IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: malolos

XIAO TIME, 12 July 2013: ESKULTOR NG BAYAN, GUILLERMO ESTRELLA TOLENTINO

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Guillermo Tplentino habang nilililok ang kanyang busto ni Andres Bonifacio.  Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Guillermo Tplentino habang nilililok ang kanyang busto ni Andres Bonifacio. Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

12 July 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=JvodYP71Z0M

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  37 years ago, July 12, 1976, sumakabilang buhay si Guillermo Estrella Tolentino.  Huh??? Who’s that Pokemón??? Siya lang naman ang iskultor na nakilala sa kanyang mga likhang sining na nagpapakilala sa ating mga bayani, tulad ng busto ni José Rizal, Andres Bonifacio sa Monumento, Ramon Magsaysay, at marami pang iba.

Busto ni Jose Rizal sa Palma Hall (Arts and Sciences Building) ng Unibersidad ng Pilipinas.  Obra maestra ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua.

Busto ni Jose Rizal sa Palma Hall (Arts and Sciences Building) ng Unibersidad ng Pilipinas. Obra maestra ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Xiao Chua.

SI Guillermo Tolentino habang nilililok ang isa sa mga kopya ng kanyang busto kay Jose Rizal.  Mula sa Aklatang Pambansa ng Pilipinas.

SI Guillermo Tolentino habang nilililok ang isa sa mga kopya ng kanyang busto kay Jose Rizal. Mula sa Aklatang Pambansa ng Pilipinas.

Monumento ni Bonifacio sa Caloocan.  Obra maestra ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Prop. Enrico Gerard R. Azicate.

Monumento ni Bonifacio sa Caloocan. Obra maestra ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Prop. Enrico Gerard R. Azicate.

Si Guillermo Tolentino at ang kanyang "monumento."  Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Si Guillermo Tolentino at ang kanyang “monumento.” Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Winged Victory, isang klasikal na simbolo sa eskultura, sa ibabaw ng obelisk ng monumento ni Maganda pala sa malapitan.  Mula sa Peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Winged Victory, isang klasikal na simbolo sa eskultura, sa ibabaw ng obelisk ng monumento ni Maganda pala sa malapitan. Mula sa Peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Si Tolentino at ang kanyang monumento para kay Pangulong Ramon Magsaysay.  Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Si Tolentino at ang kanyang monumento para kay Pangulong Ramon Magsaysay. Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Isinilang siya noong July 24, 1890 sa Malolos, Bulacan.  Ang kanyang Amerikanong gurong Thomasite na si Mrs. H.A. Bordner ang siyang nakapansin ng galing sa sining ni koya kaya inusig niya ito, ituloy mo lang yan teh.  Sa Maynila itinuloy niya ang kanyang pag-aaral at tumira sa kanyang kamag-anak at nanilbihan sa kanila upang makaraos sa hayskul.  Ayon sa kanya, “Alilang kanin ako noon.”  Nang pumasok sa School of Fine Arts ng UF, Unibersidad ng Filipinas, este UP, katabi lang naman niya sa upuan noon ang future director ng eskwelahan nila at magiging grand master painter ng bansa na si Fernando Amorsolo.

Si Fabian de la Rosa, ang direktor ng UP School of Fine Arts, kasama ang kanyang mga estudyante kasama na sina Guillermo Tolentino (ikatlo mula sa kaliwa) at Fernando Amorsolo (ika-apat).  Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Nagtungo sa Washington D. C., pitong dolyar lamang ang dala at namasukan sa isang kapihan sa Rock Creek Park na paboritong pasyalan ni Pangulong Woodrow Wilson.  Idol nitong si Tolentino si Wilson dahil sa kanyang pag-aadhika ng kapayapaan.  Giniguhit niya rin ang mga parokyano ng kapihan kaya napansin siya ng mismong sekretarya ng Unang Ginang.  Sa wakas, nagkakilala si Tolentino at ang kanyang idolong si Wilson, at dahil sa rekomendasyon ng pangulo, naging iskolar ng isang milyonaryo at nakapag-aral ng Advanced Sculpture sa Beaux Arts School sa New York City.  Naging assistant pa ni Gutzon Borglum, na siya lang naman ang gumawa ng mga istatwa ng mga pangulo ng Amerika sa Bundok Rushmore.

Pangulong Woodrow Wilson.  Mula sa history.com

Pangulong Woodrow Wilson. Mula sa history.com

Gutzon Borglum at isang modelo ng kanyang obra maestra.  Mula sa blackforestinn.net

Gutzon Borglum at isang modelo ng kanyang obra maestra. Mula sa blackforestinn.net

Itinuloy ang pag-aaral ng klasikal na iskultura sa Royal Academy of Fine Arts sa Roma.  Naghirap si Tolentino sa Roma kaya sa pamamagitan ng isang peryodista, nag-ambagan ang ilang kababayan para sa kanya.  Hindi niya sinayang ang kanyang talento.  Noong 1925, bumalik siya sa bayan, nagturo sa UP at nilikha ang isa sa kanyang pinakakilalang obra, isang bayaning hubad na handing ialay ang kanyang buhay para sa Inang Bayan—naging simbolo ng Academic Freedom sa UP, ang Oblation.

Guillermo Tolentino

Guillermo Tolentino

SI Guillermo Tolentino at ang kanyang "Oblation."  Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

SI Guillermo Tolentino at ang kanyang “Oblation.” Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Take note, hindi ang tatay ni FPJ ang modelo nito, kundi composite ng kanyang mga estudyante katulad ni Anastacio Caedo. Ito ang ebidensya.

Si Guillermo Tolentino (sa gitna) at ang kanyang protege na si Anastacio Caedo (sa kanan).  Kahawig ng katawan niya ang katawan ng Oblation.  Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Si Guillermo Tolentino (sa gitna) at ang kanyang protege na si Anastacio Caedo (sa kanan). Kahawig ng katawan niya ang katawan ng Oblation. Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Paglalarawan kay Anastacio Caedo.  Kuha ni Xiao Chua.

Paglalarawan kay Anastacio Caedo. Kuha ni Xiao Chua.

Gumawa siya dalawang wax statue ni Rizal na sabi ng mga nakakilala kay Rizal ay parang nakita mo na rin ang heroe nacional.  Ang mga monumento niya para kay Bonifacio ay ibinatay niya sa bone structure ng kapatid nito na si Espiridiona.  Nagreresearch talaga si lolo, hindi lang gamit ang kasaysayan kundi ang espiritismo.

Ang wax statue ni Rizal bilang eskultor hawak ang kanyang lilok ng Sagrada Corazon.  Obra maestra ni Guillermo Tolentino na natunaw noong digmaan.  Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ang wax statue ni Rizal bilang eskultor hawak ang kanyang lilok ng Sagrada Corazon. Obra maestra ni Guillermo Tolentino na natunaw noong digmaan. Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Wax statue ni Jose Rizal na nililok ni Guillermo Tolentino na ngayon ay makikita sa selda ni Jose Rizal sa Rizal Shrine, Fort Santiago.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Wax statue ni Jose Rizal na nililok ni Guillermo Tolentino na ngayon ay makikita sa selda ni Jose Rizal sa Rizal Shrine, Fort Santiago. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Caloocan.  Nililok ni Guillermo Tolentino.  Mula kay Isagani Medina.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Caloocan. Nililok ni Guillermo Tolentino. Mula kay Isagani Medina.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Liwasang Bonifacio.  Nililok ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Liwasang Bonifacio. Nililok ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Xiao Chua

Espiridiona Bonifacio, kapatid ng Supremo.  Sa kanyang bone structure ibinatay ang mga busto ni Guillermo Tolentino kay Bonifacio.

Espiridiona Bonifacio, kapatid ng Supremo. Sa kanyang bone structure ibinatay ang mga busto ni Guillermo Tolentino kay Bonifacio.

Nang minsan sumangguni siya sa espiritista sa edad na 42 kung makakapag-asawa pa ba siya, hinula ng espiritista na ang kanyang 19-taong gulang na anak ang itinadhanang magiging ina ng mga bayani.  Ayun, niligawan niya ang anak ng espiritista at nagpakasal sila.  Si Tolentino at si Amorsolo ang naging tagapagtanggol ng klasikal na sining sa harap ng hamon ng modernismo at abstraksyon.

Guillermo Tolentino.  Mula kay Ian Alfonso.

Guillermo Tolentino. Mula kay Ian Alfonso.

