IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: ateneo

XIAO TIME, 14 June 2013: KASAYSAYAN NG DE LA SALLE UNIVERSITY

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

 03 siyam na payunir na mga gurong Christian Brothers, mas kilala bilang mga La Salle Brothers sa Pilipinas

14 June 2013, Friday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  102 years ago, June 16, 1911, sa isang lumang bahay na bato sa Kalye Nozaleda sa Paco, Maynila nagbukas ang De La Salle College na itinatag ng siyam na payunir na mga gurong Christian Brothers, mas kilala bilang mga La Salle Brothers sa Pilipinas.

652 Calle Nozaleda, Paco, Maynila, ang pook ng unang DLSC sa Pilipinas.

652 Calle Nozaleda, Paco, Maynila, ang pook ng unang DLSC sa Pilipinas.

Ang unang gusali ng DLSC ay isang lumang bahay na bato na dating pook ng The American School bago ito lumipat kung saan man.  Mula sa La Salle:  1911-1986.

Ang unang gusali ng DLSC ay isang lumang bahay na bato na dating pook ng The American School bago ito lumipat kung saan man. Mula sa La Salle: 1911-1986.

Ang mga bakod na ito na inorder pa sa Scotland ang siyang mga bakal na nagprotekta sa unang DLSC sa Calle Nozaleda, Paco, Maynila.  Ang mga bako na ito ay inilipat sa Intramuros matapos ang digmaan at ngayon ay nasa bukana na ng Fort Santiago.  Mula sa La Salle:  1911-1986.

[Ipinatawag sila ng Arsobispo ng Maynila, Jeremiah James Harty mula sa Estados Unidos dahil nangangamba ito na sa pagkawala ng marami sa mga prayleng Espanyol at pagpasok ng Amerikanong Protestantismo, mapabayaan ang Katolikong edukasyon sa Pilipinas.]  Mga Irlandes ang ilan sa mga unang brothers kaya ang pambansang kulay ng Ireland na “Green” ang naging opisyal na kulay ng paaralan.  Noong araw na iyon, 125 mga estudyante na ang papasok at madaragdagan pa ito ng 50 sa loob ng isang buwan!

Ang Green Archer ay kumuha ng inspirasyon mula sa kwento ng maalamat na Pambansang Bayani ng Switzerland na si William Tell, yung nagpakita ng angas at galing sa mga kolonisador na Austriano nang ipagawa sa kanyang panain ang isang mansanas na inilagay sa ibabaw ng ulo ng kanyang anak.

Larawan ng isang Lasalyanong klase sa Nozaleda.  Mula sa Koleksyon ni Antonio Deblois mula sa La Salle:  1911-1986.

Larawan ng isang Lasalyanong klase sa Nozaleda. Mula sa Koleksyon ni Antonio Deblois mula sa La Salle: 1911-1986.

Ang midget football field ng La Salle, 1919.  Mula sa La Salle: 1911-1986.

Ang midget football field ng La Salle, 1919. Mula sa La Salle: 1911-1986.

Ang mga Christian Brothers ay mga kasapi ng Fratres Scholarum Christianarum o FSC, mga brother, take note, hindi pari, na nag-aalay ng sarili sa pagtuturo sa kapwa lalo na sa mga mahihirap.  Nagsimula sa munting pangarap ni San Jean Baptiste de la Salle na nabuhay mula 1651 hanggang 1719 sa Pransya, [isang mayaman na itinakwil ang kanyang mariwasang buhay upang makipamuhay sa mga mahihirap], at naging Patron ng mga Guro.  Ang isang piraso ng kanyang buto ay maaaring mabisita sa kapilya ng pamantasan sa Taft.

Ang opisyal na paglalarawan kay San Jean Baptiste de la Salle, obra maestra ni Pierre Leger.

Ang opisyal na paglalarawan kay San Jean Baptiste de la Salle, obra maestra ni Pierre Leger.

Ang pamosong larawan ni La Salle na nakasabit sa lahat ng silid ng DLSU Manila ay nagmula sa mas malaking paglalarawan na ito habang nagtuturo siya sa isang klase.

Ang pamosong larawan ni La Salle na nakasabit sa lahat ng silid ng DLSU Manila ay nagmula sa mas malaking paglalarawan na ito habang nagtuturo siya sa isang klase.

Si La Salle habang nagtuturo.

Si La Salle habang nagtuturo.

Si La Salle bilang patron ng mga guro, dinadala ang maraming bansa kay Kristo.

Si La Salle bilang patron ng mga guro, dinadala ang maraming bansa kay Kristo.

Ang malaking piraso ng buto ni  St. La Salle ay mapipintuho sa Kapilya ng Banal na Sakramento sa DLSU Manila.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang malaking piraso ng buto ni St. La Salle ay mapipintuho sa Kapilya ng Banal na Sakramento sa DLSU Manila. Kuha ni Xiao Chua.

Si Xiao Chua habang nagbibigay ng respeto sa relic o isang piraso ng buto ni San Juan Bautista de La Salle noong Sentenaryo ng La Salle sa Pilipinas, June 16, 2011.  Hindi man Katoliko, nakikibahagi ako sa hiraya ng La Salle:  Religio, Mores, Cultura.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang mga Christian Brothers, o mas kilala bilang mga La Salle brothers sa Pilipinas.

Religio, Mores, Cultura (Faith, Service and Communion): ang isinasabuhay ng mga brothers at ng kanilang pamantasan.  Isang brother ang nakikisalamuha sa mga maralitang kabataan.

Religio, Mores, Cultura (Faith, Service and Communion): ang isinasabuhay ng mga brothers at ng kanilang pamantasan. Isang brother ang nakikisalamuha sa mga maralitang kabataan.

