IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: sulu

XIAO TIME, 23 May 2013: TARHATA KIRAM: ASTIG NA PRINSESANG MUSLIM

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Prinsesa Tarhata Kiram.  Mula sa Pambansang Aklatan at ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Prinsesa Tarhata Kiram. Mula sa Pambansang Aklatan at ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

23 May 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=eMAJJi8O-ek

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  34 years ago, May 23, 1979, namatay sa sakit sa puso sa edad na 73 ang isang prinsesang Muslim, si Tarhata Kiram sa Victoriano Luna General Hospital sa Lungsod Quezon.

Victoriano Luna General Hospital (AFP Medical Center), dito raw ayon sa mga apo ng prinsesa sumakabilang-buhay si Tarhata Kiram noong 1979.  Reaksyon nila ito sa mga tala na nagsasabing sa Veterans Memorial Hospital namatay ang prinsesa.

Ang naging karera ni Prinsesa Tarhata bilang isang makabayan ay katibayan ng sinabi sa akin ng isang nakatatandang propesor ng kasaysayan ng kasarian sa DLSU Manila, Dr. Luis Camara Dery na kaiba sa ibang mga bansang Islamiko sa daigdig, pinakamalaki ang respeto na ibinibigay sa mga babaeng Pilipinang muslim.  Ito ay dahil sa kultura ng sinaunang bayan bago dumating ang Islam at ang Kolonyalismo, may mataas na rin na pagtingin sa kababaihan.  Ayon sa kanyang mga kaanak, isinilang si Tarhata noong May 24, 1906.  Ama niya si Datu Mawalil Atik Kiram.  Ngunit inampon ng Sultan ng Sulu, Jamalul Kiram II.

Jamalul Kiram II, mula sa jamalashley.wordpress.com.

Jamalul Kiram II, mula sa jamalashley.wordpress.com.

Sa panahon na tila nangibabaw ang patriyarkiya sa bansa, sa mga Muslim man o Kristiyano, winner si Lola!  Dahil prinsesa, mayroon daw siyang grupo ng mga tagasunod na lumalakad sa likuran niya.  Sa kanyang kagandahan, naging pabalat ng Philippines Free Press.  Noong 1920, naging pensionado siya at nagtapos sa University of Illinois, sinamahan siya ng mga groupies niya.

Isang larawan ni Prinsesa Tarhata noong kanyang kabataan (nasa kaliwa).  Mula sa nonlinearhistorynut.com.

Isang larawan ni Prinsesa Tarhata noong kanyang kabataan (nasa kaliwa). Mula sa nonlinearhistorynut.com.

Tarhata Kiram sa America, fashionistang pensionada.

Tarhata Kiram sa America, fashionistang pensionada.

Si Carmen Aguinaldo, anak ni Heneral Emilio Aguinaldo, at si Prinsesa Tarhata Kiram ng Sulu, New York Tribune September 7, 1919.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Si Carmen Aguinaldo, anak ni Heneral Emilio Aguinaldo, at si Prinsesa Tarhata Kiram ng Sulu, New York Tribune September 7, 1919. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Ngunit nang matapos ang kanyang edukasyon, nagbalik sa Sulu at kahit may American accent, nagsuot muli siya ng mga kasuotang Tausug at nagbalik sa kanyang pamumuhay.  Medyo may pagkarebelde ang Prinsesa kaya nagpakasal siya sa isang namuno sa 1927 Moro Revolt sa Sulu laban sa mga Amerikano, si Datu Tahil.  Sinamahan niya ito nang matapon sa malayong lugar at nagbalik lamang si Prinsesa Tarhata noong 1931 nang nakilahok siya sa lokal na pulitika.

Ang balikbayang muling niyakap ang kanyang kultura.  Mula sa Yuchengco Museum.

Ang balikbayang muling niyakap ang kanyang kultura. Mula sa Yuchengco Museum.

Nakibaka siya laban sa mga batas na maaaring makasama sa mga Muslim sa Pilipinas, halimbawa ang Bacon Bill, na nilabanan niya kasama si Senador Hadji Butu Rasul dahil ipaghihiwalay nito ang kapuluang Sulu mula sa Mindanao.  Hindi lamang pampulitika, pangsining din ang beauty ni lola, kumatha ng mga awiting Tausug, pinakapopular dito ang “Jolo Farewell.” Naging konsultant ni Rear Admiral Romulo Espaldon, Tanggapan ng Islamic Affairs Regional Commission sa Rehiyon 9.

