IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: vatican

XIAOTIME, 13 March 2013: KAHULUGAN NG MGA TRADISYON NG SIMBAHANG KATOLIKA

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 13 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM, ilang oras bago mahalal ang bagong santo papa ng Iglesia Catolica na si Jorge Mario Cardinal Bergoglio na ngayon ay si Papa Francisco:

Fisherman's Ring ni Benedict XVI.

Fisherman’s Ring ni Benedict XVI.

Isang oras palamang ang nakalilipas, lumabas na ang bagong Santo Papa matapos makita ang puting usok.  Pinili ng mga kardinal si Jorge Mario Cardinal Bergoglio Arsobispo ng Buenos Aires, na pinili ang pangalang Francisco.  Ang unang Francisco, ang unang hindi Europeo matapos ang matagal na panahon.

Isang oras palamang ang nakalilipas, lumabas na ang bagong Santo Papa matapos makita ang puting usok. Pinili ng mga kardinal si Jorge Mario Cardinal Bergoglio Arsobispo ng Buenos Aires, na pinili ang pangalang Francisco. Ang unang Francisco, ang unang hindi Europeo matapos ang matagal na panahon.

13 March 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=-lxFJDbFC5I

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sumulat sa akin sa fb si Robin Ryan Prudente, talakayin ko raw kung ano ang kahulugan ng Fisherman’s Ring at bakit ito winawasak sa pagkamatay ng isang Santo Papa at maging sa pagbibitiw kamakailan noong February 28, 2013 ni Benedict the Sixteenth.

Ang huling pagpapaalam ni Benedict XVI noong February 28, 2013 sa balkonahe ng kastilyo ng Castel Gandolfo, nakasuot pa ang singsing ng mangingisda.

Ang huling pagpapaalam ni Benedict XVI noong February 28, 2013 sa balkonahe ng kastilyo ng Castel Gandolfo, nakasuot pa ang singsing ng mangingisda.

Ang Fisherman’s Ring ay isang singsing na bahagi ng opisyal na kasuotan o regalia ng isang Santo Papa na isinusuot sa ikatlong daliri ng kanyang kanang kamay sa kanyang inagurasyon.  May disenyo itong larawan ni San Pedro, ang itinuturing ng Iglesia Catolica na unang Santo Papa, na nangingisda.  Simbolo ito na ang Santo Papa ay mamamalakaya rin ng tao tungo kay Kristo.

Ang paghalik sa kamay ni Unang Ginang Imelda Marcos sa Santo Papa habang nanonood ang Pangulong Marcos sa pagbisita ng kanyang kabanalan sa Pilipinas, 1981.

Ang paghalik sa kamay ni Unang Ginang Imelda Marcos sa Santo Papa habang nanonood ang Pangulong Marcos sa pagbisita ng kanyang kabanalan sa Pilipinas, 1981.

Liban sa ang singsing na ito ang hinahalikan ng mga tao habang nakaluhod kapag nagpupugay sa isang Papa, ito rin ang ginagamit na pangselyo sa mga opisyal na dokumento noon gamit ang wax upang patunayang nagmula mismo ito sa Santo Papa.  Kaya ito minamarkahan at sinisira ay upang hindi makapameke ng dokumento matapos ang kamatayan ng Papa.

Sagisag sa singsing ni Pope Pius XII.

Sagisag sa singsing ni Pope Pius XII.

Isang lumang sagisag sa singsing ng Santo Papa sa wax, laban sa pamemeke ng dokumento.

Isang lumang sagisag sa singsing ng Santo Papa sa wax, laban sa pamemeke ng dokumento.

Ang sagisag sa singsing ni Pope John XXIII.

Ang sagisag sa singsing ni Pope John XXIII.

Kahit na itinigil na ang praktis ng paggamit ng singsing bilang selyo simula 1842, simboliko pa rin na winawasak ang partikular na singsing na ito upang markahan ang pagtatapos ng isang panahon.  Ngunit marami sa mga Santo Papa matapos ang panahon na ito ay hindi na regular na nagsusuot nito at gumagamit ng mga mas usong singsing tulad nina Pope John the Twenty Third, Pope Paul The Sixth, Pope John Paul the First at si Pope John Paul The Second.  Ibinalik ni Benedict the Sixteenth ang regular na pagsusuot nito.

Ang singsing ni Pope John Paul II.

Ang singsing ni Pope John Paul II.

