buhay kasama ang mga kapatid sa pamamagitan ng pagbenta ng mga baston at abaniko.  Naging clerk-messenger sa Fleming and Co. at Fressel and Co.  Itinuturing ni Dr. Milagros Guerrero na isang young urban professional noong mga panahong iyon.  Naulila ng lubos sa edad na 22.  Aktor siya sa Teatro Porvenir kasama nina Aurelio Tolentino at Macario Sakay at paborito niyang karakter si Bernardo Carpio, ang itinuturing na tagapagligtas ng mga Tagalog.  Naging bihasa siya sa Wikang Tagalog at nagbasa rin ng mga salin sa Espanyol ng mga aklat ni Alexandre Dumas, Les Miserables ni Victor Hugo, Las Ruinas de Palmyra, ukol sa Himagsikang Pranses, Buhay ng mga Pangulo ng Estados Unidos, Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal, Ang Bibliya, maging mga aklat ukol sa medisina at batas.
Ang magkakapatid na Bonifacio.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Ang magkakapatid na Bonifacio. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Si Andres habang nagbebenta ng baston at abaniko sa patio ng simbahan.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Si Andres habang nagbebenta ng baston at abaniko sa patio ng simbahan. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Nagsikap si Bonifacio na matuto sa sarili at naging palabasa.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Nagsikap si Bonifacio na matuto sa sarili at naging palabasa. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Ang Katipunan

  • Enero 1892—May dokumento na natagpuan sa Archivo Militar sa Espanya na isinulat mismo ng Katipunan ukol sa plano ng pagtatatag at istruktura ng Kataas-taasang Katipunan bago pa man ito pormal na maitatag noong Hulyo 7, 1892.
Unang pahina ng "Casaysayan; Pinagcasunduan; Manga daquilang cautosan," Enero 1892.  Mula sa Archivo General Militar de Madrid sa pamamagitan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Unang pahina ng “Casaysayan; Pinagcasunduan; Manga daquilang cautosan,” Enero 1892. Mula sa Archivo General Militar de Madrid sa pamamagitan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

  • 3 Hulyo 1892—Itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.  Ang Liga ay naglalayong pagsama-samahin ang kapuluan sa isang katawan, proteksyon para sa lahat, pagtatanggol laban sa kaguluhan at kawalan ng katarungan, pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura, at pangangalakal, at pag-aaral at pagsasagawa ng mga reporma.  Naging kasapi nito sina Andres Bonifacio, Deodato Arellano at Apolinario Mabini.
Unang pahina ng orihinal na manuskrito ng saligang batas ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal sa Hongkong, 1892.

Unang pahina ng orihinal na manuskrito ng saligang batas ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal sa Hongkong, 1892.

  • 6 Hulyo 1892—Inaresto si Rizal at ikinulong sa Fuerza Santiago, at matapos ang ilang araw, 17 Hulyo 1892, dumating si Rizal sa Dapitan bilang isang destiero.
  • 7 Hulyo 1892—Sa Kalye Azcarraga (ngayo’y CM Recto), itinatag ni Andres Bonifacio ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK), kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata (nang hasik o triangolo), Valentin Diaz, Deodato Arellano, Briccio Pantas at iba pang kasama.
  • Oktubre 1892—Dahil sa kabagalan ng metodong triangolo sa pagkuha ng mga kasapi, napagkayarian na ibasura ito tungo sa inisasyon.  Nang umabot ng isandaan ang kasapi ng Katipunan, nagkaroon ng halalan para sa Kataas-taasang Sanggunian at naging Kataas-taasang Pangulo (Supremo) si Deodato Arellano.
  • Pebrero 1893—Naging Kataas-taasang Pangulo si Roman Basa.
Sanduguan sa Katipunan,.  Detalye ng mural na "History of Manila" ni Carlos V. Francisco.

Sanduguan sa Katipunan,. Detalye ng mural na “History of Manila” ni Carlos V. Francisco.

  • Maagang 1895—Nahalal na Kataas-taasang Pangulo si Andres Bonifacio.  Muli siyang mahahalal sa 31 Disyembre 1895 at Agosto 1896 bago mabunyag ang lihim na samahan.
  • 12 Abril 1895—Tumungo si Andres Bonifacio at mga kasama sa Kweba ng Pamitinan, Bundok Tapusi, sa Montalban, tila sumusunod sa yapak ng maalamat na Tagapagligtas ng mga Tagalog, si Bernardo Carpio, at sinasabing isinigaw at isinulat sa mga pader ng kweba ng Makarok sa pamamagitan ng uling, “Naparito ang mga Anak ng Bayan, Hinahanap ang Kalayaan.  Mabuhay ang Kalayaan!”
Bundok Tapusi, Montalban.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Bundok Tapusi, Montalban. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

  • Marso 1896—Lumabas ang una at huling edisyon ng pahayagan ng Katipunan, ang Kalayaan.  Mula 300 kasapi, dumami ang kasapian sa tinatayang 30,000 miyembro.  Sa mga sulatin dito, sa Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jacinto at iba pang akdang Katipunan makikita ang konsepto nila ng tunay na Kalayaan ng Katipunan na nakabatay sa kaginhawaan at matuwid at mabuting kalooban.  Gayundin, ang konsepto ng bansa na nakabatay sa pagkakaisa, kapatiran at pagmamahalan ng mga Tagalog (Taga-Ilog) tungo sa katuwiran at kaliwanagan.
  • 21 Hunyo 1896—Binisita ni Dr. Pio Valenzuela, bahagi ng pamunuan ng Katipunan, si Rizal sa Dapitan at pinaalam ng una sa huli ang binabalak na Himagsikan.  Inalok ni Valenzuela si Rizal na maging Pangulo ng Katipunan.  Tumanggi si Rizal at pinayuhan na kailangan ng armas, maghanda bago mag-alsa, humingi ng tulong sa mga mayayaman, at gawing heneral si Antonio Luna.
Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Pagkabunyag ng Katipunan at Unang Sigaw ng Himagsikan

  • 19 Agosto 1896—Sinalakay ang Diario de Manila at natuklasan ang Katipunan matapos na isumbong ni Teodoro Patiño sa cura parroco ng Tondo na si P. Mariano Gil ang lihim na samahan.  Buong gabing nanghuli ang mga Espanyol ng mga pinaghihinalaang kasapi.
Padre Mariano Gil.  Mula kay Dr. Isagani Medina.

