IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: magsaysay

XIAO TIME, 12 July 2013: ESKULTOR NG BAYAN, GUILLERMO ESTRELLA TOLENTINO

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Guillermo Tplentino habang nilililok ang kanyang busto ni Andres Bonifacio.  Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Guillermo Tplentino habang nilililok ang kanyang busto ni Andres Bonifacio. Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

12 July 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=JvodYP71Z0M

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  37 years ago, July 12, 1976, sumakabilang buhay si Guillermo Estrella Tolentino.  Huh??? Who’s that Pokemón??? Siya lang naman ang iskultor na nakilala sa kanyang mga likhang sining na nagpapakilala sa ating mga bayani, tulad ng busto ni José Rizal, Andres Bonifacio sa Monumento, Ramon Magsaysay, at marami pang iba.

Busto ni Jose Rizal sa Palma Hall (Arts and Sciences Building) ng Unibersidad ng Pilipinas.  Obra maestra ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua.

Busto ni Jose Rizal sa Palma Hall (Arts and Sciences Building) ng Unibersidad ng Pilipinas. Obra maestra ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Xiao Chua.

SI Guillermo Tolentino habang nilililok ang isa sa mga kopya ng kanyang busto kay Jose Rizal.  Mula sa Aklatang Pambansa ng Pilipinas.

SI Guillermo Tolentino habang nilililok ang isa sa mga kopya ng kanyang busto kay Jose Rizal. Mula sa Aklatang Pambansa ng Pilipinas.

Monumento ni Bonifacio sa Caloocan.  Obra maestra ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Prop. Enrico Gerard R. Azicate.

Monumento ni Bonifacio sa Caloocan. Obra maestra ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Prop. Enrico Gerard R. Azicate.

Si Guillermo Tolentino at ang kanyang "monumento."  Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Si Guillermo Tolentino at ang kanyang “monumento.” Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Winged Victory, isang klasikal na simbolo sa eskultura, sa ibabaw ng obelisk ng monumento ni Maganda pala sa malapitan.  Mula sa Peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Winged Victory, isang klasikal na simbolo sa eskultura, sa ibabaw ng obelisk ng monumento ni Maganda pala sa malapitan. Mula sa Peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Si Tolentino at ang kanyang monumento para kay Pangulong Ramon Magsaysay.  Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Si Tolentino at ang kanyang monumento para kay Pangulong Ramon Magsaysay. Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Isinilang siya noong July 24, 1890 sa Malolos, Bulacan.  Ang kanyang Amerikanong gurong Thomasite na si Mrs. H.A. Bordner ang siyang nakapansin ng galing sa sining ni koya kaya inusig niya ito, ituloy mo lang yan teh.  Sa Maynila itinuloy niya ang kanyang pag-aaral at tumira sa kanyang kamag-anak at nanilbihan sa kanila upang makaraos sa hayskul.  Ayon sa kanya, “Alilang kanin ako noon.”  Nang pumasok sa School of Fine Arts ng UF, Unibersidad ng Filipinas, este UP, katabi lang naman niya sa upuan noon ang future director ng eskwelahan nila at magiging grand master painter ng bansa na si Fernando Amorsolo.

Si Fabian de la Rosa, ang direktor ng UP School of Fine Arts, kasama ang kanyang mga estudyante kasama na sina Guillermo Tolentino (ikatlo mula sa kaliwa) at Fernando Amorsolo (ika-apat).  Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Nagtungo sa Washington D. C., pitong dolyar lamang ang dala at namasukan sa isang kapihan sa Rock Creek Park na paboritong pasyalan ni Pangulong Woodrow Wilson.  Idol nitong si Tolentino si Wilson dahil sa kanyang pag-aadhika ng kapayapaan.  Giniguhit niya rin ang mga parokyano ng kapihan kaya napansin siya ng mismong sekretarya ng Unang Ginang.  Sa wakas, nagkakilala si Tolentino at ang kanyang idolong si Wilson, at dahil sa rekomendasyon ng pangulo, naging iskolar ng isang milyonaryo at nakapag-aral ng Advanced Sculpture sa Beaux Arts School sa New York City.  Naging assistant pa ni Gutzon Borglum, na siya lang naman ang gumawa ng mga istatwa ng mga pangulo ng Amerika sa Bundok Rushmore.

Pangulong Woodrow Wilson.  Mula sa history.com

Pangulong Woodrow Wilson. Mula sa history.com

Gutzon Borglum at isang modelo ng kanyang obra maestra.  Mula sa blackforestinn.net

Gutzon Borglum at isang modelo ng kanyang obra maestra. Mula sa blackforestinn.net

Itinuloy ang pag-aaral ng klasikal na iskultura sa Royal Academy of Fine Arts sa Roma.  Naghirap si Tolentino sa Roma kaya sa pamamagitan ng isang peryodista, nag-ambagan ang ilang kababayan para sa kanya.  Hindi niya sinayang ang kanyang talento.  Noong 1925, bumalik siya sa bayan, nagturo sa UP at nilikha ang isa sa kanyang pinakakilalang obra, isang bayaning hubad na handing ialay ang kanyang buhay para sa Inang Bayan—naging simbolo ng Academic Freedom sa UP, ang Oblation.

Guillermo Tolentino

Guillermo Tolentino

SI Guillermo Tolentino at ang kanyang "Oblation."  Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

SI Guillermo Tolentino at ang kanyang “Oblation.” Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Take note, hindi ang tatay ni FPJ ang modelo nito, kundi composite ng kanyang mga estudyante katulad ni Anastacio Caedo. Ito ang ebidensya.

Si Guillermo Tolentino (sa gitna) at ang kanyang protege na si Anastacio Caedo (sa kanan).  Kahawig ng katawan niya ang katawan ng Oblation.  Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Si Guillermo Tolentino (sa gitna) at ang kanyang protege na si Anastacio Caedo (sa kanan). Kahawig ng katawan niya ang katawan ng Oblation. Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Paglalarawan kay Anastacio Caedo.  Kuha ni Xiao Chua.

Paglalarawan kay Anastacio Caedo. Kuha ni Xiao Chua.

Gumawa siya dalawang wax statue ni Rizal na sabi ng mga nakakilala kay Rizal ay parang nakita mo na rin ang heroe nacional.  Ang mga monumento niya para kay Bonifacio ay ibinatay niya sa bone structure ng kapatid nito na si Espiridiona.  Nagreresearch talaga si lolo, hindi lang gamit ang kasaysayan kundi ang espiritismo.