Sa paglaki ng populasyon kinailangan na magkaroon ng bagong gusali.  Nagwagi ang disenyong neo-classical ng arkitektong si Tomas Mapua.  Natapos ang gusali noong 1921 at tinatawag ngayon na St. La Salle Hall, napabilang sa 1,001 Building You Must See Before You Die, ang tanging gusali mula sa Pilipinas  Ito ang itsura noon ng lobby, ng mga klasrum, at ng dormitoryo sa ikatlong palapag nito.

Arkitekto Tomas Mapua, gradweyt ng Cornell.  Mula sa La Salle:  1911-1986.

Arkitekto Tomas Mapua, gradweyt ng Cornell. Mula sa La Salle: 1911-1986.

De La Salle College, gusaling dinisenyo ni Tomas Mapua at ipinatayo noong 1921.  Mula kay Sunny Velasco.

De La Salle College, gusaling dinisenyo ni Tomas Mapua at ipinatayo noong 1921. Mula kay Sunny Velasco.

Mula sa La Salle: 1911-1986.

Mula sa La Salle: 1911-1986.

Isang klasrum sa DLSC.  Mula kay Sonny Velasco.

Isang klasrum sa DLSC. Mula kay Sonny Velasco.

Mula kay Sunny Velasco.

Mula kay Sunny Velasco.

Noong panahon ng Amerikano, tanging mga Brothers lamang ang pwedeng maging guro at lalaki lamang ang tinatanggap na estudyante.  Naniniwala ang mga brothers sa kasabihang Latin, “Mens sana in corpore sano,” a sound mind in a healthy body, kaya naman sinanay din ang mga Lasalyano sa palakasan.  Ipinatayo ang naging pinakamalaking soccer-football field sa bansa sa tabi ng gusali, at nahilig din sila sa handball at basketball.

Isang kurso sa Commerce ang ipinakilala ni Brother Athanasius noong 1920.  Mula sa La Salle: 1911-1986.

Isang kurso sa Commerce ang ipinakilala ni Brother Athanasius noong 1920. Mula sa La Salle: 1911-1986.

Mula sa La Salle 1911-1986.

Mula sa La Salle 1911-1986.

Ang mga estudyanteng lalaki ng DLSC ay nagtipon-tipon para sa flag ceremony.  Mula sa La Salle: 1911-1986.

Ang mga estudyanteng lalaki ng DLSC ay nagtipon-tipon para sa flag ceremony, makikit sa larawan ang softball court na tinanggal noong Dekada 1980.  Ngayon ay Amphitheater na. Mula sa La Salle: 1911-1986.

Isang brother ang nangunguna sa Boy Scout Drill ng mga Lasalyano.  Mula sa Koleksyon ni Ernie Martinez, ang bata sa kalagitnaan ng bilog.

Isang brother ang nangunguna sa Boy Scout Drill ng mga Lasalyano. Mula sa Koleksyon ni Ernie Martinez, ang bata sa kalagitnaan ng bilog.

Magiging mahigpit na karibal sa larong ito ng isa pang panlalaking paaralan, ang Ateneo de Manila [lalo na nang matalo sa NCCA ng La Salle ang Ateneo noong 1939.  Ayon sa kwento ng mga alumnus, nagparada raw ang mga taga La Salle at nagtapon ng mga patay na manok sa kampus ng Ateneo sa Padre Faura, na ang kahulugan ay “The Green Archers shot down the Blue Eagles”].  Tumulong sa mga gerilya at nag-alay din ng buhay ang mga brothers upang protektahan ang paaralan nang lusubin at patayin sila ng mga Hapones noong February 12, 1945.

Mula sa De La Salle, 1911-1986 ni Carlos Quirino.

Isang patay na brother sa loob mismo ng chapel.  Mula sa De La Salle, 1911-1986 ni Carlos Quirino.

Ito ang itsura ng mga katawan na nagatong-patong sa malapit sa cellar at hagdan patungong chapel.  Mula sa La Salle:  1911-1986.

Ito ang itsura ng mga katawan na nagatong-patong sa malapit sa cellar at hagdan patungong chapel. Mula sa La Salle: 1911-1986.

Larawan ng 16 na mga brothers na nasawi.

Larawan ng 16 na mga brothers na nasawi.

Muling itinatag matapos ang digmaan, naging co-educational o nagpapasok na ng babae noong 1973 at naging ganap na Unibersidad noong 1975.  Noong 2011, sa pagdiriwang ng Sentenaryo nito, 17 na ang paaralan ng La Salle sa Pilipinas.

Ang La Salle noong wala pang LRT.  Eksena mula sa pelikulang Temptation Island.

Ang La Salle noong wala pang LRT. Eksena mula sa pelikulang Temptation Island.

Graduation sa DLSU na may mga kasama nang mga babae.

Graduation sa DLSU na may mga kasama nang mga babae.

Ang St. Benilde Gymn sa La Salle Greenhills, isa sa 17 kampus ng La Salle Philippines.  One La Salle.

Ang St. Benilde Gym sa La Salle Greenhills, kung saan inilipat ang mga estudyante ng elementarya at hayskul.  Isa sa 17 kampus ng La Salle Philippines. One La Salle.

Ang frontpage na larawan ng Philippine Daily Inquirer sa selebrasyon ng sentenaryo ng De La Salle University, June 16, 2011.  Makikita si Xiao Chua na kumukuha ng larawan ng kanyang sarili sa loob ng chapel sa bandang kaliwa, ilalim.

Ang frontpage na larawan ng Philippine Daily Inquirer sa selebrasyon ng sentenaryo ng De La Salle University kapiling ang mahal na Pagulong Noynoy Aquino, June 16, 2011. Makikita si Xiao Chua na kumukuha ng larawan ng kanyang sarili sa loob ng chapel sa bandang kaliwa, ilalim.

