IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: propaganda

XIAO TIME, 17 May 2013: ARISTON BAUTISTA @ 150

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Jose Rizal, Juan Luna at Ariston Bautista-Lin, detalye ng "Parisian Life" ni Juan Luna.  Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.  Kuha ni Xiao Chua.

Si Jose Rizal, Juan Luna at Ariston Bautista-Lin, detalye ng “Parisian Life” ni Juan Luna. Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kuha ni Xiao Chua.

17 May 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=CeblM8hsAMg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  May isang kontrobersyal na painting na nabili ng pamahalaang Pilipino noong 2002 sa pamamagitan ng GSIS na ipininta ng bayaning si Juan Luna noong 1892.  Nabili natin ang obra maestrang “Parisian Life” sa halagang 46 Million Pesos!

Ang "Parisian Life" ni Juan Luna.  Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.  Kuha ni John Ray Ramos.

Ang “Parisian Life” ni Juan Luna. Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kuha ni John Ray Ramos.

Nagpapakita ito ng isang babaeng nakaupo sa isang Parisian Café na pinagmamasdan ng tatlong lalake.  Ang mga lalaki pala na ito ay sina Jose Rizal, si Juan Luna ang pintor, at ang may-ari ng painting na si Ariston Bautista y Limpingco.  Huh???  Who’s that Pokemón???

Tingnan ang larawan na ito ni Ariston Bautista, lagyan mo lang ng sombrero, pati pose ay katulad ng hitsura ng ikatlong lalaki sa "Parisian Life."  Kuha ni Xiao Chua mula sa GSIS Museo ng Sining.

Tingnan ang larawan na ito ni Ariston Bautista, lagyan mo lang ng sombrero, pati pose ay katulad ng hitsura ng ikatlong lalaki sa “Parisian Life.” Kuha ni Xiao Chua mula sa GSIS Museo ng Sining.

Isa siya sa mga hindi kilalang bayani ng ating bayan.  Ngayong taon, ipinagdiwang natin ang 150th anniversary ng kanyang kapanganakan sa Sta Cruz, Maynila, February 25, 1863.  Bilang bahagi ng pagdiriwang, inanyayahan ako at ang isang bagong gradweyt ng BA History na ginawang tesis si Ariston Bautista na si Patricza Torio ng GSIS Museo ng Sining na magsalita ukol sa bayaning Tsinoy sa kanyang mismong bahay na ipinatayo, Ang Bahay Nakpil-Bautista Museum noong May 4.

Prop. Michael Charleston "Xiao" Chua

Prop. Michael Charleston “Xiao” Chua

Patricza "Pat" Torio

Patricza “Pat” Torio

Lektura sa pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Ariston Bautista-Lin.  Kuha ni John Ray Ramos.

Lektura sa pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Ariston Bautista-Lin. Kuha ni John Ray Ramos.

Si Prop. Bobbie Santos-Viola, kaanak ni Julio Nakpil, Ariston Bautista (standee), Xiao Chua at Joshua Duldulao.  Kuha ni John Ray Ramos.

Si Prop. Bobbie Santos-Viola, kaanak ni Julio Nakpil, Ariston Bautista (standee), Xiao Chua at Joshua Duldulao.  May dalawang eksibit ngayong taon ukol sa buhay ni Ariston Bautista-Lin, sa GSIS Museo ng Sining at sa mas maliit na replica nito sa Bahay Nakpil-Bautista.  Kuha ni John Ray Ramos.

Isang mayamang estudyante ng medisina, nang magkaroon ng epidemya ng kolera noong 1880s, ibinigay niya ang kanyang serbisyo sa paggamot sa mga may karamdaman ng libre.  Nagtungo siya sa Europa at naging bahagi ng Kilusang Propaganda at ng La Solidaridad.

Ang mga anak ni Manuel Lin Bautista kasama ang kanilang tiyo na si Ariston Bautista.  Clockwise mula sa pinaka-kanan:  Dr. Ariston, Petra Bautista, Mariano Bautista, Enrique Bautista, Ariston Bautista, at Marina Bautista.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.  Kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ang mga anak ni Manuel Lin Bautista kasama ang kanilang tiyo na si Ariston Bautista. Clockwise mula sa pinaka-kanan: Dr. Ariston, Petra Bautista, Mariano Bautista, Enrique Bautista, Ariston Bautista, at Marina Bautista. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Grupo ng mga propagandista sa Espanya, hanapin niyo nga si Rizal at si del Pilar?

Grupo ng mga propagandista sa Espanya, hanapin niyo nga si Rizal, Marcelo del Pilar at Ariston Bautista?

Si Ariston Bautista (gitna) kasama ng mga propagandista sa Espanya.  GSIS Museum

Si Ariston Bautista (gitna) kasama ng mga propagandista sa Espanya. GSIS Museum

Pinondohan ang ating pamahalaan sa kanilang paglaban sa mga Amerikano at nang matapos ang digmaan, ginamit ang kanyang pera upang magpadala ng mga Pilipinong iskolar patungo sa Estados Unidos, ang mga pensionados.  Mahilig siya sa kagandahan, mga kababaihan, sining at musika at sinuportahan ang mga alagad ng sining na Pinoy tulad ni Fabian dela Rosa.

"Tampuhan" ni Juan Luna, 1895.  Ang modelo para sa lalaki ay si Ariston Bautista-Lin.

“Tampuhan” ni Juan Luna, 1895. Ang modelo para sa lalaki ay si Ariston Bautista-Lin.

Pangulo siya ng isang factory ng sigarilyo, ang “Germinal” at bahagi ng lupon ng Agricultural Bank, pinayo niya sa pamahalaan na magbigay ng pautang sa mga nagtatanim ng asukal at naging instrumental sa pagtatag ng isang National Bank of the Philippines.  Ngunit lagi siyang tumutulong at nasa panig ng mga malilit, naging kilalang pilantropo.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa GSIS Museo ng Sining.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa GSIS Museo ng Sining.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Katibayan mula sa Germinal, firmado ni Ariston Bautista-Lin.  Koleksyon Patricza Torio, kuha ni Xiao Chua.