Ang wax statue ni Rizal bilang eskultor hawak ang kanyang lilok ng Sagrada Corazon.  Obra maestra ni Guillermo Tolentino na natunaw noong digmaan.  Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ang wax statue ni Rizal bilang eskultor hawak ang kanyang lilok ng Sagrada Corazon. Obra maestra ni Guillermo Tolentino na natunaw noong digmaan. Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Wax statue ni Jose Rizal na nililok ni Guillermo Tolentino na ngayon ay makikita sa selda ni Jose Rizal sa Rizal Shrine, Fort Santiago.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Wax statue ni Jose Rizal na nililok ni Guillermo Tolentino na ngayon ay makikita sa selda ni Jose Rizal sa Rizal Shrine, Fort Santiago. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Caloocan.  Nililok ni Guillermo Tolentino.  Mula kay Isagani Medina.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Caloocan. Nililok ni Guillermo Tolentino. Mula kay Isagani Medina.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Liwasang Bonifacio.  Nililok ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Liwasang Bonifacio. Nililok ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Xiao Chua

Espiridiona Bonifacio, kapatid ng Supremo.  Sa kanyang bone structure ibinatay ang mga busto ni Guillermo Tolentino kay Bonifacio.

Espiridiona Bonifacio, kapatid ng Supremo. Sa kanyang bone structure ibinatay ang mga busto ni Guillermo Tolentino kay Bonifacio.

Nang minsan sumangguni siya sa espiritista sa edad na 42 kung makakapag-asawa pa ba siya, hinula ng espiritista na ang kanyang 19-taong gulang na anak ang itinadhanang magiging ina ng mga bayani.  Ayun, niligawan niya ang anak ng espiritista at nagpakasal sila.  Si Tolentino at si Amorsolo ang naging tagapagtanggol ng klasikal na sining sa harap ng hamon ng modernismo at abstraksyon.

Guillermo Tolentino.  Mula kay Ian Alfonso.

Guillermo Tolentino. Mula kay Ian Alfonso.

The Sculptor (Portrait of Guillermo E. Tolentino).  Obra ni Cripin V. Lopez, 1958. Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

The Sculptor (Portrait of Guillermo E. Tolentino). Obra ni Cripin V. Lopez, 1958. Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Noong 1973, itinanghal siyang Pambansang Alagad ng Sining.  Ka Guillermo, Artista ng Bayan, hindi ka dapat makalimutan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)

XIAO TIME, 27 June 2013: KASAYSAYAN NG BUHAY NI KA LUIS TARUC (LUIS TARUC @ 100)

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang poster para sa sentenaryo mi Ka Luis Taruc na nagpapakita sa kanya kasama ang mga Huk at nilagyan ng background ng paanan ng Arayat kung saan sila nakibaka laban sa mga Hapones.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

27 June 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=GzTc3R2tRCo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  May early bird fee kung magpapatala hanggang June 30.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  Noong nakaraang June 21, 2013, ginunita sa San Luis, Pampanga, kapwa ang pista nito at ang ika-isandaang taon ng pagkasilang ni Ka Luis Taruc.  Naroon ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas at ang Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Pakikilahok ng bayan sa pagpaparangal kay Ka Luis Taruc noong June 21, 2013.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Pakikilahok ng bayan sa pagpaparangal kay Ka Luis Taruc noong June 21, 2013. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Ang Arsobispo ng San Fernando, Most Rev. Paciano Aniceto, D.D. habang binabasbasan ang parkeng ipinangalan kay Luis Taruc.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Ang Arsobispo ng San Fernando, Most Rev. Paciano Aniceto, D.D. habang binabasbasan ang parkeng ipinangalan kay Luis Taruc. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Si Dr. Romeo Taruc, dating konsehal ng Angeles at anak ni Ka Luis, kasama ni Dr. Ferdinand C. Llanes, kumisyunado ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas habang nag-aalay ng bulaklak para kay Ka Luis.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Si JDN Center for Kapampangan Studies Director Robbie Tantingco habang nagpapaliwanag kay Gobernador ng Pampanga, Lilia Pineda ukol sa memorabilia ni Ka Luis.  Nakamasid sa likuran nila si Fray Francis Musngi.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Paglagda ni Mayor Venancio "Asyong" Macapagal ng San Luis, Pampanga sa resolusyon ng sangguniang bayan na nagpapangalan sa plaza ng bayan bilang Luis M. Taruc Freedom Park.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Paglagda ni Mayor Venancio “Asyong” Macapagal ng San Luis, Pampanga sa resolusyon ng sangguniang bayan na nagpapangalan sa plaza ng bayan bilang Luis M. Taruc Freedom Park. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Pinangunahan ni Gobernador Lilia Pineda at Dr. Ferdinand Llanes ang paghahawi ng tabing para sa parke.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Pinangunahan ni Gobernador Lilia Pineda at Dr. Ferdinand Llanes ang paghahawi ng tabing para sa parke. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Ang pagpapasinaya ng Luis M. Taruc Freedom Park sa San Luis, Pampanga, june 21, 2013, sentenaryo ng kapanganakan ni Ka Luis.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Ang pagpapasinaya ng Luis M. Taruc Freedom Park sa San Luis, Pampanga, june 21, 2013, sentenaryo ng kapanganakan ni Ka Luis. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Maging si Ka Luis hindi aakalaing ipapangalan sa kanya ang plaza ng bayan bilang Luis M. Taruc Freedom Park, ang bayan kung saan noong lumalaki siya noong Dekada 1920s ay dinudusta sila ng mga hasendero at Panginoong maylupa. [Minsan ding isang tinyenteng dating niligawan ang kanyang ina ang nagparatang ng krimen sa kanyang ama.  Doon niya napagtanto na hindi lamang mabuting kalooban ang kailangan mayroon ang tao, kailangan mo rin ng matalinong utak, kung ipagtatanggol mo ang karapatan mo.]  Sa Tarlac siya naghayskul at nakita niya kung paanong tinatratong parang hayup ng mga dating Espanyol na mga may-ari ng Hacienda Luisita ang kanilang mga kasama.  Nakita niya kung paanong nilatigo ng isang katiwalang Espanyol ang isang nagrereklamong Ilokanong kasama na pinangakuan na mabayaran ng Php 1.20 ngunit binayaran lamang ng 40 sentimos.  Sa sobrang galit ng Ilokano, nilusob niya ang Espanyol at tinaga ito hanggang sa magkagutay-gutay.  Napukaw ang kanyang isipan, may katwiran ang Ilokanong kasama ngunit tama bang patayin ang katiwala?  Nakipagdiskusyon siya ukol dito sa mga sosyalistang hindi marunong bumasa at naimpluwensyahan ng mga ito, hanggang siya mismo ay nagsasalita na sa ukol sa pagkakapantay-pantay kahit na wala naman siyang alam banggitin kundi mga reperensya sa Biblia.

Ka Luis Taruc.  Mula sa asiaobserver.org.

Ka Luis Taruc. Mula sa asiaobserver.org.

Ka Luis Taruc.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ka Luis Taruc. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Noong 1936 ay iniwan ang kanyang patahian sa asawa at sumama kay Pedro Abad Santos ng unyong Aguman ding Maldang Tagapagobra.  Sa pagsakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong 1942, Sa Concepcion, Tarlac, sa paanan ng Bundok Arayat, napiling Supremo ng Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon o Hukbalahap, na siyang lumaban at nagpalaya sa Pampanga at Gitnang Luzon bago pa dumating ang mga Amerikano.  Hindi sila kinilalang lehitimong gerilya ng mga Amerikano.

