IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: paciano

XIAO TIME, 7 August 2013: ANG MASALIMUOT NA BUHAY NI JOSEPHINE BRACKEN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Josephine Bracken sa kasuotang Pilipino.  Mula sa Wikipedia.

Si Josephine Bracken sa kasuotang Pilipino. Mula sa Wikipedia.

7 August 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=bSbu8VfKw_4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  137 years ago, August 9, 1876, isinilang si Josephine Leopoldine Bracken sa Victoria Barracks, Hongkong.  Kaakibat ng kanyang papel sa kasaysayan bilang huling pag-ibig ni Gat. Dr. Jose Rizal, heroe nacional ng Pilipinas, ay ang samu’t saring mga ispekulasyon ukol sa kanyang pagkatao.  Na isa siyang ilehitimong anak ng isang kapitan sa Hukbong Briton at isang Tsina, na isa siyang bayarang babae, na ang kanyang ama-amahan na si George Taufer ay nakilala siya sa isang bar, na naiteybol na siya ni Rizal nasa Hongkong pa lamang siya.

Si Rizal.

Si Rizal.

George Taufer

George Taufer

Mga ispekulasyon na mismong mga kilalang mga biographer at mga kaanak mismo ni Rizal ang nagpakalat.  Isang apo ni Josephine Bracken, si Macario Ofilada, ang nagsabi sa kanyang aklat na Errante Golondrina, The Life and Times of Josephine Bracken na inilimbag ng New Day, na isang dokumento ang magpapakita sa atin ng tunay na pinagmulan ni Josephine, ang kanyang baptismal records sa inilista siya na may lahing Anglo-Saxon.

Si Xiao Chua kasama sina Luciano Santiago at Macario Ofilada Mina, Vargas Museum, January 2007

Si Xiao Chua kasama sina Luciano Santiago at Macario Ofilada Mina, Vargas Museum, January 2007

Pabalat ng Errante Golondrina ni Macario Ofilada.

Pabalat ng Errante Golondrina ni Macario Ofilada.

Lumilitaw din ang pangalan ng kanyang ama na si James Bracken na nagpapatunay na lehitimo ang anak.  Hindi na nailista ang pangalan ng nanay sapagkat namatay ito ilang araw matapos isilang si Josephine.  Gayundin, nakalista na bilang saksi sa pagbibinyag ang mag-asawang James at Leopoldine Taufer na siyang aampon kay Josephine.

Baptismal certificate ni Josephine Bracken.

Baptismal certificate ni Josephine Bracken.

Ang calling card ni Jose Rizal bilang optalmologo sa Hongkong.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Ang calling card ni Jose Rizal bilang optalmologo sa Hongkong. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Nang tila nabubulag na ang kanyang ama-amahan, sinamahan niya ito patungo sa Pilipinas para magpagamot sa isang doktor na noong nasa Hongkong pa lamang ay naririnig na nila na nakakapagpagaling ng mga mata.  Noong February 1895, nagkakilala si Rizal at si Josephine at nang mukhang wala nang pag-asa na makakita ang matanda, hinatid na niya ito pabalik ng Hongkong.  Muntik nang pagpakamatay ang matanda sa pamamagitan ng paggilit sa sarili nang malaman na nag-iibigan ang dalawa, 18 taong gulang lamang si Josephine noon at si Rizal ay 33 na.  May mga nagsasabi rin na minomolestiya ni Taufer si Josephine.  Kaya naman hindi siya nagustuhan ng ilan sa mga kapatid ni Rizal.

Josephine Bracken.

Josephine Bracken.

Josephine Bracken.  Mula sa Lolo Jose.

Josephine Bracken. Mula sa Lolo Jose.

Ang lilok ni Rizal sa mukha ni Josephine sa isang kahoy.

Ang lilok ni Rizal sa mukha ni Josephine sa isang kahoy.

Ang lilok ni Rizal kay Josephine habang natutulog.