Siguro maganda ring itanong, bakit nagsusuot ng pulang sapatos ang mga Santo Papa?  Well, ito rin ang kasagutan kung bakit nagsusuot ng pulang mga abito ang mga cardinal.  Nakasanayan na ito maging ng mga prinsipe noon.

Ang pulang sapatos ni Pope John Paul II.

Ang pulang sapatos ni Pope John Paul II.

Ang pulang kasuotan ng mga cardinal.  Siguro ang larawan na ito galing sa pelikulang Angels and Demons.  SObrang cinematic!

Ang pulang kasuotan ng mga cardinal. Siguro ang larawan na ito galing sa pelikulang Angels and Demons. Sobrang cinematic!

Louis Ang Dakila ni Harnas.

Louis Ang Dakila ni Harnas.

Pero nilagyan ng simbolismo:  na ang mga pinuno ng Iglesia Katolika ay handang mag-alay ng kanilang dugo at magbuwis ng buhay para sa kanilang pananampalataya kay Hesukristo tulad ng nangyari rin sa mga unang Santo Papa na naging martir.  Nabalita na Prada ang brand ng suot na sapatos ni Pope Benedict The Sixteenth.

The Christian Martyrs' Last Prayer, obra ni Leon Gerome.

The Christian Martyrs’ Last Prayer, obra ni Leon Gerome.

Ang pulang loafers ni Benedict XVI ay...

Ang pulang loafers ni Benedict XVI ay…

... Hindi PRADA...

… Hindi PRADA…

Binatikos siya at kinantyawan pa, “The devil wears Prada.”  Iyon pala, gawa lamang pala ito ni Antonio Arellano mula sa isang kalapit na sapatusan, ang Gammarelli, sa Roma.  Noong unang panahon, hinahalikan pa ang sapatos na ito kaya naglalagay pa ng krus doon.  Hindi na ito ipinagpatuloy.

Antonio Arellano

…kundi gawa ni Antonio Arellano!

Lumang pulang sapatos ng isang Santo Papa na may krus na disenyo.

Lumang pulang sapatos ng isang Santo Papa na may krus na disenyo.

26 Maaaring hindi na mahalaga ang mga simbolismo at ritwal

Maaaring hindi na mahalaga ang mga simbolismo at ritwal sa iba dahil kumbaga, wala naman silang aktwal na gamit, subalit para sa akin, paalala sila ng mga bagay na hindi natin nakikita ngunit mas malaki pa kaysa sa atin—pananampalataya, pag-asa, pag-ibig.  Bakit pa ba binibigyan ang isang nililigawan ng rosas?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 9 March 2013)

Ang lahat ng mga banal sa papanaw ng mga Katoliko.

Ang lahat ng mga banal sa papanaw ng mga Katoliko.

Tria Haec:  Fe, Esperanza, Caridad (Faith, hope and love) sa disenyo ng main building ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Tria Haec: Fe, Esperanza, Caridad (Faith, hope and love) sa disenyo ng main building ng Unibersidad ng Santo Tomas.

XIAOTIME, 28 February 2013: ANG INIWANG PAMANA NI BENEDICT XVI SA HULING ARAW NIYA BILANG SANTO PAPA

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 28 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Paalam Benedict XVI!

Paalam Benedict XVI!

28 February 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=A1u2kymBOvo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Makasaysayan nga ang araw na ito.  Ngayon ang huling araw ni Pope Benedict XVI bilang santo papa.  Siya ang pinakaunang papa na nagbitiw sa puwesto sa loob ng kulang-kulang anim na daang taon.

02 Siya ang pinakaunang papa na nagbitiw sa puwesto sa loob ng kulang-kulang anim na daang taon

Papa sa papa:  Si Cardinal Joseph Ratzinger habang binabati ang bagong papa noon na si John Paul II.

Papa sa papa: Si Cardinal Joseph Ratzinger habang binabati ang bagong papa noon na si John Paul II.

Ang responsibilidad ng pagiging santo papa ay isang pasanin at karangalan na dinadala ng isang taong nahalal sa Upuan ni San Pedro hanggang sa kanyang kamatayan.  Ngunit sa isang panayam sa aklat na Light of the World noong 2010, kanyang sinabi na kung hindi na makayanan ng katawan, kaisipan at ng espitu na ipagpatuloy ang responsibilidad ng kanyang opisina, may karapatan siya, at sa ilang pagkakataon, ay obligasyon na magbitiw na sa puwesto.  At ito nga ang kanyang ginawa.  Malapit na kaibigan ng namayapang Santo Papa John Paul II, kanya sigurong nakita ang down side ng Santo Papa na nasa banig ng matinding karamdaman.  Si Benedict ay isang papa ng maraming sorpresa.

