XIAOTIME, 14 March 2013: HULING ARAW SA BUHAY NI DATING PANGULONG RAMON MAGSAYSAY

by xiaochua

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 14 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

SI Pangulong Ramon Magsaysay habang kumakain kasama ang dating Pangulong Sergio Osmena.  Mula sa aklat na Ramon Magsaysay:  A Political Biography ni Jose Abueva.

SI Pangulong Ramon Magsaysay habang kumakain kasama ang dating Pangulong Sergio Osmena, Lungsod ng Cebu, 16 March 1957. Mula sa aklat na Ramon Magsaysay: A Political Biography ni Jose Abueva.

14 March 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=RKFTy70qlWw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  56 years ago sa Sabado, March 16, 1957, nagising ng alas cuatro ng umaga ang Pangulo ng Pilipinas—Ramon Magsaysay mula sa isang masamang panaginip.  Mayroon daw siyang binaril at hindi na nakatulog.  Kinaumagahan matapos mag-almusal, binisita niya ang kanyang mga magulang sa may Singalong.

Ang panaginip ng pangulo.  Mula sa RM:  The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Ang panaginip ng pangulo. Mula sa RM: The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Si Magsaysay habang nagmamano sa kanyang ama.  Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Si Magsaysay habang nagmamano sa kanyang ama. Mula sa Magsaysay: The People’s President.

Si Magsaysay kasama ang kanyang mga magulang na sina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro.   Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Si Magsaysay kasama ang kanyang mga magulang na sina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro-Magsaysay. Mula sa Magsaysay: The People’s President.

Binisita rin niya ang kanyang kapatid na si Nene at nakipaglaro pa sa mga pamangkin.  Bumalik ng Palasyo upang magpagupit ng buhok at magtanghalian kasama ang kanyang First Lady na si Luz at anak na si Tita.  Sa pinakaunang pagkakataon, hiniling ni Pangulong Monching kung maaari ay samahan siya ng asawa papunta sa airport.  Hindi raw gumagawa ng ganitong sentimental na hiling ang presidente.  Ngunit nang makitang antukin pa ang asawa, sinabi ni Magsaysay, huwag na.  Sa unang pagkakataon din, nang magpaalam, hinalikan niya at niyakap ang asawa sa harap ng ibang tao.

Ang pamilya Magsaysay.  Mula sa zambalesforum.org.

Ang pamilya Magsaysay. Mula sa zambalesforum.org.

Si Ramon Magsaysay kasama ang kanyang misis na si Luz Banson Magsaysay.  Mula sa LIFE.

Si Ramon Magsaysay kasama ang kanyang misis na si Luz Banson Magsaysay. Mula sa LIFE.

Mula sa RM:  The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa RM: The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Sa airport, tila nakita siya ng isang babae na tila parang may maliit halo sa ulo ng pangulo tulad ng isang santo.  Sumakay sila sa Presidential Plane Mt. Pinatubo.  Ipinangalan niya ito sa bundok kung saan siya lumaban bilang pinunong gerilya noong World War II.

Si Monching bilang isang tinedyer.  Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Si Monching bilang isang tinedyer. Mula sa Magsaysay: The People’s President.

Pagdating sa Cebu ng alas tres ng hapon, agad na sinimulan ng pangulo ang kanyang punong-punong iskedyul.  Siya mismo ang nagdala sa Cebu ng isang gamot na hiniling sa kanya para sa isang hindi niya kakilala, si Cornelio Faigao, dahil dito gumaling sa pagka-comatose kinalaunan ang nasabing maysakit.

Si Pangulong Magsaysay kasama ang dating Pangulong Osmena sa Cebu, 16 March 1957.  Mula kay Manuel Quezon, III.

Si Pangulong Magsaysay kasama ang dating Pangulong Osmena sa Cebu, 16 March 1957. Mula kay Manuel Quezon, III.

Nag-courtesy call sa mga bahay nina dating Pangulong Sergio Osmeña at Monsignor Julio Rosales, nagbigay ng speech sa apat na unibersidad, nagpamasahe at naghapunan sa isang kaibigan—13 katao ang kumain sa hapag-kainan.  Nakipag-usap pa at sinikap na ipag-ayos ang mga nag-aaway na mga pulitiko sa Cebu bago magbigay muli ng talumpati sa Club Filipino sa harap ng mga pinakamayayaman sa lalawigan.  Maghahatinggabi na noon.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Siyam na oras na siya sa Cebu ngunit papunta sa airport, biglaan siyang sumaglit sa isang proyektong pabahay para sa mga mahihirap upang magbigay ng isang sorpresang inspeksyon na mahilig niyang gawin.  Naghihintay sa Lahug Airport ang matandang dating Pangulong Osmeña upang ulitin ang kanyang naunang pakiusap sa Pangulo, kung maaari magpalipas na ng magdamag sa kanyang tahanan at umalis na lamang ng maaga kinabukasan.  Magalang na tumanggi ang Pangulong Monching, marami raw siyang trabaho kinabukasan sa Maynila.  Kaya, sumakay siya sa eroplano, ang ika-13 na sumakay dito at lumipad na kasama ng ilang mamamahayag at opisyal ng pamahalaan ala-una ng madaling araw, March 17, 1957.

Mula sa RM:  The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa RM: The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Mula sa RM:  The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa RM: The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

May isang Tsinong manghuhula ang minsang tumungo sa Palasyo upang bigyan ng kwidaw ang Pangulo, ipinapakita raw ng kanyang mga bituwin na ang kanyang pag-angat at pagbagsak sa kapangyarihan ay magiging sing bilis ng isang bulalakaw.  Here today, gone tomorrow.  Noong madaling araw na iyon, isang liwanag ang sumabog sa dilim ng gabi sa Bundok Manunggal sa Cebu.  Tulad ng isang bulalakaw, wala na ang kampeon ng karaniwang mamamayan.  Namatay na naglilingkod sa sambayanan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 9 March 2013)

Singbilis ng isang bulalakaw.  Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Singbilis ng isang bulalakaw. Mula sa Magsaysay: The People’s President.

Mula sa RM:  The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa RM: The Blazing Meteor, mga guhit ni Almar C. Denso.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Mula sa Ramon Magsaysay: Man of the Masses, mga guhit ni Rey Arcilla.

Ang bangkay ng Pangulong Ramon Magsaysay sa pinangyarihan ng pagbagsak ng eroplano.  Mula sa dokumentaryong In Our Image.

Ang bangkay ng Pangulong Ramon Magsaysay sa pinangyarihan ng pagbagsak ng eroplano. Mula sa dokumentaryong In Our Image.

Ang sayt sa Mt. Manunggal, Cebu kung saan bumagsak ang presidential plane Mt. Pinatubo.

Ang sayt sa Mt. Manunggal, Cebu kung saan bumagsak ang presidential plane Mt. Pinatubo.

Si Magsaysay habang nakasakay sa kanyang opisyal na kabayo,  Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Si Magsaysay habang nakasakay sa kanyang opisyal na kabayo, Mula sa Magsaysay: The People’s President.

Riderless horse sa libing ni Magsaysay.  Wala na ang Pangulo.  Mula sa Magsaysay:  The People's President.

Riderless horse sa libing ni Magsaysay. Wala na ang Pangulo. Mula sa Magsaysay: The People’s President.