Ang lilok ni Rizal kay Josephine habang natutulog.

Anuman, natuto ng mga gawaing bahay si Josephine, paglalaba at pagluluto at nakatuwang ni Rizal sa kanyang klinika.  Nagkaroon pa sila ng anak na patay na nang maisilang.  Ngunit natapos ang maliligayang araw niya noong Hulyo 1896, nang magpasya si Rizal na umalis ng Dapitan.  Anuman ang sinasabi ng mga tao sa kaniya, ito ag sigurado tayo, nang barilin si Rizal sa Luneta noong December 30, 1896, sumama si Josephine kay Paciano sa himagsikan sa Cavite, nanggamot ng mga maysakit at nakabaril pa ng isang Espanyol!  At naroon na umaawat ng mga nagbabangayan sa Tejeros Convention.  Naglingkod siya sa Inang Bayan ni dear Joe.

Si Josephine Bracken habang nagsisilbi sa ating himagsikan.  Guhit ni Ronelito Escauriaga para sa Adarna Publishing House, Inc.

Si Josephine Bracken habang nagsisilbi sa ating himagsikan. Guhit ni Ronelito Escauriaga para sa Adarna Publishing House, Inc.

Dedikasyon ni Rizal kay Josephine sa isang aklat na "The Imitations of Christ" ni Thomas Kempis kung saan tinawag niya si Josephine na kanyang "dear and unhappy wife."

Dedikasyon ni Rizal kay Josephine sa isang aklat na “The Imitations of Christ” ni Thomas Kempis kung saan tinawag niya si Josephine na kanyang “dear and unhappy wife.”

Ngunit, nakaalitan ang pamilya Rizal dahil interasado siyang makihati sa mga aklat ni Rizal ngunit hindi niya mapatunayan na kinasal sila sa umaga ng kanyang kamatayan, kaya bumalik siya sa Hongkong, nagpakasal muli sa isang Pilipino na si Vicente Abad, at namatay sa murang edad na 25 noong 1902.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 27 July 2013)

Si Josephine Bracken at si Vicente Abad sa araw ng kanilang kasal.  Mula sa Errante Golondrina.

Si Josephine Bracken at si Vicente Abad sa araw ng kanilang kasal. Mula sa Errante Golondrina.

XIAO TIME, 19 June 2013: ANG MAKULAY AT MAKASAYSAYANG KABATAAN NI JOSE RIZAL

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang unang larawan ni Rizal sa kanyang uniporme sa Ateneo de Manila.  Mula sa Vibal Foundation.

Ang unang larawan ni Rizal sa kanyang uniporme sa Ateneo de Manila. Mula sa Vibal Foundation.

19 June 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=ax58JI1OBoM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  152 years ago, June 19, 1861, isinilang ang ating Heroe Nacional na si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, Pepe Rizal, sa Calamba, Laguna, sa pagitan ng alas onse at alas dose ng gabi.

Ang pamilya Rizal.  Likhang-sining ni Benedicto Cabrera mula sa Indio Bravo.

Ang pamilya Rizal. Likhang-sining ni Benedicto Cabrera mula sa Indio Bravo.

Kahit pampito na sa labing-isang magkakapatid mula kina Francisco Rizal Mercado at Teodora Alonso, lubos na nahirapan ang ina sapagkat bagama’t maliit ang bata, napakalaki ng kanyang ulo.  Isa silang maykayang pamilyang negosyante at magsasaka na nangungupahan sa Hacienda ng mga prayleng Dominikano.  Makikita ang katayuan nila sa buhay sa itsura pa lamang ng kanilang bahay na bato at sa lokasyon na ito na katabi mismo ng plaza at ng simbahan.

Ang orihinal na bahay ng mga Rizal sa Calamba, Laguna kung saan isinilang si Dr. Jose Rizal.  Mula sa Vibal Foundation.

Ang orihinal na bahay ng mga Rizal sa Calamba, Laguna kung saan isinilang si Dr. Jose Rizal. Mula sa Vibal Foundation.

