IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: katoliko

XIAO TIME, 31 October 2013: ANG KAHULUGAN NG SALITANG “UNDAS”

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Undas.  Mula sa Filway's Philippine Almanac (1995).

Undas. Mula sa Filway’s Philippine Almanac (1995).

31 October 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=3nTKRscMGhw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!   Ipinagdiriwang sa daigdig ang Halloween tuwing October 31.  Ang salitang ito ay nagmula salitang “All Hallow’s Evening,” ang kahulugan ng “hallow” ay saint dahil gabing bisperas nga ito ng All Saints’ Day.

Hallow--hindi walang laman, hindi rin "shallow" (korne) kundi banal, ala "hallowed by thy name."  Therefore "all hallows" ay "all saints."

Hallow–hindi walang laman, hindi rin “shallow” (korne) kundi banal, ala “hallowed by thy name.” Therefore “all hallows” ay “all saints.”

Kasabay nito ang bisperas ng pista ng mga patay na ipinagdiriwang pa ng mga sinaunang Celtic bilang “Samhain” kung kalian pinaniniwalaan nilang bumabalik sa mga tahanan nila ang kaluluwa ng mga ninuno nila.  Ginugunita nila ito sa pamamagitan ng “trick or treat,” kumbaga, kung may kakatok sa iyo at hindi mo bigyan ng kahit ano ay maaari ka nilang lokohin ng mga pranks.  Upang kumatawan sa mga kaluluwa na maaari kang saktan kung maging maramot ka, nagsusuot ng kung anu-nong nakakatakot na costume ang mga bata.

Samhain

Samhain

Trick or Treat.  Mula sa cheboygan.com.

Trick or Treat. Mula sa cheboygan.com.

Si Gillianne Cowenn Manlutac Calma noong Undas 2010 sa Garden of the Ascension, Lungsod ng Tarlac.

Si Gillianne Cowenn Manlutac Calma noong Undas 2010 sa Garden of the Ascension, Lungsod ng Tarlac.

Gayundin, gumagawa ng mga inukitang kalabasa o pumpkin ang mga Kanluranin upang pantaboy sa mga masasamang demonyo na naglipana sa tuwing Holloween.  1866 unang nabanggit ang koneksyon ng Hollween at pumpkin sa Amerika.  Mapapansin din na sa kwentong bayan sa Kanluran, ang mga mangkukulam ay may nakaugalian na gawing mga pumpkin ang mga tao.

Pumpkin o jack-o-lantern.  Mula sa National Geographic.

Pumpkin o jack-o-lantern. Mula sa National Geographic.

Dahil sa komersyalisasyon at globalisasyon, umabot ang mga Kanluraning praktis na ito sa Pilipinas.  Ang pista ng patay sa Pilipinas ay tinatawag nating “Undas.”  Nang tanungin ko si Dr. Lars Raymund Ubaldo, na nag-aral ng mga praktis sa burol ng mga Ilokano, ang salitang “Undas” ay nagmula sa Espanyol na “honras funebres” o funeral honors na sa ibang lalawigang Tagalog ay naging “honras” at “undras,” at sa Ilocos ay “atang” na tinatawag ding “umras.”

Prop. Dr. Lars Raymund Ubaldo noong DLSU History Department Teacher Training Workshop noong October 19, 2013.  Kuha ng opisyal na potograpo ng De La Salle University Manila, Kuya Greg (Taga Litrato).

Prop. Dr. Lars Raymund Ubaldo noong DLSU History Department Teacher Training Workshop noong October 19, 2013. Kuha ng opisyal na potograpo ng De La Salle University Manila, Kuya Greg (Taga Litrato).

Dahil sa impluwensyang Katoliko ng mga Espanyol, naitali sa Todos Los Santos o All Saints Day ang paggalang natin sa patay na tila ang ating mga namatay na ninuno ay itinuturing na rin natin na mga santo na nasa langit kasama ng Panginoon.  Ang doktrina ng Santa Iglesia Catolica Romana ay nagsasabi na ang namatay na mahal sa buhay ay ipinapanalangin upang mahango sa purgatoryo, mapunta sa langit o magabayan ang kanilang mga kaluluwa sa kabilang buhay.

Recuerdos de Patay (souvenir of the dead) sa Pampanga noong panahong sinauna.  Pansinin kung papaano inaangat ang patay upang masilayan sa larawan.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies.

Recuerdos de Patay sa Pampanga.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies.

Recuerdos de Patay sa Pampanga. Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies.

Prusisyon ng patay sa Pampanga.  Mula sa Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies.

Ngunit hindi ba kayo nagtataka, kapag undas ay nagdadasal tayo mismo sa kamag-anak natin at kinakausap natin sila?  Ito na ang pananatili ng sinaunang kulturang Pilipino na mas matanda pa sa Katolisismo sa Pilipinas.  Naniniwala tayo na tayong ay may mga kaluluwa ngunit kapag tayo ay namatay ay naglalakbay tayo sa mga ilog at dagat gawa nga na tayo ay isang maritime culture tulad ng makikita sa bangang Manunggul.  Ang mga namatay na kaluluwa ay itinuturing na anito na nagbabalik sa kalikasan, sa mga ilog, sa mga bundok, sa mga bato at sa mga punongkahoy.  Sila ay kinakatawan ng mga estatwa at inaalayan at dinadasalan natin ang mga ninuno natin na ito.  At pinaniniwalaan na nakikipag-usap pa ang mga anito sa atin noon sa pamamagitan ng mga babaylan at catalonan.

Paglilibing sa Cordillera.  Mula sa Filway's Philippine Almanac (1995).

Paglilibing sa Cordillera. Mula sa Filway’s Philippine Almanac (1995).

Isang namatay sa Cordillera.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Isang namatay sa Cordillera. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Bullol, representasyon ng anito sa Ifugao.  Kuha ni Neil Oshima.

Bullol, representasyon ng anito sa Ifugao. Kuha ni Neil Oshima.

Illustration of the worldview and belief in the afterlife of early Filipinos in Palawan.  Photo from the Dante Ambrosio-Xiao Chua Archives.

Illustration of the worldview and belief in the afterlife of early Filipinos in Palawan. Photo from the Dante Ambrosio-Xiao Chua Archives.

Adoring the Manunggul Jar at the National Museum and learning about the common culture and belief of all Austronesians, the ancestors of Filipinos.

Adoring the Manunggul Jar at the National Museum and learning about the common culture and belief of all Austronesians, the ancestors of Filipinos.

Muli, ngayon alam niyo na ang UNDAS ay nagmula sa Honras Funebres, hindi sa binaligtad na “SADNU?”  Dahil hindi naman sad ang pista ng patay sa Pilipinas, hindi ba HAPPYNU ito?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Andrew Bldg., DLSU Manila, 29 October 2013)

Undas sa mga "apartment."  Mula sa kjrosales.blogspot.com.

Undas sa mga “apartment.” Mula sa kjrosales.blogspot.com.

Undas.

Undas.

Ang angkan ng mga Briones ng Lungsod ng Tarlac noong Undas 2010 sa Garden of the Ascension.  Hindi Sad Nu?  Happy Nu!  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang angkan ng mga Briones ng Lungsod ng Tarlac noong Undas 2010 sa Garden of the Ascension. Hindi Sad Nu? Happy Nu! Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

XIAO TIME, 22 October 2013: SAN PEDRO CALÚNGSOD

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

San Pedro Calúngsod, Bisaya. TV grab mula sa opisyal na coverage ng Centro Televisivo Vaticano ng kanonisasyon sa Lungsod ng Vaticano noong October 21, 2012.  Si San Pedro ang nasa ikalawa sa pinakamataas na pwesto sa altar na iyon, malapit na malapit sa gitna.  Ang larawan ay ipininta ni Rafael del Casal at ang modelo ay si Ronald Tubid.

22 October 2013, Tuesday: http://www.youtube.com/watch?v=RkvuSY7Q_ck

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Isang taon na ang nakalilipas, October 21, 2012, hinirang ang binatilyong Bisaya na si Pedro Calúngsod ni Pope Benedict XVI bilang ikalawang Pilipinong Katolikong Santo sa Lungsod ng Vaticano! Ang tanging banggit lang sa binatilyo sa mga dokumentong Espanyol ayon kay Fr. Ildebrando Leyson ay “Pedro Calonsor Bissaya.”  Wala ring imahe na narekord ukol kay San Pedro Calúngsod kaya ang obra ni Rafael del Casal na ginamit sa kanonisasyon ay minodelo ng basketbolistang Ilonggo na si Ronald Tubid ng Barako Bull noong kabataan niya.  Nabansagan siyang “The Saint.”

Mula sa fb page na "Stunning and Interesting Facts that you didn't know." http://www.facebook.com/photo.php?fbid=418697224851901&set=a.289245514463740.77512.289243791130579&type=1&theater

Mula sa fb page na
“Stunning and Interesting Facts that you didn’t know.” http://www.facebook.com/photo.php?fbid=418697224851901&set=a.289245514463740.77512.289243791130579&type=1&theater

Ipininta ni Alfredo Esquillo batay sa mga larawan ni Alan Bengzon  ng modelo sa santo na si Ronak Tubid.  Nasa bungad na bulwagan ng Loyola School of Theology ng Pamantasang Ateneo de Manila.

Ipininta ni Alfredo Esquillo batay sa mga larawan ni Alan Bengzon ng modelo sa santo na si Ronak Tubid. Nasa bungad na bulwagan ng Loyola School of Theology ng Pamantasang Ateneo de Manila.

