IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: marcos

THE SMILING FACE THAT LAUNCHED A REVOLUTION

ANG KULAY NG KABAYANIHAN NI NINOY: Pambihirang pagkakataon ang makita natin ang isang malapitang kuhang-larawan kay Ninoy Aquino matapos paslangin noong 21 Agosto 1983. Ito ang scan ng orihinal na poster na ipinakalat ni Don Joaquin "Chino" Roces sa panahong iyon at ipinagkaloob naman sa akin ni G. Linggoy Alcuaz.

ANG KULAY NG KABAYANIHAN NI NINOY: Pambihirang pagkakataon ang makita natin ang isang malapitang kuhang-larawan kay Ninoy Aquino matapos paslangin noong 21 Agosto 1983. Ito ang scan ng orihinal na poster na ipinakalat ni Don Joaquin “Chino” Roces sa panahong iyon at ipinagkaloob naman sa akin ni G. Linggoy Alcuaz.

Bagama’t naniniwala ako na ang pagsama sa hilahil ng bayan ni Ninoy noong siya ay nabubuhay pa, at ang kilos at sakripisyo ng iba pang nakibaka noong Dekada 1970 ang siyang tunay na ugat ng landas tungo sa EDSA, ang pagkamartir ni Ninoy ay walang dudang nagkaroon ng malaking impak sa bayan at nagbigay-daan sa pagsama ng elit at gitnang-uri sa pakikibaka.

Laging sinasabing walang nagawa ang EDSA upang baguhin ang bayan. Hindi ako naniniwala dito dahil kaya kong isulat sa fb sa Pilipinas ngayon ang mga salitang ito at hindi ko tutumbasan ng salapi ang kalayaan kong ito. Hindi ito isyu kung may nagawa ba ang EDSA upang magkaroon ng pagbabago.

Sa pagtunghay sa larawan na ito, maaaring magmuni, ginawa niya ba ang “willing sacrifice” para lamang sa sariling pakinabang? Para kaya maging bayani? Para kaya maging presidente ang kanyang asawa at anak? O maaari namang alam niyang ang pag-aalay ng kanyang buhay ay hindi na niya mapapakinabangan bagkus ay mapakikinabangan na lamang ng susunod na henerasyon ng kaniyang mga anak at apo? Hindi po ba tayo yun?

Sa pagtunghay sa larawan na ito, mapukaw sana tayo sa mahalagang pamanang ito ng ating mga bayani, upang maisip naman natin na kung ito ay ipinamana sa atin, dapat hindi ako balasubas na wawaldasin lamang ito. Ano ang ginagawa ko upang maging karapat-dapat sa kabayanihang ito?

Hindi dapat isyu kung may nabago ba ang EDSA, ang ating mga bayani, si Ninoy at Cory at ang bayan sa atin. Ang dapat nating itanong ay ano ba ang nagawa nating hakbang sa ating munting buhay para magkaroon ng pagbabago at maipagpatuloy ang hindi pa tapos na laban para sa tunay na diwa ng EDSA: Kalayaan at Pagkakaisa tungo sa Kaginhawaan.

Muling ipinaskil para sa ika-30 anibersaryo ng pagkamartir ni Ninoy Aquino, August 30, 2013.

Isang kopya na ibinigay ni Xiao Chua sa Aquino Center ginamit sa isa sa kanilang mga eksibit sa mall:  https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10151863893772437&set=a.10150109438062437.311025.582402436&type=1&theater

Text mula kay Xiao Chua:  https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150140031352437&set=a.10150608542617437.439575.582402436&type=3&theater

XIAO TIME, 30 July 2013: EVITA PERON AT IMELDA MARCOS

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Maria Eva Duarte de Peron, opisyal na larawan pang-estado, 1947.

Maria Eva Duarte de Peron, opisyal na larawan pang-estado, 1947.

30 July 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=b3JrztkKBuw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  61 years ago, July 26, 1952, inanunsyo sa radio sa buong Argentina na sa oras na 8:25 ng gabi, sumakabilang buhay na ang espirituwal na pinuno ng kanilang bansa na si Unang Ginang Eva Duarte de Peron.  Opo, siya nga po yung paksa sa isang musical na isinulat nina Andrew Lloyd Webber at ni Tim Rice at noong 1996 ay ginanapan pa ng international pop icon na si Madonna.

Ang pila ng mga tao upang makita ang katawan ni Eva Peron, 1952.

Ang pila ng mga tao upang makita ang katawan ni Eva Peron, 1952.

Ang mga tao habang nagwawala sa katawan kapag nakikita ang katawan ni Eva Peron, 1952.

Ang mga tao habang nagwawala sa katawan kapag nakikita ang katawan ni Eva Peron, 1952.

Ang marcha funebre para kay Eva Peron, sa mga malalapad na kalsada ng Buenos Aires, 1952.

Ang marcha funebre para kay Eva Peron, sa mga malalapad na kalsada ng Buenos Aires, 1952.

Ang pinreserbang katawan ni Eva Peron bago ito mawala ng 17 taon.  Matapos maglakbay at itinago sa iba't ibang bansa, nailibing din sa Argentina.

Ang pinreserbang katawan ni Eva Peron bago ito mawala ng 17 taon. Matapos maglakbay at itinago sa iba’t ibang bansa, nailibing din sa Argentina.

Andrew Lloyd Webber at Tim Rice, ang kumatha ng musical na "Evita."

Andrew Lloyd Webber at Tim Rice, ang kumatha ng musical na “Evita.”

Ang cover ng playbill ng unang pagtatanghal ng Evita sa Pilipinas, na ginanapan ni Bb. Joy Virata na asawa ng naging primer ministro ng bansa na si Cesar Virata.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang tunay na Evita.

Ang tunay na Evita.

Si Madonna, sa aktwal na balkonahe ng Casa Rosada sa Buenos Aires, bilang si Evita.

Si Madonna, sa aktwal na balkonahe ng Casa Rosada sa Buenos Aires, bilang si Evita.

Noong 1969 pa lamang pala, naikumpara na siya sa ating sariling Unang Ginang, Mommy Imelda Marcos ni Ninoy Aquino.  Sa tuwing tinatanong sa paghahambing kay Evita, sinasabi ni Imelda, “I’m not a whore.”  Pina-ban ang musical na ito sa Pilipinas at naipalabas lamang noong 1986 matapos ang People Power sa EDSA.

Si Senador Ninoy Aquino at anak na si Kristina Bernadette.  Mula sa Ninoy:  the Willing Martyr ni Alfonso Policarpio.

Si Senador Ninoy Aquino at anak na si Kristina Bernadette. Mula sa Ninoy: the Willing Martyr ni Alfonso Policarpio.

Si Imelda kalmado habang nagkakagulo ang lahat sa harapan ng kanyang proyektong Cultural Center of the Philippines.  Ang proyektong binananatan ni Ninoy Aquino nang ikumpara niya ito kay Eva Peron.  Kuha ni Steve Tirona.

Si Eva Peron na mahilig sa aso.

Si Eva Peron na mahilig sa aso.

Si Imelda Marcos na mahilig sa aso,  na kumakain daw ng caviar.

Si Imelda Marcos na mahilig sa aso, na kumakain daw ng caviar.

Si Evita ay isinilang noong May 7, 1919 sa Los Toldos, Argentina, anak sa labas at lumaki sa hirap.  Si Imelda naman ay isinilang noong July 2, 1929 sa prominenteng pamilyang Romualdez ng Leyte, pangalawang asawa ang kanyang ina at minsan nanirahan sa garahe kasama ang ina bago maulila.  Si Evita ay ginamit ang kanyang charm sa kalalakihan upang maging aktres sa radyo at pelikula hanggang mapaibig niya ang isang sumisikat na koronel na si Juan Domingo Peron, nagpakasal sila.  Si Imelda naman ay naging beauty queen, Muse of Manila, at habang kumakain sa kantina ng Kongreso, napansin ng ambisyosong Congressman mula sa Ilocos Norte na si Ferdinand Marcos.  Matapos ang isang 11-day courtship, nagpakasal sina Marcos at Imelda.

Ang batang Evita noong kanyang unang komunyon.  Mula sa FIHEP.

Ang batang Evita noong kanyang unang komunyon. Mula sa FIHEP.

Ang batang Evita noong kanyang unang komunyon.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang batang Evita noong kanyang unang komunyon. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Evita bilang modelo.

Si Evita bilang modelo.

Si Imelda bilang Rose of Tacloban.

Si Imelda bilang Rose of Tacloban.

Si Evita bilang aktres.  Mula sa FIHEP.

Si Evita bilang aktres. Mula sa FIHEP.

Si Imelda bilang Muse of Manila.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Imelda bilang Muse of Manila. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Evita at si Kor. Juan Domingo Peron habang nagliligawan.  Mula sa Evita:  An Intimate Portrait of Eva Peron.

Si Evita at si Kor. Juan Domingo Peron habang nagliligawan. Mula sa Evita: An Intimate Portrait of Eva Peron.

Si Meldy at si Andy noong kanilang kasal.

Si Meldy at si Andy noong kanilang kasal.

Si Imelda at si Ferdinand Marcos habang siasariwa ang suyuan.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Imelda at si Ferdinand Marcos habang siasariwa ang suyuan. Mula sa Marcos Presidential Center.

Noong 1946, si Evita ay naging Unang Ginang sa edad na 26, habang si Imelda ay naging Unang Ginang noong 1965 sa edad na 36.  Parehong ninais na maging inspirasyon sa mga mahihirap kaya nagsuot ng mga magagarang mga gowns, mga alahas, mga sapatos.  Parehong nakibahagi sa pulitika, parehong nagpostura na kalaban ng aristokrasya, parehong naging diplomat, pareho ding nagpatayo ng mga ospital at parehong sinasabing nagbulsa ng pera ng bayan.

Si Evita Peron, Unang Ginang ng Argentina.

Si Evita Peron, Unang Ginang ng Argentina.

Si Evita Peron, Unang Ginang ng Pilipinas.

Si Evita Peron, Unang Ginang ng Pilipinas.

Juan at Eva Peron ng Argentina.  Mula sa Hoover Institution ng Stanford University.

Juan at Eva Peron ng Argentina. Mula sa Hoover Institution ng Stanford University.

Sina Ferdinand at Imelda Marcos ng Pilipinas. Mula sa Marcos Presidential Center.

Sina Ferdinand at Imelda Marcos ng Pilipinas. Mula sa Marcos Presidential Center.

Sina Juan at Eva Peron ng Argentina at sina Ferdinand at Imelda Marcos, royalty!

Sina Juan at Eva Peron ng Argentina at sina Ferdinand at Imelda Marcos, royalty!

Si Evita at si Imelda bilang mga fashionista sa mga gowns.

Si Evita at si Imelda bilang mga fashionista sa mga gowns.

Si Evita at si Imelda kapwa sa pribadong tagpo ng pagmamalaki sa kanilang mga alahas.

Si Evita at si Imelda kapwa sa pribadong tagpo ng pagmamalaki sa kanilang mga alahas.

Evita Peron, Jefa Espiritual de la Nacion.

Evita Peron, Jefa Espiritual de la Nacion.

Imelda Marcos, s akanyang imahe bilang Ina ng Bayan.  Mula sa Compassion and Commitment.

Imelda Marcos, s akanyang imahe bilang Ina ng Bayan. Mula sa Compassion and Commitment.

Nagpatayo ng pabahay na “Evita City” si Evita habang itinatag naman ang Metropolitan Manila para maging gobernador nito si Imelda at nagpatayo ng mga pabahay na BLISS at marami pang iba.  Kung si Evita ay may ampunan na “Children’s City,” si Imelda naman ay may ospital na “Lungsod ng Kabataan.”

Si Evita at Juan kasama ng kanilang ga kababayan.

Si Evita at Juan kasama ng kanilang ga kababayan.

Si Imelda Marcos kasama ang kaniyang mga tagahanga.

Si Imelda Marcos kasama ang kaniyang mga tagahanga.

Ang housing project na Ciudad de Evita ni Eva Peron.

Ang housing project na Ciudad de Evita ni Eva Peron.

Ang proyektong pabahay ni Imelda Marcos--Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS)

Ang proyektong pabahay ni Imelda Marcos–Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS)

Ang ampunang Ciudad Infantil (Lungsod ng mga bata), proyekto ni Evita.

Ang ampunang Ciudad Infantil (Lungsod ng mga bata), proyekto ni Evita.

Ang ospital na Lungsod ng Kabataan (Ngayo'y Philippine Children's Medical Center), proyekto ni Imelda.

Ang ospital na Lungsod ng Kabataan (Ngayo’y Philippine Children’s Medical Center), proyekto ni Imelda.

Ngunit hindi natupad ni Evita ang pangarap na maging bise presidente dahil nagkasakit ng kanser at namatay sa edad lamang na 33 noong 1952 na lubos na ipinagluksa ng tao.  Matapos nito, babagsak na rin si Peron.  Si Imelda naman naging “The Other President,” isa sa pinakamakapangyarihang babae ng kanyang panahon.  Bagama’t pinatalsik ng Himagsikang EDSA ang mag-asawang Marcos, tila winner pa rin si Imelda, hanggang ngayon buhay na buhay at aktibo pa sa pulitika.

Sa unang pagboto ng kababaihan sa Argentina na kanyang ikinampanya, bumoto si Eva Peron mula sa kanyang kama sa ospital bago mamatay sa sakit noong 1952.

Sa unang pagboto ng kababaihan sa Argentina na kanyang ikinampanya, bumoto si Eva Peron mula sa kanyang kama sa ospital bago mamatay sa sakit noong 1952.