The Sculptor (Portrait of Guillermo E. Tolentino).  Obra ni Cripin V. Lopez, 1958. Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

The Sculptor (Portrait of Guillermo E. Tolentino). Obra ni Cripin V. Lopez, 1958. Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Noong 1973, itinanghal siyang Pambansang Alagad ng Sining.  Ka Guillermo, Artista ng Bayan, hindi ka dapat makalimutan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)

XIAO TIME, 7 June 2013: ANG MAKASAYSAYANG MAG-ASAWANG FELIPE AT MARCELA AGONCILLO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Felipe Agoncillo, ni Felix Resurreccion Hidalgo.  Nasa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Felipe Agoncillo, ni Felix Resurreccion Hidalgo. Nasa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

7 June 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=St3dwS_8xYo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  154 years ago, May 26, 1859, isinilang si Felipe Agoncillo sa isang maykaya at tanyag na pamilya sa Taal, Batangas.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Siya lang naman ang pinakaunang Pilipinong diplomat.

Ang ancestral house at monumento ni Felipe Agoncillo sa Taal, Batangas.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang ancestral house at monumento ni Felipe Agoncillo sa Taal, Batangas. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ngunit ayon kay Dr. Ambeth Ocampo sa kwento ng mga kaanak ni Agoncillo, malayo sa pagiging diplomatiko ang batang Felipe.  Minsang ang kanyang tiyuhin ay inaresto ng pulis dahil sa maling paratang na ilegal na nag-aangkat ng tabako, matapang na hiinarap sila ng bata, “Ano ang ginagawa ninyo sa tiyo ko?  Hindi magnanakaw ang tiyo ko; hindi ninyo siya dapat tratuhin ng ganyan.”  Napahiya, inalis ng mga guardia ang posas, siyam na taong gulang lamang siya noon.  Nag-aral siya ng elemetarya at hayskul sa Ateneo Municipal at sa kanyang talino, minsang na-exempt sa eksamen.  Ngunit sa araw ng eksamen, sinabi ng rector na kailangang kumuha pa rin siya ng eksamen.  Nagka-amnesia!  Sa kabila ng protesta binigyan siya ng papel at doon kanya lamang sinulat, “El padre Rector es injusto!”—Hindi makatarungan si Padre Rektor!  Ipinatawag siya sa opisina ng superior at pinalo ngunit kinagat niya ang pari at hindi ito tinantanan hanggang naawat.  Sinabihan ang kanyang ama na kung magpapaumanhin lamang si Felipe ay hindi siya tatanggalin sa paaralan, bilang tunay na Batangueño, hindi niya hinayaang mapahiya ng ganoon ang anak at inilipat na lamang ng paaralan si Felipe at sinabi sa mga Heswita, “Hindi ko hahayaan na ipagpatuloy ng anak ko ang kanyang pag-aaral sa isang institusyon na wala na siyang tiwala.”  Nagpatuloy na mag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas at nang magtapos sa pag-aabogasya, nagbalik sa sariling bayan upang maglingkod.

Felipe Agoncillo

Felipe Agoncillo.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Felipe Agoncillo

Felipe Agoncillo

Felipe Agincillo.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Felipe Agoncillo. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Sa labas ng kanyang opisina nakasulat “Libreng serbisyong pambatas sa mga mahihirap anumang oras.”  May kwento rin ang pamangkin niyang si Gng. Maria Agoncillo-Aguinaldo na iniwasan ni Felipe ang araw ng kanyang kasal sa isang babae, nagpanggap na maysakit, upang pakasalan lamang ang babaeng tunay na bumihag sa kanyang puso, si Marcela Mariño.

Si Gng. Maria Agoncillo-Aguinaldo sa kanilang honeymoon ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Baguio, July 1930.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Si Gng. Maria Agoncillo-Aguinaldo sa kanilang honeymoon ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Baguio, July 1930. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Pirma at larawan ni Felipe Agincillo.

Pirma at larawan ni Felipe Agincillo.

Marcela Agoncillo

Marcela Agoncillo

Naging kalabang mortal ng mga mapang-abusong Espanyol at mga prayle, pinaratangan siyang pilibustero o rebelde kaya ipinatapon sa Yokohama.  Lumipat sa Hongkong at nakasama ang pamilya, lumikom ng pera para sa himagsikan.  Doon din tinahi ng asawang si Marcela kasama ng kanilang anak ang watawat ng Pilipinas.

Ang pamilya Agoncillo sa Hongkong.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ang pamilya Agoncillo sa Hongkong. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ang mga anak nina Felipe at Marcela Agoncillo.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang limang anak na babae nina Felipe at Marcela Agoncillo:  Lorenza (ang kasamang tumahi sa watawat), Gregoria, Eugenia, Marcela, Jr. at Maria. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas. Kuha ni Xiao Chua.

"Alab ng Puso" ni Juanito Torres.  Mula sa Gallery Joaquin.

“Alab ng Puso” ni Juanito Torres. Mula sa Gallery Joaquin.

Nang itatag ang republika noong 1898, itinalaga ni Aguinaldo na Ministro Plenipotensyaryo si Felipe at ipinadala sa Amerika kung saan nais sana niyang makipagpulong kay Pangulong William McKinley.  Hindi siya opisyal na tinanggap bagama’t pribadong kinausap at nagalingan ang pangulo sa kanya, pinuri siya ni McKinley, “Kung maraming Pilipino ang tulad ng kanilang kinatawan, wala nang magiging tanong pa tungkol sa kanilang karapatan na mamahal sa kanilang sarili.”  Pinagsaraduhan ng pinto sa negosasyon para sa treaty of Paris at nagbalik muli sa Amerika upang iprotesta ang pagkapirma nito sa Kongreso ng Amerika.  Madalas isawalang-bahala.

Si Jose "Sixto" Lopez (Kaliwa) at Felipe Agoncillo, mga embahador ng Pilipinas sa Estdos Unidos, 1898.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Si Jose “Sixto” Lopez (Kaliwa) at Felipe Agoncillo, mga embahador ng Pilipinas sa Estdos Unidos, 1898. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Pangulong William McKinley ng Estados Unidos.  Ang opisyal na White House Protrait.

Pangulong William McKinley ng Estados Unidos. Ang opisyal na White House Portrait.

Ang mga Pilipinong diplomat sa Paris, Pransya, 1898-99. Mula sa kaliwa: Antonino Vergel de Dios, Ramon Abarca, Felipe Agoncillo, at Juan Luna.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ang mga Pilipinong diplomat sa Paris, Pransya, 1898-99. Mula sa kaliwa: Antonino Vergel de Dios, Ramon Abarca, Felipe Agoncillo, at Juan Luna. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Sina Juan Luna (kaliwa) at Felipe Agoncillo (kanan) habang binibisita si Ferdinand Blumentritt, guro, etnologo at Pilipinistang Austrian na kaibigan ni Rizal, sa Litomerice, Austria-Hungary, noong 1899.  Ang Litomerice ay nasa hangganan na ngayon ng Czech Republic.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ibinenta ni Marcela ang kanyang mga alahas upang tustusan ang mga aktibidad ni Felipe.  Namatay si Felipe noong 1941 at si Marcela naman noong 1946.  Walang pagsisisi na ibinigay nila ang kanilang yaman, dunong, katiisa’t pagod kahit buhay ay magkalagot-lagot, para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 25 May 2013)

Marcela Agoncillo.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas.  Kuha ni Xiao Chua.

Marcela Agoncillo. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas. Kuha ni Xiao Chua.

Estatwa ni Marcela Agoncillo sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas.  Kuha ni Xiao Chua.

Estatwa ni Marcela Agoncillo sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas. Kuha ni Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal Batangas, February 2011.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal Batangas, February 2011. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Monumento ni Marcela Agoncillo sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas.

Monumento ni Marcela Agoncillo sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas.  Mula sa Lakbay Pinas.

Marker ng Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas.  Kuha ni Xiao Chua.

Marker ng Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas. Kuha ni Xiao Chua.

XIAO TIME, 15 May 2013: ANG IKA-110 ANIBERSARYO NG PAGKAMATAY NI APOLINARIO MABINI

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Apolinario Mabini habang nasa kustodiya ng mga Amerikano matapos mahuli sa Nueva Ecija.  Obra maestra ni Angel Cacnio.  Nagtamo ng unang gantimpala para sa Apolinario Mabini Painting Contest.

Si Apolinario Mabini habang nasa kustodiya ng mga Amerikano matapos mahuli sa Nueva Ecija. Obra maestra ni Angel Cacnio. Nagtamo ng unang gantimpala para sa Apolinario Mabini Painting Contest, nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayan Apolinario Mabini sa Tanauan, Batangas.

