IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: dapitan

XIAO TIME, 7 August 2013: ANG MASALIMUOT NA BUHAY NI JOSEPHINE BRACKEN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Josephine Bracken sa kasuotang Pilipino.  Mula sa Wikipedia.

Si Josephine Bracken sa kasuotang Pilipino. Mula sa Wikipedia.

7 August 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=bSbu8VfKw_4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  137 years ago, August 9, 1876, isinilang si Josephine Leopoldine Bracken sa Victoria Barracks, Hongkong.  Kaakibat ng kanyang papel sa kasaysayan bilang huling pag-ibig ni Gat. Dr. Jose Rizal, heroe nacional ng Pilipinas, ay ang samu’t saring mga ispekulasyon ukol sa kanyang pagkatao.  Na isa siyang ilehitimong anak ng isang kapitan sa Hukbong Briton at isang Tsina, na isa siyang bayarang babae, na ang kanyang ama-amahan na si George Taufer ay nakilala siya sa isang bar, na naiteybol na siya ni Rizal nasa Hongkong pa lamang siya.

Si Rizal.

Si Rizal.

George Taufer

George Taufer

Mga ispekulasyon na mismong mga kilalang mga biographer at mga kaanak mismo ni Rizal ang nagpakalat.  Isang apo ni Josephine Bracken, si Macario Ofilada, ang nagsabi sa kanyang aklat na Errante Golondrina, The Life and Times of Josephine Bracken na inilimbag ng New Day, na isang dokumento ang magpapakita sa atin ng tunay na pinagmulan ni Josephine, ang kanyang baptismal records sa inilista siya na may lahing Anglo-Saxon.

Si Xiao Chua kasama sina Luciano Santiago at Macario Ofilada Mina, Vargas Museum, January 2007

Si Xiao Chua kasama sina Luciano Santiago at Macario Ofilada Mina, Vargas Museum, January 2007

Pabalat ng Errante Golondrina ni Macario Ofilada.

Pabalat ng Errante Golondrina ni Macario Ofilada.

Lumilitaw din ang pangalan ng kanyang ama na si James Bracken na nagpapatunay na lehitimo ang anak.  Hindi na nailista ang pangalan ng nanay sapagkat namatay ito ilang araw matapos isilang si Josephine.  Gayundin, nakalista na bilang saksi sa pagbibinyag ang mag-asawang James at Leopoldine Taufer na siyang aampon kay Josephine.

Baptismal certificate ni Josephine Bracken.

Baptismal certificate ni Josephine Bracken.

Ang calling card ni Jose Rizal bilang optalmologo sa Hongkong.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Ang calling card ni Jose Rizal bilang optalmologo sa Hongkong. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Nang tila nabubulag na ang kanyang ama-amahan, sinamahan niya ito patungo sa Pilipinas para magpagamot sa isang doktor na noong nasa Hongkong pa lamang ay naririnig na nila na nakakapagpagaling ng mga mata.  Noong February 1895, nagkakilala si Rizal at si Josephine at nang mukhang wala nang pag-asa na makakita ang matanda, hinatid na niya ito pabalik ng Hongkong.  Muntik nang pagpakamatay ang matanda sa pamamagitan ng paggilit sa sarili nang malaman na nag-iibigan ang dalawa, 18 taong gulang lamang si Josephine noon at si Rizal ay 33 na.  May mga nagsasabi rin na minomolestiya ni Taufer si Josephine.  Kaya naman hindi siya nagustuhan ng ilan sa mga kapatid ni Rizal.

Josephine Bracken.

Josephine Bracken.

Josephine Bracken.  Mula sa Lolo Jose.

Josephine Bracken. Mula sa Lolo Jose.

Ang lilok ni Rizal sa mukha ni Josephine sa isang kahoy.

Ang lilok ni Rizal sa mukha ni Josephine sa isang kahoy.

Ang lilok ni Rizal kay Josephine habang natutulog.

Ang lilok ni Rizal kay Josephine habang natutulog.

Anuman, natuto ng mga gawaing bahay si Josephine, paglalaba at pagluluto at nakatuwang ni Rizal sa kanyang klinika.  Nagkaroon pa sila ng anak na patay na nang maisilang.  Ngunit natapos ang maliligayang araw niya noong Hulyo 1896, nang magpasya si Rizal na umalis ng Dapitan.  Anuman ang sinasabi ng mga tao sa kaniya, ito ag sigurado tayo, nang barilin si Rizal sa Luneta noong December 30, 1896, sumama si Josephine kay Paciano sa himagsikan sa Cavite, nanggamot ng mga maysakit at nakabaril pa ng isang Espanyol!  At naroon na umaawat ng mga nagbabangayan sa Tejeros Convention.  Naglingkod siya sa Inang Bayan ni dear Joe.