Pedro Abad Santos.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Pedro Abad Santos. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang pagpapalaya ng San Fernando, Pampanga mula sa Hapones ng mga Pilipinong gerilyang Huk bago pa dumating sina MacArthur, 1945.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang pagpapalaya ng San Fernando, Pampanga mula sa Hapones ng mga Pilipinong gerilyang Huk bago pa dumating sina MacArthur, 1945. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Sa panahon ng kasarinlan, kahit na isang rebelde, nanalong kongresista ngunit dalawang beses na hindi pinaupo ng mga pulitiko sa kanyang pwesto.  Muling namundok, gusto lamang daw niya ng parehas at mas magandang trato sa bayan mula sa pamahalaan.

Si Ka Luis habang nagtatalumpati.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ka Luis habang nagtatalumpati. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ka Luis Taruc.

Ka Luis Taruc.

Lakaran ni Ka Luis kasama ng kanyang mga kapatid sa pakikibaka sa Huk.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Lakaran ni Ka Luis kasama ng kanyang mga kapatid sa pakikibaka sa Huk. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Nagbalik loob sa pamahalaan noong 1948 at tinanggap pa ni Pangulong Elpidio Quirino sa Palasyo ng Malacañan ngunit nang matunugan na kakasuhan muli ay ipinagpatuloy ulit ang laban.

Ka Luis Taruc.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ka Luis Taruc. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang pagbabalik-loob ni Ka Luis Taruc sa pamahalaan kay Pangulong Elpidio Quirino sa mismong palasyo ng Malacanang.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang pagbabalik-loob ni Ka Luis Taruc sa pamahalaan kay Pangulong Elpidio Quirino sa mismong palasyo ng Malacanang. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Masayang Taruc matapos ang pulong kay Pangulong Quirino.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Masayang Taruc matapos ang pulong kay Pangulong Quirino. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Nang pasukuin siya ng batang reporter na si Ninoy Aquino noong 1954, napasuko din ni Taruc ang isip at puso ni Ninoy na mag-adhika sa pagkakapantay-pantay ng lahat.  Si Ka Luis ay pinatawad ni Pangulong Marcos at sa pag-aakalang ipapatupad na ang tunay na repormang pang-agraryo, tumulong siya sa programang ito.

Si Ka Luis habang nagdidiskurso ukol sa pulitika sa mga mangagawa.  Mula sa LIFE.

Si Ka Luis habang nagdidiskurso ukol sa pulitika sa mga mangagawa. Mula sa LIFE.

Si Ninoy habang nakikipagnegosasyon sa pagbabalik loob muli ni Taruc sa pamahalaan.  Mula sa josemariasison.org.

Si Ninoy habang nakikipagnegosasyon sa pagbabalik loob muli ni Taruc sa pamahalaan. Mula sa josemariasison.org.

Paghuli kay Ka Luis Taruc ni Major General Vargas.  Mula sa quod.lib.umich.edu.

Paghuli kay Ka Luis Taruc ni Major General Vargas. Mula sa quod.lib.umich.edu.

Si Ninoy at si Taruc bago humarap ang huli sa hukuman.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ninoy at si Taruc bago humarap ang huli sa hukuman. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Pagharap ni Ka Luis Taruc sa Manila Court of First Instance sa sala ni judge Gregorio Narvasa sa patong-patong na kaso ng mga krimen ng mga huk pati na ang pagpaslang kay Dona Aurora Aragon Quezon.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Hinalikan ni Taruc ang kamay ng kanyang ina sa korte.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Hinalikan ni Taruc ang kamay ng kanyang ina sa korte. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ka Luis Taruc sa loob ng piitan.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ka Luis Taruc sa loob ng piitan. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ka Luis Taruc habang umiikot sa buong Pilipinas upang ikampanya ang reporma sa lupa na nais ipatupad ng Pangulong ferdinand Marcos.

Si Ka Luis Taruc habang umiikot sa buong Pilipinas upang ikampanya ang reporma sa lupa na nais ipatupad ng Pangulong Ferdinand Marcos.

Namatay siya noong May 4, 2005 sa edad na 91.  Ayon kay Nelson Mandela, Ang Ama ng bansang South Africa, binasa niya ang mga isinulat ni Taruc sa kanyang talambuhay na Born of the People at sinunod ito.

Ang sariling talambuhay ni Luis Taruc, Born of the People na inilathala sa Amerika.  Mula sa bibliomania.ws.

Ang sariling talambuhay ni Luis Taruc, Born of the People na inilathala sa Amerika. Mula sa bibliomania.ws.

Nelson Mandela, rebolusyunaryo.  Kuha ni Eli Weinberg, 1961.  Mula sa retronaut.com.

Nelson Mandela, rebolusyunaryo. Kuha ni Eli Weinberg, 1961. Mula sa retronaut.com.

Si Nelson Mandela kasama ang kanyang idolong si Ka Luis Taruc.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Si Nelson Mandela kasama ang kanyang idolong si Ka Luis Taruc. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Si Ka Luis Taruc sa kanyang katandaan.

Si Ka Luis Taruc sa kanyang katandaan.

Kaiba sa ilang pinunong rebolusyunaryo, he walked the talk, hindi nagpayaman sa sarili.  Hindi man sang-ayunan ng ilan ang kanyang pamamaraan, kailangang gawing huwaran ang kanyang paninindigan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

ANO PANG HINAHANAP-HANAP MO E NARITO LANG SIYA: Kwentong Ramon “JunMag” Magsaysay, Jr.

Ramon "Jun" Magsaysay, Jr. Para sa magsasaka pero techie rin.

Ramon “Jun” Magsaysay, Jr. Para sa magsasaka pero techie rin.

Makasaysayang araw po!  Akala niyo si Ser Chief no?  Hindi po!  Sir Xiao Chua po, isang guro ng kasaysayan.  Nais ko pong ibahagi sa inyo ang kwento ng isang simpleng taong nagngangalang Ramon, Jr.  Anak siya ng Pangulong Ramon Magsaysay, ang Pangulong nagbukas ng Palasyo ng Malacañang para personal na tugunan ang mga batayang pangangailangan ng mga mamamayan, dahil dito minahal siya ng masa.

Ang pamilya Magsaysay.  Mula sa zambalesforum.org.

Ang pamilya Magsaysay. Mula sa zambalesforum.org.

Si Pangulong Magsaysay at si Gng. Luz Banson Magsaysay kasama ang kanilang mga ana na sina Tita, Jun at Mila.

Si Pangulong Magsaysay at si Gng. Luz Banson Magsaysay kasama ang kanilang mga ana na sina Tita, Jun at Mila.

Anak ng kanyang ama:  Ang dalawang Ramon.

Anak ng kanyang ama: Ang dalawang Ramon.

