XIAO TIME, 14 June 2013: KASAYSAYAN NG DE LA SALLE UNIVERSITY

by xiaochua

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

 03 siyam na payunir na mga gurong Christian Brothers, mas kilala bilang mga La Salle Brothers sa Pilipinas

14 June 2013, Friday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  102 years ago, June 16, 1911, sa isang lumang bahay na bato sa Kalye Nozaleda sa Paco, Maynila nagbukas ang De La Salle College na itinatag ng siyam na payunir na mga gurong Christian Brothers, mas kilala bilang mga La Salle Brothers sa Pilipinas.

652 Calle Nozaleda, Paco, Maynila, ang pook ng unang DLSC sa Pilipinas.

Ang unang gusali ng DLSC ay isang lumang bahay na bato na dating pook ng The American School bago ito lumipat kung saan man.  Mula sa La Salle:  1911-1986.

Ang mga bakod na ito na inorder pa sa Scotland ang siyang mga bakal na nagprotekta sa unang DLSC sa Calle Nozaleda, Paco, Maynila.  Ang mga bako na ito ay inilipat sa Intramuros matapos ang digmaan at ngayon ay nasa bukana na ng Fort Santiago.  Mula sa La Salle:  1911-1986.

[Ipinatawag sila ng Arsobispo ng Maynila, Jeremiah James Harty mula sa Estados Unidos dahil nangangamba ito na sa pagkawala ng marami sa mga prayleng Espanyol at pagpasok ng Amerikanong Protestantismo, mapabayaan ang Katolikong edukasyon sa Pilipinas.]  Mga Irlandes ang ilan sa mga unang brothers kaya ang pambansang kulay ng Ireland na “Green” ang naging opisyal na kulay ng paaralan.  Noong araw na iyon, 125 mga estudyante na ang papasok at madaragdagan pa ito ng 50 sa loob ng isang buwan!

Ang Green Archer ay kumuha ng inspirasyon mula sa kwento ng maalamat na Pambansang Bayani ng Switzerland na si William Tell, yung nagpakita ng angas at galing sa mga kolonisador na Austriano nang ipagawa sa kanyang panain ang isang mansanas na inilagay sa ibabaw ng ulo ng kanyang anak.

Larawan ng isang Lasalyanong klase sa Nozaleda.  Mula sa Koleksyon ni Antonio Deblois mula sa La Salle:  1911-1986.

Ang midget football field ng La Salle, 1919.  Mula sa La Salle: 1911-1986.

Ang mga Christian Brothers ay mga kasapi ng Fratres Scholarum Christianarum o FSC, mga brother, take note, hindi pari, na nag-aalay ng sarili sa pagtuturo sa kapwa lalo na sa mga mahihirap.  Nagsimula sa munting pangarap ni San Jean Baptiste de la Salle na nabuhay mula 1651 hanggang 1719 sa Pransya, [isang mayaman na itinakwil ang kanyang mariwasang buhay upang makipamuhay sa mga mahihirap], at naging Patron ng mga Guro.  Ang isang piraso ng kanyang buto ay maaaring mabisita sa kapilya ng pamantasan sa Taft.

Ang opisyal na paglalarawan kay San Jean Baptiste de la Salle, obra maestra ni Pierre Leger.

Ang pamosong larawan ni La Salle na nakasabit sa lahat ng silid ng DLSU Manila ay nagmula sa mas malaking paglalarawan na ito habang nagtuturo siya sa isang klase.

Si La Salle habang nagtuturo.

Si La Salle habang nagtuturo.

Si La Salle bilang patron ng mga guro, dinadala ang maraming bansa kay Kristo.

Ang malaking piraso ng buto ni  St. La Salle ay mapipintuho sa Kapilya ng Banal na Sakramento sa DLSU Manila.  Kuha ni Xiao Chua.

Si Xiao Chua habang nagbibigay ng respeto sa relic o isang piraso ng buto ni San Juan Bautista de La Salle noong Sentenaryo ng La Salle sa Pilipinas, June 16, 2011.  Hindi man Katoliko, nakikibahagi ako sa hiraya ng La Salle:  Religio, Mores, Cultura.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang mga Christian Brothers, o mas kilala bilang mga La Salle brothers sa Pilipinas.

Religio, Mores, Cultura (Faith, Service and Communion): ang isinasabuhay ng mga brothers at ng kanilang pamantasan.  Isang brother ang nakikisalamuha sa mga maralitang kabataan.

Sa paglaki ng populasyon kinailangan na magkaroon ng bagong gusali.  Nagwagi ang disenyong neo-classical ng arkitektong si Tomas Mapua.  Natapos ang gusali noong 1921 at tinatawag ngayon na St. La Salle Hall, napabilang sa 1,001 Building You Must See Before You Die, ang tanging gusali mula sa Pilipinas  Ito ang itsura noon ng lobby, ng mga klasrum, at ng dormitoryo sa ikatlong palapag nito.