Ang sinaunang drowing ni Johann Karuth sa Calamba.  Makikita sa kanan ang bahay ni Rizal katabi ng simbahan.  Mula sa Dambang Rizal sa Calamba, Laguna.

Ang sinaunang drowing ni Johann Karuth sa Calamba. Makikita sa kanan ang bahay ni Rizal katabi ng simbahan. Mula sa Dambang Rizal sa Calamba, Laguna.

Mga Dominikanong Espanyol.  Mula sa Rizal:  Ang Buhay ng Isang Bayani.

Mga Dominikanong Espanyol. Mula sa Rizal: Ang Buhay ng Isang Bayani.

Tatlong araw matapos maisilang, sinabi ni Padre Rufino Collantes habang binibinyagan niya si Pepe, “Lolay, tandaan mo ito.  Alagaan mong mabuti ang batang ito, at siya’y magiging malaking tao.”  Wow!  Prophetic.  At iyon naman ang ginawa ng ina.

Kung saan bininyagan ni Padre Collantes si Rizal sa Simbahan ng Calamba.  Mula sa Vibal Foundation.

Kung saan bininyagan ni Padre Collantes si Rizal sa Simbahan ng Calamba. Mula sa Vibal Foundation.

Si Teodora Alonso bilang unang guro ni Rizal.  Mula sa "Ultimo Adios" (Last Farewell of a Foolish Moth) ng Heroes Square Heritage Corporation sa Intramuros.

Si Teodora Alonso bilang unang guro ni Rizal. Mula sa “Ultimo Adios” (Last Farewell of a Foolish Moth) ng Heroes Square Heritage Corporation sa Intramuros.

Siya ang naging pinakaunang guro ni Pepe.  Si Doña Lolay ay pambihira sa mga babaeng india noon.  Siya ay nakapag-aral sa Colegio de Sta. Rosa sa Intramuros at pinag-aral din niya maging ang mga anak niyang babae sa Maynila.  Kaya naman naituro niya kay Pepe ang pagmamahal sa karunungan, binabasahan siya sa tuwing gabi ng isa sa koleksyon nila ng mga isanlibong aklat.

Teodora Alonso de Rizal y Quintos.  Mula sa Vibal Foundation.

Teodora Alonso de Rizal y Quintos. Mula sa Vibal Foundation.

Colegio de Sta. Rosa noong panahon ng mga Espanyol.  Mula sa Vibal Foundation.

Colegio de Sta. Rosa noong panahon ng mga Espanyol. Mula sa Vibal Foundation.

Si Rizal habang tinuturuan ng kanyang ina.  Mula sa Dambanang Rizal a Calamba, Laguna.

Si Rizal habang tinuturuan ng kanyang ina. Mula sa Dambanang Rizal a Calamba, Laguna.

Ilan lamang sa mga aklat ng mga Rizal.  Mula kay Austin Craig.

Ilan lamang sa mga aklat ng mga Rizal. Mula kay Austin Craig.

Ang ama naman niyang si Don Kikoy ay pinatayuan siya ng mga maliliit na bahay kubo sa kanilang bakuran upang mapaglaruan niya at maging workshop niya sa kanyang paglilok at pagpinta.

Francisco Rizal Mercado.  Mula sa Vibal Foundation.

Francisco Rizal Mercado. Mula sa Vibal Foundation.

Ang replica ng kubo ni Pepe Rizal sa bakuran ng Dambanang Rizal.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang replica ng kubo ni Pepe Rizal sa bakuran ng Dambanang Rizal. Kuha ni Xiao Chua.

Si Pepe bilang isang artist.  Mula sa Vibal Foundation.

Si Pepe bilang isang artist. Mula sa Vibal Foundation.