15 May 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=YI913EZ36dI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Araw ng Halalan, May 13, 2013 ay 110th anniversary ng pagyao ni Apolinario Mabini, na namatay sa sakit na cholera noong taong 1903 sa kanyang tahanan sa Nagtahan, Maynila.

Kubo ni Mabini sa Nagtahan sa kanyang orihinal na sayt.  Mula sa Great Lives Series.

Kubo ni Mabini sa Nagtahan sa kanyang orihinal na sayt. Mula sa Great Lives Series.

Kubo ni Mabini nong Dekada 1960s.  Nailipat na ng apat na beses mula sa orihinal na sayt nito.  Ngayon ay nasa Mabini (Main) Campus ng Polytechnic University of the Philippines.  Mula kay Dr. Vic Torres.

Kilala ng lahat bilang ang “Dakilang Lumpo” na sa matagal na panahon ay nasa ating sampung piso.  Ngunit hanggang dun na lang yun.  Bakit nga ba dakila at bayani ang lumpong ito.  Kailangang matandaan na hindi laging lumpo ang taong ito.

Detalye ng sampung piso sa panahon ng Batas Militar sa seryeng "Ang Bagong Lipunan" na may larawan ni Mabini.  Ngayon nasa samung pisong barya pa rin siya kasama ni Supremo Andres Bonifacio.

Detalye ng sampung piso sa panahon ng Batas Militar sa seryeng “Ang Bagong Lipunan” na may larawan ni Mabini. Ngayon nasa samung pisong barya pa rin siya kasama ni Supremo Andres Bonifacio.

Isinilang siya sa Tanauan, Batangas noong July 24, 1864, mula sa isang pamilya ng magsasaka.  Masasakitin at hindi nahilig sa gawaing bukid si Pule, mas nais makasama ang mga aklat kaya sa edad na anim na taon, nagsimulang mag-aral.  Noong 1881, nagtamo ng iskolarsyip upang mag-aral ng hayskul sa Letran.

Si Xiao Chua sa harap ng replica ng kubong sinilangan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Si Xiao Chua sa harap ng replica ng kubong sinilangan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

San Juan de Letran:  Kung saan nag-aral si Mabini.  Mula sa Vibal Foundation.

San Juan de Letran: Kung saan nag-aral si Mabini. Mula sa Vibal Foundation.

Sa sipag mag-aral, muli niyang sinusulat ang kanyang mga lecture notes matapos ang klase at nagkaroon ng photographic memory, nagmemeorya ng isang buong aklat ng heyograpiya!  Hardcore!  Nagturo ng Latin para may extra money sa board and lodging.  Dahil tinuturing na baduy at sobrang mukhang indio sa mundo ng mga ilustrado, ang gurong minsan nag-akalang bobo siya ay napabilib niya, “Sana ang mga matatalinong utak na katulad nito ang manguna sa bayang ito.”  Bagama’t walang social life si Mabini, ayon kay Dr. Ambeth Ocampo, nag-aral siyang magsayaw, ngunit dahil walang babaeng dancing partner, silya ang ipinampapalit niya sa tuwing nagpapraktis.  Biruin mo, Mabini, dancer???

Isang pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na hindi gaanong nalalathala.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Isang pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na hindi gaanong nalalathala. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Nagbalik sa Tanauan upang maging guro at nang makaipon, tinapos ang pagaabogasya sa UST noong 1894 ngunit hindi na nakapunta ng Europa sa kakulangan ng salapi.  Pinatunayan niyang hindi kailangan ang edukasyon sa ibang bansa upang makatulong sa bayan. Naging kalihim ng muling tatag na Liga Filipina ni Rizal, ang Cuerpo de Compromisarios, at kumalap ng salapi upang suportahan ang La Solidaridad.

Paglalarawan kay Apolinario Mabini bilang isang mason.

Paglalarawan kay Apolinario Mabini bilang isang mason.

Aktwal na larawan ni Mabini noong 1894.  Nakakalakad pa siya rito.

Aktwal na larawan ni Mabini noong 1894. Nakakalakad pa siya rito.

Ang Dakilang Lumpo.  Obra maestra na nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Ang Dakilang Lumpo. Obra maestra na nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Sa panahon ng rebolusyong 1896, bigla na lamang ginupo ng mataas na lagnat si Mabini at naging paralisado.  Nagkaroon siya ng polio.  Dahil dito, arestado ngunit hindi ikinulong o pinahirapan.  Habang nagpapagaling sa Los Baños sa pangangalaga ni Heneral Paciano Rizal, pinatawag ni Emilio Aguinaldo at nagkita sa araw mismo ng proklamasyon ng kasarinlan, June 12, 1898.

Detalye ng diorama sa Ayala Museum na nagpapakita ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898 na nagpapakita sa pagdating ni Mabini sa eksena.

Detalye ng diorama sa Ayala Museum na nagpapakita ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898 na nagpapakita sa pagdating ni Mabini sa eksena.

Isang obra maestra na nagpapakita sa unang pagkikita nina Mabini at Heneral Aguinaldo, nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Isang obra maestra na nagpapakita sa unang pagkikita nina Mabini at Heneral Aguinaldo, nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Naging punong tagapayo at gumawa ng batas para sa Pamahalaan ni Aguinaldo, subalit, dahil hindi niya pinapaboran ang mga elitista at sobrang anti-Amerikano, siniraan si Mabini na nalumpo raw dahil sa STD na syphilis at napulitika hanggang sa maalis siya sa puwesto.

Memorandum sa wikang Tagalog mula kay Mabini para kay Aguinaldo.  Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Memorandum sa wikang Tagalog mula kay Mabini para kay Aguinaldo. Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Isa sa pinakamahalagang akda ni Mabini ang "El Verdadero Dekalogo."  Ang tunay na sampung kautusan.  Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Isa sa pinakamahalagang akda ni Mabini ang “El Verdadero Dekalogo.” Ang tunay na sampung kautusan. Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Obra maestra na nagpapakita kay Apolinario Mabini na itinatakas noong Digmaang Pilipino-Amerikano.  Nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Obra maestra na nagpapakita kay Apolinario Mabini na itinatakas noong Digmaang Pilipino-Amerikano. Nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Nahuli ng mga Amerikano sa Nueva Ecija at ibinalanggo.  Dahil ayaw manumpa sa bandila ng Amerika, ipinatapon sa Guam noong 1901 at sinulat ang kanyang alaala ng Himagsikang Pilipino.  Nang maramdamang hindi na magtatagal, nagpabalik siya ng Pilipinas at nanumpa ng katapatan sa Estados Unidos upang mamatay na lamang sa sariling bayan.

Larawan ni Apolinario Mabini, arestado sa loob ng Intramuros.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Larawan ni Apolinario Mabini, arestado sa loob ng Intramuros. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Obra maestra na nagpapakita kay Mabini sa ilalim ng kustodiya ng mga Amerikano.  Makasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Obra maestra na nagpapakita kay Mabini sa ilalim ng kustodiya ng mga Amerikano. Makasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Marmol na busto ni Mabini na nilikha ni G.T. Nepomuceno sa ilalim ng kontraktor na si L.G. de Leon and Sons.  Nasa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Marmol na busto ni Mabini na nilikha ni G.T. Nepomuceno sa ilalim ng kontraktor na si L.G. de Leon and Sons. Nasa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Si Xiao sa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Si Xiao sa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Monumento ni Mabini bilang unang Kalihim ng Ugnayang Panlabas sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa gawing Daang Mabini.  Mula sa Great Lives Series.

Monumento ni Mabini bilang unang Kalihim ng Ugnayang Panlabas sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa gawing Daang Mabini. Mula sa Great Lives Series.

Tila nagpapaalala siya sa atin ngayong halalan, “Ang Senado ay isang kapulungang lubos na kagalang-galang, na kinabibilangan ng mga piling tao dahil sa kagandahan ng pag-uugali at sa dami ng nalalaman sa iba’t ibang larangan ng karunungan at ekonomiya.  KAYAT WALANG SINUMAN ANG MAKAKATUNTONG SA MATAAS NA POSISYONG ITO KUNDI ANG MGA PILING MAMAMAYAN na nagpakita ng pambihirang karunugan at kasipagan.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013.  Salamat kay Ian Alfonso para sa sipi mula kay Mabini ukol sa Senado.)