Arkitekto Tomas Mapua, gradweyt ng Cornell.  Mula sa La Salle:  1911-1986.

De La Salle College, gusaling dinisenyo ni Tomas Mapua at ipinatayo noong 1921.  Mula kay Sunny Velasco.

Mula sa La Salle: 1911-1986.

Mula sa La Salle: 1911-1986.

Isang klasrum sa DLSC.  Mula kay Sonny Velasco.

Mula kay Sunny Velasco.

Mula kay Sunny Velasco.

Noong panahon ng Amerikano, tanging mga Brothers lamang ang pwedeng maging guro at lalaki lamang ang tinatanggap na estudyante.  Naniniwala ang mga brothers sa kasabihang Latin, “Mens sana in corpore sano,” a sound mind in a healthy body, kaya naman sinanay din ang mga Lasalyano sa palakasan.  Ipinatayo ang naging pinakamalaking soccer-football field sa bansa sa tabi ng gusali, at nahilig din sila sa handball at basketball.

Isang kurso sa Commerce ang ipinakilala ni Brother Athanasius noong 1920.  Mula sa La Salle: 1911-1986.

Mula sa La Salle 1911-1986.

Mula sa La Salle 1911-1986.

Ang mga estudyanteng lalaki ng DLSC ay nagtipon-tipon para sa flag ceremony.  Mula sa La Salle: 1911-1986.

Ang mga estudyanteng lalaki ng DLSC ay nagtipon-tipon para sa flag ceremony, makikit sa larawan ang softball court na tinanggal noong Dekada 1980.  Ngayon ay Amphitheater na. Mula sa La Salle: 1911-1986.

Isang brother ang nangunguna sa Boy Scout Drill ng mga Lasalyano.  Mula sa Koleksyon ni Ernie Martinez, ang bata sa kalagitnaan ng bilog.

Magiging mahigpit na karibal sa larong ito ng isa pang panlalaking paaralan, ang Ateneo de Manila [lalo na nang matalo sa NCCA ng La Salle ang Ateneo noong 1939.  Ayon sa kwento ng mga alumnus, nagparada raw ang mga taga La Salle at nagtapon ng mga patay na manok sa kampus ng Ateneo sa Padre Faura, na ang kahulugan ay “The Green Archers shot down the Blue Eagles”].  Tumulong sa mga gerilya at nag-alay din ng buhay ang mga brothers upang protektahan ang paaralan nang lusubin at patayin sila ng mga Hapones noong February 12, 1945.

Mula sa De La Salle, 1911-1986 ni Carlos Quirino.

Isang patay na brother sa loob mismo ng chapel.  Mula sa De La Salle, 1911-1986 ni Carlos Quirino.

Ito ang itsura ng mga katawan na nagatong-patong sa malapit sa cellar at hagdan patungong chapel.  Mula sa La Salle:  1911-1986.

Larawan ng 16 na mga brothers na nasawi.

Muling itinatag matapos ang digmaan, naging co-educational o nagpapasok na ng babae noong 1973 at naging ganap na Unibersidad noong 1975.  Noong 2011, sa pagdiriwang ng Sentenaryo nito, 17 na ang paaralan ng La Salle sa Pilipinas.

Ang La Salle noong wala pang LRT.  Eksena mula sa pelikulang Temptation Island.

Graduation sa DLSU na may mga kasama nang mga babae.

Ang St. Benilde Gymn sa La Salle Greenhills, isa sa 17 kampus ng La Salle Philippines.  One La Salle.

Ang St. Benilde Gym sa La Salle Greenhills, kung saan inilipat ang mga estudyante ng elementarya at hayskul.  Isa sa 17 kampus ng La Salle Philippines. One La Salle.

Ang frontpage na larawan ng Philippine Daily Inquirer sa selebrasyon ng sentenaryo ng De La Salle University, June 16, 2011.  Makikita si Xiao Chua na kumukuha ng larawan ng kanyang sarili sa loob ng chapel sa bandang kaliwa, ilalim.

Ang frontpage na larawan ng Philippine Daily Inquirer sa selebrasyon ng sentenaryo ng De La Salle University kapiling ang mahal na Pagulong Noynoy Aquino, June 16, 2011. Makikita si Xiao Chua na kumukuha ng larawan ng kanyang sarili sa loob ng chapel sa bandang kaliwa, ilalim.

Ang nagbabagong kampus:  Ang St. La Salle Hall ilang taon lamang bago ang digmaan.  Mula sa fb ng La Salle Brothers.

Ang La Salle sa pagpasok ng bagong milenyo.  Makikita ang bagong gusali noon na Enrique Yuchengco.  Kuha ni Karla Peralta.