Si Josephine Bracken habang nagsisilbi sa ating himagsikan.  Guhit ni Ronelito Escauriaga para sa Adarna Publishing House, Inc.

Si Josephine Bracken habang nagsisilbi sa ating himagsikan. Guhit ni Ronelito Escauriaga para sa Adarna Publishing House, Inc.

Dedikasyon ni Rizal kay Josephine sa isang aklat na "The Imitations of Christ" ni Thomas Kempis kung saan tinawag niya si Josephine na kanyang "dear and unhappy wife."

Dedikasyon ni Rizal kay Josephine sa isang aklat na “The Imitations of Christ” ni Thomas Kempis kung saan tinawag niya si Josephine na kanyang “dear and unhappy wife.”

Ngunit, nakaalitan ang pamilya Rizal dahil interasado siyang makihati sa mga aklat ni Rizal ngunit hindi niya mapatunayan na kinasal sila sa umaga ng kanyang kamatayan, kaya bumalik siya sa Hongkong, nagpakasal muli sa isang Pilipino na si Vicente Abad, at namatay sa murang edad na 25 noong 1902.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 27 July 2013)

Si Josephine Bracken at si Vicente Abad sa araw ng kanilang kasal.  Mula sa Errante Golondrina.

Si Josephine Bracken at si Vicente Abad sa araw ng kanilang kasal. Mula sa Errante Golondrina.

XIAO TIME, 24 July 2013: ANG PAGKAKATATAG NG LA LIGA FILIPINA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina.  Mula sa Koleksyon ng Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Santiago.

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula sa Koleksyon ng Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Santiago.

23 July 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=L1wHGfrEEvE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  121 years ago, July 3, 1892, sa kanyang pagbabalik mula sa kanyang mga paglalakbay sa ibang bansa, itinatag ng ating Héroe Nacional na si Jose Rizal ang La Liga Filipina.

Unang pahina ng orihinal na manuskrito ng saligang batas ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal sa Hongkong, 1892.

Unang pahina ng orihinal na manuskrito ng saligang batas ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal sa Hongkong, 1892.

Nasa Hongkong pa lamang siya ay sinulat na niya ang saligang batas nito, at naglakbay pa-hilaga ng Maynila noong June 27, 1892 upang subukan ang bagong riles na ginawa ng kanyang karibal, ang asawa ni Leonor Rivera na si Inhinyero Charles Henry Kipping, at upang kausapin ang ilang mga tao sa Malolos, San Fernando at Tarlac.  [Ilan sa kanyang mga kinausap sa Pampanga ay sina Don Cecilio at Tiburcio Hilario.]  Sa pook na ito siya nagpalipas ng gabi sa Tarlac, Tarlac.  Noong siya ay pabalik na, nakausap naman niya sa bapor sa Calumpit, Bulacan ang kaanak namin na si Don Procopio Hilario na sa kalaunan ay magiging kasapi ng Katipunan.

Ang riles at tren mula maynila hanggang Dagupan.

Ang riles at tren mula maynila hanggang Dagupan.

Ang bayan ng Malolos.  Mula sa www.univie.ac.at.

Ang bayan ng Malolos. Mula sa http://www.univie.ac.at.

Ang marker sa pook kung saan natulog si Rizal sa Tarlac noong Hunyo 1892, habang nag-oorganisa para sa pagtatag ng La Liga Filipina.

Ang marker sa pook kung saan natulog si Rizal sa Tarlac noong Hunyo 1892, habang nag-oorganisa para sa pagtatag ng La Liga Filipina.

Gabi ng Linggo, July 3, 1892, tinipon ni Rizal ang ilang makabayan at mason sa bahay ng Mestisong Tsino na si Doreoteo Ongjunco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila.  Kabilang sa pulong ang abogadong si Apolinario Mabini na noon ay tumatayo pa, ang bayaw ni Marcelo del Pilar na si Deodato Arellano, at ang bodegerong si Andres Bonifacio.

Doroteo Ongjunco.  Mula sa Rizal:  In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Doroteo Ongjunco. Mula sa Rizal: In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Ang bahay ni Doroteo Ongjunco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila.  Mula sa Sulyap Kultura.