XIAOTIME, 8 March 2013: MGA BABAYLAN AT MGA BINUKOT

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 8 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"Mga babae, tanging mithiin ay lumaya" - Inang Laya | Inang Bayan ni Rafael Buluran.

“Mga babae, tanging mithiin ay lumaya” – Inang Laya | Inang Bayan ni Rafael Buluran.

8 March 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=elK5GSzhMOE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nais ko pong batiin ang araw-araw na sumusubaybay sa PTV News na si Mari Clare Junio sa kanyang kaarawan sa Linggo, March 10, siya ay isang malakas na babae at tamang-tama, ngayong araw ay International Women’s Day.  Sa kwento ng Henesis sa Biblia, ang mga babae ay nilikha lamang dahil nalungkot ang lalaki.  Kaya kung titingnan ang mga mamamayan na naniniwala sa ganitong klaseng kwento ng pagsisimula, nanaig sa kanila ang mga lalaki o Patriyarkiya.

Malakas at Maganda.  Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Malakas at Maganda. Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Sicalac at Sicavay.  Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Sicalac at Sicavay. Mula sa Philippine Almanac ng Filway Marketing.

Ngunit sa mga kapuluang ito na naniniwala na sabay na lumabas sa kawayan ang babae at lalaki, si Malakas at Maganda man sa Katagalugan o si Sicalac at Sicavay naman si Visayas, may pantay na papel ang babae sa lipunan.  Sa pamumuno ng bayan, kung ang datu ang politikal na mga pinuno, nariyan ang mga babaylan sa larangang espirituwal.  Ayon sa pag-aaral ni Zeus A. Salazar, ang babaylan noong unang panahon ang “pinakasentral na personahe sa ating lipunang Pilipino sa larangan ng kalinangan, relihiyon at medisina… ang namamahala sa kabuuang mitolohiya ng bayan.”

Babaylan, ang tagapamagitan ng mga tao at mga anito.  Obra ni Christine Bellen.

Babaylan, ang tagapamagitan ng mga tao at mga anito. Obra ni Christine Bellen.

Babaylan, ang manggagamot.  Detalye ng serye ng mural na "History of Philippine Medicine"  ni Carlos "Botong" Francisco.

Babaylan, ang manggagamot. Detalye ng serye ng mural na “History of Philippine Medicine” ni Carlos “Botong” Francisco.

Xiao Chua at Zeus Salazar, 2008.

Xiao Chua at Dr. Zeus Salazar, 2008.

Daluyan siya ng buhay at ginhawa.  Tatlo ang papel niya, siya ang tagapamagitan ng mundong espirtuwal ng mga anito at ng mga tao, siya ay ang manggagamot, at siya rin ang nagmememorya at umaawit ng epiko ng bayan, na kapag pinakinggan ng lahat, nadarama ng buong bayan na iisa ang kanilang pinagmulan at iisa ang kanilang damdamin at patutunguhan.  Maliban sa mga babaylan, nariyan din ang isang espesyal na mga babae, ang binukot.

Conchita Gilbaliga, isang buhay na binukot ng Panay.  Mula sa http://www.thenewstoday.info/2008/11/21/stitching.generations

Conchita Gilbaliga, isang buhay na binukot ng Panay. Mula sa http://www.thenewstoday.info/2008/11/21/stitching.generations

Binukot. Obra ni Erwin Cabarlos.

Binukot. Obra ni Erwin Cabarlos.

Binukot.  Mula sa thegialloantico.blogspot.com

Binukot. Mula sa thegialloantico.blogspot.com

Binukot.  Obra ni Rose Sales

Binukot. Obra ni Rose Sales

Dr. Vicente Villan at Xiao Chua, 2005.

Dr. Vicente Villan at Xiao Chua, 2005.

Sila ang mga babaeng magaganda na bata pa lamang ay itinatago na, ibinubukod, upang mapanatili ang kaputian at pinag-aaral ng mga epiko upang maging daluyan ng pagkakaisa at pagpapatuloy na bayan.  Madalas na ilarawan na kasing puti ng balanakon, isang sugpo na maputi at malambot ang balat at hindi pinapaapak sa lupa.  Madalas na nais pakasalan ng mga datu.  Sila ang itinuturing na anting-anting ng isang datu o ng isang bayan.  Mawala sa kanya ito, babagsak ang kapangyarihan ng datu o mawawalan ng dangal ang isang bayan.  Ayon kay Vicente Villan, sa mga kwentong bayan sa Panay, ang babae ang dahilan ng mga digmaan at ang tagapamayapa ng kaguluhan.  Ang kanyang pagiging sanhi ng digmaan ay may kinalaman sa pagkakaroon ng sinapupunan, at ang kapangyarihan ng mga bayan ay nakasalalay sa yamang-tao nito—sa dami ng mandirigma at panday.  Maraming sumasalakay, marami ring kapangyarihan, at kung may kapangyarihan ang bayan, may ginhawa.  Ang pagiging maganda ay may kaugnayan sa kapangyarihan, at mas maraming ginhawa.  Kaya naman pala sa kabila ng patriyarkiya ng mga kolonisador, makikitang malakas ang maraming mga babae sa Pinas.  Lalo na ngayon.  Sabi ni José Rizal sa kanyang liham sa mga kadalagahan ng Malolos, “Talastas ng lahat ang kapanyarihan at galing ng babayi sa Filipinas, kayá ñgá kanilang binulag, iginapus, at iniyukó ang loob, panatag sila’t habang ang ina’y alipin, ay ma-aalipin din naman ang lahat ng mga anak.”

Ang mga kababaihang dalaga ng Malolos.

Ang mga kababaihang dalaga ng Malolos.  Obra Maestra ni Rafael del Casal.  Mula sa aklat na Women of Malolos ni Nicanor Tiongson.

Iiwanan ko kayo ng mga kataga mula sa awitin ng Inang Laya, mga babae, ang mithiin ay lumaya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)

XIAOTIME, 1 March 2013: ANG PAGDIRIWANG NG IKA-150 ANIBERSARYO NG RED CROSS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 1 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang poster na gumugunita sa kasaysayan ng Pilipinong Red Cross na unang natatag sa Malolos, Bulacan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan, nilikha ni Ian Christopher Alfonso.

Ang poster na gumugunita sa kasaysayan ng Pilipinong Red Cross na unang natatag sa Malolos, Bulacan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan, nilikha ni Ian Christopher Alfonso.

1 March 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=R0OgaCyHLZ8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ang episode na ito sa inyo ng Bahay Saliksikan ng Bulacan na nakabase sa Bulacan State University at pinamumunuan ngayon ni Dr. Agnes Crisostomo, at ang kanilang research fellow na si Ian Christopher Alfonso.  150 years ago noong nakaraang buwan, February 17, 1863, itinatag ang unang Krus na Pula o Red Cross sa Geneva, Switzerland ng isang abogadong si Gustave Moynier.

Red Cross @ 150

Red Cross @ 150

Gustave Moynier

Gustave Moynier

Naging inspirasyon niya ang isang aklat na kanyang nabasa na isinulat ng Pranses na si Jean-Henri Dunant na “A Memory of Solferino” kung saan sa isang labanan sa Italya, nakita niya ng 40,000 mga sundalo sa dalawang panig ng naglalabanang Austrian at Italyano ang namamatay at nasusugatan na hindi man lamang nabibigyan ng tamang atensyon.  Si Dunant mismo ay nanatili sa Solferino upang tulungan ang mga sugatan.

Jean-Henri Dunant

Jean-Henri Dunant

Battle of Solferino

Battle of Solferino

Lumang postcard na nagtatanghal sa Red Cross.

Lumang postcard na nagtatanghal sa Red Cross.

Red Cross Nurse, obra ni Theodor Grust

Red Cross Nurse, obra ni Theodor Grust

Ngayon, isa na itong malaking-malaking umbrella organization na nangangalaga sa maysakit na tinatawag na International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies.

15 International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies

Sa Pilipinas, maging sa Katipunan, wala mang Red Cross, ang mga kababaihan ng himagsikan ay tila nagsilbi ng kaparehong pag-aalaga ng maysakit sa digmaan tulad nina Gregoria de Jesus, Tandang Sora, Josephine Bracken, mga kapatid ni Rizal na si Josefa at Trining, at si Trinided Tecson na itinuturing na Ina ng Red Cross sa Pilipinas.