Senador Hadji Butu Rasul.

Senador Hadji Butu Rasul.

Si Admiral Romulo Espaldon habang nakamasid sa likuran ni Pangulong Ferdinand Marcos habang nagpapasuko ng mga rebeldeng Muslim.  Mula sa Kristiyanismo, niyakap ni Espaldon ang Islam.

Si Admiral Romulo Espaldon habang nakamasid sa likuran ni Pangulong Ferdinand Marcos habang nagpapasuko ng mga rebeldeng Muslim. Mula sa Kristiyanismo, niyakap ni Espaldon ang Islam.

Mula sa jamalashley.wordpress.com:  "Princess Tarhata Kiram holding my sister, Alnahar Mobina Fatima during my sister’s baptism (paggunting). At the center is Sultan Zein ul Abidin II and to his right is my mother, Sitti Rahma Yahya-Abbas"

Mula sa jamalashley.wordpress.com: “Princess Tarhata Kiram holding my sister, Alnahar Mobina Fatima during my sister’s baptism (paggunting). At the center is Sultan Zein ul Abidin II and to his right is my mother, Sitti Rahma Yahya-Abbas”

Nakilala siya sa kanyang pagsusulong ng kapakanan ng kanyang mga kababayang Moro sa pamahalaan.  Sa kanyang pagkamatay noong 1979, hindi lamang ang kanyang dalawang anak na sina Putri Denchurain at Datu Agham Kiram ang kanyang naiwan, naiwan din niya ang sambayanang Moro na kanyang pinagsilbihan sa kanyang buong buhay.  Bilang pagkilala sa kanyang mga nagawa, noong 1984, pinarangalan siya ng estado ng Pilipinas kapwa sa pamamagitan ng paglalagay ng isang historical marker ukol sa kanya sa Jolo mula sa National Historical Institute, at sa paglalabas ng isang tatlong-pisong selyo mula sa Kawanihan ng Koreo.

Ang seremonya ng paglilipat sa mga taga Jolo, Sulu ng isang tandang pangkasaysayan na nagpupugay sa papel ni Tarhata Kiram sa kasaysayan ng Pilipinas noong 1984.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang Php 3.00 selyo na nagpupugay kay Prinsesa Tarhata Kiram.

Ang Php 3.00 selyo na nagpupugay kay Prinsesa Tarhata Kiram.

Si Prinsesa Tarhata Kiram ay isang katibayan na maaring mapanatili ang pagkakakilanlan na Moro habang nakikipagkaisa rin sa bayang Pilipino, at katibayan rin siya ng kontribusyon at lakas ng babaeng Muslim sa Pilipinas—tulad ni PTV Newscaster na si Princess Sittie Habibah Sarip.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

Princess Sittie Habibah Sarip--na gumawa ng kasaysayan bilang unang nakabelong Muslim na nagbasa ng balita sa pambansang telebisyon, siyempre sa makasaysayang Telebisyon ng Bayan.  Mula sa gmanetwork.com

Princess Sittie Habibah Sarip–na gumawa ng kasaysayan bilang unang nakabelong Muslim na nagbasa ng balita sa pambansang telebisyon, siyempre sa makasaysayang Telebisyon ng Bayan. Mula sa gmanetwork.com

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 18 May 2013, pasasalamat sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas at sa apo sa tuhod ni Prinsesa Tarhata Kiram, Sitti Katrina Kiram-Tarsum Nuqui, anak ni Dayang Dayang Putri Pangian Taj-Mahal Kiram Tarsum Nuqui na anak naman ni Prinsesa Denchurain Kiram Tarsum)

XIAOTIME, 12 March 2013: MGA PANANAW UKOL SA CLAIM NG PILIPINAS SA SABAH (Sabah Part 2)

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 12 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Lahad Datu, Sabah.  Ang tagpo ng karahasan a pagitan ng Royal Forces ng Sulu at ng mga sundalong Malaysian, Mahigit 60 bangkay ang bumagsak sa kaguluhang ito,

