IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: tausug

XIAOTIME, 12 March 2013: MGA PANANAW UKOL SA CLAIM NG PILIPINAS SA SABAH (Sabah Part 2)

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 12 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Lahad Datu, Sabah.  Ang tagpo ng karahasan a pagitan ng Royal Forces ng Sulu at ng mga sundalong Malaysian, Mahigit 60 bangkay ang bumagsak sa kaguluhang ito,

Lahad Datu, Sabah. Ang tagpo ng karahasan a pagitan ng Royal Forces ng Sulu at ng mga sundalong Malaysian, Mahigit 60 bangkay ang bumagsak sa kaguluhang ito,

12 March 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=s7TSvJeE-r8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa ikalawang bahagi ng aking ulat, nais ko pong magbigay ng aking humble opinion ukol sa isyu ng Sabah o North Borneo.  Tulad sa lahat ng episode ng Xiao Time, binibigyan ako ng kalayaan ng Telebisyon ng Bayan sa lahat ng aking sinasabi.  Ang aking opinyon ay hindi po kumakatawan sa tindig ng pamahalaan ng Pilipinas.  Hindi madaling sagutin ang tanong kung sa atin ba ang Sabah sapagkat hindi katulad ng Spratley’s, hindi lamang ito usapin ng teritoryo.  May mga Sabahans na naroon at tulad ng desisyon ng World Court sa apela ng Pilipinas noong October 23, 2001, “Modern international law does not recognize the survival of a right of sovereignty based solely on historic title.”  Kailangan raw isaalang-alang ang isyu ng self-determination o sariling pagpapasya at pinili na raw ng mga taga Sabah sa referendum ng 1963 na maging bahagi ng Malaysia.

Ang pahina na nagtataglay ng opisyal na desisyon ng International Court of Justice ukol sa claim ng Pilipinas sa Sabah.  Mula sa http://www.mpil.de/ww/en/pub/research/details/publications/institute/wcd.cfm?fuseaction_wcd=aktdat&aktdat=201010200400.cfm

Ang pahina na nagtataglay ng opisyal na desisyon ng International Court of Justice ukol sa claim ng Pilipinas sa Sabah. Mula sa http://www.mpil.de/ww/en/pub/research/details/publications/institute/wcd.cfm?fuseaction_wcd=aktdat&aktdat=201010200400.cfm

05 “Modern international law ... historic title

Kung gagawa tayo ng military action ngayon upang kunin ang Sabah at masakop nga natin ito, kaya ba natin?  Hindi kaya mag-alsa rin ang mga taga-Sabah laban sa atin?  Gusto na ba nating maging colonizer?  Kung tayo mismo nagsasabi na mahirap ang Pilipinas, pipiliin kaya nila ang maging bahagi ng Pilipinas kaysa sa mayamang Malaysia?  Gayunpaman, ganun-ganun lang ba iyon?  Hindi dapat bitawan ang claim lalo na’t kung totoong nagbabayad nga ng maliit na taunang renta ang Malaysia sa Sultanato ng Sulu tulad sa mga nakalipas na dekada.

Katibayan ng pagbabayad ng Malaysia sa pamilya ni Sultan Jamalul Kiram III.

Katibayan ng pagbabayad ng Malaysia sa pamilya ni Sultan Jamalul Kiram III.

Sabihin man na pribadong lupa ito ng Sultanato, barya lang ang ibinabayad nila sa dami ng pakinabang nila sa lupang ito—ang mga resort sa Kota Kinabalu, ang mga yamang dagat, ginto at platinum.

Kota Kinabalu, North Borneo.  Mula sa Wikipedia.

Kota Kinabalu, North Borneo. Mula sa Wikipedia.

Sandakan, North Borneo

Sandakan, North Borneo

Ipinakita rin ng historyador na si Jojo Abinales na ang mga tao sa Sulu at North Borneo, ang mga Tausug, Sama Dilaut at iba pa, ay walang pakialam sa mga hangganang pulitikal dahil sa loob ng daan-daang taon palipat-lipat lamang sila ng border, namamalengke sa magkabilang dalampasigan dahil magkakamag-anak naman sila at magkakapamilya na nakatira na doon bago pa man isilang ang mga modernong estado.  Kaya hindi dapat busabusin ang mga kababayan natin doon at basta-basta palayasin ng mga Malaysians.

Si Xiao Chua kasama si Dr. Patricio Abinales.

Si Xiao Chua kasama si Dr. Patricio Abinales.