Katibayan mula sa Germinal, firmado ni Ariston Bautista-Lin. Koleksyon Patricza Torio, kuha ni Xiao Chua.

Naging pinuno din siya ng Clinical Department ng Kolehiyo ng Medisina ng UP at sa tuwing tatambay sa mga mahihirap na maysakit ng Philippine General Hospital, pinapasaya niya sa kanyang pagpapatawa ang mga pasyente.  May gamot pa siya na nagawa para sa kolera at tuberculosis ngunit hindi niya ito pinagkakitaan, ibinigay niya sa pamahalaan ng libre.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Napangasawa niya si Petrona Nakpil, at sa kanyang malaking bahay na ipinatayo sa tabi ng Estero de Quiapo noong 1913-1914, pinatuloy niya ang mga kapatid ni Petrona kabilang na ang Katipunerong si Julio Nakpil at ang kanyang asawa na balo ni Bonifacio na si Gregoria de Jesus.

Ang Bahay Nakpil habang itinatayo, 1913-1914.  Mula sa Bahay-Nakpil.

Ang Bahay Nakpil habang itinatayo, 1913-1914. Mula sa Bahay-Nakpil.

Bahay-Nakpil na may dekorasyon para sa isang pista, Dekada 1930s.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Bahay-Nakpil na may dekorasyon para sa isang pista, Dekada 1930s. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ang likuran ng Bahay-Nakpil, may dalawang naliligo sa Estero de Quiapo sa larawan.  Ngayon, gudlak!  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ang likuran ng Bahay-Nakpil, may dalawang naliligo sa Estero de Quiapo sa larawan. Ngayon, gudlak! Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Petrona Nakpil.  Mula a Bahay Nakpil-Bautista.

Petrona Nakpil. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Si Petrona Nakpil, kasama ang ilang bisita ng Bahay Nakpil, nasilip kung saan ang kanyang kapatid na si Julio Nakpil.   Mula kay Prop. Bobbie Santos-Viola.

Si Petrona Nakpil, kasama ang ilang bisita ng Bahay Nakpil, nasilip kung saan ang kanyang kapatid na si Julio Nakpil.  Makikita sa background ang orihinal na “Parisian Life.” Mula kay Prop. Bobbie Santos-Viola.

Julio Nakpil.  Mula sa bahaynakpil.org.

Julio Nakpil. Mula sa bahaynakpil.org.

Gregoria de Jesus.  Mula sa bahaynakpil.org.

Gregoria de Jesus. Mula sa bahaynakpil.org.

Hindi niya ipinagyabang ang kanyang mga mabuting gawa, naging inspirasyon siya sa marami.  Nang mamatay siya noong March 3, 1928, kahit walang pasabi, parang magic na sumulpot ang daang-daang tao upang nakiramay, naglakad pa ang mambabatas na si Sergio Osmeña noong kanyang libing sa Cementerio del Norte.

Ang mausoleong Bautista-Nakpil sa Cementerio del Norte.  Mula sa filhistory,com.

Ang mausoleong Bautista-Nakpil sa Cementerio del Norte. Mula sa filhistory,com.

Paalala si Ariston Bautista-Lin sa atin na ang mga maykaya sa atin ay hindi kailangan maging sakim, maaaring magkaroon ng puso para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013)

XIAO TIME, 15 May 2013: ANG IKA-110 ANIBERSARYO NG PAGKAMATAY NI APOLINARIO MABINI

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Apolinario Mabini habang nasa kustodiya ng mga Amerikano matapos mahuli sa Nueva Ecija.  Obra maestra ni Angel Cacnio.  Nagtamo ng unang gantimpala para sa Apolinario Mabini Painting Contest.

Si Apolinario Mabini habang nasa kustodiya ng mga Amerikano matapos mahuli sa Nueva Ecija. Obra maestra ni Angel Cacnio. Nagtamo ng unang gantimpala para sa Apolinario Mabini Painting Contest, nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayan Apolinario Mabini sa Tanauan, Batangas.

15 May 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=YI913EZ36dI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Araw ng Halalan, May 13, 2013 ay 110th anniversary ng pagyao ni Apolinario Mabini, na namatay sa sakit na cholera noong taong 1903 sa kanyang tahanan sa Nagtahan, Maynila.

Kubo ni Mabini sa Nagtahan sa kanyang orihinal na sayt.  Mula sa Great Lives Series.

Kubo ni Mabini sa Nagtahan sa kanyang orihinal na sayt. Mula sa Great Lives Series.

Kubo ni Mabini nong Dekada 1960s.  Nailipat na ng apat na beses mula sa orihinal na sayt nito.  Ngayon ay nasa Mabini (Main) Campus ng Polytechnic University of the Philippines.  Mula kay Dr. Vic Torres.

Kubo ni Mabini nong Dekada 1960s. Nailipat na ng apat na beses mula sa orihinal na sayt nito. Ngayon ay nasa Mabini (Main) Campus ng Polytechnic University of the Philippines. Mula kay Dr. Vic Torres.

Kilala ng lahat bilang ang “Dakilang Lumpo” na sa matagal na panahon ay nasa ating sampung piso.  Ngunit hanggang dun na lang yun.  Bakit nga ba dakila at bayani ang lumpong ito.  Kailangang matandaan na hindi laging lumpo ang taong ito.

Detalye ng sampung piso sa panahon ng Batas Militar sa seryeng "Ang Bagong Lipunan" na may larawan ni Mabini.  Ngayon nasa samung pisong barya pa rin siya kasama ni Supremo Andres Bonifacio.

Detalye ng sampung piso sa panahon ng Batas Militar sa seryeng “Ang Bagong Lipunan” na may larawan ni Mabini. Ngayon nasa samung pisong barya pa rin siya kasama ni Supremo Andres Bonifacio.