Wala ring Rizal na bayani kung wala ang paggabay sa kanya ng kanyang Kuya Paciano, isang makabayang kaibigan ng binitay na si Padre Burgos, na nagturo sa kanyang mahalin ang bayan, at ang kanyang mga kapatid na babae, ilan sa kanila magiging kasapi kasama ni Paciano ng Himagsikan.

Tanging larawan ni Paciano Rizal Mercado.  Panakaw na kuha.  Ayaw magpakuha ng lolo mo.  Mula sa Vibal Foundation.

Tanging larawan ni Paciano Rizal Mercado. Panakaw na kuha. Ayaw magpakuha ng lolo mo. Mula sa Vibal Foundation.

Paciano Rizal habang ginagabayan ang batang Pepe.  Likhang sining ni Benedicto Cabrera mula sa aklat na Indio Bravo.

Paciano Rizal habang ginagabayan ang batang Pepe. Likhang sining ni Benedicto Cabrera mula sa aklat na Indio Bravo.

Josefa Rizal, kasapi ng Katipunan.  Mula sa Vibal Foundation.

Josefa Rizal, kasapi ng Katipunan. Mula sa Vibal Foundation.

Trinidad Rizal, kasapi ng Katipunan.

Trinidad Rizal, kasapi ng Katipunan.

Kaya medyo spoiled marahil dahil nasa kanya lahat ng pansin dahil siya ay bunsong lalaki.  Ngunit sa aking palagay, may isang hindi gaanong nababanggit na dahilan kung bakit kahit na nagmula siya sa isang mayamang angkan, hindi nawala ang kanyang koneksyon sa bayan.  Kahit sa kanyang alaala ng kabataan, Memorias de un Estudiante de Manila, prominente ang role ng kanyang yaya na habang siya’y nasa azotea at naghahapunan sa ilalim ng buwan, habang nakikita ang Bundok Makiling, bigla na lamang siyang tatakutin ng aswang, o kukwentuhan ng mga  tungkol sa nuno.

Ang pabalat ng alaala ni Rizal ng kanyang kabataan, Memorias de un Estudiante de Manila kung saan nagtago siya sa pangalang P. Jacinto.  Mula sa Vibal Foundation.

Ang pabalat ng alaala ni Rizal ng kanyang kabataan, Memorias de un Estudiante de Manila kung saan nagtago siya sa pangalang P. Jacinto. Mula sa Vibal Foundation.

Isang pahina ng Memorias ni Rizal, mula sa Vibal Foundation.

Isang pahina ng Memorias ni Rizal, mula sa Vibal Foundation.

Bundok Makiling.  Mula sa Vibal Foundation.

Bundok Makiling. Mula sa Vibal Foundation.

Iba rin itong trip ni yaya, ilalabas si Pepe sa gabi malapit sa ilog sa ilalim ng mga punungkahoy at doon itutuloy ang pagkukuwento.  Lumabas ang mga ito sa kanyang mga nobela.  Nakakantsawan man kung minsan dahil daw malaki ang kanyang ulo noong siya ay bata pa at ayon kay Ante Radaic ay nagkaroon ng inferiority complex tulad ng marami sa atin, tinugunan niya ito sa pag-aaral ng mabuti at pagiging malusog at aktibo.

Isang sketch ni Rizal sa sarili.  Feminine side?  Mula sa Vibal Foundation.

Isang sketch ni Rizal sa sarili. Feminine side? Mula sa Vibal Foundation.

Ang Croat na fan ni Rizal na si Ante Radaic.

Ang Croat na fan ni Rizal na si Ante Radaic.

Si Rizal sa eskwelahan.  Mula sa Dambanang Rizal.

Si Rizal sa eskwelahan. Mula sa Dambanang Rizal.

Ang dumbell ni Rizal sa Dapitan, nasa Dambanang Rizal sa Fort Santiago.  Mula sa Vibal Foundation.

Ang dumbell ni Rizal sa Dapitan, nasa Dambanang Rizal sa Fort Santiago. Mula sa Vibal Foundation.

