ON CESAR E.A. VIRATA’S ROLE IN THE MARCOS REGIME: Or On Why We Shouldn’t Be So Harsh on Virata
by xiaochua

Cesar Emilio Aguinaldo Virata. Photo displayed at the Emilio Aguinaldo Shrine at Kawit, Cavite. The shrine for his granduncle.
These past few months, a historical debate ensued with the naming of the University of the Philippines College of Business Administration as the Cesar E.A. Virata School of Business, the first time in UP that a school was names after a person, a living person for that, and someone who didn’t give a single centavo of financial contribution for it. The Dean of the said college justified the decision saying, “Virata was an honorable public servant who has served as Secretary of Finance and Prime Minister of the Philippines.” As a former professor and dean of the college, he was also instrumental in its development. But the critics say that since he was part of the Marcos regime, and doesn’t deserve the honor. I will leave it to UP people to talk about the ethics of renaming a UP college to a person still living but I would like to say, the critics had been also too mean on Virata.
I used to think that Virata was just a rubber-stamp cabinet member, member of parliament and Prime Minister during the time of Marcos. A pawn of the conjugal dictatorship. I wanted to schedule an interview with him for my master’s thesis on Imelda as First Lady and Governor of Metropolitan Manila, he gave a very short answer on his role but didn’t elaborate much, except an encouragement to read more.
History is not black and white, its nuances and complications must be seen. My humble findings on my thesis pointed out that although he became a “deodorizer” of the regime to the rest of the World, he did his best to avoid misappropriation of public funds to the frivolous projects of the regime especially the First Lady. One must understand that the Palace during the early 1980s was actually divided two warring factions–the Ilocano group or the Andy Marcos people, and the Waray group or the Imelda people. And the latter group was openly antagonistic towards him. At one point he wanted to resign because of what’s happening to the country but Marcos didn’t want him to leave because without him, his regime would lose credibility to foreign lending institutions.
I would like to quote my thesis at length below but the bottomline is, yes, P.M. Virata was part of the Marcos regime, but he was not as sinister as he was pictured to be. He did his best to try not to put so much money on projects deemed unnecessary, especially the Manila Film Center and the Metropolitan Manila Film Festivals. He may have failed to totally battle corruption and human rights violations but he was a critical collaborator who placed some sanity in government in a time of dictatorship. We may not give him credit for that, but I believe he is a decent man and he doesn’t deserve the nasty and simplistic generalizations and he doesn’t deserve our meanness.
xxx
Mula sa Michael Charleston Briones Chua. 2010. ANG MAYNILA NI IMELDA: Isang Kapanahong Kasaysayan ng Pagbabagong-Anyo ng Metropolitan Manila (1965-1986). Hindi pa nailalathalang tesis-masterado para sa M.A. Kasaysayaan sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman:
Ang paghiraya ni Gng. Marcos sa Kalakhang Maynila ay naging posible dahil pinalibutan ng mga Marcos ang kanilang sarili ng mga matatalinong tao, mga ekspertong inilagay sa pamahalaan ay tinawag na mga technocrats (Paras 2008). Sa kabila ng impresyon ng isang awtokratikong pamamahala, ano ang nagtulak sa mga teknokrat na ibigay ang kanilang paninilbihan sa estado at maging bahagi ng paghiraya sa lungsod ni Gng. Marcos?
Bagama’t kailangang linawin na hindi dapat banggitin ang akademya sa panahon ng Batas Militar na tila iisang yunit na nakipagsabwatan sa diktadura. Ayon sa nabilanggong propesor ng Agham Pampulitika at naging Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas na si Dr. Francisco “Dodong” Nemenzo, ang akademya ay binubuo ng iba’t ibang ideolohiya at nag-uumpugang paniniwala. Ang kanyang ibinigay na halimbawa ay ang kanyang kasamang propesor ng Agham Pampulitika na si Dr. Onofre Corpuz.
