IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: Mindanao

XIAO TIME, 15 October 2013: ANG HAJJ AT ANG EID AL-ADHA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang Tawaf.  Mula sa muftisays.com.

Ang Tawaf. Mula sa muftisays.com.

15 October 2013, Tuesday: http://www.youtube.com/watch?v=0Fbipnjf_ow

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Eid Mubárak ang pagbati natin para sa Ummah, o sa buong kapatirang Islam, sa araw ng Eid al-Adha, October 15 2013.  Ano ba ang kahulugan ng Eid Mubárak?  Ito ay pagbati na kapag isinasalin sa Filipino ay “Mapagpalang Kapistahan.”  Kaya po holiday ngayon, in fact, ang Pilipinas tanging bansang hindi Muslim na nagpapahalaga sa kapistahang ito ng ating mga kapatid sa Islam sa ganitong paraan.  Ang Eid al-Adha, o ang Kapistahan ng Sakripisyo o Greater Eid, ay ang pagdiriwang ng mga muslim ng pagtatapos ng Hajj.  Ang hajj ay paglalakbay patungong Mecca sa Arabia, ang sentro ng Islam, na dapat gawin minsan man lang sa buong buhay ng isang Muslim.  Sa hajj, pinapraktis ng mga Muslim ang tawaf, o ang paglakad ng pitong beses counter-clockwise sa paligid ng itinuturing na sentro ng pananampalatayang Islam, ang Kaaba.

Pagsasagawa ng tawaf Kaaba sa Mecca.  Mula sa Wikipedia.

Pagsasagawa ng tawaf Kaaba sa Mecca. Mula sa Wikipedia.

Kung papaano isinasagawa ang tawaf.  Mula sa Wikipedia.

Kung papaano isinasagawa ang tawaf. Mula sa Wikipedia.

Kung saan sa direksyon nito nananalangin ang lahat ng Muslim sa buong mundo.  Gayundin ang Ramy al-Jamarat, kung saan pitong beses nilang babatuhin ang isang poste o pader, ang Jamrat’al’Aqabah na kumakatawan sa demonyong uminis kay Abraham o Ibrahim.

Pagbato sa representasyon ng demonyo sa Bundok Arafat, ang Jamrat'al'Aqabah.  Hindi si Yasser ha.  Mula sa hajjguide.org.

Pagbato sa representasyon ng demonyo sa Bundok Arafat, ang Jamrat’al’Aqabah. Hindi si Yasser ha. Mula sa hajjguide.org.

Ang mga nakatungo dito sa paglalakbay na ito ay tinatawag na mga Hajji o Hajja.  Sa pagtatapos ng paglalakbay, o ang mismong Eid al-Adha, kumakatay ng mga tupa upang pagsaluhan ng mga nasa Mecca bilang paggunita sa pagnanais ni Propeta Ibrahim na sundin ang kalooban ng Allah na isakripisyo ang kanyang panganay at pinakamamahal na anak bilang tanda ng kanyang pagmamahal sa Allah.  Nag-submit si Ibrahim, aslammah, pagsuko, ang kahulugan mismo ng salitang Islam.  Sa kabutihan ng Diyos nang saksakin niya ang anak hindi man lamang ito naano at may nakita silang ram o tupa na nakatay na at ito na lamang ang isinakripisyo.  Mabuti ang Diyos.  Kaibahan lamang, sa kwento ng Biblia ng mga Hudyo at Kristiyano, ang tinutukoy na pinakamamahal na anak ay si Isaac, ang itinuturing na ama ng mga Hudyo.  Habang sa Quaran ng mga Muslim, si Ismael, ang ama ng mga Arabo, ang ibinalak na isakripisyo.  Sa araw na iyon, pagsikat ng araw, ang mga Muslim ay tumutungo sa Masjid o Mosque, o maging sa eidgah o pook na dinadalanginan tuwing eid upang manalangin.  Exempted sa sama-samang pananalangin na ito ang mga may karamdaman, nagbibiyahe, at mga babaeng may dalaw, bagama’t kailangan pagsaluhan din nila ang kabutihan at pakikipagkapatiran ng mga Muslim sa araw na iyon sapagkat kadalasan matapos ang pananalangin, nagpipiging sila at kumakain.  At kung nagtataka kayo bakit nag-iiba-iba ang mga petsa ng kapistahang Muslim taon-taon, ito ay dahil ibinabatay ito sa kalendaryo lunaryo o sa paglitaw ng buwan.  Ayon kay Prop. Ayshia Fernando Kunting ng Western Mindanao State University ng Zamboanga, “Ang mga eid ang dalawang pagkakataon sa isang taon na nagkakasama-sama ang mga Muslim at nagdiriwang, simpleng pagre-affirm ng kapatiran, walang dekorasyon, walang parade, simpleng salu-salo ng magkakapatid.”

Ayshia Fernando Kunting, UP Diliman, August 2012.  Kuha ni Xiao Chua.

Ayshia Fernando Kunting, UP Diliman, August 2012. Kuha ni Xiao Chua.

Piging para sa Eid

Piging para sa Eid

Bilang paggalang sa mga kapatid nating Muslim ang ating pagpapahalaga sa araw na ito, ngunit sana magkaroon din ng Eid al-Adha sa kinabukasan na ipagdiriwang sa isang ganap na mapayapang Muslim Mindanao!  Assalamu Alaikum, Sumainyo ang kapayapaan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Andrew Hall, DLSU Manila, 8 October 2013)

EID AL-FITR: SPECIAL REPORT (First-ever for PTV)

Text of the broadcast of Xiao Chua’s first ever special report for News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM

Kanina, unang idineklara ng Saudi ang pagsisimula ng Eid nang magpakita sa crescent moon sa kanilang bansa.  Nasa larawan ang Hagia Sophia sa Turkey.  Mula sa english.alarabiya.net.

Kanina, unang idineklara ng Saudi ang pagsisimula ng Eid nang magpakita sa crescent moon sa kanilang bansa. Nasa larawan ang Hagia Sophia sa Turkey. Mula sa english.alarabiya.net.

9 August 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=0Q8FEkrRDPc

Sasagutin natin ang tanong ng mga bata ngayong araw, “Mommy, bakit po ba wala kaming pasok???”  Bakit nga ba may holiday?  Panahon kasi ngayon ng Eid al-Fitr, na tinatawag ding Hari Raya Puasa o araw ng wakás ng Ramadán.  Yung iba sa atin, tinatawag ito na “Ramadan,” Kailangang liwanagin, hindi ito ang Ramadan.  Ang Ramadan ay nagmula sa salitang ugat na Arabe na ramiḍa o ar-ramaḍ na ang ibig sabihin ay matinding init o tagtuyot.  Ito ang buwan sa Kalendaryong Islamiko kung saan nagfa-fasting ang mga Muslim ng 29 hanggang 30 araw sang-ayon sa sinasabi ng Quar’an Surah 2: Verse 183 upang sila’y magmatuwid.

Ang Surah 2: verse 183 ng Quran:  “O you who have believed, decreed upon you is fasting as it was decreed upon those before you that you may become righteous.”

Ang Surah 2: verse 183 ng Quran: “O you who have believed, decreed upon you is fasting as it was decreed upon those before you that you may become righteous.”

Isa rin ito sa limang haligi ng Islam na dapat ganapin ng bawat tunay na Muslim.  Sa buwan ng Ramadan unang ipinahayag ni Angel Gibril ang unang talata ng Quaran sa Propeta Muhammad (Mapasakanya nawa ang kapayapaan), gayundin ayon sa mga hadith, o mga salaysay ukol sa propeta, na sa tuwing Ramadan nagbubukas ang mga gate ng Paraiso.  Anumang kabutihan na gawin sa panahon na ito ay babalik ng sampung beses, at ang mga taos-pusong hihingi ng tawad ay patatawarin, gaano man kabigat ang kasalanan.  Ngunit liban sa hindi pagkain mula 4:30 ng umaga bago bigkasin ang pang-umagang panalangin, hanggang mga 6:00 ng gabi sa paglubog ng araw, bawal din ang pagsasabi ng masama o pagmumura at ipinagbabawal din ang pagsisiping ng mag-asawa.  Exempted naman dito ang mga may sakit, nagbibiyahe, mga buntis, nagpapasuso, o mga babaeng may dalawa ngunit inaasahan na babayaran nila ang araw na hindi sila nakapag-ayuno kahit na hindi na Ramadan.  Tuwing Ramadan, mas matindi rin ang pagninilay-nilay sa Quaran at pananalangin ng mga Muslim dahil ang diwa nito ay paglilinis ng espiritu at panahon na maalala ng bawat isang Muslim na ang patuloy na paggabay at biyaya ni Allah sa sangkatauhan.