Padre Mariano Gil. Mula kay Dr. Isagani Medina.

  • 24 Agosto 1896—Ayon sa mga historyador na sina Guerrero, Encarnacion at Villegas, naganap  ang unang sigaw ng Himagsikan at punitan ng sedula (pagsira ng dokumento bilang simbolo ng paghiwalay sa Espanya–Grito de Balintawak, ang iba’t ibang lugar na binanggit sa mga tila magkakasalungat na tala–Balintawak, Kangkong, Bahay Toro, Pugad Lawin—ang unang tatlo ay mga lugar sa Balintawak).  Ayon kay Aurelio Tolentino, ang tunay na sinigaw ni Bonifacio sa “Unang Sigaw” ay:  “Kalayaan o kaalipinan?  Kabuhayan o kamatayan?  Mga kapatid:  Halina’t ating kalabanin ang mga baril at kanyon upang kamtin ang sariling kalayaan!”  At sa pulong sa araw na iyon sa kamalig ni Tandang Sora sa Sitio Gulod, Barrio Banlat, Kalookan, itinatag ang Rebolusyunaryong Pamahalaan at si Andres Bonifacio ang naging pangulo nito.  Napagkasunduan rin ang magaganap na pagsalakay sa Maynila sa hatinggabi ng 29-30 Agosto 1896.
Unang Sigaw ng Himagsikan.

Unang Sigaw ng Himagsikan.

Letterhead ni Andres Bonifacio, dokumento na nagtatalaga kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila kung saan binabanggit na si andres Bonifacio ang Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan--ang unang pamahalaang pambansa at mapanghimagsik (Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion).

Letterhead ni Andres Bonifacio, dokumento na nagtatalaga kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila kung saan binabanggit na si andres Bonifacio ang Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan–ang unang pamahalaang pambansa at mapanghimagsik (Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion).

  • 25 Agosto 1896—Sagupaan ng KKK at ng mga Espanyol sa Pasong Tamo malapit sa Bahay ni Tandang Sora, talunan ang mga Espanyol.
  • 26 Agosto 1896—Sagupaan ng KKK at ng mga Espanyol sa Caloocan at Malabon, talunan ang mga Espanyol.
  • 30 Agosto 1896—Madaling araw nang pangunahan ni Bonifacio ang pag-atake sa Polvorín, San Juan del Monte (Ngayo’y Pinaglabanan).  Nagkaroon ng sabay-sabay na pagsalakay sa buong lalawigan ng Maynila.  Hindi sumipot ang hukbo ng Cavite sa napagkasunduang pag-aalsa.  Ipinailalim ni Gob. Hen. Ramon Blanco ang walong lalawigan—Maynila, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, Cavite, at Batangas, sa ilalim ng Batas Militar (Sinasagisag ng walong sinag ng araw sa ating bandila).
Ang Pagsalakay ni Andres Bonifacio sa Pinaglabanan sa madaling araw ng August 30, 1896.  Kung gayon, paano siya nakatulog at hindi nakapaghudyat kung naroon nga sila sa San Juan?  Mula sa "History of Manila," mural ni Carlos V. Francisco, na nasa City Hall ng Maynila.

Ang Pagsalakay ni Andres Bonifacio sa Pinaglabanan sa madaling araw ng August 30, 1896. Kung gayon, paano siya nakatulog at hindi nakapaghudyat kung naroon nga sila sa San Juan? Mula sa “Filipino Struggles Through History,” mural ni Carlos V. Francisco, na nasa City Hall ng Maynila.

Katipunan sa Cavite

  • 31 Agosto 1896—Nagapi ni Hen. Artemio Ricarte ang mga Espanyol sa San Francisco de Malabon, Cavite.  Sinimulan ang pag-aalsa sa Cavite sa pangunguna ni Hen. Emilio Aguinaldo.
  • 9-11 Nobyembre 1896—Pagtatagumpay ng Cavite laban sa mga Espanyol sa labanan sa Binakayan.  Gamit ng mga taga-Cavite ang Giyerang Pantrintsera sa Zapote at Cavite Viejo sa pangangasiwa ng inhinyero na nagtapos sa Ghent, Belgium na si Edilberto Evangelista na namatay sa Labanan sa Zapote noong 17 Pebrero 1897 .
Ang mga trintsera ng Cavite na itinayo ni edilberto Evangelista habang epektibong ginagamit... ng mga Amerikano.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ang mga trintsera ng Cavite na itinayo ni Edilberto Evangelista habang epektibong ginagamit… ng mga Amerikano. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

  • 30 Disyembre 1896—Bahagi ng serye ng mga pagbitay na may kinalaman sa himagsikan, binaril si Rizal sa Bagumbayan.  Nasa Cavite na noong mga panahon na iyon si Bonifacio na inanyayahan upang uyusin ang sigalot ng mga paksyon ng Katipunan sa lalawigang iyon—ang Magdiwang, Magdalo at Mapagtiis.
Aktwal na larawan ng pagbaril kay Gat Dr. Jose Rizal noong 30 December 1986 sa ganap na 7:03 ng umaga.

Aktwal na larawan ng pagbaril kay Gat Dr. Jose Rizal noong 30 December 1986 sa ganap na 7:03 ng umaga.