Si Xiao Chua at ang monumento ng batang Rizal sa Calamba.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at ang monumento ng batang Rizal sa Calamba. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Pangulong Benigno Simeon "Noynoy" Aquino, III habang nagbibigay respeto sa monumento ng batang si Jose Protacio "Pepe" Rizal Mercado y Alonso Realonda noong ika-150 kaarawan ni Rizal noong June 19, 2011 sa Calamba, Laguna.

Si Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino, III habang nagbibigay respeto sa monumento ng batang si Jose Protacio “Pepe” Rizal Mercado y Alonso Realonda noong ika-150 kaarawan ni Rizal noong June 19, 2011 sa Calamba, Laguna.  TV grab mula sa NBN (ngayo’y PTV-4).

Isang huwaran para sa ating lahat.  Sa pagkabata maaari nang magsimula ang kabayanihan.  Nagbigay si Pepe ng pagmamahal sa bayan dahil nagkaroon siya ng sapat nito sa kanyang tahanan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 8 June 2013)

Rizal

Rizal

XIAO TIME, 11 April 2013: ANG MASALIMUOT NA BUHAY NI LEONOR RIVERA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Leonor Rivera.  Mula sa Vibal Foundation.

Leonor Rivera. Mula sa Vibal Foundation.

11 April 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=t-G5wrkB49U

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  146 years ago ngayong araw, April 11, 1867, isinilang sa Camiling, Tarlac si Leonor Rivera.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Well, siya lang naman ang minalas na naging long-time gf ng ating Heroé Nacional na si José Rizal, ang tanging problema doon ay iniwan siya ng nobyo dahil may misyon ito para sa bayan.  Pinsan ng ama ni Rizal ang tatay ni Leonor na si Antonio Rivera at sa parehong paaralan nag-aral ang mga kapatid na babae ni Rizal at si Leonor, sa Concordia.

Antonio Rivera.  Mula sa Vibal Foundation.

Antonio Rivera. Mula sa Vibal Foundation.

Ilang mga madereng guro at mga estudyante ng Colegio de la Inmaculada Concepcion de la Concordia sa Maynila.

Ilang mga madereng guro at mga estudyante ng Colegio de la Inmaculada Concepcion de la Concordia sa Maynila.

Noong 1880, nagkakilala si Leonor at si José o si Pepe, 13 years old pa lamang ang dalaga noon na tinawag niyang “munting kasera” dahil anak siya ng may-ari ng isang paupahang bahay para sa mga estudyante sa Intramuros.

Si Jose Rizal sa tabi ng painting kasama ng kanyang mga border sa Casa Tomasina.

Si Jose Rizal sa tabi ng painting kasama ng kanyang mga border sa Casa Tomasina.

Actually, dalawang Leonor ang niligawan ni Pepe noon, pati si Leonor Valenzuela, doble Leonor system LOL, ngunit nanaig ang munting kasera.  Sa kanilang pagsusulatan, gumamit pa ng secret codes ang mag-irog bilang proteksyon nila sa mapagmatyag na ina ni Leonor na si Silvestra Bauson.  Ang code name para kay Leonor ng pinsang si Pepe ay Taimis.  Cousin-tahan talaga ang peg.

Leonor Rivera.  Mula sa Vibal Foundation.

Leonor Rivera. Mula sa Vibal Foundation.

Leonor Valenzuela.  Mula sa Lolo Jose.

Leonor Valenzuela. Mula sa Lolo Jose.

Si Leonor kasama ng kanyang inang si Silvestra  Bauzon.  Mula sa Vibal Foundation.

Si Leonor kasama ng kanyang inang si Silvestra Bauzon. Mula sa Vibal Foundation.

Si Pepe Rizal bilang binatilyo.  Mula sa Vibal Foundation.

Si Pepe Rizal bilang binatilyo. Mula sa Vibal Foundation.

Sketch ni Leonor na gawa ni Pepe.

Sketch ni Leonor na gawa ni Pepe.