Ang bahay ni Doroteo Ongjunco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila. Mula sa Sulyap Kultura.

Monumento sa sayt ng pagtatatag ng La Liga Filipina.  Mula kay Austin Craig.

Monumento sa sayt ng pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula kay Austin Craig.

Limbag ng edisyon ngsaligang batas ng La Liga Filipina.

Limbag ng edisyon ng saligang batas ng La Liga Filipina.

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina, mula sa mural sa sulok kung saan binaril si Gat Dr. Jose Rizal sa Parke Rizal. Obra ni Eduardo Castrillo.  Kuha nin Cari Noza.

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina, mula sa mural sa sulok kung saan binaril si Gat Dr. Jose Rizal sa Parke Rizal. Obra ni Eduardo Castrillo. Kuha nin Cari Noza.

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Deodato Arellano.  Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Deodato Arellano. Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Andres Bonifacio.  Mula sa La Ilustracion Espanola y Americana.

Andres Bonifacio. Mula sa La Ilustracion Espanola y Americana.

Matapos ang tatlong araw, inaresto si Rizal, July 6.  At matapos ang ilang araw, July 17, itinapon sa tila ang dulo ng mundo, Dapitan.  Tsk.  Bigo si Pepe.

Pag-aresto kay Rizal sa Malacanang, July 6, 1892.  Guhit ni Ibarra Crisostomo.

Pag-aresto kay Rizal sa Malacanang, July 6, 1892. Guhit ni Ibarra Crisostomo.

Dapitan, mula sa Vibal Foundation.

Dapitan, mula sa Vibal Foundation.

Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation.

Dapitan. Mula sa Vibal Foundation.

Sabi ng karamihan sa mga naunang historyador, si Rizal ay hindi para sa paghihiwalay ng Pilipinas mula sa Espanya dahil ang layunin ng Kilusang Propaganda ay reporma lamang.  Kung gayon, bakit siya National Hero kung di naman siya para sa nation???  Kaloka!  Tsaka wala namang ginawa si Rizal kundi sumulat ng sumulat.

Espana y Filipinas.  Obra maestra ni Juan Luna.

Espana y Filipinas. Obra maestra ni Juan Luna.

Ngunit ayon kay Floro Quibuyen sa kanyang aklat na A Nation Aborted, makikita na nais magtatag ng nagsasariling bansa si Rizal sa unang punto ng kanyang saligang batas:  “Magkaisa ang buong kapuluan upang maging isang katawan.”  Malamang, hindi ito samahan na magtatag ng isa pang samahan.  Ang isang katawan na bubuuuin dito siyempre ay ang bansa!  Anong klaseng bansa?  Ayon na rin sa saligang batas ng Liga, magbibigay “proteksyon mula sa lahat ng pangangailangan, pagtatanggol laban sa karahasanan at kawalan ng katarungan, pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura, at pangangalakal, at pag-aaral at pagsasagawa ng mga reporma.”

Pabalat ng A Nation Aborted:  Rizal, American hegemony and Philippine Nationalism ni Floro Quibuyen.  Mula sa Ateneo Press

Pabalat ng A Nation Aborted: Rizal, American hegemony and Philippine Nationalism ni Floro Quibuyen. Mula sa Ateneo Press

Si Xiao Chua nang unang personal na makilala si Dr. Floro Quibuyen sa Faculty Center ng UP Diliman, 2005.

Si Xiao Chua nang unang personal na makilala si Dr. Floro Quibuyen sa Faculty Center ng UP Diliman, 2005.

Ang mga layunin ng La Liga Filipina.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Ang mga layunin ng La Liga Filipina. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Pansinin, para kay Rizal ang pagkabansa ay nagsisimula sa grassroots.  Nagsisimula ang pagkabansa sa bawat mabuting gawa sa kapwa, pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat isang Pilipino.  Inugat ni Quibuyen ang konsepto ng bansa ni Rizal sa mga isinulat ng Alemang pilosopo na si Johann Gottfried von Herder:  Ang pagiging bahagi ng bansa ay hindi batay sa dugo kundi sa isang damdaming kultural at moral ng mga nakapaloob dito.

Johann Gottfried Herder.  Mula sa counter-currents.com.

Johann Gottfried von Herder. Mula sa counter-currents.com.