Isinilang siya sa Tanauan, Batangas noong July 24, 1864, mula sa isang pamilya ng magsasaka.  Masasakitin at hindi nahilig sa gawaing bukid si Pule, mas nais makasama ang mga aklat kaya sa edad na anim na taon, nagsimulang mag-aral.  Noong 1881, nagtamo ng iskolarsyip upang mag-aral ng hayskul sa Letran.

Si Xiao Chua sa harap ng replica ng kubong sinilangan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Si Xiao Chua sa harap ng replica ng kubong sinilangan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

San Juan de Letran:  Kung saan nag-aral si Mabini.  Mula sa Vibal Foundation.

San Juan de Letran: Kung saan nag-aral si Mabini. Mula sa Vibal Foundation.

Sa sipag mag-aral, muli niyang sinusulat ang kanyang mga lecture notes matapos ang klase at nagkaroon ng photographic memory, nagmemeorya ng isang buong aklat ng heyograpiya!  Hardcore!  Nagturo ng Latin para may extra money sa board and lodging.  Dahil tinuturing na baduy at sobrang mukhang indio sa mundo ng mga ilustrado, ang gurong minsan nag-akalang bobo siya ay napabilib niya, “Sana ang mga matatalinong utak na katulad nito ang manguna sa bayang ito.”  Bagama’t walang social life si Mabini, ayon kay Dr. Ambeth Ocampo, nag-aral siyang magsayaw, ngunit dahil walang babaeng dancing partner, silya ang ipinampapalit niya sa tuwing nagpapraktis.  Biruin mo, Mabini, dancer???

Isang pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na hindi gaanong nalalathala.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Isang pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na hindi gaanong nalalathala. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Nagbalik sa Tanauan upang maging guro at nang makaipon, tinapos ang pagaabogasya sa UST noong 1894 ngunit hindi na nakapunta ng Europa sa kakulangan ng salapi.  Pinatunayan niyang hindi kailangan ang edukasyon sa ibang bansa upang makatulong sa bayan. Naging kalihim ng muling tatag na Liga Filipina ni Rizal, ang Cuerpo de Compromisarios, at kumalap ng salapi upang suportahan ang La Solidaridad.

Paglalarawan kay Apolinario Mabini bilang isang mason.

Paglalarawan kay Apolinario Mabini bilang isang mason.

Aktwal na larawan ni Mabini noong 1894.  Nakakalakad pa siya rito.

Aktwal na larawan ni Mabini noong 1894. Nakakalakad pa siya rito.

Ang Dakilang Lumpo.  Obra maestra na nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Ang Dakilang Lumpo. Obra maestra na nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Sa panahon ng rebolusyong 1896, bigla na lamang ginupo ng mataas na lagnat si Mabini at naging paralisado.  Nagkaroon siya ng polio.  Dahil dito, arestado ngunit hindi ikinulong o pinahirapan.  Habang nagpapagaling sa Los Baños sa pangangalaga ni Heneral Paciano Rizal, pinatawag ni Emilio Aguinaldo at nagkita sa araw mismo ng proklamasyon ng kasarinlan, June 12, 1898.

Detalye ng diorama sa Ayala Museum na nagpapakita ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898 na nagpapakita sa pagdating ni Mabini sa eksena.

Detalye ng diorama sa Ayala Museum na nagpapakita ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898 na nagpapakita sa pagdating ni Mabini sa eksena.

Isang obra maestra na nagpapakita sa unang pagkikita nina Mabini at Heneral Aguinaldo, nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Isang obra maestra na nagpapakita sa unang pagkikita nina Mabini at Heneral Aguinaldo, nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Naging punong tagapayo at gumawa ng batas para sa Pamahalaan ni Aguinaldo, subalit, dahil hindi niya pinapaboran ang mga elitista at sobrang anti-Amerikano, siniraan si Mabini na nalumpo raw dahil sa STD na syphilis at napulitika hanggang sa maalis siya sa puwesto.

Memorandum sa wikang Tagalog mula kay Mabini para kay Aguinaldo.  Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Memorandum sa wikang Tagalog mula kay Mabini para kay Aguinaldo. Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Isa sa pinakamahalagang akda ni Mabini ang "El Verdadero Dekalogo."  Ang tunay na sampung kautusan.  Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Isa sa pinakamahalagang akda ni Mabini ang “El Verdadero Dekalogo.” Ang tunay na sampung kautusan. Mula sa Apolinario Mabini Revolutionary ni Cesar Adib Majul.

Obra maestra na nagpapakita kay Apolinario Mabini na itinatakas noong Digmaang Pilipino-Amerikano.  Nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Obra maestra na nagpapakita kay Apolinario Mabini na itinatakas noong Digmaang Pilipino-Amerikano. Nakasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Nahuli ng mga Amerikano sa Nueva Ecija at ibinalanggo.  Dahil ayaw manumpa sa bandila ng Amerika, ipinatapon sa Guam noong 1901 at sinulat ang kanyang alaala ng Himagsikang Pilipino.  Nang maramdamang hindi na magtatagal, nagpabalik siya ng Pilipinas at nanumpa ng katapatan sa Estados Unidos upang mamatay na lamang sa sariling bayan.

Larawan ni Apolinario Mabini, arestado sa loob ng Intramuros.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Larawan ni Apolinario Mabini, arestado sa loob ng Intramuros. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Obra maestra na nagpapakita kay Mabini sa ilalim ng kustodiya ng mga Amerikano.  Makasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Obra maestra na nagpapakita kay Mabini sa ilalim ng kustodiya ng mga Amerikano. Makasabit sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Marmol na busto ni Mabini na nilikha ni G.T. Nepomuceno sa ilalim ng kontraktor na si L.G. de Leon and Sons.  Nasa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Marmol na busto ni Mabini na nilikha ni G.T. Nepomuceno sa ilalim ng kontraktor na si L.G. de Leon and Sons. Nasa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Si Xiao sa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Si Xiao sa libingan ni Mabini sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas.

Monumento ni Mabini bilang unang Kalihim ng Ugnayang Panlabas sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa gawing Daang Mabini.  Mula sa Great Lives Series.