Kumbensyon ng Tejeros, Pacto de Tejeros at Naic Military Agreement

  • 22 Marso 1897—Sa kanyang kaarawan, nahalal in absentia si Emilio Aguinaldo bilang pangulo ng pamahalaang rebolusyunaryo sa Kumbensyon sa Casa Hacienda ng Tejeros (Binalaan ni Diego Mojica si Bonifacio na maraming mga balota ang napunan na bago pa man ang halalan, ang ispekulasyon ay hindi pinansin ni Bonifacio).  Nauna nang pumayag si Bonifacio na palitan ang Katipunan bilang pamahalaan sa pagkumbinsi ng kumbensyon basta anumang mapagkayarian ng kapulungan ay igagalang.  Ngunit nang tutulan ni Daniel Tirona ang pagkakahalal ni Bonifacio sa consuelo de bobong posisyon ng Direktor ng Interyor dahil siya ay walang pinag-aralan at hindi abogado ay nainsulto si Bonifacio, tinutukan ng baril si Tirona, pinawalang-bisa ang konseho bilang tagapangulo nito, at lumisan.
Ang pagbunot ng baril ni Andres Bonifacio upang hamunin ng duwelo ang uminsulto sa kanyang pagkatao na si Daniel Tirona sa Kumbensyon ng Tejeros, 22 March 1897.

Ang pagbunot ng baril ni Andres Bonifacio upang hamunin ng duwelo ang uminsulto sa kanyang pagkatao na si Daniel Tirona sa Kumbensyon ng Tejeros, 22 March 1897.

  • 23 Marso 1897—Bumalik sa Casa Hacienda ng Tejeros sina Bonifacio at mga tagapanalig upang tutulan ang naganap na halalan sa pamamagitan ng Acta de Tejeros.  Habang nanumpa bilang Pangulo si Aguinaldo sa harapan ni P. Villfranca sa Tanza.  Nang ipahayag ang bagong mga opisyales ng pamahalaan noong 17 Abril 1897, kapwa mga Magdiwang at Magdalo ay kabilang na dito.
Huling pahina at mga lagda sa Acta de Tejeros, March 23, 1897.    Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Tejeros, March 23, 1897. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

  • 19 Abril 1897—Pagpupulong sa Casa Hacienda ng Naic ng pangkat ni Bonifacio.  Nang masabihan ni Lazaro Makapagal, napasugod ang namalariang si Aguinaldo sa nasabing pulong at muntik nang magkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng mga hukbo ni Aguinaldo at Bonifacio.  Nagulat pa si Aguinaldo na ang kanyang dalawang tapat na kawal na sina Mariano Noriel at Pio del Pilar ay kasama ng Supremo.  Muling bumalik kay Aguinaldo ang dalawang heneral at nanguna sa pag-uusig sa mga Bonifacio.
Huling pahina at mga lagda sa Acta de Naic, April 19, 1897.  Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Naic, April 19, 1897. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Paglilitis at Pagpaslang kay Bonifacio

  • 28 Abril 1897—Ang sugatang sina Andres at Procopio Bonifacio ay inaresto at dinala sa Naic.  Nasawi si Ciriaco Bonifacio sa pataksil na paglusob ng sariling kababayan sa Limbon, Indang sa pangnguna ni Kol. Agapito Bonzon, na nagtangka ring gahasain ang asawa ng Supremo at Lakambini ng Katipunan Gregoria de Jesus.  Sa Casa Hacienda ng Naic, ikinulong sa bartolina sa ilalim ng hagdanan sa loob ng tatlong araw ang Supremo, dalawang beses lamang pinakain pagkaing hindi na dapat banggitin.
Ang bartolina sa Naic.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang bartolina sa Naic. Kuha ni Xiao Chua.

Gregoria de Jesus.  Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Bahay Nakpil-Bautista.

Gregoria de Jesus. Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Bahay Nakpil-Bautista.

  • 1 Mayo 1897—Sa pagbagsak ng Naic sa mga Espanyol, lumipat sina Aguinaldo at ang kanilang mga bihag sa Maragondon, Cavite kung saan ipinagpatuloy ang paglilitis sa magkapatid na Bonifacio.  Hindi naisakatuparan ang pagliligtas sana sa Supremo na gagawin ng pangkat nina Diego Mojica.
Ang matandang bahay sa Maragondon kung saan nilitis ang Supremo Andres Bonifacio.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang matandang bahay sa Maragondon kung saan nilitis ang Supremo Andres Bonifacio. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

  • 10 Mayo 1897—Isinakatuparan ng pangkat ni Lazaro Macapagal ang kautusan ng Consejo de Guerra na barilin at patayin ang magkapatid na Bonifacio sa mga kabundukan ng Maragondon.  Ngunit ayon sa testimonya kay Guillermo Masangkay ng dalawa raw sa mga Katipunerong pumatay kay Bonifacio, binaril si Procopio pero tinaga raw hanggang mamatay si Andres Bonifacio.
"The Verdict," obra ni Rody Herrera. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Makikita sa aklat na Fine Artists of the Philippines 1999 ni Marlene Aguilar at Larry Bortles.

“The Verdict,” obra ni Rody Herrera. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Makikita sa aklat na Fine Artists of the Philippines 1999 ni Marlene Aguilar at Larry Bortles.

Pagkamatay sa isang duyan.  Paglalarawan ni Egai Fernandez mula sa aklat na Supremo ni Sylvia Mendez Ventura.

Pagkamatay sa isang duyan. Paglalarawan ni Egai Fernandez mula sa aklat na Supremo ni Sylvia Mendez Ventura.

Andres Bonifacio.  Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

Andres Bonifacio. Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

XIAO TIME, 18 July 2013: FALL OF THE BASTILLE: ANG PRANSIYA AT ANG PILIPINAS

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pagkubkob sa kulungang Bastille sa kalagitnaan ng Paris.  Mula sa Wikipedia:  "The Storming of the Bastille", Visible in the center is the arrest of Bernard René Jourdan, m de Launay (1740-1789), Watercolor painting; 37,8 x 50,5 cm.