Si Leonor, edad 15 taon, 8 buwan at 27 araw.  Mula sa Rizal Without The Overcoat.

Si Leonor, edad 15 taon, 8 buwan at 27 araw. Mula sa Rizal Without The Overcoat.

Sa likod ng larawan mababasang nakasulat sa Wikang Espanyol na “Para kay José mula sa kanyang tapat na pinsan sa edad na 15 taon, 8 buwan at 27 taon.  [Pirmado] Leonor Rivera” ngunit sa ibaba nakasukat sa code, “Para sa aking hindi malilimutan at pinakamamahal na mangingibig ang larawang ito ay inaalay ng kanyang tapat na Taimis.” Mula sa Rizal Without the Overcoat.

Napisan o na-engage ang dalawa ngunit nagpasya ang kuya ni Rizal na si Paciano sa tulong ng ama ni Leonor na si Pepe ay tumungo ng Europa upang maglingkod sa bayan noong 1882.  Hindi man lamang nakapagpaalam si Pepe.  Naging masasakitin, hindi makatulog at malungktin si Leonor.  Patuloy silang nagsulatan sa isa’t isa ngunit wala silang natatanggap sa mga sulatan na ito.  Iyon pala, sinuhulan ng ina ni Leonor ang lokal kartero na harangin ang sulatan ng dalawa at ibigay lahat ng ito sa kanya.

Isang natirang sulat ni Leonor kay Pepe.  Mula sa Vibal Foundation.

Isang natirang sulat ni Leonor kay Pepe. Mula sa Vibal Foundation.

Imagine, si Pepe noon ay tinuturing na pilibusterong nobelista at siyempre ayaw mong makasal ang anak mo sa isang rebelde. Inayos ng ina ang pagpapaksal ni Leonor sa inhinyero ng riles ng tren na si Charles Henry Kipping noong 1890.

Si Rizal.

Si Rizal.

Charles Henry Kipping

Charles Henry Kipping

Sa paniwalang kinalimutan na siya ni Rizal, pumayag ito ngunit sinabi niyang ang pagpapakasal na ito ay ikamamatay niya.  Nang may isang sulat ni Rizal ang nakalusot, napilitan ang ina na ipakita ang lahat ng kanilang pagsusulatan.  Itinuloy ni Leonor ang pagpapakasal sa kondisyong hindi na siya tutugtog ng piano at muling awit habambuhay, at tatabihan siya ng kanyang ina sa buong seremonya ng kasal.  Ayon sa mga kwento, sinunog ni Leonor ang mga sulatan nila ni Rizal, at habang naglalakad sa simbahan, nahuhulog ang mga abo ng mga ito mula sa laylayan ng kanyang trahe de boda.  Anuman, ilan sa mga abong ito ay nailagay sa isang maliit na kahon.  Tatlong taon ang lilipas, patay na si Leonor sa panganganak sa edad na 26.  Ang kahon na naglalaman ng mga abo ng sulatan ay inilibing kasama niya.

Maliit na kahon kung saan inilagay ni Leonor ang abo ng mga sulat.  Nakadisplay noon sa exhibit na Rizalizing The Future sa RCBC Museum.  Mula sa Probe Productions.

Maliit na kahon kung saan inilagay ni Leonor ang abo ng mga sulat. Nakadisplay noon sa exhibit na Rizalizing The Future sa RCBC Museum. Mula sa Probe Productions.

Leonor Rivera

Leonor Rivera

Si Rizal at ang mga karakter ng Noli Me Tangere--Elias, Maria Clara at Crisostomo Ibarra.  Detalye ng mural ni Carlos V. Francisco, "History of Manila."

Si Rizal at ang mga karakter ng Noli Me Tangere–Elias, Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Detalye ng mural ni Carlos V. Francisco, “History of Manila.”

Isang modela bilang si Maria Clara.  Mula sa isang lumang kalendaryo ng Petron 1998.

Isang modela bilang si Maria Clara. Mula sa isang lumang kalendaryo ng Petron 1998.