Sa Liga naipakita ni Rizal na hindi lamang siya puro sulat, nais niyang isakatuparan ang nais niyang bansa.  Naudlot man, ipinagpatuloy ng Liga member na si Bonifacio ang laban para sa pagkakaisa at pagkakapantay-pantay tulad ng sinasabi ng motto ng Liga, “Unus  instar  ómnium”—Ang isa ay tulad ng lahat.  Sa pagbubuo ng bansang maginhawa, mahalaga ka kabayani.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 17 July 2013: ANG PANINIRAHAN NI DR. JOSE RIZAL SA DAPITAN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Albert Martinez bilang si Jose Rizal, at si Amanda Page bilang si Josephine Bracken.  Stills  mula sa pelikulang "Rizal sa Dapitan."

Si Albert Martinez bilang si Jose Rizal, at si Amanda Page bilang si Josephine Bracken. Stills mula sa pelikulang “Rizal sa Dapitan.”

17 July 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=N-Df0oGj_Vw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  121 years ago, July 17, 1892.  Alas siyete ng gabi.  Sakay ng bapor Cebu, dumating si Rizal sa isla ng Dapitan, Zamboanga del Norte.

Isang lumang larawan ng Dapitan.  Mula sa traveljunkiemanila.blogspot.com.

Isang lumang larawan ng Dapitan. Mula sa traveljunkiemanila.blogspot.com.

Monumento ng pagdating ni Rizal sa Dapitan.  Monumento para sa sandali ng pagbabago ng kanilang bayan.  Mula sa eastgatepublishing.com.

Monumento ng pagdating ni Rizal sa Dapitan. Monumento para sa sandali ng pagbabago ng kanilang bayan. Mula sa eastgatepublishing.com.

Naramdaman niya, napakalungkot ng dalampasigan, tila madilim ang buong paligid at tanging ang liwanag lamang ng kanilang gasera ang nagbibigay liwanag sa kapaligiran na puro damo!   Sinalubong siya ni Capitan Don Ricardo Carnicero y Sanchez, Comandante Politico-Militar sa lugar, at ang cura paroko, ang Heswitang si Padre Antonio Obach.  Tumira si Rizal sa bahay ni Carnicero at naging matalik silang magkaibigan.  Nang bumili siya ng parang Lucky Pick na numerong 9736 sa loterya kasama si Carnicero at isang pang Espanyol.  Nanalo sila ng ikalawang gantimpala.  Rizal??? Most famous Pinoy lotto winner??? Pwede!!!

Don Ricardo Carnicero.  Nililok ni Jose Rizal.   Mula sa Vibal Publishing, Inc.

Don Ricardo Carnicero. Nililok ni Jose Rizal. Mula sa Vibal Publishing, Inc.

Padre Antonio Obach.  Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Padre Antonio Obach. Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Casa Real, ang bahay ng komandante  ng Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Casa Real, ang bahay ng komandante ng Dapitan. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

At sa kanyang share na Php 6,200.00, binayaran niya ang kanyang mga utang, bumili ng lupa sa tabing dagat sa Dapitan upang magsaka at kung saan din siya magtatatag ng libreng paaralan at klinika para sa mga mahihirap, at ang natira ay ibinigay niya sa pamilya.  Dahil bored siya, sinabi niya marahil, e bakit hindi ko nalang gawing exciting ang bayan na ito.  Gumawa siya ng iba’t ibang hugis ng bahay at sinubukang mag-inhinyero at gumawa ng dam upang umagos ang malinis na tubig mula sa kabundukan patungo sa kanyang lupaing tinawag niyang Talisay.

Talisay, Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Talisay, Dapitan. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Ang kubo ni Rizal sa Dapitan.  Mula sa Rizal:  In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Ang kubo ni Rizal sa Dapitan. Mula sa Rizal: In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Casa Cuadrada.  Mula sa backpackingphilippines.com.

Casa Cuadrada. Mula sa backpackingphilippines.com.