Gregoria de Jesus, Lakambini ng Katipunan

Gregoria de Jesus, Lakambini ng Katipunan

Melchora Aquino a.k.a. Tandang Sora, Ina ng Katipunan

Melchora Aquino a.k.a. Tandang Sora, Ina ng Katipunan

Josephine Bracken

Josephine Bracken

Josefa Rizal

Josefa Rizal

Trinidad Rizal

Trinidad Rizal

Trinidad Tecson, Ina ng Krus na Pula sa Pilipinas

Trinidad Tecson, Ina ng Krus na Pula sa Pilipinas

Ang mga Espanyol ay nagkaroon din dito sa Pilipinas ng Cruz Roja Española noong himagsikan ng 1898.  Sa kanila ipinaubaya ng Pamahalaan ni Emilio Aguinaldo ang mga POW na mga Espanyol upang makabalik ang mga ito ng ligtas sa Espanya.

Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos.  Kinulayan ng Office of the President.

Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos. Kinulayan ng Office of the President.

Ang mga huling sundalong Espanyol sa sumuko sa Pilipinas matapos ang isang taong Siege of Baler.  Itinuring na mga kaibigan ng mga Pilipino at iginalang ang kanilang katapangan.

Ang mga huling sundalong Espanyol sa sumuko sa Pilipinas matapos ang isang taong Siege of Baler. Itinuring na mga kaibigan ng mga Pilipino at iginalang ang kanilang katapangan.

Inaprubahan ni Aguinaldo ang pagkakaroon ng sariling Red Cross ng unang republika noong February 17, 1899, sa parehong araw na itinatag ang unang Red Cross sa Geneva at tinawag na “Asociación de Damas de la Cruz Roja en Filipinas.”  Mga kababaihan ang mga kasapi nito na pinangunahan ni Doña Hilaria Aguinaldo y del Rosario, asawa ng pangulo.

Mula sa aklat na Women of Malolos

Mula sa aklat na Women of Malolos

Hilaria Aguinaldo

Hilaria Aguinaldo.  Mula sa Bahay Saliksikan ng Bulacan.

Kung maaalala natin ang mga kabataang babaeng taga-Malolos sinulatan ni José Rizal 124 years ago noong nakaraang buwan, February 22, 1889, dahil sa katapangan na humiling sa Gobernador Heneral na magbukas ang isang paaralan para sa Wikang Espanyol, sila ang isa sa mga unang aktibong mga kasapi ng organisasyong ito.

Ang tagpo nang pagkorner at pagpetisyon ng 20 kababaihang dalaga sa Gobernador Heneral Valeriano Weyler sa Casa Real ng Malolos.  Obra Maestra ni Rafael del Casal.  Pabalat ng aklat ni Nicanor Tiongson na Women of Malolos. Sa kagandahang loob ni Ian Alfonso.

Marami sa mga babaeng kasapi ng Cruz Roja ay mga asawa, kapatid, anak, pamangkin, nobya at apo ng mga sundalo ng hukbong mapanghimagsik.  Marami rin sa mga ito ay mga prominenteng mga babae at mga babaeng nais lang talagang tumulong.  Noong 1905, dinala ng mga Amerikano ang American Red Cross sa pamamagitan ni Gobernador Heneral William Howard Taft at noong 1946, nang tayo ay isang nagsasariling republika na, binuo ang Philippine National Red Cross sa ilalim ni Dr. Horacio Yanzon, na pagdating na panahon ay naging Philippine Red Cross.

Pagiimpake ng mga relief good noong bagyong Ondoy.

Pagiimpake ng mga relief good noong bagyong Ondoy.

Masayang pag-aabot ng kaunting ginhawa sa mga nasalanta ng kalamidad.

Masayang pag-aabot ng kaunting ginhawa sa mga nasalanta ng kalamidad.

Kaisa ng sangkatauhan.

Kaisa ng sangkatauhan.

Hanggang ngayon, sa mga lugar na dinaanan ng digmaan at sakuna, naroon ang mga Pilipinong Red Cross na nagpapakita na hindi lamang tayo may dugong bayani, kaisa din natin ang sangkatauhan.  Together with Humanity.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)

XIAOTIME, 4 February 2013: ANG UNANG PUTOK NG PHILIPPINE AMERICAN-WAR

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 4 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Priate William Grayson habang minimonstra kung paano niyo estupidong binaril ang isang sundalong Pilipinong wala namang sinagawa sa kanya.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Si Priate William Grayson habang minimonstra kung paano niyo estupidong binaril ang isang sundalong Pilipinong wala namang sinagawa sa kanya. Mula kay Arnaldo Dumindin.

4 February 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=WWQm7EySsNk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  114 years ago ngayong araw, February 4, 1899, nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano.  Noon tinawag itong insureksyon ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano.  Ngunit kung tatanggapin natin ito, sinasabi natin na nasa ilalim na nga tayo noon ng mga Amerikano.  Pinalitan ito ng mga historyador na Pilipino ng “Philippine-American War” sapagkat ang Estados Unidos noon ay nakikipaglaban na sa isang republika, ang republika ng mga Pilipino sa Malolos.

Kongreso ng Malolos.  Kinulayan ng Opisina ng Pangulo ng Pilipinas.

Kongreso ng Malolos. Kinulayan ng Opisina ng Pangulo ng Pilipinas.

Noong mga panahon na iyon, nakita na ng mga Pilipino ang interes ng mga Amerikano na sakupin ang Pilipinas sa kabila ng pagtulong nila sa atin upang magapi ang mga Espanyol.  Hindi sila pinapasok ng mga Amerikano sa Maynila at pinagsarhan pa ang ating mga diplomat ng pinto sa Paris sa mga usapan para sa pagbili ng America sa Pilipinas mula sa Espanya.

Hindi pinapasok ang mga kawal na Pilipino sa Intramuros nang makuha ito ng mga Amerikano.  Mula sa Ayala Museum: The Diorama Experience.

Hindi pinapasok ang mga kawal na Pilipino sa Intramuros nang makuha ito ng mga Amerikano. Mula sa Ayala Museum: The Diorama Experience.

Nilagdaan ang tratado noong December 10, 1898.  Subalit, hindi pa agad ito epektibo, ito ay kailangan munang aprubahan ng Kongreso ng Estados Unidos.  Mainit ang mga naging debate.  Para kina William Jennings Bryan at mga Democrats, mga anti-imperialist sila.  Hindi dapat kunin ang Pilipinas.

William Jennings Bryan

William Jennings Bryan

Ngunit ang mga Republicans naman ang mga pro-imperialist, kailangan nila tayong masakop upang ituro sa atin ang demokrasya at pamamahala, to Christianize and civilize our little brown brothers.  Ito ang tinatawag nilang white man’s burden—obligasyon ng puti na gawin ito sa mga iba ang kulay.  Nais nila tayong sakupin nang may mabuting hangarin—benevolent assimilation.  Tsk, mga sentimental imperialists.   Noong gabi ng February 4, 1899, isang Amerikanong may dugong Ingles na si Private William Grayson ay nakakita ng isang Pilipinong naglalakad malapit sa tinatawag na Blockhouse 7.

Private William Grayson.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Private William Grayson. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ayon sa kanya, “I yelled ‘Halt!’ and made it pretty loud, for I was accustomed to challenging the officer of the guard in approved military style. I challenged him with another loud ‘halt!’ Then he shouted ‘halto!’ to me. Well, I thought the best thing to do was to shoot him. He dropped. If I didn’t kill him, I guess he died of fright.”

Unang putok ng Digmaang Pilipino Amerikano.  Mula sa Ayala Museum:  The Diorama Experience.

Unang putok ng Digmaang Pilipino Amerikano. Mula sa Ayala Museum: The Diorama Experience.

May pagka-estupido rin itong Amerikanong ito, paano titigil ang Pinoy kung sa Ingles niya sinabi ang kanyang warning.  Si Corporal Anastacio Felix ng 4th Company, Batalyong Morong ang unang tinamaan ng bala.  Nagkabarilan na ang mga pwersang Pilipino na nagmula sa direksyon San Juan del Monte at ang mga Amerikano.

Tulay ng San Juan.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Tulay ng San Juan. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Nga pala, hindi ito nangyari sa Tulay ng San Juan tulad ng matagal na nating alam kundi sa may bandang Sta. Mesa na nga kung saan matatagpuan ang Blockhouse 7, sa Kalye Silencio pagitan ng Sociego sa Sta. Mesa, Maynila.