Ang larawan ni Imelda na iginuhit ni Betsy Westerndorf de Brias sa Malacanang ay sinira ng mga tao noong himagsikang EDSA na nagpatalsik sa mga Marcos.

Ang larawan ni Imelda na iginuhit ni Betsy Westerndorf de Brias sa Malacanang ay sinira ng mga tao noong himagsikang EDSA na nagpatalsik sa mga Marcos.

Kung si Evita naghahagis ng pera, si Imelda naman ay mahilig maghagis ng kendi.

Kung si Evita naghahagis ng pera, si Imelda naman ay mahilig maghagis ng kendi.

Ang charming na si Mommy Imelda Romualdez Marcos.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang charming na si Mommy Imelda Romualdez Marcos. Mula sa Marcos Presidential Center.

Ngunit paanong pareho silang umiral at namayagpag sa kapwa Katolikong mga bansa—Ang Argentina at Pilipinas kung saan malakas ang machismo?  Kasi itinuturing ng mga taga-Argentina si Evita na isang curandera, isang lokal na babaeng faith healer, habang sa aking tesis masterado, aking sinabi na tila nag-ala sinaunang babaylan si Imelda—espirituwal at kultural na pinuno, kwentista at manggagamot.

Curandera, babaeng faith healer sa Argentina.

Curandera, babaeng faith healer sa Argentina.

Si Evita bilang curandera.

Si Evita bilang curandera.

Babaylan, ang manggagamot.  Detalye ng serye ng mural na "History of Philippine Medicine"  ni Carlos "Botong" Francisco.

Babaylan, ang manggagamot. Detalye ng serye ng mural na “History of Philippine Medicine” ni Carlos “Botong” Francisco.

Si Imelda na umaawit sa gitna ng kaguluhan sa karagatan.  Parang isang babaylan.  Kuha ni Steve Tirona.

Si Imelda na umaawit sa gitna ng kaguluhan sa karagatan. Parang isang babaylan. Kuha ni Steve Tirona.

Ang hindi maikakaila, sa masama man o mabuti, binago nila ang mundo.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 25 July 2013)

XIAO TIME, 19 July 2013: KASAYSAYAN NG STATE OF THE NATION ADDRESS

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

The Congress during the State of the Nation Address of President Benigno Aquino, III.  Mula sa malacanang.gov.ph.  From malacanang.gov.ph.

The Congress during the State of the Nation Address of President Benigno Aquino, III. Mula sa malacanang.gov.ph. From malacanang.gov.ph.

19 July 2013, Friday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Sa July 22, 2013, ibabahagi ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang ika-apat na talumpati ukol sa kalagayan ng bansa o State of the Nation Address.  Noong 2009, isang pangunahing pahayagan ang naglathala ng isang artikulo ukol sa kasaysayan ng State of the Nation Address at sinabi nito na ang unang manipestasyon ng SONA ay ang tinawag nilang “State of the Katipunan Address” o SOKA na ibinahagi ni Supremo Andres Bonifacio bilang pangulo ng pamahalaang mapanghimagsik noong Tejeros Convention na umagaw sa kanyang puwesto noong March 22, 1897.  Lumaganap ang impormasyon na ito sa internet, tradisyunal na media at maging sa mga billboard sa paaralan.

Bonifacio speaking during the Tejeros Convention.  From Adarna Publishing, Inc.

Bonifacio speaking during the Tejeros Convention. From Adarna Publishing, Inc.

Source of SOKA.

Source of SOKA.

SOKA???  Kaloka.  Liban sa katunog ito ng SOCO, walang record na nagsuka, este, nagtalumpati si Bonifacio ukol sa kalagayan ng Katipunan sa kapulungan na iyon.  Salamat kay Undersecretary Manolo Quezon, tinama niya gamit ang mga historikal na batis sa kanyang mga sulatin ang kasaysayan ng napakahalagang taunang kaganapang ito.  Ang terminong “State of the Nation” ay hiniram sa ulat na “The State of the Union” na binibigkas ng Pangulo ng Estados Unidos ng Amerika sa kanyang kongreso.

Gus Abelgas, SOCOooooooooo!

Gus Abelgas, SOCOooooooooo!

Si Xiao Chua kasama sina Undersecretary Manuel Quezon, III (ikatlo mula sa kaliwa), kasama sina Dr. Evelyn Songco at Dr. Cesar Pobre, mga dating pangulo ng Kapisanang Pagkasaysayan ng Pilipinas, Tejeros Hall, AFP Commissioned Officers Club, Camp Aguinaldo, March 2011.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Franklin Roosevelt delivering one of his State of the Union Addresses. From gannett-cdn.com

Franklin Roosevelt delivering one of his State of the Union Addresses. From gannett-cdn.com

John F. Kennedy delivering his State of the Union Address. From advisorone.com

John F. Kennedy delivering his State of the Union Address. From advisorone.com

The Joint Session of Congress listening to Barack Obama's State of the Union Address. From whitehouse.gov.

The Joint Session of Congress listening to Barack Obama’s State of the Union Address. From whitehouse.gov.

Sa 1935 constitution nasasaad na isa sa tungkulin ng Pangulo ng Pilipinas  “from time to time” ay ang pagbibigay ng ulat ukol sa “State of the Nation,” at una itong isinakatuparan ni Pangulong Manuel Quezon noong November 25, 1935 sa harapan ng Pambansang Asembleya.  Tanging si Pangulong Elipidio Quirino lamang ang nag-SONA na wala sa kongreso.  Noong January 23, 1950, ang maysakit na Quirino ay iniradyo na lamang ang kanyang SONA sa kongreso mula sa John Hopkins Hospital sa Baltimore.

Fom gov.ph:  President Manuel L. Quezon delivers his 1940 message to the National Assembly in front of its Speaker Jose Yulo and United States High Commissioner Francis B. Sayre.

Fom gov.ph: President Manuel L. Quezon delivers his 1940 message to the National Assembly in front of its Speaker Jose Yulo and United States High Commissioner Francis B. Sayre.

From gov.ph:  President Roxas delivers his SONA in 1946.

From gov.ph: President Roxas delivers his SONA in 1946.

From tumblr.malacanang.gov.ph:  President Manuel Roxas, as he delivers his first State of the Nation Address, on June 3, 1946.

From tumblr.malacanang.gov.ph: President Manuel Roxas, as he delivers his first State of the Nation Address, on June 3, 1946.

From gov.ph:  President Quirino in 1949.

From gov.ph: President Quirino in 1949.

Sa Quirino habang nagso=SONA sa  ospital, mula sa gov.ph.

Sa Quirino habang nagso=SONA sa ospital, mula sa gov.ph.

Si Pangulong Ferdinand Marcos, liban sa may hawak na record na pinakamaraming SONA na naibigay—20, ang nagbigay rin ng pinakamahabang SONA noong 1969, 29,335 words, isang libro!

Isang librong SONA:  1969 (Mula sa Aklatan ng Sinupang Xiao Chua)

Isang librong SONA: 1969 (Mula sa Aklatan ng Sinupang Xiao Chua)

Noong January 26, 1970, nagkaroon ang malaking rally ang mga kabataan sa harapan mismo ng Kongreso at matapos na magtalumpati ang Pangulong Ferdinand Marcos, pinaulanan siya ng bato.  At dito nagkaroon tayo ng dalawang SONA, ang SONA ng pangulo at ang tinatawag na “SONA ng Bayan” na nagpapakita ng dalawang mukha ng bayan, ang mga tagumpay at kabiguan ng pamahalaan.

Ang mga binti ni Prop. Judy Taguiwalo at patuloy na hinampas ng mga awtoridad.  Mula sa Militant But Groovy.

Ang mga binti ni Prop. Judy Taguiwalo at patuloy na hinampas ng mga awtoridad. Mula sa Militant But Groovy.

Xiao Chua with UP ALYANSA, participating during the protests for the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo, 2009.  Photo  by Marlon Cornelio.

Xiao Chua with UP ALYANSA, participating during the protests for the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo, 2009. Photo by Marlon Cornelio.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.  Photo  by Marlon Cornelio.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.

Natigil ang SONA nang iproklama ni Marcos ang Martial Law noong 1972 at napalitan ito ng Ulat sa Bayan tuwing Thanksgiving Day o Anibersaryo ng Martial Law, September 21 hanggang ibalik niya muli ang praktis ng SONA noong 1978 at mula noon sa Batasang Pambansa na ito ginawa.

From gov.ph: President Ferdinand E. Marcos delivering the 1972 SONA in the Legislative Building in Manila (Ang huling SONA bago ang Batas Militar).

From gov.ph: President Ferdinand E. Marcos delivering the 1972 SONA in the Legislative Building in Manila (Ang huling SONA bago ang Batas Militar).

Si Pangulong Marcos bilang primer ministro ng bansa sa Batasang Pambansa.

Si Pangulong Marcos bilang primer ministro ng bansa sa Batasang Pambansa.

Si Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang SONA sa harapan ng Batasang Pambansa.  Mula sa The New Republic.

Si Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang SONA sa harapan ng Batasang Pambansa. Mula sa The New Republic.

Mahalaga ang unang SONA ng Pangulong Noynoy Aquino noong 2010 sapagkat ito ang unang SONA na ibinahagi halos sa Wikang Pambansa.  Sa wakas, may nakaisip na dapat nakikipag-usap ang pangulo hindi lamang sa iilang mga kongresista at mga diplomatiko kundi sa buong bayan.  Nasabi ng aking ina, ang sarap palang pakinggan ng SONA kapag naiintindihan mo.

PNoy's First SONA, 2010.

PNoy’s First SONA, 2010.

PNoy's First SONA, 2010.

PNoy’s First SONA, 2010.

Ang bansa ay parang isang relihiyon din, kailangan nito ng mga ritwal na nagpapaalala sa atin na nasa iisang bangka tayo, na isang bansa tayo anuman ang mangyari sa atin, at ang SONA ang okasyon na kung saan ang pangulo, bilang punong saserdote ng bansa, ay magsasalita. Ang lahat, magkakalaban man at magkakakampi, nagiging isa sa pakikinig.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Jollibee Philcoa, 11 July 2013)

Si Erap Estrada habang nagso-SONA.

Si Erap Estrada habang nagso-SONA.

Si Gloria Arroyo na tila isang punong saserdote na pinamumunuan ang isang ritwal ng bansa.

Si Gloria Arroyo na tila isang punong saserdote na pinamumunuan ang isang ritwal ng bansa.

Si Pnoy matapos ang kanyang SONA.

Si Pnoy matapos ang kanyang SONA.

BEYOND TRIVIA: The “Saysay” of the SONA

On the occasion of the fourth State of the Nation Address of President Benigno S. Aquino, III, I am reposting one of my columns, “Walking History,” that I made for the short-lived newspaper “Good Morning Philippines,” 25 July 2011, p. 8.  Special thanks to my editor Ms. Rita Gadi:

The Congress during the State of the Nation Address of President Benigno Aquino, III.

The Congress during the State of the Nation Address of President Benigno Aquino, III.  From Malacanang.gov.ph.

https://xiaochua.net/2013/07/21/xiao-time-19-july-2013-kasaysayan-ng-state-of-the-nation-address/

It’s SONA time once again!  And as a historian I am expected to give a SONA trivia.

A leading broadsheet published a short piece on the precursors of the State of the Nation Address (SONA) in 2009 saying that what is now known today as the State of the Katipunan (SOKA) address was supposedly delivered by the President of what must be considered as the First Filipino National Government, Andres Bonifacio, at the Tejeros Convention on 22 March 1897.  This was picked up by some magazines and also by Wikipedia and published it as trivia: the first manifestation of the SONA.

Source of SOKA.

Source of SOKA.

First, among historical circles, there was no such thing as the SOKA.  Aside from the funny connotation of the acronym that seems to be a joke, even sounding like a Gus Abelgas TV show, I checked the primary sources written by Artemio Ricarte and Santiago Alvarez and secondary sources crafted by Teodoro Agoncillo and Adrian Cristobal on the Tejeros Convention and found no mention of Bonifacio delivering a speech reviewing the accomplishments of his government from the establishment of the Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan on 7 July 1892, to the outbreak of the revolution on August 1896. He supposedly also outlined the programs that he intended to launch.

Bonifacio speaking during the Tejeros Convention.  From Adarna Publishing, Inc.

Bonifacio speaking during the Tejeros Convention. From Adarna Publishing, Inc.

Gus Abelgas, SOCOooooooooo!

Gus Abelgas, SOCOooooooooo!

What was mentioned was a debate by the delegates and Bonifacio on the proposed replacement of the Katipunan revolutionary government with a more Western type government, to which Bonifacio conceded for as long as the decision of the majority will be respected.  His adherence to the democratic principles led to his replacement in an election that was rumored to be rigged from the start, and then a power struggle that ended to his and his brother Procopio’s execution in the hands of his own men.

More than trivia, this was the painful start of the Filipino Nation.  As always according to historian Dr. Zeus Salazar, it was a clash of the mentality of the elites and the bayan.  Bonifacio envisioned a country, Inang Bayan, based on Kapatiran of everyone, the elite and the bayan.  We are all Anak ng Bayan, and that Kalayaan can only be attained if there’s kaginhawaan and mabuting asal.  The elite did not totally accept this, wanting to adapt a different concept that they learned from Western schools:  The concept of Nación—republican democracy based on rights guaranteed by a written constitution, with emphasis on political freedom and power.  With the power struggle which characterized the birth of the nation, kapatiran lost to Western emphasis on power.  And since then, elite democracy became the order of the day in this country.

Since this concept of nation had no cultural basis, therefore it is, as Benedict Anderson puts it, an “imagined community,” the state needs symbols and rituals to bind the different peoples in the Philippines to this “imagined” nation.  Polish academic Krzysztof Gawlikowski likened the nation to a mythical being.  The nation is like a religion.  Like all Catholics can identify with the cross, we feel like we’re one country when we sing the national anthem and rally around one flag.

