XIAO TIME, 12 July 2013: ESKULTOR NG BAYAN, GUILLERMO ESTRELLA TOLENTINO

by xiaochua

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Guillermo Tplentino habang nilililok ang kanyang busto ni Andres Bonifacio.  Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Guillermo Tplentino habang nilililok ang kanyang busto ni Andres Bonifacio. Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

12 July 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=JvodYP71Z0M

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  37 years ago, July 12, 1976, sumakabilang buhay si Guillermo Estrella Tolentino.  Huh??? Who’s that Pokemón??? Siya lang naman ang iskultor na nakilala sa kanyang mga likhang sining na nagpapakilala sa ating mga bayani, tulad ng busto ni José Rizal, Andres Bonifacio sa Monumento, Ramon Magsaysay, at marami pang iba.

Busto ni Jose Rizal sa Palma Hall (Arts and Sciences Building) ng Unibersidad ng Pilipinas.  Obra maestra ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua.

Busto ni Jose Rizal sa Palma Hall (Arts and Sciences Building) ng Unibersidad ng Pilipinas. Obra maestra ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Xiao Chua.

SI Guillermo Tolentino habang nilililok ang isa sa mga kopya ng kanyang busto kay Jose Rizal.  Mula sa Aklatang Pambansa ng Pilipinas.

SI Guillermo Tolentino habang nilililok ang isa sa mga kopya ng kanyang busto kay Jose Rizal. Mula sa Aklatang Pambansa ng Pilipinas.

Monumento ni Bonifacio sa Caloocan.  Obra maestra ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Prop. Enrico Gerard R. Azicate.

Monumento ni Bonifacio sa Caloocan. Obra maestra ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Prop. Enrico Gerard R. Azicate.

Si Guillermo Tolentino at ang kanyang "monumento."  Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Si Guillermo Tolentino at ang kanyang “monumento.” Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Winged Victory, isang klasikal na simbolo sa eskultura, sa ibabaw ng obelisk ng monumento ni Maganda pala sa malapitan.  Mula sa Peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Winged Victory, isang klasikal na simbolo sa eskultura, sa ibabaw ng obelisk ng monumento ni Maganda pala sa malapitan. Mula sa Peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Si Tolentino at ang kanyang monumento para kay Pangulong Ramon Magsaysay.  Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Si Tolentino at ang kanyang monumento para kay Pangulong Ramon Magsaysay. Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Isinilang siya noong July 24, 1890 sa Malolos, Bulacan.  Ang kanyang Amerikanong gurong Thomasite na si Mrs. H.A. Bordner ang siyang nakapansin ng galing sa sining ni koya kaya inusig niya ito, ituloy mo lang yan teh.  Sa Maynila itinuloy niya ang kanyang pag-aaral at tumira sa kanyang kamag-anak at nanilbihan sa kanila upang makaraos sa hayskul.  Ayon sa kanya, “Alilang kanin ako noon.”  Nang pumasok sa School of Fine Arts ng UF, Unibersidad ng Filipinas, este UP, katabi lang naman niya sa upuan noon ang future director ng eskwelahan nila at magiging grand master painter ng bansa na si Fernando Amorsolo.

Si Fabian de la Rosa, ang direktor ng UP School of Fine Arts, kasama ang kanyang mga estudyante kasama na sina Guillermo Tolentino (ikatlo mula sa kaliwa) at Fernando Amorsolo (ika-apat).  Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Nagtungo sa Washington D. C., pitong dolyar lamang ang dala at namasukan sa isang kapihan sa Rock Creek Park na paboritong pasyalan ni Pangulong Woodrow Wilson.  Idol nitong si Tolentino si Wilson dahil sa kanyang pag-aadhika ng kapayapaan.  Giniguhit niya rin ang mga parokyano ng kapihan kaya napansin siya ng mismong sekretarya ng Unang Ginang.  Sa wakas, nagkakilala si Tolentino at ang kanyang idolong si Wilson, at dahil sa rekomendasyon ng pangulo, naging iskolar ng isang milyonaryo at nakapag-aral ng Advanced Sculpture sa Beaux Arts School sa New York City.  Naging assistant pa ni Gutzon Borglum, na siya lang naman ang gumawa ng mga istatwa ng mga pangulo ng Amerika sa Bundok Rushmore.

