XIAO TIME, 26 June 2013: ANG PAPEL NI CESAR E. A. VIRATA SA KASAYSAYAN

by xiaochua

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Primer Ministro Cesar Emilio Aguinaldo Virata sa likod ni Pangulong Ferdinand E. Marcos.  Mula sa Art Directors Trip Photo Library.

Si Primer Ministro Cesar Emilio Aguinaldo Virata sa likod ni Pangulong Ferdinand E. Marcos. Mula sa Art Directors Trip Photo Library.

26 June 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=9Tfi5sydA_g

Karagdagang komentaryo:  https://xiaochua.net/2013/06/19/on-cesar-e-a-viratas-role-in-the-marcos-regime-or-on-why-we-shouldnt-be-so-harsh-on-virata/

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Nitong nakaraang April 12, 2013, inaprubahan ng UP Board of Regents ang muling pagpapangalan ng College of Business Administration o CBA ng Unibersidad ng Pilipinas bilang ang Cesar E.A. Virata School of Business.

Cesar E. A. Virata School of Business.  Dating UP College of Business Administration.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Cesar E. A. Virata School of Business. Dating UP College of Business Administration. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Ang mga gusali sa UP ay nakapangalan sa mga taong naging bahagi ng kasaysayan ng pamantasan, karamihan kung hindi lahat sa mga ito ay sumakabilang-buhay na.  Ito ang unang pagkakataon na isang institusyon sa loob ng pamantasan ay ipapangalan sa isang tao, at sa isang taong buhay pa.  [Ayon sa UP ni singkong duling wala silang tatanggapin na pera mula kay Ginoong Virata, hindi tulad ng malaking donasyon na nakuha ng Ateneo para sa John Gokongwei School of Management at ng La Salle para sa Ramon V. del Rosario College of Business.  Ito ay dahil lamang sa “Virata has served UP, the Philippine government and the country for many years and with clear distinction.”  Ayun naman pala.]  Liban sa iilang mga tao, naging tahimik ang isyu.  Unanimous daw na pumabor ang nakararaming estudyante ng kolehiyo kahit na ang tanong nila tungkol kay Virata ay “The who?”  Hanggang kwestiyunin ito ni Rigoberto Tiglao nitong Hunyo sa isang mother headline article sa Manila Times.

Rigoberto Tiglao, dating aktibista at tagapagsalita ng Pangulong Gloria Arroyo.  Mula sa athenspe.net.

Rigoberto Tiglao, dating aktibista at tagapagsalita ng Pangulong Gloria Arroyo. Mula sa athenspe.net.

Ang Manila Times mother headline na nagbabandila ng kontrobersya.  Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Ang Manila Times mother headline na nagbabandila ng kontrobersya. Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Kahit delayed reaction, nagbalik-tanaw ang mga tao sa naging papel ni Cesar Emilio Aguinaldo Virata sa kasaysayan ng Pilipinas.  Siya pala ay dating Finance Minster at primer ministro ng bansa?  Prime Minister???  Meron pala tayo noon.  Yup, pero prime minister sya sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos.  Yay!!!

Si Xiao Chua kasama ang Primer Ministro Cesar E.A. Virata nang si Xiao ay mailuklok sa Pi Gamma Mu International Honor Society (Social Science), University of the Philippines, Bahay ng Alumni, Diliman, Lungsod Quezon, March 2, 2009.  Kuha ni Ivana Adrienne Noelle Doria Guevara.

Finance Minister at Prime Minister Cesar Emilio Aguinaldo Virata.  Mula sa The Philippine Star.

Finance Minister at Prime Minister Cesar Emilio Aguinaldo Virata. Mula sa The Philippine Star.

Si Cesar Virata habang nanunumpa bilang primer ministro habang nakamasid ang kanyang kabiyak na si Joy, isang aktres sa teatro, sa Batasang Pambansa.  Mula sa Philippine Star.

Si Cesar Virata habang nanunumpa bilang primer ministro habang nakamasid ang kanyang kabiyak na si Joy, isang aktres sa teatro, sa Batasang Pambansa. Mula sa Philippine Star.

So sabi ng mga tumututol, bakit ipapangalan ang isang institusyon sa bastyon ng aktibismo sa panahon ng Batas Militar sa isang tuta ni Marcos?  Ngunit hindi black and white ang kasaysayan, masalimuot ito.  Si Cesar Virata ay isang teknokrat, ito yung mga matatalinong akademiko na kinuha ni Marcos mula sa mga pamantasan upang magsilbi sa pamahalaan.  Marami sa kanila naniwalang tunay na dahil sa malakas na pamumuno ng pamahalaan ni Marcos mas maraming maipapatupad na reporma.  Well sumobra nga lang sa lakas.