Ang nagbabagong kampus:  Ang St. La Salle Hall ilang taon lamang bago ang digmaan.  Mula sa fb ng La Salle Brothers.

Ang nagbabagong kampus: Ang St. La Salle Hall ilang taon lamang bago ang digmaan. Mula sa fb ng La Salle Brothers.

Ang La Salle sa pagpasok ng bagong milenyo.  Makikita ang bagong gusali noon na Enrique Yuchengco.  Kuha ni Karla Peralta.

Ang La Salle sa pagpasok ng bagong milenyo. Makikita ang bagong gusali noon na Enrique Yuchengco. Kuha ni Karla Peralta.

Ang kampus at ang pinakatampok na bagong gusali nito ngayon na binuksan noong January 2013, ang Henry Sy, Sr. Centennial Hall kung saan naroon ang pangasiwaan at ang pinakamodernong aklatan sa Pilipinas.  Mula sa fb ng mga La Salle Brothers.

Ang kampus at ang pinakatampok na bagong gusali nito ngayon na binuksan noong January 2013, ang Henry Sy, Sr. Centennial Hall (kanan) kung saan naroon ang pangasiwaan at ang pinakamodernong aklatan sa Pilipinas. Mula sa fb ng La Salle Brothers.

Nagluwal ng mga Dakilang Pilipino tulad nina Jesus Villamor, Jose W. Diokno, Lorenzo Tañada, Doy Laurel, Danding Cojuangco, Gary V., at Rico Yan.  Ilan din sa mga naglilingkod sa gabinete ay mga Lasalyano kabilang na ang huwaran ng katapatan Secretary Jesse Robredo, ang dakilang Brother Andrew Gonzales, FSC, dating Secretary of Eduacation, at si Brother Armin Luistro, FSC na ngayon ay nagpapakita ng political will sa pagpapatupad ng repormang K+12 at Mother Tounge Based Multilingual Education.

Bayani ng digmaan Jesus Villamor, sa kanya ipinangalan ang Villamor Air Base, ang punong himpilan ng Philippine Air Force.  Mula sa LIFE.

Bayani ng digmaan Jesus Villamor, sa kanya ipinangalan ang Villamor Air Base, ang punong himpilan ng Philippine Air Force. Mula sa LIFE.

Diokno at Tanada:  Mga makabayan.

Diokno at Tanada: Mga makabayan.

Ang naging grand old man of Philippine politics na si Lorenzo Tanada, na ipinaglaban tayo noong Panahon ni Marcos, bilang estudyante ng La Salle  na hawak ang batuta at naglalaro ng baseball.  Mula sa La Salle: 1911-1986.

Si Doy Laurel, ang bise presidente ng EDSA, habang nangangampanya kasama ang Pangulong Cory Aquino noong 1986 Snap Presidential Elections.  Mula sa Washington Post.

Si Doy Laurel, ang bise presidente ng EDSA, habang nangangampanya kasama ang Pangulong Cory Aquino noong 1986 Snap Presidential Elections. Mula sa Washington Post.

Si Xiao Chua kasama si Danding Cojuangco at kabiyak na si Gretchen Oppen Cojuangco noong Sentenaryo ng La Salle sa Pilipinas, June 16, 2011.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama si Danding Cojuangco at kabiyak na si Gretchen Oppen Cojuangco noong Sentenaryo ng La Salle sa Pilipinas, June 16, 2011. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Gary Valenciano, haligi ng Musikang Pilipino.  Mula sa Universal Records.

Gary Valenciano, haligi ng Musikang Pilipino. Mula sa Universal Records.

Ang yumaong Rico Yan, hindi lamang artista kundi nagkawanggawa.  Pangarap niyang maging Pangulo ng Pilipinas.  Mula sa tvseriescraze.blogspot.com.

Ang yumaong Rico Yan, hindi lamang artista kundi nagkawanggawa. Pangarap niyang maging Pangulo ng Pilipinas. Mula sa tvseriescraze.blogspot.com.

Ang Quintessential Lasallian Brother Andrew Gonxales, FSC.  Mula sa La Salle: 1911-1986.

Ang Quintessential Lasallian Brother Andrew Gonzales, FSC. Mula sa La Salle: 1911-1986.

Ilan sa kasapi ng gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino ay mga Lasalyano.  Mula sa The Future Begins Here.

Ilan sa kasapi ng gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino ay mga Lasalyano. Mula sa The Future Begins Here.

Si Xiao Chua kasama ang yumaong kalihim ng DILG Jesse Manalastas Robredo.

Si Xiao Chua kasama ang yumaong kalihim ng DILG Jesse Manalastas Robredo.

Si Xiao Chua kasama ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon Brother Armin Luistro noong pangulo pa lamang siya ng Pamantasang De La Salle, Hunyo 2009.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua kasama ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon Brother Armin Luistro noong pangulo pa lamang siya ng Pamantasang De La Salle, Hunyo 2009. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Sa pamumuno ngayon ni Brother President Ricky Laguda, natamo na ang target na 20 % ng estudyante ng DLSU ay mga iskolar, liban pa sa maraming mga paaralan na naipatayo para sa mga mahihirap.

Brother Ricardo Laguda, FSC, Pangulo ng Pamantasang De La Salle, sa isang ad ng relo para sa Sentenaryo ng La Salle.  Mula sa behance.com.

Brother Ricardo Laguda, FSC, Pangulo ng Pamantasang De La Salle, sa isang ad ng relo para sa Sentenaryo ng La Salle. Mula sa behance.com.

