XIAOTIME, 13 March 2013: KAHULUGAN NG MGA TRADISYON NG SIMBAHANG KATOLIKA

by xiaochua

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 13 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM, ilang oras bago mahalal ang bagong santo papa ng Iglesia Catolica na si Jorge Mario Cardinal Bergoglio na ngayon ay si Papa Francisco:

Fisherman's Ring ni Benedict XVI.

Fisherman’s Ring ni Benedict XVI.

Isang oras palamang ang nakalilipas, lumabas na ang bagong Santo Papa matapos makita ang puting usok.  Pinili ng mga kardinal si Jorge Mario Cardinal Bergoglio Arsobispo ng Buenos Aires, na pinili ang pangalang Francisco.  Ang unang Francisco, ang unang hindi Europeo matapos ang matagal na panahon.

13 March 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=-lxFJDbFC5I

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sumulat sa akin sa fb si Robin Ryan Prudente, talakayin ko raw kung ano ang kahulugan ng Fisherman’s Ring at bakit ito winawasak sa pagkamatay ng isang Santo Papa at maging sa pagbibitiw kamakailan noong February 28, 2013 ni Benedict the Sixteenth.

Ang huling pagpapaalam ni Benedict XVI noong February 28, 2013 sa balkonahe ng kastilyo ng Castel Gandolfo, nakasuot pa ang singsing ng mangingisda.

Ang huling pagpapaalam ni Benedict XVI noong February 28, 2013 sa balkonahe ng kastilyo ng Castel Gandolfo, nakasuot pa ang singsing ng mangingisda.

Ang Fisherman’s Ring ay isang singsing na bahagi ng opisyal na kasuotan o regalia ng isang Santo Papa na isinusuot sa ikatlong daliri ng kanyang kanang kamay sa kanyang inagurasyon.  May disenyo itong larawan ni San Pedro, ang itinuturing ng Iglesia Catolica na unang Santo Papa, na nangingisda.  Simbolo ito na ang Santo Papa ay mamamalakaya rin ng tao tungo kay Kristo.

Ang paghalik sa kamay ni Unang Ginang Imelda Marcos sa Santo Papa habang nanonood ang Pangulong Marcos sa pagbisita ng kanyang kabanalan sa Pilipinas, 1981.

Ang paghalik sa kamay ni Unang Ginang Imelda Marcos sa Santo Papa habang nanonood ang Pangulong Marcos sa pagbisita ng kanyang kabanalan sa Pilipinas, 1981.

Liban sa ang singsing na ito ang hinahalikan ng mga tao habang nakaluhod kapag nagpupugay sa isang Papa, ito rin ang ginagamit na pangselyo sa mga opisyal na dokumento noon gamit ang wax upang patunayang nagmula mismo ito sa Santo Papa.  Kaya ito minamarkahan at sinisira ay upang hindi makapameke ng dokumento matapos ang kamatayan ng Papa.

Sagisag sa singsing ni Pope Pius XII.

Sagisag sa singsing ni Pope Pius XII.

Isang lumang sagisag sa singsing ng Santo Papa sa wax, laban sa pamemeke ng dokumento.

Isang lumang sagisag sa singsing ng Santo Papa sa wax, laban sa pamemeke ng dokumento.

Ang sagisag sa singsing ni Pope John XXIII.

Ang sagisag sa singsing ni Pope John XXIII.

Kahit na itinigil na ang praktis ng paggamit ng singsing bilang selyo simula 1842, simboliko pa rin na winawasak ang partikular na singsing na ito upang markahan ang pagtatapos ng isang panahon.  Ngunit marami sa mga Santo Papa matapos ang panahon na ito ay hindi na regular na nagsusuot nito at gumagamit ng mga mas usong singsing tulad nina Pope John the Twenty Third, Pope Paul The Sixth, Pope John Paul the First at si Pope John Paul The Second.  Ibinalik ni Benedict the Sixteenth ang regular na pagsusuot nito.

Ang singsing ni Pope John Paul II.

Ang singsing ni Pope John Paul II.

Siguro maganda ring itanong, bakit nagsusuot ng pulang sapatos ang mga Santo Papa?  Well, ito rin ang kasagutan kung bakit nagsusuot ng pulang mga abito ang mga cardinal.  Nakasanayan na ito maging ng mga prinsipe noon.

Ang pulang sapatos ni Pope John Paul II.

Ang pulang sapatos ni Pope John Paul II.

Ang pulang kasuotan ng mga cardinal.  Siguro ang larawan na ito galing sa pelikulang Angels and Demons.  SObrang cinematic!

Ang pulang kasuotan ng mga cardinal. Siguro ang larawan na ito galing sa pelikulang Angels and Demons. Sobrang cinematic!

Louis Ang Dakila ni Harnas.

Louis Ang Dakila ni Harnas.

Pero nilagyan ng simbolismo:  na ang mga pinuno ng Iglesia Katolika ay handang mag-alay ng kanilang dugo at magbuwis ng buhay para sa kanilang pananampalataya kay Hesukristo tulad ng nangyari rin sa mga unang Santo Papa na naging martir.  Nabalita na Prada ang brand ng suot na sapatos ni Pope Benedict The Sixteenth.

The Christian Martyrs' Last Prayer, obra ni Leon Gerome.

The Christian Martyrs’ Last Prayer, obra ni Leon Gerome.

Ang pulang loafers ni Benedict XVI ay...

Ang pulang loafers ni Benedict XVI ay…

... Hindi PRADA...

… Hindi PRADA…

Binatikos siya at kinantyawan pa, “The devil wears Prada.”  Iyon pala, gawa lamang pala ito ni Antonio Arellano mula sa isang kalapit na sapatusan, ang Gammarelli, sa Roma.  Noong unang panahon, hinahalikan pa ang sapatos na ito kaya naglalagay pa ng krus doon.  Hindi na ito ipinagpatuloy.

Antonio Arellano

…kundi gawa ni Antonio Arellano!

Lumang pulang sapatos ng isang Santo Papa na may krus na disenyo.

Lumang pulang sapatos ng isang Santo Papa na may krus na disenyo.

26 Maaaring hindi na mahalaga ang mga simbolismo at ritwal

Maaaring hindi na mahalaga ang mga simbolismo at ritwal sa iba dahil kumbaga, wala naman silang aktwal na gamit, subalit para sa akin, paalala sila ng mga bagay na hindi natin nakikita ngunit mas malaki pa kaysa sa atin—pananampalataya, pag-asa, pag-ibig.  Bakit pa ba binibigyan ang isang nililigawan ng rosas?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 9 March 2013)

Ang lahat ng mga banal sa papanaw ng mga Katoliko.

Ang lahat ng mga banal sa papanaw ng mga Katoliko.

Tria Haec:  Fe, Esperanza, Caridad (Faith, hope and love) sa disenyo ng main building ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Tria Haec: Fe, Esperanza, Caridad (Faith, hope and love) sa disenyo ng main building ng Unibersidad ng Santo Tomas.