XIAO TIME, 15 May 2013: ANG IKA-110 ANIBERSARYO NG PAGKAMATAY NI APOLINARIO MABINI

by xiaochua

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Apolinario Mabini habang nasa kustodiya ng mga Amerikano matapos mahuli sa Nueva Ecija.  Obra maestra ni Angel Cacnio.  Nagtamo ng unang gantimpala para sa Apolinario Mabini Painting Contest.

Si Apolinario Mabini habang nasa kustodiya ng mga Amerikano matapos mahuli sa Nueva Ecija. Obra maestra ni Angel Cacnio. Nagtamo ng unang gantimpala para sa Apolinario Mabini Painting Contest, nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayan Apolinario Mabini sa Tanauan, Batangas.

15 May 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=YI913EZ36dI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Araw ng Halalan, May 13, 2013 ay 110th anniversary ng pagyao ni Apolinario Mabini, na namatay sa sakit na cholera noong taong 1903 sa kanyang tahanan sa Nagtahan, Maynila.

Kubo ni Mabini sa Nagtahan sa kanyang orihinal na sayt.  Mula sa Great Lives Series.

Kubo ni Mabini sa Nagtahan sa kanyang orihinal na sayt. Mula sa Great Lives Series.

Kubo ni Mabini nong Dekada 1960s.  Nailipat na ng apat na beses mula sa orihinal na sayt nito.  Ngayon ay nasa Mabini (Main) Campus ng Polytechnic University of the Philippines.  Mula kay Dr. Vic Torres.

Kilala ng lahat bilang ang “Dakilang Lumpo” na sa matagal na panahon ay nasa ating sampung piso.  Ngunit hanggang dun na lang yun.  Bakit nga ba dakila at bayani ang lumpong ito.  Kailangang matandaan na hindi laging lumpo ang taong ito.

Detalye ng sampung piso sa panahon ng Batas Militar sa seryeng "Ang Bagong Lipunan" na may larawan ni Mabini.  Ngayon nasa samung pisong barya pa rin siya kasama ni Supremo Andres Bonifacio.

Detalye ng sampung piso sa panahon ng Batas Militar sa seryeng “Ang Bagong Lipunan” na may larawan ni Mabini. Ngayon nasa samung pisong barya pa rin siya kasama ni Supremo Andres Bonifacio.

Isinilang siya sa Tanauan, Batangas noong July 24, 1864, mula sa isang pamilya ng magsasaka.  Masasakitin at hindi nahilig sa gawaing bukid si Pule, mas nais makasama ang mga aklat kaya sa edad na anim na taon, nagsimulang mag-aral.  Noong 1881, nagtamo ng iskolarsyip upang mag-aral ng hayskul sa Letran.

Si Xiao Chua sa harap ng replica ng kubong sinilangan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Si Xiao Chua sa harap ng replica ng kubong sinilangan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

San Juan de Letran:  Kung saan nag-aral si Mabini.  Mula sa Vibal Foundation.

San Juan de Letran: Kung saan nag-aral si Mabini. Mula sa Vibal Foundation.

Sa sipag mag-aral, muli niyang sinusulat ang kanyang mga lecture notes matapos ang klase at nagkaroon ng photographic memory, nagmemeorya ng isang buong aklat ng heyograpiya!  Hardcore!  Nagturo ng Latin para may extra money sa board and lodging.  Dahil tinuturing na baduy at sobrang mukhang indio sa mundo ng mga ilustrado, ang gurong minsan nag-akalang bobo siya ay napabilib niya, “Sana ang mga matatalinong utak na katulad nito ang manguna sa bayang ito.”  Bagama’t walang social life si Mabini, ayon kay Dr. Ambeth Ocampo, nag-aral siyang magsayaw, ngunit dahil walang babaeng dancing partner, silya ang ipinampapalit niya sa tuwing nagpapraktis.  Biruin mo, Mabini, dancer???

Isang pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na hindi gaanong nalalathala.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Isang pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na hindi gaanong nalalathala. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Nagbalik sa Tanauan upang maging guro at nang makaipon, tinapos ang pagaabogasya sa UST noong 1894 ngunit hindi na nakapunta ng Europa sa kakulangan ng salapi.  Pinatunayan niyang hindi kailangan ang edukasyon sa ibang bansa upang makatulong sa bayan. Naging kalihim ng muling tatag na Liga Filipina ni Rizal, ang Cuerpo de Compromisarios, at kumalap ng salapi upang suportahan ang La Solidaridad.

Paglalarawan kay Apolinario Mabini bilang isang mason.