Si Xiao Chua bilang si Brother Flavius Leo (isa sa namatay noong masaker ng 1945) para sa isang campus tour, kasama si Brother President Ricky Laguda, FSC., February 2013.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang Jaime Hilario Integrated School sa Bagac, Bataan ang isa sa mga paaralan ng La Salle para sa mga mahihirap na itinatag noong 2006.

Ang Jaime Hilario Integrated School sa Bagac, Bataan ang isa sa mga paaralan ng La Salle para sa mga mahihirap na itinatag noong 2006.

Isang estudyante ng Jaime Hilario Integrated School.  Mula sa heytheredelilah.wikispaces.com

Isang estudyante ng Jaime Hilario Integrated School. Mula sa heytheredelilah.wikispaces.com

Si Xiao Chua kasama sina Dating Pangulo ng Pamantasang De La Salle Brother Narciso Erguiza, Jr. FSC, Pangulong Brother Ricardo Laguda, FSC, at Pangulo ng De La Salle Zobel Brother Bernard Oca, FSC noong Sentenaryo ng De La Salle sa Pilipinas, June 16, 2011 sa kapilyang pinag-alayan ng dugo ng mga martir.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Paaralan man ng mga mariwasa sa buhay, patuloy itong nagsisilbi sa sambayanang Pilipino.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 8 June 2013, salamat sa pananaliksik nina Carlos Quirino at Jose Victor Jimenez at sa mga larawan mula kay Sunny Velasco at sa mga aklat na La Salle: 1911-1986, at The Future Begins Here.)

XIAO TIME, 7 June 2013: ANG MAKASAYSAYANG MAG-ASAWANG FELIPE AT MARCELA AGONCILLO

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Felipe Agoncillo, ni Felix Resurreccion Hidalgo.  Nasa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Felipe Agoncillo, ni Felix Resurreccion Hidalgo. Nasa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

7 June 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=St3dwS_8xYo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  154 years ago, May 26, 1859, isinilang si Felipe Agoncillo sa isang maykaya at tanyag na pamilya sa Taal, Batangas.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Siya lang naman ang pinakaunang Pilipinong diplomat.

Ang ancestral house at monumento ni Felipe Agoncillo sa Taal, Batangas.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang ancestral house at monumento ni Felipe Agoncillo sa Taal, Batangas. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ngunit ayon kay Dr. Ambeth Ocampo sa kwento ng mga kaanak ni Agoncillo, malayo sa pagiging diplomatiko ang batang Felipe.  Minsang ang kanyang tiyuhin ay inaresto ng pulis dahil sa maling paratang na ilegal na nag-aangkat ng tabako, matapang na hiinarap sila ng bata, “Ano ang ginagawa ninyo sa tiyo ko?  Hindi magnanakaw ang tiyo ko; hindi ninyo siya dapat tratuhin ng ganyan.”  Napahiya, inalis ng mga guardia ang posas, siyam na taong gulang lamang siya noon.  Nag-aral siya ng elemetarya at hayskul sa Ateneo Municipal at sa kanyang talino, minsang na-exempt sa eksamen.  Ngunit sa araw ng eksamen, sinabi ng rector na kailangang kumuha pa rin siya ng eksamen.  Nagka-amnesia!  Sa kabila ng protesta binigyan siya ng papel at doon kanya lamang sinulat, “El padre Rector es injusto!”—Hindi makatarungan si Padre Rektor!  Ipinatawag siya sa opisina ng superior at pinalo ngunit kinagat niya ang pari at hindi ito tinantanan hanggang naawat.  Sinabihan ang kanyang ama na kung magpapaumanhin lamang si Felipe ay hindi siya tatanggalin sa paaralan, bilang tunay na Batangueño, hindi niya hinayaang mapahiya ng ganoon ang anak at inilipat na lamang ng paaralan si Felipe at sinabi sa mga Heswita, “Hindi ko hahayaan na ipagpatuloy ng anak ko ang kanyang pag-aaral sa isang institusyon na wala na siyang tiwala.”  Nagpatuloy na mag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas at nang magtapos sa pag-aabogasya, nagbalik sa sariling bayan upang maglingkod.

Felipe Agoncillo

Felipe Agoncillo.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Felipe Agoncillo

Felipe Agoncillo

Felipe Agincillo.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Felipe Agoncillo. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Sa labas ng kanyang opisina nakasulat “Libreng serbisyong pambatas sa mga mahihirap anumang oras.”  May kwento rin ang pamangkin niyang si Gng. Maria Agoncillo-Aguinaldo na iniwasan ni Felipe ang araw ng kanyang kasal sa isang babae, nagpanggap na maysakit, upang pakasalan lamang ang babaeng tunay na bumihag sa kanyang puso, si Marcela Mariño.

Si Gng. Maria Agoncillo-Aguinaldo sa kanilang honeymoon ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Baguio, July 1930.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Si Gng. Maria Agoncillo-Aguinaldo sa kanilang honeymoon ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Baguio, July 1930. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Pirma at larawan ni Felipe Agincillo.

Pirma at larawan ni Felipe Agincillo.

Marcela Agoncillo

Marcela Agoncillo

Naging kalabang mortal ng mga mapang-abusong Espanyol at mga prayle, pinaratangan siyang pilibustero o rebelde kaya ipinatapon sa Yokohama.  Lumipat sa Hongkong at nakasama ang pamilya, lumikom ng pera para sa himagsikan.  Doon din tinahi ng asawang si Marcela kasama ng kanilang anak ang watawat ng Pilipinas.

