XIAOTIME, 18 February 2013: PASYON AT EDSA REVOLUTION

by xiaochua

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 18 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Pasyon at EDSA Revolution:  Si Ninoy at ang Inang Bayan bilang Pieta ng banal na mag-ina.  Regalo sa mga Aquino na nakalagak ngayon sa The Aquino Center sa San Miguel, Tarlac City.  Kuha ni Xiao Chua.

Pasyon at EDSA Revolution: Si Ninoy at ang Inang Bayan bilang Pieta ng banal na mag-ina. Regalo sa mga Aquino na nakalagak ngayon sa The Aquino Center sa San Miguel, Tarlac City. Kuha ni Xiao Chua.

18 February 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=xZu7E45L6O0

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ilang araw na lamang mula ngayon, atin nang ipagdiriwang ang 27th anniversary ng Himagsikang People Power o Kapangyarihang Bayan sa EDSA noong 1986.  Kamakailan lamang noong February 8-9, ginanap sa Ateneo de Manila University ang isang pandaigdigang kumperensya na nagpupugay sa kontribusyon ng historyador na si Dr. Reynaldo Ileto at sa kanyang aklat na Pasyon and Revolution, Popular Movements in the Philippines, 1840-1910.

Xiao Chua at Dr. Rey Ileto (pangalawa mula kaliwa), kasama sina Prop. Atoy Navarro at Dr. Zeus Salazar, Kenny Roger's Katipunan.  Kuha ni Dr. Preciosa de Joya.

Xiao Chua at Dr. Rey Ileto (pangalawa mula kaliwa), kasama sina Prop. Atoy Navarro at Dr. Zeus Salazar, Kenny Roger’s Katipunan. Kuha ni Dr. Preciosa de Joya.

Ang kopya ni Xiao Chua ng Pasyon and Revolution ni Reynaldo Ileto.

Ang kopya ni Xiao Chua ng Pasyon and Revolution ni Reynaldo Ileto.

Opisyal na backdrop ng kumperensyang nagpupugay kay Dr. Reynaldo C. Ileto.  Rip-off ng pabalat ng pamosong libro.

Opisyal na backdrop ng kumperensyang nagpupugay kay Dr. Reynaldo C. Ileto. Rip-off ng pabalat ng pamosong libro.

Bago ang panahon ni Sir Rey, ang mga historyador ay napako sa posistibistang dictum “No documents, no history,” kaya puro pulitikal na kasaysayan ang lumilitaw gamit ang mga tradisyunal na batis at mga nakasulat na dokumento na siyempre, sinulat ng mga edukado at elit.  Si Sir Rey ang isa sa unang pagpakita sa atin sa pamamagitan ng pagbasa sa mga literatura, tula at awit na nilikha at binasa ng mga kilusang bayan sa panahong iyon, makikita natin ang tunay na saloobin at kaisipan ng bayan.  Ang tawag dito ay “history from below.”

Ang pagtangkilik ng bayan sa Pasyong Mahal ni Hesukristo sa mga pabasa tuwing mahal na araw.  Kuha ni Sidney Snoeck.

Ang pagtangkilik ng bayan sa Pasyong Mahal ni Hesukristo sa mga pabasa tuwing mahal na araw. Kuha ni Sidney Snoeck.

Kopya ni Xiao Chua ng Pasyong Mahal.

Kopya ni Xiao Chua ng Pasyong Mahal.

Nakumpiskang anting-anting na nakasuot sa Katipunero.

Nakumpiskang anting-anting na nakasuot sa Katipunero.

Ang nakumpiskang anting-anting ni Macario Sakay na nakalagak sa isang artsibo sa Estados Unidos.  Mula sa Pasyon and Revolution.

Ang nakumpiskang anting-anting ni Macario Sakay na nakalagak sa isang artsibo sa Estados Unidos. Mula sa Pasyon and Revolution.

Kung ganito ang lenteng ating gagamitin, ang isang himagsikan ay hindi lamang tunggalian ng mga uri, ng mayaman, mahirap at mga pulitikal na mga pwersa, kundi isa ring kultural na pangyayari.  Dito natin naintindihan na kaiba sa pagbasa ng mga Marxista na ang relihiyon ang opyo ng lipunan at nakakapagpapigil sa pag-unlad ng tao, kung titingnan ang kaisipan ng bayan, ang kanilang mga paniniwala ay instrumental pa nga upang palakasin ang kanilang loob at bigyan sila ng pag-asa sa kanilang pakikibaka.

Karl Marx

Karl Marx

Kung titingnan, sa Katipunan, hindi nawawala ang esprituwalidad, hanggang sa Himagsikang EDSA lumitaw ang naratibo ng Pasyon.  Na para sa mga tao, laban ito ng mabuti at masama.  Na ang sakripisyo nina Rizal at Ninoy para sa bayan ay tulad din ng pagsasakripisyo ni Hesus.  Ang Inang Bayan ay ang Mahal na Birhen.  Kaya sa EDSA, naroon ang mga rosaryo, ang Birheng Maria, mga krus at Bibliya.  Mga pari, madre, layko, maging mga Muslim na nakaluhod sa harap ng tangke, nananalangin.