09 Isinilang siyang si Joseph Alois Ratzinger noong April 16, 1927 sa Bavaria, Germany

Isinilang siyang si Joseph Alois Ratzinger noong April 16, 1927 sa Bavaria, Germany.  Kaya tawag ng iba sa kanya ay Papa Ratzi.  Sa edad na 14, napilitang pumasok sa Hitler Youth, isang pasaway na miyembro na hindi dumadalo sa mga miting.  Nakita niya ang brutalidad ng rehimeng Nazi nang patayin nila ang kanyang pinsang may down syndrome.

12 isang pasaway na miyembro na hindi dumadalo sa mga miting

Pumasok sa pagiging pari at naging kilalang propesor at teyologo.  Noong una, siya ay liberal at sinuportahan ang mga reporma sa Simbahan ng Ikalawang Kunsilyo sa Vaticano.  Subalit, nagkaroon ng mga pag-aaklas ang kabataan sa mga pamantasan sa Germany at sa kanyang nakitang pagsuway at pambabastos ng mga estudyante sa kanilang mga guro.  Nakita niyang ang dahilan nito ay ang sobrang liberalisasyon at sekularisasyon ng mundo.  Mula noon siya ay naging konserbatibo.

14 Noong una, siya ay liberal at sinuportahan ang mga reporma sa Simbahan

20 Mula noon siya ay naging konserbatibo

At dahil marahil sa tindig na ito bilang isang kardinal, itinalaga siya ni John Paul II na Prefect ng Congregation of the Doctrine of the Faith noong 1981.  Ang opisinang ito ang tagapangalaga ng Simbahang Katoliko mula sa mga itinuturing na maling katuruan.

22 itinalaga siya ni John Paul II na Prefect ng Congregation of the Doctrine of the Faith noong 1981

24 Tinawag siyang “God’s Rottweiler.”  Ang Rottweiler

Ratzinger sa tabi ni John Paul II:  Wind beneath his wings.  Pabalat ng Pope's War ni Matthew Fox.

Ratzinger sa tabi ni John Paul II: Wind beneath his wings. Pabalat ng Pope’s War ni Matthew Fox.

Kilala noon bilang Opisina ng Banal na Inkisisyon, sila ang nagpasunog ng mga erehe noong unang panahon.  Naging istrikto sa pagdepensa ng mga katuruan ng simbahan ukol sa birth control, homosekswalidad, diborsyo at pagpapari ng mga babae halimbawa.  Tinawag siyang “God’s Rottweiler.”  Ang Rottweiler ay isang kilalang breed ng aso na ginagawang watch dog.  Subalit nagbigay ng sorpresa.  Sa kanyang pamunuan, naglabas ng isang bagong katesismo, ang Cathechism of the Catholic Church, ang unang sistematikong sintesis ng doktrina ng Simbahan mula pa noong Council of Trent noong 1566.

catechism-of-the-catholic-church-second-edition1634xl

Gayundin, hiniling niya na buksan ang dating lihim na artsibo ng Inkisisyon.  Instrumental siya sa naging tagumpay ng papasiya ni John Paul II, tinuturing na isang “major figure” sa Vatican sa loob ng 25 taon.  Noong 2005, pagkamatay ni John Paull II, naging mabilis ang halalan.  Hindi na nasorpresa ang marami na siya ang naging Santo Papa sa laki ng kanyang impluwensya.

Habemus Papam... Cardinalem Ratzinger!

Habemus Papam… Cardinalem Ratzinger!

Kahit na kilalang istrikto, ang kanyang unang ensiklikal, o pangunahing pabatid si simbahan ay hindi tungkol sa pagpapatupad ng doktrina kundi ukol sa Pag-ibig, “Deus Caritas Est,” Ang Diyos ang pag-ibig.  Sa katotohanan at matigas na bato ito ayon sa kanya nakasalig ang pananampalataya ng buong simbahan.  Muli sinorpresa niya ang lahat.

Si Pope Benedict XVI habang pinipirmahan ang mga kopya ng kanyang unang ensiklikal Deus Caritas Est

Si Pope Benedict XVI habang pinipirmahan ang mga kopya ng kanyang unang ensiklikal Deus Caritas Est.

