IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: josephine

XIAO TIME, 7 August 2013: ANG MASALIMUOT NA BUHAY NI JOSEPHINE BRACKEN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Josephine Bracken sa kasuotang Pilipino.  Mula sa Wikipedia.

Si Josephine Bracken sa kasuotang Pilipino. Mula sa Wikipedia.

7 August 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=bSbu8VfKw_4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  137 years ago, August 9, 1876, isinilang si Josephine Leopoldine Bracken sa Victoria Barracks, Hongkong.  Kaakibat ng kanyang papel sa kasaysayan bilang huling pag-ibig ni Gat. Dr. Jose Rizal, heroe nacional ng Pilipinas, ay ang samu’t saring mga ispekulasyon ukol sa kanyang pagkatao.  Na isa siyang ilehitimong anak ng isang kapitan sa Hukbong Briton at isang Tsina, na isa siyang bayarang babae, na ang kanyang ama-amahan na si George Taufer ay nakilala siya sa isang bar, na naiteybol na siya ni Rizal nasa Hongkong pa lamang siya.

Si Rizal.

Si Rizal.

George Taufer

George Taufer

Mga ispekulasyon na mismong mga kilalang mga biographer at mga kaanak mismo ni Rizal ang nagpakalat.  Isang apo ni Josephine Bracken, si Macario Ofilada, ang nagsabi sa kanyang aklat na Errante Golondrina, The Life and Times of Josephine Bracken na inilimbag ng New Day, na isang dokumento ang magpapakita sa atin ng tunay na pinagmulan ni Josephine, ang kanyang baptismal records sa inilista siya na may lahing Anglo-Saxon.

Si Xiao Chua kasama sina Luciano Santiago at Macario Ofilada Mina, Vargas Museum, January 2007

Si Xiao Chua kasama sina Luciano Santiago at Macario Ofilada Mina, Vargas Museum, January 2007

Pabalat ng Errante Golondrina ni Macario Ofilada.

Pabalat ng Errante Golondrina ni Macario Ofilada.

Lumilitaw din ang pangalan ng kanyang ama na si James Bracken na nagpapatunay na lehitimo ang anak.  Hindi na nailista ang pangalan ng nanay sapagkat namatay ito ilang araw matapos isilang si Josephine.  Gayundin, nakalista na bilang saksi sa pagbibinyag ang mag-asawang James at Leopoldine Taufer na siyang aampon kay Josephine.

Baptismal certificate ni Josephine Bracken.

Baptismal certificate ni Josephine Bracken.

Ang calling card ni Jose Rizal bilang optalmologo sa Hongkong.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Ang calling card ni Jose Rizal bilang optalmologo sa Hongkong. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Nang tila nabubulag na ang kanyang ama-amahan, sinamahan niya ito patungo sa Pilipinas para magpagamot sa isang doktor na noong nasa Hongkong pa lamang ay naririnig na nila na nakakapagpagaling ng mga mata.  Noong February 1895, nagkakilala si Rizal at si Josephine at nang mukhang wala nang pag-asa na makakita ang matanda, hinatid na niya ito pabalik ng Hongkong.  Muntik nang pagpakamatay ang matanda sa pamamagitan ng paggilit sa sarili nang malaman na nag-iibigan ang dalawa, 18 taong gulang lamang si Josephine noon at si Rizal ay 33 na.  May mga nagsasabi rin na minomolestiya ni Taufer si Josephine.  Kaya naman hindi siya nagustuhan ng ilan sa mga kapatid ni Rizal.

Josephine Bracken.

Josephine Bracken.

Josephine Bracken.  Mula sa Lolo Jose.

Josephine Bracken. Mula sa Lolo Jose.

Ang lilok ni Rizal sa mukha ni Josephine sa isang kahoy.

Ang lilok ni Rizal sa mukha ni Josephine sa isang kahoy.

Ang lilok ni Rizal kay Josephine habang natutulog.

Ang lilok ni Rizal kay Josephine habang natutulog.

Anuman, natuto ng mga gawaing bahay si Josephine, paglalaba at pagluluto at nakatuwang ni Rizal sa kanyang klinika.  Nagkaroon pa sila ng anak na patay na nang maisilang.  Ngunit natapos ang maliligayang araw niya noong Hulyo 1896, nang magpasya si Rizal na umalis ng Dapitan.  Anuman ang sinasabi ng mga tao sa kaniya, ito ag sigurado tayo, nang barilin si Rizal sa Luneta noong December 30, 1896, sumama si Josephine kay Paciano sa himagsikan sa Cavite, nanggamot ng mga maysakit at nakabaril pa ng isang Espanyol!  At naroon na umaawat ng mga nagbabangayan sa Tejeros Convention.  Naglingkod siya sa Inang Bayan ni dear Joe.