Medieval morality play:  Laban ng masama at mabuti.  Mula sa Nine Letters.

Medieval morality play: Laban ng masama at mabuti. Mula sa Nine Letters.

Ang paralelismo na ibinigay ng bayan:  Si Jose Rizal at Ninoy Aquino.  Mula sa Mr. & Ms. Special edition.

Ang paralelismo na ibinigay ng bayan: Si Jose Rizal at Ninoy Aquino. Mula sa Mr. & Ms. Special edition.

Inang Maria sa gitna ng Himagsikang EDSA 1986.

Inang Maria sa gitna ng Himagsikang EDSA 1986.

Isang babaeng nagrorosaryo habang nakaluhod sa isang tangke noong Himagsikang EDSA.  mula sa James Reuter Foundation.

Isang babaeng nagrorosaryo habang nakaluhod sa isang tangke noong Himagsikang EDSA. mula sa James Reuter Foundation.

Banal na Bibliya sa EDSA.  Mula sa People Power The Filipino Experience.

Banal na Bibliya sa EDSA. Mula sa People Power The Filipino Experience.

Ang mga tao habang nakaluhod sa harapan ng tangke.  Mula sa Nine Letters.

Ang mga tao habang nakaluhod sa harapan ng tangke. Mula sa Nine Letters.

Mayaman o mahirap man, tila lumitaw ang ganitong kaisipan.  Nagbigay ako ng presentasyon sa nasabing kumperensya ukol sa aking pag-aaral ng nagpapatuloy na tradisyon ng pagsasadula ng mga urban poor sa Metro Manila sa kalsada tuwing Pasko at Mahal na Araw.  Sa Panuluyan, kanilang nakikita na matapos maghanap ang banal na mag-asawa ng mapagsisilangan kay Hesus, nakahanap din sila.  Sa Kalbaryo, sa kabila ng matinding pagdurusa at hilahil ng mahal na Panginoon, matapos ang tatlong araw, nabuhay din siyang muli.

Xiao Chua, Dr. Rey Ileto, at kanyang mga nakasama sa sesyon, February 9, 2013.

Xiao Chua, Dr. Rey Ileto, at kanyang mga nakasama sa sesyon, February 9, 2013.

26 ukol sa aking pag-aaral ng nagpapatuloy na tradisyon ng pagsasadula ng mga urban poor sa Metro Manila

Panunuluyan ng mga Maralitang Tagalungsod, December 2011, Plaza Hernandez, Tondo Maynila.  Kuha ni Xiao Chua.

Panunuluyan ng mga Maralitang Tagalungsod, December 2011, Plaza Hernandez, Tondo, Maynila.  Itinataguyod sa pamumuno ng TriCorps kasama ang Urban Poor Associates. Kuha ni Xiao Chua.

Panunuluyan ng mga Maralitang Tagalungsod, December 2011, Plaza Hernandez, Tondo Maynila.  Kuha ni Xiao Chua.

Panunuluyan ng mga Maralitang Tagalungsod, December 2011, Plaza Hernandez, Tondo Maynila. Kuha ni Xiao Chua.

Pagbubuhat ng napakalaking krus.  Kalbaryo ng mga Maralitang Tagalungsod, April 2011, Quiapo.  Kuha ni Xiao Chua.

Pagbubuhat ng napakalaking krus. Kalbaryo ng mga Maralitang Tagalungsod, April 2011, Quiapo. Kuha ni Xiao Chua.

Mga maralitang nakamaskara ng Kristo.  Kalbaryo ng mga Maralitang Tagalungsod, April 2011, Quiapo.  Kuha ni Xiao Chua.

Mga maralitang nakamaskara ng Kristo. Kalbaryo ng mga Maralitang Tagalungsod, April 2011, Quiapo. Kuha ni Xiao Chua.

Nagbibigay ito ng mensahe na may pag-asa sa maralita ng disenteng tahanan at tunay na kaginhawaan.  Kaya nagpapadayon at nagpapatuloy lamang sila makibaka.  Kung tutuusin, ang ipinakita ni Sir Rey sa Pasyon and Revolution ay patuloy na makikita at lalong napapatunayan sa dami ng mga pag-aaral na inangkla sa kanyang sinumulan.

Reynaldo C. Ileto

Reynaldo C. Ileto.  Mula sa Philippine Studies.

Sir Rey, salamat po at itinuro niyo sa aming mga historyador na bago namin pakinggan ang ibang tao, pakinggan muna dapat namin ang tinig ng mga maliliit ar ordinaryong tao.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Leong Hall, ADMU, 8 February 2013)