Ayon sa tala ni Padre Catalino G. Arevalo, S.J., katuwang si Pedro ng isang Heswitang si Blessed Diego Luis de San Vítores sa kanilang misyon ng pangangaral na nagsimula noong June 16, 1668 sa mga taga Marianas o Guam.  Kumbaga, “boy” lamang ni Father Diego si Pedro—katulong sa pagbuhat ng gamit at maaaring katulong din sa pangangaral.  Sa edad na 40, malabo na rin ang mata ng pari kaya baka katulong na rin niya sa pagbasa.  Oo, katulong lang siya, ngunit kahit na gayon, nang manganib ang buhay ng Pari, nagpakita siya ng ekstraordinaryong kabayanihan.

Blessed Diego de San Vitores.  Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Vaticano.

Blessed Diego de San Vitores. Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Vaticano.

San Pedro Calúngsod, obra na nasa Ristorante delle Mitre, kantina ng CBCP, sa Intramuros, Maynila.  Kuha ni Xiao Chua.

San Pedro Calúngsod, obra na nasa Ristorante delle Mitre, kantina ng CBCP, sa Intramuros, Maynila. Kuha ni Xiao Chua.

Nagpumilit si Padre Diego na binyagan ang isang batang anak ng isang kasike o Chamorro na si Matapang noong April 2, 1672.  Dahil sa angas-angasan na pinakalat ng isang kriminal na Tsino mula sa Maynila na si Choco na may lason ang pambinyag ng mga pari, sinabi ni Matapang, “Walang silbi ang binyag, pinapatay ninyo ang mga bata… Sawa na kami sa inyong binyag at aral.”  Sagot ng padre, “…Ayaw kong mamatay siyang di binyagan at hindi makarating sa langit.  Kung gusto mo patayin mo ako pagkatapos, ngunit hayaan mo munang binyagan ko ang bata.”  Kasama ang kaibigan na si Hirao na ayaw sanang patayin ang itinuturing niyang mabuting pari ngunit nabuyo nang tawaging “duwag,” kumuha sila ng mga sandata.   Nang lumusob ang dalawang Chamorro sa tabing dagat, si Pedro ang unang nakita at sinibat ng sinibat ngunit maliksi si Pedro at laging nakakaiwas.  Kung sinunod lamang nila ang payo na mag-armas sana naipagtanggol niya ang sarili at ang pari.  Sa huli tinamaan si Pedro sa dibdib.  Matapos nito, biniyak nila ng machete ang kanyang ulo.

Ang pagpatay kay San Pedro Calúngsod, mula sa komiks na Pedro Calúngsod:  A Youth for Christ.

Ang pagpatay kay San Pedro Calúngsod, mula sa komiks na Pedro Calúngsod: A Youth for Christ.

Ang pagkamartir ni Beato Diego Luis de San Vítores sa mga Isla ng Marianas (Guam), 2 Abril 1672.

Ang pagkamartir ni Beato Diego Luis de San Vítores sa mga Isla ng Marianas (Guam), 2 Abril 1672.

Nilapitan ni San Vitores si Pedro, binulungan ng ilang salita si Pedro matapos ay bumaling sa dalawa, itinaas ang krusipiho upang sila’y hikayating magsisi.  Kung paano pinatay si Pedro, ganoon din pinatay si Padre Diego.  Naunahan ni Pedro ang kanyang among pari sa pagkasanto nang aprubahan ng Vaticano ang isang milagrong kinakailangan—nang ang isa diumanong babaeng dineklara nang patay sa atake sa puso ay nabuhay nang ipanalangin siya ng doktor kay Pedro noong 2003.

Isang milyong tao ang dumalo sa misang pasasalamat para kay San Pedro Calúngsod na ginanap sa Lungsod ng Cebu at pinangunahan ni Ricardo Cardinal Vidal at Pangulong Noynoy Aquino, November 29, 2013.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Bahagi ng isang milyong dumalo sa misang pasasalamat para kay San Pedro Calúngsod sa Lunsod ng Cebu, November 29, 2012.

Bahagi ng isang milyong dumalo sa misang pasasalamat para kay San Pedro Calúngsod sa Lunsod ng Cebu, November 29, 2012.

Kung tutuusin, sa perspektibong Chamorro, maituturing pang kabayanihan ang ginawa nina Matapang at Hirao na nagtanggol sa kanilang kultura.  Ngunit huwaran din si Pedro, anuman ang ating pananampalataya, ng sinabi ni Hesus sa ebanghelyo, “Wala nang hihigit pang pag-ibig kaysa rito, na ang isang tao ay mag-alay ng kaniyang buhay para sa kaniyang mga kaibigan.” (Juan 15:13, SND).  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 12 October 2013)

Isang bata ang nagbibigay respeto sa batang santo mula sa Visayas, si San Pedro Calúngsod.  Mula sa Rappler.

Isang bata ang nagbibigay respeto sa batang santo mula sa Visayas, si San Pedro Calúngsod. Mula sa Rappler.

XIAOTIME, 19 March 2013: KORONASYON NG MGA SANTO PAPA NOONG UNANG PANAHON

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 19 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang bagong Santo Papa Francisco sa kanyang pagpapasinaya, March 19, 2013 sa Piazza San Pietro sa Lungsod ng Vaticano.

Ang bagong Santo Papa Francisco sa kanyang pagpapasinaya, March 19, 2013 sa Piazza San Pietro sa Lungsod ng Vaticano.

19 March 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=-4vCepmqFFE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Makasaysayan nga ang araw na ito, ngayong kapistahan ni San José ang ama-amahan ng ating Panginoong Hesukristo nakatakdang pasinayaan sa isang misa ang papasiya ng ating bagong Santo Papa, Jorge Mario Bergoglio—Pope Francis o Papa Francisco sa Piazza San Pietro sa Lungsod ng Vaticano.  Sa solemn inauguration na ito, isusuot sa bagong santo papa ang isang pallium—simbolo ng kanyang pagiging Obispo ng Roma, na may limang krus na sumisimbolo sa sinasabing limang pangunahing sugat ni Kristo, tatlo sa mga ito ay mayroong pins na kumakatawan sa mga pakong bumaon sa Panginoon.  Isusuot din sa kanya ang bagong-bago niyang “fisherman’s ring.”

Pallium na may disenyo ng limang krus at tatlong pins.  Sinusuot ng mga arsobispo, mga kardinal at santo papa.

Pallium na may disenyo ng limang krus at tatlong pins. Sinusuot ng mga arsobispo, mga kardinal at santo papa.

Isinuot kay Papa Francisco ang pallium, gawa sa balat ng tupa, simbolo ito na dala-dala niya sa balikat ang lahat ng kanyang mga tupang Katoliko bilang universal pastor ng mga ito.

Isinuot kay Papa Francisco ang pallium, gawa sa balat ng tupa, simbolo ito na dala-dala niya sa balikat ang lahat ng kanyang mga tupang Katoliko bilang universal pastor ng mga ito.

Ang bagong fisherman's ring ni Papa Francsico.

Ang bagong fisherman’s ring ni Papa Francsico.

Pagkakaiba ng kasuotan ng pagkasunod na papa.  Mula sa Reuters.

Pagkakaiba ng kasuotan ng pagkasunod na papa. Mula sa Reuters.

Noong unang panahon, may isa pang bahagi ng papal regalia ang isinusuot sa kanya.  Ito ang triregnumTriregnum?  Huh??? What’s that Pokemón???  Ito ang tatlong koronang suot ng mga papa noong unang panahon na tadtad ng hiyas.  Nasa tuktok nito ang orb ng mga hari at isang krus.

Ang tiara na isinusuot sa ulo ng poon ni San Pedro sa Vaticano.  Mula sa Bible Light homepage ni Michael Scheifler.

Ang tiara na isinusuot sa ulo ng poon ni San Pedro sa Vaticano. Mula sa Bible Light homepage ni Michael Scheifler.

Triregnum ni Papa Pio IX, 1877 (Pio Nono, sa kanya pinangalan ang tinapay).  Mula sa Bible Light homepage ni Michael Scheifler.

Triregnum ni Papa Pio IX, 1877 (Pio Nono, sa kanya pinangalan ang tinapay). Mula sa Bible Light homepage ni Michael Scheifler.

Kaya ito tatlo dahil kumakatawan daw ito sa tatlong awtoridad ng papa bilang pinuno ng Church militant sa lupa, ng Church penitent sa mga kaluluwa sa purgatoryo, at ang Church triumphant sa langit.  Kumakatawan din daw ito sa tatlong opisina ng Santo Papa bilang pari, propeta at pinuno.  Pinuno?  Yep.  Noong unang panahon, hindi lamang ang Lungsod ng Vaticano ang pinamumunuan ng Santo Papa, hari siya ng ilang mga estadong papal sa peninsula ng Italya.  Donasyon ang mga ito ni Pepin, ang hari ng mga Pranses at tatay ni Carlomagno, noong 754 at 756 matapos matalagang hari ng Santo Papa at masulatan diumano siya ng Apostol San Pedro mismo na ipagtanggol ang Roma.

Pepin The Short (Ang Bansot?), sinulatan raw siya ni San Pedro.  Ama ni Carlomagno.

Pepin The Short (Ang Bansot?), sinulatan raw siya ni San Pedro. Ama ni Carlomagno.

Carlomagno o Charlemagne, sa Ingles, Charles The Great.

Carlomagno o Charlemagne, sa Ingles, Charles The Great.

Ang koronasyon ni Pepin bilang unang tinalagang hari ng mga papa.

Ang koronasyon ni Pepin bilang unang tinalagang hari ng mga papa.

Donasyon ni Pepin, hari ng mga Pranses ang mga Estadong Papal sa Italya.

Donasyon ni Pepin, hari ng mga Pranses ang mga Estadong Papal sa Italya.

Ibig sabihin, hindi lang spiritual leaders ang mga papa, as in hari talaga sila na may temporal power.  May tinawag pang warrior pope, si Julius II na siya mismong nanguna sa laban upang ipagtanggol ang kanyang mga kaharian.