Binatilyo, 18 years old pa lamang noon ang bunso at tanging anak na lalaking si JunMag nang ang kanyang ama ay nasawi sa pagbagsak ng isang eroplano sa Cebu.  Binuksan ni Jun ang safe ng kanyang ama at natuklasan niya na dalawang libong piso lamang ang naiwan ng pangunlo ng Pilipinas.  At doon niya natutunan na ang tunay na pagliingkod sa bayan ay hindi pagpapayaman sa puwesto.

Dahil wala namang gaanong materyal na bagay na iniwan ang kanyang ama sa kanila, nagtulong-tulong ang mga kaibigan ng kanilang pamilya na magpatayo ng tahanan para sa pamilya Magsaysay.  Gayundin, nag-alay ang mga pamantasan ng iskolarsyip para sa tumuloy sa pag-aaral ang mga anak ng pangulo.  Hindi sinayang ni Jun ang mga pagkakataon na ibinigay sa kanya.  Nagtapos ng  si Jun ng Mechanical Engineering sa De La Salle College at hindi naglaon, nag-aral sa Harvard School of Business Administration sa Boston noong 1962 at nag-aral din sa New York University Graduate School of Business Administration.

Noong 1962, nang mag-enroll sa Harvard si Jun Magsaysay, pinatawag siya at ang kanyang inang si Luz sa tanggapan ni Pangulong John F. Kennedy kasama si Heneral Ralph Lovett.  Sosyal.

Noong 1962, nang mag-enroll sa Harvard si Jun Magsaysay, pinatawag siya at ang kanyang inang si Luz sa tanggapan ni Pangulong John F. Kennedy kasama si Heneral Ralph Lovett. Sosyal.

Sa pagitan ng nito, naghanapubuhay bilang engineer trainee sa Procter and Gamble Philippines. Mula 1961 hanggang 1962, naging supervising engineer for operations para sa Caltex Philippines.

Noong 1965, nahalal siyang isa sa pinakabatang mambabatas, kongresista ng Zambales sa edad na 27.  Sa pakikitungo sa tao.  Nakuha ni JunMag ang pagiging mapagpatawad ng kanyang ama, ngunit inis na inis ang kanyang kapatid na si Mila sa tuwing nakikita niyang pinagsasamantalahan ng marami ang kabaitan niyang ito.  Noong 1969, agad na nagbalik sa pribadong sektor.  At doon niya napatunayan na bagama’t anak siya ng kanyang ama, kaya niya ring gumawa ng sariling kasaysayan.

Pinasok niya ang iba’t ibang negosyo—paggawa at pag-export ng mga damit, semi-conductor, pati na rin ang turismo biruin niyo.  Dahil techie sa panahon na hindi pa uso, sinamahan pa ng kanyang pinag-aralan ukol sa negosyo at noong 1972, sa pamamagitan ng Colorview CATV, Inc. dinala ni Jun ang industriyang cable TV sa Pilipinas. Bago pa man ang internet, ang cable TV ang siyang nagbukas ng mata ng Pilipino sa mundo—na ngayon ay isa nang multi-bilyong industriya ng 550 cable operators sa buong bansa.  At si JunMag ang kinikilalang ama nito, The Father of the Philippine Cable Television.  Biruin mo yun!

Ngunit dahil sa pamanang integridad ng kanyang ama, hindi naiwasan ang tawag ng paglilingkod-bayan.  Matapos na ang ticket na Miriam Defensor Santiago-Jun Magsaysay ay mabigong magwagi bilang pangulo at pangalawang pangulo noong Halalang 1992, inanyayahan ni Pangulong Fidel V. Ramos na sumama sa Lakas-Laban Coalition at tumakbong senador noong 1995, pumangatlo pa!  Isa sa una niyang misyon ay ihanap ng bagong lugar na paglilipatan ang Senado mula sa Pambansang Museo—napili niya ang Gusali ng GSIS sa Financial Complex sa Lungsod ng Pasay.

Si Ramon "Jun" Magsaysay sa Senado.

Si Ramon “Jun” Magsaysay sa Senado.

Hindi sinayang ni JunMag ang pagkakataon na ibinigay sa kanya ng bayan na maglingkod sa kanila bilang senador hanggang 2007.  73 mga naaprubahang batas ang kanyang naipasa bilang principal author at co-sponsor.  Ilan sa mga ito ay hindi basta-bastang mga batas, naging saligan at nakatulong ng malaki sa maliliit na negosyo, mga magsasaka at mangingisda, at mga sundalo, maging sa pangangalaga ng teknolohiya at kayamanan ng bansa.

  • Magna Carta for Small and Medium Enterprises (RA 8289), 1997
  • Agriculture  and Fisheries Modernization Act (RA 8435), 1997
  • Electronic Commerce Act (RA 8792), 2000
  • The Anti-Money Laundering Law and Its Subsequent Amendment (RA 9160), 2001—dahil dito nawala tayo sa mga nangungunang bansa na naglalabas ng malaking pera sa ibang bansa na nagagamit sa korupsyon.  Nagkaroon ng AMLAC at nakatulong sa impeachment ni Chief Justice Renato Corona
  • AFP Base Pay Law (RA 9166), 2002
  • National Service Training Program Law (RA 9163), 2002—Ang ROTC ay naging isa na lamang na pagpipiliang serbisyo na maaaring pag-aralan ng mga nasa kolehiyo, nareporma ang ROTC.
  • New AFP Table of Organization Law  (RA 9188), 2003

Ilan pa sa mga batas at panukala na naisulong niya ay ang New Foreign Investments Law (RA 8179), Mechanical Engineering Law (RA 8495), Jewelry Manufacturing Act, Amendments to the Omnibus Investments Code (RA 8756), at ang Further Strengthening the Social Security System (RA 8282).

Hindi lamang iyon, 17,000 iskolarsyip ang dumaloy mula sa kanya sa programang “Iskolar ni Magsaysay” para sa mga kursong teknikal-bokasyunal, post-gradwado at pag-aabogado.  Tulad ng trademark na programa ng kanyang ama, nagpaabot ng 2,000 mga artesian wells sa mga malalayong barangay at paaralan sa bansa, gayundin 100,000 rin ang naipamahaging tulong medikal.  Bilang kakampi ng kabataan, naging programa niya ang Young Farmers Program, JOBS Fair sa Senado at YouthTech.  Siya ang unang nagsulong ng Information Technology sa Senado noong 1990s sa panahon na inaalaska siya sa radio ng isang ubod ng sikat na komentarista na hindi naman magagamit ng mga mahihirap ang mga pinapausong panukala nitong si JunMag, yang IT-IT na yan.  Ngayon, sino na ang hindi gumagamit ng internet at kompyuter sa kanilang mga aralin at mga pangangailangan?

Jun Magsaysay, original "techie."

Jun Magsaysay, original “techie.”

Hindi niya sinayang ang ating buwis, sa tulong natin naisakatuparan niya ang lahat ng ito.