Piging para sa Eid

Piging para sa Eid

Kaya naman matapos ang pagsasakripisyo ng isang buwan, natural, masayang pagdiriwang ang Eid al-Fitr.  Nasa hadith, na dapat magsama-samang magdasal ang mga Muslim ng 7:00 ng umaga at kailangang gawin ito sa isang bukas na lugar upang hindi “watak-watak” ang mga mga magkakapatid sa pananampalataya.  E bakit nag-iiba-iba ang petsa ng Hadith at hindi masigurado hanggang sa araw mismo na iyon.  Katuruan sa Islam na kailangang abangan kung kalian lilitaw ang crescent moon upang malaman kung tapos na ang Ramadan.

Ayshia Fernando Kunting, UP Diliman, August 2012.  Kuha ni Xiao Chua.

Ayshia Fernando Kunting, UP Diliman, August 2012. Kuha ni Xiao Chua.

Ayon kay Prop. Ayshia Fernando Kunting ng Western Mindanao State University ng Zamboanga, ito ay “biyaya/awa ng Allah sa sangakatauhan na paalalahanan tayo na kahit tayo ay hitik na sa teknolohiya at napakatatalino… hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama tayo, na malalaman natin ang lahat. Ang talino natin, ang progreso ay biyaya lahat ng Allah.  Na Siya lamang ang nakaaalam ng lahat.”  Ayon pa sa kanya, “Ang mga eid ang dalawang pagkakataon sa isang taon na nagkakasama-sama ang mga Muslim at nagdiriwang, simpleng pagre-affirm ng kapatiran, walang dekorasyon, walang parada, simpleng salu-salo ng magkakapatid.”  Ang Pilipinas ang tanging bansang hindi Muslim na mayroong pista opisyal sa mga mahahalagang araw ng Islam, pagkilala ng malaking bahagi at papel ng mga kapatid nating Muslim sa ating lipunan at kasaysayan.  Ako po si Xiao Chua, Telebisyon ng Bayan.

(De La Salle University, 8 August 2013)

ANO ANG RAMADHAN AT EID AL-FITR: Pananaw ng Isang Pilipinong Muslim

Kanina, unang idineklara ng Saudi ang pagsisimula ng Eid nang magpakita sa crescent moon sa kanilang bansa.  Nasa larawan ang Hagia Sophia sa Turkey.  Mula sa english.alarabiya.net.

Kanina, unang idineklara ng Saudi ang pagsisimula ng Eid nang magpakita sa crescent moon sa kanilang bansa. Nasa larawan ang Hagia Sophia sa Turkey. Mula sa english.alarabiya.net.

Panayam ni Xiao Chua kay Prop. Ayshia Fernando Kunting ng Western Mindanao State University ng Zamboanga.

  1.  Ano ang batayang iskriptural at panrelihiyon ng Ramadan, ang katapusan nito ang ipinagdiriwang tuwing Eid al-Fitr?

Ang Surah 2: verse 183 ng Quran:  “O you who have believed, decreed upon you is fasting as it was decreed upon those before you that you may become righteous.”

2_183

Bukod sa Quran, kabilang ang pag-aayuno sa tinatawag na “5 pillars of Islam” o limang haligi ng Islam… ito ay pang-apat sa lima.  Ngunit sa pangkalahatan at pangkabuuan, ang limang haligi na ito ay kailangang magampanan ng isang Muslim para siya ay maging “tunay” na nananampalataya.

Sinabi sa Quran na buwan ng Ramadhan noong nireveal ang unang verse ng Quran, ang salita ng Diyos na gabay para sa sangkatauhan.  Sa hadith naman sinasaad na tuwing ramadhan, bukas ang mga gate ng paraiso.  May isang gate doon, ang Al-Raiyan, na sa araw ng paghuhukom ay magpapasok lamang ng mga nag-aayuno noong buhay pa sila.  Ang implikasyon nito ay habang andito pa sa mundo, at habang buwan ng Ramadhan, mainam na gumawa ng maraming kabutihan dahil ang mga ito ay nagmu-multiply ng 10 times sa reward.  Habang ang mga nagdadasal naman nang most sincerely and most ardently na sila ay mapatawad, ay patatawarin ng Allah—kahit ano pa man ang kasalanan na iyon.

Ayshia Fernando Kunting, UP Diliman, August 2012.  Kuha ni Xiao Chua.

Ayshia Fernando Kunting, UP Diliman, August 2012. Kuha ni Xiao Chua.

  1.  Paano isinasagawa ang pag-aayuno tuwing Ramadhan?

Ang pag-aayuno ay hindi simpleng pag-iwas o paggutom sa sarili mula 4:30 ng umaga hanggang 6 ng gabi sa loob ng isang buwan. Bukod sa pag-iwas sa pagkain, kasama dito ang pag-iwas sa lahat ng masasama: salita, gawa, at isip.  Lahat ng nasa edad na ng “puberty” babae o lalaki man ay kailangang mag-ayuno; maliban na lamang sa mga may sakit, nasa byahe, o mga babaeng may dalaw.  Ngunit kailangan pa rin nilang mag-ayuno pagkatapos ng ramadhan bilang kabayaran.

  1.  Liban sa espituwal na aspekto, mayroon bang ibang dimensyon ang Ramadhan?

Sa pisikal, natutulungan ng pag-aayuno ang katawan ng tao upang luminis naman ito at magkaroon ng pahinga ang “digestive system” mula sa isang taon na halos walang tigil sa pagkain at kung ano-anong kinakain.  Nililinis natin ang ating katawan sa pamamamgitan ng pagbabawas (moderate) ng ating mga kinakain.  Hindi tama na nagtiis ng gutom buong araw at magpipiyesta naman pagdating ng sunset.  Kinakailanganang normal pa rin ang dami/kaunti ng isang meal.
Sa panlipunan naman, sa pagsagawa ng pag-aayuno ay magbibigay ng kapantayan sa mayaman at mahirap.  Tuwing Ramadhan, nararanasan ng lahat ng Muslim ang pagkagutom kahit pa sila ay mayaman.  Kayang kaya niyang bumili ng pagkain ngunit pinipigilan siya ng pag-aayuno.  Dito niya mararamdaman ang gutom—na halos hindi niya nararamdaman sa pang-araw araw niya.  Kaya’t ang objective din ng pag-aayuno ay ang marealize ng mga mayayaman na wala silang pinagkaiba sa mahihirap at na si Allah ang nagtatakda ng mga blessings sa natatamasa nila. kapag nag-aayuno nang taos-puso ang isang muslim lalo na ang mayaman, siya ay magiging mapagkumbaba at magkakaroon ng affection sa mahihirap o less fortunate na kagaya niya dahil naiintindihan na niya na kung wala ang biyaya ni Allah, wala rin siya sa kganoong katayuan.  Bukod sa pagpapakumbaba, dapat rin siyang maging matulungin sa kapwa at maging grateful sa tinatamasa niya.

Kung ang Ramadhan ay panahon na malinis ang katawan, higit na mahalagang banggitin na ito ay panahon ng paglilinis ng isip, salita, at gawa—o spiritual cleansing.  Panahon ito na maalala ng Muslim ang Allah, ang Kanyang patuloy na paggabay, at ang Kanyanh hindi mabilang na mga biyaya sa sangkatauhan.

  1. E paano niyo naman ipinagdiriwang ang pagtatapos ng Ramadhan, o ang Eid?

Pagkatapos ng buwan ng Ramadhan, nasa hadith na dapat ay magtipon ang mga Muslim para magdasal bandang 7 ng umaga.  Nasa hadith na dapat ay gawin ito sa isang lugar ba bukas (open field) at para sa isang area, iisa lamang ang lugar ng pagdadasalan.  Para hindi magkaroon ng “watak watak” at iisa ang damdamin ng mga muslim.  Pagkatapos ng maikling pagdarasal ay magkakaroon ng maikling sermon.  Dito sa Zamboanga, sa granstand ginanap ang pagdarasal kani-kanina lamang at ang sermon ay tungkol sa pagwawasasak sa arrogance natin laban sa kapwa/kapatid dahil pakiramdam natin ay nakatataas na tayo sa kanila.  Dapat laging tandaan na tayo ay magkakapantay-pantay.