Papa Inocente III (1198–1216) nakasuot ng isang maagang toarang papal, sa isang fresco sa cloister ng Sacro Speco, mga 1219.  Mula sa Wikipedia

Papa Inocente III (1198–1216) nakasuot ng isang maagang tiarang papal, sa isang fresco sa cloister ng Sacro Speco, mga 1219. Mula sa Wikipedia

Papa Julius II, ang mandirigmang papa.

Papa Julius II, ang mandirigmang papa.

Isinusuot ang triregnum sa mga papa sa kanilang koronasyon habang binabasa sa kanila sa wikang Latin, “Tanggapin mo ang tiara na ito na may tatlong korona upang malaman mong ikaw ang ama ng mga prinsipe at mga hari, pinuno ng mundo sa daigdig, at kahalili ng ating Tagapagligtas na si Hesukristo…”

Si Papa Juan XXIII habang kumakaway sa mga tao matapos ang kanyang koronasyon.  Mula sa Bible Light homepage ni Michael Scheifler.

Si Papa Juan XXIII habang kumakaway sa mga tao matapos ang kanyang koronasyon. Mula sa Bible Light homepage ni Michael Scheifler.

Ang huling kinoronahan ng ganito ay si Pope Paul VI noong 1963, matapos nito, kanyang ninais na ibenta na lamang ang korona niya upang tumulong sa mga mahihirap.  Ang mga sumunod na papa ay hindi na nagpakorona bagama’t bahagi pa rin ito ng sagisag at bandila ng Papasiya kasama ng mga susi.

Papa Pablo IV sa pagkorona sa kanya noong 1963.

Papa Pablo IV sa pagkorona sa kanya noong 1963.

Pagpaparaya ng Papa Pablo VI sa kanyang triregnum.

Pagpaparaya ng Papa Pablo VI sa kanyang triregnum.

Si Papa Juan Pablo II sa kanyang inagurasyon, hindi na nagpakorona tulad ng naunang sa kanyang si John Paul I.

Si Papa Juan Pablo II sa kanyang inagurasyon, hindi na nagpakorona tulad ng naunang sa kanyang si John Paul I.

Si Papa Francisco at ang bandila ng Vatocano na may mga susi at triregnum pa rin.

Si Papa Francisco at ang bandila ng Vaticano na may mga susi at triregnum pa rin.

May mga nagsasabi na sa triregnum nakasulat daw ang titulo ng Santo Papa, VICARIVS FILII DEI o kahalili ng anak ng Diyos na kung bilangin ang mga letra sa Roman numeral ay 666 o marka ng Antikristo ayon sa aklat ng Apocalipsis ang lalabas.  Walang ebidensya ng ganitong tiara.

Mga mitre at triregnum.  Mula sa LIFE archives.

Mga mitre at triregnum. Mula sa LIFE archives.

Ang titulo raw ng papa na VICARIVS FILII DEI ay nakasulat sa isang triregnum.  Ito raw ang numero ng antikristo.  Walang ganitong tiara.

Ang titulo raw ng papa na VICARIVS FILII DEI ay nakasulat sa isang triregnum. Ito raw ang numero ng antikristo. Walang ganitong tiara.

Ang antikristo na may tatlong korona, pinapatamaan ang papa.

Ang antikristo na may tatlong korona, pinapatamaan ang papa.

Anuman, ang simpleng inagurasyon na gagawin ngayong araw ay katibayan ng nagbabagong mukha ng lumalaki pa rin na Iglesia Catolica Apostolica Romana.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)

39 Anuman, ang simpleng inagurasyon na gagawin ngayong araw

XIAOTIME, 6 March 2013: MAKULAY NA LAKBAY-ARAL SA TARLAC (Tarlac World History Tour)

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 6 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang arqueta na nagtataglay ng sinasabing isang piraso ng kahoy na nagmula sa mismong krus na pinagkamatayan ng ating Mahal na Panginoong Hesukristo na nakalagak ngayon sa Monasterio de Tarlac.

Ang arqueta na nagtataglay ng sinasabing isang piraso ng kahoy na nagmula sa mismong krus na pinagkamatayan ng ating Mahal na Panginoong Hesukristo na nakalagak ngayon sa Monasterio de Tarlac.

6 March 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=-BBxGjsSfdo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa subject na World History, kaiba sa mga iba pang mga subject sa paaralan, ang hirap umisip ng lakbay-aral para dito.  Hindi naman tayo puwedeng basta-basta tumungo lahat sa mga Pyramid sa Ehipto, o sa Great Wall of China!

Ang Lalawigan ng Tarlac

Ang Lalawigan ng Tarlac

Mayroon akong mungkahi.  Isang konseptong aking nilkha para sa World History na pupuntahan ang isang lalawigan na hindi gaanong naiisip sa mga lakbay-aral na ito—Ang lalawigan ng Tarlac!  Ito ang tinatawag kong “Tarlac World History Tour:  The Philippines and the World.”

Aquino Center, Tarlac City.

Aquino Center, Tarlac City.

05 Narito ang ilang mahahalagang memorabilia nina Ninoy at Cory Aquino

First stop:  Ang Aquino Center sa San Miguel, Tarlac City.  Narito ang ilang mahahalagang memorabilia nina Ninoy at Cory Aquino, ang mag-asawang naging inspirasyon ng People Power sa bansa noong 1986, kabilang na ang kanyang mga diary sa kulungan, at ang replica ng kulungang ito, at ang duguang damit na suot niya nang siya ay mamartir.

Pahina ng diary ni Ninoy sa kulungan na nakabukas sa unang araw ng kanyang hunger strike.  Panginoon ko, tanging si Cory lamang daw ang nakakaintindi ng sulat niya.  Kuha ni Xiao Chua, sa kagandahang loob ng Aquino Center.

Ang replica ng kulungan ni Ninoy sa Fort Bonifacio sa loob ng Aquino Center.  Cool.  Kuha ni Xiao Chua, sa kagandahang loob ng Aquino Center.

Ang replica ng kulungan ni Ninoy sa Fort Bonifacio sa loob ng Aquino Center. Cool. Kuha ni Xiao Chua, sa kagandahang loob ng Aquino Center.

Duguang white safari suit ni Ninoy nang siya ay mamartir noong August 21, 1983.

Duguang white safari suit ni Ninoy nang siya ay mamartir noong August 21, 1983.

Dito maaaring maikwento ang lugar ng ating People Power sa hanay ng mga kilusan para sa demokrasya sa daigdig, isang modelo nang matagumpay na mapayapang pagtatanggal sa isang diktadura na ginagaya hanggang ngayon ng ibang bansa.  Ang paggalang na ito ay makikita sa mga magagandang state gifts na ibinibigay noon sa Pangulong Cory ng iba’t ibang pinuno sa daigdig.

Ang tanda ng pagbibigay galang ng mga pinuno ng daigdig kay Cory:  Paggawad sa kanya ng order of chrysanthemum.  Kuha ni Karen Lacsamana-Carrera, manager ng Aquino Center.

Ang tanda ng pagbibigay galang ng mga pinuno ng daigdig kay Cory: Paggawad sa kanya ng order of chrysanthemum. Kuha ni Karen Lacsamana-Carrera, manager ng Aquino Center.

Kimona na inihandog kay Cory Aquino.

Kimona na inihandog kay Cory Aquino.

Ang Martin Luther King, Jr. Non-Violent Peace prize na iginawad kay Cory Aquino ng balo ng martir na si Coretta Scott-King.  Kuha ni Karen Lacsamana-Carrera, manager ng Aquino Center.

Ang Martin Luther King, Jr. Non-Violent Peace prize na iginawad kay Cory Aquino ng balo ng martir na si Coretta Scott-King. Kuha ni Karen Lacsamana-Carrera, manager ng Aquino Center.

Kamakailan lamang, bumisita ang mga kaguruan ng Miriam College sa pamumuno ni Dr. Victoria Apuan sa Aquino Center at nagpakuha ng retrato kasama ang lakbay-guro nilang si Xiao Chua, ang manager ng Aquino Center na si Karen Carrera, at ang dalawang bagong mga monumento nina Ninoy at Cory.

Second Stop:  Ang Tarlac Eco-Tourism Park.  Sa napakagandang pasyalan at simbahan na ito sa itaas ng isang bundok sa San José, Tarlac na ipinatayo ng yumaong gobernador ng Tarlac José “Aping” Yap makikita ang isang estatwa ni Hesukristo na katulad ng makikita sa Rio de Janeiro, at isang Monasterio na pinangangalagaan ng Servants of the Risen Christ kung saan maaaring masilayan at mahawakan ang arqueta na nagtataglay ng isa raw bahagi ng tunay na krus kung saan namatay ang mahal na Panginoon.

Monasterio de Tarlac sa tuktok ng isang bundok sa San Jose, Tarlac.  Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Monasterio de Tarlac sa tuktok ng isang bundok sa San Jose, Tarlac. Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Ang tanawin mula sa Monasterio.  Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Ang tanawin mula sa Monasterio. Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Yumaong Congressman Jose "Aping" V. Yap.

Yumaong Congressman Jose “Aping” V. Yap.

Ang Kapilya ng Banal na Krus kung saan matatagpuan ang arqueta na nagtataglay ng diumano'y bahagi ng orihinal na krus ni Kristo.

Ang Kapilya ng Banal na Krus kung saan matatagpuan ang arqueta na nagtataglay ng diumano’y bahagi ng orihinal na krus ni Kristo.

Altar ng kapilya ng banal na krus.

Si Xiao Chua habang nagdidiskurso ukol sa pagkamatay ni Hesukristo sa harapan ng altar ng kapilya ng banal na krus, July 6, 2011.

Larawan ng lalagyan ng bahagi ng sinasabing orihinal na krus ni Kristo na nasa loob ng arqueta.  Mula kay Virgilio "Ver" Buan.