Ayon kay Dr. Nemenzo, bago pa man ang Batas Militar, makikita na sa mga sulatin ni Dr. Corpuz, at maging sa kanyang tesis doktorado sa Harvard ang paniniwala nito na dapat malakas ang sangay ng tagapagpaganap ng estado. Kung hindi magiging malakas ang presidente, walang mangyayari sa bayan. Sa kanyang unang paniniwala na mahinang pinuno ang Pang. Marcos, nagbitiw siya sa pamahalaan. Kaya hindi rin nakapagtataka na muli siyang sumapi sa pamahalaan nang ipataw ang Batas Militar. Dagdag ni Dr. Nemenzo:
“Marcos kasi had a vision, e, unlike GMA (Pang. Gloria Macapagal-Arroyo) who had no vision, but survival… He would crush the oligarchs, restore the law and order, that he would industrialize the country. …That vision was quite appealing to people, yung mga technocratic minds like Gerry (Gerardo) Sicat, Cesar Virata, Jimmy (Jaime) Laya. I think partly out of conviction.” (Nemenzo 2008).
Ayon kay Dr. Nemenzo, ang pagpasok ng mga teknokrat ay nasa konteksto ng krisis sa langis ng 1973. Sa pagtaas ng presyo ng langis, nagkaroon ng salapi ang mga bansang OPEC at ang mga bangko ay nagnais na ipautang ang mga ito sa mga bansang may “clean bill of health.” Nang ang International Monetary Fund / World Bank ay tila nagbigay ng endorso sa proklamasyon ng Batas Militar sa Pilipinas, at nang magkaroon ng speculation sa mga commodities na katulad ng bigas at copper, lalo na ang copper sa panahon ng digmaan sa Vietnam, nakita ng ilang mga ekonomista ang pagkakataon na magkaroon ng malaking pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas:
“For these economists and business administration people, there was great opportunity for economic progress under Marcos. That also explains why the likes of Virata and Laya ay very acceptive to the ideas of Marcos and were willing to serve in the government. Marcos then had a vision of the Philippine industries and getting loans to build that. Put them to more sugar mills…” (Nemenzo 2008)
Nang sagutin ang aking sulat sa telepono ng Minister of Finance at Prime Minister sa mga panahon na iyon na si G. Cesar E. A. Virata, sinabi lamang niya na ang papel niya sa pamahalaang Metropolitan ni Gng. Marcos ay ito: “I just see to it that there are funds for the different departments.” Ang matipid na sagot na ito ay sinundan ng pag-uusig na magbasa pa at magsaliksik ukol sa kanyang naging papel (Virata 2007). Nang gawin ko ito sa mga sumunod na taon, nabigla ako sa aking mga natuklasan.
Ayon kay Dr. Nemenzo, may makikitang kontradiksyon sa pagitan ng mga teknokrat at ng mga kroni, ang bagong oligarkiya na itinatag ng mga Marcos mula sa kanilang mga kapamilya at kaibigan. Ang mga kroni ay sinuportahan ni Gng. Marcos, lalo na sa kanilang pag-utang sa mga institusyon sa pananalapi. Kinalaunan, ang mga utang na ito ayon kay Dr. Nemenzo ay in-invest sa labas ng bansa at sa mga non-performing assets tulad ng mga edipisyo, imbes na sa industriyalisasyon ng bansa. Tumaas ang utang ng bansa ngunit walang naging balik sa pamahalaan at ekonomiya.
Sa kabila ng pagsuporta ni Gng. Marcos sa mga kroni, sinikap ng mga teknokrat na maging konsyensya kung mayroong nagiging kalabisan sa pagtupad ng hiraya. Ang tunggaliang teknokrat at kroni/Gng. Marcos ay pinatutunayan ni Beth Day Romulo, kabiyak ng isang ministro:
“A cabinet member Imelda was especially hard on was Cesar Virata, the Minister of Finance and Prime Minister, who took his role as the “conscience” of the Cabinet very seriously, and opposed a number of her grandiose projects. In official gatherings, she gave him no importance, and it was my protocol-minded husband [Hen. Carlos P. Romulo, Ministro ng mga Suliraning Panlabas] who kept insisting the Prime Minister be given his proper place. The President, however, recognized that Virata was respected abroad in the international banking community, and so protected him even when Virata dared to say no to Imelda.
“In 1982 the First Lady asked for public funding for her international film festival. Minister Virata blocked the request. Miffed, Imelda raised the money she wanted by allowing movie houses in Manila to screen previously banned pornographic films.