Isa siya sa sampung senador na bumoto para buksan ang ikalawang sobre ng ebidensya mula sa Prudential Life noong Impeachment ni Pangulong Joseph Estrada.  Ang pagkatalo nila sa bilang ang siyang nagbunsod ng EDSA Dos na nagpatalsik sa dating pangulo.  At kahit na sa partido ng nakaraang dispensasyon nagwagi siyang senador noong 2001, masusi niyang pinaimbestigahan sa Senado ang Fertilizer Fund Scam, ang pondo na nagamit sa pangangampanya para sa Halalang 2004.

Lagi tayong naghahanap ng taong malinis, walang bahid, may integridad, may karanasan at MAGALING.  Lagi nating sinasabing pare-pareho lahat ng pulitiko.  Hindi ako naniniwala dito.  Ano pa ang hinahanap-hanap natin e narito lang siya?  Nasa harapan lang natin.  Kung ahas lang siya, natuklaw na tayo.  Hindi kasi nagpapansin, hindi ipinagyayabang ang kanyang mga nagawa.

Si JunMag kasama ang kanyang anak na si Francisco "Paco" at ang kabiyak ni Jun na si Marie Louise "Marilou" Kahn sa kanyang paghahain ng Certificate of Candidacy, 2013.

Si JunMag kasama ang kanyang anak na si Francisco “Paco” at ang kabiyak ni Jun na si Marie Louise “Marilou” Kahn sa kanyang paghahain ng Certificate of Candidacy, 2013.

20121005-NPPA-AAG-00000589-jpg_181708

Mga katiket na sina Bam Aquino, Risa Hontiveros at Jun Magsaysay, 2013.

Mga katiket na sina Bam Aquino, Risa Hontiveros at Jun Magsaysay, 2013.

Kaya naman, mula sa kanyang pagreretiro, pinakiusapan siya ni Pangulong Noynoy Aquino na muling tumakbong senador sa halalang ito.  Hindi niya tinalikuran ang tawag na ito at nag-aadhika siya na kung muling tutuntong sa senado, lilikha siya ng isang roadmap para sa insustriya ng niyog lalo na at nauuso sa mundo ang Coco Juice, ibayo pang pagsusulog ng IT, e-commerce, at pagsisimula ng mga maliliit na negosyo, na maugnay ang lahat ng mga Pilipino sa pamamagitan ng internet at Wi-Fi sa bawat barangay, at total gun ban sa bansa.

Senador JunMag, Xiao Chua at inang si Vilma.  Philippine International Convention Center, Enero 1999.

Senador JunMag, Xiao Chua at inang si Vilma. Philippine International Convention Center, Enero 1999.

Nang manalo ako ng ikatlong gantimpala sa First President Ramon Magsaysay Essay Writing Contest noong 1998 na sinimulan ng kanyang anak na si Paco, tinanggap niya ako at ang aking ina sa kanyang opisina at ibinigay ang aking plake.  Probinsyanong hayskul ako noon ngunit ang pagbibigay ng oras sa akin ng mataas na taong ito ang nagbigay sa akin ng inspirasyon na kaya kong maabot at makausap ang katulad niya, at matupad ang aking mga munting pangarap—na maging makabuluhang tao sa pagtuturo o sa media.  Taon-taon, nagkikita kami at hindi iya ako nakakalimutan.  Ang essay writing contest na iyon at ang kanyang kabaitan ang nagbukas ng maraming pinto para sa akin.

Si JunMag at si "Ser Chief" Richard Yap.

Si JunMag at si “Ser Chief” Richard Yap.

Si JunMag at si Dingdong Dantes.

Si JunMag at si Dingdong Dantes.

Si JunMag at si Ser Xiao, 1999.

Si JunMag at si Ser Xiao, 1999.

Bukas, mas magiging proud ako sa pagka-Pilipino ko kung mabibigyan pa siya ng isa pang pagkakataon na maglingkod.  Na mas magaling na tayong pumili ng ating mga pinuno.  Ako po si Xiao Chua, at yan ang kwento ng isang simpleng tao, si Ramon “Jun” Magsaysay, anak ng kanyang ama, at marami pang iba.  Magsaysay is STILL my GUY.

(Shell Oasis NLEX at Fairlane Subdivision, 11-12 May 2013, huli man at magaling, naihahabol din)

XIAO TIME, 8 May 2013: ELECTION RELATED VIOLENCE: MOISES PADILLA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang imahe ni Ramon Magsaysay kalong-kalong ang bangkay ni Moises Padilla:  “Ang bangkay sa aking mga bisig ay hindi katawan ni Moises Padilla kundi ang malamig na bangkay ng ating Inang Bayan.”  Mula sa Video 48.

8 May 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=jAqTvRYwOC8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa May 13, muli tayong maghahalal ng mga opisyales ng ating pamahalaan.  Dahil sa konsepto natin ng demokrasya sa Pilipinas, ang Haring Bayan ni Andres Bonifacio, ang hari ay ang bayan, siya ang nagpapasya.  Ngunit may mga pulitiko sa atin na akala mo kung sino kung umasta, naghahari-harian.  Magbalik tanaw tayo sa halalan ng 1951, 62 years ago.  Ang pangulo ng Pilipinas noon ay si Elpidio Quirino.  Isa sa kanyang mga pangunahing kapartido ay si Gobernador Rafael Lacson ng Negros Occidental, kinatatakutang warlord na may sariling private army.

Si Pangulong Elpidio Quirino at ang kanyang mga kabig.  Mula sa LIFE.

Si Pangulong Elpidio Quirino at ang kanyang mga kabig. Mula sa LIFE.

Gobernador Rafael Lacson ng Negros Occidental.  Mula sa Time and Life Pictures.

Gobernador Rafael Lacson ng Negros Occidental.  Mula sa parusang kamatayan, binabaan ng Korte Suprema ang hatol sa kanya patungong reclusion perpetua.  Ang iba pa ay binitay. Mula sa Time and Life Pictures.

Walang gustong kumalaban sa kanya.  Ngunit sa isang maliit na bayan ng Magallon nangahas na lumaban sa isang bata ni Lacson ang isang dating gerilya na si Moises Padilla.  Natalo siya sa halalan na iyon, ngunit sa kanyang pagtindig laban sa administrasyon ni Lacson alam niyang markado na siya.  Sinabi niya sa kanyang ina anuman ang mangyari sa kanya, “Tell Magsaysay”—sabihan raw si Ramon Magsaysay, ang kalihim ng Tanggulang Pambansa na kapartido ni Quirino at ni Lacson.  Ngunit ganun ang tiwala niya sa katapatan ni Magsaysay.

Si Kalihim Ramon Magsaysay ng Tanggulang Pambansa.  Magiging Pangulo ng Pilipinas.  Mula sa LIFE.

Si Kalihim Ramon Magsaysay ng Tanggulang Pambansa. Magiging Pangulo ng Pilipinas. Mula sa LIFE.

Isang araw matapos ang halalan, November 13, 1951, nawalang sukat si Padilla.  Matapos ang tatlong araw, natagpuan ang minaltrato at nabubulok niyang katawan.  Nagpadala ng telegrama ang nanay kay Magsaysay.  Kinagabihan, walang pag-aatubiling sumakay ng eroplano ang kalihim kasama sina Chino Roces at Ninoy Aquino ng Manila Times patungong Negros kasama ang hukbong sandatahan ng Pilipinas.