Larawan ng lalagyan ng bahagi ng sinasabing orihinal na krus ni Kristo na nasa loob ng arqueta. Mula kay Virgilio “Ver” Buan.

Kuha ng mga estudyante ni Xiao, July 6, 2011.

Kuha ng mga estudyante ni Xiao, July 6, 2011.

Ang tanging Vatican-approved relic ng krus na nasa Asya na ipinaubaya sa atin ng isang nagsasarang monasteryo sa Alemanya noong 2005.  Dito maaaring talakayin ang halaga ng krus at ng mga holy relics na ito sa kasaysayan ng paglago Kristiyanismo, paano napadpad ang Katolisismo sa Pilipinas, at ang lugar natin bilang tanging Katolikong bansa sa Asya.

Ang Capas National Shrine na gumugunita sa Death March noong Abril 1942.  Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Ang Capas National Shrine na gumugunita sa Death March noong Abril 1942. Kuha ng mga estudyante ni Xiao.

Third Stop, Capas National Shrine, kung saan nagtapos ang 100 kilometrong kalbaryo ng mga sundalong Pilipino-Amerikano noong Abril 1942 na tinawag na “Death March.”  Dito sa Camp O’Donnell, maaaring ituro na sa kabila ng pagkasawing ito naipakita ang kabayanihan ng mga gerilyerong Pinoy na sa huli ay nagtagumpay din laban sa mga Hapones at nakapag-ambag sa buong pagwawagi ng digmaang Pasipiko.

Larawan ng pagsuko sa Bataan na sinundan ng pagpapalakad ng isandaang kilometro sa mga sundalong Pilipino-Amerikano, ang Death March.

Larawan ng pagsuko sa Bataan na sinundan ng pagpapalakad ng isandaang kilometro sa mga sundalong Pilipino-Amerikano, ang Death March.

Ang dustang kalagayan ng mga sundalong Pilipino-Amerikano sa concentration camp ng mga Hapones sa Kampo O'Donnell, Capas, Tarlac.  Kumalat ang mga sakit dahil sa masikip na pinagkakasya sila sa mga barracks.  Mula sa Pambansang Sinupan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Ang dustang kalagayan ng mga sundalong Pilipino-Amerikano sa concentration camp ng mga Hapones sa Kampo O’Donnell, Capas, Tarlac. Kumalat ang mga sakit dahil sa masikip na pinagkakasya sila sa mga barracks. Mula sa Pambansang Sinupan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Ang mahabang prusisyon ng mga namamatay sa Kampo O'Donnell, mas matindi pa kaysa sa Death March.

Ang mahabang prusisyon ng mga namamatay sa Kampo O’Donnell, mas matindi pa kaysa sa Death March.

34 sa buong pagwawagi ng digmaang Pasipiko

Ang mga pangalan ng mga lumaban noong digmaan ay nakaukit sa itim na mga bato sa paligid ng malaking monumento.  Nahanap ang mga pangalan sa pananaliksik ni Dr. Ricardo Trota Jose.  Kuha ni Xiao Chua

Ang mga pangalan ng mga lumaban noong digmaan ay nakaukit sa itim na mga bato sa paligid ng malaking monumento. Nahanap ang mga pangalan sa pananaliksik ni Dr. Ricardo Trota Jose. Kuha ni Xiao Chua

35 Makikita sa paligid ng mataas na monumento

Makikita sa paligid ng mataas na monumento ang pangalan ng mga Pilipinong lumaban sa digmaan.  Ang mga lakbay-aral ay isang lehitimong gawain na pinahihintulutan dahil alam naman natin na ang edukasyon ay hindi dapat magtapos sa apat na sulok ng klasrum, lalo na kung ito ay responsableng ginagawa.

Ang mga estudyante ni Xiao Chua sa De La Salle University sa plaza ng Lungsod ng Tarlac, July 6. 2011.

Ang mga estudyante ni Xiao Chua sa De La Salle University sa plaza ng Lungsod ng Tarlac, July 6. 2011.

Hindi naman makatwiran na tuluyang ipagbawal ito dahil itinataguyod din nito ang kabuhayan ng dulot ng lokal na turismo, at iilan lamang naman na malungkot na insidente ng aksidente ang nangyari.  Hindi ba’t hindi naman kailangan sunugin ang buong bahay kung inanay lang naman ang isang bahagi nito?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

XIAOTIME, 26 February 2013: ILANG TRIVIA TUNGKOL SA MGA “SANTO PAPA”

Broadcast of Xiaotime news segment last Tuesday, 26 February 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ngayon pa lang magkakaroon ng Santo Papa na bibitawan ang kanyang trono matapos ang anim na daang taon.

Ngayon pa lang magkakaroon ng Santo Papa na bibitawan ang kanyang trono matapos ang anim na daang taon.

26 February 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=MU9jRIkWczI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Dalawang araw na lamang, magkakaroon ng isang tunay na makasaysayang araw.  Isang santo papa ang magbibitiw!

Gregory XII.  Mula sa Wikipedia

Gregory XII. Mula sa Wikipedia

Palasyo ng mga Papa sa Avignon, Pransya na naging karibal ng papa sa Italya

Palasyo ng mga Papa sa Avignon, Pransya na naging karibal ng papa sa Italya

Nangyari lamang ito mga 600 years ago nang mag-resign si Pope Gregory XII upang tapusin na ang pagkakahati sa Simbahang Katoliko na nagkaroon ng dalawang magkatunggaling santo papa na nakatira sa Pisa, Italya at Avignon sa Pransya mula 1378 hanggang 1417.  Bagama’t karamihan ng mga santo papa ay tunay na mga banal, masalimuot ang kasaysayan ng papasiya.

Benedict IX.  Mula sa Wikipedia

Benedict IX. Mula sa Wikipedia

Ang itinuturing na unang recorded na Santo Papa na nagbitiw ay si Benedict IX na siya ring papa na tatlong beses na naupo sa posisyon.  Naging santo papa bilang teenager.  Dahil sa kanyang iskandalosong buhay at sinasabing siya ang pinakaunang bukas na baklang papa, dalawang beses pinatalsik sa Roma ngunit nakababalik.  Nagbitiw siya sa pagkapapa noong 1045.  Sa pagnanais daw na mag-asawa, ibinenta niya ang kanyang pagkapapa sa kanyang ninong, ang pious priest na si John Gratian.

John Gratian (Gregory VI).  Mula sa Wikipedia.

John Gratian (Gregory VI). Mula sa Wikipedia.

Ang tawag dito ay simoniya, mula sa tangkang pagbili ni Simon Mago sa kapangyarihan ni San Pedro bilang apostol sa aklat ng Gawa ng mga Apostoles.  Kaya naging Pope Gregory VI ang ninong niya.  Ngunit, tila naudlot ang kanyang kasal at nag-iba ng isip ukol sa pagbibitiw, muli niyang ninais bawiin ang kanyang trono.  Nagbitiw din ang ninong niya at kumuha siya ng tiyempo upang agawin ang Palasyo ng Laterano upang maging papa muli, ngunit pinatalsik na siya ng mga puwersang Aleman matapos muli ang ilang buwan noong 1048.

Simbahan ng Laterano.

Simbahan ng Laterano.

Ayon sa Catholic Encyclopedia, si Benedict ay isang “disgrace to the Chair of Peter.”  Malayo sa pagiging santo, kahiya-hiya pala ang lolo mo.  Isa pang itinuturing na masamang papa ay si Pope Alexander VI Borgia, bagama’t kinikilala ngayon na magaling na administrador at diplomat, namuhay na mayroong mga kabit at mga anak.

Alejandro VI Borgia.  Ang lolo mo ang naghati ng mundo para sa mga Espanyol at mga Portuges sa Papal Bull na Inter Caetera.  May konek pala siya sa kolonisasyon ng Pilipinas.  Mula sa Wikipedia.

Alejandro VI Borgia. Ang lolo mo ang naghati ng mundo para sa mga Espanyol at mga Portuges sa Papal Bull na Inter Caetera. May konek pala siya sa kolonisasyon ng Pilipinas. Mula sa Wikipedia.

Si Papa Alejandro Borgia gawa ni Pinturicchio.  Mula sa Wikipedia.

Si Papa Alejandro Borgia gawa ni Pinturicchio. Mula sa Wikipedia.

Isa sa kanyang mga anak na ginawa niyang kardinal sa edad na 18, si Cesare Borgia, na unang nagresign din sa posisyong iyon sa kasaysayan upang maging isang heneral at pinuno ng mga hukbo ng mga estadong papal.  Noon kasi, may mga teritoryong pulitikal ang santo papa.  Pinabitay din ng ama niyang si Pope Alexander ang kritiko niyang si Girolamo Savonarola.

"Lady with Unicorn", sinasabing larawan ni Giulia Farnese, paboritong kabit ni Alejandro VI at sinasabing ipininta ni Raphael.

“Lady with Unicorn”, sinasabing larawan ni Giulia Farnese, paboritong kabit ni Alejandro VI at sinasabing ipininta ni Raphael.

Cesare Borgia, Duke ng Valentinois.  Mula sa Wikipedia.

Cesare Borgia, Duke ng Valentinois. Mula sa Wikipedia.

Girolamo Savonarola.  Mula sa Wikipedia

Girolamo Savonarola. Mula sa Wikipedia

Niccolò Machiavelli, awtor ng the Prince na inialay niya kay Cesare Borgia.  Ang aklat ang handbook ng mga diktador kung saan niya sinabi na "The end justifies the means."  Mula sa Wikipedia.

Niccolò Machiavelli, awtor ng the Prince na inialay niya kay Cesare Borgia. Ang aklat ang handbook ng mga diktador kung saan niya sinabi na “The end justifies the means.” Mula sa Wikipedia.