Ang pagkubkob sa kulungang Bastille sa kalagitnaan ng Paris. Mula sa Wikipedia: “The Storming of the Bastille”, Visible in the center is the arrest of Bernard René Jourdan, m de Launay (1740-1789), Watercolor painting; 37,8 x 50,5 cm.

18 July 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=RswpIjJxfT4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  Si Andres Bonifacio, bagama’t isang bodegero noon sa isang Alemang kumpanya sa Maynila, ang Fressel and Company, ay mahilig magbasa ng mga aklat sa wikang Espanyol sa kanyang libreng oras.  Sinasabing ilan sa kanyang mga binasa ay ang Les Misérables ni Victor Hugo, mga nobela ni Alexandre Dumas, at ang kasaysayan ng Himagsikang Pranses.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Jim Richardson.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Jim Richardson.

Victor Hugo, may-akda ng "The Hunchback of Notre Dame" at "Les Miserables".  Mula sa freethoughtalmanac.com.

Victor Hugo, may-akda ng “The Hunchback of Notre Dame” at “Les Miserables”. Mula sa freethoughtalmanac.com.

Alexandre Dumas, may akda ng "The Count of Monte Cristo" at "The Three Musketeers."  Mula sa Wikipedia.

Alexandre Dumas, may akda ng “The Count of Monte Cristo” at “The Three Musketeers.” Mula sa Wikipedia.

Isang pagsasalarawan ng Himagsikang Pranses.  Mula sa teachnet.eu.

Isang pagsasalarawan ng Himagsikang Pranses. Mula sa teachnet.eu.

Isang pagsasalarawan ng Himagsikang Pranses.  Mula sa historymatters365.com.

Isang pagsasalarawan ng Himagsikang Pranses. Mula sa historymatters365.com.

Bagama’t kailangang sabihin na bagama’t sa bayan kumuha ng mga ideya si Bonifacio para sa itatatag na Katipunan, sa mga banyagang aklat maaaring kumuha siya ng inspirasyon na kayang mangyari ang kanyang mga inaadhika.  Dahil sa pagbabasa, nahiraya ni Bonifacio sa kanyang isipan na maari palang tayo ang maging hari sa bayang ito.  Isang weirdong kaisipan noong panahon na iyon.  Kaya itinatag niya ang Katipunan.  Nabasa ni Bonifacio na dati, naniniwala ang mga tao sa Europa na ang paghahari ng isang dinastiya ay kaloob ng Diyos—Divine Right.  Kaya naman, marami sa mga hari na ito ang namuhay na marangya sa kabila ng paghihirap ng tao.

Haring Louis XVI, tinanggal at pinugutan ng Rebolusyong Pranses.  Mula sa historicalhistrionics.wordpress.com.

Haring Louis XVI, tinanggal at pinugutan ng Rebolusyong Pranses. Mula sa historicalhistrionics.wordpress.com.

Ang Tennis Court Oath, isa sa mga nagpasiklab ng himagsikang Pranses, June 20, 1789.

Ang Tennis Court Oath, isa sa mga nagpasiklab ng himagsikang Pranses, June 20, 1789.

La Liberté guidant le peuple (Liberty Leading the People) ni Eugène Delacroix, 1830.

La Liberté guidant le peuple (Liberty Leading the People) ni Eugène Delacroix, 1830.

Ang Commune ng Paris ng August 10, 1792 -- Pagkubkob sa Palasyo ng Tuileries.  Mula sa http://www.newworldencyclopedia.org.

Ang Commune ng Paris ng August 10, 1792 — Pagkubkob sa Palasyo ng Tuileries. Mula sa http://www.newworldencyclopedia.org.

Ngunit pinatunayan ng mga Pranses 224 years ago, July 14, 1789, na maaari palang makalaya sila sa ganitong sistema.  Sa umagang yaon, ang mapaniil na kulungang Bastille, ang sentro at simbolo ng kapangyarihan ng hari sa kalagitnaan ng Paris ay kanilang pinabagsak.  Ito ang isa sa unang mga kaganapan na nagpaalab ng Himagsikang Pranses kung saan isinagaw ng mamamayan ng Pransiya—Liberté, Egalité, Fraternité!  Kalayaan, Pagkakapantay-pantay, Kapatiran.  Mga salitang ipinaburda din ni Emilio Aguinaldo sa isa sa mga unang kopya ng bandila ng Pilipinas noong rebolusyon.

Poster na nagpapakita ng motto ng Himagsikang Pranses.

Poster na nagpapakita ng motto ng Himagsikang Pranses.

Hango sa replica ng watawat:  Ang motto ng himagsikang Pranses.

Hango sa replica ng watawat: Ang motto ng himagsikang Pranses.

Matapos ang People Power Revolution na ang naging inspirasyon ay si Pangulong Cory Aquino, inanyayahan ang ating pangulo ni Pangulong Francois Mitterand ng Pransiya na maging tanging pinunong bisita ng estado o state visitor sa ika-200 taon ng Himagsikang Pranses noong July 1989.  Isang malaking karangalan para sa ating bansa.  Katibayan ng malagkit na ugnayan ng Pilipinas at Pransiya.

Ang Dating Pangulo ng Pransiya Francois Mitterand.  Mula sa EDSA:  The World Remembers.

Ang Dating Pangulo ng Pransiya Francois Mitterand. Mula sa EDSA: The World Remembers.

Si Pangulong Corazon Aquino ng Pilipinas ang tanging bisita ng Estado ng Pransiya noong ika-200 taon ng Himagsikang Pranses.  Mula sa EDSA:  The World Remembers.

Si Pangulong Corazon Aquino ng Pilipinas ang tanging bisita ng Estado ng Pransiya noong ika-200 taon ng Himagsikang Pranses. Mula sa EDSA: The World Remembers.

Parada para sa ika-200 taong pagdiriwang ng Himagsikang Pranses.  Mula sa EDSA:  The World Remembers.