Krzysztof Gawlikowski

Krzysztof Gawlikowski

In our annual life as a nation, the State of the Nation Address is a very important ritual.  More than just watching for the wardrobe of the president and more new wardrobes from lady congressmen and socialites, or what new gimmicks or slogans will be employed to add to SONA’s entertainment value, this is the time of the year when the whole Filipino people, both the elite and the masses, listen intently to the president, the high priest of the nation, preside in the opening of congress and outline his achievements and plans.  For a time, admin fans and opposition are one in reflecting on the state of our nation, as ONE NATION.

Franklin Roosevelt delivering one of his State of the Union Address.  From gannett-cdn.com

Franklin Roosevelt delivering one of his State of the Union Addresses. From gannett-cdn.com

John F. Kennedy delivering his State of the Union Address.  From advisorone.com/

John F. Kennedy delivering his State of the Union Address. From advisorone.com.

The Joint Session of Congress listening to Barack Obama's State of the Union Address.  From whitehouse.gov.

The Joint Session of Congress listening to Barack Obama’s State of the Union Address. From whitehouse.gov.

The term “State of the Nation” was borrowed from “The State of the Union,” the report of the American President to his Congress.  On 16 June 1936, Commonwealth President Manuel Luis Quezon copied the practice and delivered “On The Country’s Conditions and Problems” to his congress.  But the precursor of what we now call “Ulat sa Bayan,” a more direct address to the people on the achievements of the Commonwealth government, was the much awaited address of President Quezon during the anniversaries of the establishment of the Philippine Commonwealth every 15 November.  In an earlier research, I found out that people gather around radio sets and listen to Quezon’s speeches which reflected the optimism of the early years, the hard realities of self governance and finally, the fears of the coming World War.  Quezon’s non-appearance to deliver his speech in 1938 also reflected the failing health of the president.

Fom gov.ph:  President Manuel L. Quezon delivers his 1940 message to the National Assembly in front of its Speaker Jose Yulo and United States High Commissioner Francis B. Sayre.

Fom gov.ph: President Manuel L. Quezon delivers his 1940 message to the National Assembly in front of its Speaker Jose Yulo and United States High Commissioner Francis B. Sayre.

Commonwealth Day in new Quezon City, November 15, 1940.  From the Manila Bulletin microfilm of the University of the Philippines Main Library.

Commonwealth Day in new Quezon City, November 15, 1940. From the Manila Bulletin microfilm of the University of the Philippines Main Library.

Commonwealth Day in new Quezon City, November 15, 1940.From the Manila Bulletin microfilm of the University of the Philippines Main Library.

Commonwealth Day in new Quezon City, November 15, 1940.From the Manila Bulletin microfilm of the University of the Philippines Main Library.

After the Americans returned our independence, President Manuel Roxas delivered to the first congress his “Message on the State of the Nation” on 27 January 1947.  According to presidential historian Manolo Quezon, this started the practice of the president’s message being called “State of the Nation” and being delivered January of every year until President Marcos declared Martial Law in 1972.  On 23 January 1950, with President Elpidio Quirino delivering his second speech to congress entitled “Address on the State of the Nation,” historian Quezon said that the SONA as we know it today “can be said to have firmly been established.”

From gov.ph:  President Roxas delivers his SONA in 1946.

From gov.ph: President Roxas delivers his SONA in 1946.

From tumblr.malacanang.gov.ph:  President Manuel Roxas, as he delivers his first State of the Nation Address, on June 3, 1946.

From tumblr.malacanang.gov.ph: President Manuel Roxas, as he delivers his first State of the Nation Address, on June 3, 1946.

From gov.ph:  President Quirino in 1949.

From gov.ph: President Quirino in 1949.

Xiao Chua with Undersecretary Manuel"Manolo" Quezon, III, 2005.  From the Archives of the Xiao Chua Library.

Xiao Chua with Undersecretary Manuel”Manolo” Quezon, III, 2005. From the Archives of the Xiao Chua Library.

The SONA on 26 January 1970 was one for the books.  It was opened by Fr. Pacifico Ortiz, S.J. who prayed for a nation at the brink of a revolution.  Outside the Old Congress Building at P. Burgos St. were hundreds of restless student demonstrators who, when President Fetrdinand Marcos and his wife Imelda went out of the steps of congress, threw stones at the first couple. Fabian Ver, their bodyguard showed supreme loyalty by covering them.  The battle between the police and the students continued to the night and for months to come.  This was one of the highlights of the First Quarter Storm, and also the beginning of the tale of two SONAs:  The official SONA, and what we now call the “SONA ng Bayan,” a demonstration to represent the supposed real sorry state of the nation.

Ang tinatayang 50,000 sa labas ng Kongreso, hinihintay si Pangulong Marcos na lumabas.  Mula kay Susan Quimpo.

Ang tinatayang 50,000 sa labas ng Kongreso, hinihintay si Pangulong Marcos na lumabas. Mula kay Susan Quimpo.

SONA 1970.  Mula sa Not On Our Watch.

SONA 1970. Mula sa Not On Our Watch.

Si Fabian Ver habang pinoprotektahan ang Pangulo.  Mula sa Delusions of a Dictator.

Si Fabian Ver habang pinoprotektahan ang Pangulo. Mula sa Delusions of a Dictator.

Ang mga binti ni Prop. Judy Taguiwalo at patuloy na hinampas ng mga awtoridad.  Mula sa Militant But Groovy.

Ang mga binti ni Prop. Judy Taguiwalo at patuloy na hinampas ng mga awtoridad. Mula sa Militant But Groovy.

Xiao Chua with UP ALYANSA, participating during the protests for the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo, 2009.  Photo  by Marlon Cornelio.

Xiao Chua with UP ALYANSA, participating during the protests for the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo, 2009. Photo by Marlon Cornelio.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.  Photo  by Marlon Cornelio.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo. Photo by Marlon Cornelio.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.  Photo  by Marlon Cornelio.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo. Photo by Marlon Cornelio.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.

Protests during the last SONA of President Gloria Macapagal-Arroyo.

The first SONA of President Benigno Aquino III last year was historic because, among other things, for the first time, some brilliant guy in his administration had a common sense realization that the SONA is not some speech intended for the diplomatic corps or CNN, but for the Filipino people.  Not even during the time of President Joseph Estrada when he used Taglish in his SONA, PNoy chose to speak almost entirely in the national language.

PNoy's First SONA, 2010.

PNoy’s First SONA, 2010.

PNoy's First SONA, 2010.

PNoy’s First SONA, 2010.

At last, after years of SONAs being delivered only to a Congress representing an elite democracy who can understand English, PNoy included the bayan as part of this important ritual of nationhood, wherein the real goal of it must be to finally lessen the gap between the haves and the have nots.  It was just a first step, a gesture, but a good first step nonetheless.  Now start playing the presidential march, “We say mabuhay…!”  It’s SONA time once again!

21 July 2011

XIAO TIME, 2 July 2013: ANG LIHIM NA KWENTO NI IMELDA MARCOS

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Sa likod ng karangyaan at mga magagandang hiyas ay isang mapait na kwento.  Si Unang Ginang Imelda Romualdez bilang isang Reyna sa paglalarawan ni Ralph Wolfe Cowan, tagapagpinta ng Prinsipe at Prinsesa ng Monaco, Rainier at Grace.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Sa likod ng karangyaan at mga magagandang hiyas ay isang mapait na kwento. Si Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos bilang isang Reyna sa paglalarawan ni Ralph Wolfe Cowan, tagapagpinta ng Prinsipe at Prinsesa ng Monaco, Rainier at Grace. Mula sa Marcos Presidential Center.

2 July 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=1Ms0hSVGf7k

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  84 years ago, July 2, 1929, isinilang si Imelda Remedios Visitacion Romualdez sa Lungsod ng Maynila.  36 na taon lamang ang lilipas, siya na ang unang ginang ng Pilipinas, Imelda Marcos, noong 1965.

Unang Ginang sa edad na 36, 1966.  Mula sa LIFE Magazine sa Aklatang Xiao Chua.

Unang Ginang sa edad na 36, 1966. Mula sa LIFE Magazine sa Aklatang Xiao Chua.

Isang personal na larawan nina Pangulo at Unang Ginang Ferdinand at Imelda Marcos.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Isang personal na larawan nina Pangulo at Unang Ginang Ferdinand at Imelda Marcos. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Imelda na may parasol sa paglalarawan ng hyperrealist na pintor mula sa Chile na si Claudio Bravo.  Mula sa Metropolitan Museum of Manila.

Si Imelda na may parasol sa paglalarawan ng hyperrealist na pintor mula sa Chile na si Claudio Bravo. Mula sa Metropolitan Museum of Manila.

Noong una, lagi na lamang ibinabandera na nagmula siya sa pulitikal at aristokratang angkan ng mga Romualdez sa Leyte.  Ngunit noong 1969, naglabas ng isang aklat ang peryodistang si Carmen Navarro Pedrosa, The Untold Story of Imelda Marcos.  Ang tanong niya?  Bakit itatago ang kanyang nakaraan kung maaari sana itong magbigay ng inspirasyon sa iba.

Carmen Navarro Pedrosa.  Mula sa koleksyong Carmen Pedrosa.

Carmen Navarro Pedrosa. Mula sa koleksyong Carmen Pedrosa.

Ang unang edisyon (1969) ng kontrobersyal na aklat, ang unang biograpiya na nagbigay linaw sa maagang buhay ng Unang Ginang.  Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Ang unang edisyon (1969) ng kontrobersyal na aklat, ang unang biograpiya na nagbigay linaw sa maagang buhay ng Unang Ginang. Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Sa isang bahay sa Kalye Heneral Solano, San Miguel, Maynila malapit sa Palasyo ng Malacañan, namuhay ang pamilya ni Imelda.  Ang kanyang ama na si Vicente Orestes bagama’t abogado at dekano pa ay suportado ng mga kapatid na mas prominente.  Ayon mismo sa anak ni Imelda na si Congresswoman Imee sa aming panayam sa kanya, “Yung tatay niya, pag minsan may pera, kung minsan wala.  Pag walang pera, tutugtog ng piano para makalimutan yung gutom.  Beethoven ang kinakain.”

Si Xiao Chua at Angelito Angeles habang kinakapanayam si Rep. Ma. Imelda "Imee" Marcos, September 6, 2004, Batasang Pambansa.

Si Xiao Chua at Angelito Angeles habang kinakapanayam si Rep. Ma. Imelda “Imee” Marcos, September 6, 2004, Batasang Pambansa.

Vicente Orestes Romualdez.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Vicente Orestes Romualdez. Mula sa Marcos Presidential Center.

Paglalarawan ng diumano ay pamumuhay ni Imelda noong siya ay bata pa sa Maynila.  Kuha ni Xiao Chua sa Sto. Nino Shrine sa Tacloban, Leyte.

Paglalarawan ng diumano ay pamumuhay ni Imelda noong siya ay bata pa sa Maynila. Kuha ni Xiao Chua sa Sto. Nino Shrine sa Tacloban, Leyte.

Si Estrella Cumpas, ang yaya ni Imelda, na nagkwento ng mga mapait na karanasan ni Imelda kay Carmen Pedrosa.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Estrella Cumpas, ang yaya ni Imelda, na nagkwento ng mga mapait na karanasan ni Imelda kay Carmen Pedrosa. Mula kay Carmen Pedrosa.

Habang ang ina naman ni Imelda na si Remedios Trinidad Romualdez, bilang pangalawang asawa, ay nagdusa diumano ng katakut-takot na sakit ng damdamin sa mga anak ng unang asawa.  Nang magkaroon ng lamat ang kanilang relasyong mag-asawa, sa isang tinayong karton sa garahe tumira ang mag-iina ni Remedios.

Ang kasal ng mga magulang ni Imelda.   Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang kasal ng mga magulang ni Imelda. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Remedios Trinidad noong kanyang kabataan.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Remedios Trinidad noong kanyang kabataan. Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad sa araw ng kanyang kasal.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad sa araw ng kanyang kasal. Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad Rmoualdez.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad Rmoualdez. Mula kay Carmen Pedrosa.

Sa kanyang pagiging Unang Ginang, ang dating nasa ibaba ng angkan ay nailagay na sa tugatog nito.  Mula sa Sto. Nino Shrine, Tacloban, Leyte sa pangangalaga ng Presidential Commission on Good Government.

Ang batang Imelda.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang batang Imelda. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Imelda (kanan) kasama ang half-sister na si Lourdes,  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Imelda (kanan) kasama ang half-sister na si Lourdes, Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang larawan para sa unang komunyon ni Imelda.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang larawan para sa unang komunyon ni Imelda. Mula sa Marcos Presidential Center.

Kahit si Imelda naaalala kung paanong ang kanyang ina ay ginagawan siya ng mga maliit na damit na gawa sa seda, binibihisan tulad ni Shirley Temple at pakakantahin sa gitna ng sala kapag sila ay may bisita.  Ngunit namatay ang ina ni Imelda sa sakit na pulmunya at sakit ng loob noong December 7, 1938.

Si Xiao Chua habang kinakapanayam si Unang Ginang Imelda Marcos, kuha ni Jose Angelito Angeles, 2008.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua habang kinakapanayam si Unang Ginang Imelda Marcos, kuha ni Jose Angelito Angeles, 2008. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Imelda bilang estudyante ng St. Paul's Tacloban.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Imelda bilang estudyante ng St. Paul’s Tacloban. Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang larawan ni Imelda na masasabing paborito ni Pangulong Marcos, naiwan ito sa kanyang mesa noong EDSA 1986.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang larawan ni Imelda na masasabing paborito ni Pangulong Marcos, naiwan ito sa kanyang mesa noong EDSA 1986. Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang batang Imelda.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang batang Imelda. Mula kay Carmen Pedrosa.