Lahad Datu, Sabah. Ang tagpo ng karahasan a pagitan ng Royal Forces ng Sulu at ng mga sundalong Malaysian, Mahigit 60 bangkay ang bumagsak sa kaguluhang ito,

12 March 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=s7TSvJeE-r8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa ikalawang bahagi ng aking ulat, nais ko pong magbigay ng aking humble opinion ukol sa isyu ng Sabah o North Borneo.  Tulad sa lahat ng episode ng Xiao Time, binibigyan ako ng kalayaan ng Telebisyon ng Bayan sa lahat ng aking sinasabi.  Ang aking opinyon ay hindi po kumakatawan sa tindig ng pamahalaan ng Pilipinas.  Hindi madaling sagutin ang tanong kung sa atin ba ang Sabah sapagkat hindi katulad ng Spratley’s, hindi lamang ito usapin ng teritoryo.  May mga Sabahans na naroon at tulad ng desisyon ng World Court sa apela ng Pilipinas noong October 23, 2001, “Modern international law does not recognize the survival of a right of sovereignty based solely on historic title.”  Kailangan raw isaalang-alang ang isyu ng self-determination o sariling pagpapasya at pinili na raw ng mga taga Sabah sa referendum ng 1963 na maging bahagi ng Malaysia.

Ang pahina na nagtataglay ng opisyal na desisyon ng International Court of Justice ukol sa claim ng Pilipinas sa Sabah.  Mula sa http://www.mpil.de/ww/en/pub/research/details/publications/institute/wcd.cfm?fuseaction_wcd=aktdat&aktdat=201010200400.cfm

05 “Modern international law ... historic title

Kung gagawa tayo ng military action ngayon upang kunin ang Sabah at masakop nga natin ito, kaya ba natin?  Hindi kaya mag-alsa rin ang mga taga-Sabah laban sa atin?  Gusto na ba nating maging colonizer?  Kung tayo mismo nagsasabi na mahirap ang Pilipinas, pipiliin kaya nila ang maging bahagi ng Pilipinas kaysa sa mayamang Malaysia?  Gayunpaman, ganun-ganun lang ba iyon?  Hindi dapat bitawan ang claim lalo na’t kung totoong nagbabayad nga ng maliit na taunang renta ang Malaysia sa Sultanato ng Sulu tulad sa mga nakalipas na dekada.

Katibayan ng pagbabayad ng Malaysia sa pamilya ni Sultan Jamalul Kiram III.

Katibayan ng pagbabayad ng Malaysia sa pamilya ni Sultan Jamalul Kiram III.

Sabihin man na pribadong lupa ito ng Sultanato, barya lang ang ibinabayad nila sa dami ng pakinabang nila sa lupang ito—ang mga resort sa Kota Kinabalu, ang mga yamang dagat, ginto at platinum.

Kota Kinabalu, North Borneo.  Mula sa Wikipedia.

Kota Kinabalu, North Borneo. Mula sa Wikipedia.

Sandakan, North Borneo

Sandakan, North Borneo

Ipinakita rin ng historyador na si Jojo Abinales na ang mga tao sa Sulu at North Borneo, ang mga Tausug, Sama Dilaut at iba pa, ay walang pakialam sa mga hangganang pulitikal dahil sa loob ng daan-daang taon palipat-lipat lamang sila ng border, namamalengke sa magkabilang dalampasigan dahil magkakamag-anak naman sila at magkakapamilya na nakatira na doon bago pa man isilang ang mga modernong estado.  Kaya hindi dapat busabusin ang mga kababayan natin doon at basta-basta palayasin ng mga Malaysians.

Si Xiao Chua kasama si Dr. Patricio Abinales.

Si Xiao Chua kasama si Dr. Patricio Abinales.

Ang daan-daang taon ng kontak ng mga Tausug sa Sulu at Sabah.

Ang daan-daang taon ng kontak ng mga Tausug sa Sulu at Sabah.