Ang pamilya Agoncillo sa Hongkong.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ang pamilya Agoncillo sa Hongkong. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ang mga anak nina Felipe at Marcela Agoncillo.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang limang anak na babae nina Felipe at Marcela Agoncillo:  Lorenza (ang kasamang tumahi sa watawat), Gregoria, Eugenia, Marcela, Jr. at Maria. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas. Kuha ni Xiao Chua.

"Alab ng Puso" ni Juanito Torres.  Mula sa Gallery Joaquin.

“Alab ng Puso” ni Juanito Torres. Mula sa Gallery Joaquin.

Nang itatag ang republika noong 1898, itinalaga ni Aguinaldo na Ministro Plenipotensyaryo si Felipe at ipinadala sa Amerika kung saan nais sana niyang makipagpulong kay Pangulong William McKinley.  Hindi siya opisyal na tinanggap bagama’t pribadong kinausap at nagalingan ang pangulo sa kanya, pinuri siya ni McKinley, “Kung maraming Pilipino ang tulad ng kanilang kinatawan, wala nang magiging tanong pa tungkol sa kanilang karapatan na mamahal sa kanilang sarili.”  Pinagsaraduhan ng pinto sa negosasyon para sa treaty of Paris at nagbalik muli sa Amerika upang iprotesta ang pagkapirma nito sa Kongreso ng Amerika.  Madalas isawalang-bahala.

Si Jose "Sixto" Lopez (Kaliwa) at Felipe Agoncillo, mga embahador ng Pilipinas sa Estdos Unidos, 1898.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Si Jose “Sixto” Lopez (Kaliwa) at Felipe Agoncillo, mga embahador ng Pilipinas sa Estdos Unidos, 1898. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Pangulong William McKinley ng Estados Unidos.  Ang opisyal na White House Protrait.

Pangulong William McKinley ng Estados Unidos. Ang opisyal na White House Portrait.

Ang mga Pilipinong diplomat sa Paris, Pransya, 1898-99. Mula sa kaliwa: Antonino Vergel de Dios, Ramon Abarca, Felipe Agoncillo, at Juan Luna.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ang mga Pilipinong diplomat sa Paris, Pransya, 1898-99. Mula sa kaliwa: Antonino Vergel de Dios, Ramon Abarca, Felipe Agoncillo, at Juan Luna. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Sina Juan Luna (kaliwa) at Felipe Agoncillo (kanan) habang binibisita si Ferdinand Blumentritt, guro, etnologo at Pilipinistang Austrian na kaibigan ni Rizal, sa Litomerice, Austria-Hungary, noong 1899.  Ang Litomerice ay nasa hangganan na ngayon ng Czech Republic.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ibinenta ni Marcela ang kanyang mga alahas upang tustusan ang mga aktibidad ni Felipe.  Namatay si Felipe noong 1941 at si Marcela naman noong 1946.  Walang pagsisisi na ibinigay nila ang kanilang yaman, dunong, katiisa’t pagod kahit buhay ay magkalagot-lagot, para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 25 May 2013)

Marcela Agoncillo.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas.  Kuha ni Xiao Chua.

Marcela Agoncillo. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas. Kuha ni Xiao Chua.

Estatwa ni Marcela Agoncillo sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas.  Kuha ni Xiao Chua.

Estatwa ni Marcela Agoncillo sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas. Kuha ni Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal Batangas, February 2011.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal Batangas, February 2011. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Monumento ni Marcela Agoncillo sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas.

Monumento ni Marcela Agoncillo sa Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas.  Mula sa Lakbay Pinas.

Marker ng Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas.  Kuha ni Xiao Chua.

Marker ng Dambanang Pangkasaysayang Marcela Agoncillo sa Taal, Batangas. Kuha ni Xiao Chua.

XIAO TIME, 29 April 2013: ANG PAMANA NI SENADOR GERRY ROXAS

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Senador Gerardo "Gerry" Roxas.  Obra Maestra ni Vicente Manansala.  Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Gerry Roxas Foundation.

Senador Gerardo “Gerry” Roxas. Obra Maestra ni Vicente Manansala. Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Gerry Roxas Foundation.

29 April 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=9NuOApaibnY

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  31 years ago, April 19, 1982, sumakabilang-buhay si Gerardo Manuel Roxas de Leon.  Huh???  Who’s that Pokemón??? Siya po ay walang iba kundi ang dating senador Gerry Roxas.  Ikinalungkot ng bayan ang kanyang pagkawala.  Ama niya ang Pangulong Manuel Roxas ng Capiz at lolo niya sa ina ay isang ring dating Senador rin na si Ceferino de Leon ng Bulacan na miyembro ng Kongreso ng Malolos noong 1898.  Kumbaga, nasa lahi niya ang pagiging pulitiko.

Manuel at Trinidad Roxas, mga magulang ni Gerry.

Manuel at Trinidad Roxas, mga magulang ni Gerry.

Si Gerry kasama ang kanyang mga magulang at kapatid na si Ruby.  Mula kay Senador Jovito Salonga.

Si Gerry kasama ang kanyang mga magulang at kapatid na si Ruby. Mula kay Senador Jovito Salonga.

Aba!  Si Gerry ay nag-aral kapwa sa De La Salle College noong elementarya at sa Ateneo de Manila noong hayskul.  Ngunit, sa UP siya nag-abogasya at nakapasa sa bar noong 1949.  Noong 1955, nagpakasal sa isang babaeng nagmula sa isang prominenteng pamilyang Bisaya, si Judy Araneta at nagkaroon ng tatlong supling.

Ang pamilya Roxas mga 1970.  Mula kay Senador Jovito Salonga.

Ang pamilya Roxas mga 1970. Mula kay Senador Jovito Salonga.