Nang kapanayamin namin si Gng. Marcos, sabi niya ukol sa ama at buhay nila noong bata pa, “How can he be a pauper?  Doctor of laws, and living in a garahe!  Ang corny!  Temporarily, true, …but it was my happy period of my life because my mother made a house, para kaming nagbahay-bahayan.  …The house was being repaired, baka mamaya mauntugan kami ng mga martilyo.”

Ang Rosas ng Tacloban.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang Rosas ng Tacloban. Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang Lakambini ng Maynila.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang Lakambini ng Maynila. Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang Unang Ginang ng buong Pilipinas.  Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Ang Unang Ginang ng buong Pilipinas. Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Si Imelda Marcos bilang gobernador ng Metro Manila at ministro ng Human Settlements.  Mula sa Fookien Times Yearbook sa Aklatang Xiao Chua.

Si Imelda Marcos bilang gobernador ng Metro Manila at ministro ng Human Settlements. Mula sa Fookien Times Yearbook sa Aklatang Xiao Chua.

Ang ikinubling karanasan na ito marahil ang dahilan kung bakit ang babaeng simple ang mga damit noon ay nagsuot ng mga magagarang kasuotan at mga alahas, at ang babaeng nagbahay-bahayan sa garahe ay tumira sa mga palasyo sa daigdig.  Sa kanyang talento at kagandahan, sinikap niyang baguhin ang kanyang buhay.  Sa masama man o mabuti, nagbago rin ang sa atin.  Nagbago rin ang buhay ni Pedrosa.  Dahil sa harassment ng mga tauhan ng mga Marcos, napawalay sa sariling lupa, ang kanyang aklat ay sinamsam at ipinagbawal.  44 na taon matapos na unang mailathala, noong nakaraang June 20 lamang ito pormal na inilunsad kaugnay ng isang bagong edisyon, hindi marahil makapaniwala na una, buhay pa sila habang marami sa kanilang mga kaibigan sa pakikibaka ay wala na, at pangalawa, dahil sa gitna ng pagmamali ng kasaysayan ng ilan ay kinakailangan pa ring ilabas muli ang konstrobersyal na aklat.

Si Carmen Pedrosa bilang destiero sa London.  Mula sa fb page ni Carmen Pedrosa.

Si Carmen Pedrosa bilang destiero sa London. Mula sa fb page ni Carmen Pedrosa.

Si Xiao Chua sa unang pagkikita nila ng idolong si Pedrosa, May 2011, Heroes Square Rizal @ 150 Tour, Fort Santiago.

Si Xiao Chua sa unang pagkikita nila ng idolong si Pedrosa, May 2011, Heroes Square Rizal @ 150 Tour, Fort Santiago.

Carmen Pedrosa hawak ang bagong edisyon ng kanyang akda.  June 20, 2013, Opera Haus, Makati.

Carmen Pedrosa hawak ang bagong edisyon ng kanyang akda. June 20, 2013, Opera Haus, Makati.

Ang makasaysayang unang paglulunsad ng isang higit 40-taon nang aklat.

Ang makasaysayang unang paglulunsad ng isang higit 40-taon nang aklat.

Si Xiao Chua, Jonathan Balsamo at Carmen Pedrosa noong paglulunsad ng kanyang The Untold Story of Imelda Marcos.

Si Xiao Chua, Jonathan Balsamo at Carmen Pedrosa noong paglulunsad ng kanyang The Untold Story of Imelda Marco.  Mula sa Koleksyong Jonathan Balsamo.

Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 27 June 2013: KASAYSAYAN NG BUHAY NI KA LUIS TARUC (LUIS TARUC @ 100)

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang poster para sa sentenaryo mi Ka Luis Taruc na nagpapakita sa kanya kasama ang mga Huk at nilagyan ng background ng paanan ng Arayat kung saan sila nakibaka laban sa mga Hapones.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

27 June 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=GzTc3R2tRCo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  May early bird fee kung magpapatala hanggang June 30.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  Noong nakaraang June 21, 2013, ginunita sa San Luis, Pampanga, kapwa ang pista nito at ang ika-isandaang taon ng pagkasilang ni Ka Luis Taruc.  Naroon ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas at ang Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Pakikilahok ng bayan sa pagpaparangal kay Ka Luis Taruc noong June 21, 2013.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Pakikilahok ng bayan sa pagpaparangal kay Ka Luis Taruc noong June 21, 2013. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Ang Arsobispo ng San Fernando, Most Rev. Paciano Aniceto, D.D. habang binabasbasan ang parkeng ipinangalan kay Luis Taruc.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Ang Arsobispo ng San Fernando, Most Rev. Paciano Aniceto, D.D. habang binabasbasan ang parkeng ipinangalan kay Luis Taruc. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Si Dr. Romeo Taruc, dating konsehal ng Angeles at anak ni Ka Luis, kasama ni Dr. Ferdinand C. Llanes, kumisyunado ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas habang nag-aalay ng bulaklak para kay Ka Luis.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Si JDN Center for Kapampangan Studies Director Robbie Tantingco habang nagpapaliwanag kay Gobernador ng Pampanga, Lilia Pineda ukol sa memorabilia ni Ka Luis.  Nakamasid sa likuran nila si Fray Francis Musngi.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Paglagda ni Mayor Venancio "Asyong" Macapagal ng San Luis, Pampanga sa resolusyon ng sangguniang bayan na nagpapangalan sa plaza ng bayan bilang Luis M. Taruc Freedom Park.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Paglagda ni Mayor Venancio “Asyong” Macapagal ng San Luis, Pampanga sa resolusyon ng sangguniang bayan na nagpapangalan sa plaza ng bayan bilang Luis M. Taruc Freedom Park. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Pinangunahan ni Gobernador Lilia Pineda at Dr. Ferdinand Llanes ang paghahawi ng tabing para sa parke.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Pinangunahan ni Gobernador Lilia Pineda at Dr. Ferdinand Llanes ang paghahawi ng tabing para sa parke. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Ang pagpapasinaya ng Luis M. Taruc Freedom Park sa San Luis, Pampanga, june 21, 2013, sentenaryo ng kapanganakan ni Ka Luis.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Ang pagpapasinaya ng Luis M. Taruc Freedom Park sa San Luis, Pampanga, june 21, 2013, sentenaryo ng kapanganakan ni Ka Luis. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Maging si Ka Luis hindi aakalaing ipapangalan sa kanya ang plaza ng bayan bilang Luis M. Taruc Freedom Park, ang bayan kung saan noong lumalaki siya noong Dekada 1920s ay dinudusta sila ng mga hasendero at Panginoong maylupa. [Minsan ding isang tinyenteng dating niligawan ang kanyang ina ang nagparatang ng krimen sa kanyang ama.  Doon niya napagtanto na hindi lamang mabuting kalooban ang kailangan mayroon ang tao, kailangan mo rin ng matalinong utak, kung ipagtatanggol mo ang karapatan mo.]  Sa Tarlac siya naghayskul at nakita niya kung paanong tinatratong parang hayup ng mga dating Espanyol na mga may-ari ng Hacienda Luisita ang kanilang mga kasama.  Nakita niya kung paanong nilatigo ng isang katiwalang Espanyol ang isang nagrereklamong Ilokanong kasama na pinangakuan na mabayaran ng Php 1.20 ngunit binayaran lamang ng 40 sentimos.  Sa sobrang galit ng Ilokano, nilusob niya ang Espanyol at tinaga ito hanggang sa magkagutay-gutay.  Napukaw ang kanyang isipan, may katwiran ang Ilokanong kasama ngunit tama bang patayin ang katiwala?  Nakipagdiskusyon siya ukol dito sa mga sosyalistang hindi marunong bumasa at naimpluwensyahan ng mga ito, hanggang siya mismo ay nagsasalita na sa ukol sa pagkakapantay-pantay kahit na wala naman siyang alam banggitin kundi mga reperensya sa Biblia.

Ka Luis Taruc.  Mula sa asiaobserver.org.

Ka Luis Taruc. Mula sa asiaobserver.org.

Ka Luis Taruc.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ka Luis Taruc. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Noong 1936 ay iniwan ang kanyang patahian sa asawa at sumama kay Pedro Abad Santos ng unyong Aguman ding Maldang Tagapagobra.  Sa pagsakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong 1942, Sa Concepcion, Tarlac, sa paanan ng Bundok Arayat, napiling Supremo ng Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon o Hukbalahap, na siyang lumaban at nagpalaya sa Pampanga at Gitnang Luzon bago pa dumating ang mga Amerikano.  Hindi sila kinilalang lehitimong gerilya ng mga Amerikano.

Pedro Abad Santos.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Pedro Abad Santos. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang pagpapalaya ng San Fernando, Pampanga mula sa Hapones ng mga Pilipinong gerilyang Huk bago pa dumating sina MacArthur, 1945.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang pagpapalaya ng San Fernando, Pampanga mula sa Hapones ng mga Pilipinong gerilyang Huk bago pa dumating sina MacArthur, 1945. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Sa panahon ng kasarinlan, kahit na isang rebelde, nanalong kongresista ngunit dalawang beses na hindi pinaupo ng mga pulitiko sa kanyang pwesto.  Muling namundok, gusto lamang daw niya ng parehas at mas magandang trato sa bayan mula sa pamahalaan.

Si Ka Luis habang nagtatalumpati.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ka Luis habang nagtatalumpati. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ka Luis Taruc.

Ka Luis Taruc.

Lakaran ni Ka Luis kasama ng kanyang mga kapatid sa pakikibaka sa Huk.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Lakaran ni Ka Luis kasama ng kanyang mga kapatid sa pakikibaka sa Huk. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Nagbalik loob sa pamahalaan noong 1948 at tinanggap pa ni Pangulong Elpidio Quirino sa Palasyo ng Malacañan ngunit nang matunugan na kakasuhan muli ay ipinagpatuloy ulit ang laban.

Ka Luis Taruc.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ka Luis Taruc. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang pagbabalik-loob ni Ka Luis Taruc sa pamahalaan kay Pangulong Elpidio Quirino sa mismong palasyo ng Malacanang.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Ang pagbabalik-loob ni Ka Luis Taruc sa pamahalaan kay Pangulong Elpidio Quirino sa mismong palasyo ng Malacanang. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Masayang Taruc matapos ang pulong kay Pangulong Quirino.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Masayang Taruc matapos ang pulong kay Pangulong Quirino. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Nang pasukuin siya ng batang reporter na si Ninoy Aquino noong 1954, napasuko din ni Taruc ang isip at puso ni Ninoy na mag-adhika sa pagkakapantay-pantay ng lahat.  Si Ka Luis ay pinatawad ni Pangulong Marcos at sa pag-aakalang ipapatupad na ang tunay na repormang pang-agraryo, tumulong siya sa programang ito.

Si Ka Luis habang nagdidiskurso ukol sa pulitika sa mga mangagawa.  Mula sa LIFE.

Si Ka Luis habang nagdidiskurso ukol sa pulitika sa mga mangagawa. Mula sa LIFE.

Si Ninoy habang nakikipagnegosasyon sa pagbabalik loob muli ni Taruc sa pamahalaan.  Mula sa josemariasison.org.

Si Ninoy habang nakikipagnegosasyon sa pagbabalik loob muli ni Taruc sa pamahalaan. Mula sa josemariasison.org.

Paghuli kay Ka Luis Taruc ni Major General Vargas.  Mula sa quod.lib.umich.edu.

Paghuli kay Ka Luis Taruc ni Major General Vargas. Mula sa quod.lib.umich.edu.

Si Ninoy at si Taruc bago humarap ang huli sa hukuman.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ninoy at si Taruc bago humarap ang huli sa hukuman. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Pagharap ni Ka Luis Taruc sa Manila Court of First Instance sa sala ni judge Gregorio Narvasa sa patong-patong na kaso ng mga krimen ng mga huk pati na ang pagpaslang kay Dona Aurora Aragon Quezon.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Hinalikan ni Taruc ang kamay ng kanyang ina sa korte.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Hinalikan ni Taruc ang kamay ng kanyang ina sa korte. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ka Luis Taruc sa loob ng piitan.  Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ka Luis Taruc sa loob ng piitan. Mula sa JDN Center for Kapampangan Studies ng Holy Angel University.

Si Ka Luis Taruc habang umiikot sa buong Pilipinas upang ikampanya ang reporma sa lupa na nais ipatupad ng Pangulong ferdinand Marcos.

Si Ka Luis Taruc habang umiikot sa buong Pilipinas upang ikampanya ang reporma sa lupa na nais ipatupad ng Pangulong Ferdinand Marcos.

Namatay siya noong May 4, 2005 sa edad na 91.  Ayon kay Nelson Mandela, Ang Ama ng bansang South Africa, binasa niya ang mga isinulat ni Taruc sa kanyang talambuhay na Born of the People at sinunod ito.

Ang sariling talambuhay ni Luis Taruc, Born of the People na inilathala sa Amerika.  Mula sa bibliomania.ws.

Ang sariling talambuhay ni Luis Taruc, Born of the People na inilathala sa Amerika. Mula sa bibliomania.ws.

Nelson Mandela, rebolusyunaryo.  Kuha ni Eli Weinberg, 1961.  Mula sa retronaut.com.

Nelson Mandela, rebolusyunaryo. Kuha ni Eli Weinberg, 1961. Mula sa retronaut.com.