Casa Octagonal

Casa Octagonal

Guhit ni Rizal ng Talisay.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Guhit ni Rizal ng Talisay. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Dam na ginawa ni Rizal sa Dapitan.  Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Dam na ginawa ni Rizal sa Dapitan. Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Nang bisitahin siya ng kanyang paboritong guro sa Ateneo na si Padre Francisco de Paula Sanchez, gumawa sila sa plaza ng isang relief map ng Mindanao upang ituro ang isla sa mga tao.  Magiging inspirasyon ito para sa relief map ng buong bansa na itatayo sa Rizal Park, Luneta.  Kahit kumikita sa kanyang mga pananim, hindi siya nagdamot.  Lumikha siya ng kooperatiba ng mga mangangalakal ng abaka at nag-iwan pa siya ng makinarya mula sa ibang bansa upang magamit nila.  Nangolekta ng mga iba’t ibang species ng mga hayop at insekto na ipinapadala naman niya sa Europa.  At dahil mga bagong tuklas pala niya ang ilan sa mga ito, ipinangalan ang mga ito sa kanya—Draco rizali, isang butiki, Rhacophorus rizali, isang palaka, at Apogonia rizali, isang salagubang.

Padre Francisco de Paula Sanchez, S.J..  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Padre Francisco de Paula Sanchez, S.J.. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Malaking mapa ng Mindanao na nilikha nina Rizal sa plaza ng Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Malaking mapa ng Mindanao na nilikha nina Rizal sa plaza ng Dapitan. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

SI Rizal bilang mangangalakal ng abaka.  Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

SI Rizal bilang mangangalakal ng abaka. Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Ang mga bagong species ng mga hayup na ipinangalan kay Rizal ng mga siyentipiko sa Euro:  Draco rizali, isang butiki, Rhacophorus rizali, isang palaka, at Apogonia rizali, isang salagubang.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Kwento ni Dr. Ambeth Ocampo, sumulat si Rizal sa mga kapatid upang magpadala ng mga lambat, kahit na sila ay nasa tabing dagat, walang marunong mangisda.  Nang dumating ang mga lambat napagtanto niya, hindi rin siya marunong mangisda kaya sumunod na nagpadala na rin si Rizal ng magtuturo sa kanilang mangisda.  Nang iwan niya ang Dapitan patungo sa kanyang kamatayan noong 1896, nag-iiyakan ang mga tao.  Iniwan niya ang Dapitan na mas makulay at maunlad.

Si Xiao Chua at si Dr. Ambeth Ocampo, 29 July 2013, Ayala Museum.

Si Xiao Chua at si Dr. Ambeth Ocampo, 29 July 2013, Ayala Museum.

Dramatisasyon ng pag-lisan ni Rizal sa Dapitan noong 1896 sa pelikulang "Rizal sa Dapitan."  Mula sa "Rizal:  In Excelsis" ng Studio 5 Designs.

Dramatisasyon ng pag-lisan ni Rizal sa Dapitan noong 1896 sa pelikulang “Rizal sa Dapitan.” Mula sa “Rizal: In Excelsis” ng Studio 5 Designs.

Madalas na hindi naituturo sa klase, ang mga taon sa Dapitan ni Rizal ang kung tutuusin pinakaproduktibo at pinakamahalaga, sapagkat lahat ng magagawa niya doon kung nabigyan siya ng pagkakataong maglingkod sa bayan at itatag ang bansa ay nagawa niya doon.  Puwede palang baguhin ng isang tao ang bayan—ng isang one-man NGO!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)

XIAO TIME, 9 July 2013: ANG PAGKAKATATAG NG KATIPUNAN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pagtatatag ng Katipunan.  Mula sa Adarna.

Ang pagtatatag ng Katipunan. Mula sa Adarna.

9 July 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=0sdLq5P1MNY

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  Tatlong araw matapos na itatag ni Jose Rizal ang La Liga Filipina, inaresto siya ng mga Espanyol, 121 years ago, July 6, 1892.

Pagtatatag ng La Liga Filipina.  Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Kinabukasan, July 7, kumalat ang malungkot na balita sa Maynila.  Narinig ito ng mga kasapi ng Liga na sina Andres Bonifacio at Deodato Arellano.  At matapos ang sandaling pagiisip-isip, ay dali-dali nilang tinawag ang kanilang mga kaibigan, kabilang na sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata, Valentin Diaz, Jose Dizon, at Briccio Pantas sa bahay paupahan ni Arellano, sa 72 Azcarraga Street, ngayon ay Claro M. Recto malapit sa Elcano Street.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Jim Richardson.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Jim Richardson.

Deodato Arellano.  Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Deodato Arellano. Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Ladislao Diwa

Ladislao Diwa

Nasa gitna si Valentin Diaz.  Mula sa alaala ni Artemio Ricarte.

Nasa gitna si Valentin Diaz. Mula sa alaala ni Artemio Ricarte.

Jose Dizon.  Mula kay Jim Richardson.