Piging para sa Eid

Piging para sa Eid

  1. E ano naman ang masasabi mo na ang Pilipinas ang tanging hindi-Islamikong bansa sa mundo na ginawang holiday ang mga Eid?

Nakakatuwa ito na kinikilala na ang mga Muslim sa bansa, na hindi na binabalewala at minimisunderstand ang mga islamic practice.  Natutuwa rin ako na may mga programa na rin na naghahangand maipaliwanag sa bansa ang kagandahan ng mga katuruang Islamiko.  Nakakataba ito ng puso at nakakaluha na rin na sa wakas, unti-unti na kaming nauunawaan at natatanggap.

  1. Ang ginawang holiday ng estado ay August 9, 2013 para sa Eid ngunit bakit ngayon pa lamang August 8 ay nagdiriwang na kayo?  Bakit ang gulo ata ng kalendaryo niyo? LOL

Sa kabila ng mga advancement sa science at ang “accurate” na pagtakda ng araw ng eid, katuruan pa rin sa Islam na kailangang abangan ang crescent moon sa gabi upang malaman kung simula/tapos na ba ang Ramadhan.  Para sa akin, isa ito sa mga biyaya/awa ng Allah sa sangakatauhan na paalalahanan tayo na kahit tayo ay hitik na sa teknolohiya at napakatatalino.  Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama tayo.  Ang talino natin, ang progreso ay biyaya lahat ng Allah.  Na Siya lamang ang nakaaalam ng patungkol sa lahat ng bagay na nilikha Niya.

  1. Sa tuwing Ramadhan lamang ba dapat nag-aayuno ang mga Muslim?

Ang pag-aayuno sa Ramadhan at pagwawakas nito sa pamamagitan ng pagcecelebrate ng Eid al-Fitr, ay hindi nagtatapos doon.  Sabi sa hadith, ang pinakamagandang pag-aayuno ay ang pag-ayuno ng Propeta David.  Paano ba siya nag-ayuno?  Siya ay nag-aayuno sa alternate days sa buong taon!  Ang ibig sabihin nito ay hindi nagtatapos ang paglilinis sa sarili sa pagtatapos ng Ramadhan, ang buwan na ito ay parang “check point” lamang upang paalalahanan ang sangkatauhan na kailangang kilalanin si Allah, ang Kanyang paggabay, at pagbiyaya sa buong taon.

EID MUBARAK SA LAHAT NG MGA KAPATID NATING MUSLIM-xiao chua

XIAO TIME, 17 July 2013: ANG PANINIRAHAN NI DR. JOSE RIZAL SA DAPITAN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Albert Martinez bilang si Jose Rizal, at si Amanda Page bilang si Josephine Bracken.  Stills  mula sa pelikulang "Rizal sa Dapitan."

Si Albert Martinez bilang si Jose Rizal, at si Amanda Page bilang si Josephine Bracken. Stills mula sa pelikulang “Rizal sa Dapitan.”

17 July 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=N-Df0oGj_Vw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  121 years ago, July 17, 1892.  Alas siyete ng gabi.  Sakay ng bapor Cebu, dumating si Rizal sa isla ng Dapitan, Zamboanga del Norte.

Isang lumang larawan ng Dapitan.  Mula sa traveljunkiemanila.blogspot.com.

Isang lumang larawan ng Dapitan. Mula sa traveljunkiemanila.blogspot.com.

Monumento ng pagdating ni Rizal sa Dapitan.  Monumento para sa sandali ng pagbabago ng kanilang bayan.  Mula sa eastgatepublishing.com.

Monumento ng pagdating ni Rizal sa Dapitan. Monumento para sa sandali ng pagbabago ng kanilang bayan. Mula sa eastgatepublishing.com.

Naramdaman niya, napakalungkot ng dalampasigan, tila madilim ang buong paligid at tanging ang liwanag lamang ng kanilang gasera ang nagbibigay liwanag sa kapaligiran na puro damo!   Sinalubong siya ni Capitan Don Ricardo Carnicero y Sanchez, Comandante Politico-Militar sa lugar, at ang cura paroko, ang Heswitang si Padre Antonio Obach.  Tumira si Rizal sa bahay ni Carnicero at naging matalik silang magkaibigan.  Nang bumili siya ng parang Lucky Pick na numerong 9736 sa loterya kasama si Carnicero at isang pang Espanyol.  Nanalo sila ng ikalawang gantimpala.  Rizal??? Most famous Pinoy lotto winner??? Pwede!!!

Don Ricardo Carnicero.  Nililok ni Jose Rizal.   Mula sa Vibal Publishing, Inc.

Don Ricardo Carnicero. Nililok ni Jose Rizal. Mula sa Vibal Publishing, Inc.

Padre Antonio Obach.  Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Padre Antonio Obach. Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Casa Real, ang bahay ng komandante  ng Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Casa Real, ang bahay ng komandante ng Dapitan. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

At sa kanyang share na Php 6,200.00, binayaran niya ang kanyang mga utang, bumili ng lupa sa tabing dagat sa Dapitan upang magsaka at kung saan din siya magtatatag ng libreng paaralan at klinika para sa mga mahihirap, at ang natira ay ibinigay niya sa pamilya.  Dahil bored siya, sinabi niya marahil, e bakit hindi ko nalang gawing exciting ang bayan na ito.  Gumawa siya ng iba’t ibang hugis ng bahay at sinubukang mag-inhinyero at gumawa ng dam upang umagos ang malinis na tubig mula sa kabundukan patungo sa kanyang lupaing tinawag niyang Talisay.

Talisay, Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Talisay, Dapitan. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Ang kubo ni Rizal sa Dapitan.  Mula sa Rizal:  In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Ang kubo ni Rizal sa Dapitan. Mula sa Rizal: In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Casa Cuadrada.  Mula sa backpackingphilippines.com.

Casa Cuadrada. Mula sa backpackingphilippines.com.

Casa Octagonal

Casa Octagonal

Guhit ni Rizal ng Talisay.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Guhit ni Rizal ng Talisay. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Dam na ginawa ni Rizal sa Dapitan.  Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Dam na ginawa ni Rizal sa Dapitan. Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Nang bisitahin siya ng kanyang paboritong guro sa Ateneo na si Padre Francisco de Paula Sanchez, gumawa sila sa plaza ng isang relief map ng Mindanao upang ituro ang isla sa mga tao.  Magiging inspirasyon ito para sa relief map ng buong bansa na itatayo sa Rizal Park, Luneta.  Kahit kumikita sa kanyang mga pananim, hindi siya nagdamot.  Lumikha siya ng kooperatiba ng mga mangangalakal ng abaka at nag-iwan pa siya ng makinarya mula sa ibang bansa upang magamit nila.  Nangolekta ng mga iba’t ibang species ng mga hayop at insekto na ipinapadala naman niya sa Europa.  At dahil mga bagong tuklas pala niya ang ilan sa mga ito, ipinangalan ang mga ito sa kanya—Draco rizali, isang butiki, Rhacophorus rizali, isang palaka, at Apogonia rizali, isang salagubang.

Padre Francisco de Paula Sanchez, S.J..  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Padre Francisco de Paula Sanchez, S.J.. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Malaking mapa ng Mindanao na nilikha nina Rizal sa plaza ng Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Malaking mapa ng Mindanao na nilikha nina Rizal sa plaza ng Dapitan. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

SI Rizal bilang mangangalakal ng abaka.  Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

SI Rizal bilang mangangalakal ng abaka. Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Ang mga bagong species ng mga hayup na ipinangalan kay Rizal ng mga siyentipiko sa Euro:  Draco rizali, isang butiki, Rhacophorus rizali, isang palaka, at Apogonia rizali, isang salagubang.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Kwento ni Dr. Ambeth Ocampo, sumulat si Rizal sa mga kapatid upang magpadala ng mga lambat, kahit na sila ay nasa tabing dagat, walang marunong mangisda.  Nang dumating ang mga lambat napagtanto niya, hindi rin siya marunong mangisda kaya sumunod na nagpadala na rin si Rizal ng magtuturo sa kanilang mangisda.  Nang iwan niya ang Dapitan patungo sa kanyang kamatayan noong 1896, nag-iiyakan ang mga tao.  Iniwan niya ang Dapitan na mas makulay at maunlad.