Monumento ni Mabini bilang unang Kalihim ng Ugnayang Panlabas sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa gawing Daang Mabini. Mula sa Great Lives Series.

Tila nagpapaalala siya sa atin ngayong halalan, “Ang Senado ay isang kapulungang lubos na kagalang-galang, na kinabibilangan ng mga piling tao dahil sa kagandahan ng pag-uugali at sa dami ng nalalaman sa iba’t ibang larangan ng karunungan at ekonomiya.  KAYAT WALANG SINUMAN ANG MAKAKATUNTONG SA MATAAS NA POSISYONG ITO KUNDI ANG MGA PILING MAMAMAYAN na nagpakita ng pambihirang karunugan at kasipagan.”  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013.  Salamat kay Ian Alfonso para sa sipi mula kay Mabini ukol sa Senado.)

XIAO TIME, 20 March 2013: ANG ISTORYA NG BUHAY NI MARIANO PONCE (Ponce@150)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries, earlier, 20 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Jose Rizal, Marcelo del Pilar at ...Sino nga ba yung nakaupo na iyon??? Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Jose Rizal, Marcelo del Pilar at …Sino nga ba yung nakaupo na iyon??? Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

20 March 2013, Wednesday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  May isang pamosong retrato sa ating kasaysayan na nagpapakita ng ating tatlong heroes sa Espanya noong 1890.  Kilala ng halos lahat ng tumitingin si José Rizal dahil sa kanyang unmistakable one-sided emo hair at si Marcelo H. del Pilar dahil sa kanyang mala-Pringles na bigote, pero ang nakaupo—oo siya nga si Mariano Ponce.  Pero kilala nga ba talaga natin si Mariano Ponce?

aaaah.  Si Mariano Ponce.

aaaah. Si Mariano Ponce.

150 years ago sa Biyernes, March 22, 1863, isinilang siya sa Baliuag, Bulacan.  Nag-aral sa Letran at UST bago tumulak pa-España noong 1881 upang mag-aral ng medisina at samahan ang Kilusang Propaganda na humihingi ng reporma sa mga mananakop na Espanyol.  Patnugot siya ng poetry section ng kilusan, at sa La Solidaridad na nagbukas noong 1889, sumulat sa alyas na Naning, ang kanyang palayaw, Tikbalang, at Kalipulako, ang original na pangalan ni Lapu-Lapu.

Mariano Ponce, mula sa Vibal Foundation, Inc.

Mariano Ponce, mula sa Vibal Foundation, Inc.

Kalipulako, ang tunay na pangalan ni Lapulapu, ay isang alyas ni Mariano Ponce.

Kalipulako, ang tunay na pangalan ni Lapulapu, ay isang alyas ni Mariano Ponce.

Matapos maaresto sa Pilipinas ng dalawang araw sa pagsiklab ng himagsikan, tumakas pa-Pransiya at hindi naglaon sa Hongkong upang sumama sa ilang Tsino at Tsinoy na nangampanya para sa Pilipinas sa labas ng bansa, ang Junta Revolucionaria.

Junta Revolucionaria sa Hongkong.

Junta Revolucionaria sa Hongkong.

Siya ang naghanda ng balangkas para sa pamahalaang rebolusyunaryo sa muling pag-uwi ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Pilipinas, naging isa sa pinakauna nating mga diplomat at pumunta sa Yokohama, Japan upang bumili ng amunisyon para sa rebolusyon ngunit lumubog ang segunda manong barko dahil sa bagyo at hindi nakarating ang mga bala sa Pilipinas.  Kung titingnan ang larawang ito na kinunan sa Yokohama, naging magkaibigan pala sila ni Sun Yat Sen, ang Ama ng Modernong Bansang Tsina.

Sun Yat Sen, unang pangulo ng modernong Republika ng Tsina.  Close sila ni Ponce.

Sun Yat Sen, unang pangulo ng modernong Republika ng Tsina. Close sila ni Ponce.

Sino si Sun?  Sino si Ponce?

Sino si Sun? Sino si Ponce?

Nakakaloko ang larawan na ito, mapagkakamalan mong si Sun Yat San ang naka-kimono, yun pala, siya ang naka-amerikana habang si Ponce, ang Pilipino, ang naka-kimono.  Asteeeg!  Pinahiram pa ni Ponce si Sun ng mga baril na nabili nila sa isang Mr. Nakamura.  Sabi nga ni Ambeth Ocampo, nakamura nga sila pero niloko naman.  Puro mga kalakal na bakal ang nasa shipment.  Na-swindle sila.

Ang titulo ng larawan na ito ay "Sun Yat Sen meeting reporter of Look in Japan 1901."  Kung ang tinutukoy ay ang nakaupong lalaki sa gitna, obviously, nasa lugar sila ng mga Pilipinong makabayan, makikita si Ponce na naka-kimono at ang kopya ng La Independencia na nakasabit sa tabi niya.  Mula sa Wikipedia.

Ang titulo ng larawan na ito ay “Sun Yat Sen meeting reporter of Look in Japan 1901.” Kung ang tinutukoy ay ang nakaupong lalaki sa gitna, obviously, nasa lugar sila ng mga Pilipinong makabayan, makikita si Ponce na naka-kimono at ang kopya ng La Independencia na nakasabit sa tabi niya. Mula sa Wikipedia.

Matapos maglakbay sa Tsina, Indo-Tsina, Cambodia at Thailand bumalik sa Maynila kasama ng asawang Hapones, at nahalal pang kinatawan ng ikalawang distrito ng Bulacan sa Philippine Assembly.

Si Gobernador Heneral William Cameron Forbes kasama sa kanan si Mariano Ponce, isa sa kanyang mga tagapayo.

Si Gobernador Heneral William Cameron Forbes kasama sa kanan si Mariano Ponce, isa sa kanyang mga tagapayo.  Mula kay Austin Craig.