Ang mga Tausug

Ang mga Tausug

Kaya kung tutuusin, si Pangulong Noynoy Aquino ay nasa isang sitwasyong “damn if you do, and damn if you don’t”—kung suportahan niya ang Sultanato, maaaring manganib ang buong bansa dahil maaari na tayong puksain ng Malaysia.  Kung wala namang gagawin ang pangulo, kahit sabihin pang iniiwasan niya ang mas malaking gulo, nagmumukhang binibitawan na niya ang claim natin sa Sabah.

Pangulong Noynoy Aquino.

Pangulong Noynoy Aquino.

Para sa akin, pag-aari ng Sultanato ng Sulu ang Sabah, at kung nais ng mga taga Sabah na manatili sa Malaysia, kailangan nilang bigyan ng tamang kabayaran at pagkilala ang Sultanato ng Sulu at ang Pilipinas.  Ngunit lahat tayo, pati ako, ay nagmamagaling lang.  Nakasalalay ang sitwasyon sa kung anumang pag-usapan ng mga pinunong Pilipino, Malaysian at dapat kasama ang Sultanato at ang mga taga Sabah.  Maraming solusyon ang pwedeng pag-usapan ngunit hindi makakapagsimula ang pag-uusap kung hindi magbaba ng armas kapwa ang Royal Forces ng Sultanato at ang pamahalaan ng Malaysia.  Mag-usap na po kayo, please.  Salamat po sa inyong oras.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDonald’s Philcoa, 7 March 2013)

Ang nagpapakilalang Royal Forces of the Sultanate of Sulu and North Borneo.

Ang nagpapakilalang Royal Forces of the Sultanate of Sulu and North Borneo.

Supporters of the self-proclaimed Sultan of Sulu Jamalul Kiram, hold a torchlight parade near a mosque in Manila. Malaysia expanded its hunt for armed Filipino invaders who dodged a military assault meant to crush them, as a Philippine guerrilla said more Islamic fighters had arrived.  From the LA Times

XIAOTIME, 11 March 2013: ANG KASAYSAYAN NG CLAIM NG PILIPINAS SA SABAH (Sabah Part 1)

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 11 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Eenie-meanie-my-neemo:  Kanino ba ang Sabah, sa Pilipinas ba o sa Malaysia?  Ano ang puno't dulo ng lahat.  Mula sa Spot.ph

Eenie-meanie-my-neemo: Kanino ba ang Sabah, sa Pilipinas ba o sa Malaysia? Ano ang puno’t dulo ng lahat. Mula sa Spot.ph

11 March 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=EfHMMVgDrso

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  45 years ago ngayong buwan, March 18, 1968, naganap ang tinatawag na Jabidah Massacre.  Ano ang kinalaman nito sa nangyayari ngayon sa Sabah at sa gulo sa Mindanao.

Ipinapakita ng Defense Minister ng Malaysia ang hinukay na mga katawan ng mga Royal Forces ng Sultanato ng Sulu.

Ipinapakita ng Defense Minister ng Malaysia ang hinukay na mga katawan ng mga Royal Forces ng Sultanato ng Sulu.

Liwanagin natin.  Noong 1658, dahil sa tulong ng Sultanato ng Sulu na malutas ang isang digmaang sibil sa Sultanato ng Brunei, ibinigay nila sa Sulu ang Sabah o North Borneo at ang Palawan.  Sinlaki ang Sabah ng estado ng Indiana o North Carolina.

Palawan at Sabah ay ibinigay ng Sultanato ng Brunei sa Sultanato ng Sulu.

Palawan at Sabah ay ibinigay ng Sultanato ng Brunei sa Sultanato ng Sulu.

Map of Sabah

Mapa ng Sabah

Ito naman ay ipinaupa ng Sulu sa isang British company noong 1878.  Humihina na noon ang Sultanato at kinailangan nito ng salapi upang patuloy na umiral.

Pakikipag-usap ng Sultanato ng Sulu sa mga dayuhan.

Pakikipag-usap ng Sultanato ng Sulu sa mga dayuhan.

Ang teksto ng lease sa mga Briton ng Sabah noong 1878.

Ang teksto ng lease sa mga Briton ng Sabah noong 1878.