Jose Dizon. Mula kay Jim Richardson.

Briccio Pantas.  Mula kay Jim Richardson.

Briccio Pantas. Mula kay Jim Richardson.

72 Azcarraga Street kanto ng Elcano.  Mula kay Dr. Vic Torres.

72 Azcarraga Street kanto ng Elcano. Mula kay Dr. Vic Torres.

Lumang itsura ng marker sa Kalye Recto kanto ng Elcano.  Mula kay Isagani Medina.

Lumang itsura ng marker sa Kalye Recto kanto ng Elcano. Mula kay Isagani Medina.

Bagong monumento ng pagtatatag ng Katipunan sa Kalye Recto kanto ng Elcano.  Mula kay Cari Noza.

Bagong monumento ng pagtatatag ng Katipunan sa Kalye Recto kanto ng Elcano. Mula kay Cari Noza.

Hindi nalimutan ng mga taong naroon ang diwa ng sinabi ni Andres Bonifacio sa lihim na pulong na iyon, “Mga Kapatid:  Tayo’y di mga pantas, kaya hindi mariringgal na talumpati at di maririkit na sulat ang ating idaraos; sa gawa natin daanin: ang katubusa’y hindi nakukuha sa salita o sa sulat; kinakamtan [ito] sa pagsasabog ng dugo.  Talastas na ninyo ang kalupitang ginawa sa ating kapatid na si Dr. Rizal, iya’y maliwanag na halimbawang nagpapakilala sa ating di tayo makaliligtas sa kaalipnan kung di daraanin sa pakikibaka.  Sucat na ang pagpapakababa!  Sukat na na ang pangganggatuwiran! Nangatuwiran si Rizal [ngunit siya] ay hinuli pagkatapos na mapag-usig ang mga magulang, kapatid, kinamag-anakan at kakampi!  Sucat na!  Papagsalitain natin naman ang sandata!  Na tayo’y pag-uusigin, mabibilanggo, ipatatapon, papatayin?  Hindi dapat nating ipanglumo ang lahat ng ito, mabuti pa nga ang tayo’y mamatay kaysa manatili sa pagkabusabos.  At ng maganap natin ang dakilang kadahilanan ng pagpupulong nating ito’y ating maitayo ang isang malakas, matibay at makapangyarihang katipunan ng mga anak ng Bayan.  Mabuhay ang Pilipinas!!!”  At sa liwanag ng lampara, ayon sa ulat, sila ay nagsipagsandugo tulad ng mga ninunong datu natin sa tuwing itatatag ang mga bayan at ang kanilang kapatiran, sinasabing sila ay magkakapatid sa Inang Bayan.  Isinulat nila bilang panata ang kanilang mga pangalan gamit ang kanilang sariling dugo.

Pakikipagsandugo sa Katipunan.  Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pakikipagsandugo sa Katipunan. Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pakikipagsandugo sa Katipunan.  Mula sa mural na "History of Manila" ni Carlos "Botong" Francisco.  Nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Maynila.

Pakikipagsandugo sa Katipunan. Mula sa mural na “History of Manila” ni Carlos “Botong” Francisco. Nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Maynila.

Pinakamaagang nahanap na dokumento ng Katipunan na nakasulat sa Katipunan Code, 1892.   May mga pirma nina Andres Bonifacio.  Mula sa Sulyap Kultura.

Pinakamaagang nahanap na dokumento ng Katipunan na nakasulat sa Katipunan Code, 1892. May mga pirma nina Andres Bonifacio. Mula sa Sulyap Kultura.

At doon naisilang ang Kataastaasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.  Ang Katipunan ay mula sa salitang tipon, kaya ang kahulugan nito ay asosasyon, o Liga.  Kaya ayon kay Padre Schumacher, ipinapagpapatuloy ni Bonifacio ang diwa ng sinimulan ni Rizal, ang pagtutulungan at pagsisimula ng pagkabansa sa grassroots, sapagkat sa isang sulat ni Dr. Ariston Bautista Lin kay Rizal, tinukoy niya ang Ligang bilang “katipunan,” ngunit nalalayo din kay Rizal dahil kumbaga tulad ng sinabi ni Fernando Poe, Jr. “Kapag puno na ang salop, kailangan nang kalusin.”  Ngunit hindi lamang itinuturo sa Katipunan ang katapangan at pagiging marahas sa kalaban, kundi ang mabuting kalooban, pagmamahalan, puri at kabanalan.