Sinulat niya ang kanyang alaala Cartas Sobre la Revolucion.  Ang lolo mo rin ang isa sa unang popular historian, kolumnista siya ng mga historikal na pitak sa kanyang Filipino Celebres at Efemerides Filipinas kasama si Jayme C. de Veyra.  Sinusundan siya ng mga katulad nina Carmen Guerrero Nakpil, Ambeth Ocampo, at Jaime Veneracion.

Jayme C. de Veyra, katuwang ni Ponce sa kanyang historical column na Efemerides Filipinas.

Jayme C. de Veyra, katuwang ni Ponce sa kanyang historical column na Efemerides Filipinas.

Anak ni Ponce:  Historical columnist Carmen Guerrero Nakpil kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce: Historical columnist Carmen Guerrero Nakpil kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce:  Historical columnist Lamberto Ambeth" Ocampo kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce: Historical columnist Lamberto “Ambeth” Ocampo kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce:  Historical columnist Jaime B. Veneracion kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce: Historical columnist Jaime B. Veneracion kasama si Xiao Chua.

Sa kanyang pagtungo sa Hongkong upang bisitahin ang kanyang kaibigang si Sun yat Sen, namatay siyang bigla sa Civil Hospital ng Hongkong noong May 23, 1918 sa edad na 55.  Sa iyong kaarawan, patawarin mo kami Mariano Ponce na hindi namin nababanggit lagi ang kontribusyon mo.  Nais ka pa naming na lalong makilala.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)

30 namatay siyang bigla sa Civil Hospital ng Hongkong noong May 23, 1918 sa edad na 55 31 Sa iyong kaarawan, patawarin mo kami Mariano Ponce

XIAOTIME, 17 January 2013: PROPAGANDISTANG ILONGGO, Si Graciano Lopez Jaena at ang Praylokrasya

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 17 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Graciano Lopez Jaena, Prinsipe ng mga Mananalumpating Pilipino, may-akda ng "Fray Botod"

Graciano Lopez Jaena, Prinsipe ng mga Mananalumpating Pilipino, may-akda ng “Fray Botod”

17 January 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=NkZDfCJjJbA

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Kwentuhan muna tayo.  Minsan may isang taong binisita ang kanyang kaibigang prayle na nadestino sa isang malayong lugar noong panahon ng Espanyol, nang magkita sila tinanong ng kaibigan sa pari, “Napakalayo ng paroquiang ito padre.  Hindi po ba malungkot?”  Sagot ng prayle, “Hindi naman, basta’t mayroon akong rosaryo at café contento na ako.”  Tsaka sumigaw ang pari, “Rosario-o-o, maglabas ka nga nan café.”  Makaraan ang ilang taon, muling bumisita ang kaibigan na nagtanong, “Padre!  Nandito pa rin kayo!  Eh, kumusta naman po si Rosario?”  Sagot ng prayle, “Ay, hijo.  Wala na si Rosario… may edad na ako.”  Tsaka sumigaw, “Eda-a-d Buksan mo an mana bintana!”

Komiks mula sa History of the Burgis.  Hinalaw ng papel ni Dr. Nilo S. Ocampo.

Komiks mula sa History of the Burgis. Hinalaw ng papel ni Dr. Nilo S. Ocampo.

Para sa maraming Pilipino kahit ngayon, ang imahe ng mga prayle noong panahon ng mga Espanyol ay matakaw, kalbo, arogante, mabagsik, manyakis, gahaman, sakim, ganid sa pera at kapangyarihan.  Hindi man lamang naiiisip na kaiba ito sa kanilang papel bilang mga Alagad ng Diyos.  Sa kabila ng katotohanang hindi naman lahat ng prayle ay masama at marami pa nga ang naging mabuti sa mga indio, at pawang galing naman ang imahe sa mga kathang-isip na karakter ni Padre Damaso mula sa mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal, nanatili ang imahe ng masamang prayle sa mga Pilipino.

Si Carlos Celdran habang tinutuya ang mga obispo ng Simbahang Katoliko sa isang inter-faith na pagdiriwang ng Bibliya sa loob ng Katedral ng Maynila, September 30, 2010.

Si Carlos Celdran habang tinutuya ang mga obispo ng Simbahang Katoliko sa isang inter-faith na pagdiriwang ng Bibliya sa loob ng Katedral ng Maynila, September 30, 2010.

Ang taong tatalakayin natin ang isa sa mga nagpalaganap ng imaheng ito, 117 years ago sa Linggo, January 20, 1896, namatay sa Barcelona, Espanya si Graciano Lopez Jaena?  Jaena???  Huh???  Who’s that Pokémon???  Siya ang propagandistang taga-Jaro, Iloilo na isinilang noong December 18, 1856.  Relihiyoso ang kanyang mga magulang, ipinasok siya sa seminaryo at naging mahusay pa na theologian sa klase ngunit nakita niya ang masamang kalagayan ng mga indio.  Nag-aral ng medisina at ginamot ang mga mahihirap.  Nakita niyang isang dahilan ng kanilang kahirapan ay ang pang-aabuso ng ilang prayle at mga opisyal na sibil.  Upang isiwalat ang mga ito, isinulat niya ang mapantuyang katha ukol sa mga prayle “Fray Butod.”

17 Ang butod ay kataga na nangangahulugang mahigit pa sa mataba at matakaw, kundi masiba

Ang butod ay kataga na nangangahulugang mahigit pa sa mataba at matakaw, kundi masiba.  Nilantad nito ang kasakiman, katamaran, kalupitan at pagiging mahilig ng mga prayle.  Nagtungo siya sa Espanya noong 1880 at nakilala bilang “Prinsipe ng mga Mananalumpating Pilipino.”  Ilang baso lang ng alak ay napakagaling na niyang magsalita.  Ayon kay Rizal si Lopez Jaena na ang “pinakamatalinong Pilipinong nakilala niya, na higit na mahusay pa kaysa sa kanya.”