Nang palalayain na ng British ang Malaya at North Borneo, imbes na isauli ito sa Sultanato ng Sulu na bahagi na noon ng Estado ng Pilipinas, inagaw ito upang maisali sa Federated States of Malaysia.  Umalma ang Pilipinas sa pangunguna ni Pangulong Diosdado Macapagal at humiling sa United Nations ng isang referendum upang tanungin ang mga Sabahans kung kaninong bansa nila nais umanib:  Sa Pilipinas ba o sa Malaysia?

In 1962, Sultan Esmail E. Kiram I cedes to the Philippine Republic, under the presidency of Ferdinand Marcos, the territories of North Borneo. Later, in 1974, Sultan Esmail’s eldest son Mohammed Mahakuttah A. Kiram succeeds him to the throne and is is recognized as such by President Marcos and the Philippine Republic. Sultan Mohammed Mahakuttah A. Kiram was to become the last Sultan recognized in law by the Republic of the Philippines.  Photo by Correos Filipinas.

Pabalat ng isang aklat ukol sa Brunei Revolt ng 1962.

Pabalat ng isang aklat ukol sa Brunei Revolt ng 1962.

Samantala, noong December 8, 1962, nagkaroon ng pag-aalsa sa Brunei na nagnanais na itatag ang Unitary State of Kalimantan Ultra o North Borneo.  Pinaniniwalaan na kapag nakalaya sa mga Malaysian, aanib sila sa Pilipinas.  Ngunit pinuksa ng mga British ang pag-aalsang ito.  Nang maganap rin ang referendum ng United Nations sa Sabah noong September 13, 1963, iniulat mismo ng Secretary General ng UN na si U Thant na pinili ng mga Sabahans na maging bahagi ng Malaysia.

UN Secretary General U Thant.

UN Secretary General U Thant.

Bagama’t itinuturing ng ilang observers na kontroberysal ang referendum na ito, sinuportahan ng Pangulong John F. Kennedy ng kaibigan nating bansang Estados Unidos ng America ang posisyon ng mga British at opisyal na kinontra ang tindig ng Pilipinas.  Dahil sa kabiguang ito, noong 1968, sikretong nagplano ang Pangulong Ferdinand Marcos na sakupin ang Sabah, tinawag itong “Operation Merdeka.”  Merdeka ay salitang Bahasa para sa kalayaan.  Sinanay ang ilang mga Tausug upang mabawi ang lupaing Sabah kung saan naroon din ang kanilang mga kamag-anak, upang makipaglaban sa kapwa nila mga Muslim na Malaysian.  Ngunit nang tangkang mag-alsa ang mga sundalo dahil sa dustang kalagayan nila sa kampo sa Corregidor, sinasabing minasaker sila ng kanilang mga opiser kaysa mabuking ang plano nila laban sa isang napakalakas na bansa, ang Malaysia.

Mga iniwang bakas ng mga Sundalong Tausug na Jabidah sa Corregidor noong 1968, bago sila mapuksa.

Nang may isang nakaligtas sa masaker na ito, si Jibin Arula, nagsumbong siya kay Senador Ninoy Aquino, na kinailangang imbestigahan at ibunyag ang planong ito at ang marahas na nangyari sa mga sundalong Muslim.  Nakilala ito na Jabidah Massacre.

Ang poster ng Crime Klasik episode ng Aksyon TV ukol sa Jabidah Massacre kung saan naging tagapagsalaysay si Xiao Chua kasama si Maritess Vitug.

Ang poster ng Crime Klasik episode ng Aksyon TV ukol sa Jabidah Massacre kung saan naging tagapagsalaysay si Xiao Chua kasama si Maritess Vitug.

Si Jibin Arula (sa inset bago mamatay kamakailan lamang) habang kinakapanayam nina Senador Ninoy Aquino, 1968.

Si Jibin Arula (sa inset bago mamatay kamakailan lamang) habang kinakapanayam nina Senador Ninoy Aquino, 1968.

Mula sa aklat na Nur Misuari:  An Authorized Biography.

Mula sa aklat na Nur Misuari: An Authorized Biography.

Mula sa Batas Militar

Mula sa Batas Militar

Ang pagpatay sa mga sundalong ito ang insidente na nagpaningas sa siga ng digmaan sa Mindanao.  Bukas, abangan ang ilang pananaw sa isyu sa ikalawang bahagi ng aking ulat ukol sa Sabah.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDonald’s Philcoa, 7 March 2013)

ON SABAH

Map of Sabah

Map of Sabah

“I believe in the validity of our claim to Sabah, per se.