Silencio kalye ng Sociego, Sta Mesa, Maynila.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Silencio kalye ng Sociego, Sta Mesa, Maynila. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Kinabukasan, sa tulay ng San Juan at iba pang mga lugar sa Maynila at mga kalapit na lugar, tumindi na ang bakbakan.  Ang daming namatay.  At dahil pinakalat ng mga Amerikano na tayong mga Pilipino ang unang nagpaputok ng baril, ayun, lumakas ang suporta para sa pagsakop ng Pilipinas at noong February 6, 1899, naratipika ang Tratado ng Paris sa Kongreso ng Estados Unidos at naging legal sa mga Amerikano ang pananakop nila ng Pilipinas. Ito ang medyo nakakabwisit na pagsisimula ng ating pakikidigma sa mga Amerikano, isang digmaan na kumitil ng tinatayang 200,000 mga Pilipino.

Mga nakangiting Amerkano, February 5, 1899.  Nakapose na mga Amerikano sa tabi ng mga namatay na mga Pinoy.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga nakangiting Amerkano, February 5, 1899. Nakapose na mga Amerikano sa tabi ng mga namatay na mga Pinoy. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Sta. Ana.Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Sta. Ana.Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Sta. Ana, February 5, 1899.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Sta. Ana, February 5, 1899. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Pasay, February 5, 1899.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga patay na Pilipino sa mga trintsera ng Pasay, February 5, 1899. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga lumalaban na mga Amerikako sa mga Pilipino, 1899.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga lumalaban na mga Amerikako sa mga Pilipino, 1899. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Matatapos ang digmaan hindi pa sa pagkahuli kay Heneral Aguinaldo noong 1901 kundi sa huling laban ng mga Moro at Amerikano sa Bud Bagsak noong 1913.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiaotime.

(Andrew Bldg, DLSU Manila, 28 January 2013)

Pagkahuli ng mga Amerikano kay Hen. Aguinaldo, March 23, 1901.  Mula sa Ayala Museu,:  The Diorama Experience.

Pagkahuli ng mga Amerikano kay Hen. Aguinaldo, March 23, 1901. Mula sa Ayala Museu,: The Diorama Experience.

Labanan sa Bud Bagsak, 1913.  Mula sa Filipino Heritage.

Labanan sa Bud Bagsak, 1913. Mula sa Filipino Heritage.

XIAOTIME, 23 January 2013: SAYSAY NG REPUBLIKA NG MALOLOS

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 23 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

23 January 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=ncw0CY8dqC0

Si Emilio Aguinaldo patungo sa kanyang inagurasyon bilang pangulo Unang Republika sa Malolos, 23 Enero 1899.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Si Emilio Aguinaldo patungo sa kanyang inagurasyon bilang pangulo Unang Republika sa Malolos, 23 Enero 1899. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  114 years ago ngayong araw, January 23, 1899, matapos ang ratipikasyon ng isang konstitusyon na binalangkas ng Kongreso ng Malolos, pinasinayaan sa Simbahan ng Barasoain ang Republica Filipina, na mas kilala sa tawag na Republika ng Malolos.

Diorama sa Ayala Museum na nagpapakita ng Kongreso ng Malolos.

Diorama sa Ayala Museum na nagpapakita ng Kongreso ng Malolos.

Ang republikang ito ay itinatag upang patunayan sa mga dayuhan na umaakmang agawin ang tagumpay ng ating himagsikan na mayroon na tayong sariling estado na namumuno sa ating sarili.  Kung ikukumpara kahit sa iba pang mga dakilang bansa sa Asya tulad ng Tsina at India, ang republikang ito ang itinuturing na Unang Konstitusyunal na Demokratikong Republika sa Asya sa kanluraning modelo dahil na rin sa unang paggalaw ng paghihimagsik ni Andres Bonifacio noong 1896.  Wala na siya sa eksena nang magkaroon ng Republika.  Si Emilio Aguinaldo na ang el presidente na sumumpa sa katungkulan noong araw na iyon at inatasan niya si Apolinario Mabini na maging pangulo ng gabinete at kalihim ng Ugnayang Panlabas.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy.  El Presidente.  Mula sa Great Lives:  Emilio Aquinaldo.

Heneral Emilio Aguinaldo y Famy. El Presidente. Mula sa Great Lives: Emilio Aquinaldo.

Ang konstitusyon na niratipika at pangunahing inakda ni Felipe Calderon na kinopya sa mga konstitisyon ng Pransya, Belgium, Brazil, Mexico, Guatemala at Costa Rica.

Felipe Calderon. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Felipe Calderon. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ipinaglaban naman ng ibang delegado ang kalayaan sa pananampalataya.  Upang hindi magkaroon ng monopolyo ang iisang tao o grupo sa kapangyarihan at magkaroon ng checks and balances, nagkaroon din ng tatlong sangay ang pamahalaan—executive, legislative at judiciary.

Limbag na edisyon ng Saligang Batas ng Malolos.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Limbag na edisyon ng Saligang Batas ng Malolos. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Dahil nga panahon ito ng digmaan at himagsikan, may mga lugar sa Pilipinas na kinatawan ng mga taong hindi mana taga-roon ngunit kahit papaano nagkaroon ng semblance ng representasyon ng buong Pilipinas.  Nagpadala pa ng diplomat ang pamahalaan ito sa Pransya at Amerika sa iba’t ibang bansa, si Felipe Agoncillo, na napagsarhan ng pinto sa Paris nang pinag-uusapan na ang pagbili ng Estados Unidos sa Pilipinas mula sa Espanya.

Sina Felipe Agincillo at Juan Luna bilang mga diplomat na Pilipino sa ibang bansa.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Sina Felipe Agincillo at Juan Luna bilang mga diplomat na Pilipino sa ibang bansa. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ngunit bakit tinawag na Krisis ng Republika ng historian na si Teodoro Agoncillo ang mga pangyayari sa Malolos.  Kung titingnan ang mga pulitikahan na nangyari sa loob ng republika, lalo na ang naging mga paninira kay Mabini, parang salamin din ito ng pulitika na umiiral sa mga pinuno natin hanggang ngayon.  Kung titingnan ang mga larawan ng mga kasiyahan sa Malolos ayon kay Zeus Salazar, mapapansin na ang mga taga-Malolos ang bayan, ay nakamasid lamang sa paligid, nasa tagiliran lamang sila.

Ang parada ng pangulo sa pagpapasinaya ng Republika ng Malolos, January 23, 1899.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ang parada ng pangulo sa pagpapasinaya ng Republika ng Malolos, January 23, 1899. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Sa larawan na ito sa loob ng simbahan ng Barasoain habang binubuksan ang Kongreso noong September 15, 1898, matagal nang may mga nakakapansin sa linyang nasa larawan, ngunit nang pakitaan ako ng mas malinaw na larawan ni Ian Alfonso, napansin namin na lubid ito na naghihiwalay sa mga kinatawan ng kongreso at ng mga manonood na mamamayan.

Ang larawan ng pagbubukas ng Kongreso ng Malolos noong September 15, 1898.  Pansinin ang mahabang linya, ang tali.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ang larawan ng pagbubukas ng Kongreso ng Malolos noong September 15, 1898. Pansinin ang mahabang linya, ang tali. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Kinagabihan, sa piging na ginanap, ang menu nila ay nasa Wikang Pranses.  At taliwas sa pinakita ng isang pelikula na San Miguel Beer ang kanilang ininom na noon ay inumin ng mga mahihirap, nakalagay sa menu na champagne, cognac at iba pa ang kanilang tinungga.

Menu ng piging para sa pagbubukas ng Kongreso ng Malolos na nasa Wikang Pranses., September 15, 1898.  Sosyal.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Menu ng piging para sa pagbubukas ng Kongreso ng Malolos na nasa Wikang Pranses., September 15, 1898. Sosyal. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Pakana lahat ni Pedro Paterno ang kabonggahan na ito habang ang mga karaniwang tao ay naghihirap.  Bagama’t kapuri-puri ang republika sa paggiit na may sarili na tayong pamahalaan na una pa sa mga nasakop na mga bansa sa Asya, kailangang tanggapin ang katotohanan na salamin din ito ng pagsisimula ng demokrasyang elit na umiiral sa atin hanggang ngayon.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 19 January 2013)

ANG TALI SA RETRATO NG MALOLOS, Para sa ika-114 taon ng Unang Republika ng Pilipinas, 23 Enero 2013

Kongreso ng Malolos, mula sa Ayala Museum

Hindi nabasang pahayag ni Xiao Chua na noon ay Pangalawang Pangulo ng Philippine Historical Association, sa pagsasara ng sampaksaan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan at ng Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas bilang paggunita sa ika-112 na taon ng pagpapasinaya sa Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan, “ImaheNasyon 2:  Ang Imahe ng Nasyon at Bayan ng Republica Filipina, 1899,” Bulacan State University, 21 Enero 2011.  Inilagay sa wordpress bilang paggunita sa ika-114 na taon ng pagpapasinaya sa Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan, 23 Enero 2013.