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Siya ang naging unang editor ng La Solidaridad.  Bumalik sa Maynila noong 1890 sa alias na Diego Laura upang mangalap ng suporta para sa mga aktibidad sa Espanya.  Ngunit nang malapit nang mabisto ay umalis muli ng Pilipinas.  Pinasabi niya sa mga mahal niya sa buhay sa pamamagitan ng kanyang pamangkin na si Marciano bago umalis, “Ihalik mo ako sa kanila, dahil hindi ko na sila makikita pang muli.”  Tulad ni del Pilar, si Jaena ay naghirap upang itaguyod ang paghingi ng reporma sa Espanya, nagpulot na lamang ng upos ng sigarilyo at hinithit ang mga ito upang malimutan ang gutom.  Ayun, nagka-tb at namatay nga noong 1896.  Tunay ngang hindi lahat ng prayle noong panahon ng mga Espanyol ay masama subalit hindi naman masasabing wala itong batayan, may ilang mga masasamang pari na nang-abuso.  Hindi naman siguro sinungaling sina Jaena.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(People’s Television Network, 4 January 2013)

XIAOTIME, 18 December 2012: GRACIANO LOPEZ JAENA AT ANG PROPAGANDA MOVEMENT

Broadcast of Xiaotime news segment last Tuesday, 18 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Graciano Lopez-Jaena

Graciano Lopez-Jaena

18 December 2012, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=cY10ILzSqI4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  156 years ago ngayong araw, December 18, 1856, isinilang sa Jaro, Iloilo ang dakilang orador ng Kilusang Propaganda at unang editor ng pahayagang La Solidaridad na si Graciano Lopez Jaena.

Rizal, M.H. del Pilar at Mariano Ponce

Rizal, M.H. del Pilar at Mariano Ponce

Kasama niya sa Kilusang Propaganda ang iba pang mga bayani natin na katulad nina José Rizal, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce, Juan at Antonio Luna, Isabelo de los Reyes, José Ma. Basa, José Ma. Panganiban, Antonio Ma. Regidor, Ariston Bautista Lin, at marami pang iba.  Hindi ba’t kapag sinabing propaganda, negatibo ang naiisip natin, ngunit sa pakahulugan nila noon ito ay pangangampanya para sa reporma sa ilalim ng kolonyalismong Espanyol.

Grupo ng mga propagandista sa Espanya, hanapin niyo nga si Rizal at si del Pilar?

Grupo ng mga propagandista sa Espanya, hanapin niyo nga si Rizal at si del Pilar?

Ang kanilang layunin ay ang pagpapatalsik sa mga fraile, pagiging lalawigan ng Espanya ng Pilipinas, at pagkakaroon ng representacíon ng Pilipinas sa Cortes o Senado ng Espanya, walang kinalaman kay Rez, lalo na kay Anne.  Huh?  E gusto pala nila tayong maging mamamayan ng Espanya???  E kung ganoon, paano nangyari na mga national heroes pa rin natin ang mga ito kung hindi naman nila isinulong ang pagiging “nation” natin???

Father John Schumacher kasama si Xiao.

Father John Schumacher kasama si Xiao.

Ayon sa Heswitang Historian na si Fr. John Schumacher sa kanyang aklat na The Propaganda Movement, makikita na ang Hispanisasyon ay isa lamang hakbang upang sa kalaunan, mapayapang hihiwalay ang Pilipinas sa Espanya.  Ayos naman pala.  Nangampanya sila laban sa pagpapadala ng Arsobispo ng Maynila sa mga Igorot at mga Moro upang ieksibit na parang mga hayup sa zoo sa Exposicion General de las Islas Filipinas sa Madrid, kung saan namatay sa pulmunya ang babaeng Muslim na si Basalia noong 1887.  Bilang propagandista sinulat ni Rizal ang kanyang nobelang Noli Me Tangere at iba pang mga sulatin.

Mga simbolo ng masoneriya.  Larawan mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Mga simbolo ng masoneriya. Larawan mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Lumahok sila sa masoneriya at sumapi sa Lodge Solidaridad, na kaiba sa paninira ng mga prayle na ito ay isang anti-Kristong organisasyon, isa lamang itong brotherhood o fraternity na tinatanggap ang lahat ng relihiyon.  Namayagpag sila sa buong Dekada 1880s at sa huling taon nito itinatag nila ang dyaryong La Solidaridad, isang demokratikong kinsenaryo o forthnightly, ibig sabihin, lumalabas sa bawat kinsenas o every 15 days.

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Ngunit, naging manhid, bingi at bulag ang Espanya sa kanilang mga hinaing.  Nakita na ito ni Rizal noong 1891 kaya bumalik siya ng Pilipinas.  Nagpunyagi pa sina del Pilar at Jaena, naglimbag ng La Solidaridad hanggang maghirap, nagpupulot na lamang ng upos ng sigarilyo sa kalsada at mga basurahan, hihithitin ang mga ito upang makalimutan ang kanilang gutom, nagsara ito noong 1895.  Namatay sa sakit na tuberculosis kapwa sina Jaena at del Pilar noong 1896 sa Espanya.  Si del Pilar mismo ay nagnais nang magplano ng isang armadong rebolusyon.  Nabigo man ang Kilusang Propaganda, hindi matutumbasan ang kanilang mga pagsisikap para sa bayan, mga pagsisikap na hindi kinalimutan ng mga Anak ng Bayan, dinakila si del Pilar bilang ghost editor ng pahayagan ng Katipunan, ang Kalayaan, ang pangalang “Rizal” naman ay ginawang password ng pinakamataas ng antas ng Katipunan, ang “Bayani.”  Nang hindi na umubra ang santong dasalan ng mga ilustradong may kaisipang kanluranin, kinailangan na rin daanin sa santong paspasan ng mga Anak ng Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 8 November 2012)

Marcelo H. del Pilar bilang patnugot ng La Solidaridad.  Mga dibuho mula sa Adarna Publishing House.

Marcelo H. del Pilar bilang patnugot ng La Solidaridad. Mga dibuho mula sa Adarna Publishing House.

XIAOTIME, 7 December 2012: ‘Love Story’ ng mag-asawang JUAN LUNA AT PAZ PARDO DE TAVERA

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 7 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"A Portrait of Paz Pardo de Tavera" ni Juan Luna.  Ang misteryosong wangis raw ng asawa ni Juan Luna.  Di nga?  Ang sinasabing pinakamalas na painting sa kasaysayan ng bansa.