Parada para sa ika-200 taong pagdiriwang ng Himagsikang Pranses. Mula sa EDSA: The World Remembers.

Flypast na gumugunita sa sa ika-200 taong anibersaryo ng Himagsikang Pranses. Mula sa EDSA:  The World Remembers.

Flypast na gumugunita sa sa ika-200 taong anibersaryo ng Himagsikang Pranses. Mula sa EDSA: The World Remembers.

Kamakailan lamang, noong May 29, 2013, dahil sa kanyang pagtulong sa ilang mga maralitang kabataan sa lansangan na makatuntong sa Pransiya at magkaroon ng panibagong pananaw sa buhay, ginawaran ng International Order of the Knights of Rizal sa pangunguna ni Supreme Commander Reghis Romero, II, ang kabiyak ng Primer Ministro ng Pransiya na si Madamme Brigette Ayrault ng medlyang Rizal Women of Malolos, ang unang pagkakataon na ibinigay ito sa isang natatanging babaeng Europeo.  Malugod na tinanggap ang aking mga brother knights tinaggap ng Primer Ministro Jean-Marc Ayrault sa tahanan ng mga Primer Ministro sa Hotel Matignon.  Nakakatuwa sapagkat sinamahan talaga sila ng mag-asawang Ayrault hanggang sila na mismo ang magpaalam sa mag-asawa na sila ay aalis na.  Ganun katindi ang pagpapahalaga sa Pilipinas ng pamahalaan doon.

Sina Supreme Commander Sir Reghis Romero, II, KGCR ng International Order of the Knights of Rizal sa harapan mismo ng Hotel Matignon, ang tahanan ng Primer Ministro ng Pransiya.  Mula kay Sir Mark Roy Boado.

Ang pagdating ng mag-asawang Ayrault. Mula kay Sir Mark Roy Boado.

Ang pagdating ng mag-asawang Ayrault. Mula kay Sir Mark Roy Boado.

Ang medlyang Rizal Women of Malolos na ipinagkaloob ng International Order of the Knights of Rizal kay  Madamme Brigette Ayrault, Unang Ginang ni Primer Ministro Jean-Marc Ayrault ng Pransiya.  Mula kay Sir Mark Roy Boado.

Nang isabit ni Supreme Commander Sir Reghis Romero, II, KGCR ang medalyang Rizal Women of Malolos sa kay Madamme Brigette Ayrault noong May 29, 2013 sa Hotel Matignon sa Paris, Pransiya.  Mula Kay Sir Mark Roy Boado.

Ang paggawad ng plake ng pagkilala kay Madamme Brigette Ayrault mula sa kapatirang International Order of the Knights of Rizal habang nakamasid si Embahador ng Pilipinas sa Pransiya Cristina Ortega.  Mula kay Mark Roy Boado

Sina Sir Choy Arnaldo, Sir Dave Santos, Sir Reghis Romero, Madame Brigitte Ayrault, PM Jean- Marc Ayrault, Amb. Cristina Ortega, French Minister, Sir Lino Paras, at Sir Rudy Nollas.  Mula kay Sir Mark Roy Boado.

Sina Sir Choy Arnaldo, Sir Dave Santos, Sir Reghis Romero, Madame Brigitte Ayrault, PM Jean-
Marc Ayrault, Amb. Cristina Ortega, French Minister, Sir Lino Paras, at Sir Rudy Nollas. Mula kay Sir Mark Roy Boado.

Si Supreme Commander Sir Reghis Romero, II habang ipinapaliwanag ang regalong "Bayanihan" kay Primer Ministro Jean-Marc Ayrault.  Mula kay Mark Roy Boado.

Si Supreme Commander Sir Reghis Romero, II habang ipinapaliwanag ang regalong “Bayanihan” kay Primer Ministro Jean-Marc Ayrault. Mula kay Mark Roy Boado.

Si Supreme Commander Sir Reghis Romero, II, KGCR habang nagpapaalam kay Madamme Brigette Ayrault na aalis na sa Hotel Matignon.  Sinamahan sila hanggang sa huli.  Mula kay Mark Roy Boado.

Si Supreme Commander Sir Reghis Romero, II, KGCR habang nagpapaalam kay Madamme Brigette Ayrault na aalis na sa Hotel Matignon. Sinamahan sila hanggang sa huli. Mula kay Mark Roy Boado.

Isinabay na rin nila sa paglalakbay na iyon ang pagbisita sa mga hotel, apartment, klinika na napuntahan ni Jose Rizal sa Paris kasama na ang tahanan nina Juan Luna kung saan binuo nilang magkakaibigan ang hiraya para sa isang mas malayang bansa tulad ng Pransiya.  Vive Le France!  Mabuhay ang Pilipinas!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)

Ang Supreme Council ng International Order of the Knights of Rizal at mga kaibigan sa Hotel Aramis, kung saan namalagi si Rizal noong nasa Paris.  Mula kay Mark Roy Boado.

Ang Supreme Council ng International Order of the Knights of Rizal at mga kaibigan sa Hotel Aramis, kung saan namalagi si Rizal noong nasa Paris. Mula kay Mark Roy Boado.

Marker sa naging klinika ni Rizal sa Paris.  Mula kay Mark Roy Boado.

Marker sa naging klinika ni Rizal sa Paris. Mula kay Mark Roy Boado.

Si Sir Mark Roy Boado kasama ang Surpreme Council ng International Order of the Knights of Rizal sa bahay ni Juan Luna sa Paris.  Mula kay Mark Roy Boado.

Si Sir Mark Roy Boado kasama ang Surpreme Council ng International Order of the Knights of Rizal sa bahay ni Juan Luna sa Paris. Mula kay Mark Roy Boado.

Ang Los Indios Bravos.  Mula sa Vibal Foundation.

Ang Los Indios Bravos. Mula sa Vibal Foundation.

