THE SMILING FACE THAT LAUNCHED A REVOLUTION

by xiaochua

ANG KULAY NG KABAYANIHAN NI NINOY: Pambihirang pagkakataon ang makita natin ang isang malapitang kuhang-larawan kay Ninoy Aquino matapos paslangin noong 21 Agosto 1983. Ito ang scan ng orihinal na poster na ipinakalat ni Don Joaquin "Chino" Roces sa panahong iyon at ipinagkaloob naman sa akin ni G. Linggoy Alcuaz.

ANG KULAY NG KABAYANIHAN NI NINOY: Pambihirang pagkakataon ang makita natin ang isang malapitang kuhang-larawan kay Ninoy Aquino matapos paslangin noong 21 Agosto 1983. Ito ang scan ng orihinal na poster na ipinakalat ni Don Joaquin “Chino” Roces sa panahong iyon at ipinagkaloob naman sa akin ni G. Linggoy Alcuaz.

Bagama’t naniniwala ako na ang pagsama sa hilahil ng bayan ni Ninoy noong siya ay nabubuhay pa, at ang kilos at sakripisyo ng iba pang nakibaka noong Dekada 1970 ang siyang tunay na ugat ng landas tungo sa EDSA, ang pagkamartir ni Ninoy ay walang dudang nagkaroon ng malaking impak sa bayan at nagbigay-daan sa pagsama ng elit at gitnang-uri sa pakikibaka.

Laging sinasabing walang nagawa ang EDSA upang baguhin ang bayan. Hindi ako naniniwala dito dahil kaya kong isulat sa fb sa Pilipinas ngayon ang mga salitang ito at hindi ko tutumbasan ng salapi ang kalayaan kong ito. Hindi ito isyu kung may nagawa ba ang EDSA upang magkaroon ng pagbabago.

Sa pagtunghay sa larawan na ito, maaaring magmuni, ginawa niya ba ang “willing sacrifice” para lamang sa sariling pakinabang? Para kaya maging bayani? Para kaya maging presidente ang kanyang asawa at anak? O maaari namang alam niyang ang pag-aalay ng kanyang buhay ay hindi na niya mapapakinabangan bagkus ay mapakikinabangan na lamang ng susunod na henerasyon ng kaniyang mga anak at apo? Hindi po ba tayo yun?

Sa pagtunghay sa larawan na ito, mapukaw sana tayo sa mahalagang pamanang ito ng ating mga bayani, upang maisip naman natin na kung ito ay ipinamana sa atin, dapat hindi ako balasubas na wawaldasin lamang ito. Ano ang ginagawa ko upang maging karapat-dapat sa kabayanihang ito?

Hindi dapat isyu kung may nabago ba ang EDSA, ang ating mga bayani, si Ninoy at Cory at ang bayan sa atin. Ang dapat nating itanong ay ano ba ang nagawa nating hakbang sa ating munting buhay para magkaroon ng pagbabago at maipagpatuloy ang hindi pa tapos na laban para sa tunay na diwa ng EDSA: Kalayaan at Pagkakaisa tungo sa Kaginhawaan.

Muling ipinaskil para sa ika-30 anibersaryo ng pagkamartir ni Ninoy Aquino, August 30, 2013.

 

Isang kopya na ibinigay ni Xiao Chua sa Aquino Center ginamit sa isa sa kanilang mga eksibit sa mall:  https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10151863893772437&set=a.10150109438062437.311025.582402436&type=1&theater

Text mula kay Xiao Chua:  https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150140031352437&set=a.10150608542617437.439575.582402436&type=3&theater