“A Portrait of Paz Pardo de Tavera” ni Juan Luna. Ang misteryosong wangis raw ng asawa ni Juan Luna. Di nga? Ang sinasabing pinakamalas na painting sa kasaysayan ng bansa.

7 December 2012, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=NgkVRQzVbyY

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  126 years ago bukas, December 8, 1886, pista ng Inmaculada Concepcion, nagpakasal ang bayaning pintor na si Juan Luna at si Paz Pardo de Tavera na noon ay 21 years-old lamang.

Juan Luna

Juan Luna

Paz Pardo de Tavera

Paz Pardo de Tavera

Ang mga Pardo de Tavera ay prominenteng mga Espanyol sa Pilipinas kaya noong una hindi payag ang ina ni Paz na si Juliana Gorricho na ipakasal ang unica hija sa isang indiong pintor.

Ang tanging larawan ni Rizal na nakangiti ay larawan niya kasama sina Feliz R. Hidalgo, ang pintor, si Nelly Boustead na kanyang niligawan, at ang mga Pardo de Tavera:  Katabi ni Nelly si Paz Pardo de Tavera at nakaupo si Juliana Gorricho kalong-kalong ang apong si Andres Luna.

Ang tanging larawan ni Rizal na nakangiti ay larawan niya kasama sina Feliz R. Hidalgo, ang pintor, si Nelly Boustead na kanyang niligawan, at ang mga Pardo de Tavera: Katabi ni Nelly si Paz Pardo de Tavera at nakaupo si Juliana Gorricho kalong-kalong ang apong si Andres Luna.

Ngunit ipinakita ni Juan na karapat-dapat siya sa kanyang anak, pumayag na rin ito kalaunan.  Nagpulot-gata sila sa Italya at nanirahan matapos nito sa Pransiya.    Ang tiyuhin ng sopistikada at outspoken na si Paz ay si Joaquin Pardo de Tavera, na kapatid ng kanyang ina na si Juliana Gorricho.  Kapatid niya ang mga doktor at propagandista na sina Trinindad at Felix Pardo de Tavera.

Trinidad Pardo de Tavera

Trinidad Pardo de Tavera

Sa pagdating ng mga Amerikano, si Trinidad Pardo de Tavera ay naging tagapagtaguyod ng Partido Federalista, na nag-adhika ng pagiging estado ng Pilipinas.  Sina Luna at Paz ay nagka-anak, si Andres o Luling at si Maria de la Paz o Bibi.

Andres Luna de San Pedro o Luling, obra ni Juan Luna, nasa Pambansang Sinupan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Andres Luna de San Pedro o Luling, obra ni Juan Luna, nasa Pambansang Sinupan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Maria de la Paz Luna o Bibi, obra ni Juan Luna, nasa Pambansang Sinupan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Maria de la Paz Luna o Bibi, obra ni Juan Luna, nasa Pambansang Sinupan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Ngunit si Bibi ay mamamatay wala pa siyang dalawang taong gulang noong 1892.  Nalungkot ang mag-asawa.  Sa taon ding iyon, nagselos si Juan Luna kaya noong September 23, 1892, binaril ni Juan Luna ang kanyang biyenan at ang kanyang asawa at napatay ang mga ito.

Mula kay Alfredo Roces, "Philippine Heritage"

Mula kay Alfredo Roces, “Philippine Heritage”

Hanggang ngayon, itinatanggi ng mga Pardo de Tavera na nagtaksil si Paz kay Luna at sa galit ng mga ito sa kanya, ang kanyang mga larawan sa mga photo album nila ay binura ng kulay itim ng pamilya.

Mula kay Alfredo Roces, "Rage"

Mula kay Alfredo Roces, “Rage”

Sa Pambansang Sinupan ng Sining, may isang obra si Juan Luna doon na ang pangalan ay, “Portrait of Paz Pardo de Tavera” na nagpapakita ng isang babaeng may hawak na rosaryo at may katabing aklat-dasalan habang nakalitaw ang isa sa kanyang dibdib.  Ang painting raw na ito ang sinasabing pinakamalas na pintura sa Pilipinas.  Lahat diumano ng nagmay-ari nito nito ay minalas.  Ang unang may-ari raw nito na si Manuel Garcia ay nalugi.  Si Betty Bantug Benitez naman na siyang nangasiwa sa pagpapatayo ng Manila Film Center at sa nangyaring trahedya ay namatay sa isang aksidente sa auto sa Tagaytay.  Si Tony Nazareno naman ay biglaang nagkasakit.  Naibenta rin ito kay Imee Marcos na nakunan naman.

Rep. Ma. Imelda "Imee" Romualdez Marcos noong pinuno pa ng Kabataang Barangay.

Rep. Ma. Imelda “Imee” Romualdez Marcos noong pinuno pa ng Kabataang Barangay.

Sa katalogo ng Oro-Plata na eksibisyon para sa mga gawa nina Luna at Hidalgo, hindi nakalista sa mga, may-ari si Imee kundi si Gng. Imelda Romualdez Marcos, ang Unang Ginang na napatalsik ng Himagsikang EDSA.

Gobernador  Imelda Remedios Visitación Romuáldez Marcos noong Unang Ginang pa ng Pilipinas.  Larawan mula sa Marcos Presidential Center.

Gobernador Imelda Remedios Visitación Romuáldez Marcos noong Unang Ginang pa ng Pilipinas. Larawan mula sa Marcos Presidential Center.

Ibinigay niya ang obra sa Pambansang Museo.  Nang ipahiram ito sa Metropolitan Museum of Manila para sa eksibisyong Oro-Plata, ang bubong sa taas ng obra ay natuluan ng tubig-ulan.  Hanggang ngayon, ayon sa mga nakakikita nito sa Pambansang Museo, tila buhay at nangunguasap ang mga mata nito.

