XIAO TIME, 17 July 2013: ANG PANINIRAHAN NI DR. JOSE RIZAL SA DAPITAN

by xiaochua

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Albert Martinez bilang si Jose Rizal, at si Amanda Page bilang si Josephine Bracken.  Stills  mula sa pelikulang "Rizal sa Dapitan."

Si Albert Martinez bilang si Jose Rizal, at si Amanda Page bilang si Josephine Bracken. Stills mula sa pelikulang “Rizal sa Dapitan.”

17 July 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=N-Df0oGj_Vw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  121 years ago, July 17, 1892.  Alas siyete ng gabi.  Sakay ng bapor Cebu, dumating si Rizal sa isla ng Dapitan, Zamboanga del Norte.

Isang lumang larawan ng Dapitan.  Mula sa traveljunkiemanila.blogspot.com.

Isang lumang larawan ng Dapitan. Mula sa traveljunkiemanila.blogspot.com.

Monumento ng pagdating ni Rizal sa Dapitan.  Monumento para sa sandali ng pagbabago ng kanilang bayan.  Mula sa eastgatepublishing.com.

Monumento ng pagdating ni Rizal sa Dapitan. Monumento para sa sandali ng pagbabago ng kanilang bayan. Mula sa eastgatepublishing.com.

Naramdaman niya, napakalungkot ng dalampasigan, tila madilim ang buong paligid at tanging ang liwanag lamang ng kanilang gasera ang nagbibigay liwanag sa kapaligiran na puro damo!   Sinalubong siya ni Capitan Don Ricardo Carnicero y Sanchez, Comandante Politico-Militar sa lugar, at ang cura paroko, ang Heswitang si Padre Antonio Obach.  Tumira si Rizal sa bahay ni Carnicero at naging matalik silang magkaibigan.  Nang bumili siya ng parang Lucky Pick na numerong 9736 sa loterya kasama si Carnicero at isang pang Espanyol.  Nanalo sila ng ikalawang gantimpala.  Rizal??? Most famous Pinoy lotto winner??? Pwede!!!

Don Ricardo Carnicero.  Nililok ni Jose Rizal.   Mula sa Vibal Publishing, Inc.

Don Ricardo Carnicero. Nililok ni Jose Rizal. Mula sa Vibal Publishing, Inc.

Padre Antonio Obach.  Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Padre Antonio Obach. Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Casa Real, ang bahay ng komandante  ng Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Casa Real, ang bahay ng komandante ng Dapitan. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

At sa kanyang share na Php 6,200.00, binayaran niya ang kanyang mga utang, bumili ng lupa sa tabing dagat sa Dapitan upang magsaka at kung saan din siya magtatatag ng libreng paaralan at klinika para sa mga mahihirap, at ang natira ay ibinigay niya sa pamilya.  Dahil bored siya, sinabi niya marahil, e bakit hindi ko nalang gawing exciting ang bayan na ito.  Gumawa siya ng iba’t ibang hugis ng bahay at sinubukang mag-inhinyero at gumawa ng dam upang umagos ang malinis na tubig mula sa kabundukan patungo sa kanyang lupaing tinawag niyang Talisay.

Talisay, Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Talisay, Dapitan. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Ang kubo ni Rizal sa Dapitan.  Mula sa Rizal:  In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Ang kubo ni Rizal sa Dapitan. Mula sa Rizal: In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Casa Cuadrada.  Mula sa backpackingphilippines.com.

Casa Cuadrada. Mula sa backpackingphilippines.com.

Casa Octagonal

Casa Octagonal

Guhit ni Rizal ng Talisay.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Guhit ni Rizal ng Talisay. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Dam na ginawa ni Rizal sa Dapitan.  Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Dam na ginawa ni Rizal sa Dapitan. Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Nang bisitahin siya ng kanyang paboritong guro sa Ateneo na si Padre Francisco de Paula Sanchez, gumawa sila sa plaza ng isang relief map ng Mindanao upang ituro ang isla sa mga tao.  Magiging inspirasyon ito para sa relief map ng buong bansa na itatayo sa Rizal Park, Luneta.  Kahit kumikita sa kanyang mga pananim, hindi siya nagdamot.  Lumikha siya ng kooperatiba ng mga mangangalakal ng abaka at nag-iwan pa siya ng makinarya mula sa ibang bansa upang magamit nila.  Nangolekta ng mga iba’t ibang species ng mga hayop at insekto na ipinapadala naman niya sa Europa.  At dahil mga bagong tuklas pala niya ang ilan sa mga ito, ipinangalan ang mga ito sa kanya—Draco rizali, isang butiki, Rhacophorus rizali, isang palaka, at Apogonia rizali, isang salagubang.

Padre Francisco de Paula Sanchez, S.J..  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Padre Francisco de Paula Sanchez, S.J.. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Malaking mapa ng Mindanao na nilikha nina Rizal sa plaza ng Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Malaking mapa ng Mindanao na nilikha nina Rizal sa plaza ng Dapitan. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

SI Rizal bilang mangangalakal ng abaka.  Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

SI Rizal bilang mangangalakal ng abaka. Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Ang mga bagong species ng mga hayup na ipinangalan kay Rizal ng mga siyentipiko sa Euro:  Draco rizali, isang butiki, Rhacophorus rizali, isang palaka, at Apogonia rizali, isang salagubang.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Kwento ni Dr. Ambeth Ocampo, sumulat si Rizal sa mga kapatid upang magpadala ng mga lambat, kahit na sila ay nasa tabing dagat, walang marunong mangisda.  Nang dumating ang mga lambat napagtanto niya, hindi rin siya marunong mangisda kaya sumunod na nagpadala na rin si Rizal ng magtuturo sa kanilang mangisda.  Nang iwan niya ang Dapitan patungo sa kanyang kamatayan noong 1896, nag-iiyakan ang mga tao.  Iniwan niya ang Dapitan na mas makulay at maunlad.

Si Xiao Chua at si Dr. Ambeth Ocampo, 29 July 2013, Ayala Museum.

Si Xiao Chua at si Dr. Ambeth Ocampo, 29 July 2013, Ayala Museum.

Dramatisasyon ng pag-lisan ni Rizal sa Dapitan noong 1896 sa pelikulang "Rizal sa Dapitan."  Mula sa "Rizal:  In Excelsis" ng Studio 5 Designs.

Dramatisasyon ng pag-lisan ni Rizal sa Dapitan noong 1896 sa pelikulang “Rizal sa Dapitan.” Mula sa “Rizal: In Excelsis” ng Studio 5 Designs.

Madalas na hindi naituturo sa klase, ang mga taon sa Dapitan ni Rizal ang kung tutuusin pinakaproduktibo at pinakamahalaga, sapagkat lahat ng magagawa niya doon kung nabigyan siya ng pagkakataong maglingkod sa bayan at itatag ang bansa ay nagawa niya doon.  Puwede palang baguhin ng isang tao ang bayan—ng isang one-man NGO!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)