“In a cabinet meeting, Mrs. Marcos accused Virata of treating her ministry as if it were “an enemy.” Her friend, and her husband’s crony, Bobby (Roberto) Benedicto, also chimed in to attack Virata for his austerity measures and stringent policies.
“But Imelda plodded along with her grandiose schemes, despite the downhill trend of our country’s economy…” (Romulo 1987, 187)
Muling nagkaroon ng “showdown” si Virata at iba pang mga bahagi ng partido ni Pang. Marcos, KBL, noong 14 Abril 1983, nang magpatawag ang pangulo ng pagpupulong upang repasuhin ang lagay ng bansa para sa mga bangkong nagpapautang sa atin. Habang inaakusahan nina Benedicto at Ministro ng Labor Blas Ople ng kawalan ng kakayahan sa pagharap ng krisis sa bansa, malumanay na ipinaliwanag ni Virata, kasama si Jaime Laya, ang Gobernador ng Bangko Sentral, ang sitwasyon. Nang magnais magbitiw ni Virata, hindi tinanggap ni Pang. Marcos ang kanyang pagbibitiw. Ang kredibilidad ni Virata ang naging puhunan upang patuloy na makautang ang pamahalaan sa IMF-WB (de Dios 1988, 107-109)
…
Sa kabila nito, ayon sa pagtatasa ni Dr. Emmanuel S. de Dios, isang ekonomista, sa kabila ng pagiging teknokrat, maaaring nagkaroon ng pakinabang ang mga ito sa pagkakatalaga ni Pang. Marcos sa ilan sa mga ito bilang mga kasapi ng lupon ex-officio ng mga korporasyong hinawakan ng pamahalaan. Subalit ayon sa kanya:
“In any event, the realization would dawn, even among the businessmen, that the technocrats themselves possessed no independent significance, that they were themselves products of the regime and hence could not be its guardians.” (de Dios 1988, 105).
Anuman, bagama’t madaling sabihing nakipagsabwatan sa diktadura ang mga teknokrat, sa mga susunod na bahagi, ating makikita ang punyagi ng mga matatalino at idealistikong taong ito upang panatilihin ang kaayusan sa kapasyahan ni Gng. Marcos sa kabila ng kanyang personalidad at kaisipan sa ating pagsaysay sa mga programa ng Unang Ginang para sa Kalakhang Maynila.
Mga Sanggunian:
de Dios, Emmanuel S. 1988. “The Erosion of the Dictatorship,” sa Dictatorship and Revolution: Roots of People’s Power, eds. Aurora Javate De Dios, Petronilo Bn. Daroy at Lorna Kawal Tirol, 70-131. Lungsod Quezon: Conspectus Foundation, Inc.
Romulo, Beth Day. 1987. Inside The Palace: The Rise and Fall of Ferdinand and Imelda Marcos. Nueba York: Ferrer and Simons.
Nemenzo, Francisco “Dodong” (Naging Dekano ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya at Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas). 2008, 26 Hunyo. Panayam kay Dodong Nemenzo ni Michael Charleston B. Chua. University Hotel, UP Diliman, Lungsod Quezon.
Virata, Cesar Emilio Aguinaldo (Naging Minister of Finance at Prime Minister ng Pilipinas). 2007, 30 August. Panayam kay Cesar Virata ni Michael Charleston B. Chua. Tawag sa telepono.
wow. thank you po at kahit papaano enlightened po ako. akala ko po ay isa na naman ito sa mga nonsense naming ng colleges like other schools kasi may ginastos sila sa atin.
Don’t get me wrong, hindi rin ako kumportable na pangalanan ang isang kolehiyo sa UP naming mahal sa isang taong nabubuhay ng walang ni singkong duling na natatanggap ang UP. Pero hindi rin ako kumportable na i-generalize lamang siya ng ganun-ganun lang.
Salamat sa pagpost nito sir Xiao. Kahit hindi ako pabor sa pagpapangalan ng CBA ay at least mas nakilala ko kung ano ang naging papel ni Virata noon sa Rehimeng Marcos.
[…] Karagdagang komentaryo: https://xiaochua.net/2013/06/19/on-cesar-e-a-viratas-role-in-the-marcos-regime-or-on-why-we-shouldnt-… […]