Nang mamatay ang nasabing papa noong 1503, kakatwa ang naging bilis ng pagkabulok ng kanyang bangkay noong lamay.  Ayon kay Niccolò Machiavelli sa The Prince, isang handbook ng mga diktador na inalay niya sa anak ng papa na si Cesare, inilarawan niya si Alexander bilang korap na pulitiko na nuknukan ng kawalang dangal, wala raw ginawa kundi linlangin ang taumbayan.

Sagisag ng Sede Vacante:  Payong at mga susi na walang sagisag ng papa.  Mula sa bahay-dagitab ng Vatican.

Sagisag ng Sede Vacante: Payong at mga susi na walang sagisag ng papa. Mula sa bahay-dagitab ng Vatican.

Nga pala, noon, kapag Sede Vacante o walang santo papang nakaupo sa upuan o Cathedra ni San Pedro, may “tradisyon” ng karahasan o rioting dahil marahil sa lumbay o pagkalito.  Nagkaroon pa ng conclave na dalawang taon at siyam na buwan ang itinagal mula 1268-1271.  Hindi talaga pinalabas ng mga tao hanggat hindi nakaboto ng bagong papa ang mga kardinal.  Pasalamat tayo at iba na ang panahon ngayon.  Pahabol, yung narinig niyo sa ilan sa media na may isang babaeng santo papa na tinawag na Pope Joan, na nagpanggap na lalake, at sa gitna ng prusisyon ay nanganak, tsaka pinatay ng mga Romano, ay walang batayang historikal.  Fake.

Papesse Jeanne (Popesa Joan).  Mula sa Wikipedia.

Papesse Jeanne (Popesa Joan). Mula sa Wikipedia.

Ang panganganak sa isang prusisyon ni Popesa Joan sa harap ng madla.  Matapos nito siya ay pinatay na ng mga tao.  Mula sa Wikipedia.

Ang panganganak sa isang prusisyon ni Popesa Joan sa harap ng madla. Matapos nito siya ay pinatay na ng mga tao. Mula sa Wikipedia.

Tanggapin natin, bagama’t pinaniniwalaang infallible o hindi maaaring magkamali ang mga papa pagdating sa doktrina, ang simbahan rin ay isang institusyon ng mga tao.  At kung sila ay hinahayaan ng Panginoon na magkamali, baka may dahilan Siya o aral na nais ituro sa atin.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)

XIAOTIME, 18 February 2013: PASYON AT EDSA REVOLUTION

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 18 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Pasyon at EDSA Revolution:  Si Ninoy at ang Inang Bayan bilang Pieta ng banal na mag-ina.  Regalo sa mga Aquino na nakalagak ngayon sa The Aquino Center sa San Miguel, Tarlac City.  Kuha ni Xiao Chua.

Pasyon at EDSA Revolution: Si Ninoy at ang Inang Bayan bilang Pieta ng banal na mag-ina. Regalo sa mga Aquino na nakalagak ngayon sa The Aquino Center sa San Miguel, Tarlac City. Kuha ni Xiao Chua.

18 February 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=xZu7E45L6O0

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ilang araw na lamang mula ngayon, atin nang ipagdiriwang ang 27th anniversary ng Himagsikang People Power o Kapangyarihang Bayan sa EDSA noong 1986.  Kamakailan lamang noong February 8-9, ginanap sa Ateneo de Manila University ang isang pandaigdigang kumperensya na nagpupugay sa kontribusyon ng historyador na si Dr. Reynaldo Ileto at sa kanyang aklat na Pasyon and Revolution, Popular Movements in the Philippines, 1840-1910.

Xiao Chua at Dr. Rey Ileto (pangalawa mula kaliwa), kasama sina Prop. Atoy Navarro at Dr. Zeus Salazar, Kenny Roger's Katipunan.  Kuha ni Dr. Preciosa de Joya.

Xiao Chua at Dr. Rey Ileto (pangalawa mula kaliwa), kasama sina Prop. Atoy Navarro at Dr. Zeus Salazar, Kenny Roger’s Katipunan. Kuha ni Dr. Preciosa de Joya.

Ang kopya ni Xiao Chua ng Pasyon and Revolution ni Reynaldo Ileto.

Ang kopya ni Xiao Chua ng Pasyon and Revolution ni Reynaldo Ileto.

Opisyal na backdrop ng kumperensyang nagpupugay kay Dr. Reynaldo C. Ileto.  Rip-off ng pabalat ng pamosong libro.

Opisyal na backdrop ng kumperensyang nagpupugay kay Dr. Reynaldo C. Ileto. Rip-off ng pabalat ng pamosong libro.

Bago ang panahon ni Sir Rey, ang mga historyador ay napako sa posistibistang dictum “No documents, no history,” kaya puro pulitikal na kasaysayan ang lumilitaw gamit ang mga tradisyunal na batis at mga nakasulat na dokumento na siyempre, sinulat ng mga edukado at elit.  Si Sir Rey ang isa sa unang pagpakita sa atin sa pamamagitan ng pagbasa sa mga literatura, tula at awit na nilikha at binasa ng mga kilusang bayan sa panahong iyon, makikita natin ang tunay na saloobin at kaisipan ng bayan.  Ang tawag dito ay “history from below.”

Ang pagtangkilik ng bayan sa Pasyong Mahal ni Hesukristo sa mga pabasa tuwing mahal na araw.  Kuha ni Sidney Snoeck.

Ang pagtangkilik ng bayan sa Pasyong Mahal ni Hesukristo sa mga pabasa tuwing mahal na araw. Kuha ni Sidney Snoeck.

Kopya ni Xiao Chua ng Pasyong Mahal.

Kopya ni Xiao Chua ng Pasyong Mahal.

Nakumpiskang anting-anting na nakasuot sa Katipunero.

Nakumpiskang anting-anting na nakasuot sa Katipunero.

Ang nakumpiskang anting-anting ni Macario Sakay na nakalagak sa isang artsibo sa Estados Unidos.  Mula sa Pasyon and Revolution.

Ang nakumpiskang anting-anting ni Macario Sakay na nakalagak sa isang artsibo sa Estados Unidos. Mula sa Pasyon and Revolution.

Kung ganito ang lenteng ating gagamitin, ang isang himagsikan ay hindi lamang tunggalian ng mga uri, ng mayaman, mahirap at mga pulitikal na mga pwersa, kundi isa ring kultural na pangyayari.  Dito natin naintindihan na kaiba sa pagbasa ng mga Marxista na ang relihiyon ang opyo ng lipunan at nakakapagpapigil sa pag-unlad ng tao, kung titingnan ang kaisipan ng bayan, ang kanilang mga paniniwala ay instrumental pa nga upang palakasin ang kanilang loob at bigyan sila ng pag-asa sa kanilang pakikibaka.

Karl Marx

Karl Marx

Kung titingnan, sa Katipunan, hindi nawawala ang esprituwalidad, hanggang sa Himagsikang EDSA lumitaw ang naratibo ng Pasyon.  Na para sa mga tao, laban ito ng mabuti at masama.  Na ang sakripisyo nina Rizal at Ninoy para sa bayan ay tulad din ng pagsasakripisyo ni Hesus.  Ang Inang Bayan ay ang Mahal na Birhen.  Kaya sa EDSA, naroon ang mga rosaryo, ang Birheng Maria, mga krus at Bibliya.  Mga pari, madre, layko, maging mga Muslim na nakaluhod sa harap ng tangke, nananalangin.

Medieval morality play:  Laban ng masama at mabuti.  Mula sa Nine Letters.

Medieval morality play: Laban ng masama at mabuti. Mula sa Nine Letters.

Ang paralelismo na ibinigay ng bayan:  Si Jose Rizal at Ninoy Aquino.  Mula sa Mr. & Ms. Special edition.

Ang paralelismo na ibinigay ng bayan: Si Jose Rizal at Ninoy Aquino. Mula sa Mr. & Ms. Special edition.

Inang Maria sa gitna ng Himagsikang EDSA 1986.

Inang Maria sa gitna ng Himagsikang EDSA 1986.

Isang babaeng nagrorosaryo habang nakaluhod sa isang tangke noong Himagsikang EDSA.  mula sa James Reuter Foundation.

Isang babaeng nagrorosaryo habang nakaluhod sa isang tangke noong Himagsikang EDSA. mula sa James Reuter Foundation.

Banal na Bibliya sa EDSA.  Mula sa People Power The Filipino Experience.

Banal na Bibliya sa EDSA. Mula sa People Power The Filipino Experience.

Ang mga tao habang nakaluhod sa harapan ng tangke.  Mula sa Nine Letters.

Ang mga tao habang nakaluhod sa harapan ng tangke. Mula sa Nine Letters.

Mayaman o mahirap man, tila lumitaw ang ganitong kaisipan.  Nagbigay ako ng presentasyon sa nasabing kumperensya ukol sa aking pag-aaral ng nagpapatuloy na tradisyon ng pagsasadula ng mga urban poor sa Metro Manila sa kalsada tuwing Pasko at Mahal na Araw.  Sa Panuluyan, kanilang nakikita na matapos maghanap ang banal na mag-asawa ng mapagsisilangan kay Hesus, nakahanap din sila.  Sa Kalbaryo, sa kabila ng matinding pagdurusa at hilahil ng mahal na Panginoon, matapos ang tatlong araw, nabuhay din siyang muli.

Xiao Chua, Dr. Rey Ileto, at kanyang mga nakasama sa sesyon, February 9, 2013.

Xiao Chua, Dr. Rey Ileto, at kanyang mga nakasama sa sesyon, February 9, 2013.

26 ukol sa aking pag-aaral ng nagpapatuloy na tradisyon ng pagsasadula ng mga urban poor sa Metro Manila

Panunuluyan ng mga Maralitang Tagalungsod, December 2011, Plaza Hernandez, Tondo Maynila.  Kuha ni Xiao Chua.

