XIAOTIME, 12 March 2013: MGA PANANAW UKOL SA CLAIM NG PILIPINAS SA SABAH (Sabah Part 2)

by xiaochua

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 12 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Lahad Datu, Sabah.  Ang tagpo ng karahasan a pagitan ng Royal Forces ng Sulu at ng mga sundalong Malaysian, Mahigit 60 bangkay ang bumagsak sa kaguluhang ito,

Lahad Datu, Sabah. Ang tagpo ng karahasan a pagitan ng Royal Forces ng Sulu at ng mga sundalong Malaysian, Mahigit 60 bangkay ang bumagsak sa kaguluhang ito,

12 March 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=s7TSvJeE-r8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa ikalawang bahagi ng aking ulat, nais ko pong magbigay ng aking humble opinion ukol sa isyu ng Sabah o North Borneo.  Tulad sa lahat ng episode ng Xiao Time, binibigyan ako ng kalayaan ng Telebisyon ng Bayan sa lahat ng aking sinasabi.  Ang aking opinyon ay hindi po kumakatawan sa tindig ng pamahalaan ng Pilipinas.  Hindi madaling sagutin ang tanong kung sa atin ba ang Sabah sapagkat hindi katulad ng Spratley’s, hindi lamang ito usapin ng teritoryo.  May mga Sabahans na naroon at tulad ng desisyon ng World Court sa apela ng Pilipinas noong October 23, 2001, “Modern international law does not recognize the survival of a right of sovereignty based solely on historic title.”  Kailangan raw isaalang-alang ang isyu ng self-determination o sariling pagpapasya at pinili na raw ng mga taga Sabah sa referendum ng 1963 na maging bahagi ng Malaysia.

Ang pahina na nagtataglay ng opisyal na desisyon ng International Court of Justice ukol sa claim ng Pilipinas sa Sabah.  Mula sa http://www.mpil.de/ww/en/pub/research/details/publications/institute/wcd.cfm?fuseaction_wcd=aktdat&aktdat=201010200400.cfm

05 “Modern international law ... historic title

Kung gagawa tayo ng military action ngayon upang kunin ang Sabah at masakop nga natin ito, kaya ba natin?  Hindi kaya mag-alsa rin ang mga taga-Sabah laban sa atin?  Gusto na ba nating maging colonizer?  Kung tayo mismo nagsasabi na mahirap ang Pilipinas, pipiliin kaya nila ang maging bahagi ng Pilipinas kaysa sa mayamang Malaysia?  Gayunpaman, ganun-ganun lang ba iyon?  Hindi dapat bitawan ang claim lalo na’t kung totoong nagbabayad nga ng maliit na taunang renta ang Malaysia sa Sultanato ng Sulu tulad sa mga nakalipas na dekada.

Katibayan ng pagbabayad ng Malaysia sa pamilya ni Sultan Jamalul Kiram III.

Katibayan ng pagbabayad ng Malaysia sa pamilya ni Sultan Jamalul Kiram III.

Sabihin man na pribadong lupa ito ng Sultanato, barya lang ang ibinabayad nila sa dami ng pakinabang nila sa lupang ito—ang mga resort sa Kota Kinabalu, ang mga yamang dagat, ginto at platinum.

Kota Kinabalu, North Borneo.  Mula sa Wikipedia.

Kota Kinabalu, North Borneo. Mula sa Wikipedia.

Sandakan, North Borneo

Sandakan, North Borneo

Ipinakita rin ng historyador na si Jojo Abinales na ang mga tao sa Sulu at North Borneo, ang mga Tausug, Sama Dilaut at iba pa, ay walang pakialam sa mga hangganang pulitikal dahil sa loob ng daan-daang taon palipat-lipat lamang sila ng border, namamalengke sa magkabilang dalampasigan dahil magkakamag-anak naman sila at magkakapamilya na nakatira na doon bago pa man isilang ang mga modernong estado.  Kaya hindi dapat busabusin ang mga kababayan natin doon at basta-basta palayasin ng mga Malaysians.

Si Xiao Chua kasama si Dr. Patricio Abinales.

Si Xiao Chua kasama si Dr. Patricio Abinales.

Ang daan-daang taon ng kontak ng mga Tausug sa Sulu at Sabah.

Ang daan-daang taon ng kontak ng mga Tausug sa Sulu at Sabah.

Ang mga Tausug

Ang mga Tausug

Kaya kung tutuusin, si Pangulong Noynoy Aquino ay nasa isang sitwasyong “damn if you do, and damn if you don’t”—kung suportahan niya ang Sultanato, maaaring manganib ang buong bansa dahil maaari na tayong puksain ng Malaysia.  Kung wala namang gagawin ang pangulo, kahit sabihin pang iniiwasan niya ang mas malaking gulo, nagmumukhang binibitawan na niya ang claim natin sa Sabah.

Pangulong Noynoy Aquino.

Pangulong Noynoy Aquino.

Para sa akin, pag-aari ng Sultanato ng Sulu ang Sabah, at kung nais ng mga taga Sabah na manatili sa Malaysia, kailangan nilang bigyan ng tamang kabayaran at pagkilala ang Sultanato ng Sulu at ang Pilipinas.  Ngunit lahat tayo, pati ako, ay nagmamagaling lang.  Nakasalalay ang sitwasyon sa kung anumang pag-usapan ng mga pinunong Pilipino, Malaysian at dapat kasama ang Sultanato at ang mga taga Sabah.  Maraming solusyon ang pwedeng pag-usapan ngunit hindi makakapagsimula ang pag-uusap kung hindi magbaba ng armas kapwa ang Royal Forces ng Sultanato at ang pamahalaan ng Malaysia.  Mag-usap na po kayo, please.  Salamat po sa inyong oras.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDonald’s Philcoa, 7 March 2013)

Ang nagpapakilalang Royal Forces of the Sultanate of Sulu and North Borneo.

Ang nagpapakilalang Royal Forces of the Sultanate of Sulu and North Borneo.

Supporters of the self-proclaimed Sultan of Sulu Jamalul Kiram, hold a torchlight parade near a mosque in Manila. Malaysia expanded its hunt for armed Filipino invaders who dodged a military assault meant to crush them, as a Philippine guerrilla said more Islamic fighters had arrived.  From the LA Times