Ang marker para sa Plaza sa Paris na ipinangalan kay Jose Rizal.  Mula kay Sir Mark Roy Boado.

Ang marker para sa Plaza sa Paris na ipinangalan kay Jose Rizal. Mula kay Sir Mark Roy Boado.

XIAO TIME, 12 July 2013: ESKULTOR NG BAYAN, GUILLERMO ESTRELLA TOLENTINO

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Guillermo Tplentino habang nilililok ang kanyang busto ni Andres Bonifacio.  Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Guillermo Tplentino habang nilililok ang kanyang busto ni Andres Bonifacio. Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

12 July 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=JvodYP71Z0M

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  37 years ago, July 12, 1976, sumakabilang buhay si Guillermo Estrella Tolentino.  Huh??? Who’s that Pokemón??? Siya lang naman ang iskultor na nakilala sa kanyang mga likhang sining na nagpapakilala sa ating mga bayani, tulad ng busto ni José Rizal, Andres Bonifacio sa Monumento, Ramon Magsaysay, at marami pang iba.

Busto ni Jose Rizal sa Palma Hall (Arts and Sciences Building) ng Unibersidad ng Pilipinas.  Obra maestra ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua.

Busto ni Jose Rizal sa Palma Hall (Arts and Sciences Building) ng Unibersidad ng Pilipinas. Obra maestra ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Xiao Chua.

SI Guillermo Tolentino habang nilililok ang isa sa mga kopya ng kanyang busto kay Jose Rizal.  Mula sa Aklatang Pambansa ng Pilipinas.

SI Guillermo Tolentino habang nilililok ang isa sa mga kopya ng kanyang busto kay Jose Rizal. Mula sa Aklatang Pambansa ng Pilipinas.

Monumento ni Bonifacio sa Caloocan.  Obra maestra ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Prop. Enrico Gerard R. Azicate.

Monumento ni Bonifacio sa Caloocan. Obra maestra ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Prop. Enrico Gerard R. Azicate.

Si Guillermo Tolentino at ang kanyang "monumento."  Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Si Guillermo Tolentino at ang kanyang “monumento.” Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Winged Victory, isang klasikal na simbolo sa eskultura, sa ibabaw ng obelisk ng monumento ni Maganda pala sa malapitan.  Mula sa Peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Winged Victory, isang klasikal na simbolo sa eskultura, sa ibabaw ng obelisk ng monumento ni Maganda pala sa malapitan. Mula sa Peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Si Tolentino at ang kanyang monumento para kay Pangulong Ramon Magsaysay.  Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Si Tolentino at ang kanyang monumento para kay Pangulong Ramon Magsaysay. Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Isinilang siya noong July 24, 1890 sa Malolos, Bulacan.  Ang kanyang Amerikanong gurong Thomasite na si Mrs. H.A. Bordner ang siyang nakapansin ng galing sa sining ni koya kaya inusig niya ito, ituloy mo lang yan teh.  Sa Maynila itinuloy niya ang kanyang pag-aaral at tumira sa kanyang kamag-anak at nanilbihan sa kanila upang makaraos sa hayskul.  Ayon sa kanya, “Alilang kanin ako noon.”  Nang pumasok sa School of Fine Arts ng UF, Unibersidad ng Filipinas, este UP, katabi lang naman niya sa upuan noon ang future director ng eskwelahan nila at magiging grand master painter ng bansa na si Fernando Amorsolo.

Si Fabian de la Rosa, ang direktor ng UP School of Fine Arts, kasama ang kanyang mga estudyante kasama na sina Guillermo Tolentino (ikatlo mula sa kaliwa) at Fernando Amorsolo (ika-apat).  Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Nagtungo sa Washington D. C., pitong dolyar lamang ang dala at namasukan sa isang kapihan sa Rock Creek Park na paboritong pasyalan ni Pangulong Woodrow Wilson.  Idol nitong si Tolentino si Wilson dahil sa kanyang pag-aadhika ng kapayapaan.  Giniguhit niya rin ang mga parokyano ng kapihan kaya napansin siya ng mismong sekretarya ng Unang Ginang.  Sa wakas, nagkakilala si Tolentino at ang kanyang idolong si Wilson, at dahil sa rekomendasyon ng pangulo, naging iskolar ng isang milyonaryo at nakapag-aral ng Advanced Sculpture sa Beaux Arts School sa New York City.  Naging assistant pa ni Gutzon Borglum, na siya lang naman ang gumawa ng mga istatwa ng mga pangulo ng Amerika sa Bundok Rushmore.

Pangulong Woodrow Wilson.  Mula sa history.com

Pangulong Woodrow Wilson. Mula sa history.com

Gutzon Borglum at isang modelo ng kanyang obra maestra.  Mula sa blackforestinn.net

Gutzon Borglum at isang modelo ng kanyang obra maestra. Mula sa blackforestinn.net

Itinuloy ang pag-aaral ng klasikal na iskultura sa Royal Academy of Fine Arts sa Roma.  Naghirap si Tolentino sa Roma kaya sa pamamagitan ng isang peryodista, nag-ambagan ang ilang kababayan para sa kanya.  Hindi niya sinayang ang kanyang talento.  Noong 1925, bumalik siya sa bayan, nagturo sa UP at nilikha ang isa sa kanyang pinakakilalang obra, isang bayaning hubad na handing ialay ang kanyang buhay para sa Inang Bayan—naging simbolo ng Academic Freedom sa UP, ang Oblation.

Guillermo Tolentino

Guillermo Tolentino

SI Guillermo Tolentino at ang kanyang "Oblation."  Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

SI Guillermo Tolentino at ang kanyang “Oblation.” Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Take note, hindi ang tatay ni FPJ ang modelo nito, kundi composite ng kanyang mga estudyante katulad ni Anastacio Caedo. Ito ang ebidensya.