Noong 1957, naging congressman ng Capiz at noong 1963, nagtamo ng pinakamaraming boto sa mga senador na nahalal sa halalang iyon.  Naging pangulo ng Partido Liberal at Minority Floor Leader at itinatanghal ng ilang beses sa Philippines Free Press bilang isa sa mga outstanding lawmakers.

Si Gerry bilang Floor Leader ng Senado.  Mula kay Senador Jovito Salonga.

Si Gerry bilang Floor Leader ng Senado. Mula kay Senador Jovito Salonga.

Si Gerry kasama ang mga kapwa senador Sergio "Serging" Osmena, Jr. at Benigno "Ninoy" Aquino, Jr.

Si Gerry kasama ang mga kapwa senador Sergio “Serging” Osmena, Jr. at Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.

Si Gerrry Roxas (nasa gitna) nang mahalal na Pangulo ng Partido Liberal kasama si Pangulong DIosdado Macapagal (kaliwa).  Mula kay Senador Jovito Salonga.

Si Gerrry Roxas (nasa gitna) nang mahalal na Pangulo ng Partido Liberal kasama si Pangulong DIosdado Macapagal (kaliwa). Mula kay Senador Jovito Salonga.

Si Gerry Roxas, naging Pangulo ng Partido Liberal.

Si Gerry Roxas, naging Pangulo ng Partido Liberal.

Si Gerry pinaliligiran ng mga kapwa senador Jovito Salonga, Serging Osmena, Ninoy Aquino, at iba pa.  Mula kay Senador Jovito Salonga.

Si Gerry pinaliligiran ng mga kapwa senador Jovito Salonga, Serging Osmena, Ninoy Aquino, at iba pa. Mula kay Senador Jovito Salonga.

Si Gerry kasama si Jovy Salonga at Ninoy Aquino sa Senado.  Mula kay Senador Jovito Salonga.

Si Gerry kasama si Jovy Salonga at Ninoy Aquino sa Senado. Mula kay Senador Jovito Salonga.

Sa isang rali ng Partido Liberal--Ninoy, Gerry, Serging at Jovy.

Sa isang rali ng Partido Liberal–Ninoy, Gerry, Serging at Jovy.

Si Gerry sa tanggapan ni Senador Roy.

Si Gerry sa tanggapan ni Senador Roy.

Mula kay Senador Jovito Salonga.

Mula kay Senador Jovito Salonga.

Mula kay Senador Jovito Salonga.

Mula kay Senador Jovito Salonga.

Ngunit hindi siya naaalala ng maraming tao dahil sa kanyang katayuan sa buhay o sa posisyong tinanganan sa pamahalaan.  Naaalala natin ang isang senador na sugatang binubuhat mula sa pagbomba sa Plaza Miranda ngunit kahit naka-wheelchair at puro benda ay patuloy na nagtrabaho.

Ang rali ng Partido Liberal sa Plaza Miranda, August 21, 1971.

Ang rali ng Partido Liberal sa Plaza Miranda, August 21, 1971.

Ang sugatang si Gerry habng binubuhat.  Mula kay Senador Jovito Salonga.

Ang sugatang si Gerry habng binubuhat. Mula kay Senador Jovito Salonga.

Si Gerry habang binibisita ni Ninoy sa Hospital.  Mula sa Delusions of a Dictator.

Si Gerry habang binibisita ni Ninoy sa Hospital. Mula sa Delusions of a Dictator.

Si Gerry habang tinutulungang maupo sa kanyang wheelchair para mangampanya.  Mula kay Senador Jovito Salonga.

Si Gerry habang tinutulungang maupo sa kanyang wheelchair para mangampanya. Mula kay Senador Jovito Salonga.

Patuloy na nagtrabaho.  Mula kay Senador Jovito Salonga.

Patuloy na nagtrabaho. Mula kay Senador Jovito Salonga.

Naaalala natin ang isang pulitikong malakas din na kandidato sa pagkapangulo noong halalan noong 1973, ngunit handang magparaya sa mas popular na kapartidong si Ninoy Aquino para sa pagkakaisa ng lapian kung hindi lang naiproklama ang Batas Militar noong 1972.  Tila naalala natin siyang muli nang maulit ang kasaysayan at magparaya ang anak niyang si Mar Roxas kay Noynoy Aquino noong halalan ng 2010.

Si Ninoy at Gerry.  Mula kay Senador Jovito Salonga.

Si Ninoy at Gerry. Mula kay Senador Jovito Salonga.

Si Ninoy, Serging at Gerry.

Si Ninoy, Serging at Gerry.

Si Mar at si Noynoy, 2010.

Si Mar at si Noynoy, 2010.

Si Mar at si Noynoy, 2010.

Si Mar at si Noynoy, 2010.

Naaalala natin siya bilang senador na kasama ng iba pa niyang mga kapwa senador ay nagpalitratong hawak ang kandado ng kanilang ipinasarang kongreso, ngunit hindi tumigil sa pagtulong sa pagkontra sa diktadura.

Sina Senador Doy Laurel, Eva Kalaw, Ramon Mitra, Gerry Roxas at Jovito Salonga habang nagpapalitrato sa harapan ng kanilang nakakandadong kongreso.  Mula kay Gng. Judy Roxas.

Sina Senador Doy Laurel, Eva Kalaw, Ramon Mitra, Gerry Roxas at Jovito Salonga habang nagpapalitrato sa harapan ng kanilang nakakandadong kongreso. Mula kay Gng. Judy Roxas.

Naaalala natin ang maykayang pulitiko na hindi kinalimutan ang mga mahihirap na kabataan.  Noong 1958, kongresista pa lamang noon, sinumulan niya ang isang munting iskolarsyip program para sa mga mahihirap ngunit matatalinong estudyante ng kaniyang distrito.  Itinatag niya ang Roxas Educational Advancement Committee.