“I believe we must pursue our claim to a legal end in the International Court of Justice, that the heirs of the Sultan of Sulu or their assignees and successors must be in any case be compensated.

“I believe in upholding the national patrimony and national dignity against any and all odds, but I hold we are called upon as the leaders, to caution against all acts of rashness.

“I believe in country—“My country, right or wrong,” as somebody said, but I must take issue with those who will PLUNGE US INTO UNDUE TRAGEDY BY SELFISH MOTIVES.

“…We have shown a capacity to endure stoically and stolidly when faced with adversity, but need we afflict our people with calamity and tragedy needlessly?

“We have shown we can be revolted and revulsed, but need we yield to blind passion, to rage, over reaction to something WE STARTED IN THE FIRST PLACE?

“Our courage, our valor, and our love of country were tested under enemy fire in Bataan, Corregidor and the hills around Batac, but NEED WE SACRIFICE OUR YOUTH AND OUR FUTURE IN AN EXERCISE IN FUTILITY?

“The need, Mr. President, is reason, not arson; sanity, not madness;   And war, I dare say, is the optimum in madness.  And war, I dare say, is the optimum in madness.

“If we must, let us pursue this claim in a spirit of conciliation, not wrath; let us seek a solution in friendship, not by force of arms.

“Let us not even think of taking up the implements of war, the tools of violence and killing, but labor instead for an honourable settlement at the conference table, in the council of nations, in the world court, or in whatever forum and wherever place it may be.

“But most importantly, let us together—the Malaysians and us—strive for a settlement that will give paramount value to the will of the people of Sabah themselves.”

SENATOR NINOY AQUINO

Conclusion of “Sabah! A Game of Diversion” speech, 5 October 1968

A portrait of Benigno S. Aquino, Jr. at the Tarlac Provincial Capitol.

A portrait of Benigno S. Aquino, Jr. at the Tarlac Provincial Capitol.

XIAOTIME, 5 March 2013: ANG PAGTINDIG SA ALAPAAP (Ang Labanan sa Bud Daho)

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 5 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Larawan ng mga Amerikano na ipinagmamalaki ang kanilang tagumpay sa pagtindig ng mga Tausug sa Bud Daho, Jolo, Sulu, Abril 1906.  Pansinin ang bangkay ng babae na nakapagitna sa lahat ng ito.  Mula sa morolandhistory.com.

5 March 2013, Tuesday:  https://www.youtube.com/watch?v=d81bC_b83o0

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  107 years ago ngayong araw, March 5, 1906, naganap ang pagtinding sa mga alapaap sa Bundok o Bud Daho sa Jolo.  Ano ang kahalagahan ng labanang ito?  Nang sakupin ng mga Amerikano ang mga Mindanao, nakipagkasundo ang mga sultan sa kanila.  Hindi payag dito si Datu Uti, datu ng mga Tausug, kaya ginawa nila ang ginagawa ng mga sinaunang Pilipino kapag nais na layuan ang kolonisasyon, nag-ilihan o namundok.

Bud Daho.  Mula sa Phivolcs.

Bud Daho. Mula sa Phivolcs.

Bud Daho.

Bud Daho.

Pinili nilang ipagpatuloy na mamuhay ng normal kasama ang mga mga bata, matatanda, lalaki at babae sa crater ng Bud Daho.  Ibig sabihin, sila ay hindi kampo militar at sila ay namumuhay ng mapayapa.  Ngunit noong araw na iyon ng 1906, sa utos ni Heneral Leonard Wood, sila ay pinalibutan, inakyat, at nilusob ng mga Amerikano sa ilalim ng isang Koronel Duncan na may 800 mga opisyal at tauhan.

Heneral Leonard Wood

Heneral Leonard Wood:  “I don’t have a wooden heart.”

Habang pinapaulanan ng mga Amerikanong mortar at mga machine gun, matapang na lumaban ang mga Tausug gamit ang kanilang mga patalim.  Ayon sa isang tala, sa 1,000 lalaki, babae, matanda, at batang Tausug, 994 ang namatay, 6 ang sugatan.  Naku! Nagtira pa!