Ang pagpapahirap kay Moises Padilla, na ginaganapan ni Leopoldo Salcedo sa The Moises Padilla Story, isang pelikula na ipinalabas noong 1961.  Ang pumatay kay Padilla ay ginanapan ni Joseph Estrada.  Para sa karagdagang impormasyon tingnan ang bahay-dagitab ng Video 48.

Si Magsaysay ay mahilig talagang biglaang sumasakay sa eroplano.  Mula sa LIFE.

Si Magsaysay ay mahilig talagang biglaang sumasakay sa eroplano. Mula sa LIFE.

Chono Roces, mula sa Koleksyon ng Manila Times.

Chono Roces, mula sa Koleksyon ng Manila Times.

Ang peryodistang si Ninoy Aquino.  Mula kay Alfonso Policarpio.

Ang peryodistang si Ninoy Aquino. Mula kay Alfonso Policarpio.

Isang composite na larawan nina Chino Roces at Ninoy Aquino noong kanilang panahon sa Manila Times.  Mula sa aklat na Chino ni Vergel Santos.

Isang composite na larawan nina Chino Roces at Ninoy Aquino noong kanilang panahon sa Manila Times. Mula sa aklat na Chino ni Vergel Santos.

Nakarating sila sa Magallon, tahimik, walang nangahas magturo sa kanilang kung nasaan ang bahay ni Moises Padilla.  Hanggang makakita sila ng bahay na maliwanag at doon nga nakahimlay sa isang mesa ang malamig at duguang katawan ni Moises Padilla.  Nang lapitan niya ang ina ni Padilla, nagpakilala siya, “I am Ramon Magsaysay.”

Si Ramon Magsaysay.

Si Ramon Magsaysay.

Umatungal ang babae, lumuhod kay Magsaysay at naglupasay, “My son is dead!  My son is dead!”  Himingi ng permiso si Magsaysay sa ina na sa kanyang pagbalik sa Maynila, dadalhin niya ang bangkay ni Padilla sa Maynila upang ma-autopsy.  Pagbaba sa paliparan, kalong-kalong ni Magsaysay ang duguang katawan ni Padilla.  Madalas niyang sabihin, “Ang bangkay sa aking mga bisig ay hindi katawan ni Moises Padilla kundi ang malamig na bangkay ng ating Inang Bayan.”  Hiniling niya kay Pangulong Quirino na suspindihin ang kapartido nilang si Lacson.  Sa kabila ng pagtutol ng mga kapartido, sinuspindi ni Quirino ang gobernador.  Pinadis-armahan din ni Magsaysay ang tatlong libong mga bata ni Lacson.  At kahit “amiable” naman ang gobernador at hindi naman siya ang may gawa mismo ng krimen, agad siyang kinasuhan, napatunayang maysala at nahatulan ng kamatayan kasama ang 22 iba pa kabilang na ang 3 alkalde at 3 hepe ng pulisya.

Ang bayan ng Magallon ay pinangalanang Moises Padilla.  Mula sa Wikipedia.

Ang bayan ng Magallon ay pinangalanang Moises Padilla. Mula sa Wikipedia.

Doon sa isang kahalintulad na krimen na naganap mahigit tatlong taon na ang nakalilipas sa Maguindanao, kung saan 58 katao ang napatay, ganito rin kaya ang maging resolusyon at makamit kaya ng mga pamilya ang hustisya?

Election Related Violence:  Ampatuan Massacre, 2009.  Makakamit din kaya ang hustisya tulad ng ginawa ni Magsaysay para kay Moises Padilla?

Election Related Violence: Ampatuan Massacre, 2009. Makakamit din kaya ang hustisya tulad ng ginawa ni Magsaysay para kay Moises Padilla?

Election Related Violence:  Ampatuan Massacre, 2009.

Election Related Violence: Ampatuan Massacre, 2009.

Election Related Violence:  Ampatuan Massacre, 2009.

Election Related Violence: Ampatuan Massacre, 2009.

Hindi natin pwedeng hintayin na mabuhay muli si Magsaysay.  Maging tayo si Magsaysay at ipatupad natin ang pagbabago ng bayan sa ating pagboto.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 4 May 2013, mga datos mula sa mga sinulat ni Ramon Martinez at pakikipagkwentuhan sa apo ng Pangulong Ramon Magsaysay na si Sir Paco Magsaysay)

XIAOTIME, 14 March 2013: HULING ARAW SA BUHAY NI DATING PANGULONG RAMON MAGSAYSAY

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 14 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

SI Pangulong Ramon Magsaysay habang kumakain kasama ang dating Pangulong Sergio Osmena.  Mula sa aklat na Ramon Magsaysay:  A Political Biography ni Jose Abueva.

SI Pangulong Ramon Magsaysay habang kumakain kasama ang dating Pangulong Sergio Osmena, Lungsod ng Cebu, 16 March 1957. Mula sa aklat na Ramon Magsaysay: A Political Biography ni Jose Abueva.

14 March 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=RKFTy70qlWw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  56 years ago sa Sabado, March 16, 1957, nagising ng alas cuatro ng umaga ang Pangulo ng Pilipinas—Ramon Magsaysay mula sa isang masamang panaginip.  Mayroon daw siyang binaril at hindi na nakatulog.  Kinaumagahan matapos mag-almusal, binisita niya ang kanyang mga magulang sa may Singalong.

Ang panaginip ng pangulo.  Mula sa RM:  The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Ang panaginip ng pangulo. Mula sa RM: The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Si Magsaysay habang nagmamano sa kanyang ama.  Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Si Magsaysay habang nagmamano sa kanyang ama. Mula sa Magsaysay: The People’s President.

Si Magsaysay kasama ang kanyang mga magulang na sina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro.   Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Si Magsaysay kasama ang kanyang mga magulang na sina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro-Magsaysay. Mula sa Magsaysay: The People’s President.

Binisita rin niya ang kanyang kapatid na si Nene at nakipaglaro pa sa mga pamangkin.  Bumalik ng Palasyo upang magpagupit ng buhok at magtanghalian kasama ang kanyang First Lady na si Luz at anak na si Tita.  Sa pinakaunang pagkakataon, hiniling ni Pangulong Monching kung maaari ay samahan siya ng asawa papunta sa airport.  Hindi raw gumagawa ng ganitong sentimental na hiling ang presidente.  Ngunit nang makitang antukin pa ang asawa, sinabi ni Magsaysay, huwag na.  Sa unang pagkakataon din, nang magpaalam, hinalikan niya at niyakap ang asawa sa harap ng ibang tao.

Ang pamilya Magsaysay.  Mula sa zambalesforum.org.

Ang pamilya Magsaysay. Mula sa zambalesforum.org.

Si Ramon Magsaysay kasama ang kanyang misis na si Luz Banson Magsaysay.  Mula sa LIFE.

