XIAO TIME, 7 August 2013: ANG MASALIMUOT NA BUHAY NI JOSEPHINE BRACKEN

by xiaochua

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Josephine Bracken sa kasuotang Pilipino.  Mula sa Wikipedia.

Si Josephine Bracken sa kasuotang Pilipino. Mula sa Wikipedia.

7 August 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=bSbu8VfKw_4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  137 years ago, August 9, 1876, isinilang si Josephine Leopoldine Bracken sa Victoria Barracks, Hongkong.  Kaakibat ng kanyang papel sa kasaysayan bilang huling pag-ibig ni Gat. Dr. Jose Rizal, heroe nacional ng Pilipinas, ay ang samu’t saring mga ispekulasyon ukol sa kanyang pagkatao.  Na isa siyang ilehitimong anak ng isang kapitan sa Hukbong Briton at isang Tsina, na isa siyang bayarang babae, na ang kanyang ama-amahan na si George Taufer ay nakilala siya sa isang bar, na naiteybol na siya ni Rizal nasa Hongkong pa lamang siya.

Si Rizal.

Si Rizal.

George Taufer

George Taufer

Mga ispekulasyon na mismong mga kilalang mga biographer at mga kaanak mismo ni Rizal ang nagpakalat.  Isang apo ni Josephine Bracken, si Macario Ofilada, ang nagsabi sa kanyang aklat na Errante Golondrina, The Life and Times of Josephine Bracken na inilimbag ng New Day, na isang dokumento ang magpapakita sa atin ng tunay na pinagmulan ni Josephine, ang kanyang baptismal records sa inilista siya na may lahing Anglo-Saxon.

Si Xiao Chua kasama sina Luciano Santiago at Macario Ofilada Mina, Vargas Museum, January 2007

Si Xiao Chua kasama sina Luciano Santiago at Macario Ofilada Mina, Vargas Museum, January 2007

Pabalat ng Errante Golondrina ni Macario Ofilada.

Pabalat ng Errante Golondrina ni Macario Ofilada.

Lumilitaw din ang pangalan ng kanyang ama na si James Bracken na nagpapatunay na lehitimo ang anak.  Hindi na nailista ang pangalan ng nanay sapagkat namatay ito ilang araw matapos isilang si Josephine.  Gayundin, nakalista na bilang saksi sa pagbibinyag ang mag-asawang James at Leopoldine Taufer na siyang aampon kay Josephine.

Baptismal certificate ni Josephine Bracken.

Baptismal certificate ni Josephine Bracken.

Ang calling card ni Jose Rizal bilang optalmologo sa Hongkong.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Ang calling card ni Jose Rizal bilang optalmologo sa Hongkong. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Nang tila nabubulag na ang kanyang ama-amahan, sinamahan niya ito patungo sa Pilipinas para magpagamot sa isang doktor na noong nasa Hongkong pa lamang ay naririnig na nila na nakakapagpagaling ng mga mata.  Noong February 1895, nagkakilala si Rizal at si Josephine at nang mukhang wala nang pag-asa na makakita ang matanda, hinatid na niya ito pabalik ng Hongkong.  Muntik nang pagpakamatay ang matanda sa pamamagitan ng paggilit sa sarili nang malaman na nag-iibigan ang dalawa, 18 taong gulang lamang si Josephine noon at si Rizal ay 33 na.  May mga nagsasabi rin na minomolestiya ni Taufer si Josephine.  Kaya naman hindi siya nagustuhan ng ilan sa mga kapatid ni Rizal.

Josephine Bracken.

Josephine Bracken.

Josephine Bracken.  Mula sa Lolo Jose.

Josephine Bracken. Mula sa Lolo Jose.

Ang lilok ni Rizal sa mukha ni Josephine sa isang kahoy.

Ang lilok ni Rizal sa mukha ni Josephine sa isang kahoy.

Ang lilok ni Rizal kay Josephine habang natutulog.

Ang lilok ni Rizal kay Josephine habang natutulog.

Anuman, natuto ng mga gawaing bahay si Josephine, paglalaba at pagluluto at nakatuwang ni Rizal sa kanyang klinika.  Nagkaroon pa sila ng anak na patay na nang maisilang.  Ngunit natapos ang maliligayang araw niya noong Hulyo 1896, nang magpasya si Rizal na umalis ng Dapitan.  Anuman ang sinasabi ng mga tao sa kaniya, ito ag sigurado tayo, nang barilin si Rizal sa Luneta noong December 30, 1896, sumama si Josephine kay Paciano sa himagsikan sa Cavite, nanggamot ng mga maysakit at nakabaril pa ng isang Espanyol!  At naroon na umaawat ng mga nagbabangayan sa Tejeros Convention.  Naglingkod siya sa Inang Bayan ni dear Joe.

Si Josephine Bracken habang nagsisilbi sa ating himagsikan.  Guhit ni Ronelito Escauriaga para sa Adarna Publishing House, Inc.

Si Josephine Bracken habang nagsisilbi sa ating himagsikan. Guhit ni Ronelito Escauriaga para sa Adarna Publishing House, Inc.

Dedikasyon ni Rizal kay Josephine sa isang aklat na "The Imitations of Christ" ni Thomas Kempis kung saan tinawag niya si Josephine na kanyang "dear and unhappy wife."

Dedikasyon ni Rizal kay Josephine sa isang aklat na “The Imitations of Christ” ni Thomas Kempis kung saan tinawag niya si Josephine na kanyang “dear and unhappy wife.”

Ngunit, nakaalitan ang pamilya Rizal dahil interasado siyang makihati sa mga aklat ni Rizal ngunit hindi niya mapatunayan na kinasal sila sa umaga ng kanyang kamatayan, kaya bumalik siya sa Hongkong, nagpakasal muli sa isang Pilipino na si Vicente Abad, at namatay sa murang edad na 25 noong 1902.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 27 July 2013)

Si Josephine Bracken at si Vicente Abad sa araw ng kanilang kasal.  Mula sa Errante Golondrina.

Si Josephine Bracken at si Vicente Abad sa araw ng kanilang kasal. Mula sa Errante Golondrina.