Lubos na dinamdam ni Pepe ang nangyari, nagkulong pa sa Dapitan ng buong gabi.  Minalas man si Leonor, sinwerte naman siya na maalala sa kasaysayan, ang makabasag pusong karanasan ng dilag mula sa Camiling ay inspirasyon daw para sa karakter na Maria Clara sa Noli Me Tangere ni Rizal.  Aral, mga magulang, gabayan ngunit huwag nang maghigpit sa anak pagdating sa lovelife, sige kayo baka ma-Leonor Rivera siya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Andrew Bldg, DLSU Manila, 3 April 2013)

XIAOTIME, 7 March 2013: ANG PAPEL NI PACIANO RIZAL MERCADO SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 7 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang tanging larawan ni Paciano Rizal sa kanyang buong buhay.  Tanong ni Ambeth Ocampo, ano kaya ang napakagandang disenyo floral na nasa kanyang harapan?  Ang sagot sa ibaba.  Mula sa Vibal Foundation.

Ang tanging larawan ni Paciano Rizal sa kanyang buong buhay. Tanong ni Ambeth Ocampo, ano kaya ang napakagandang disenyo floral na nasa kanyang harapan? Ang sagot sa ibaba. Mula sa Vibal Foundation.

7 March 2013, Thursday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!   Binabati ko si Ma’am Esther Lopez Azurin at ang kanilang mga kaanak, aking kaibigan at apo ng aking tatalakayin sa araw na ito.

Si Xiao Chua kasama si Ma'am Esther Lopez-Azurin, direktang kaanak ni Paciano Rizal, habang tumatakbo sa Run Rizal Marathon, September 2011.

Si Xiao Chua kasama si Ma’am Esther Lopez-Azurin, direktang kaanak ni Paciano Rizal, habang tumatakbo sa Run Rizal Marathon, September 2011.

162 years ago, March 9, 1851, isinilang si Heneral Paciano Mercado.  Huh??? Who’s that Pokemón??? Siya po ang kuya ng ating National Hero na si Dr. José Rizal na mas kilala natin sa tawag na Paciano Rizal.  Kung si José ang ikapito sa labinlimang magkakapatid, si Paciano ang ikalawa, nag-aral sa Kolehiyo de San José at Unibersidad ng Sto. Tomas ngunit nang mabitay ang kanyang kaibigan at housemate na si Padre José Burgos noong 1872, nag-drop out na lamang siya.  Dahil sa maagang pagkamulat na ito sa kaalipinan ng bayan, siya ang nagturo sa batang Pepe na mahalin ang bayan.

Isang paglalarawan kay Paciano Rizal.  Mula sa bahay ni Paciano Rizal.

Isang paglalarawan kay Paciano Rizal. Mula sa bahay ni Paciano Rizal.

Batang Jose "Pepe" Rizal

Batang Jose “Pepe” Rizal

Padre Jose Burgos

Padre Jose Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Siya ang nagdala dito sa Maynila upang maipasok sa Ateneo kahit na nahuli sa rehistrasyon.  Sa tulong ng ilang kapwa makabayan, siya din ang kumumbinsi sa matalinong si Pepe na umalis patungong Europa upang tuparin ang pangarap na siya sana ang dapat na magsakatuparan—ang ipaglaban ang bayan bilang isang ilustrado gamit ang kanyang panulat sa Espanya.  Walang José Rizal na National Hero kung walang Paciano Rizal.

Ateneo Municipal de Manila noong panahon ng mga Espanyol sa intramuros.  Mula sa Vibal Foundation.

Ateneo Municipal de Manila noong panahon ng mga Espanyol sa intramuros. Mula sa Vibal Foundation.

Paciano Rizal habang ginagabayan ang batang Pepe.  Likhang sining ni Benedicto Cabrera mula sa aklat na Indio Bravo.

Paciano Rizal habang ginagabayan ang batang Pepe. Likhang sining ni Benedicto Cabrera mula sa aklat na Indio Bravo.