Si Ramon Magsaysay kasama ang kanyang misis na si Luz Banson Magsaysay. Mula sa LIFE.

Mula sa RM:  The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa RM: The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Sa airport, tila nakita siya ng isang babae na tila parang may maliit halo sa ulo ng pangulo tulad ng isang santo.  Sumakay sila sa Presidential Plane Mt. Pinatubo.  Ipinangalan niya ito sa bundok kung saan siya lumaban bilang pinunong gerilya noong World War II.

Si Monching bilang isang tinedyer.  Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Si Monching bilang isang tinedyer. Mula sa Magsaysay: The People’s President.

Pagdating sa Cebu ng alas tres ng hapon, agad na sinimulan ng pangulo ang kanyang punong-punong iskedyul.  Siya mismo ang nagdala sa Cebu ng isang gamot na hiniling sa kanya para sa isang hindi niya kakilala, si Cornelio Faigao, dahil dito gumaling sa pagka-comatose kinalaunan ang nasabing maysakit.

Si Pangulong Magsaysay kasama ang dating Pangulong Osmena sa Cebu, 16 March 1957.  Mula kay Manuel Quezon, III.

Si Pangulong Magsaysay kasama ang dating Pangulong Osmena sa Cebu, 16 March 1957. Mula kay Manuel Quezon, III.

Nag-courtesy call sa mga bahay nina dating Pangulong Sergio Osmeña at Monsignor Julio Rosales, nagbigay ng speech sa apat na unibersidad, nagpamasahe at naghapunan sa isang kaibigan—13 katao ang kumain sa hapag-kainan.  Nakipag-usap pa at sinikap na ipag-ayos ang mga nag-aaway na mga pulitiko sa Cebu bago magbigay muli ng talumpati sa Club Filipino sa harap ng mga pinakamayayaman sa lalawigan.  Maghahatinggabi na noon.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Siyam na oras na siya sa Cebu ngunit papunta sa airport, biglaan siyang sumaglit sa isang proyektong pabahay para sa mga mahihirap upang magbigay ng isang sorpresang inspeksyon na mahilig niyang gawin.  Naghihintay sa Lahug Airport ang matandang dating Pangulong Osmeña upang ulitin ang kanyang naunang pakiusap sa Pangulo, kung maaari magpalipas na ng magdamag sa kanyang tahanan at umalis na lamang ng maaga kinabukasan.  Magalang na tumanggi ang Pangulong Monching, marami raw siyang trabaho kinabukasan sa Maynila.  Kaya, sumakay siya sa eroplano, ang ika-13 na sumakay dito at lumipad na kasama ng ilang mamamahayag at opisyal ng pamahalaan ala-una ng madaling araw, March 17, 1957.

Mula sa RM:  The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa RM: The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Mula sa RM:  The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa RM: The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

May isang Tsinong manghuhula ang minsang tumungo sa Palasyo upang bigyan ng kwidaw ang Pangulo, ipinapakita raw ng kanyang mga bituwin na ang kanyang pag-angat at pagbagsak sa kapangyarihan ay magiging sing bilis ng isang bulalakaw.  Here today, gone tomorrow.  Noong madaling araw na iyon, isang liwanag ang sumabog sa dilim ng gabi sa Bundok Manunggal sa Cebu.  Tulad ng isang bulalakaw, wala na ang kampeon ng karaniwang mamamayan.  Namatay na naglilingkod sa sambayanan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 9 March 2013)

Singbilis ng isang bulalakaw.  Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Singbilis ng isang bulalakaw. Mula sa Magsaysay: The People’s President.

Mula sa RM:  The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa RM: The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Ang bangkay ng Pangulong Ramon Magsaysay sa pinangyarihan ng pagbagsak ng eroplano.  Mula sa dokumentaryong In Our Image.

Ang bangkay ng Pangulong Ramon Magsaysay sa pinangyarihan ng pagbagsak ng eroplano. Mula sa dokumentaryong In Our Image.

Ang sayt sa Mt. Manunggal, Cebu kung saan bumagsak ang presidential plane Mt. Pinatubo.

Ang sayt sa Mt. Manunggal, Cebu kung saan bumagsak ang presidential plane Mt. Pinatubo.

Si Magsaysay habang nakasakay sa kanyang opisyal na kabayo,  Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Si Magsaysay habang nakasakay sa kanyang opisyal na kabayo, Mula sa Magsaysay: The People’s President.

Riderless horse sa libing ni Magsaysay.  Wala na ang Pangulo.  Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Riderless horse sa libing ni Magsaysay. Wala na ang Pangulo. Mula sa Magsaysay: The People’s President.

XIAOTIME, 12a February 2013: KASAYSAYAN NG HALALAN AT PANGANGAMPANYA SA PILIPINAS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 12 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Pangulong Ramon Magsaysay, ang kampeon ng karaniwang tao ang siyang arkitekto ng pangangampanyang lumalapit sa mas maraming tao.  Ang kampanyang nalalamn natin ngayon.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Si Pangulong Ramon Magsaysay, ang kampeon ng karaniwang tao ang siyang arkitekto ng pangangampanyang lumalapit sa mas maraming tao. Ang kampanyang nalalaman natin ngayon. Mula sa Papogi ng PCIJ.

12 February 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=6Ga00rKJi0Q

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayong araw na ito, February 12, 2013, ang opisyal na pagsisimula ng pangangampanya para sa halalang 2013.  Sabi ng isang awit ni Heber Bartolome, sa Pilipinas mayroon daw tatlong panahon—Panahon ng tag-ulan, tag-araw, at eleksyon!

Heber Bartolome

Heber Bartolome

Ang ikatlong panahon sa Pilipinas:  Ang eleksyon.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang ikatlong panahon sa Pilipinas: Ang eleksyon, isang malaking karnabal at zarzuela. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Tunay nga naman, ang halalan ay hindi lamang pulitikal na ehersisyo kundi isang zarzuela, karnabal, pelikula at piyesta na pinagsama-sama.  Isang box-office hit na may bida at kontabida, at production numbers–sayawan!  Paano ba naging ganito ang halalan natin?

Ang pamosong pagsasayaw ni frank Chavez, kumandidatong senador.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang pamosong pagsasayaw ni frank Chavez, kumandidatong senador. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang pamosong sayaw ni Pangulong Gloria Arroyo at ng kanyang alter ego na si Tita Glow.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang pamosong sayaw ni Pangulong Gloria Arroyo at ng kanyang alter ego na si Tita Glow. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Tinatalakay ang mga ito sa isang dokumentaryo mula sa Jesuit Communications, Eleksyong Pinoy.  Ayon kay Dr. Stephen Henry Totanes, noong panahon ng mga Espanyol, ang mga indiyong pinuno o mga principalia lamang ang nakakaboto ng mga cabeza de barangay at mga pinunong bayan o gobernadorcilloSo sa isang bayan, mga tinatayang 12-13 katao lamang ang nagbobotohan sa isa’t isa.  Kaya kung makikita niyo ang listahan ng mga gobernadorcillo sa anumang bayan sa Pilipinas noon—iilang pamilya lamang ang nagpapalitan sa puwesto.  Aba, e parang ngayon lang a!