Pangulong Woodrow Wilson.  Mula sa history.com

Pangulong Woodrow Wilson. Mula sa history.com

Gutzon Borglum at isang modelo ng kanyang obra maestra.  Mula sa blackforestinn.net

Gutzon Borglum at isang modelo ng kanyang obra maestra. Mula sa blackforestinn.net

Itinuloy ang pag-aaral ng klasikal na iskultura sa Royal Academy of Fine Arts sa Roma.  Naghirap si Tolentino sa Roma kaya sa pamamagitan ng isang peryodista, nag-ambagan ang ilang kababayan para sa kanya.  Hindi niya sinayang ang kanyang talento.  Noong 1925, bumalik siya sa bayan, nagturo sa UP at nilikha ang isa sa kanyang pinakakilalang obra, isang bayaning hubad na handing ialay ang kanyang buhay para sa Inang Bayan—naging simbolo ng Academic Freedom sa UP, ang Oblation.

Guillermo Tolentino

Guillermo Tolentino

SI Guillermo Tolentino at ang kanyang "Oblation."  Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

SI Guillermo Tolentino at ang kanyang “Oblation.” Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Take note, hindi ang tatay ni FPJ ang modelo nito, kundi composite ng kanyang mga estudyante katulad ni Anastacio Caedo. Ito ang ebidensya.

Si Guillermo Tolentino (sa gitna) at ang kanyang protege na si Anastacio Caedo (sa kanan).  Kahawig ng katawan niya ang katawan ng Oblation.  Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Si Guillermo Tolentino (sa gitna) at ang kanyang protege na si Anastacio Caedo (sa kanan). Kahawig ng katawan niya ang katawan ng Oblation. Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Paglalarawan kay Anastacio Caedo.  Kuha ni Xiao Chua.

Paglalarawan kay Anastacio Caedo. Kuha ni Xiao Chua.

Gumawa siya dalawang wax statue ni Rizal na sabi ng mga nakakilala kay Rizal ay parang nakita mo na rin ang heroe nacional.  Ang mga monumento niya para kay Bonifacio ay ibinatay niya sa bone structure ng kapatid nito na si Espiridiona.  Nagreresearch talaga si lolo, hindi lang gamit ang kasaysayan kundi ang espiritismo.

Ang wax statue ni Rizal bilang eskultor hawak ang kanyang lilok ng Sagrada Corazon.  Obra maestra ni Guillermo Tolentino na natunaw noong digmaan.  Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ang wax statue ni Rizal bilang eskultor hawak ang kanyang lilok ng Sagrada Corazon. Obra maestra ni Guillermo Tolentino na natunaw noong digmaan. Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Wax statue ni Jose Rizal na nililok ni Guillermo Tolentino na ngayon ay makikita sa selda ni Jose Rizal sa Rizal Shrine, Fort Santiago.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Wax statue ni Jose Rizal na nililok ni Guillermo Tolentino na ngayon ay makikita sa selda ni Jose Rizal sa Rizal Shrine, Fort Santiago. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Caloocan.  Nililok ni Guillermo Tolentino.  Mula kay Isagani Medina.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Caloocan. Nililok ni Guillermo Tolentino. Mula kay Isagani Medina.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Liwasang Bonifacio.  Nililok ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Liwasang Bonifacio. Nililok ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Xiao Chua

Espiridiona Bonifacio, kapatid ng Supremo.  Sa kanyang bone structure ibinatay ang mga busto ni Guillermo Tolentino kay Bonifacio.

Espiridiona Bonifacio, kapatid ng Supremo. Sa kanyang bone structure ibinatay ang mga busto ni Guillermo Tolentino kay Bonifacio.

Nang minsan sumangguni siya sa espiritista sa edad na 42 kung makakapag-asawa pa ba siya, hinula ng espiritista na ang kanyang 19-taong gulang na anak ang itinadhanang magiging ina ng mga bayani.  Ayun, niligawan niya ang anak ng espiritista at nagpakasal sila.  Si Tolentino at si Amorsolo ang naging tagapagtanggol ng klasikal na sining sa harap ng hamon ng modernismo at abstraksyon.

Guillermo Tolentino.  Mula kay Ian Alfonso.

Guillermo Tolentino. Mula kay Ian Alfonso.

The Sculptor (Portrait of Guillermo E. Tolentino).  Obra ni Cripin V. Lopez, 1958. Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

The Sculptor (Portrait of Guillermo E. Tolentino). Obra ni Cripin V. Lopez, 1958. Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Noong 1973, itinanghal siyang Pambansang Alagad ng Sining.  Ka Guillermo, Artista ng Bayan, hindi ka dapat makalimutan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)