Si Gerry Roxas sa kanyang aklatan, may pagpapahalaga sa edukasyon ng kabataan. Mula kay Senador Jovito Salonga.

Si Gerry Roxas sa kanyang aklatan, may pagpapahalaga sa edukasyon ng kabataan. Mula kay Senador Jovito Salonga.

Dahil sa respeto na ibinigay sa kanya ng mga lider-estudyante sa panahon ng ideyalismo sa mga pamantasan, inudyok siya ng College Editors Guild of the Philippines at Secondary Schools Guild na magkaroon ng gawad sa kanyang pangalan na kikilala sa mga estudyanteng may natatanging pamumuno, kahusayan sa pag-aaral at pakikisangkot sa lipunan.  Noong 1966, isinilang ang Gerry Roxas Leadership Award na ipinamamahagi sa maraming paaralan sa Pilipinas, at sa sumunod na taon naman, ipinamahagi ang Gerry Roxas Scholarship Grant na magbibigay tulong pinansyal sa mga nararapat bigyan ng pagkakataon makapagkolehiyo sa mga nagtamo ng gawad.

Mula sa Gerry Roxas Foundation

Mula sa Gerry Roxas Foundation

31 Noong 1966, isinilang ang Gerry ... paaralan sa Pilipinas

Mula sa Gerry Roxas Foundation.

Ang Gerry Roxas Foundation noon at ngayon.  Mula sa Gerry Roxas Foundation.

Hanggang ngayon, naaalala natin ang diwa ni Gerry sa daan-daang mga Gerry Roxas awardees na binigyang inspirasyon ng halimbawa at integridad ng isang taga-Capiz na naglingkod sa buong bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 20 April 2013)

XIAOTIME, 18 February 2013: PASYON AT EDSA REVOLUTION

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 18 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Pasyon at EDSA Revolution:  Si Ninoy at ang Inang Bayan bilang Pieta ng banal na mag-ina.  Regalo sa mga Aquino na nakalagak ngayon sa The Aquino Center sa San Miguel, Tarlac City.  Kuha ni Xiao Chua.

Pasyon at EDSA Revolution: Si Ninoy at ang Inang Bayan bilang Pieta ng banal na mag-ina. Regalo sa mga Aquino na nakalagak ngayon sa The Aquino Center sa San Miguel, Tarlac City. Kuha ni Xiao Chua.

18 February 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=xZu7E45L6O0

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ilang araw na lamang mula ngayon, atin nang ipagdiriwang ang 27th anniversary ng Himagsikang People Power o Kapangyarihang Bayan sa EDSA noong 1986.  Kamakailan lamang noong February 8-9, ginanap sa Ateneo de Manila University ang isang pandaigdigang kumperensya na nagpupugay sa kontribusyon ng historyador na si Dr. Reynaldo Ileto at sa kanyang aklat na Pasyon and Revolution, Popular Movements in the Philippines, 1840-1910.

Xiao Chua at Dr. Rey Ileto (pangalawa mula kaliwa), kasama sina Prop. Atoy Navarro at Dr. Zeus Salazar, Kenny Roger's Katipunan.  Kuha ni Dr. Preciosa de Joya.

Xiao Chua at Dr. Rey Ileto (pangalawa mula kaliwa), kasama sina Prop. Atoy Navarro at Dr. Zeus Salazar, Kenny Roger’s Katipunan. Kuha ni Dr. Preciosa de Joya.

Ang kopya ni Xiao Chua ng Pasyon and Revolution ni Reynaldo Ileto.

Ang kopya ni Xiao Chua ng Pasyon and Revolution ni Reynaldo Ileto.

Opisyal na backdrop ng kumperensyang nagpupugay kay Dr. Reynaldo C. Ileto.  Rip-off ng pabalat ng pamosong libro.

Opisyal na backdrop ng kumperensyang nagpupugay kay Dr. Reynaldo C. Ileto. Rip-off ng pabalat ng pamosong libro.

Bago ang panahon ni Sir Rey, ang mga historyador ay napako sa posistibistang dictum “No documents, no history,” kaya puro pulitikal na kasaysayan ang lumilitaw gamit ang mga tradisyunal na batis at mga nakasulat na dokumento na siyempre, sinulat ng mga edukado at elit.  Si Sir Rey ang isa sa unang pagpakita sa atin sa pamamagitan ng pagbasa sa mga literatura, tula at awit na nilikha at binasa ng mga kilusang bayan sa panahong iyon, makikita natin ang tunay na saloobin at kaisipan ng bayan.  Ang tawag dito ay “history from below.”

Ang pagtangkilik ng bayan sa Pasyong Mahal ni Hesukristo sa mga pabasa tuwing mahal na araw.  Kuha ni Sidney Snoeck.

Ang pagtangkilik ng bayan sa Pasyong Mahal ni Hesukristo sa mga pabasa tuwing mahal na araw. Kuha ni Sidney Snoeck.

Kopya ni Xiao Chua ng Pasyong Mahal.

Kopya ni Xiao Chua ng Pasyong Mahal.

Nakumpiskang anting-anting na nakasuot sa Katipunero.

Nakumpiskang anting-anting na nakasuot sa Katipunero.

Ang nakumpiskang anting-anting ni Macario Sakay na nakalagak sa isang artsibo sa Estados Unidos.  Mula sa Pasyon and Revolution.

Ang nakumpiskang anting-anting ni Macario Sakay na nakalagak sa isang artsibo sa Estados Unidos. Mula sa Pasyon and Revolution.