Gobernadorcillo.  Mula sa Bayang Magiliw ng Adarna.

Gobernadorcillo. Mula sa Bayang Magiliw ng Adarna.

Mga principalia.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Mga principalia. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang masasabing unang pambansang halalan ay nangyari sa bahay ni Tandang Sora sa Sitio Gulod, Barrio Banlat, Caloocan noong August 24, 1896 nang ang katas-taasang sanggunian ng Kaptipunan, kasama ng isanlibong mga kasapi nito ang naghalal sa Supremo Andres Bonifacio bilang unang pangulo ng pambansang pamahalaang mapanghimagsik by acclamation—o viva voce!  Sa palakasan ng boses.

Sa pulong ng kataas-taasang kapulungan ng Katipunan, nahalal by acclamation si Bonifacio bilang unang pangulo ng pamahalaang rebolusyunaryo, ang unang pamahalaang pambansa sa Pilipinas.  Mula sa City Hall ng Maynila.

Inagaw sa kanya ang kapangyarihan sa pamamagitan ng Halalan sa Tejeros noong March 22, 1897.  Ayon sa ibinulong sa Supremo ni Diego Moxica, mayroon nang mga nakasulat na mga boto sa mga balota bago pa maghalalan at sobra ang balota sa dami ng tao na naroon.  Naku!  Sa isa sa unang halalan na nagtatag ng ating bansa, tsismis ng dayaan sa eleksyon???

Halalan sa Tejeros, nahalal si Mariano Trias na pangalawang pangulo.  Ang masayang tagpong ito ay magwawakas nang insultuhin pa ang Supremo Bonifacio sa kanyang pagkapanalo sa pinakamababang posisyon na Direktor ng Interyor.  Nasa Tejeros Hall ng AFP Commissioned Officer's Club.

Halalan sa Tejeros, nahalal si Mariano Trias na pangalawang pangulo. Ang masayang tagpong ito ay magwawakas nang insultuhin pa ang Supremo Bonifacio sa kanyang pagkapanalo sa pinakamababang posisyon na Direktor ng Interyor. Nasa Tejeros Hall ng AFP Commissioned Officer’s Club.

Tsk, meron na pala noon!  Gayundin ang mga pangyayari sa Tejeros ang nagbunsod sa isang political killing—ang pagpatay kay Supremo Andres Bonifacio noong May 10, 1897, isang petsang ginagamit o malapit sa mga eleksyon natin ngayon!!!

Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng demokrasyang elit sa bansa.  Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

Ang pagpatay sa Supremo Bonifacio ang political killing na nagsilang sa pamamayani ng demokrasyang elit sa bansa. Mula sa Encyclopedia of Philippine Art.

Noong 1907, sa unang halalan para sa Philippine Assembly sa ilalim ng mga Amerikano ay limitado sa mga taong 23 taong gulang at pataas, lalaki, may ari-arian, nagbabayad ng buwis, may edukasyon, at marunong ng Ingles at Espanyol ang mga nakaboboto.  Kaya naman, 1-2 % lamang ng mga tao ang nakaboto noon at diyan nagsimula ang halos kalahating siglong pamamayani nina Manuel Quezon at Sergio Osmeña sa ating pulitika.

Ang unang Philippine Assembly sa Ayuntamiento, 1907.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ang unang Philippine Assembly sa Ayuntamiento, 1907. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Si Manuel Quezon, Gobernador Heneral Francis Burton Harrision at Sergio Osmena.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Si Manuel Quezon, Gobernador Heneral Francis Burton Harrison at Sergio Osmena. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Mahal na Pangulong Manuel Quezon at kabiyak na Dona Aurora.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Mahal na Pangulong Manuel Quezon at kabiyak na Dona Aurora. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Noong 1936, nakakolekta ng mahigit na 300,000 na mga pirma ang mga kababaihan upang sila ang makaboto at dahil dito nakaboto sila sa lokal na halalan noong 1937.

Ang mga kababaihan nang makaboto.  Mula sa Eleksyong Pinoy.

Ang mga kababaihan nang makaboto. Mula sa Eleksyong Pinoy.

Dati sapat na ang mangampanya lamang sa mga lalawigan ang mga kinatawan mo o ng iyong partido, ngunit nang si Ramon Magsaysay ay tumakbo, gamit ang CIA na si Edward Lansdale, binago nila ang pangangampanya.  Nakisalamuha at nakipagkamay siya sa mga tao, pumunta sa mga malalayong barrio.  Nagpagawa pa ng jingle kay Raul Manglapus—ang Mambo Magsaysay, sinasayaw na ng mga tao ang pangalan ng kanilang pinuno.

Ramon Magsaysay at ang masa, karaniwang tao.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ramon Magsaysay at ang masa, karaniwang tao. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang Kampeon ng Masa.  Mula sa Papogi ng PCIJ

Ang Kampeon ng Masa. Mula sa Papogi ng PCIJ

40 sinasayaw na ng mga tao ang pangalan ng kanilang pinuno

Magsaysay, nagpapahinga kasama ni Lansdale.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Magsaysay, nagpapahinga kasama ni Lansdale. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Ang CIA (Central Intelligence Agency ng USA) na si Edward Landsdale, nagamit ni Magsaysay.  Mula sa The Marcos Dynasty.

Ang CIA (Central Intelligence Agency ng USA) na si Edward Landsdale, nagamit ni Magsaysay. Mula sa The Marcos Dynasty.

Raul Manglapus, gumawa ng Mambo Magsaysay.

Raul Manglapus, gumawa ng Mambo Magsaysay.

Isang minentor ni Magsaysay, isang hindi gaanong kilalang batang gobernador na si Ninoy Aquino, nang tumakbo sa pagkasenador, ay pumangalawa pa dahil sa bilis mangampanya sa maraming lugar gamit ang isang chopper.

Si Ninoy Aquino, naka-chopper.  Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Si Ninoy Aquino, naka-chopper. Mula sa Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Talagang ang kampanya at halalan ay kailangang magimik ngunit sana hindi makalimutan ng lahat ang tunay na diwa ng halalan:  Na tayo, ang bayan, ang tunay na hari.  Ang pumipili ng mga pinuno.  At dahil dito, ang mga pulitiko ay hindi dapat maghari-harian kundi mga lingkod-bayan na dapat ipaglaban ang ating interes tungo sa landas ng katuwiran at tunay na kaginhawaan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Leong Hall, ADMU, 8 February 2013)

Ang bayan ang hari.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang bayan ang hari. Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang bayan ang dapat pagsilbihan tungo sa daang matuwid at maginhawa.  Mula sa Papogi ng PCIJ.

Ang bayan ang dapat pagsilbihan tungo sa daang matuwid at maginhawa. Mula sa Papogi ng PCIJ.