Si Guillermo Tolentino (sa gitna) at ang kanyang protege na si Anastacio Caedo (sa kanan).  Kahawig ng katawan niya ang katawan ng Oblation.  Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Si Guillermo Tolentino (sa gitna) at ang kanyang protege na si Anastacio Caedo (sa kanan). Kahawig ng katawan niya ang katawan ng Oblation. Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Paglalarawan kay Anastacio Caedo.  Kuha ni Xiao Chua.

Paglalarawan kay Anastacio Caedo. Kuha ni Xiao Chua.

Gumawa siya dalawang wax statue ni Rizal na sabi ng mga nakakilala kay Rizal ay parang nakita mo na rin ang heroe nacional.  Ang mga monumento niya para kay Bonifacio ay ibinatay niya sa bone structure ng kapatid nito na si Espiridiona.  Nagreresearch talaga si lolo, hindi lang gamit ang kasaysayan kundi ang espiritismo.

Ang wax statue ni Rizal bilang eskultor hawak ang kanyang lilok ng Sagrada Corazon.  Obra maestra ni Guillermo Tolentino na natunaw noong digmaan.  Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ang wax statue ni Rizal bilang eskultor hawak ang kanyang lilok ng Sagrada Corazon. Obra maestra ni Guillermo Tolentino na natunaw noong digmaan. Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Wax statue ni Jose Rizal na nililok ni Guillermo Tolentino na ngayon ay makikita sa selda ni Jose Rizal sa Rizal Shrine, Fort Santiago.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Wax statue ni Jose Rizal na nililok ni Guillermo Tolentino na ngayon ay makikita sa selda ni Jose Rizal sa Rizal Shrine, Fort Santiago. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Caloocan.  Nililok ni Guillermo Tolentino.  Mula kay Isagani Medina.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Caloocan. Nililok ni Guillermo Tolentino. Mula kay Isagani Medina.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Liwasang Bonifacio.  Nililok ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Liwasang Bonifacio. Nililok ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Xiao Chua

Espiridiona Bonifacio, kapatid ng Supremo.  Sa kanyang bone structure ibinatay ang mga busto ni Guillermo Tolentino kay Bonifacio.

Espiridiona Bonifacio, kapatid ng Supremo. Sa kanyang bone structure ibinatay ang mga busto ni Guillermo Tolentino kay Bonifacio.

Nang minsan sumangguni siya sa espiritista sa edad na 42 kung makakapag-asawa pa ba siya, hinula ng espiritista na ang kanyang 19-taong gulang na anak ang itinadhanang magiging ina ng mga bayani.  Ayun, niligawan niya ang anak ng espiritista at nagpakasal sila.  Si Tolentino at si Amorsolo ang naging tagapagtanggol ng klasikal na sining sa harap ng hamon ng modernismo at abstraksyon.

Guillermo Tolentino.  Mula kay Ian Alfonso.

Guillermo Tolentino. Mula kay Ian Alfonso.

The Sculptor (Portrait of Guillermo E. Tolentino).  Obra ni Cripin V. Lopez, 1958. Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

The Sculptor (Portrait of Guillermo E. Tolentino). Obra ni Cripin V. Lopez, 1958. Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Noong 1973, itinanghal siyang Pambansang Alagad ng Sining.  Ka Guillermo, Artista ng Bayan, hindi ka dapat makalimutan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)

XIAO TIME, 19 July 2013: KASAYSAYAN NG STATE OF THE NATION ADDRESS

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

The Congress during the State of the Nation Address of President Benigno Aquino, III.  Mula sa malacanang.gov.ph.  From malacanang.gov.ph.

The Congress during the State of the Nation Address of President Benigno Aquino, III. Mula sa malacanang.gov.ph. From malacanang.gov.ph.

19 July 2013, Friday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa July 22, 2013, ibabahagi ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang ika-apat na talumpati ukol sa kalagayan ng bansa o State of the Nation Address.  Noong 2009, isang pangunahing pahayagan ang naglathala ng isang artikulo ukol sa kasaysayan ng State of the Nation Address at sinabi nito na ang unang manipestasyon ng SONA ay ang tinawag nilang “State of the Katipunan Address” o SOKA na ibinahagi ni Supremo Andres Bonifacio bilang pangulo ng pamahalaang mapanghimagsik noong Tejeros Convention na umagaw sa kanyang puwesto noong March 22, 1897.  Lumaganap ang impormasyon na ito sa internet, tradisyunal na media at maging sa mga billboard sa paaralan.

Bonifacio speaking during the Tejeros Convention.  From Adarna Publishing, Inc.

Bonifacio speaking during the Tejeros Convention. From Adarna Publishing, Inc.

Source of SOKA.

Source of SOKA.

SOKA???  Kaloka.  Liban sa katunog ito ng SOCO, walang record na nagsuka, este, nagtalumpati si Bonifacio ukol sa kalagayan ng Katipunan sa kapulungan na iyon.  Salamat kay Undersecretary Manolo Quezon, tinama niya gamit ang mga historikal na batis sa kanyang mga sulatin ang kasaysayan ng napakahalagang taunang kaganapang ito.  Ang terminong “State of the Nation” ay hiniram sa ulat na “The State of the Union” na binibigkas ng Pangulo ng Estados Unidos ng Amerika sa kanyang kongreso.

Gus Abelgas, SOCOooooooooo!

Gus Abelgas, SOCOooooooooo!

Si Xiao Chua kasama sina Undersecretary Manuel Quezon, III (ikatlo mula sa kaliwa), kasama sina Dr. Evelyn Songco at Dr. Cesar Pobre, mga dating pangulo ng Kapisanang Pagkasaysayan ng Pilipinas, Tejeros Hall, AFP Commissioned Officers Club, Camp Aguinaldo, March 2011.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Franklin Roosevelt delivering one of his State of the Union Addresses. From gannett-cdn.com

Franklin Roosevelt delivering one of his State of the Union Addresses. From gannett-cdn.com

John F. Kennedy delivering his State of the Union Address. From advisorone.com

John F. Kennedy delivering his State of the Union Address. From advisorone.com

The Joint Session of Congress listening to Barack Obama's State of the Union Address. From whitehouse.gov.