Orihinal na limbag na sipi ng Kartilya ng Katipunan mula sa koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Orihinal na limbag na sipi ng Kartilya ng Katipunan mula sa koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Ayon nga kay Bonifacio, “Sa kalamigan ng loob, katiyagaan, katuwiran at pag-asa sa ano mang gagawin nagbubuhat ang ikagaganap ng mabuting ninanais.”  Kaya naman, gumawa sila ng gumawa ng walang imik hanggang hindi naglaon, naging libo-libo ang kasapi ng kapatirang unang naggalaw ng isang pambansang paghihimagsik sa Timog Silangang Asya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 29 June 2013)

XIAO TIME, 4 April 2013: PAPEL NI PIO VALENZUELA SA KATIPUNAN

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Dr. Pio Valenzuela

Dr. Pio Valenzuela

4 April 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=ZrGe8PZX2TU

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  57 years ago sa Sabado, April 6, 1956, sumakabilang-buhay si Pio Valenzuela.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Kamakailan lamang, isang maikling malayang pelikula ang isinulat ng curator ng Museo Valenzuela na si Jonathan Balsamo at dinirehe ni John Matthew Baguinon, Pio Valenzuela: Bayani ng Bayan, Inspirasyon ng Kabataan.

John Matthew Baguinon.  Mula sa kanyang peysbuk.

John Matthew Baguinon. Mula sa kanyang peysbuk.

Prop. Jonathan Capulas Balsamo, Curator ng Museo Valenzuela, habang pinaparangalan ng Supreme Commander ng International Order of the Knight of Rizal Sir Reghis Romero, KGCR noong Pebrero 2013 sa Lungsod ng Baguio para sa kanyang paglilingkod sa kapatiran sa unang taon pa lamang niya bilang kasapi.

Museo Valenzuela, halina't bisitahin lalo't ika-150 kaarawan ng kaibigan niyang si Andres Bonifacio, malapit lamang sa Simbahan ng Valenzuela.

Museo Valenzuela, halina’t bisitahin lalo’t ika-150 kaarawan ng kaibigan niyang si Andres Bonifacio, malapit lamang sa Simbahan ng Valenzuela.

05 Pio Valenzuela Bayani ng Bayan, Inspirasyon ng Kabataan

Nagsisimula ang pelikula sa nakakatuwang eksena ng mga batang estudyanteng taga-Valenzuela na tinanong kung kilala ba nila si Pio Valenzuela at kung ano nagawa niya.  Natapos ang eksena na nagbabalyahan ang mga bata dahil walang maisagot.

07 Natapos ang eksena na nagbabalyahan ang mga bata dahil walang maisagot

Hindi kilala ng mga kabataan, sa mga aklat din maraming kontrobersya ang mababasa ukol kay Pio.  Liwanagin natin.  Isinilang si Pio sa Polo, Bulacan, ngayo’y Lungsod ng Valenzuela, noong July 11, 1869.  Estudyante siya ng medisina sa UST at 23 years old lamang nang noong Hulyo 1892, sumapi siya sa kakatatag pa lamang na Katipunan ni Andres Bonifacio.

Pook Sinilangan ni Pio Valenzuela.

Pook Sinilangan ni Pio Valenzuela.

Ang rekord ni Pio Valenzuela bilang estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Ang rekord ni Pio Valenzuela bilang estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Si Pio Valenzuela bilang manggagamot ng Katipunan.  Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Si Pio Valenzuela bilang manggagamot ng Katipunan. Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Hindi pa siya doktor noon, ginawa na siyang manggagamot ng Katipunan.  Naging bahagi ng camara secreta o ang tatlong pinakamataas na pinuno ng Katipunan hindi naglaon, si Bonifacio, Emilio Jacinto at si Pio.  Siya ang nagmungkahi na magkaroon ng dyaryo ang Katipunan, ang Kalayaan na nakasulat sa Wikang Tagalog.  Mula 300 kasapi, lomobo ang kasapian sa 30,000 kasapi dahil sa dyaryo.

Monumento ng Camara Negra o Camara Secreta:  Jacinto, Bonifacio at Valenzuela, gawa ni Napoleon V. Abueva

Monumento ng Camara Negra o Camara Secreta: Jacinto, Bonifacio at Valenzuela, gawa ni Napoleon V. Abueva.  Kuha ni Cari Noza.