Ayon kay Propesora Winnie Monsod, may dalawang klase ng tao sa Pilipinas, kung hindi ka mayaman, siyempre mahirap ka.

Tila tumutugma ito sa pagsusuring ginawa sa lipunan ni Dr. Zeus A. Salazar.  Ayon sa kanya, mayroon daw dambuhalang pagkakahating pangkalinangan sa pagitan ng elit at ng bayan / masa.  Tumutukoy ito sa magkaibang kultura at kaisipan nila na lumitaw sa kanilang ideya ng bansa noong panahon ng Himagsikang Pilipino.

Sa mga elit / ilustrado noon na na nagkaroon ng edukasyong Europeo ang pagkabansa ay yaong naganap Rebolusyong Pranses at mababasa sa mga sinulat ng mga pilosopo ng Enlightenment —isang Nación sa uring Republicano kung saan ang bawat citizen ay may mga karapatan at kalayaang tinatamasa ayon sa Konstitusyon, nakakamit ito sa pamamagitan ng Revolucion hanggang matamo ang pulitikal naIndependencia.

Ngunit hindi sapat ang kalayaan lamang para sa bayan at mga makabayan.  Sa orihinal na Katipunan ang ideya ng bansa ay nag-uugat sa dalumat o konsepto ng Inang Bayan, kung saan ang lahat ay magkakapatid sa pag-ibig sa bayan, at ang tunay na kalayaan ay kaginhawaan, at ang batis ng kaginhawaan ay ang matuwid na kaluluwa ng mga anak ng bayan.[1]

Sa pagkawala kay Andres Bonifacio ng pamunuan ng Katipunan, ang nangibabaw ay ang hiraya (imagination) ng mga ilustrado ng kung ano ang bansa.

Ang pagkakahating ito ay nasasalamin rin sa mga larawan ng Kongreso at Republika ng Malolos noong 1898-1899 ayon kay Dr. Salazar sa kanyang presentasyon na unang ImaheNasyon.  Kung titingnan ang parada, ang mga elit ang bida habang ang bayan ay tagamasid lamang.[2]  Sa sikat na larawan ng looban ng Simbahan ng Barasoain noong Kongreso ng Malolos, ipinakita sa akin ni Prop. Ian Christopher Alfonso na ang mahiwagang linya na matagal nang tinatanong ni Dr. Ambeth Ocampo sa kanyang mga kolum[3] ay tali pala na naghihiwalay sa mga delegado at sa mga manonood kung titingnan ang mga mas maliwanag na larawan.

Sa mga historyador na tulad ni Teodoro Agoncillo, total failure ang Gobierno Revolucionario sa Malolos dahil mga mayayaman at elitista ang kumatawan sa bayan.  Elitista ang konsepto, elitista ang tao.  Malolos: Crisis of the Republic, pamagat ng kanyang akda.

Pero para sa akin, elit man ang Kongreso at Republika ng Malolos, hindi ibig sabihin ay lahat ng nag-aadhika ng Nación ay masama na, at hindi para sa bayan ang kanilang ginagawa.  Nakulong tayo sa imahe ng balimbing na elit na tulad ni Pedro Paterno.

Ang Malolos noong 1899 ay salamin ng tunay na mundo.  Ang inggitan at pulitikahan na makikita sa ating pamahalaan ngayon ay makikita na rin sa Unang Republika.  Tulad ng ipinahayag ng papel ni Prop. Jonathan Balsamo, ito ay “laro ng pulitika” ng ating mga pinuno kung saan ang kadalasang natatalo ay ang bayan na tagamasid lamang at hindi naman talaga kasali.  Ngunit sa kabila nito ay mayroong mga salaysay ng kabayanihan.

Ang pagkakaroon sa Malolos ng Republica Filipina na nagpatuloy sa Tarlac, Tarlac, ay nagpapatunay na kaya nating magpatakbo ng pamahalaan sa kabila ng Digmaang Pilipino-Amerikano.[4]

Felipe Agoncillo, obra ni Felix Resurrecion Hidalgo, mula sa Pambansang Tipunan ng Sining, Pambansang Museo ng Pilipinas

Sa pagtalakay ni Dr. Celestina Boncan ngayong hapon nakilala natin ang katulad ni Felipe Agoncillo na isinakripisyo ang kanyang gumagandang karera sa pagka-abogado para maglingkod bilang diplomat, ang ating unang diplomat, ng isang pamahalaang walang perang pantustos sa kanyang mga paglalakbay.  Ang kanyang asawa, si Marcela Mariño Agoncillo ay ipinagbenta pa ang kanyang mga hiyas upang ipantulong na itustos sa mga paglalakbay ni Felipe sa Paris upang makilahok sa Tratado sa Paris bagama’t pinagsarhan siya ng pinto, at sa Washington, D.C. kung saan nakausap niya ang Pangulo ng Estados Unidos, at sa iba’t iba pang bansa sa daigdig upang makuha ang isang kinakailangan upang maging isang bansa-estado—ang pagkilala ng pandaigdigang pamayanan.  Hindi rin siya basta-basta naniwala sa mga pangako ng Estados Unidos at kinausap ang iba pang mga bansa.  Elit nga at kanluranin si Felipe Agoncillo ngunit nakita natin na siya ang isa sa pinakamagaling na kanluranin, at kung kanluraning mga bansa at tao ang kausap, kailangang kanluranin ka rin, kaya naman siya iginalang.  Ikararangal ng Malolos ang Batangueño na ito sa Republika ng inyong bayan.

Hen. Emilio Aguinaldo, mula sa Dambanang Aguinaldo, Kawit, Cavite

Sa papel ni Prop. Ian Christopher Alfonso nakita natin na sa kabila ng elitistang konsepto ng pamahalaan, may pagtatangka na magkaroon ito ng mukha na katutubo.  Ngayon ko lang nalaman mula sa kanya na ang opisyal na salin nina Hen. Aguinaldo sa Tagalog ng Gobierno Revolucionario ay Pamunuang Tagapagpabangong Puri.  Makikita rin sa memorandum sa kalendaryo ni Aguinaldo para sa petsang 12 Hunyo 1898, kanyang sinulat “Ypinanaog ang Bandera nacional dito sa bahay ng nasirang Dn. Maximo Ynocencio, patungo sa bayan ng Cauit o C. Viejo p.a proclamahin ang aspiracion ng Yndep.a nitong Sangkapuluang Katagalugan o Filipinas oras ng a las cuatro at dalauang minutong hapon. Cavite a 12 Junio 1898.”[5]  Samakatuwid, ginamit niya bilang pantawag sa Pilipinas ang konsepto ng “Katagalugan” ni Andres Bonifacio!  Pagkilala niya ito sa pagpapatuloy ng pamahalaan niya sa pamahalaan ni Bonifacio, bagamat masalimuot na isyu ito.

Bagama’t inaakala ng marami na masoniko ang mga simbolismo na nasa ating watawat na dinisenyo ni Hen. Aguinaldo, na isa mismong mason, sa pagbasa ni Dr. Zeus Salazar, kung nag-ugat sa tatsulok ng Katipunan ang trianggolo ng watawat, may impluwensya rin sa disenyo ang disenyo ng anting-anting ng mata ng omniscient na Diyos.  At ang mitolohikal na araw ay nagmula rin sa simbolo ng mga katutubo Austronesyano sa Bathala.[6]

Tatsulok na anting-anting na nasa kamalayan at gamit ng Katipunan, inspirasyon ng kanilang tatsulok

Bandilang Anting-Anting ng Samahang Tres Personas Solo Dios, Kinabuhayan Dolores, Quezon, mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People

Maaaring sabihin na nalinlang si Hen. Aguinaldo ng Amerikanong Konsul na si E. Spencer Pratt nang pangakuan ito ng diplomat na tutulong ang Amerika sa pagpapaalis sa mga Espanyol habang kikilalanin ang pagsasarili ng mga Pilipino (Bagama’t nabasa ko sa isang librong Amerikano ukol sa Digmaang Espanyol-Amerikano na walang ebidensya o dokumento na magpapatunay na mayroong ipinangako na gayon kay Aguinaldo), si Hen. Aguinaldo rin ay mabilis na kumilos nang kanyang maramdaman na ang pangakong ito ay hindi tutuparin.  Matapos ang Moro-Morong labanan sa Maynila noong 13 Agosto 1898, at nang makuha ng mga Amerikano ang Intramuros, ang sentro ng kapangyarihang kolonyal, at hindi pinapasok ang mga kawal Pilipino dito, agad na itinatag ni Hen. Aguinaldo ang Kongreso ng Malolos upang itatag na ang naging unang konstitusyunal na demokratikong republika sa Asya.