Tahimik niyang ipinagpatuloy ang paggiit ng pagiging misyonero ng mga Katoliko sa kabila ng konsyumerismo at modernismo.  Kahit na Prada raw ang kanyang pulang sapatos, hindi siya mahilig sa uso.

Hindi pala ito Prada, kundi lokal na Romanong sapatos.

Hindi pala ito Prada, kundi lokal na Romanong sapatos.

40 hindi siya mahilig sa uso

Pope_Benedict_XVI_11

Inaasahang hindi mawawala ang kanyang impluwensya sa simbahan kahit na magretiro siya sa isang buhay ng pananalangin sa isang monasteryo.  Nag-ukit na siya sa buong buhay niya ng malaking pamana sa simbahan.

42 kahit na magretiro siya sa isang buhay ng pananalangin sa isang monasteryo

43 Nag-ukit na siya sa buong buhay niya ng malaking pamana sa simbahan

Benedict XVI, Papa Ratzinger, Paalam po at hanggang sa huli.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)

45 Paalam po at hanggang sa huli

XIAOTIME, 26 February 2013: ILANG TRIVIA TUNGKOL SA MGA “SANTO PAPA”

Broadcast of Xiaotime news segment last Tuesday, 26 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ngayon pa lang magkakaroon ng Santo Papa na bibitawan ang kanyang trono matapos ang anim na daang taon.

Ngayon pa lang magkakaroon ng Santo Papa na bibitawan ang kanyang trono matapos ang anim na daang taon.

26 February 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=MU9jRIkWczI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Dalawang araw na lamang, magkakaroon ng isang tunay na makasaysayang araw.  Isang santo papa ang magbibitiw!

Gregory XII.  Mula sa Wikipedia

Gregory XII. Mula sa Wikipedia

Palasyo ng mga Papa sa Avignon, Pransya na naging karibal ng papa sa Italya

Palasyo ng mga Papa sa Avignon, Pransya na naging karibal ng papa sa Italya

Nangyari lamang ito mga 600 years ago nang mag-resign si Pope Gregory XII upang tapusin na ang pagkakahati sa Simbahang Katoliko na nagkaroon ng dalawang magkatunggaling santo papa na nakatira sa Pisa, Italya at Avignon sa Pransya mula 1378 hanggang 1417.  Bagama’t karamihan ng mga santo papa ay tunay na mga banal, masalimuot ang kasaysayan ng papasiya.

Benedict IX.  Mula sa Wikipedia

Benedict IX. Mula sa Wikipedia

Ang itinuturing na unang recorded na Santo Papa na nagbitiw ay si Benedict IX na siya ring papa na tatlong beses na naupo sa posisyon.  Naging santo papa bilang teenager.  Dahil sa kanyang iskandalosong buhay at sinasabing siya ang pinakaunang bukas na baklang papa, dalawang beses pinatalsik sa Roma ngunit nakababalik.  Nagbitiw siya sa pagkapapa noong 1045.  Sa pagnanais daw na mag-asawa, ibinenta niya ang kanyang pagkapapa sa kanyang ninong, ang pious priest na si John Gratian.

John Gratian (Gregory VI).  Mula sa Wikipedia.

John Gratian (Gregory VI). Mula sa Wikipedia.

Ang tawag dito ay simoniya, mula sa tangkang pagbili ni Simon Mago sa kapangyarihan ni San Pedro bilang apostol sa aklat ng Gawa ng mga Apostoles.  Kaya naging Pope Gregory VI ang ninong niya.  Ngunit, tila naudlot ang kanyang kasal at nag-iba ng isip ukol sa pagbibitiw, muli niyang ninais bawiin ang kanyang trono.  Nagbitiw din ang ninong niya at kumuha siya ng tiyempo upang agawin ang Palasyo ng Laterano upang maging papa muli, ngunit pinatalsik na siya ng mga puwersang Aleman matapos muli ang ilang buwan noong 1048.

Simbahan ng Laterano.

Simbahan ng Laterano.

Ayon sa Catholic Encyclopedia, si Benedict ay isang “disgrace to the Chair of Peter.”  Malayo sa pagiging santo, kahiya-hiya pala ang lolo mo.  Isa pang itinuturing na masamang papa ay si Pope Alexander VI Borgia, bagama’t kinikilala ngayon na magaling na administrador at diplomat, namuhay na mayroong mga kabit at mga anak.

Alejandro VI Borgia.  Ang lolo mo ang naghati ng mundo para sa mga Espanyol at mga Portuges sa Papal Bull na Inter Caetera.  May konek pala siya sa kolonisasyon ng Pilipinas.  Mula sa Wikipedia.