Panunuluyan ng mga Maralitang Tagalungsod, December 2011, Plaza Hernandez, Tondo, Maynila.  Itinataguyod sa pamumuno ng TriCorps kasama ang Urban Poor Associates. Kuha ni Xiao Chua.

Panunuluyan ng mga Maralitang Tagalungsod, December 2011, Plaza Hernandez, Tondo Maynila.  Kuha ni Xiao Chua.

Panunuluyan ng mga Maralitang Tagalungsod, December 2011, Plaza Hernandez, Tondo Maynila. Kuha ni Xiao Chua.

Pagbubuhat ng napakalaking krus.  Kalbaryo ng mga Maralitang Tagalungsod, April 2011, Quiapo.  Kuha ni Xiao Chua.

Pagbubuhat ng napakalaking krus. Kalbaryo ng mga Maralitang Tagalungsod, April 2011, Quiapo. Kuha ni Xiao Chua.

Mga maralitang nakamaskara ng Kristo.  Kalbaryo ng mga Maralitang Tagalungsod, April 2011, Quiapo.  Kuha ni Xiao Chua.

Mga maralitang nakamaskara ng Kristo. Kalbaryo ng mga Maralitang Tagalungsod, April 2011, Quiapo. Kuha ni Xiao Chua.

Nagbibigay ito ng mensahe na may pag-asa sa maralita ng disenteng tahanan at tunay na kaginhawaan.  Kaya nagpapadayon at nagpapatuloy lamang sila makibaka.  Kung tutuusin, ang ipinakita ni Sir Rey sa Pasyon and Revolution ay patuloy na makikita at lalong napapatunayan sa dami ng mga pag-aaral na inangkla sa kanyang sinumulan.

Reynaldo C. Ileto

Reynaldo C. Ileto.  Mula sa Philippine Studies.

Sir Rey, salamat po at itinuro niyo sa aming mga historyador na bago namin pakinggan ang ibang tao, pakinggan muna dapat namin ang tinig ng mga maliliit ar ordinaryong tao.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Leong Hall, ADMU, 8 February 2013)

XIAOTIME, 14 February 2013: PAG-IBIG SA KATIPUNAN

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 14 February 2013, at News@1 at News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Puso.  Mula sa poster ni Mayo Baluyut.

Puso. Mula sa poster ni Mayo Baluyut.

14 February 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=a51zLDW95Z4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayon po ay araw ng mga puso na itinaon sa St. Valentine’s Day.  Ang kwento sa amin noong bata kami, namartir ang obispo ng Roma na si Valentinius dahil sa pagkasal at pagkalinga sa mga Kristiyano na noon ay ipinagbabawal ng emperyo.  Actually, dalawa talaga ang santong may pangalang Valentinius.

San Valentino ng Roma

San Valentino ng Roma

Ngunit noong 1969, tinanggal sa kalendaryo ng mga pistang ipinagdiriwang sa buong mundo ang araw ni St. Valentinius dahil ayon sa Vatican, wala naman talaga tayong historikal na nalalaman sa taong ito kundi siya ay inilibing sa Via Flaminia on February 14.

Bungo ni St. Valentine.  Mula sa Sacred Destinations.

Bungo ni St. Valentine. Mula sa Sacred Destinations.

Tsk.  Gayundin, taliwas sa sinasabi ng iba na may kinalaman Ang Valentine’s Day sa paganong pista ng fertility, Lupercalia, na ipinagdiriwang ng Ferbruary 13-15 noon, wala namang romantikong konotasyon ang pista ni St. Valentinius hanggang isulat ni Geoffrey Chaucer noong 1382 ang isang tula para sa unang anibersaryo ng engagement ng hari ng Inglatera na nagsasabing, “For this was on Saint Valentine’s Day, when every bird cometh there to choose his mate.” Ayun, ganun pala nakabit ang araw na ito sa pag-ibig at mga puso. Kailangan ding liwanagin na sa mga tipikal na depiksyon kay St. Valentinius, hindi puso at mga puso, rosas at kupido ang kasama nito kundi hawak nito ang isang espada!

Ang orgy sa fertility feast na Lupercalia ng Romano.  Mula sa naturalbookcraft.wordpress.com.

Ang orgy sa fertility feast na Lupercalia ng Romano. Mula sa naturalbookcraft.wordpress.com.

Geoffrey Chauser

Geoffrey Chauser

Mga kung anu-anong kasweetan:  tsokolate, puso, pagmamahal.  Mula sa Wikipedia.

Mga kung anu-anong kasweetan: tsokolate, puso, pagmamahal. Mula sa Wikipedia.

Antique Valentine's Card.  Mula sa Wikipedia.

Antique Valentine’s Card. Mula sa Wikipedia.

St. Valentine.  Mula sa Saints:  A Visual Guide.

St. Valentine. Mula sa Saints: A Visual Guide.

Dito naman sa Pilipinas, punong-puno pala ng mensahe ng pag-ibig ang rebolusyunaryong samahan ni Andres Bonifacio, ang Katipunan.  Huh?  Hindi ba wala namang gusto ang Katipunan kundi pumatay ng mga Espanyol at maging bayolente??? Well, ayon sa pag-aaral nina Bomen Guillermo, Atoy Navarro, at Mary Jane Rodriguez-Tatel, makikita sa mga literature na isinulat sa loob ng Katipunan na pangunahing itinuturo sa mga Katipon, may tatlong uri ng pag-ibig:  Pag-ibig sa Maykapal, pag-ibig sa Inang Bayang Tinubuan, at pag-ibig sa kapwa (kabilang na ang sa kapatid, kabiyak, at sa kaibigan).

Pabalat ng Wika, Panitikan, Sining at Himagsikan na inedit nina Atoy Navarro at Raymund Arthur Abejo at inilathala ng UP LIKAS kung saan matatagpuan ang sanaysay na "Pag-ibig sa Katipunan"

Pabalat ng Wika, Panitikan, Sining at Himagsikan na inedit nina Atoy Navarro at Raymund Arthur Abejo at inilathala ng UP LIKAS kung saan matatagpuan ang sanaysay na “Pag-ibig sa Katipunan” nina Bomen Guillermo, Atoy Navarro at Mary Jane Rodriguez.

Ang Kartilya ni Emilio Jacinto ay nagtuturo ng pag-ibig sa kapwa at paggalang sa kababaihan, na wala nang hihigit pa kung hindi ang pag-ibig sa tinubuang lupa.  Paalala ni Andres Bonifacio, “Sumampalataya sa MayKapal ng taimtim sa puso at gunamgunamin sa sarili tuina, na ang matapat na pag sampalataya sa Kanya ay ang pag ibig sa lupang tinubuan, sa pagkat ito ang tunay na pag ibig sa kapwa.”

Emilio Jacinto

Emilio Jacinto

Andres Bonifacio

Andres Bonifacio

At sa limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan ni Jacinto, binanggit sa isang talata, “Dito’y isa sa mga kaunaunahang utos ang tunay na pag-ibig sa bayang tinubuan at lubos na pagdadamayan ng isa’t isa.”  Ang pangunahing aral ng Katipunan ay hindi ang makipagdigma lamang, kundi ang umibig.

Limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan ni Jacinto.  Mula sa Tragedy of the Revolution.

Limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan ni Jacinto. Mula sa Tragedy of the Revolution.

Kaya naman pala pusong mamon tayong mga Pilipino pagdating sa pag-ibig, kahit sa preyambolo ng ating Saligang Batas 1987, nakatatak ang salitang “pag-ibig,” na sinasabing natatangi sa lahat ng mga konstiitusyon sa daigdig.

Ang preambolo ng Saligang Batas ng 1987:  Mayroong salitang "love.

Ang preambolo ng Saligang Batas ng 1987: Mayroong salitang “love.

Mga sawi:  Kulaog Band ng Pusong Bato fame.

Mga sawi: Kulaog Band ng Pusong Bato fame.

Kaya naman, sa mga nasa bahay lamang, walang date ngayong gabi kaya pinapanood niyo ako ngayon, ok lang yan!  Mahalin na lang natin ang bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Razon’s, UP-Ayala Technohub, 5 February 2013)

XIAOTIME, 13 February 2013: ANO NGA BA ANG ANG KAHULUGAN NG ASH WEDNESDAY AT ANG KAUGNAYAN NITO SA KATUTUBONG PANINIWALA

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 13 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ash Wedensday sa Baclaran.  Mula sa http://flickr.com/photos/johnhanscom/.

Ash Wedensday sa Baclaran. Mula sa http://flickr.com/photos/johnhanscom/.

13 February 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=A4Bzz25m-MU

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayon po ay Ash Wednesday, ang simula ng kuwaresma.  Na nagpapaalala sa atin na sa abo tayo ay nagmula at sa abo rin magbabalik (Genesis 3:9).

Genesis 3:9 sa Wikang Latin.

Genesis 3:9 sa Wikang Latin.

Nakakatuwang malaman na ang mga abo na ginagamit ng pari sa ating noo sa araw na ito ay nanggaling sa mga palaspas na binasbasan noong Domingo de Ramos o Palm Sunday noong nakaraang taon!  Kailangang banggitin na ang ating mga palaspas ay hindi lamang paggunita sa maluwalhating pagpasok ni Hesus sa Herusalem kundi anting-anting ito laban sa masama at sa kidlat!

Domingo de Ramos sa Pilipinas.  Mula sa manila-beyond.blogspot.com.

Domingo de Ramos sa Pilipinas. Mula sa manila-beyond.blogspot.com.