Kaya naman bagama’t debatable ang papel ni Hen. Aguinaldo sa ating kasaysayan, let us give credit to where credit is due.  Ibigay ang aginaldo na nararapat kay Hen. Emilio Aguinaldo.

Sa kasaysayan na ito ng Unang Republika sa Malolos, makikita natin ang pagtatalaban ng kwento ng elit at bayan, at maging ng bisa ng kasaysayang pampook (local history o micro history / bulilit kasaysayan sa kataga nina Dr. Jaime B. Veneracion at Dr. Lino Dizon) sa kasaysayang pambansa, at vice versa.  Hindi magkakasaysay ang pambansang kasaysayan kung hindi titingnan ang mga lokal na reyalidad.

Bilang pangwakas, sa ating paghimay ng mga imahe ng nasyon at bayan sa Unang Republika sa bayang ito, makikita natin ang hindi nawawalang kahalagahan ng Malolos sa pagtanaw sa pambansang kasaysayan.  Gayundin huwag lamang tayong magpokus sa mga masasamang nangyari kundi sa mga mabubuti ring mga nagawa sa Republikang iyon.

Sa aking palagay, nakita rin natin dito na hindi masama na maging elit o maimpluwensyahan ng Kanluran.  Ang masama ay maging sakim sa kayamanan at kapangyarihan anuman ang iyong katayuan sa buhay.  Nariyan na ang impluwensyang kanluranin, yakapin na natin ang mga ito, basta iaangkop natin ang mga ito sa kultura at pangangailangan ng bayan.

Ayon sa Lakambini ng Katipunan, Gregoria de Jesus, “Sikapin ang ikapagkakaisa ng lahat at ika uunlad ng bayan upang huwag magkaroon ng sagabal ang kasarinlan.”[7]  Mabubuo lamang ang sambayanan kapag lumiit na ang agwat at nagkaisa na ang elit at ang masa, nabagtas na ang dambuhalang pagkakahating pangkalinangan sa pamamagitan ng talastasang bayan na isinasaalang-alang ang ating pananaw at ang ating ikabubuti.

Ngunit huwag nating kalimutan ang mga katutubo nating konsepto, lalo ang pakahulugan ng unang Katipunan sa Kalayaan at Katimawaan, na kailangan may kaginhawaan at kagandahang loob bago maging tunay na malaya ang buong sambayanan.

Prop. Ian Christopher Alfonso, Dr. Celestina Boncan, Prop. Jonathan Balsamo, 21 Enero 2011

[1]               Zeus A. Salazar, “Ang Kartilya ni Emilio Jacinto at ang Diwang Pilipino sa Agos ng Kasaysayan,”Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Lahi, 1999); Zeus A. Salazar, “Wika ng Himagsikan, Lengguwahe ng Rebolusyon.” Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, 6 (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Lahi, 1999); at Teresita Gimenez-Maceda, “The Katipunan Discourse on Kaginhawahan:  Vision and Configuration of a Just and Free Society,” sa Kasarinlan:  A Philippine Quarterly of Third World Studies 14:2 (1998), 80.

[2]               Zeus A. Salazar, “Ang Nasyon at Bayan sa ‘Congreso Filipino’ ng 1898:  Isang Pangkalahatang Perspektiba” (Papel na binasa sa  pagsasara ng pambansang kumperensya ng Bahay Saliksikan ng Bulacan, Kapisanang Pangkasaysayan ng Pilipinas, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas at UP Lipunang Pangkasaysayan bilang paggunita sa ika-112 na taon ng pagbubukas ng Unang Kongreso ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan, “ImaheNasyon:  Paghiraya sa Nasyon at Bayan ng Congreso Filipino, 1898,” Bulacan State University Hostel, 14 Setyembre 2010).

[3]               Ambeth R. Ocampo, “Sosyal in Malolos” sa Mabini’s Ghost (Lungsod ng Pasig: Anvil Publishing, Inc., 1995), 78.

[4]               Lino Lenon Dizon, “The Tarlac Revolutionary Congress” sa The Tarlac Revolutionary Congress of July

14, 1899:  A Centennial Commemoration (Lungsod ng Tarlac:  Center for Tarlaqueño Studies, Tarlac State University, 1999) at Michael Charleston B. Chua, “A Footnote in History:  Tarlac, Seat of Government of the Philippine Republic, 1899,” Alaya:  The Kapampangan Resesarch Journal 3, December 2005.

[5]               Isagani R. Medina, “Si Emilio Aguinaldo Bilang Tao at Ama ng Kalayaan, Bandila at Awiting Pambansa,” sa Isagani R. Medina, ed., Ilang Talata Tungkol sa Paghihimagsik (Revolucion) nang 1896-97 sinulat ni Carlos Ronquillo y Valdez (Lungsod ng Quezon:  Palimbagan ng Unibersidad ng Pilipinas, 1996), 795.

[6]               Zeus A. Salazar, “Ang Kartilya ni Emilio Jacinto at ang Diwang Pilipino sa Agos ng Kasaysayan,”Bagong Kasaysayan:  Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Lahi, 1999), 29, 34.

[7]               Gregoria de Jesus, Mga Tala ng Aking Buhay at mga Ulat ng Katipunan (Maynila:  Palimbagang Fajardo, 1932).

XIAOTIME, 14 September 2012: KONGRESO NG MALOLOS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 14 September 2012, at 2:15 pm at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Larawan ng aktwal na pagbubukas ng Kongreso ng Malolos, 15 Setyembre 1898 sa Simbahan ng Barasoain, Malolos, Bulacan.

14 September 2012, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=Ve5G2SOdxas

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Bukas, ating gugunitain ang ika-114 na anibersaryo ng pagsisimula ng Kongreso ng Malolos noong 1898.  Sa maraming aklat, makikita na bidang-bida ang Amerika dahil sila ang nagpalaya sa Pilipinas mula sa Espanyol, habang sa Amerikano, ang tawag nila sa Digmaang Pilipino-Amerikano ay insureksyon lamang dahil wala pa naman daw tayong estado noon.  Liwanagin natin.  Noong May 1, 1898, natalo ni anim na barko ni Commodore George Dewey ang 20 barkong Espanyol sa Battle of Manila Bay, ngunit wala siyang ground troops.  Ang mga Anak ng Bayan ang muling lumaban at pinalaya ang bawat bayan sa mga Espanyol.  NANALO TAYO SA HIMAGSIKAN.  Ipinroklama ni Hen. Emilio Aguinaldo ang Independensya sa pag-asang kikilalanin ng mga Amerikano ang kanilang pangakong pangangalagaan ang kalayaang ito.  Ngunit, nakipag-usap na pala ang mga Espanyol sa mga Amerikano na magkaroon ng pekeng labanan upang maisuko na nila ang Maynila sa mga Amerikano.  Matapos ang pekeng labanan na ito noong August 13, 1898, pumapasok na ang mga pwersang Pilipinas sa Intramuros upang bawiin ang pangako ng Amerika.  Sila ay pinigil.  Napagtanto ni Hen. Aguinaldo na mukhang nalinlang siya, kaya dali-dali niyang inipon ang kongreso sa Malolos at nabukas nga ito, September 15, 1898 sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan.  Nang matapos ng Kongreso ang Saligang Batas, nagkaroon tayo ng Republica Filipina noong January 23, 1899, ang unang konstitusyunal na demokratikong republika sa Asya.  Elitista man na itinuturing ng iba ang Kongreso, hindi maikakaila na dahil sa Kongreso napatunayan natin sa daigdig na mayroon tayong kakayahang magtatag ng isang malayang estado, at kaya nating magpatakbo ng pamahalaang may batasan, may mga kagawaran, may mga paaralan, hukbo at diplomatikong mga misyon, sa kabila ng isang digmaan.  Ako po si Xiao Chua, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, 10 September 2012)

Si Xiao sa loob ng kasalukuyang Simbahan ng Barasoain, lunduyan ng Kongreso ng Malolos at ng Unang Republika ng Pilipinas, 2010.