Cesar Emilio Aguinaldo Virata.  Photo displayed at the Emilio Aguinaldo Shrine at Kawit, Cavite.  The shrine for his granduncle.

Cesar Emilio Aguinaldo Virata. Photo displayed at the Emilio Aguinaldo Shrine at Kawit, Cavite. The shrine for his granduncle.

Si Propersor at Ministro Cesar Virata habang nagsasalita sa isang pandaigdigang pulong.  Mula sa The Philippine Star.

Si Propersor at Ministro Cesar Virata habang nagsasalita sa isang pandaigdigang pulong. Mula sa The Philippine Star.

Si Pangulong Marcos kasama ang teknokrat na si Virata at iba pang bahagi ng pamahalaan.

Si Pangulong Marcos kasama ang teknokrat na si Virata at iba pang bahagi ng pamahalaan.

Bilang dekano ng CBA sinumulan niya ang Master of Business Administration at unang nagpadala sa US ng mga kaguruan nito upang makapag-aral.  Kinuha siya ni Marcos sa kanyang pamahalaan at dahil matayog ang kanyang pangalan sa mga dayuhan, nagkaroon ng diktadura ng kredibilidad sa IMF at World Bank na pautangin tayo para itatag ang ating mga industriya.  “Deodorizer” ng rehimen ayon sa ilan.

Si Virata at ang kanyang mga kaibigan.  Mula sa The Philippine Star.

Si Virata at ang kanyang mga kaibigan. Mula sa The Philippine Star.

Si Virata sa gitna ng iba pang mga primer ministro sa daigdig, sa European Management Symposium ng World Economic Forum Annual Meeting 1983.  Mula sa Wikipedia.

Si Virata sa gitna ng iba pang mga primer ministro sa daigdig, sa European Management Symposium ng World Economic Forum Annual Meeting 1983. Mula sa Wikipedia.

Well alam naman natin na hindi nagamit ng maayos ang pera, imbes na mga pabrika, mga edipisyo ang ipinatayo.  Sa gitna nito, sinikap ni Virata na maging “konsyensya” ng pamahalaan ayon kay Beth Day Romulo, pinigil niya ang pagbibigay ng pera sa ikalawang grandiyosong Metro Manila Film Festival.  Pinagtulungan siya ng mga kabig ni Imelda sa mga cabinet meetings.

Si Xiao Chua kasama si Beth Day Romulo, Trinoma, 2011.

Si Xiao Chua kasama si Beth Day Romulo, Trinoma, 2011.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata.  Mula sa evi.com.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata. Mula sa evi.com.

Si Virata habang nagbibigay ng testimonya sa Agrava Commission.  Mula sa retrato.com.ph.

Si Virata habang nagbibigay ng testimonya sa Agrava Commission. Mula sa retrato.com.ph.

Si Primer Ministro Cesar Virata habang kinakapanayam ng mga kasapi ng media.  Mula sa mbc.com.ph.

Si Primer Ministro Cesar Virata habang kinakapanayam ng mga kasapi ng media. Mula sa mbc.com.ph.

Si Cesar Virata habang nasa kampanya.  Mula sa The Philippine Star.

Si Cesar Virata habang nasa kampanya. Mula sa The Philippine Star.

Noong April 14, 1983, sa isang pulong ng partido Kilusang Bagong Lipunan, ipinahiya si Virata ng mga maka-Imelda habang sinagot niya ng malumanay ang tunay na kalagayan ng bansa.  Matapos ang insidente, ninais na magbitiw ngunit pinigilan siya ni Marcos.

Si Cesar Virata kasama ang asawang si Joy.  Mula sa The Philippine Star.

Si Cesar Virata kasama ang asawang si Joy. Mula sa The Philippine Star.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata ngayon.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata ngayon.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata ngayon.

Si Cesar Emilio Aguinaldo Virata ngayon.

Iiwan ko na sa mga taga CBA kung tama bang ipangalan ito sa kanya ngunit sa ganang akin lang, huwag namang masyadong mean kay Virata.  Maaari ngang hindi niya napigilan ang human rights violations at korupsyon ngunit may papel siya sa pagpapanatiling disente ng pamahalaan, bagama’t sa huli, nabigo siya.  Gayunman, kahit papaano naibsan ang lalo pa sanang pagkasira ng bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)