Linggo ng Palaspas.  Mula sa isang palabas sa teatro.  Kuha ni richardbalonglong.multiply.com

Linggo ng Palaspas. Mula sa isang palabas sa teatro. Kuha ni richardbalonglong.multiply.com

Diyan natin makikita na ang Katolisismo na pamana sa ating ng mga Espanyol ay humahalo sa dati na nating pananampalatayang bayan.  Ang tawag sa sinkretismo o paghahalo na ito ay Folk Catholicism.  Isa pang manipestasyon ng pagpapatuloy at pananatili ng pananampalatayang bayan sa kabila ng Katolisismo ay ang mga Rizalista.  Huh?  Pagsamba kay Rizal?  Weird!!!

Si Rizal bilang Kristong Tagalog.  Mula sa lfrbonn.blogspot.com.

Si Rizal bilang Kristong Tagalog. Mula sa lfrbonn.blogspot.com.

Ang Samahang Sagrada Familia ng Calamba, Laguna sa pangunguna ni Nanay Gloria Bibat.  Kuha ni Dennis Villegas.

Ang Samahang Sagrada Familia ng Calamba, Laguna sa pangunguna ni Nanay Gloria Bibat. Kuha ni Dennis Villegas.

Pero sa totoo lang, hindi dapat sila tawaging weird o sa negatibong tawag na kulto.  Sapagkat ayon sa ilang iskolar, lalong-lalo na sina Floro Quibuyen, Prospero Covar, Zeus Salazar at Nilo Ocampo, pinakikita ng mga Rizalista ang nagpapatuloy na diwa ng katutubong pananampalataya—ang pagsasamahan batay sa kapatiran, paniniwala sa kaluluwa o anito, mga anting-anting, paniniwala sa mga banal na tinig, ginagamit ang mga kweba at pagsamba sa kabundukan sa paniniwalang ang kalikasan ay tahanan ng mga anito at iba pang paniniwala na nag-uugat sa kwentong bayan.

Mga koleksyon ng anting-anting ni Zeus A. Salazar.  Kuha ni Xiao Chua.

Mga koleksyon ng anting-anting ni Zeus A. Salazar. Kuha ni Xiao Chua.

Bundok Banahaw.  Ang Bagong Herusalem sa mga Rizalista.  Mula kay mirageide

Bundok Banahaw. Ang Bagong Herusalem sa mga Rizalista. Mula kay mirageide.

Sa pagdating ng mga Espanyol, inangkin ng ilan sa mga samahan na namundok ang Katolisismo habang ipinagpapatuloy ang mga dating gawi.  Nang mamatay si Dr. José Rizal, dahil sa kanyang tindig laban sa mga Espanyol, tila ginawa siyang anito ng mga samahan, isang anito na hindi namatay kundi nabubuhay, isang Kristong Tagalog!

Si Rizal bilang Kristong Kayumanggi.  Kuha ni Dennis Villegas.

Si Rizal bilang Kristong Kayumanggi. Kuha ni Dennis Villegas.

Isa pang diwa ng pananampalatayang bayan na nagpapatuloy sa mga samahan at kapatiran ay ang pagkakaroon ng mga pinunong babae.  Tandaan natin na sa Katolisismo, hindi maaaring maging mga pari o obispo ang mga babae.  Ngunit tulad ng sabay na paglabas ng lalaki at babae sa kawayan sa ating mga mito ng pinagmulan, may semblance ng pagkakapantay-pantay sa kasarian.

Malakas at Maganda ni Nestor Redondo.

Malakas at Maganda ni Nestor Redondo.

Babaylan.  Guhit ni Christine Bellen.

Babaylan. Guhit ni Christine Bellen.

Nanay Mercedes, ang Durable ng Sta. Lucia, Dolores, Quezon.

Nanay Mercedes, ang Durable ng Sta. Lucia, Dolores, Quezon.

Monumento ni Gabriela Silang sa Makati.  Mula sa Ayala Triangle.

Monumento ni Gabriela Silang sa Makati. Mula sa Ayala Triangle.

One Billion Rising.

One Billion Rising.

Kaya may mga babaylan o katalonan, kaya ang mga manang ay astig na mga babae, kaya uso dito ang mga ander na lalaki, kaya mayroon tayong mga Gabriela Silang, Teresa Magbanua, Trinidad Tecson, Tarhata Kiram at Cory Aquino.  Bukas titindig ang isang bilyong kababaihan sa daigdig to strike, dance, rise.

Si Xiao Chua at si Nanay Isabel Suarez, ang "Suprema" ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mystica de Dios.

Si Xiao Chua at si Nanay Isabel Suarez, ang “Suprema” ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mystica de Dios.

Ang loob ng Simbahan ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mystica de Dios.  Kuha ni Sidney Snoeck.

Ang loob ng Simbahan ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mystica de Dios. Kuha ni Sidney Snoeck.

Reyna Yolanda Manalo, Pinuno ng Celyo Rizal, Incorporada, ang pampbansang pederasyon ng mga Rizalista.

Reyna Yolanda Manalo, Pinuno ng Celyo Rizal, Incorporada, ang pampbansang pederasyon ng mga Rizalista.

Ang mga pinunong Rizalista na nagtataglay ng diwa ng babaylan na aking nakilala ay sina Nanay Isabel Suarez ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mystica de Dios at si Reyna Yolanda Manalo ng Celyo Rizal, Incorporada, ang Pambansang Pederasyon ng mga Rizalista.  Napagkaisa ni Reyna Yolanda ang mga hiwa-hiwalay na grupo sa pagpapakita na ang mga tingting ay walang magiging silbi kung hindi magsasama-sama bilang isang walis.  Siya ang nanguna sa pagtatanghal ng pinakamalaking bandilang tao at mapang tao ng Pilipinas tuwing kaarawan ni Rizal.  Nakita ko mismo ang reyna habang itinatanghal ang kanyang pakikipag-usap sa mga kaluluwa, at kanyang sinabi ang mensahe ng espiritu, “Ang panginoong Diyos, ang Inang Bayan, at si José Rizal ay iisa!”  Malalim ang mensaheng ito na may malaking katotohanan, sa Rizalista napag-isa ang sinaunang bayan, ang katolisismo at ang pagmamahal sa bayan ni Rizal.

Ang sagisag ng Celyo Rizal, Inc.

Ang sagisag ng Celyo Rizal, Inc.

Ang pakikipag-usap ni Reyna Yolanda sa espiritu.  Calamba, Laguna, June 18, 2009.

Ang pakikipag-usap ni Reyna Yolanda sa espiritu. Calamba, Laguna, June 18, 2009.

Si Xiao Chua at si Reyna Yolanda noong ika-150 kaarawan ni Jose Rizal sa Calamba, Laguna, June 19, 2011.

Si Xiao Chua at si Reyna Yolanda noong ika-150 kaarawan ni Jose Rizal sa Calamba, Laguna, June 19, 2011.

Happy 60th Birthday Reyna Yolanda sa linggo, February 17!  Sana maisapuso namin ang halimbawa ninyong mga Rizalista—na kung tunay naming mahal ang Panginoon, mahal din namin si Inang Pilipinas.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Leong Hall, ADMU, 8 January 2013)

XIAOTIME, 8 February 2013: SINO SI PADRE JOSÉ BURGOS?

Broadcast of Xiaotime news segment last Friday, 8 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

José Apolonio Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

José Apolonio Burgos. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

8 February 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=NCIx_f72m_o

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Para sa ating mga guro sa kasaysayan, bisitahin po natin ang filipinana.net, ang corporate social responsibility component ng Vibal Publishing, Inc., na nagbibigay ng libreng mga historikal na larawan at mga primaryang mga dokumento na ating magagamit sa pagtuturo tulad ng mga kumpletong sinulat ni José Rizal at ang Philippine Revolutionary Records.  Muli, bisitahin ang filipinana.net, the premiere digital library of the Philippines.

Filipiniana.net homepage.

Filipiniana.net homepage.

176 years ago bukas, February 9, 1837, isinilang sa Vigan, Ilocos Sur si Padre José Apolonio Burgos.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Siya ang pangunahing tagapagtaguyod ng sekularisasyon para makuha ng mga sekular na pari noon ang pagiging kura paroko mula sa mga Espanyol na miyembro ng mga relihiyosong orden o mga paring regular.  Isa siya sa tatlong paring binitay noong February 17, 1872 na nakilala natin sa kolektibong tawag na GomBurZa.

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Opisyal ng hukbong Espanyol ang ama ni Burgos, habang mestiza naman ang kanyang ina.  Ang bahay kung saan siya lumaki ay tinatayang dalawang siglo na ang tanda at hanggang ngayon at nakatayo pa rin, isa nang museo na maaaring mabisita sa likod ng kapitolyo ng Ilocos Sur.  Natuto siyang magbasa sa kanyang ina at nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran at Unibersidad ng Sto. Tomas.

Burgos Museum sa Vigan, ilocos Sur.

Burgos Museum sa Vigan, ilocos Sur.

Bukana ng Colegio de San Juan de Letran noong panahon ng mga Espanyol.

Bukana ng Colegio de San Juan de Letran noong panahon ng mga Espanyol.

Bukana ng Unibersidad ng Sto. Tomas sa Intramuros noong Panahon ng mga Espanyol.

Bukana ng Unibersidad ng Sto. Tomas sa Intramuros noong Panahon ng mga Espanyol.

Isa sa pinakamatalinong Pilipino ng kanyang panahon, nagtapos siya ng pitong mga digri, dalawa dito ay doktorado.  Dahil dito naging examiner ng mga nais magpari.  Siya ay naging mahistradong kanonikal ng Katedral ng Maynila

Katedral ng Maynila kung saan naging kura paroko si Burgos,

Katedral ng Maynila kung saan naging kura paroko si Burgos,

kaya kung tutuusin, hindi naman niya kailangan ang mga bagay na kanyang ipinaglalaban, napakataas na ng kanyang posisyon sa Simbahang Pilipino, ngunit hindi niya ito inalintala at itinaguyod ang mga sekular na pari tulad ng nauna sa kanya na si Padre Pedro Pelaez na sa kasamaang palad ay namatay sa katedral noong lindol ng 1863.