Dramatisasyon ng mga patay na Morong Tausug sa Bud Daho.  Mula sa Memories of a Forgotten War.

Dramatisasyon ng mga patay na Morong Tausug sa Bud Daho. Mula sa Memories of a Forgotten War.

Mula sa Memories of a Forgotten War.

Mula sa Memories of a Forgotten War.

Mga sundalong Amerikano sa tuktok ng Bud Daho.  Mula sa morolandhistory.com.

Mga sundalong Amerikano sa tuktok ng Bud Daho. Mula sa morolandhistory.com.

Di makaget-over ang mga koya.  Anim na linggo matapos ang labanan, inipon ng mga Amerikanong ito ang mga bungo at inihilera sa isa't isa.  Mula sa morolandhistory.com.

Di makaget-over ang mga koya. Anim na linggo matapos ang labanan, inipon ng mga Amerikanong ito ang mga bungo at inihilera sa isa’t isa. Mula sa morolandhistory.com.

Matapos iulat ang tagumpay ng kanyang misyon sa Kalihim Pandigma ng Estados Unidos, si Heneral Wood at mga kasama ay kagyat na nakatanggap ng papuri mula sa Pangulong Theodore Roosevelt dahil sa kanilang “most gallant and soldierly feat in a way that confers added credit on the American Army.” 

Theodore "Teddy Bear" Roosevelt

Theodore “Teddy Bear” Roosevelt

Pabatid ng Pangulo ng Estados Unidos Theodore Roosevelt matapos ang Labanan sa Bud Daho.

Pabatid ng Pangulo ng Estados Unidos Theodore Roosevelt matapos ang Labanan sa Bud Daho.

Ngunit hindi lahat ay sumang-ayon.  Isang kongresistang Amerikano, si John Sharp Williams ang nagbasa ng isang tula na nagsasalaysay at kumokondena sa masaker habang ang popular na manunulat ng Adventures of Tom Sawyer at ng Huckleberry Finn na si Mark Twain, isang tunay na kaibigan ng mga Pilipino, ang sarkastikong nagsabi, “The enemy numbered six hundred-including women and children-and we abolished them utterly, leaving not even a baby alive to cry for its dead mother.  This is incomparably the greatest victory that was ever achieved by the Christian soldiers of the United States.”

Rep. John Sharp Williams ng Mississippi.

Rep. John Sharp Williams ng Mississippi.

Samuel Langhorne Clemens a.k.a. Mark Twain

Samuel Langhorne Clemens a.k.a. Mark Twain.

Higit pa sa masaker, mas tamang tawagin Labanan sa Bud Daho, o Pagtindig sa Alapaap ang ginawa ng mga Tausug sapagkat matapang silang lumaban.  Mauulit ito sa Labanan sa Bud Bagsak noong 1913, na siyang huling labanan noong Philippine-American War.

Bud Bagsak

Bud Bagsak

Labanan sa Bud Bagsak, 1913.  Mula sa Filipino Heritage.

Labanan sa Bud Bagsak, 1913. Mula sa Filipino Heritage.

Ang tawag ng mga dayuhan sa hindi sumusukong paglaban ng mga Muslim hanggang mamatay ay Juramentado o pag-aamok.  Mas tamang tawagin ito sa kanilang konsepto, ang sabil o pagsasakripisyo para sa lupang tinubuan.  Ang katapangan ng mga Muslim, kahit mga kampilan lamang ang dala, ay hindi makayanan ng mga ripleng Amerikanong tatlong bala lamang kada minuto ang kayang iputok.  Ang nabaril na Moro ay maaari pa ring makapagsaksak.  Kaya naisip nila na imbentuhin ang kalibre cuarenta y singko.

Juramentado o Nagsasabil?

Juramentado o Nagsasabil?

Calibre .45 1911 model.  Mula sa Wikipedia.

Calibre .45 1911 model. Mula sa Wikipedia.

Mapalad ang bayan na may mga taong handing ialay ang kanilang buhay upang ipagtanggol ang kanilang kalayaan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(SM North EDSA, 23 February 2013)