Si Nelson Mandela kasama ang kanyang idolong si Ka Luis Taruc.  Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Si Nelson Mandela kasama ang kanyang idolong si Ka Luis Taruc. Mula sa Philippine Information Agency Gitnang Luzon.

Si Ka Luis Taruc sa kanyang katandaan.

Si Ka Luis Taruc sa kanyang katandaan.

Kaiba sa ilang pinunong rebolusyunaryo, he walked the talk, hindi nagpayaman sa sarili.  Hindi man sang-ayunan ng ilan ang kanyang pamamaraan, kailangang gawing huwaran ang kanyang paninindigan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 26 June 2013: ANG PAPEL NI CESAR E. A. VIRATA SA KASAYSAYAN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Primer Ministro Cesar Emilio Aguinaldo Virata sa likod ni Pangulong Ferdinand E. Marcos.  Mula sa Art Directors Trip Photo Library.

Si Primer Ministro Cesar Emilio Aguinaldo Virata sa likod ni Pangulong Ferdinand E. Marcos. Mula sa Art Directors Trip Photo Library.

26 June 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=9Tfi5sydA_g

Karagdagang komentaryo:  https://xiaochua.net/2013/06/19/on-cesar-e-a-viratas-role-in-the-marcos-regime-or-on-why-we-shouldnt-be-so-harsh-on-virata/

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nitong nakaraang April 12, 2013, inaprubahan ng UP Board of Regents ang muling pagpapangalan ng College of Business Administration o CBA ng Unibersidad ng Pilipinas bilang ang Cesar E.A. Virata School of Business.

Cesar E. A. Virata School of Business.  Dating UP College of Business Administration.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Cesar E. A. Virata School of Business. Dating UP College of Business Administration. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Ang mga gusali sa UP ay nakapangalan sa mga taong naging bahagi ng kasaysayan ng pamantasan, karamihan kung hindi lahat sa mga ito ay sumakabilang-buhay na.  Ito ang unang pagkakataon na isang institusyon sa loob ng pamantasan ay ipapangalan sa isang tao, at sa isang taong buhay pa.  [Ayon sa UP ni singkong duling wala silang tatanggapin na pera mula kay Ginoong Virata, hindi tulad ng malaking donasyon na nakuha ng Ateneo para sa John Gokongwei School of Management at ng La Salle para sa Ramon V. del Rosario College of Business.  Ito ay dahil lamang sa “Virata has served UP, the Philippine government and the country for many years and with clear distinction.”  Ayun naman pala.]  Liban sa iilang mga tao, naging tahimik ang isyu.  Unanimous daw na pumabor ang nakararaming estudyante ng kolehiyo kahit na ang tanong nila tungkol kay Virata ay “The who?”  Hanggang kwestiyunin ito ni Rigoberto Tiglao nitong Hunyo sa isang mother headline article sa Manila Times.

Rigoberto Tiglao, dating aktibista at tagapagsalita ng Pangulong Gloria Arroyo.  Mula sa athenspe.net.

Rigoberto Tiglao, dating aktibista at tagapagsalita ng Pangulong Gloria Arroyo. Mula sa athenspe.net.

Ang Manila Times mother headline na nagbabandila ng kontrobersya.  Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Ang Manila Times mother headline na nagbabandila ng kontrobersya. Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Kahit delayed reaction, nagbalik-tanaw ang mga tao sa naging papel ni Cesar Emilio Aguinaldo Virata sa kasaysayan ng Pilipinas.  Siya pala ay dating Finance Minster at primer ministro ng bansa?  Prime Minister???  Meron pala tayo noon.  Yup, pero prime minister sya sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos.  Yay!!!

Si Xiao Chua kasama ang Primer Ministro Cesar E.A. Virata nang si Xiao ay mailuklok sa Pi Gamma Mu International Honor Society (Social Science), University of the Philippines, Bahay ng Alumni, Diliman, Lungsod Quezon, March 2, 2009.  Kuha ni Ivana Adrienne Noelle Doria Guevara.

Finance Minister at Prime Minister Cesar Emilio Aguinaldo Virata.  Mula sa The Philippine Star.

Finance Minister at Prime Minister Cesar Emilio Aguinaldo Virata. Mula sa The Philippine Star.

Si Cesar Virata habang nanunumpa bilang primer ministro habang nakamasid ang kanyang kabiyak na si Joy, isang aktres sa teatro, sa Batasang Pambansa.  Mula sa Philippine Star.

Si Cesar Virata habang nanunumpa bilang primer ministro habang nakamasid ang kanyang kabiyak na si Joy, isang aktres sa teatro, sa Batasang Pambansa. Mula sa Philippine Star.

So sabi ng mga tumututol, bakit ipapangalan ang isang institusyon sa bastyon ng aktibismo sa panahon ng Batas Militar sa isang tuta ni Marcos?  Ngunit hindi black and white ang kasaysayan, masalimuot ito.  Si Cesar Virata ay isang teknokrat, ito yung mga matatalinong akademiko na kinuha ni Marcos mula sa mga pamantasan upang magsilbi sa pamahalaan.  Marami sa kanila naniwalang tunay na dahil sa malakas na pamumuno ng pamahalaan ni Marcos mas maraming maipapatupad na reporma.  Well sumobra nga lang sa lakas.

Cesar Emilio Aguinaldo Virata.  Photo displayed at the Emilio Aguinaldo Shrine at Kawit, Cavite.  The shrine for his granduncle.

Cesar Emilio Aguinaldo Virata. Photo displayed at the Emilio Aguinaldo Shrine at Kawit, Cavite. The shrine for his granduncle.

Si Propersor at Ministro Cesar Virata habang nagsasalita sa isang pandaigdigang pulong.  Mula sa The Philippine Star.

Si Propersor at Ministro Cesar Virata habang nagsasalita sa isang pandaigdigang pulong. Mula sa The Philippine Star.

Si Pangulong Marcos kasama ang teknokrat na si Virata at iba pang bahagi ng pamahalaan.

Si Pangulong Marcos kasama ang teknokrat na si Virata at iba pang bahagi ng pamahalaan.

Bilang dekano ng CBA sinumulan niya ang Master of Business Administration at unang nagpadala sa US ng mga kaguruan nito upang makapag-aral.  Kinuha siya ni Marcos sa kanyang pamahalaan at dahil matayog ang kanyang pangalan sa mga dayuhan, nagkaroon ng diktadura ng kredibilidad sa IMF at World Bank na pautangin tayo para itatag ang ating mga industriya.  “Deodorizer” ng rehimen ayon sa ilan.

Si Virata at ang kanyang mga kaibigan.  Mula sa The Philippine Star.

Si Virata at ang kanyang mga kaibigan. Mula sa The Philippine Star.

Si Virata sa gitna ng iba pang mga primer ministro sa daigdig, sa European Management Symposium ng World Economic Forum Annual Meeting 1983.  Mula sa Wikipedia.

Si Virata sa gitna ng iba pang mga primer ministro sa daigdig, sa European Management Symposium ng World Economic Forum Annual Meeting 1983. Mula sa Wikipedia.

Well alam naman natin na hindi nagamit ng maayos ang pera, imbes na mga pabrika, mga edipisyo ang ipinatayo.  Sa gitna nito, sinikap ni Virata na maging “konsyensya” ng pamahalaan ayon kay Beth Day Romulo, pinigil niya ang pagbibigay ng pera sa ikalawang grandiyosong Metro Manila Film Festival.  Pinagtulungan siya ng mga kabig ni Imelda sa mga cabinet meetings.

Si Xiao Chua kasama si Beth Day Romulo, Trinoma, 2011.

Si Xiao Chua kasama si Beth Day Romulo, Trinoma, 2011.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata.  Mula sa evi.com.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata. Mula sa evi.com.

Si Virata habang nagbibigay ng testimonya sa Agrava Commission.  Mula sa retrato.com.ph.

Si Virata habang nagbibigay ng testimonya sa Agrava Commission. Mula sa retrato.com.ph.

Si Primer Ministro Cesar Virata habang kinakapanayam ng mga kasapi ng media.  Mula sa mbc.com.ph.

Si Primer Ministro Cesar Virata habang kinakapanayam ng mga kasapi ng media. Mula sa mbc.com.ph.

Si Cesar Virata habang nasa kampanya.  Mula sa The Philippine Star.

Si Cesar Virata habang nasa kampanya. Mula sa The Philippine Star.

Noong April 14, 1983, sa isang pulong ng partido Kilusang Bagong Lipunan, ipinahiya si Virata ng mga maka-Imelda habang sinagot niya ng malumanay ang tunay na kalagayan ng bansa.  Matapos ang insidente, ninais na magbitiw ngunit pinigilan siya ni Marcos.

Si Cesar Virata kasama ang asawang si Joy.  Mula sa The Philippine Star.

Si Cesar Virata kasama ang asawang si Joy. Mula sa The Philippine Star.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata ngayon.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata ngayon.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata ngayon.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata ngayon.

Iiwan ko na sa mga taga CBA kung tama bang ipangalan ito sa kanya ngunit sa ganang akin lang, huwag namang masyadong mean kay Virata.  Maaari ngang hindi niya napigilan ang human rights violations at korupsyon ngunit may papel siya sa pagpapanatiling disente ng pamahalaan, bagama’t sa huli, nabigo siya.  Gayunman, kahit papaano naibsan ang lalo pa sanang pagkasira ng bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 21 June 2013: ANG MAGKATAMBAL NA KASAYSAYAN NG LUNGSOD NG MAYNILA AT NG METRO MANILA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Metro Manila:  Gates of Hell o Gotham City?  Kuha ni Louie Oviedo noong mga pag-ulan ng "Habagat," August 8, 2012 mula sa fb ng UP Socius.

Metro Manila: Gates of Hell o Gotham City? Kuha ni Louie Oviedo noong mga pag-ulan ng “Habagat,” August 8, 2012 mula sa fb ng UP Socius.

21 June 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=Tsep0NNU6N4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  442 years ago, June 24, 1571, itinatag ni Miguel Lopez de Legaspi ang kolonyal na Ciudad de Manila matapos mapilitan ang huling hari ng Maynila na si Rajah Soliman na isuko ang kanyang kaharian at parang mga iskwater na iniwan ang kanilang lumang bayan at nag-resettle sa Ermita at Malate, ang lugar na tinawag na Bagumbayan.

Miguel Lopez de Legaspi.  Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legaspi. Mula sa La Ilustracion Filipina.

Rajah Soliman, mula sa "History of Manila" mural ni Carlos "Botong" Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal.  Nasa City Hall ng Maynila.

Rajah Soliman, mula sa “History of Manila” mural ni Carlos “Botong” Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal. Nasa City Hall ng Maynila.

Ang kuta ni Soliman sa Maynila ayon kay J. Martinez, 1892.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang kuta ni Soliman sa Maynila ayon kay J. Martinez, 1892. Mula sa Pacto de Sangre.

Fort Santiago noong panahon ng mga Espanyol, dito makatirik ang dating kuta ni Soliman, ni Alfredo Carmelo, 1960.  Mula sa Pacto de Sangre.

Fort Santiago noong panahon ng mga Espanyol, dito makatirik ang dating kuta ni Soliman, ni Alfredo Carmelo, 1960. Mula sa Pacto de Sangre.

Bago dumating ang mga Espanyol, ang Maynila ay isang kaharian sa bunganga ng Ilog Pasig at ng Look ng Maynila, ang area na ngayon ay nasa Fort Santiago.  Ayon sa disertasyon ni Dr. Lars Raymund Ubaldo, ang lugar sa dalampasigan ng mga bakawan at ang tagpuan ng ilog at dagat na tinatawag sa Ingles na delta, ay tinatawag na “alog” ng mga ating ninuno.  At iyon raw ang tunay na pinagmulan ng salitang “Tagalog,” taga-alog at hindi taga-ilog.

Ang delta o "alog" ng Manila Bay at Pasig River.  Mula sa Wikipedia, 1800s.

Ang delta o “alog” ng Manila Bay at Pasig River. Mula sa Wikipedia, 1800s.

Ang bunganga ng Ilog Pasig sa Look ng Maynila--ang alog, maaaring pinagmulan ng salitang Tagalog--Taga-alog.  Mula sa manilahub.blogspot.com.

Ang bunganga ng Ilog Pasig sa Look ng Maynila–ang alog, maaaring pinagmulan ng salitang Tagalog–Taga-alog. Mula sa manilahub.blogspot.com.

Ang alog ng Look ng Maynila at Ilog Pasig ngayon.  Kuha ni David Montasco.

Ang alog ng Look ng Maynila at Ilog Pasig ngayon. Kuha ni David Montasco.

Si Xiao Chua at Dr. Lars Raymund Ubaldo sa tamabayan ng kanilang organisasyon UP Lipunang Pangkasaysayan sa UP Diliman, January 10, 2005.  Kapwa sila ngayon nagtuturo sa De La Salle University.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang Maynila noon ang nagsisilbing “toll gate” sa mga mangangalakal na nais magtungo sa mga iba’t ibang mga mauunlad na kaharian sa Laguna de Bai.  Ang Maynila ay nagmula sa salitang “nila,” isang indigo plant na tumutubo sa ilog, may nila.

Ang Look ng Maynila mula sa kalawakan.  Mula sa wv.mei.titech.ac.jp

Ang Look ng Maynila mula sa kalawakan. Mula sa wv.mei.titech.ac.jp

Mula Tondo at Maynila, ang Ilog Pasig ay bumabagtas hanggang Laguna de Bai--mga dating kaharian na tinukoy sa Laguna Copperplayte Inscription.  Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Mula Tondo at Maynila, ang Ilog Pasig ay bumabagtas hanggang Laguna de Bai–mga dating kaharian na tinukoy sa Laguna Copperplayte Inscription. Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Ang Nila, mula sa Flora de Filipinas ni Padre Manuel Blanco.