Si Xiao Chua at si Dr. Ambeth Ocampo, 29 July 2013, Ayala Museum.

Si Xiao Chua at si Dr. Ambeth Ocampo, 29 July 2013, Ayala Museum.

Dramatisasyon ng pag-lisan ni Rizal sa Dapitan noong 1896 sa pelikulang "Rizal sa Dapitan."  Mula sa "Rizal:  In Excelsis" ng Studio 5 Designs.

Dramatisasyon ng pag-lisan ni Rizal sa Dapitan noong 1896 sa pelikulang “Rizal sa Dapitan.” Mula sa “Rizal: In Excelsis” ng Studio 5 Designs.

Madalas na hindi naituturo sa klase, ang mga taon sa Dapitan ni Rizal ang kung tutuusin pinakaproduktibo at pinakamahalaga, sapagkat lahat ng magagawa niya doon kung nabigyan siya ng pagkakataong maglingkod sa bayan at itatag ang bansa ay nagawa niya doon.  Puwede palang baguhin ng isang tao ang bayan—ng isang one-man NGO!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)

XIAO TIME, 24 April 2013: FERNANDO AMORSOLO, ANG “GRAND OLD MAN OF PHILIPPINE ART”

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Fernando Cueto Amorsolo.  Mula sa opisyal na websayt ng mga Amorsolo.

Fernando Cueto Amorsolo. Mula sa opisyal na websayt ng mga Amorsolo.

24 April 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=nC9hVHbGCSA Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  41 years ago ngayong araw, April 24, 1972, sumakabilang buhay ang noon ay kinikilalang “Grand Old Man of Philippine Art” na si Fernando Cueto Amorsolo sa sakit sa puso sa edad na 79, dalawang buwan matapos na maratay sa St. Luke’s Hospital.

Ang hindi natapos ni Amorsolo na portrait ng isang hindi kilalang parokyano dahil sa kanyang pagkaratay.  Ito ang sinasabing uli niyang obra.  Nakalagak ngayon sa Pambansang Museo ng Pilipinas.

Ang hindi natapos ni Amorsolo na portrait ng isang hindi kilalang parokyano dahil sa kanyang pagkaratay. Ito ang sinasabing uli niyang obra. Nakalagak ngayon sa Pambansang Museo ng Pilipinas.

Matapos lamang ang apat na araw, iginawad sa kanya ng Pangulong Ferdinand E. Marcos ang pinakaunang Gawad Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.  Sinasabing tinatayang sampung libo ang mga nagawa niyang paintings at sketches sa buong buhay niya.

Ang batang Amorsolo.

Ang batang Amorsolo.

Si batang Amorsolo habang nagpipinta ng isng hubad na babae sa kanyang studio.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Si batang Amorsolo habang nagpipinta ng isng hubad na babae sa kanyang studio. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

06 paintings at sketches sa buong buhay niya

Habang tinatapos ang mga larawan niya ng mga pangulo ng Pilipinas--Roxas, Quezon at Osmena.  Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Habang tinatapos ang mga larawan niya ng mga pangulo ng Pilipinas–Roxas, Quezon at Osmena. Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

01 sumakabilang buhay ang noon ay kinikilalang “Grand Old Man of Philippine Art” 31 ng kanyang mga painting at papipiliin ka kung ano ang gusto mo ipagawa Naging apprentice ng dakilang guro ng sining Don Fabian dela Rosa sa edad lamang na trese, nagturo sa UP.  Sumikat siya sa kanyang disenyo sa logo ng Ginebra San Miguel, Marca Demonio, at sa kanyang malaganap na nailimbag sa mga brosyur ng Pilipinas noong panahon ng mga Amerikano, ang “Rice Planting” (1922).

Maestro Fabian dela Rosa.  Mula sa Vibal Foundation.

Maestro Fabian dela Rosa. Mula sa Vibal Foundation.

Fabian dela Rosa habang nagpipinta.

Fabian dela Rosa habang nagpipinta.

Ginebra San Miguel Marca Demonio ni Fernando Amorsolo.

Ginebra San Miguel Marca Demonio ni Fernando Amorsolo.

Rice Planting

Rice Planting

Rice Planting na may Bulkang Mayon bilang background.

Rice Planting na may Bulkang Mayon bilang background.

Rice Planting, iba-ibang bersyon.  Kaloka.

Rice Planting, iba-ibang bersyon. Kaloka.

Dinner in the Sun, may Bulkang Taal naman.

Dinner in the Sun, may Bulkang Taal naman.

Tinulungan ng mga mayayamang mga Ayala na maglakbay sa Paris, Madrid at New York upang lalong lumawak ang karanasan.  Nakilala siya sa kanyang mga obra na nagpapakita ng kabukiran ng Pilipinas at mga tila buhay na mga portraits ng mga tao.

Fernando Amorsolo at isang obra na nagpapakita ng kanyang unang asawa.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo/

Fernando Amorsolo at isang obra na nagpapakita ng kanyang unang asawa. Mula kay Dr. Ambeth Ocampo/

Fruitgatherer

Fruitgatherer

hqdefault

Dalagang Bukid

Dalagang Bukid.  Nasa GSIS Museo ng Sining

Young Girl with Jar

Young Girl with Jar

tumblr_lr75anwJHm1qappado1_400

Oracion

Oracion

Young Girl

Young Girl

Young Girl

Young Girl

Mother and Child

Mother and Child

Studies para sa mga portrait ng Pamilya Lacson.

Studies para sa mga portrait ng Pamilya Lacson.

Ang kanyang pinakamalaking kontribusyon sa sining sa Pilipinas ay ang paglalaro ng light and shade o chiaroscuro.  Na mas kilala natin ngayon sa tawag na backlighting.

Under The Mango Tree

Under The Mango Tree

Burning of the Idols, nagpapakita ng pagsunog ng mga ninuno natin sa kanilang mga anito tulad ng ipinag-utos ng mga mananakop na Espanyol.  Suwabe sa backlighting.

Burning of the Idols, nagpapakita ng pagsunog ng mga ninuno natin sa kanilang mga anito tulad ng ipinag-utos ng mga mananakop na Espanyol. Suwabe sa backlighting.

Kung ngayon, puro papuri ang natatanggap niya mula sa mga eksperto at mamamayan ng Pilipinas, matatandaan na noong kanyang panahon kontrobersyal na pigura siya sa sining.  Sinasabing hindi sinasalamin ng kanyang mga painting ang totoong buhay ng mga tao halimbawa sa kanyang mga depiksyon ng bukid.  Masyadong idealized.  Na parang ang saya-saya ang mga tao, makukulay ang mga suot nila at ubod ng linis.

Dalagang Bukid.  Nasa Ayala Museum.

Dalagang Bukid. Nasa Ayala Museum.

Barrio Fiesta

Barrio Fiesta

dd4235596bfeb76466a7b7d9264611e6

Doncella Filipina

Doncella Filipina

116728_big

Woman In Tobacco Field

Woman In Tobacco Field

Rice Harvesting

Rice Harvesting

Rice Harvesting

Rice Harvesting

amor13

Harvesting Rice

Harvesting Rice

c1225

c1371

Ang Sabungero

Ang Sabungero

Cockfight

Cockfight

Antipolo

Antipolo

Harvest Scene

Harvest Scene

a0

fernandoamorsolo12

Along Mountain Trail

Along Mountain Trail

Bullock Cart

Bullock Cart

El Regreso de los Pescadores

El Regreso de los Pescadores

Market Place Before a Church

Market Place Before a Church

Malate Church

Malate Church

bayan ko-waterfall

Oo nga naman, mahirap kaya at mainit ang buhay sa bukid.  Marami rin siyang obra na nagpapakita ng kasaysayan ng Pilipinas.  Iyon nga lang, may painting siya na pinamagatang “Early Sulu Wedding” ngunit paano magiging kasal ito sa Sulu e ang mga Muslim dapat balot na balot ang mga kababaihan, hubad sa larawan niya!  Kaloka.

