XIAOTIME, 26 February 2013: ILANG TRIVIA TUNGKOL SA MGA “SANTO PAPA”

by xiaochua

Broadcast of Xiaotime news segment last Tuesday, 26 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ngayon pa lang magkakaroon ng Santo Papa na bibitawan ang kanyang trono matapos ang anim na daang taon.

Ngayon pa lang magkakaroon ng Santo Papa na bibitawan ang kanyang trono matapos ang anim na daang taon.

26 February 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=MU9jRIkWczI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Dalawang araw na lamang, magkakaroon ng isang tunay na makasaysayang araw.  Isang santo papa ang magbibitiw!

Gregory XII.  Mula sa Wikipedia

Gregory XII. Mula sa Wikipedia

Palasyo ng mga Papa sa Avignon, Pransya na naging karibal ng papa sa Italya

Palasyo ng mga Papa sa Avignon, Pransya na naging karibal ng papa sa Italya

Nangyari lamang ito mga 600 years ago nang mag-resign si Pope Gregory XII upang tapusin na ang pagkakahati sa Simbahang Katoliko na nagkaroon ng dalawang magkatunggaling santo papa na nakatira sa Pisa, Italya at Avignon sa Pransya mula 1378 hanggang 1417.  Bagama’t karamihan ng mga santo papa ay tunay na mga banal, masalimuot ang kasaysayan ng papasiya.

Benedict IX.  Mula sa Wikipedia

Benedict IX. Mula sa Wikipedia

Ang itinuturing na unang recorded na Santo Papa na nagbitiw ay si Benedict IX na siya ring papa na tatlong beses na naupo sa posisyon.  Naging santo papa bilang teenager.  Dahil sa kanyang iskandalosong buhay at sinasabing siya ang pinakaunang bukas na baklang papa, dalawang beses pinatalsik sa Roma ngunit nakababalik.  Nagbitiw siya sa pagkapapa noong 1045.  Sa pagnanais daw na mag-asawa, ibinenta niya ang kanyang pagkapapa sa kanyang ninong, ang pious priest na si John Gratian.

John Gratian (Gregory VI).  Mula sa Wikipedia.

John Gratian (Gregory VI). Mula sa Wikipedia.

Ang tawag dito ay simoniya, mula sa tangkang pagbili ni Simon Mago sa kapangyarihan ni San Pedro bilang apostol sa aklat ng Gawa ng mga Apostoles.  Kaya naging Pope Gregory VI ang ninong niya.  Ngunit, tila naudlot ang kanyang kasal at nag-iba ng isip ukol sa pagbibitiw, muli niyang ninais bawiin ang kanyang trono.  Nagbitiw din ang ninong niya at kumuha siya ng tiyempo upang agawin ang Palasyo ng Laterano upang maging papa muli, ngunit pinatalsik na siya ng mga puwersang Aleman matapos muli ang ilang buwan noong 1048.

Simbahan ng Laterano.

Simbahan ng Laterano.

Ayon sa Catholic Encyclopedia, si Benedict ay isang “disgrace to the Chair of Peter.”  Malayo sa pagiging santo, kahiya-hiya pala ang lolo mo.  Isa pang itinuturing na masamang papa ay si Pope Alexander VI Borgia, bagama’t kinikilala ngayon na magaling na administrador at diplomat, namuhay na mayroong mga kabit at mga anak.

Alejandro VI Borgia.  Ang lolo mo ang naghati ng mundo para sa mga Espanyol at mga Portuges sa Papal Bull na Inter Caetera.  May konek pala siya sa kolonisasyon ng Pilipinas.  Mula sa Wikipedia.

Alejandro VI Borgia. Ang lolo mo ang naghati ng mundo para sa mga Espanyol at mga Portuges sa Papal Bull na Inter Caetera. May konek pala siya sa kolonisasyon ng Pilipinas. Mula sa Wikipedia.

Si Papa Alejandro Borgia gawa ni Pinturicchio.  Mula sa Wikipedia.