Siya ang obrerong kumayod sa bukid upang mapadalhan lamang ng pera ang kapatid kapag ito ay nangailangan, hanggang sa sila’y walang-wala na at tuluyang palayasin sila ng mga prayle sa kanilang lupain sa Calamba.  Hindi totoong lubos na tumanggi si Rizal na ipaglaban sa isang himagsikan.  Ito ang bagong pananaw ngayon ng ilang historyador, dahil kung talagang ayaw ni Rizal sa himagsikan, bakit ang kanyang mga kapatid na sina Josefa at Trining ay naging mga kasapi ng Katipunan, si Paciano naging heneral pa.

Heneral Paciano Rizal, monumneto sa kaniyang tahanan sa Los Banos, Laguna.  Kuha ni Xiao Chua

Heneral Paciano Rizal, monumneto sa kaniyang tahanan sa Los Banos, Laguna. Kuha ni Xiao Chua

Nang balak sanang iligtas nina Andres Bonifacio si Rizal noong babarilin na ito noong 1896, si Paciano ang pumigil sa kanila sa pagsasabing hindi nanaisin ng kanyang kapatid na magbuwis ng maraming buhay para lamang sa kanyang iisang buhay.  Sa pamahalaang rebolusyunaryo sa ilalim ni Hen. Emilio Aguinaldo, siya ang naging Kalihim ng Pananalapi.  Nang mapasakamay ng mga Amerikano, inalok ng posisyon sumumpa lamang ng katapatan sa watawat ng mga Amerikano.  Ngunit kanya itong tinanggihan at namuhay na lamang ng mapayapa bilang obrerong may lupa sa Los Baños, Laguna sa bahay na ito.

Ang bahay ni Paciano sa Los Banos sa tabing lawa.  Mula sa Lolo Jose:  An Intimate Protrait of Rizal.

Ang bahay ni Paciano sa Los Banos sa tabing lawa. Mula sa Lolo Jose: An Intimate Protrait of Rizal.

Ang bahay nang muli itong ipatayo sa disenyo ni Andres Luna de San Pedro, artista at arkitektong anak ni Juan Luna.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang bahay nang muli itong ipatayo sa disenyo ni Andres Luna de San Pedro, artista at arkitektong anak ni Juan Luna. Kuha ni Xiao Chua.

Nakatanaw sa dati nilang tahanan sa lawa hanggang sa ito ay mamatay noong April 13, 1930.  Noong nabubuhay siya, ayaw niyang magpakuha ng litrato at nadala ata ang kaisipan ng isang rebeldeng ayaw basta makilala, ngunit minsan nanakawan siya ng kanyang mga kaanak ng imahe sa harapan ng isang aakalain mo sa sofa, iyon pala ay puwit ng kanyang pamangkin.

Siyempre, sa susunod na makuhanan siya, hindi na siya makakareklamo.  Mula kay Ambeth Ocampo, kuha ni Jonathan Balsamo.

Siyempre, sa susunod na makuhanan siya, hindi na siya makakareklamo. Mula kay Ambeth Ocampo, kuha ni Jonathan Balsamo.

Mula sa Cementerio del Norte, inilipat ang mga labi nina Paciano, Josefa at Trinidad Rizal sa puntod na ito sa bahay ni Paciano Rizal sa Los Banos.

Mula sa Cementerio del Norte, inilipat ang mga labi nina Paciano, Josefa at Trinidad Rizal sa puntod na ito sa bahay ni Paciano Rizal sa Los Banos.

Hindi raw maramot, nagpamigay ng lupa sa kanyang mga magsasaka, maging ang pook ng UP Los Baños ay lupa nila dati.  Kabalintunaang kilalanin si José Rizal kung hindi rin natin aalalahanin kahanay niya ang kanyang kuyang nanatili nakaugat sa diwa ng bayan—Hen. Paciano Rizal.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)