Ang kampus at ang pinakatampok na bagong gusali nito ngayon na binuksan noong January 2013, ang Henry Sy, Sr. Centennial Hall kung saan naroon ang pangasiwaan at ang pinakamodernong aklatan sa Pilipinas.  Mula sa fb ng mga La Salle Brothers.

Ang kampus at ang pinakatampok na bagong gusali nito ngayon na binuksan noong January 2013, ang Henry Sy, Sr. Centennial Hall (kanan) kung saan naroon ang pangasiwaan at ang pinakamodernong aklatan sa Pilipinas. Mula sa fb ng La Salle Brothers.

Nagluwal ng mga Dakilang Pilipino tulad nina Jesus Villamor, Jose W. Diokno, Lorenzo Tañada, Doy Laurel, Danding Cojuangco, Gary V., at Rico Yan.  Ilan din sa mga naglilingkod sa gabinete ay mga Lasalyano kabilang na ang huwaran ng katapatan Secretary Jesse Robredo, ang dakilang Brother Andrew Gonzales, FSC, dating Secretary of Eduacation, at si Brother Armin Luistro, FSC na ngayon ay nagpapakita ng political will sa pagpapatupad ng repormang K+12 at Mother Tounge Based Multilingual Education.

Bayani ng digmaan Jesus Villamor, sa kanya ipinangalan ang Villamor Air Base, ang punong himpilan ng Philippine Air Force.  Mula sa LIFE.

Diokno at Tanada:  Mga makabayan.

Diokno at Tanada: Mga makabayan.

Ang naging grand old man of Philippine politics na si Lorenzo Tanada, na ipinaglaban tayo noong Panahon ni Marcos, bilang estudyante ng La Salle  na hawak ang batuta at naglalaro ng baseball.  Mula sa La Salle: 1911-1986.

Si Doy Laurel, ang bise presidente ng EDSA, habang nangangampanya kasama ang Pangulong Cory Aquino noong 1986 Snap Presidential Elections.  Mula sa Washington Post.

Si Xiao Chua kasama si Danding Cojuangco at kabiyak na si Gretchen Oppen Cojuangco noong Sentenaryo ng La Salle sa Pilipinas, June 16, 2011.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Gary Valenciano, haligi ng Musikang Pilipino.  Mula sa Universal Records.

Ang yumaong Rico Yan, hindi lamang artista kundi nagkawanggawa.  Pangarap niyang maging Pangulo ng Pilipinas.  Mula sa tvseriescraze.blogspot.com.

Ang Quintessential Lasallian Brother Andrew Gonxales, FSC.  Mula sa La Salle: 1911-1986.

Ang Quintessential Lasallian Brother Andrew Gonzales, FSC. Mula sa La Salle: 1911-1986.

Ilan sa kasapi ng gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino ay mga Lasalyano.  Mula sa The Future Begins Here.

Si Xiao Chua kasama ang yumaong kalihim ng DILG Jesse Manalastas Robredo.

Si Xiao Chua kasama ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon Brother Armin Luistro noong pangulo pa lamang siya ng Pamantasang De La Salle, Hunyo 2009.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Sa pamumuno ngayon ni Brother President Ricky Laguda, natamo na ang target na 20 % ng estudyante ng DLSU ay mga iskolar, liban pa sa maraming mga paaralan na naipatayo para sa mga mahihirap.

Brother Ricardo Laguda, FSC, Pangulo ng Pamantasang De La Salle, sa isang ad ng relo para sa Sentenaryo ng La Salle.  Mula sa behance.com.

Si Xiao Chua bilang si Brother Flavius Leo (isa sa namatay noong masaker ng 1945) para sa isang campus tour, kasama si Brother President Ricky Laguda, FSC., February 2013.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang Jaime Hilario Integrated School sa Bagac, Bataan ang isa sa mga paaralan ng La Salle para sa mga mahihirap na itinatag noong 2006.

Isang estudyante ng Jaime Hilario Integrated School.  Mula sa heytheredelilah.wikispaces.com

Si Xiao Chua kasama sina Dating Pangulo ng Pamantasang De La Salle Brother Narciso Erguiza, Jr. FSC, Pangulong Brother Ricardo Laguda, FSC, at Pangulo ng De La Salle Zobel Brother Bernard Oca, FSC noong Sentenaryo ng De La Salle sa Pilipinas, June 16, 2011 sa kapilyang pinag-alayan ng dugo ng mga martir.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Paaralan man ng mga mariwasa sa buhay, patuloy itong nagsisilbi sa sambayanang Pilipino.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 8 June 2013, salamat sa pananaliksik nina Carlos Quirino at Jose Victor Jimenez at sa mga larawan mula kay Sunny Velasco at sa mga aklat na La Salle: 1911-1986, at The Future Begins Here.)