Ang Nila, mula sa Flora de Filipinas ni Padre Manuel Blanco.

"Entrevista de Goiti y Rajah Soliman," and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo.  Mula sa Pacto de Sangre.

“Entrevista de Goiti y Rajah Soliman,” and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo. Mula sa Pacto de Sangre.

Ito ang naging kabisera ng mga Espanyol, at ang Ciudad de Manila noon ay yaon lamang nasa paligid ng pinatayuan nilang mga pader—Intramuros.  Nang dumating ang mga Amerikano, maging ang mga nasa labas ng pader ay naging Lungsod ng Maynila.

Ang lumang mapa ng Espanyol na Ciudad de Manila na napapalibutan ng mga pader--Intramuros (Latin para sa nasa loob ng mga pader).  Nakaayon sa Leyes de las Indias ng mga Espanyol, ito ang naging huwaran ng iba pang mga pueblo o bayan sa Pilipinas--may sentro na tinatawag na Plaza at nahahati sa parisukat ayon sa Roman Grid Pattern.  Sa town planning na ito, nasa plaza ang pinakamahalagang institusyon ng Simbahan at Casa Gobierno, at ang mga bahay na pinakamalapit sa plaza ay yaong sa may kapangyarihan.

Ang lumang mapa ng Espanyol na Ciudad de Manila na napapalibutan ng mga pader–Intramuros (Latin para sa nasa loob ng mga pader). Nakaayon sa Leyes de las Indias ng mga Espanyol, ito ang naging huwaran ng iba pang mga pueblo o bayan sa Pilipinas–may sentro na tinatawag na Plaza at nahahati sa parisukat ayon sa Roman Grid Pattern. Sa town planning na ito, nasa plaza ang pinakamahalagang institusyon ng Simbahan at Casa Gobierno, at ang mga bahay na pinakamalapit sa plaza ay yaong sa may kapangyarihan.

Dahil napalibutan ng mga matataas na pader ang Intramuros, hindi napabagsak sa loob ng tatlong daang taon ang Conquista.  Mapa mula sa Pacto de Sangre.

Dahil napalibutan ng mga matataas na pader ang Intramuros, hindi napabagsak sa loob ng tatlong daang taon ang Conquista. Mapa mula sa Pacto de Sangre.

Ang Intramuros sa panahon ng mga Amerikano, lumalaki na ang Lungsod ng Maynila.

Ang Intramuros sa panahon ng mga Amerikano, lumalaki na ang Lungsod ng Maynila.

Hindi na lamang Intramuros ang Lungsod ng Maynila noong panahon ng Amerikano, isinama na ang mga dating arabales o suburbs.

Hindi na lamang Intramuros ang Lungsod ng Maynila noong panahon ng Amerikano, isinama na ang mga dating arabales o suburbs.

Dahil maliit ang Maynila, hiniraya o nagkaroon ng vision si Pangulong Manuel Quezon na magtatag ng isang mas malaki at planadong bagong pangkabeserang lungsod na nakapangalan sa kanya, Quezon City, noong 1939.  Naging ganap na kabisera ng Pilipinas ang Quezon City noong 1948 ngunit binawi ito ni Pangulong Marcos noong 1976.

Si Pangulong Manuel Luis Quezon sa kanyang talumpating pampasinaya bilang Unang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas, November 15, 1935 sa lumang gusali ng Kongreso sa Maynila.  Ito ang pinagbatayan ng sikat niyang monumento.

Angnpaglalagay ng batong panulukan sa Lungsod Quezon na pinangunahan ni... Quezon.  Mula sa Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas.

Angnpaglalagay ng batong panulukan sa Lungsod Quezon na pinangunahan ni… Quezon. Mula sa Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas.

Ang elliptical circle at ang Quezon Memorial Monument.  Ang sanang magiging kapital ng Pilipinas.  Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Ang elliptical circle at ang Quezon Memorial Monument. Ang sanang magiging kapital ng Pilipinas. Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Palaki ng palaki ng palaki ng palaki.  Ito ang masasabi ukol sa kabisera ng Pilipinas lalo na nang itatag ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong November 7, 1975 ang Metropolitan Manila Commission o MMC na binubuo ng apat na mga lungsod ng Maynila, Quezon, Pasay at Caloocan; at ng labintatlong iba pang mga bayan upang maging Metropolitan Manila o National Capital Region.

Ang lalawigan ng Rizal ay hinati, ang pinakamauunlad na bayan nito ay naging bahagi ng Metropolitan Manila.  Naloka siguro ang mga Rodriguez ng Rizal.  Mula kay armandobalajadia.com.

Ang lalawigan ng Rizal ay hinati, ang pinakamauunlad na bayan nito ay naging bahagi ng Metropolitan Manila. Naloka siguro ang mga Rodriguez ng Rizal. Mula kay armandobalajadia.com.

Ang mapa ng Metropolitan Manila o National Capital Region.

Ang mapa ng Metropolitan Manila o National Capital Region ngayon.

Inatasan niya ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos na maging gobernador at upang diumano ay maiwasan ang pagtatampo ni Gobernador Isidro Rodriguez ng Lalawigang Rizal na pinagkunan ng lahat ng pinakamayayaman nilang bayan, ginawang alkalde ng Quezon City ang asawa niyang si Adelina S. Rodriguez.

Alkalde Adelina Rodriguez.  Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Alkalde Adelina Rodriguez. Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Nang manumpa ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos bilang tanging "Gobernador ng Metropolitan Manila" noong November 7, 1975 sa Palasyo ng Malacanan.

Nang manumpa ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos bilang tanging “Gobernador ng Metropolitan Manila” noong November 7, 1975 sa Palasyo ng Malacanan.

Si Imelda Marcos habang pinupulong ang mga alkalde ng Metropolitan Manila.  Naging makapangyarihan siyang gobernador hawak ang 15 % ng pambansang budget.    Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Si Imelda Marcos habang pinupulong ang mga alkalde ng Metropolitan Manila. Naging makapangyarihan siyang gobernador hawak ang 15 % ng pambansang budget. Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Nag-adhika si Imelda na ibigay ang 11 Basic Needs of Man, kaya tila kinuyog na parang mga bubuyog ng mga tao ang kabisera.  Lumaki ang populasyon nito.  Plano niyang palakihin ang land area ng MM, dadagdagan ang reclaimed area hanggang Cavite at isasali na ang area hanggang Real, Quezon upang maging bahagi ng MM!!!  Ang tanging lungsod sa daigdig na nakaharap sa dalawang malalaking katawan ng tubig.  Hindi ito natuloy.

Mapa na nagpapakita ng planong pinalaking Metropolitan Manila na nakaharap kapwa sa Dagat Kanlurang Pilipinas (Look ng Maynila) at Karagatang Pasipiko (Infanta-Real, Quezon).  Mula sa Metropolitan Manila Development Authority Library).

Nagpatuloy ang MMC sa pamamagitan ng  Metropolitan Manila Development Authority at nag-iwan din ito ng pamana.  Kaiba sa “Gates of Hell” na tawag sa lungsod ni Dan Brown, may progreso sa Metro Manila.

Ang Metropolitan Manila ngayon.

Ang Metropolitan Manila ngayon.

Solid na Manila shot na tila nagpapapala ang Panginoon.

Solid na Manila shot na tila nagpapapala ang Panginoon.Kuha ni Huno Garces.

Ang mga nakahimpil na tinitirhang maliliit na casco sa Ilog Pasig sa Lumang Maynila.

Ang mga nakahimpil na tinitirhang maliliit na casco sa Ilog Pasig sa Lumang Maynila.

Ang mga bahay sa gilid ng ilog.  Mula sa fb ni Delmar Taclibon.

Ang mga bahay sa gilid ng ilog. Mula sa fb ni Delmar Taclibon.

Paano naman ang rural poor?  Mula sa newsbox.unccd.int.

Paano naman ang rural poor? Mula sa newsbox.unccd.int.

Ngunit hindi ba’t sa sobrang pagbibigay ng ginhawa sa kabisera natin, nasakripisyo ang mga probinsya natin?  Pag-isipan natin, paano kaya natin maiiwasan ito?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Razon’s, UP-Ayala Technohub, 30 October 2012, 8 June 2013)

ON CESAR E.A. VIRATA’S ROLE IN THE MARCOS REGIME: Or On Why We Shouldn’t Be So Harsh on Virata

Cesar Emilio Aguinaldo Virata.  Photo displayed at the Emilio Aguinaldo Shrine at Kawit, Cavite.  The shrine for his granduncle.

Cesar Emilio Aguinaldo Virata. Photo displayed at the Emilio Aguinaldo Shrine at Kawit, Cavite. The shrine for his granduncle.

These past few months, a historical debate ensued with the naming of the University of the Philippines College of Business Administration as the Cesar E.A. Virata School of Business, the first time in UP that a school was names after a person, a living person for that, and someone who didn’t give a single centavo of financial contribution for it.  The Dean of the said college justified the decision saying, “Virata was an honorable public servant who has served as Secretary of Finance and Prime Minister of the Philippines.”  As a former professor and dean of the college, he was also instrumental in its development.  But the critics say that since he was part of the Marcos regime, and doesn’t deserve the honor.  I will leave it to UP people to talk about the ethics of renaming a UP college to a person still living but I would like to say, the critics had been also too mean on Virata.  

I used to think that Virata was just a rubber-stamp cabinet member, member of parliament and Prime Minister during the time of Marcos.  A pawn of the conjugal dictatorship.  I wanted to schedule an interview with him for my master’s thesis on Imelda as First Lady and Governor of Metropolitan Manila, he gave a very short answer on his role but didn’t elaborate much, except an encouragement to read more.

History is not black and white, its nuances and complications must be seen.  My humble findings on my thesis pointed out that although he became a “deodorizer” of the regime to the rest of the World, he did his best to avoid misappropriation of public funds to the frivolous projects of the regime especially the First Lady.  One must understand that the Palace during the early 1980s was actually divided two warring factions–the Ilocano group or the Andy Marcos people, and the Waray group or the Imelda people.  And the latter group was openly antagonistic towards him.  At one point he wanted to resign because of what’s happening to the country but Marcos didn’t want him to leave because without him, his regime would lose credibility to foreign lending institutions.

I would like to quote my thesis at length below but the bottomline is, yes, P.M. Virata was part of the Marcos regime, but he was not as sinister as he was pictured to be.  He did his best to try not to put so much money on projects deemed unnecessary, especially the Manila Film Center and the Metropolitan Manila Film Festivals.  He may have failed to totally battle corruption and human rights violations but he was a critical collaborator who placed some sanity in government in a time of dictatorship.  We may not give him credit for that, but I believe he is a decent man and he doesn’t deserve the nasty and simplistic generalizations and he doesn’t deserve our meanness.

xxx

Mula sa Michael Charleston Briones Chua.  2010.  ANG MAYNILA NI IMELDA:  Isang Kapanahong Kasaysayan ng Pagbabagong-Anyo ng Metropolitan Manila (1965-1986).  Hindi pa nailalathalang tesis-masterado para sa M.A. Kasaysayaan sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman:

Ang paghiraya ni Gng. Marcos sa Kalakhang Maynila ay naging posible dahil pinalibutan ng mga Marcos ang kanilang sarili ng mga matatalinong tao, mga ekspertong inilagay sa pamahalaan ay tinawag na mga technocrats (Paras 2008).  Sa kabila ng impresyon ng isang awtokratikong pamamahala, ano ang nagtulak sa mga teknokrat na ibigay ang kanilang paninilbihan sa estado at maging bahagi ng paghiraya sa lungsod ni Gng. Marcos?

Bagama’t kailangang linawin na hindi dapat banggitin ang akademya sa panahon ng Batas Militar na tila iisang yunit na nakipagsabwatan sa diktadura.  Ayon sa nabilanggong propesor ng Agham Pampulitika at naging Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas na si Dr. Francisco “Dodong” Nemenzo, ang akademya ay binubuo ng iba’t ibang ideolohiya at nag-uumpugang paniniwala.  Ang kanyang ibinigay na halimbawa ay ang kanyang kasamang propesor ng Agham Pampulitika na si Dr. Onofre Corpuz.

Ayon kay Dr. Nemenzo, bago pa man ang Batas Militar, makikita na sa mga sulatin ni Dr. Corpuz, at maging sa kanyang tesis doktorado sa Harvard ang paniniwala nito na dapat malakas ang sangay ng tagapagpaganap ng estado.  Kung hindi magiging malakas ang presidente, walang mangyayari sa bayan.  Sa kanyang unang paniniwala na mahinang pinuno ang Pang. Marcos, nagbitiw siya sa pamahalaan.  Kaya hindi rin nakapagtataka na muli siyang sumapi sa pamahalaan nang ipataw ang Batas Militar.  Dagdag ni Dr. Nemenzo:

“Marcos kasi had a vision, e, unlike GMA (Pang. Gloria Macapagal-Arroyo) who had no vision, but survival…  He would crush the oligarchs, restore the law and order, that he would  industrialize the country.  …That vision was quite appealing to people, yung mga technocratic minds like Gerry (Gerardo) Sicat, Cesar Virata, Jimmy (Jaime) Laya.  I think partly out of conviction.” (Nemenzo 2008).