Alejandro VI Borgia. Ang lolo mo ang naghati ng mundo para sa mga Espanyol at mga Portuges sa Papal Bull na Inter Caetera. May konek pala siya sa kolonisasyon ng Pilipinas. Mula sa Wikipedia.

Si Papa Alejandro Borgia gawa ni Pinturicchio.  Mula sa Wikipedia.

Si Papa Alejandro Borgia gawa ni Pinturicchio. Mula sa Wikipedia.

Isa sa kanyang mga anak na ginawa niyang kardinal sa edad na 18, si Cesare Borgia, na unang nagresign din sa posisyong iyon sa kasaysayan upang maging isang heneral at pinuno ng mga hukbo ng mga estadong papal.  Noon kasi, may mga teritoryong pulitikal ang santo papa.  Pinabitay din ng ama niyang si Pope Alexander ang kritiko niyang si Girolamo Savonarola.

"Lady with Unicorn", sinasabing larawan ni Giulia Farnese, paboritong kabit ni Alejandro VI at sinasabing ipininta ni Raphael.

“Lady with Unicorn”, sinasabing larawan ni Giulia Farnese, paboritong kabit ni Alejandro VI at sinasabing ipininta ni Raphael.

Cesare Borgia, Duke ng Valentinois.  Mula sa Wikipedia.

Cesare Borgia, Duke ng Valentinois. Mula sa Wikipedia.

Girolamo Savonarola.  Mula sa Wikipedia

Girolamo Savonarola. Mula sa Wikipedia

Niccolò Machiavelli, awtor ng the Prince na inialay niya kay Cesare Borgia.  Ang aklat ang handbook ng mga diktador kung saan niya sinabi na "The end justifies the means."  Mula sa Wikipedia.

Niccolò Machiavelli, awtor ng the Prince na inialay niya kay Cesare Borgia. Ang aklat ang handbook ng mga diktador kung saan niya sinabi na “The end justifies the means.” Mula sa Wikipedia.

Nang mamatay ang nasabing papa noong 1503, kakatwa ang naging bilis ng pagkabulok ng kanyang bangkay noong lamay.  Ayon kay Niccolò Machiavelli sa The Prince, isang handbook ng mga diktador na inalay niya sa anak ng papa na si Cesare, inilarawan niya si Alexander bilang korap na pulitiko na nuknukan ng kawalang dangal, wala raw ginawa kundi linlangin ang taumbayan.

Sagisag ng Sede Vacante:  Payong at mga susi na walang sagisag ng papa.  Mula sa bahay-dagitab ng Vatican.

Sagisag ng Sede Vacante: Payong at mga susi na walang sagisag ng papa. Mula sa bahay-dagitab ng Vatican.

Nga pala, noon, kapag Sede Vacante o walang santo papang nakaupo sa upuan o Cathedra ni San Pedro, may “tradisyon” ng karahasan o rioting dahil marahil sa lumbay o pagkalito.  Nagkaroon pa ng conclave na dalawang taon at siyam na buwan ang itinagal mula 1268-1271.  Hindi talaga pinalabas ng mga tao hanggat hindi nakaboto ng bagong papa ang mga kardinal.  Pasalamat tayo at iba na ang panahon ngayon.  Pahabol, yung narinig niyo sa ilan sa media na may isang babaeng santo papa na tinawag na Pope Joan, na nagpanggap na lalake, at sa gitna ng prusisyon ay nanganak, tsaka pinatay ng mga Romano, ay walang batayang historikal.  Fake.

Papesse Jeanne (Popesa Joan).  Mula sa Wikipedia.

Papesse Jeanne (Popesa Joan). Mula sa Wikipedia.

Ang panganganak sa isang prusisyon ni Popesa Joan sa harap ng madla.  Matapos nito siya ay pinatay na ng mga tao.  Mula sa Wikipedia.

Ang panganganak sa isang prusisyon ni Popesa Joan sa harap ng madla. Matapos nito siya ay pinatay na ng mga tao. Mula sa Wikipedia.

Tanggapin natin, bagama’t pinaniniwalaang infallible o hindi maaaring magkamali ang mga papa pagdating sa doktrina, ang simbahan rin ay isang institusyon ng mga tao.  At kung sila ay hinahayaan ng Panginoon na magkamali, baka may dahilan Siya o aral na nais ituro sa atin.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)