The Joint Session of Congress listening to Barack Obama’s State of the Union Address. From whitehouse.gov.

Sa 1935 constitution nasasaad na isa sa tungkulin ng Pangulo ng Pilipinas  “from time to time” ay ang pagbibigay ng ulat ukol sa “State of the Nation,” at una itong isinakatuparan ni Pangulong Manuel Quezon noong November 25, 1935 sa harapan ng Pambansang Asembleya.  Tanging si Pangulong Elipidio Quirino lamang ang nag-SONA na wala sa kongreso.  Noong January 23, 1950, ang maysakit na Quirino ay iniradyo na lamang ang kanyang SONA sa kongreso mula sa John Hopkins Hospital sa Baltimore.

Fom gov.ph:  President Manuel L. Quezon delivers his 1940 message to the National Assembly in front of its Speaker Jose Yulo and United States High Commissioner Francis B. Sayre.

Fom gov.ph: President Manuel L. Quezon delivers his 1940 message to the National Assembly in front of its Speaker Jose Yulo and United States High Commissioner Francis B. Sayre.

From gov.ph:  President Roxas delivers his SONA in 1946.

From gov.ph: President Roxas delivers his SONA in 1946.

From tumblr.malacanang.gov.ph:  President Manuel Roxas, as he delivers his first State of the Nation Address, on June 3, 1946.

From tumblr.malacanang.gov.ph: President Manuel Roxas, as he delivers his first State of the Nation Address, on June 3, 1946.

From gov.ph:  President Quirino in 1949.

From gov.ph: President Quirino in 1949.

Sa Quirino habang nagso=SONA sa  ospital, mula sa gov.ph.

Sa Quirino habang nagso=SONA sa ospital, mula sa gov.ph.

Si Pangulong Ferdinand Marcos, liban sa may hawak na record na pinakamaraming SONA na naibigay—20, ang nagbigay rin ng pinakamahabang SONA noong 1969, 29,335 words, isang libro!

Isang librong SONA:  1969 (Mula sa Aklatan ng Sinupang Xiao Chua)

Isang librong SONA: 1969 (Mula sa Aklatan ng Sinupang Xiao Chua)

Noong January 26, 1970, nagkaroon ang malaking rally ang mga kabataan sa harapan mismo ng Kongreso at matapos na magtalumpati ang Pangulong Ferdinand Marcos, pinaulanan siya ng bato.  At dito nagkaroon tayo ng dalawang SONA, ang SONA ng pangulo at ang tinatawag na “SONA ng Bayan” na nagpapakita ng dalawang mukha ng bayan, ang mga tagumpay at kabiguan ng pamahalaan.

Ang mga binti ni Prop. Judy Taguiwalo at patuloy na hinampas ng mga awtoridad.  Mula sa Militant But Groovy.

Ang mga binti ni Prop. Judy Taguiwalo at patuloy na hinampas ng mga awtoridad. Mula sa Militant But Groovy.

Xiao Chua with UP ALYANSA, participating during the protests for the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo, 2009.  Photo  by Marlon Cornelio.

Xiao Chua with UP ALYANSA, participating during the protests for the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo, 2009. Photo by Marlon Cornelio.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.  Photo  by Marlon Cornelio.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.

Natigil ang SONA nang iproklama ni Marcos ang Martial Law noong 1972 at napalitan ito ng Ulat sa Bayan tuwing Thanksgiving Day o Anibersaryo ng Martial Law, September 21 hanggang ibalik niya muli ang praktis ng SONA noong 1978 at mula noon sa Batasang Pambansa na ito ginawa.

From gov.ph: President Ferdinand E. Marcos delivering the 1972 SONA in the Legislative Building in Manila (Ang huling SONA bago ang Batas Militar).

From gov.ph: President Ferdinand E. Marcos delivering the 1972 SONA in the Legislative Building in Manila (Ang huling SONA bago ang Batas Militar).

Si Pangulong Marcos bilang primer ministro ng bansa sa Batasang Pambansa.

Si Pangulong Marcos bilang primer ministro ng bansa sa Batasang Pambansa.

Si Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang SONA sa harapan ng Batasang Pambansa.  Mula sa The New Republic.

Si Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang SONA sa harapan ng Batasang Pambansa. Mula sa The New Republic.

Mahalaga ang unang SONA ng Pangulong Noynoy Aquino noong 2010 sapagkat ito ang unang SONA na ibinahagi halos sa Wikang Pambansa.  Sa wakas, may nakaisip na dapat nakikipag-usap ang pangulo hindi lamang sa iilang mga kongresista at mga diplomatiko kundi sa buong bayan.  Nasabi ng aking ina, ang sarap palang pakinggan ng SONA kapag naiintindihan mo.

PNoy's First SONA, 2010.

PNoy’s First SONA, 2010.

PNoy's First SONA, 2010.

PNoy’s First SONA, 2010.

Ang bansa ay parang isang relihiyon din, kailangan nito ng mga ritwal na nagpapaalala sa atin na nasa iisang bangka tayo, na isang bansa tayo anuman ang mangyari sa atin, at ang SONA ang okasyon na kung saan ang pangulo, bilang punong saserdote ng bansa, ay magsasalita. Ang lahat, magkakalaban man at magkakakampi, nagiging isa sa pakikinig.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Jollibee Philcoa, 11 July 2013)

Si Erap Estrada habang nagso-SONA.

Si Erap Estrada habang nagso-SONA.

Si Gloria Arroyo na tila isang punong saserdote na pinamumunuan ang isang ritwal ng bansa.

Si Gloria Arroyo na tila isang punong saserdote na pinamumunuan ang isang ritwal ng bansa.

Si Pnoy matapos ang kanyang SONA.

Si Pnoy matapos ang kanyang SONA.