Kung ganito ang lenteng ating gagamitin, ang isang himagsikan ay hindi lamang tunggalian ng mga uri, ng mayaman, mahirap at mga pulitikal na mga pwersa, kundi isa ring kultural na pangyayari.  Dito natin naintindihan na kaiba sa pagbasa ng mga Marxista na ang relihiyon ang opyo ng lipunan at nakakapagpapigil sa pag-unlad ng tao, kung titingnan ang kaisipan ng bayan, ang kanilang mga paniniwala ay instrumental pa nga upang palakasin ang kanilang loob at bigyan sila ng pag-asa sa kanilang pakikibaka.

Karl Marx

Karl Marx

Kung titingnan, sa Katipunan, hindi nawawala ang esprituwalidad, hanggang sa Himagsikang EDSA lumitaw ang naratibo ng Pasyon.  Na para sa mga tao, laban ito ng mabuti at masama.  Na ang sakripisyo nina Rizal at Ninoy para sa bayan ay tulad din ng pagsasakripisyo ni Hesus.  Ang Inang Bayan ay ang Mahal na Birhen.  Kaya sa EDSA, naroon ang mga rosaryo, ang Birheng Maria, mga krus at Bibliya.  Mga pari, madre, layko, maging mga Muslim na nakaluhod sa harap ng tangke, nananalangin.

Medieval morality play:  Laban ng masama at mabuti.  Mula sa Nine Letters.

Medieval morality play: Laban ng masama at mabuti. Mula sa Nine Letters.

Ang paralelismo na ibinigay ng bayan:  Si Jose Rizal at Ninoy Aquino.  Mula sa Mr. & Ms. Special edition.

Ang paralelismo na ibinigay ng bayan: Si Jose Rizal at Ninoy Aquino. Mula sa Mr. & Ms. Special edition.

Inang Maria sa gitna ng Himagsikang EDSA 1986.

Inang Maria sa gitna ng Himagsikang EDSA 1986.

Isang babaeng nagrorosaryo habang nakaluhod sa isang tangke noong Himagsikang EDSA.  mula sa James Reuter Foundation.

Isang babaeng nagrorosaryo habang nakaluhod sa isang tangke noong Himagsikang EDSA. mula sa James Reuter Foundation.

Banal na Bibliya sa EDSA.  Mula sa People Power The Filipino Experience.

Banal na Bibliya sa EDSA. Mula sa People Power The Filipino Experience.

Ang mga tao habang nakaluhod sa harapan ng tangke.  Mula sa Nine Letters.

Ang mga tao habang nakaluhod sa harapan ng tangke. Mula sa Nine Letters.

Mayaman o mahirap man, tila lumitaw ang ganitong kaisipan.  Nagbigay ako ng presentasyon sa nasabing kumperensya ukol sa aking pag-aaral ng nagpapatuloy na tradisyon ng pagsasadula ng mga urban poor sa Metro Manila sa kalsada tuwing Pasko at Mahal na Araw.  Sa Panuluyan, kanilang nakikita na matapos maghanap ang banal na mag-asawa ng mapagsisilangan kay Hesus, nakahanap din sila.  Sa Kalbaryo, sa kabila ng matinding pagdurusa at hilahil ng mahal na Panginoon, matapos ang tatlong araw, nabuhay din siyang muli.

Xiao Chua, Dr. Rey Ileto, at kanyang mga nakasama sa sesyon, February 9, 2013.

Xiao Chua, Dr. Rey Ileto, at kanyang mga nakasama sa sesyon, February 9, 2013.

26 ukol sa aking pag-aaral ng nagpapatuloy na tradisyon ng pagsasadula ng mga urban poor sa Metro Manila

Panunuluyan ng mga Maralitang Tagalungsod, December 2011, Plaza Hernandez, Tondo Maynila.  Kuha ni Xiao Chua.

Panunuluyan ng mga Maralitang Tagalungsod, December 2011, Plaza Hernandez, Tondo, Maynila.  Itinataguyod sa pamumuno ng TriCorps kasama ang Urban Poor Associates. Kuha ni Xiao Chua.

Panunuluyan ng mga Maralitang Tagalungsod, December 2011, Plaza Hernandez, Tondo Maynila.  Kuha ni Xiao Chua.

Panunuluyan ng mga Maralitang Tagalungsod, December 2011, Plaza Hernandez, Tondo Maynila. Kuha ni Xiao Chua.

Pagbubuhat ng napakalaking krus.  Kalbaryo ng mga Maralitang Tagalungsod, April 2011, Quiapo.  Kuha ni Xiao Chua.

Pagbubuhat ng napakalaking krus. Kalbaryo ng mga Maralitang Tagalungsod, April 2011, Quiapo. Kuha ni Xiao Chua.

Mga maralitang nakamaskara ng Kristo.  Kalbaryo ng mga Maralitang Tagalungsod, April 2011, Quiapo.  Kuha ni Xiao Chua.

Mga maralitang nakamaskara ng Kristo. Kalbaryo ng mga Maralitang Tagalungsod, April 2011, Quiapo. Kuha ni Xiao Chua.

Nagbibigay ito ng mensahe na may pag-asa sa maralita ng disenteng tahanan at tunay na kaginhawaan.  Kaya nagpapadayon at nagpapatuloy lamang sila makibaka.  Kung tutuusin, ang ipinakita ni Sir Rey sa Pasyon and Revolution ay patuloy na makikita at lalong napapatunayan sa dami ng mga pag-aaral na inangkla sa kanyang sinumulan.

Reynaldo C. Ileto

Reynaldo C. Ileto.  Mula sa Philippine Studies.

Sir Rey, salamat po at itinuro niyo sa aming mga historyador na bago namin pakinggan ang ibang tao, pakinggan muna dapat namin ang tinig ng mga maliliit ar ordinaryong tao.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Leong Hall, ADMU, 8 February 2013)