Si Josephine Bracken habang nagsisilbi sa ating himagsikan.  Guhit ni Ronelito Escauriaga para sa Adarna Publishing House, Inc.

Si Josephine Bracken habang nagsisilbi sa ating himagsikan. Guhit ni Ronelito Escauriaga para sa Adarna Publishing House, Inc.

Dedikasyon ni Rizal kay Josephine sa isang aklat na "The Imitations of Christ" ni Thomas Kempis kung saan tinawag niya si Josephine na kanyang "dear and unhappy wife."

Dedikasyon ni Rizal kay Josephine sa isang aklat na “The Imitations of Christ” ni Thomas Kempis kung saan tinawag niya si Josephine na kanyang “dear and unhappy wife.”

Ngunit, nakaalitan ang pamilya Rizal dahil interasado siyang makihati sa mga aklat ni Rizal ngunit hindi niya mapatunayan na kinasal sila sa umaga ng kanyang kamatayan, kaya bumalik siya sa Hongkong, nagpakasal muli sa isang Pilipino na si Vicente Abad, at namatay sa murang edad na 25 noong 1902.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 27 July 2013)

Si Josephine Bracken at si Vicente Abad sa araw ng kanilang kasal.  Mula sa Errante Golondrina.

Si Josephine Bracken at si Vicente Abad sa araw ng kanilang kasal. Mula sa Errante Golondrina.

XIAOTIME, 1 March 2013: ANG PAGDIRIWANG NG IKA-150 ANIBERSARYO NG RED CROSS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 1 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang poster na gumugunita sa kasaysayan ng Pilipinong Red Cross na unang natatag sa Malolos, Bulacan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan, nilikha ni Ian Christopher Alfonso.

Ang poster na gumugunita sa kasaysayan ng Pilipinong Red Cross na unang natatag sa Malolos, Bulacan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan, nilikha ni Ian Christopher Alfonso.

1 March 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=R0OgaCyHLZ8

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ang episode na ito sa inyo ng Bahay Saliksikan ng Bulacan na nakabase sa Bulacan State University at pinamumunuan ngayon ni Dr. Agnes Crisostomo, at ang kanilang research fellow na si Ian Christopher Alfonso.  150 years ago noong nakaraang buwan, February 17, 1863, itinatag ang unang Krus na Pula o Red Cross sa Geneva, Switzerland ng isang abogadong si Gustave Moynier.

Red Cross @ 150

Red Cross @ 150

Gustave Moynier

Gustave Moynier

Naging inspirasyon niya ang isang aklat na kanyang nabasa na isinulat ng Pranses na si Jean-Henri Dunant na “A Memory of Solferino” kung saan sa isang labanan sa Italya, nakita niya ng 40,000 mga sundalo sa dalawang panig ng naglalabanang Austrian at Italyano ang namamatay at nasusugatan na hindi man lamang nabibigyan ng tamang atensyon.  Si Dunant mismo ay nanatili sa Solferino upang tulungan ang mga sugatan.

Jean-Henri Dunant

Jean-Henri Dunant

Battle of Solferino

Battle of Solferino

Lumang postcard na nagtatanghal sa Red Cross.

Lumang postcard na nagtatanghal sa Red Cross.

Red Cross Nurse, obra ni Theodor Grust

Red Cross Nurse, obra ni Theodor Grust

Ngayon, isa na itong malaking-malaking umbrella organization na nangangalaga sa maysakit na tinatawag na International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies.

15 International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies

Sa Pilipinas, maging sa Katipunan, wala mang Red Cross, ang mga kababaihan ng himagsikan ay tila nagsilbi ng kaparehong pag-aalaga ng maysakit sa digmaan tulad nina Gregoria de Jesus, Tandang Sora, Josephine Bracken, mga kapatid ni Rizal na si Josefa at Trining, at si Trinided Tecson na itinuturing na Ina ng Red Cross sa Pilipinas.