Ang daan-daang taon ng kontak ng mga Tausug sa Sulu at Sabah.

Ang daan-daang taon ng kontak ng mga Tausug sa Sulu at Sabah.

Ang mga Tausug

Ang mga Tausug

Kaya kung tutuusin, si Pangulong Noynoy Aquino ay nasa isang sitwasyong “damn if you do, and damn if you don’t”—kung suportahan niya ang Sultanato, maaaring manganib ang buong bansa dahil maaari na tayong puksain ng Malaysia.  Kung wala namang gagawin ang pangulo, kahit sabihin pang iniiwasan niya ang mas malaking gulo, nagmumukhang binibitawan na niya ang claim natin sa Sabah.

Pangulong Noynoy Aquino.

Pangulong Noynoy Aquino.

Para sa akin, pag-aari ng Sultanato ng Sulu ang Sabah, at kung nais ng mga taga Sabah na manatili sa Malaysia, kailangan nilang bigyan ng tamang kabayaran at pagkilala ang Sultanato ng Sulu at ang Pilipinas.  Ngunit lahat tayo, pati ako, ay nagmamagaling lang.  Nakasalalay ang sitwasyon sa kung anumang pag-usapan ng mga pinunong Pilipino, Malaysian at dapat kasama ang Sultanato at ang mga taga Sabah.  Maraming solusyon ang pwedeng pag-usapan ngunit hindi makakapagsimula ang pag-uusap kung hindi magbaba ng armas kapwa ang Royal Forces ng Sultanato at ang pamahalaan ng Malaysia.  Mag-usap na po kayo, please.  Salamat po sa inyong oras.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDonald’s Philcoa, 7 March 2013)

Ang nagpapakilalang Royal Forces of the Sultanate of Sulu and North Borneo.

Ang nagpapakilalang Royal Forces of the Sultanate of Sulu and North Borneo.

Supporters of the self-proclaimed Sultan of Sulu Jamalul Kiram, hold a torchlight parade near a mosque in Manila. Malaysia expanded its hunt for armed Filipino invaders who dodged a military assault meant to crush them, as a Philippine guerrilla said more Islamic fighters had arrived.  From the LA Times

Supporters of the self-proclaimed Sultan of Sulu Jamalul Kiram, hold a torchlight parade near a mosque in Manila. Malaysia expanded its hunt for armed Filipino invaders who dodged a military assault meant to crush them, as a Philippine guerrilla said more Islamic fighters had arrived. From the LA Times

XIAOTIME, 5 March 2013: ANG PAGTINDIG SA ALAPAAP (Ang Labanan sa Bud Daho)

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 5 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Larawan ng mga Amerikano na ipinagmamalaki ang kanilang tagumpay sa pagtindig ng mga Tausug sa Bud Daho, Jolo, Sulu, Abril 1906.  Pansinin ang bangkay ng babae na nakapagitna sa lahat ng ito.  Mula sa morolandhistory.com.

Larawan ng mga Amerikano na ipinagmamalaki ang kanilang tagumpay sa pagtindig ng mga Tausug sa Bud Daho, Jolo, Sulu, Abril 1906. Pansinin ang bangkay ng babae na nakapagitna sa lahat ng ito. Mula sa morolandhistory.com.

5 March 2013, Tuesday:  https://www.youtube.com/watch?v=d81bC_b83o0

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  107 years ago ngayong araw, March 5, 1906, naganap ang pagtinding sa mga alapaap sa Bundok o Bud Daho sa Jolo.  Ano ang kahalagahan ng labanang ito?  Nang sakupin ng mga Amerikano ang mga Mindanao, nakipagkasundo ang mga sultan sa kanila.  Hindi payag dito si Datu Uti, datu ng mga Tausug, kaya ginawa nila ang ginagawa ng mga sinaunang Pilipino kapag nais na layuan ang kolonisasyon, nag-ilihan o namundok.

Bud Daho.  Mula sa Phivolcs.

Bud Daho. Mula sa Phivolcs.

Bud Daho.

Bud Daho.

Pinili nilang ipagpatuloy na mamuhay ng normal kasama ang mga mga bata, matatanda, lalaki at babae sa crater ng Bud Daho.  Ibig sabihin, sila ay hindi kampo militar at sila ay namumuhay ng mapayapa.  Ngunit noong araw na iyon ng 1906, sa utos ni Heneral Leonard Wood, sila ay pinalibutan, inakyat, at nilusob ng mga Amerikano sa ilalim ng isang Koronel Duncan na may 800 mga opisyal at tauhan.