Ayon kay Dr. Nemenzo, ang pagpasok ng mga teknokrat ay nasa konteksto ng krisis sa langis ng 1973.  Sa pagtaas ng presyo ng langis, nagkaroon ng salapi ang mga bansang OPEC at ang mga bangko ay nagnais na ipautang ang mga ito sa mga bansang may “clean bill of health.”  Nang ang International Monetary Fund / World Bank ay tila nagbigay ng endorso sa proklamasyon ng Batas Militar sa Pilipinas, at nang magkaroon ng speculation sa mga commodities na katulad ng bigas at copper, lalo na ang copper sa panahon ng digmaan sa Vietnam, nakita ng ilang mga ekonomista ang pagkakataon na magkaroon ng malaking pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas:

“For these economists and business administration people, there was great opportunity for economic progress under Marcos.  That also explains why the likes of Virata and Laya ay very acceptive to the ideas of Marcos and were willing to serve in the government. Marcos then had a vision of the Philippine industries and getting loans to build that.  Put them to more sugar mills…” (Nemenzo 2008)

Nang sagutin ang aking sulat sa telepono ng Minister of Finance at Prime Minister sa mga panahon na iyon na si G. Cesar E. A. Virata, sinabi lamang niya na ang papel niya sa pamahalaang Metropolitan ni Gng. Marcos ay ito:  “I just see to it that there are funds for the different departments.”  Ang  matipid na sagot na ito ay sinundan ng pag-uusig na magbasa pa at magsaliksik ukol sa kanyang naging papel (Virata 2007).  Nang gawin ko ito sa mga sumunod na taon, nabigla ako sa aking mga natuklasan.

Ayon kay Dr. Nemenzo, may makikitang kontradiksyon sa pagitan ng mga teknokrat at ng mga kroni, ang bagong oligarkiya na itinatag ng mga Marcos mula sa kanilang mga kapamilya at kaibigan.  Ang mga kroni ay sinuportahan ni Gng. Marcos, lalo na sa kanilang pag-utang sa mga institusyon sa pananalapi.  Kinalaunan, ang mga utang na ito ayon kay Dr. Nemenzo ay in-invest sa labas ng bansa at sa mga non-performing assets tulad ng mga edipisyo, imbes na sa industriyalisasyon ng bansa.  Tumaas ang utang ng bansa ngunit walang naging balik sa pamahalaan at ekonomiya.

Sa kabila ng pagsuporta ni Gng. Marcos sa mga kroni, sinikap ng mga teknokrat na maging konsyensya kung mayroong nagiging kalabisan sa pagtupad ng hiraya.  Ang tunggaliang teknokrat at kroni/Gng. Marcos ay pinatutunayan ni Beth Day Romulo, kabiyak ng isang ministro:

“A cabinet member Imelda was especially hard on was Cesar Virata, the Minister of Finance and Prime Minister, who took his role as the “conscience” of the Cabinet very seriously, and opposed a number of her grandiose projects.  In official gatherings, she gave him no importance, and it was my protocol-minded husband [Hen. Carlos P. Romulo, Ministro ng mga Suliraning Panlabas] who kept insisting the Prime Minister be given his proper place.  The President, however, recognized that Virata was respected abroad in the international banking community, and so protected him even when Virata dared to say no to Imelda.

“In 1982 the First Lady asked for public funding for her international film festival.  Minister Virata blocked the request.  Miffed, Imelda raised the money she wanted by allowing movie houses in Manila to screen previously banned pornographic films.

“In a cabinet meeting, Mrs. Marcos accused Virata of treating her ministry as if it were “an enemy.”  Her friend, and her husband’s crony, Bobby (Roberto) Benedicto, also chimed in to attack Virata for his austerity measures and stringent policies. 

“But Imelda plodded along with her grandiose schemes, despite the downhill trend of our country’s economy…” (Romulo 1987, 187)

Muling nagkaroon ng “showdown” si Virata at iba pang mga bahagi ng partido ni Pang. Marcos, KBL, noong 14 Abril 1983, nang magpatawag ang pangulo ng pagpupulong upang repasuhin ang lagay ng bansa para sa mga bangkong nagpapautang sa atin.  Habang inaakusahan nina Benedicto at Ministro ng Labor Blas Ople ng kawalan ng kakayahan sa pagharap ng krisis sa bansa, malumanay na ipinaliwanag ni Virata, kasama si Jaime Laya, ang Gobernador ng Bangko Sentral, ang sitwasyon.  Nang magnais magbitiw ni Virata, hindi tinanggap ni Pang. Marcos ang kanyang pagbibitiw.  Ang kredibilidad ni Virata ang naging puhunan upang patuloy na makautang ang pamahalaan sa IMF-WB (de Dios 1988, 107-109)

Sa kabila nito, ayon sa pagtatasa ni Dr. Emmanuel S. de Dios, isang ekonomista, sa kabila ng pagiging teknokrat, maaaring nagkaroon ng pakinabang ang mga ito sa pagkakatalaga ni Pang. Marcos sa ilan sa mga ito bilang mga kasapi ng lupon ex-officio ng mga korporasyong hinawakan ng pamahalaan.  Subalit ayon sa kanya:

“In any event, the realization would dawn, even among the businessmen, that the technocrats themselves possessed no independent significance, that they were themselves products of the regime and hence could not be its guardians.” (de Dios 1988, 105).

Anuman, bagama’t madaling sabihing nakipagsabwatan sa diktadura ang mga teknokrat, sa mga susunod na bahagi, ating makikita ang punyagi ng mga matatalino at idealistikong taong ito upang panatilihin ang kaayusan sa kapasyahan ni Gng. Marcos sa kabila ng kanyang personalidad at kaisipan sa ating pagsaysay sa mga programa ng Unang Ginang para sa Kalakhang Maynila.

Mga Sanggunian:

de Dios, Emmanuel S.  1988.  “The Erosion of the Dictatorship,” sa Dictatorship and Revolution:  Roots of People’s Power, eds. Aurora Javate De Dios, Petronilo Bn. Daroy at Lorna Kawal Tirol, 70-131.  Lungsod Quezon:  Conspectus Foundation, Inc.

Romulo, Beth Day.  1987.  Inside The Palace:  The Rise and Fall of Ferdinand and Imelda Marcos.  Nueba York:  Ferrer and Simons.

Nemenzo, Francisco “Dodong”  (Naging Dekano ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya at Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas).  2008, 26 Hunyo.  Panayam kay Dodong Nemenzo ni Michael Charleston B. Chua.  University Hotel, UP Diliman, Lungsod Quezon.

Virata, Cesar Emilio Aguinaldo (Naging Minister of Finance at Prime Minister ng Pilipinas).  2007, 30 August.  Panayam kay Cesar Virata ni Michael Charleston B. Chua.  Tawag sa telepono.

PARA SA BAYAN: Sino si Isko/Iska? (Mula kay 2001-59378)

Reaksyon sa pag-aaral na Sino Si Isko/Iska?:  A Descriptive Study on the Self-Assesment of UP Diliman Students na binigkas sa Alternative Classroom Learning Experience ng UP Communication Research Society, Palma Hall 228A, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon, 14 Agosto 2008:

Pagbati sa isang napapanahong pag-aaral lalo na’t panahon ng Sentenaryo ng Unibersidad ng Pilipinas.  Pinapakita nito ang positibong pagtanaw sa sarili ng mga mag-aaral ng pangunahing pamantasan sa Pilipinas.

UP ANG GALING MO:  Si Xiao Chua kasama ang mga dakilang makata na sina Joey Baquiran at Vim Nadera at mga kasama sa UP Sentro ng Malikhaing Pagsulat noong araw ng pagdiriwang ng ika-100 taon ng UP, June 18, 2008, kakapatalsik ko lang sa UP bilang guro noon.  Mula sa Koleksyong Vim Nadera.

Bilang pagsusog sa inyong mga nasumpungan sa pag-aaral, nais kong magmungkahi ng isang uri ng pagtingin upang malaman ang mentalité ng mga mag-aaral ng UP.

Nakita natin sa mga akda nina Reynaldo Clemeña Ileto at ni Teresita Gimenez Maceda na maaring masalamin ang kaisipan ng mamamayan sa kulturang popular/bayan.[1]  Kung iipunin ang mga text messages na ipinapakalat ng mga UP students, makikita ang kanilang pagtataya sa sarili.  Ilang halimbawa:

_naked man _brilliant students _brain-whacking terms _liberal culture _lyf long pride _rushing l8 nyt wrk _ugly eye-bags _notorious professors _hell weeks _toxic lifestyles _constant lack of sleep _nose-bleed final exams _heart-stopping results _die-hard friendships

Pipol call it “University of the Philippines”…we call it life… ö[2]

Presenting the universities in the country!

  1. 1.    UP – University of the Philippines
  2. 2.    PNU – Para Ngang UP
  3. 3.    UST – UP Sana Tayo!
  4. 4.    ADMU – Ayaw Daw Mag-UP
  5. 5.    DLSU – Di Lumusot Sa UPCAT
  6. 6.    FEU – Failed To Enter UP
  7. 7.    MAPUA – Meron Akong Panaginip, UP ako
  8. 8.    SLU – Sana Lang UP
  9. 9.    CEU – Cannot Enter UP

10. PUP – Pekeng UP hehe

11. NU – Negative sa UPCAT

12. St. Paul – Sana Talaga Pumasa Ako ng UPCAT, Lord

Happy UP Centennial![3]

Quote of the day:  You can’t spell S__ERIOR without UP. :-* Oo nga naman. :-p Hahaha.[4]

Sa tatlong halimbawa, makikita na hindi lang magandang pananaw sa sarili kung hindi yabang mayroon ang mga taga-UP, na umaabot pa sa pagbubukod nito sa sarili na makikita sa ekspresyong, “UP and Others.”

Kung babasahin naman ang mga akda ukol sa Kasaysayan ng Unibersidad ng Pilipinas,[5] makikita naman ang paglalakbay ng mga mag-aaral ng UP mula sa kolonyal na edukasyon tungo sa pagbabalik sa bayan.  Mula kolonyal na pamantasan tungo sa pagiging Unibersidad para sa mga Pilipino.

Ang konteksto ng pagsilang ng pamantasan noong ika-18 ng Hunyo, 1908 ay ang pagpapatatag ng imahe ng Estados Unidos bilang daluyan ng ginhawa ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pampublikong edukasyon:

The government of the Philippine Islands through the University undertakes to furnish to everyone who desires it in various branches …a Liberal Education and also in the technical branches of medicine, engineering, agriculture, law, pharmacy, commerce, economics and art.  It also aims to produce… scholars and to do its share in contributing to the advancement of knowledge.[6]

Maglikha ng mga iskolar sa kanilang wangis, ito ang tunguhin ng kolonisasyon.  Ngunit, in fairness sa unang pangulo nito na si Murray S. Bartlett, nakita na niya na hindi maaaring maging kopya lamang sa Amerika ang UP, kundi dapat itong mag-ugat sa bayan:

This university should not be a reproduction of the American University.  If it is to blossom into real fruit, it must grow on Philippine soil.  It must not be transplanted from foreign shores.  It can serve the world best by serving best the Filipino.[7]

Pangulo ng UP Murray S. Bartlett.  Mula sa At the Helm of UP.

Pangulo ng UP Murray S. Bartlett. Mula sa At the Helm of UP.

At iyon na nga ang ginawa ng mga taga-UP mula noon.  Noong ikalawang digmaang pandaigdig, ang mga estudyante ng UP ay nakipaglaban sa mga Hapones, kabilang ang mga kasapi ng UP Vanguard.  Nanatili rin ang mga doktor ng UP sa kabila ng panganib noong Liberasyon ng Maynila noong 1945, patuloy na ginagamot ang mga maysakit.

Ang campus ng Unibersidad ng Pilipinas sa Padre Faura noong panahon ng mga Amerikano.  Mula sa Philippine Picture Postcards:  1900-1920.

Ang campus ng Unibersidad ng Pilipinas sa Padre Faura noong panahon ng mga Amerikano. Mula sa Philippine Picture Postcards: 1900-1920.

Ang mga guho ng UP Manila matapos ang digmaan.

Ang mga guho ng UP Manila matapos ang digmaan.

Kabilang ang mga taga-UP sa pandaigdigang pagkilos ng mga kabataan na humihiling na pagbabago sa lipunan noong Dekada 60.  Kasabay ng pagkakalimbag ng aklat ng dalawang guro sa UP Departamento ng Kasaysayan, Teodoro Agoncillo at Oscar Alfonso, na History of the Filipino People noong 1967 na ibinabalik ang pokus ng pag-aaral ng kasaysayan sa tao,[8] ang radikalisasyon ng mga kabataang aktibista sa mga pamantasan kung saan magmumula ang mga naging pinuno ng armadong pakikibaka.  Naging malaganap sa mga estudyante at gabay sa mga aktibista ang Philippine Society and Revolution ni Amado Guerrero noong 1970, na isinulat ng isang instruktor sa Ingles na nagngangalang José Ma. Sison.  Naganap din ang Sigwa ng Unang Kwarto noong 1970 at Diliman Commune noong 1971.  Sa kabila ng pagtatangkang supilin ang pagkilos na ito ng kabataan nang ipataw ni Pang. Ferdinand Marcos (UP Alumnus) ang Batas Militar noong 1972, patuloy ang pagkilos ng mga taga-UP.  Higit isang buwan lamang ang makakaraan, sa pagbubukas ng klase, magkakaroon ng mga pagkilos tulad ng pag-awit at noise barrage sa mga kantina at pambublikong lugar sa UP Diliman.

Philippine Society and Revolution ni Amado Guerrero, a.k.a. Jose Maria Sison.  Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Philippine Society and Revolution ni Amado Guerrero, a.k.a. Jose Maria Sison. Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Ikalawang edisyon ng History of the Filipino People ni Teodoro Agoncillo kasama si Oscar Alfonso.  Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Ikalawang edisyon ng History of the Filipino People ni Teodoro Agoncillo kasama si Oscar Alfonso. Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Pagbarikada sa University Avenue malapit sa Checkpoint (Gateway to the University ni Napoleon Abueva).  Ngayon, sa gitna ng kalsada may marker para sa Diliman Commune.  Mula kay Susan Quimpo.