Padre Pedro Pelaez, mula sa Kasaysayang:  The Story of the Filipino People.

Padre Pedro Pelaez, mula sa Kasaysayang: The Story of the Filipino People.

Dapat kasi bitawan na ng marami sa mga regular na pari ang mga parokya upang ang mga sekular na pari ay makapagpraktis na sa pamumuno nito, ngunit marahil dahil sa kapangyarihan ng kura paroko sa isang bayan, hindi nila mabitawan ito.  Sa kanyang kasikatan, ginamit ang kanyang pangalan ni Francsico Zaldua nang ito ay magrekluta para sa pag-aalsa sa Cavite na naganap noong January 20, 1872.

Pag-aalsa sa Cavite.  Mula sa Filway's Philippine Almanac.

Pag-aalsa sa Cavite. Mula sa Filway’s Philippine Almanac.

Dali-daling nakakita ang mga kaaway ni Burgos, lalo na si Padre Benito Corominas, rector ng San Juan de Letran ng pagkakataon, pinaaresto si Padre Burgos at nagbigay ng abogado para sa kanya na ibinenta siya at sinabing umamin siya.

Monumento ni Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur. Kuha ni Xiao Chua.

Tumayo si Burgos sa harap ng Konseho de Guerra at pinabulaanan nito ngunit hinatulan pa rin siya ng kamatayan.  February 17, 1872, sa Luneta, humahagulgol na binalian ng leeg sa pamamagitan ng garote si José Burgos.

Ang pagbitay sa GomBurza ni Elmer Borlongan, bahagi ng Rizalpabeto na isinulat ni Vim Nadera.

Ang pagbitay sa GomBurza ni Elmer Borlongan, bahagi ng Rizalpabeto na isinulat ni Vim Nadera.

Ayon kay Dr. Luis Camara Dery, Pangulo ng Philippine Historical Association, nang dumating ang karwahe ng bangkay ni Burgos sa kanilang tahanan, ang kanyang inang si Florencia Garcia na naghihintay mula sa taas ng hagdan ay dahan-dahan na gumapang pababa at sa kanyang paghihinagpis kinalong ang anak na namatay na parang isang sanggol at dinala sa ikalawang palapag upang ihiga sa kama.  Trahedya man ang nangyari kay Padre Burgos, isa siyang taong dapat nating ipagdiwang bilang Pilipino, isang napakatalinong tao na hindi sarili lamang ang inisip, bagkus inalay ang kanyang talino sa kanyang kapwa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(North Conserve, DLSU Manila, 5 February 2013)

XIAOTIME, 15 January 2013: PINAKAMARAMING TAO SA ISANG PAGTITIPON SA KASAYSAYAN

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 15 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Bahagi lamang ng limang milyong nabilang sa huling misa ng Santo Papa John Paul II sa Pilipinas noong January 15, 1995.  Mula sa  John Paul II We Love You:  Papal Visit 1995 Manila.

Bahagi lamang ng limang milyong nabilang sa huling misa ng Santo Papa John Paul II sa Pilipinas noong January 15, 1995. Mula sa John Paul II We Love You: Papal Visit 1995 Manila.

15 January 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=IE9sAehDbXI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Binabati ko ang aking organisasyon noong ako ay nasa kolehiyo pa, ang UP Lipunang Pangkasaysayan, na ngayon ay pinamumunuan ni Pat Torio, para sa aming dalawampu’t limang taon ng muling pagkakatatag noong January 13, 1988.

William Vincent "Bill" Begg

William Vincent “Bill” Begg

Dekada Sitenta pa lamang mayroon nang UP LIKAS at isa sa mga naging kasapi nito ay ang martir ng Batas Militar na si William Vincent “Billy” Begg.  Nagpapasalamat din ako sa karangalan ibinigay nila sa akin bilang isa sa mga Natatanging Likasyan para sa kategoryang Pagpapalaganap ng Kasaysayan.   Malaking karangalan at inspirasyon po ito.  Mabuhay tayo, UP LIKAS!

Ang UP Lipunang Pangkasaysayan sa kanyang ika-25 taon, January 12, 2013.

Ang UP Lipunang Pangkasaysayan sa kanyang ika-25 taon, January 12, 2013.

Noong pista ng Nazareno, sinasabing tinatayang sampung milyong deboto ang nagtungo doon.  Kailangang mag-ingat sa mga ganitong pagbibilang ng tao.  May sistematiko kasing paraan ng pagbibilang nito.  Anuman, taob pa rin ang ibang mga bansa kung paramihan ng tao sa isang pagtitipon ang pag-uusapan.

Ang Tagsibol ng 1989 sa Tiananmen Square sa Beijing.

Ang Tagsibol ng 1989 sa Tiananmen Square sa Beijing.

Nang mag-rally ang mga kabataang Tsino sa Tiananmen Square sa Beijing noong 1989, hindi man lang umabot ito ng milyon, kahit ang mga libing ni Mao Zedong at Chou En Lai, “tens of thousands” lang daw e China yun!  Ang laki ng populasyon nun.

Funebre para kay Mao Zedong sa Tiananmen Square.

Funebre para kay Mao Zedong sa Tiananmen Square.

Kahit nang mabaril si Mahatma Gandhi, ama ng bansang India, isa sa pinakamaraming tao sa mundo, daan-daang libo lamang ang nakipaglibing.

Libing ni Mahatma Gandhi sa India.

Libing ni Mahatma Gandhi sa India.

Malaking trahedya sa mga Amerikano ang pagkamatay ni Pangulong John F. Kennedy ngunit ni hindi man lang umabot sa kalahating milyon ang lumabas upang makipaglibing.

Ang libing ni John F. Kennedy sa Washington D.C., 1963.

Ang libing ni John F. Kennedy sa Washington D.C., 1963.

Ngunit nang ilibing si Ninoy Aquino noong 1983, kahit na delikado ang panahon:  2 Milyon ang lumabas.

Libing ni Ninoy Aquino, August 31, 1983.  Courtesy of the Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Libing ni Ninoy Aquino, August 31, 1983. Courtesy of the Ninoy and Cory Aquino Foundation.

Noong EDSA Revolution:  2 Milyon ang nakibaka.

People Power sa EDSA, February 1986.

People Power sa EDSA, February 1986.

Nang ilibing si Tita Cory Aquino noong 2009:  Tatlong daan libo ang nakipaglibing.

Libing ni Cory Aquino, August 5, 2009.

Libing ni Cory Aquino, August 5, 2009.

Isama mo pa ang pista ng Nazareno kung saan milyon ang lumalabas taon-taon!  Imagine!

Ang pista ng Nazareno, January 9, 2013.

Ang pista ng Nazareno, January 9, 2013.

At nang dumating ang Santo Papa John Paul II para sa ika-sampung World Youth Day.  Noong gabi ng January 14, 1995, isang milyong kabataan ang sumama sa Santo Papa sa Quirino Grandstand sa Luneta, nakipagbiruan pa at nakisayaw.

Gabi ng pakikisama ng mga kabataan sa Santo Papa, January 14, 1995 sa Quirino Grandstand.  Mula sa  John Paul II We Love You:  Papal Visit 1995 Manila.

Gabi ng pakikisama ng mga kabataan sa Santo Papa, January 14, 1995 sa Quirino Grandstand. Mula sa John Paul II We Love You: Papal Visit 1995 Manila.

Kahit na tila nanghihina dahil sa Parkinson’s disease, inikot niya ng inikot ang kanyang baston.  Ang daming tuwa ng mga tao.

Nakisayaw ang Santo Papa sa mga kabataan.  Mula sa  John Paul II We Love You:  Papal Visit 1995 Manila.

Nakisayaw ang Santo Papa sa mga kabataan. Mula sa John Paul II We Love You: Papal Visit 1995 Manila.

At kinabukasan, 18 years ago ngayon araw, January 15, 1995, Linggo, sa huling misa ng papa sa Luneta.  Isang kumpanyang Hapones na may teknolohiya para sa pagkuha ng larawan ng mga tao at pagbibilang ng mga ito, ang nagsabing limang milyong tao ang tumungo sa Luneta.

"The Largest Gathering in Human History.  Mula sa  John Paul II We Love You:  Papal Visit 1995 Manila.

“The Largest Gathering in Human History.” Mula sa John Paul II We Love You: Papal Visit 1995 Manila.

Sabi ng opisyal na biographer ng Papa, George Weigel, ito ang “Largest Gathering in Human History.”  Ni hindi makapunta ang Santo Papa sa grandstand kaya nagpatawag na ng helicopter, hindi kasi makadaan ang kotse niya sa mga kalsada ng Maynila.

Ang Santo Papa habang pababa ng helikopter para sa kanyang misa sa Quirino Grandstand.

Ang Santo Papa habang pababa ng helikopter para sa kanyang misa sa Quirino Grandstand.

Wow!  Limang milyong sama-samang umawit ng “Tell The World of His Love” ni Katrina Marie Belamide na nagpapakita ng misyon ng bawat Kristiyano—“Search the world for those who have walked astray and lead them home.”

Mga delegado ng Pilipinas sa X World Youth Day.  Mula sa The Manila Phenomenon:  World Youth Day '95.

Mga delegado ng Pilipinas sa X World Youth Day. Mula sa The Manila Phenomenon: World Youth Day ’95.

Kamangha-manghang eksena.  Ang tawag ng peryodistang si Teddy Benigno dito ay “The Filipino Phenomenon.”  Ikinakabit ko ito sa ating kaugalian natin ng pakikisama.  Sa lahat ng Gawain natin, gusto natin hindi tayo nag-iisa.  Ayun naman pala, ang lakas ng tendency natin na magkaisa tayo.  Sana araw-araw nating makita ang pagkakaisa na ito.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, Lungsod Quezon, 10 January 2013)