Heneral Leonard Wood

Heneral Leonard Wood:  “I don’t have a wooden heart.”

Habang pinapaulanan ng mga Amerikanong mortar at mga machine gun, matapang na lumaban ang mga Tausug gamit ang kanilang mga patalim.  Ayon sa isang tala, sa 1,000 lalaki, babae, matanda, at batang Tausug, 994 ang namatay, 6 ang sugatan.  Naku! Nagtira pa!

Dramatisasyon ng mga patay na Morong Tausug sa Bud Daho.  Mula sa Memories of a Forgotten War.

Dramatisasyon ng mga patay na Morong Tausug sa Bud Daho. Mula sa Memories of a Forgotten War.

Mula sa Memories of a Forgotten War.

Mula sa Memories of a Forgotten War.

Mga sundalong Amerikano sa tuktok ng Bud Daho.  Mula sa morolandhistory.com.

Mga sundalong Amerikano sa tuktok ng Bud Daho. Mula sa morolandhistory.com.

Di makaget-over ang mga koya.  Anim na linggo matapos ang labanan, inipon ng mga Amerikanong ito ang mga bungo at inihilera sa isa't isa.  Mula sa morolandhistory.com.

Di makaget-over ang mga koya. Anim na linggo matapos ang labanan, inipon ng mga Amerikanong ito ang mga bungo at inihilera sa isa’t isa. Mula sa morolandhistory.com.

Matapos iulat ang tagumpay ng kanyang misyon sa Kalihim Pandigma ng Estados Unidos, si Heneral Wood at mga kasama ay kagyat na nakatanggap ng papuri mula sa Pangulong Theodore Roosevelt dahil sa kanilang “most gallant and soldierly feat in a way that confers added credit on the American Army.” 

Theodore "Teddy Bear" Roosevelt

Theodore “Teddy Bear” Roosevelt

Pabatid ng Pangulo ng Estados Unidos Theodore Roosevelt matapos ang Labanan sa Bud Daho.

Pabatid ng Pangulo ng Estados Unidos Theodore Roosevelt matapos ang Labanan sa Bud Daho.

Ngunit hindi lahat ay sumang-ayon.  Isang kongresistang Amerikano, si John Sharp Williams ang nagbasa ng isang tula na nagsasalaysay at kumokondena sa masaker habang ang popular na manunulat ng Adventures of Tom Sawyer at ng Huckleberry Finn na si Mark Twain, isang tunay na kaibigan ng mga Pilipino, ang sarkastikong nagsabi, “The enemy numbered six hundred-including women and children-and we abolished them utterly, leaving not even a baby alive to cry for its dead mother.  This is incomparably the greatest victory that was ever achieved by the Christian soldiers of the United States.”

Rep. John Sharp Williams ng Mississippi.

Rep. John Sharp Williams ng Mississippi.

Samuel Langhorne Clemens a.k.a. Mark Twain

Samuel Langhorne Clemens a.k.a. Mark Twain.

Higit pa sa masaker, mas tamang tawagin Labanan sa Bud Daho, o Pagtindig sa Alapaap ang ginawa ng mga Tausug sapagkat matapang silang lumaban.  Mauulit ito sa Labanan sa Bud Bagsak noong 1913, na siyang huling labanan noong Philippine-American War.

Bud Bagsak

Bud Bagsak

Labanan sa Bud Bagsak, 1913.  Mula sa Filipino Heritage.

Labanan sa Bud Bagsak, 1913. Mula sa Filipino Heritage.

Ang tawag ng mga dayuhan sa hindi sumusukong paglaban ng mga Muslim hanggang mamatay ay Juramentado o pag-aamok.  Mas tamang tawagin ito sa kanilang konsepto, ang sabil o pagsasakripisyo para sa lupang tinubuan.  Ang katapangan ng mga Muslim, kahit mga kampilan lamang ang dala, ay hindi makayanan ng mga ripleng Amerikanong tatlong bala lamang kada minuto ang kayang iputok.  Ang nabaril na Moro ay maaari pa ring makapagsaksak.  Kaya naisip nila na imbentuhin ang kalibre cuarenta y singko.

Juramentado o Nagsasabil?

Juramentado o Nagsasabil?

Calibre .45 1911 model.  Mula sa Wikipedia.

Calibre .45 1911 model. Mula sa Wikipedia.

Mapalad ang bayan na may mga taong handing ialay ang kanilang buhay upang ipagtanggol ang kanilang kalayaan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(SM North EDSA, 23 February 2013)