Confeccion de la Standarte Nacional (Making of the Philippine Flag).  Nasa tanggapan ng COB-CEO Vicente R. Ayllón sa ika-30 palapag ng Insular Life Corporate Centre (ILCC) sa Filinvest Corporate City in Alabang.

First Baptism in the Philippines.  Proud si Amorsolo sa Research na ginawa niya para sa obrang ito.  Nasa Ayala Museum.

First Baptism in the Philippines. Proud si Amorsolo sa Research na ginawa niya para sa obrang ito. Nasa Ayala Museum.

Early Sulu Wedding.  Nasa Ayala Museum.

Early Sulu Wedding. Nasa Ayala Museum.

Ngunit nang maranasan ang digmaan ayon kay Ambeth Ocampo, makatotohanan ang mga dibuho niya ng paghihirap at pagkawasak ng bayan.

Burning of the Intendencia, 1942.

Burning of the Intendencia, 1942.

Detalye ng Burning of the Intendencia.  Mula sa Lopez Museum.

Detalye ng Burning of the Intendencia. Mula sa Lopez Museum.

Ilan lamang sa maraming drowing ni Amorsolo noong panahon ng digmaan.  Montage kasama ng nasirang Post Office Building mula sa Lopez Museum.

Ilan lamang sa maraming drowing ni Amorsolo noong panahon ng digmaan. Montage kasama ng nasirang Post Office Building mula sa Lopez Museum.

Defense of a Filipina Woman's Honor.

Defense of a Filipina Woman’s Honor.

Bombing of Manila

Bombing of Manila

Aktwal na larawan ng kanyang ipininta sa "Bombing of Manila"

Aktwal na larawan ng kanyang ipininta sa “Bombing of Manila”

Gayundin, masyado raw komersyal si Amorsolo.  Para mabuhay noon, nilalako niya ang mga foto ng kanyang mga painting at papipiliin ka kung ano ang gusto mo ipagawa.  Depende sa bayad mo ang pagkapulido ng gawa.  Kaya may iba-ibang bersyon ang kanyang mga obra.

Rice Harvesting

Rice Harvesting

Rice Harvesting

Rice Harvesting

Bather by the Water

Bather by the Water

Bathing, 1931

Bathing, 1931

Bathing

Bathing

Bathing

Bathing

Bathing

Bathing

Lavandera, 1957

Lavandera, 1957

Bathing

Bathing

2134446_f520

Lavandera

Lavandera

Lavanderas

Lavanderas

Lavanderas

Lavanderas

The Offering

The Offering

Nude

Nude

Sipi ng ulat ni Nick Joaquin (Quijano de Manila) ukol sa koneksyon ng personalidad na exhuberant ni Amorsolo at ng kanyang mga produksyon.

Sipi ng ulat ni Nick Joaquin (Quijano de Manila) ukol sa koneksyon ng personalidad na exhuberant ni Amorsolo at ng kanyang mga produksyon.

Naging regular customers niya ang mga Araneta at si Don Jorge Vargas.  Maging ang batang reporter noon na si Ninoy Aquino ay nagsakripisyo ng dalawang buwang suweldo para ipapinta lamang ang portrait ng kanyang nililigawan noon na si Maria Corazon Sumulong Cojuangco, Tita Cory.  Sweet.

Don Jorge Vargas

Don Jorge Vargas

Maria Corazon Sumulong-Cojuangco (Aquino), regalo ni Ninoy.

Maria Corazon Sumulong-Cojuangco (Aquino), regalo ni Ninoy.

Lagda ni Amorsolo, 1937

Lagda ni Amorsolo, 1937

Mula sa CCP Library/ American Historical Collection.

Mula sa CCP Library/ American Historical Collection.

Ok fine, hindi raw makatotohanan ang obra ni Amorsolo, ngunit ang sining naman talaga ay pale imitation lang ng totoong buhay.  Ang nais ni Amorsolo ay mag-iwan ng magandang imahe ng ating bayan.  Tayo rin naman gusto natin mag-iwan ng magandang imahe ng sarili natin hindi ba?  Sa puntong ito, nagtagumpay nga siya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 20 April 2013)

Bayanihan

Bayanihan

El Ciego (The Blind Man)

El Ciego (The Blind Man)

Ipininta ni Amorsolo ang kanyang sarili.  Nag-wan ng malaking pamana sa Sining sa Pilipinas.

Ipininta ni Amorsolo ang kanyang sarili. Nag-wan ng malaking pamana sa Sining sa Pilipinas.

XIAO TIME, 8 April 2013: UP VANGUARD AT ANG MGA KABATAANG PILIPINO NOONG WORLD WAR II

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"Duty, Honor, Country" ni Tam Austria.  UP Vanguard Coffeetable Book Team headed by Emmy Rodriguez.

“Duty, Honor, Country” ni Tam Austria. Mga larawan ng UP Vanguard mula sa UP Vanguard Coffeetable Book Team headed by Emmy Rodriguez.

8 April 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=2eOsPNuQ6tE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Bukas ang Araw ng Kagitingan na gumugunita sa kabayanihan ng ating mga lolo at lola beterano na inalay ang kanilang kabataan para sa kalayaan.  Kung minsan, kapag nagbabasa tayo ukol sa digmaan, ang ating kasaysayang militar ay natatali sa bilang ng mga nasawi at sa paggalaw ng mga batalyon.  Hindi man lamang natin naaalintana kung minsan na sa bawat numero sa likod nito ay isang buhay, isang anak o tatay na hindi na uuwi, isang pamilyang nawasak.  Kung pakikinggan natin ang kwento ng ating mga lolo at lola beterano, mararamdaman mo na kung naroon ka sa kanilang panahon, ang sundalo ay maaaring ikaw pala.  Tulad ng kwento ng ilang mga underaged na mga kabataan na nang magpatawag ng mga boluntir na lalaban sa mga Hapones nang sumiklab ang digmaan, tumungo sila sa mga recruitment centers tulad ng UST kung saan sumusumpa ang mga bagong kawal.  Ang mga kabataang ito ay pinauwi na lamang.

Panunumpa ng mga bagong sundalo.  Mula sa   Legacy of Heroes.

Panunumpa ng mga bagong sundalo. Mula sa Legacy of Heroes.

Panunumpa ng mga bagong sundalo.  Mula sa   Legacy of Heroes.

Panunumpa ng mga bagong sundalo. Mula sa Legacy of Heroes.

Maaari naman na excuse na nila iyon upang namantiling malayo sa panganib, ngunit sila mismo ay sumakay ng mga bus at tumungo sa kanilang sarili sa Bataan upang lumaban.  Matapos ang ilang buwan, ang mga ROTC cadets ng iba’t ibang unibersidad sa Maynila ay magsasama-sama upang maging isang samahang gerilya, ang Hunter’s ROTC.  Ayon sa aking kaibigan na si John Ray Ramos ng UP Vanguard Class MATALAB 2009, ang kanilang kapatirang UP Vanguard ay nakilahok din sa digmaan.

02 ang kanilang kapatirang UP Vanguard ay nakilahok din sa digmaan

Si John Ray Ramos at UP Vanguard Class Matalab 2009.

Si John Ray Ramos at UP Vanguard Class Matalab 2009.

Ang UP Vanguard ay kapatiran na binubuo ng mga alumni ng advanced ROTC sa Unibersidad ng Pilipinas sa loob ng apat na taon, ito yung mga nagiging opiser ng UP ROTC.  Nagsimula ito bilang “Diamonds and Studs” fraternity noong 1922 na binubuo ng mga kadete ng Basic and Advance ROTC.

Mga kadete ng UP, 1917.

Mga kadete ng UP, 1917.

1922-1926

1922-1926

Nang sumiklab ang digmaan, lumahok sa organisadong depensa sa Bataan at Corregidor, at sa mga gerilya sa buong bansa, ang mga Vanguards, na tulad nina Vgd Alfredo Santos (‘29) na bayani ng Battle of the Pockets, Vgd Macario Peralta Jr (’34) na naging pinuno ng mga gerilya sa Panay, Vgd Salvador Abcede (’36) na namuno sa 7th Military District sa isla ng Negros, Vgd Romeo Espino (’37), Vgd Senator Salipada K. Pendatun (’36) na namuno ng mga gerilya sa Mindanao.