Si Valenzuela bilang tagapaglathala ng Kaayaan kasama ang editor nito na si Emilio Jacinto.  Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Si Valenzuela bilang tagapaglathala ng Kaayaan kasama ang editor nito na si Emilio Jacinto. Nakasabit sa Museo Valenzuela.

Dahil edukado at doktor, siya ang pinagkatiwalaan ng Katipunan na kumausap sa kapwa niya doktor na si José Rizal na nakatapon noon sa Dapitan.  Tumanggi si Rizal sa alok na maging pangulong pandangal ng lihim na samahan ngunit nagpayo na mag-armas muna at hingin ang tulong ng mga mayayaman bago mag-alsa.

Dr. Pio Valenzuela

Dr. Pio Valenzuela

Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Pagputok ng himagsikan noong August 1896, sumuko si Pio Valenzuela sa mga Espanyol kaya naman pinagdudahan ang kanyang pagkabayani.  Ayon naman sa kanya, naramdaman niyang sinusundan na siya ng mga guardia civil at alam niyang kung hindi siya susuko at makipagkita pa rin sa mga kasama, maaaring mahuli rin ang mga ito.

Si Dr. Pio Valenzuela (may hawak na sumbrero) na inilalarawan na kasama sa Unang Sigaw ng Himagsikan sa Caloocan (Balintawak), Agosto 1896.

Si Dr. Pio Valenzuela (may hawak na sumbrero) na inilalarawan na kasama sa Unang Sigaw ng Himagsikan sa Caloocan (Balintawak), Agosto 1896.  Mula sa Tragedy of the Revolution.

Si Valenzuela habang sinusundan ng mga guardia civil sa pagputok ng himagsikan.  Isang diorama na nasa Museo Valenzuela.

Si Valenzuela habang sinusundan ng mga guardia civil sa pagputok ng himagsikan. Isang diorama na nasa Museo Valenzuela.

Habang nakapreso, ginawa siyang saksi laban kay Dr. Rizal at kanyang isinalaysay sa mga Espanyol na tutol na tutol ang national hero sa rebolusyon.  Nalito ang mga historyador, ano ba talaga koya?  Was Rizal for or against the revolution???  Ayon kay Floro Quibuyen, makikita na nais talagang iligtas ni Valenzuela si Rizal sa parusang kamatayan dahil sinabi niyang hindi nagpayo kundi kinondena ni Rizal ang himagsikan.  Tatlong taong ipinatapon sa Espanya si Pio, at sa kanyang pagbalik, ikinulong ulit ng mga bagong mananakop na mga Amerikano dahil alam nilang maghihimagsik ang taong ito sa kanila.  Nang ihalal na capitan municipal ng bayang sinilangan ng kanyang mga kababayan, napilitan na pakawalan si Pio upang manungkulan.

Ang portrait ni Pio Valenzuela bilang punongbayan ng Pulo.

Ang portrait ni Pio Valenzuela bilang punongbayan ng Polo.

Si Dr. Pio Valenzuela sa kanyang tanggapan bilang gobernador ng Bulacan.

Si Dr. Pio Valenzuela sa kanyang tanggapan bilang gobernador ng Bulacan.

Dalawang beses din siyang naging Gobernador ng Bulacan.  Kilalang matapat, imbes na yumaman sa pwesto, nagbenta pa ng kanyang mga lupa at tumangging magpasuhol sa mga maghu-jueteng.  Naging matatag laban sa katiwalian.  Namatay siya noong 1956 sa gulang na 87.

Matandang Don Pio.

Matandang Don Pio.

Mas matandang Don Pio at ang kanyang maybahay.

Mas matandang Don Pio at ang kanyang maybahay.

Mas matanda pang Don Pio sa mga huling taon ng kanyang buhay.

Mas matanda pang Don Pio sa mga huling taon ng kanyang buhay.

33 Namatay siya noong 1956 sa gulang na 87 q 34 Inilibing siyang bayani ng mga taga-Polo

Ang paglibing ng bayan sa isang bayani.  Mga dyaryo at larawan mula sa Koleksyon ng Museo Valenzuela.

Ang paglibing ng bayan sa isang bayani. Mga dyaryo at larawan mula sa Koleksyon ng Museo Valenzuela.

Si Don Pio sa selyo ng Pilipinas.

Si Don Pio sa selyo ng Pilipinas.

Inilibing siyang bayani ng mga taga-Polo.  Ngayong halalan, sana maghalal tayo ng mga taong katulad ni Pio Valenzuela na may pusong bayani at para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 March 2013)