Unang pagkikita namin ni Dr. Ambeth Ocampo, 2003

Unang pagkikita namin ni Dr. Ambeth Ocampo, 2003

Ngunit sa isang artikulo ni Dr. Ambeth Ocampo noon pang 1989, kung titingnan ang mga totoong larawan ni Paz, malayo ang hugis ng mukha nito sa babae sa obra.

Spot the difference?  Medyo malaki.

Spot the difference? Medyo malaki.

Baka kaya ito minalas dahil hindi nga siya si Paz.  Dati na itong pinalitan ng pangalan na “Portrait of a Lady” ngunit ngayon, muli itong ibinalik sa dating pangalan nito.  Naku!  Baka malasin ulit yan haha.  Ang kwento ng mag-asawang Luna ay nagtuturo sa atin una, na hindi ka man perpekto maari ka pa ring makatulong sa bayan, at pangalawa, na may malaking bahagi ang hinahon ng loob at lamig ng ulo upang magtagumpay ang isang relasyon.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(McDo Philcoa, 27 November 2012)

XIAOTIME, 30 October 2012: PAGTAKAS NI MARCELO H. DEL PILAR

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 30 October 2012, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Marcelo Hilario del Pilar, ang founder ng Pringles???

30 October 2012, Tuesday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong linggo ang 124th anniversary ng pagtakas mula sa Maynila patungong Espanya ni Marcelo Hilario del Pilar, October 28, 1888.  Bakit kinailangan niyang umalis ng Pilipinas?  Si del Pilar, sa kanyang bigote, ay ang founder ng Pringles.  Biro lang po.  Siya ay isang propagandista, ngunit hindi katulad ng mga propagandistang mga indio sa Espanya, ang karamihan sa kanyang mga pakikibaka ay dito niya ginawa sa Pilipinas.  Pansinin na ang nakababatang si José Rizal at mga kasama ay nasa Europa na noong 1882 pa lamang, si del Pilar ay tumungo lamang doon noong 1888.  Si del Pilar ay mahilig magpiyano, magbiyolin at magplawta, ngunit minsan nakasagutan niya ang isang prayle dahil ang mahal nitong maningil ng binyag, dahil dito ay nakulong siya.  Ito ang simula ng marami niyang pakikibaka laban sa praylokrasya.  Noong 1882 inilathala niya ang Diariong Tagalog para mabasa ng kapwa niya mga Pilipino.  Sumulat din siya ng isang satire ukol sa mga prayleng mapagsamantala sa Pilipinas, ang “Dasalan at Tocsohan.”  Tinutulungan siya ng kanyang batang pamangkin na si Goyo, ang magiging Heneral Gregorio del Pilar, na pinagpapalit ang misal sa simbahan sa mga sinulat ng tiyuhin.  Kapag ipinamudmod na ang mga babasahin, magtataka ang prayle bakit nagtatawanan ang mga tao.  Ito pala ang mababasa, “Amain namin sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit. Saul[i]an mo cami ngayon nang aming kaning iyong inarao-arao at patauanin mo kami sa iyong pag-[at]ungal para nang pag taua mo kung kami nacucualtahan; at huag mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila, Amen.”  Hindi lamang ang kanyang mga isinulat tulad ng “Monastic Supremacy in the Philippines” ang kanyang ginawa, aktwal siyang nag-organisa ng mga rally laban sa mga prayle sa Binondo at Navotas sa panahon na delikadong gawin ito.  Kaya naman minabuti niyang tumakas noong 1888. Sa pagsakay sa barko kanyang winika, “Tapos na ang tungkulin ko sa Pilipinas; sa iba namang dako ako tinatawagan, sa España, at doon sa lilim ng kalayaa’y maaari kong ipagsanggalang ang mga kabaguhang nararapat sa Pilipinas… Mapapalagi ang España sa Pilipinas, kung didinggin ang mga Pilipino.”  Noon lamang dumating siya sa Espanya nagsimula ang pahayagang La Solidaridad at siyang ang naging pangalawang editor nito, pumipirma sa matalas niyang pluma sa ngalang Plaridel.  Kalaunan kinilalang pinuno ng mga propagandista.  Ngunit hindi nakinig ang Espanya, naghirap siya at maghitit na lamang ng upos para makaraos.  Namatay siya sa sakit na tuberculosis noong 1896 habang nagbabalak na bumalik sa Pilipinas upang planuhin ang rebolusyon.  Ayon mismo kay Gobernador Heneral Ramon Blanco, “Marcelo H. del Pilar es el mas inteligente, el verdadero Verbo de los separatistas, muy superior a Rizal…”  Ayon kay Rizal, “…Bakit ‘di tayo nagkaroon ng sandaang Marcelo H. Del Pilar?”  Ang tindi ni Plaridel, hindi lamang pala siya Mr. Suave dahil sa kanyang bigote, kundi dahil inalay niya ang anumang talento na mayroon siya para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Lulan ng taxi, 25 October 2012, pasasalamat kay Ian Alfonso at Ka Alex Balagtas na nag-udyok sa akin na kilalanin pang lalo si Plaridel.  Ang Pringles joke ay nagmula kay Prop. Alvin Campomanes)

Ang Triumvirate ng Kilusang Propaganda: Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce

Mga propagandista din: Antonio Luna, Eduardo de Lete at Marcelo H. del Pilar

Si Xiao Chua bilang tagapagsalita para sa anibersaryo ng kapanganakan ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang pook sinilangan sa Bulakan, Bulacan kasama ang ilang lokal na mga personalidad tulad ng historyador na si Ian Alfonso, Direktor ng Bahay Saliksikan ng Bulacan Dr. Agnes Crisostomo, Resurreccion Gatchalian-Villanueva ng Bulakan Parish Commission on Cultural Heritage, Curator ng Pook Pangkasaysayang Marcelo H. del Pilar Ka Alex Balagtas, at mga kaanak ng mga del Pilar, at Ka Baby Lava na apo nina Dr. Jesus Lava ng HUKBALAHAP, 4 Hulyo 2012.