Vgd Alfredo Santos

Vgd Alfredo Santos

Vgd Macario Peralta

Vgd Macario Peralta

Vgd Salvador Abcede

Vgd Salvador Abcede

Vgd Romeo Espino

Vgd Romeo Espino

Vgd Salipada K. Pendatun

Vgd Salipada K. Pendatun

Nagsilbi rin sa digmaan sina Vgd Manuel Roxas at Vgd. Carlos P. Romulo (’18) na naging “Voice of Freedom,” aide-de-camp ni MacArthur at Quezon at mula major naging Brigadier General.

Vgd. Manuel Roxas

Vgd. Manuel Roxas

Vgd Carlos P. Romulo na nagbo-broadcast sa Voice of Freedom.  Mula sa Great Lives.

Vgd Carlos P. Romulo na nagbo-broadcast sa Voice of Freedom. Mula sa Great Lives.

Ang mga Vanguard ay dumaan sa pagsasanay sa sining ng pamumuno at sa agham pangdigma kasabay ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo kaya naman hindi maiiwasan ng mga Vanguards ang call to arms, ang tawag na ipagtanggol ang bayan sa tuwing may digmaan, nagbubuwis ng pawis, luha at dugo upang sundin ang kanilang sinumpaang “Shibboleths”:  Tungkuling nagampanan ng mahusay, dangal na walang bahid, at Bayan higit sa sarili.

1926

1926

1926

1926

1930

1930

1930s

1930s

1930s

1930s

1940

1940

1931

1931

1931

1931

1930

1930

1930s battery

1930s battery

1941

1941

23 at Bayan higit sa sarili

Sa pag-aaral ng mabuti at paghahanap-buhay ng marangal, ipagpapatuloy natin sa panahon ng kapayapaan ang itinindig ng mga beterano sa panahon ng digmaan:  Duty, Honor, Country–Tungkulin, Dangal, Bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 3 April 2013, malaking pasasalamat kay G. John Ray Ramos ng UP Vanguard at Security Matters Magazine para sa tulong sa paggawa ng presentasyong ito.)

XIAOTIME, 12 March 2013: MGA PANANAW UKOL SA CLAIM NG PILIPINAS SA SABAH (Sabah Part 2)

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 12 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Lahad Datu, Sabah.  Ang tagpo ng karahasan a pagitan ng Royal Forces ng Sulu at ng mga sundalong Malaysian, Mahigit 60 bangkay ang bumagsak sa kaguluhang ito,

Lahad Datu, Sabah. Ang tagpo ng karahasan a pagitan ng Royal Forces ng Sulu at ng mga sundalong Malaysian, Mahigit 60 bangkay ang bumagsak sa kaguluhang ito,

12 March 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=s7TSvJeE-r8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa ikalawang bahagi ng aking ulat, nais ko pong magbigay ng aking humble opinion ukol sa isyu ng Sabah o North Borneo.  Tulad sa lahat ng episode ng Xiao Time, binibigyan ako ng kalayaan ng Telebisyon ng Bayan sa lahat ng aking sinasabi.  Ang aking opinyon ay hindi po kumakatawan sa tindig ng pamahalaan ng Pilipinas.  Hindi madaling sagutin ang tanong kung sa atin ba ang Sabah sapagkat hindi katulad ng Spratley’s, hindi lamang ito usapin ng teritoryo.  May mga Sabahans na naroon at tulad ng desisyon ng World Court sa apela ng Pilipinas noong October 23, 2001, “Modern international law does not recognize the survival of a right of sovereignty based solely on historic title.”  Kailangan raw isaalang-alang ang isyu ng self-determination o sariling pagpapasya at pinili na raw ng mga taga Sabah sa referendum ng 1963 na maging bahagi ng Malaysia.

Ang pahina na nagtataglay ng opisyal na desisyon ng International Court of Justice ukol sa claim ng Pilipinas sa Sabah.  Mula sa http://www.mpil.de/ww/en/pub/research/details/publications/institute/wcd.cfm?fuseaction_wcd=aktdat&aktdat=201010200400.cfm

05 “Modern international law ... historic title

Kung gagawa tayo ng military action ngayon upang kunin ang Sabah at masakop nga natin ito, kaya ba natin?  Hindi kaya mag-alsa rin ang mga taga-Sabah laban sa atin?  Gusto na ba nating maging colonizer?  Kung tayo mismo nagsasabi na mahirap ang Pilipinas, pipiliin kaya nila ang maging bahagi ng Pilipinas kaysa sa mayamang Malaysia?  Gayunpaman, ganun-ganun lang ba iyon?  Hindi dapat bitawan ang claim lalo na’t kung totoong nagbabayad nga ng maliit na taunang renta ang Malaysia sa Sultanato ng Sulu tulad sa mga nakalipas na dekada.

Katibayan ng pagbabayad ng Malaysia sa pamilya ni Sultan Jamalul Kiram III.

Katibayan ng pagbabayad ng Malaysia sa pamilya ni Sultan Jamalul Kiram III.

Sabihin man na pribadong lupa ito ng Sultanato, barya lang ang ibinabayad nila sa dami ng pakinabang nila sa lupang ito—ang mga resort sa Kota Kinabalu, ang mga yamang dagat, ginto at platinum.

Kota Kinabalu, North Borneo.  Mula sa Wikipedia.

Kota Kinabalu, North Borneo. Mula sa Wikipedia.

Sandakan, North Borneo

Sandakan, North Borneo

Ipinakita rin ng historyador na si Jojo Abinales na ang mga tao sa Sulu at North Borneo, ang mga Tausug, Sama Dilaut at iba pa, ay walang pakialam sa mga hangganang pulitikal dahil sa loob ng daan-daang taon palipat-lipat lamang sila ng border, namamalengke sa magkabilang dalampasigan dahil magkakamag-anak naman sila at magkakapamilya na nakatira na doon bago pa man isilang ang mga modernong estado.  Kaya hindi dapat busabusin ang mga kababayan natin doon at basta-basta palayasin ng mga Malaysians.

Si Xiao Chua kasama si Dr. Patricio Abinales.

Si Xiao Chua kasama si Dr. Patricio Abinales.

Ang daan-daang taon ng kontak ng mga Tausug sa Sulu at Sabah.

Ang daan-daang taon ng kontak ng mga Tausug sa Sulu at Sabah.

Ang mga Tausug

Ang mga Tausug

Kaya kung tutuusin, si Pangulong Noynoy Aquino ay nasa isang sitwasyong “damn if you do, and damn if you don’t”—kung suportahan niya ang Sultanato, maaaring manganib ang buong bansa dahil maaari na tayong puksain ng Malaysia.  Kung wala namang gagawin ang pangulo, kahit sabihin pang iniiwasan niya ang mas malaking gulo, nagmumukhang binibitawan na niya ang claim natin sa Sabah.

Pangulong Noynoy Aquino.

Pangulong Noynoy Aquino.

Para sa akin, pag-aari ng Sultanato ng Sulu ang Sabah, at kung nais ng mga taga Sabah na manatili sa Malaysia, kailangan nilang bigyan ng tamang kabayaran at pagkilala ang Sultanato ng Sulu at ang Pilipinas.  Ngunit lahat tayo, pati ako, ay nagmamagaling lang.  Nakasalalay ang sitwasyon sa kung anumang pag-usapan ng mga pinunong Pilipino, Malaysian at dapat kasama ang Sultanato at ang mga taga Sabah.  Maraming solusyon ang pwedeng pag-usapan ngunit hindi makakapagsimula ang pag-uusap kung hindi magbaba ng armas kapwa ang Royal Forces ng Sultanato at ang pamahalaan ng Malaysia.  Mag-usap na po kayo, please.  Salamat po sa inyong oras.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDonald’s Philcoa, 7 March 2013)

Ang nagpapakilalang Royal Forces of the Sultanate of Sulu and North Borneo.

Ang nagpapakilalang Royal Forces of the Sultanate of Sulu and North Borneo.