Gregoria de Jesus, Lakambini ng Katipunan

Gregoria de Jesus, Lakambini ng Katipunan

Melchora Aquino a.k.a. Tandang Sora, Ina ng Katipunan

Melchora Aquino a.k.a. Tandang Sora, Ina ng Katipunan

Josephine Bracken

Josephine Bracken

Josefa Rizal

Josefa Rizal

Trinidad Rizal

Trinidad Rizal

Trinidad Tecson, Ina ng Krus na Pula sa Pilipinas

Trinidad Tecson, Ina ng Krus na Pula sa Pilipinas

Ang mga Espanyol ay nagkaroon din dito sa Pilipinas ng Cruz Roja Española noong himagsikan ng 1898.  Sa kanila ipinaubaya ng Pamahalaan ni Emilio Aguinaldo ang mga POW na mga Espanyol upang makabalik ang mga ito ng ligtas sa Espanya.

Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos.  Kinulayan ng Office of the President.

Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos. Kinulayan ng Office of the President.

Ang mga huling sundalong Espanyol sa sumuko sa Pilipinas matapos ang isang taong Siege of Baler.  Itinuring na mga kaibigan ng mga Pilipino at iginalang ang kanilang katapangan.

Ang mga huling sundalong Espanyol sa sumuko sa Pilipinas matapos ang isang taong Siege of Baler. Itinuring na mga kaibigan ng mga Pilipino at iginalang ang kanilang katapangan.

Inaprubahan ni Aguinaldo ang pagkakaroon ng sariling Red Cross ng unang republika noong February 17, 1899, sa parehong araw na itinatag ang unang Red Cross sa Geneva at tinawag na “Asociación de Damas de la Cruz Roja en Filipinas.”  Mga kababaihan ang mga kasapi nito na pinangunahan ni Doña Hilaria Aguinaldo y del Rosario, asawa ng pangulo.

Mula sa aklat na Women of Malolos

Mula sa aklat na Women of Malolos

Hilaria Aguinaldo

Hilaria Aguinaldo.  Mula sa Bahay Saliksikan ng Bulacan.

Kung maaalala natin ang mga kabataang babaeng taga-Malolos sinulatan ni José Rizal 124 years ago noong nakaraang buwan, February 22, 1889, dahil sa katapangan na humiling sa Gobernador Heneral na magbukas ang isang paaralan para sa Wikang Espanyol, sila ang isa sa mga unang aktibong mga kasapi ng organisasyong ito.

Ang tagpo nang pagkorner at pagpetisyon ng 20 kababaihang dalaga sa Gobernador Heneral Valeriano Weyler sa Casa Real ng Malolos.  Obra Maestra ni Rafael del Casal.  Pabalat ng aklat ni Nicanor Tiongson na Women of Malolos. Sa kagandahang loob ni Ian Alfonso.

Ang tagpo nang pagkorner at pagpetisyon ng 20 kababaihang dalaga sa Gobernador Heneral Valeriano Weyler sa Casa Real ng Malolos. Obra Maestra ni Rafael del Casal. Pabalat ng aklat ni Nicanor Tiongson na Women of Malolos. Sa kagandahang loob ni Ian Alfonso.

Marami sa mga babaeng kasapi ng Cruz Roja ay mga asawa, kapatid, anak, pamangkin, nobya at apo ng mga sundalo ng hukbong mapanghimagsik.  Marami rin sa mga ito ay mga prominenteng mga babae at mga babaeng nais lang talagang tumulong.  Noong 1905, dinala ng mga Amerikano ang American Red Cross sa pamamagitan ni Gobernador Heneral William Howard Taft at noong 1946, nang tayo ay isang nagsasariling republika na, binuo ang Philippine National Red Cross sa ilalim ni Dr. Horacio Yanzon, na pagdating na panahon ay naging Philippine Red Cross.

Pagiimpake ng mga relief good noong bagyong Ondoy.

Pagiimpake ng mga relief good noong bagyong Ondoy.

Masayang pag-aabot ng kaunting ginhawa sa mga nasalanta ng kalamidad.

Masayang pag-aabot ng kaunting ginhawa sa mga nasalanta ng kalamidad.

Kaisa ng sangkatauhan.

Kaisa ng sangkatauhan.

Hanggang ngayon, sa mga lugar na dinaanan ng digmaan at sakuna, naroon ang mga Pilipinong Red Cross na nagpapakita na hindi lamang tayo may dugong bayani, kaisa din natin ang sangkatauhan.  Together with Humanity.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 23 February 2013)