Si Papa Alejandro Borgia gawa ni Pinturicchio. Mula sa Wikipedia.

Isa sa kanyang mga anak na ginawa niyang kardinal sa edad na 18, si Cesare Borgia, na unang nagresign din sa posisyong iyon sa kasaysayan upang maging isang heneral at pinuno ng mga hukbo ng mga estadong papal.  Noon kasi, may mga teritoryong pulitikal ang santo papa.  Pinabitay din ng ama niyang si Pope Alexander ang kritiko niyang si Girolamo Savonarola.

"Lady with Unicorn", sinasabing larawan ni Giulia Farnese, paboritong kabit ni Alejandro VI at sinasabing ipininta ni Raphael.

“Lady with Unicorn”, sinasabing larawan ni Giulia Farnese, paboritong kabit ni Alejandro VI at sinasabing ipininta ni Raphael.

Cesare Borgia, Duke ng Valentinois.  Mula sa Wikipedia.

Cesare Borgia, Duke ng Valentinois. Mula sa Wikipedia.

Girolamo Savonarola.  Mula sa Wikipedia

Girolamo Savonarola. Mula sa Wikipedia

Niccolò Machiavelli, awtor ng the Prince na inialay niya kay Cesare Borgia.  Ang aklat ang handbook ng mga diktador kung saan niya sinabi na "The end justifies the means."  Mula sa Wikipedia.

Niccolò Machiavelli, awtor ng the Prince na inialay niya kay Cesare Borgia. Ang aklat ang handbook ng mga diktador kung saan niya sinabi na “The end justifies the means.” Mula sa Wikipedia.

Nang mamatay ang nasabing papa noong 1503, kakatwa ang naging bilis ng pagkabulok ng kanyang bangkay noong lamay.  Ayon kay Niccolò Machiavelli sa The Prince, isang handbook ng mga diktador na inalay niya sa anak ng papa na si Cesare, inilarawan niya si Alexander bilang korap na pulitiko na nuknukan ng kawalang dangal, wala raw ginawa kundi linlangin ang taumbayan.

Sagisag ng Sede Vacante:  Payong at mga susi na walang sagisag ng papa.  Mula sa bahay-dagitab ng Vatican.

Sagisag ng Sede Vacante: Payong at mga susi na walang sagisag ng papa. Mula sa bahay-dagitab ng Vatican.

Nga pala, noon, kapag Sede Vacante o walang santo papang nakaupo sa upuan o Cathedra ni San Pedro, may “tradisyon” ng karahasan o rioting dahil marahil sa lumbay o pagkalito.  Nagkaroon pa ng conclave na dalawang taon at siyam na buwan ang itinagal mula 1268-1271.  Hindi talaga pinalabas ng mga tao hanggat hindi nakaboto ng bagong papa ang mga kardinal.  Pasalamat tayo at iba na ang panahon ngayon.  Pahabol, yung narinig niyo sa ilan sa media na may isang babaeng santo papa na tinawag na Pope Joan, na nagpanggap na lalake, at sa gitna ng prusisyon ay nanganak, tsaka pinatay ng mga Romano, ay walang batayang historikal.  Fake.

Papesse Jeanne (Popesa Joan).  Mula sa Wikipedia.

Papesse Jeanne (Popesa Joan). Mula sa Wikipedia.

Ang panganganak sa isang prusisyon ni Popesa Joan sa harap ng madla.  Matapos nito siya ay pinatay na ng mga tao.  Mula sa Wikipedia.

Ang panganganak sa isang prusisyon ni Popesa Joan sa harap ng madla. Matapos nito siya ay pinatay na ng mga tao. Mula sa Wikipedia.

Tanggapin natin, bagama’t pinaniniwalaang infallible o hindi maaaring magkamali ang mga papa pagdating sa doktrina, ang simbahan rin ay isang institusyon ng mga tao.  At kung sila ay hinahayaan ng Panginoon na magkamali, baka may dahilan Siya o aral na nais ituro sa atin.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)