Supporters of the self-proclaimed Sultan of Sulu Jamalul Kiram, hold a torchlight parade near a mosque in Manila. Malaysia expanded its hunt for armed Filipino invaders who dodged a military assault meant to crush them, as a Philippine guerrilla said more Islamic fighters had arrived.  From the LA Times

XIAOTIME, 11 March 2013: ANG KASAYSAYAN NG CLAIM NG PILIPINAS SA SABAH (Sabah Part 1)

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 11 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Eenie-meanie-my-neemo:  Kanino ba ang Sabah, sa Pilipinas ba o sa Malaysia?  Ano ang puno't dulo ng lahat.  Mula sa Spot.ph

Eenie-meanie-my-neemo: Kanino ba ang Sabah, sa Pilipinas ba o sa Malaysia? Ano ang puno’t dulo ng lahat. Mula sa Spot.ph

11 March 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=EfHMMVgDrso

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  45 years ago ngayong buwan, March 18, 1968, naganap ang tinatawag na Jabidah Massacre.  Ano ang kinalaman nito sa nangyayari ngayon sa Sabah at sa gulo sa Mindanao.

Ipinapakita ng Defense Minister ng Malaysia ang hinukay na mga katawan ng mga Royal Forces ng Sultanato ng Sulu.

Ipinapakita ng Defense Minister ng Malaysia ang hinukay na mga katawan ng mga Royal Forces ng Sultanato ng Sulu.

Liwanagin natin.  Noong 1658, dahil sa tulong ng Sultanato ng Sulu na malutas ang isang digmaang sibil sa Sultanato ng Brunei, ibinigay nila sa Sulu ang Sabah o North Borneo at ang Palawan.  Sinlaki ang Sabah ng estado ng Indiana o North Carolina.

Palawan at Sabah ay ibinigay ng Sultanato ng Brunei sa Sultanato ng Sulu.

Palawan at Sabah ay ibinigay ng Sultanato ng Brunei sa Sultanato ng Sulu.

Map of Sabah

Mapa ng Sabah

Ito naman ay ipinaupa ng Sulu sa isang British company noong 1878.  Humihina na noon ang Sultanato at kinailangan nito ng salapi upang patuloy na umiral.

Pakikipag-usap ng Sultanato ng Sulu sa mga dayuhan.

Pakikipag-usap ng Sultanato ng Sulu sa mga dayuhan.

Ang teksto ng lease sa mga Briton ng Sabah noong 1878.

Ang teksto ng lease sa mga Briton ng Sabah noong 1878.

Nang palalayain na ng British ang Malaya at North Borneo, imbes na isauli ito sa Sultanato ng Sulu na bahagi na noon ng Estado ng Pilipinas, inagaw ito upang maisali sa Federated States of Malaysia.  Umalma ang Pilipinas sa pangunguna ni Pangulong Diosdado Macapagal at humiling sa United Nations ng isang referendum upang tanungin ang mga Sabahans kung kaninong bansa nila nais umanib:  Sa Pilipinas ba o sa Malaysia?

In 1962, Sultan Esmail E. Kiram I cedes to the Philippine Republic, under the presidency of Ferdinand Marcos, the territories of North Borneo. Later, in 1974, Sultan Esmail’s eldest son Mohammed Mahakuttah A. Kiram succeeds him to the throne and is is recognized as such by President Marcos and the Philippine Republic. Sultan Mohammed Mahakuttah A. Kiram was to become the last Sultan recognized in law by the Republic of the Philippines.  Photo by Correos Filipinas.

Pabalat ng isang aklat ukol sa Brunei Revolt ng 1962.

Pabalat ng isang aklat ukol sa Brunei Revolt ng 1962.

Samantala, noong December 8, 1962, nagkaroon ng pag-aalsa sa Brunei na nagnanais na itatag ang Unitary State of Kalimantan Ultra o North Borneo.  Pinaniniwalaan na kapag nakalaya sa mga Malaysian, aanib sila sa Pilipinas.  Ngunit pinuksa ng mga British ang pag-aalsang ito.  Nang maganap rin ang referendum ng United Nations sa Sabah noong September 13, 1963, iniulat mismo ng Secretary General ng UN na si U Thant na pinili ng mga Sabahans na maging bahagi ng Malaysia.

UN Secretary General U Thant.

UN Secretary General U Thant.

Bagama’t itinuturing ng ilang observers na kontroberysal ang referendum na ito, sinuportahan ng Pangulong John F. Kennedy ng kaibigan nating bansang Estados Unidos ng America ang posisyon ng mga British at opisyal na kinontra ang tindig ng Pilipinas.  Dahil sa kabiguang ito, noong 1968, sikretong nagplano ang Pangulong Ferdinand Marcos na sakupin ang Sabah, tinawag itong “Operation Merdeka.”  Merdeka ay salitang Bahasa para sa kalayaan.  Sinanay ang ilang mga Tausug upang mabawi ang lupaing Sabah kung saan naroon din ang kanilang mga kamag-anak, upang makipaglaban sa kapwa nila mga Muslim na Malaysian.  Ngunit nang tangkang mag-alsa ang mga sundalo dahil sa dustang kalagayan nila sa kampo sa Corregidor, sinasabing minasaker sila ng kanilang mga opiser kaysa mabuking ang plano nila laban sa isang napakalakas na bansa, ang Malaysia.

Mga iniwang bakas ng mga Sundalong Tausug na Jabidah sa Corregidor noong 1968, bago sila mapuksa.

Nang may isang nakaligtas sa masaker na ito, si Jibin Arula, nagsumbong siya kay Senador Ninoy Aquino, na kinailangang imbestigahan at ibunyag ang planong ito at ang marahas na nangyari sa mga sundalong Muslim.  Nakilala ito na Jabidah Massacre.

Ang poster ng Crime Klasik episode ng Aksyon TV ukol sa Jabidah Massacre kung saan naging tagapagsalaysay si Xiao Chua kasama si Maritess Vitug.

Ang poster ng Crime Klasik episode ng Aksyon TV ukol sa Jabidah Massacre kung saan naging tagapagsalaysay si Xiao Chua kasama si Maritess Vitug.

Si Jibin Arula (sa inset bago mamatay kamakailan lamang) habang kinakapanayam nina Senador Ninoy Aquino, 1968.

Si Jibin Arula (sa inset bago mamatay kamakailan lamang) habang kinakapanayam nina Senador Ninoy Aquino, 1968.

Mula sa aklat na Nur Misuari:  An Authorized Biography.

Mula sa aklat na Nur Misuari: An Authorized Biography.

Mula sa Batas Militar

Mula sa Batas Militar

Ang pagpatay sa mga sundalong ito ang insidente na nagpaningas sa siga ng digmaan sa Mindanao.  Bukas, abangan ang ilang pananaw sa isyu sa ikalawang bahagi ng aking ulat ukol sa Sabah.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDonald’s Philcoa, 7 March 2013)

XIAOTIME, 29 January 2013: SULTAN KUDARAT, Isang Mandirigmang Magiting, Matalino, at Matapang

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 29 January 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Sultan Dipatwan Kudarat.  Mula sa Mga Dakilang Pilipino ng National Historical Commission of the Philippines.

Sultan Dipatwan Kudarat. Mula sa Mga Dakilang Pilipino ng National Historical Commission of the Philippines.

29 January 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=oO5wSqAH4MM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  38 years ago ngayong buwan, January 1975, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand E. Marcos si Sultan Mohammed Dipatwan Kudarat bilang isang bayani, hindi lamang ng mga taga-Mindanao, kundi ng buong bansa.

Nasa disenyo ng selyong ito sa karangalan ni Sultan Kudarat ag disenyo ng dekorasyong ipinangalan sa kanya.  Mula sa Mga Dakilang Pilipino ng National Historical Commission of the Philippines.

Nasa disenyo ng selyong ito sa karangalan ni Sultan Kudarat ag disenyo ng dekorasyong ipinangalan sa kanya. Mula sa Mga Dakilang Pilipino ng National Historical Commission of the Philippines.

Kasabay nito, upang makilala ng buong bayan, naglabas ng selyo na nagtataglay ng kanyang imahe.  Isang dekorasyon o gawad ang ipinangalan sa kanya ang Order of Kudarat.  Isang probinsya din ang ipinangalan sa kanya at isang monumento sa kanyang karangalan ang ipinatayo sa puso ng Makati Central Business District.

Ang monumento para kay Sultan Kudarat sa harapan ng Kapitolyo ng Lalawigan na nakapangalan sa kanya.

Ang monumento para kay Sultan Kudarat sa harapan ng Kapitolyo ng Lalawigan na nakapangalan sa kanya.

Monumento para kay Sultan Kudarat sa Ayala Triangle, Lungsod ng Makati.