Pagbarikada sa University Avenue malapit sa Checkpoint (Gateway to the University ni Napoleon Abueva). Ngayon, sa gitna ng kalsada may marker para sa Diliman Commune. Mula kay Susan Quimpo.

Nang maging patnugot ng Philippine Collegian si Abraham ”Ditto” Sarmiento, Jr. noong 1975, pinasikat niya ang ekspresyong  “ Kung di tayo kikibo, sino ang kikibo?  Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos?  Kung hindi ngayon, kalian pa?”[9]  Sinasabing ito ang naging sanhi ng kanyang pagkakaaresto na nagbunsod sa kanyang maagang kamatayan.[10]  Isa pang naging prominenteng lider-estudyante na si Leandro Alejandro ang naging martir noong Dekada 80, sa matinding biro ng panahon, nakaligtas sa diktadura pero hindi sa bagong demokrasya.[11]

Mula sa Bantayog ng mga Bayani.

Mula sa Bantayog ng mga Bayani.

Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Aklatang Xiao Chua.

Mula sa Koleksyong Dante Ambrosio sa Aklatang Xiao Chua.

Lean Alejandro, UP student leader and martyr.  Photo by Kim Komenich.

Lean Alejandro, UP student leader and martyr. Photo by Kim Komenich.

Nagtanong ang ilang nasa akademya ng Agham Panlipunan ng UP, “Para kanino ba ang aming ginagawa?”  At umusbong ang Sikolohiyang Pilipino na pinasimulan ni Virgilio Enriquez, Pilipinolohiya na pinasimulan ni Prospero Covar, at Pantayong Pananaw na pinasimulan ni Zeus Salazar, na nag-aadhika ng maka-Pilipinong pananaw sa akademya.[12]  Sa kabila ng paglaganap nito sa loob at labas ng pamantasan, marami pa rin sa UP ang tumutuligsa at ayaw tanggapin ang mga pagtatangkang ito.

Xiao Chua kasama sina Dr. Prospero Covar at Dr. Zeus A. Salazar, February 13, 2008, Faculty Lounge, Facultu Center, Bulwagang Rizal, UP Diliman.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Xiao Chua kasama sina Dr. Prospero Covar at Dr. Zeus A. Salazar, February 13, 2008, Faculty Lounge, Facultu Center, Bulwagang Rizal, UP Diliman. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Kahit sa kasuotan sa graduation, mula sa toga, ninais nating isuot ang mas katutubong sablay mula sa Iloilo katuwang ng barong tagalog at ng saya noong Dekada 1990.

Ito si Iskolar ng Bayan.  Mukhang may karapatan namang magyabang.

Ang mga "sablay" na estudyante ng UP.  Mula sa katalogo ng Unibersidad ng Pilipinas.

Ang mga “sablay” na estudyante ng UP. Mula sa katalogo ng Unibersidad ng Pilipinas.

Sa kabila nito, bakit marami ang nagsasabi na apathetic o walang pakialam na sa bayan ang mga taga-UP?  Kumonti na raw ang mga nagpo-protesta.  May mga nagsasabi rin na ang UP ang breeding ground ng mga trapo. Marami na ring taga-UP na nasa pamahalaan, pero bakit ngayon, ganito  pa rin ang bayan natin?

Hindi kaya napasok na rin ang UP ng mga may masamang loob at pangit na kaluluwa, na sa kanilang pagiging makasarili at sakim ay nagtatanggal pa ng walang katwiran sa mga taong nais manatili sa unibersidad, at masakrispisyo ang mas pangmatagalang interes ng unibersidad, sa harap ng katotohanang may ilang guro na nais nang umalis dahil mas maginhawa ang magiging buhay nila sa ibang unibersidad?  Hindi kaya labis ang paghingi natin ng kalidad ng pagtuturo, lathalain at asal sa mga nakababatang guro (ayon kay Vicente Rafael ay over-professionalization) gayong hindi natin ito hinihingi sa mas nakatatandang guro dahil sa sila ay may tenyur na!

Hindi kaya may epekto ang pagkakatanggal ng Kasaysayan 1 subject sa mga dapat kunin ng mga estudyante dahil sa Revitalized General Education Program.

Hindi kaya dahil sa pagtaas ng tuition fee noong 2007, at ang pagbagsak ng bilang ng mga nag-enroll, kakaunti na lamang ang mga mahihirap na nasa UP at ang mga maykaya na lamang ang tumuloy?

Hindi kaya tulad ng estado na may pagka-schizophrenic (global o pambansang interes ang susundin), gayon din ang ating pamantasan.  Hindi pa ganap na laganap ang pagtuturo ng mga kurso sa wikang Filipino.  Patuloy na nakatali ang marami sa akademya sa kaisipang banyaga na hindi man lamang inaangkop sa karanasang Pilipino.  Mas binibigyan ng kahalagahan ang mga akdang nailathala sa mga pandaigdigang jornal gayong nararapat lamang na bigyan din natin ng pansin ang mga akdang isinulat para sa ating sariling kababayan (Sinasabi ng ilan na ang dayuhang rating ng mga pamantasan sa daigdig kung saan bumaba ang ating ranggo ay sukatan lamang ng pandaigdigang persepsyon at dahil dito ay mayroong alas ang mga Ingleserong pamantasan).

Salamain nito ang katatapos lamang na pagtatanghal ng Pamantasang Hirang noong Sentenaryo ng UP noong ika-18 hanggang ika-20 ng Hunyo 2008.   Climax ang pagpapasa ng pagbubuo ng bansa sa susunod na henerasyon sa pamamagitan ng tula ni Bienvenido Lumbera sa wikang Filipino, ngunit tinapos ito sa awiting Next In Line.[13]

Hindi kaya kulang pang maging iskolar lamang ng bayan.  Ayon kay Prop. Patricio Abinales:

Ayon sa ilang nasa UP, tila inaangkin na ngayon ng mga batang Stalinista ang pariralang [Iskolar ng Bayan].  Kung tutuusin, hindi radikal ang may-akda nito kundi si Ditto Sarmiento, Punong Patnugot ng Philippine Collegian noong bandang 1976 na isang kilalang liberal.  Sinakyan lamang ito ng mga aktibista noong naging tanyag na ito.  Mukhang ang pag-ako ng mga Stalinista sa iskolar ng bayan ay isang resulta rin ng away ng Kaliwa noong 1992.  May bagong islogan na ipinahiwatig ang mga anti-Stalinista, ang iskolar para sa bayan.  Sa tingin ko, mas ‘politically correct’ ito: dapat lamang igiit o salungguhitan ang paglilingkod (iskolar para sa bayan), hindi iyong mensahe lamang na pinag-aaral ka ng bayan (iskolar ng bayan), na nagkukumpirma lamang sa obhektibong katayuan ng mga estudyante bilang isang parasitikong sektor.[14]

Tinuruan ako ng pamantasan na magtanong?  Nagtatanong lamang po ang isang kapwa niyo estudyante ng UP…

Sa aking pananaw, marami naman sa mga estudyante ng UP, anuman ang kanilang kalagayan sa lipunan, ay patuloy na nagnanais na magbahagi sa pagbubuo ng bayan.  Alam nila na hindi lamang mga magulang nila ang nagpapaaral sa kanila, kundi ang mga nagbabayad ng buwis at VAT tulad ng mga manggagawa, manininda ng pisbol, drayber, janitor, atbp.  Ang direktang nagpapaaral sa kanila ay ang sambayanan.  Ang pagiging mulat sa isyu ay ang unang hakbang sa pagkilos, na hindi na lamang nila nililimita sa pagmamartsa, bagama’t mahalagang bahagi pa rin ito ng pakikibaka.  Makikita ang pagsabog ng partisipasyon ng mga taga-UP sa mga blogs at fora na hindi lamang nagnanais na magpahayag, kundi alisin at hablutin ang mga takip-matang pilit na lumalambong sa ating mga kaisipan.[15]  Sa kanilang pakikisangkot sa konsultasyon sa pamahalaan.

Hindi lamang positibong pagtanaw mayroon dapat ang taga-UP.  Alam dapat niyang hindi ito sapat.  Patuloy siyang kumikilos sa anumang paraang kaya niya para sa bayan sapagkat alam niyang hindi pa tapos ang sinimulan na at patuloy na gawain sa pagpapatatag ng bansa tungo sa tunay na kaginhawaan para sa lahat ng mamamayang Pilipino.  Ayon kay Andres Bonifacio, maipapakita ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagsisipag, “Ang kasipagan sa paghahanap buhay ay pagmamahal din sa sarili, sa asawa, sa anak at kapatid o kababayan.”[16]  Ang pag-aaral ng mabuti at hindi pagsasayang ng pera ng sambayanan ay isa nang hakbang ng pagmamahal sa bayan.  Kaya tayo nasa pamantasan para mag-aral, tapos ay kumilos.  Ang diwa ng UP ay ang pagiging da best.

Sino si Isko?  Da best.  Para sa bayan.

[1]               Reynaldo C. Ileto, Pasyon and Revolution, Popular Movements in the Philippines, 1840-1910 (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Pamantasang Ateneo de Manila, 1979); at Teresita G. Maceda, Mga Tinig Mula sa Ibaba:  Kasaysayan ng Partido Komunista at Partido Sosialista ng Pilipinas sa Awit, 1930-1955 (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Unibersidad ng Pilipinas, 1996.

[2]               Tinanggap mula kay Rani Parangan, 2 Nobyembre 2007, 21:00:22.

[3]               Tinanggap mula kay Dr. Maria Luisa Bolinao at Janina Santos, Agosto 2007.

[4]               Tinanggap mula kay Janina Santos, 10 Agosto 2008, 21:18:59.  Nang ipasa ko it okay Prop. Benjamin Mangubat ng UP Maynila nasabi niya “I chk d dictionary n my golly ur ryt!” (16 Agosto 2008, 08:12:53), at idinagdag, “A suppository can’t also b had f UP isnt around.  Mabuhay!” (16 Agosto 2008, 08:23:41) Ibinalita sa akin ni Prop. Victor Immanuel Carmelo “Vim” D. Nadera, Jr. na nang maipasa ang mensahe sa Pang. Emerlinda Roman nasabi niya, “That’s witty!” (16 Agosto 2008, 21:44:05)

[5]               Oscar M. Alfonso, ed, The University of the Philippines—The First 75 Years (1908-1983) (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Unibersidad ng Pilipinas, 1983); Gloria D. Feliciano, ed, The University of the Philippines:  A University for Filipinos (Kalakhang Maynila:  Kyodo Printing Co., 1984); Belinda A. Aquino, ed, The University Experience:  Essays on the 82nd Anniversary of the University of the Philippines (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Unibersidad ng Pilipinas, 1991); at Cristino Jamias, The University of the Philippines, the First Half Century (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Unibersidad ng Pilipinas, 1962).

[6]               “University of the Philippines Bulletin No. 1 Catalogue 1910-1911” (Manila:  Bureau of Printing).

[7]               “The Role of the University:  Quotes from the UP Presidents” sa Belinda A. Aquino, ed, The University Experience:  Essays on the 82nd Anniversary of the University of the Philippines (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Unibersidad ng Pilipinas, 1991), 198.

[8]               Teodoro A. Agoncillo at Oscar M. Alfonso, History of the Filipino People (Lungsod Quezon:  Malaya Books, 1967).

[9]               “Uphold Campus Press Freedom!” Pangulong Tudling ng Philippine Collegian, ika-12 ng Enero, 1976.

[10]             Domini M. Torrevillas, “Abraham Sarmiento, Jr.:  Vanguard of Campus Press Freedom,” sa Asuncion David Maramba, ed, Six Young Filipino Martyrs (Lungsod ng Pasig:  Anvil Publishing Inc, 1997), 228-276.

[11]             Marotes Danguilan Vitug, “Lean Alejandro:  Thinker, Activist,” sa Asuncion David Maramba, ed, Six Young Filipino Martyrs (Lungsod ng Pasig:  Anvil Publishing Inc, 1997), xvi-41.

[12]             Atoy M. Navarro at Flordeliza Lagbao-Bolante, eds, Mga Babasahin sa Agham Panlipunang Pilipino:  Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya at Pantayong Pananaw (Lungsod Quezon:  C&E Publishing, Inc., 2007); at Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez (Tatel) at Vicente Villan, Pantayong Pananaw:  Ugat at Kabuluhan (Lungsod Quezon:  Palimbagan ng Lahi, 2000).

[13]             “Pamantasang Hirang The Centennial Concert:  100 Years of Excellence, Leadership and Service,” ika-18 hanggang ika-20 ng Hunyo, 2008, Pangunahing Teatro ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.

[14]             Patricio N. Abinales, “Paunang Salita” sa Atoy M. Navarro, Alvin D. Campomanes, John Lee P. Candelaria, eds, Kaalaman at Pamamaraan sa Pagtuturo ng Kasaysayan (Lungsod Quezon:  UP Lipunang Pangkasaysayan, 2008), vii.

[15]             Tingnan ang mga talaban ng iba’t ibang pananaw ng mga estudyante ng UP ukol sa iba’t ibang isyu sa Peyups.com.

[16]             Andres Bonifacio, “Katungkulang Gagawin ng mga Z.Ll.B.” (Dekalogo ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan) sa Teodoro A. Agoncillo at S.V. Epistola, eds, The Trial and Writings of Andres Bonifacio (Maynila:  Manila Bonifacio Centennial Commission at ng Unibersidad ng Pilipinas, 1963)