Paglalarawan kay Apolinario Mabini bilang isang mason.

Aktwal na larawan ni Mabini noong 1894.  Nakakalakad pa siya rito.

Aktwal na larawan ni Mabini noong 1894. Nakakalakad pa siya rito.

Ang Dakilang Lumpo.  Obra maestra na nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Ang Dakilang Lumpo. Obra maestra na nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Sa panahon ng rebolusyong 1896, bigla na lamang ginupo ng mataas na lagnat si Mabini at naging paralisado.  Nagkaroon siya ng polio.  Dahil dito, arestado ngunit hindi ikinulong o pinahirapan.  Habang nagpapagaling sa Los Baños sa pangangalaga ni Heneral Paciano Rizal, pinatawag ni Emilio Aguinaldo at nagkita sa araw mismo ng proklamasyon ng kasarinlan, June 12, 1898.

Detalye ng diorama sa Ayala Museum na nagpapakita ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898 na nagpapakita sa pagdating ni Mabini sa eksena.

Detalye ng diorama sa Ayala Museum na nagpapakita ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898 na nagpapakita sa pagdating ni Mabini sa eksena.

Isang obra maestra na nagpapakita sa unang pagkikita nina Mabini at Heneral Aguinaldo, nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Isang obra maestra na nagpapakita sa unang pagkikita nina Mabini at Heneral Aguinaldo, nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Naging punong tagapayo at gumawa ng batas para sa Pamahalaan ni Aguinaldo, subalit, dahil hindi niya pinapaboran ang mga elitista at sobrang anti-Amerikano, siniraan si Mabini na nalumpo raw dahil sa STD na syphilis at napulitika hanggang sa maalis siya sa puwesto.

Memorandum sa wikang Tagalog mula kay Mabini para kay Aguinaldo.  Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Memorandum sa wikang Tagalog mula kay Mabini para kay Aguinaldo. Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Isa sa pinakamahalagang akda ni Mabini ang "El Verdadero Dekalogo."  Ang tunay na sampung kautusan.  Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Isa sa pinakamahalagang akda ni Mabini ang “El Verdadero Dekalogo.” Ang tunay na sampung kautusan. Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Obra maestra na nagpapakita kay Apolinario Mabini na itinatakas noong Digmaang Pilipino-Amerikano.  Nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Obra maestra na nagpapakita kay Apolinario Mabini na itinatakas noong Digmaang Pilipino-Amerikano. Nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Nahuli ng mga Amerikano sa Nueva Ecija at ibinalanggo.  Dahil ayaw manumpa sa bandila ng Amerika, ipinatapon sa Guam noong 1901 at sinulat ang kanyang alaala ng Himagsikang Pilipino.  Nang maramdamang hindi na magtatagal, nagpabalik siya ng Pilipinas at nanumpa ng katapatan sa Estados Unidos upang mamatay na lamang sa sariling bayan.

Larawan ni Apolinario Mabini, arestado sa loob ng Intramuros.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Larawan ni Apolinario Mabini, arestado sa loob ng Intramuros. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Obra maestra na nagpapakita kay Mabini sa ilalim ng kustodiya ng mga Amerikano.  Makasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Obra maestra na nagpapakita kay Mabini sa ilalim ng kustodiya ng mga Amerikano. Makasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Marmol na busto ni Mabini na nilikha ni G.T. Nepomuceno sa ilalim ng kontraktor na si L.G. de Leon and Sons.  Nasa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Marmol na busto ni Mabini na nilikha ni G.T. Nepomuceno sa ilalim ng kontraktor na si L.G. de Leon and Sons. Nasa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Si Xiao sa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Si Xiao sa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Monumento ni Mabini bilang unang Kalihim ng Ugnayang Panlabas sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa gawing Daang Mabini.  Mula sa Great Lives Series.

Monumento ni Mabini bilang unang Kalihim ng Ugnayang Panlabas sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa gawing Daang Mabini. Mula sa Great Lives Series.

Tila nagpapaalala siya sa atin ngayong halalan, “Ang Senado ay isang kapulungang lubos na kagalang-galang, na kinabibilangan ng mga piling tao dahil sa kagandahan ng pag-uugali at sa dami ng nalalaman sa iba’t ibang larangan ng karunungan at ekonomiya.  KAYAT WALANG SINUMAN ANG MAKAKATUNTONG SA MATAAS NA POSISYONG ITO KUNDI ANG MGA PILING MAMAMAYAN na nagpakita ng pambihirang karunugan at kasipagan.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013.  Salamat kay Ian Alfonso para sa sipi mula kay Mabini ukol sa Senado.)