Monumento para kay Sultan Kudarat sa Ayala Triangle, Lungsod ng Makati.

Paano ba naging bayani si Sultan Kudarat.  Si Kudarat ay isinilang noong 1580 at nang mamatay ang kanyang bayaning ama na si Sultan Buisan ng Maguindanao noong 1602, ang batang Kudarat ay hinirang na humalili sa kanya.  Noong 1619, ganap siyang nanungkulan bilang sultan.  Ang tawag sa kanyang ng mga Espanyol ay Cachil Corralat, at nakilala nila bilang isang mandirigmang magiting, matalino at matapang at kinilala siya bilang tunay na pinuno ng mga Muslim sa Maguindanao.   Sa ilalim ni Kudarat, patuloy at malayang nakipagkalakalan ang mga Tsino at iba pang bansa sa kanila at patuloy na nakapangolekta ang mga magigiting na mandirigma niyang Lutao ng mga buwis.  Ang kanyang hukbong may dalawang libong kawal ay naging matagumpay sa pakikidigma sa mga Espanyol.

Ang pagtindig ni Sultan Kudarat sa Lamitan.  Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Ang pagtindig ni Sultan Kudarat sa Lamitan. Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Ngunit noong 1637, nakaranas siya ng pagkatalo sa Lamitan sa itinuturing na pinakamadugong labanan na namagitan sa mga Muslim at mga Espanyol sa Pilipinas.  Nasugatan siya sa isa niyang bisig at nang mapagtanto na matatalo din sila sa laban na ito, nagpasya siyang lumikas.  Ngunit hindi niya matagpuan ang kanyang mag-ina.  Ang kanya palang asawa, kilik sa dibdib ang kanilang sanggol na anak ay tumalon sa bangin kaysa maging bihag ng Espanyol.

Ang pagtalon ng mag-ina ni Sultan Kudarat sa Lamitan upang hindi mabihag ng mga Espanyol.  Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Ang pagtalon ng mag-ina ni Sultan Kudarat sa Lamitan upang hindi mabihag ng mga Espanyol. Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Mula sa The Diorama Experience ng Ayala Museum.

Sa kabutihang palad, ang mag-ina ni Kudarat ay sumabit sa isang puno at nakaligtas!  Dalawang beses na ninais makipagkasundo ng mga Espanyol kay Kudarat dahil hindi talaga siya mahuli-huli.  Ngunit dahil sa nakikita niyang pang-aabuso ng mga Espanyol, hindi niya tinupad ang mga kasunduan na ito at kinausap ang ibang mga datu na tumiwalag na sa mga Espanyol.  Noong 1663, pansamantalang nilisan ng mga Espanyol ang pulo ng Mindanao dahil hindi tumigil sa paglaban si Kudarat.  Namatay siya noong 1671 sa edad na 90 years old.  Ang panahon ni Kudarat ang nagpakita sa atin na sa kabila ng pananakop ng mga Espanyol may mga pinili na hindi magpasakop, manatiling malaya at may dangal!  Kailangan ng ating bansa ng mga pinunong katulad ni Sultan Kudarat, may political will at may dangal, upang pagkaisahin tayo itayo ang ating bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiaotime.

(Pizza Hut Technohub, 24 January 2013)

XIAOTIME, 4 December 2012: DATU ALI NG BUAYAN, Juramentado o Bayani?

Broadcast of Xiaotime news segment last Tuesday, 4 December 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Datu Ali at ang kanyang pamilya.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinusat Lidasan.

Datu Ali at ang kanyang pamilya. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

4 December 2012, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=2rLwzirZw2A

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ang episode na ito sa mga kaibigang nagsusulong ng kapantasang Muslim at nagbabantay ng alaala ng mga bayaning Moro, sina Dato Yusuf Ali Morales at Muhammad Sinsuat Lidasan na kaanak ng mga Sultan ng Buayan sa Maguindanao.

Prinsesa Bai Aizian Utto Camsa

Prinsesa Bai Aizian Utto Camsa

Noong nakaraang November 24, 2012, binigyan po ako ng karangalan ng Sultanate of Buayan Darussalam, sa pamamagitan ni Prinsesa Bai Aizian Utto Camsa, ng karangalang “Darjah Kebesaran Sultan Akmad Utto Camsa” na may titulong pandangal na “Dato” dahil sa aking pagtalakay ng kultura at ng mga bayaning Moro dito sa “Xiao Time.”

04 na may titulong pandangal na “Dato”

Inspirasyon ang iginawad ninyo sa akin upang lalong magpunyagi na responsableng isalaysay ang mga kwentong may saysay sa ating lahat.  Ang tatalakayin ko po ngayon ay ang kanilang ninunong si Datu Ali.  Si Datu Ali, ang Rajah Muda o Crowned Prince ng Sultanato ng Buayan sa Maguindanao at pinuno ng Hilagang Lambak ng Cotabato, ang kinikilalang pinuno ng teritoryo at mamamayang Maguindanaon noong kanyang panahon, dekada 1900s.  Anak siya ni Sultan Muhammad Bayao.  Ngunit, nagnanais ang mga bagong saltang mananakop na Amerikano na maghari sa Maguindanao, si Datu Ali ang naging pinakamalaki nilang tinik.  Dinigma sila ni Datu Ali noong una sa pamamagitan ng harapang pakikipaglaban ngunit paglaon gamit na ang digmaang pangerilya.  Kahit ang mabangis na heneral na mga Amerikano na si Leonard Wood, na magiging gobernador heneral ng Pilipinas, ay hindi naitago ang paghanga kay Datu Ali, “by far the most capable Moro we have run into.”

Heneral Leonard Wood

Heneral Leonard Wood

Upang makipagnegosasyon kay Datu Ali, naging tagapamagitan ng mga Amerikano ang isang respetadong Imam na si Sharif Afdal ngunit hindi naging mabunga ang mga usapang ito.

Sharif Afdal, nagyoyosi, naka-shades.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Sharif Afdal, nagyoyosi, naka-shades. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Naging istratehiya ng mga mananakop ang “Divide and Rule” policy kung saan pag-aaway-awayin ang mga Pilipino upang hindi magkaisa at nang hindi magkaroon ng malaking banta sa kanilang pananakop.

Datu Guimbangan.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Datu Guimbangan. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Kinidnap sa Fort Serenaya ang kapatid niyang si Datu Guimbangan upang hikayatin siyang sumuko ngunit hindi siya natinag.  Kaya pinakilos ng mga Amerikano ang mga taong may hinanakit kay Datu Ali upang pagtaksilan siya.  Bilang negosyador, si Sharif Afdal ang nagsabi ng kinaroroonan ni Datu Ali kay Datu Piang, na nagpasa naman ng impormasyon sa mga Amerikano.

Datu Piang.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Datu Piang. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Inatasan ang 22nd Infantry sa pamumuno ni Kapitan F.R. McCoy.  Si Datu Enok naman ang gumabay sa mga Amerikano sa pinakaligtas at pinakahindi nababantayan na ruta patungo sa kampo ni Datu Ali.

Kapitan F. R. McCoy.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Kapitan F. R. McCoy. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Datu Enok.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Datu Enok. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

October 22, 1905, umaga, nilusob ng mga Amerikano ang bahay ni Datu Ali, nakaganti ng putok ang datu ngunit nakaiwas si Tinyente Remington at binaril ang datu, bumagsak siya at nagtangkang tumakas upang lumaban muli ngunit tinapos na siya ng mga kalaban.  Ito ang pataksil na wakas ng pinakamalaking hamon sa pananakop ng Amerika sa Maguindanao.

Ulat ng mga Amerikano sa pagpaslang kay Datu Ali.  Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Ulat ng mga Amerikano sa pagpaslang kay Datu Ali. Sa kagandahang loob ni Dato Muhammad Sinsuat Lidasan.

Ayon kay Datu Ali, “Ang mga taong takot mamatay ay mas magandang takpan na lamang ng palay sa kanilang libingan.”  Para sa ilan sa atin, kapag lumalaban ang Muslim para sa kanilang lupa, juramentado o nag-aamok sila.  Ngunit ang mga katulad ni Datu Ali ay dapat kilalaning bayani na isinakripisyo ang buhay, nag-sabil, para sa tunay na kalayaan ng bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(McDo Taft, 27 November 2012)