IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: imelda

XIAO TIME, 30 July 2013: EVITA PERON AT IMELDA MARCOS

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Maria Eva Duarte de Peron, opisyal na larawan pang-estado, 1947.

Maria Eva Duarte de Peron, opisyal na larawan pang-estado, 1947.

30 July 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=b3JrztkKBuw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  61 years ago, July 26, 1952, inanunsyo sa radio sa buong Argentina na sa oras na 8:25 ng gabi, sumakabilang buhay na ang espirituwal na pinuno ng kanilang bansa na si Unang Ginang Eva Duarte de Peron.  Opo, siya nga po yung paksa sa isang musical na isinulat nina Andrew Lloyd Webber at ni Tim Rice at noong 1996 ay ginanapan pa ng international pop icon na si Madonna.

Ang pila ng mga tao upang makita ang katawan ni Eva Peron, 1952.

Ang pila ng mga tao upang makita ang katawan ni Eva Peron, 1952.

Ang mga tao habang nagwawala sa katawan kapag nakikita ang katawan ni Eva Peron, 1952.

Ang mga tao habang nagwawala sa katawan kapag nakikita ang katawan ni Eva Peron, 1952.

Ang marcha funebre para kay Eva Peron, sa mga malalapad na kalsada ng Buenos Aires, 1952.

Ang marcha funebre para kay Eva Peron, sa mga malalapad na kalsada ng Buenos Aires, 1952.

Ang pinreserbang katawan ni Eva Peron bago ito mawala ng 17 taon.  Matapos maglakbay at itinago sa iba't ibang bansa, nailibing din sa Argentina.

Ang pinreserbang katawan ni Eva Peron bago ito mawala ng 17 taon. Matapos maglakbay at itinago sa iba’t ibang bansa, nailibing din sa Argentina.

Andrew Lloyd Webber at Tim Rice, ang kumatha ng musical na "Evita."

Andrew Lloyd Webber at Tim Rice, ang kumatha ng musical na “Evita.”

Ang cover ng playbill ng unang pagtatanghal ng Evita sa Pilipinas, na ginanapan ni Bb. Joy Virata na asawa ng naging primer ministro ng bansa na si Cesar Virata.  Mula sa Koleksyon ng Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang tunay na Evita.

Ang tunay na Evita.

Si Madonna, sa aktwal na balkonahe ng Casa Rosada sa Buenos Aires, bilang si Evita.

Si Madonna, sa aktwal na balkonahe ng Casa Rosada sa Buenos Aires, bilang si Evita.

Noong 1969 pa lamang pala, naikumpara na siya sa ating sariling Unang Ginang, Mommy Imelda Marcos ni Ninoy Aquino.  Sa tuwing tinatanong sa paghahambing kay Evita, sinasabi ni Imelda, “I’m not a whore.”  Pina-ban ang musical na ito sa Pilipinas at naipalabas lamang noong 1986 matapos ang People Power sa EDSA.

Si Senador Ninoy Aquino at anak na si Kristina Bernadette.  Mula sa Ninoy:  the Willing Martyr ni Alfonso Policarpio.

Si Senador Ninoy Aquino at anak na si Kristina Bernadette. Mula sa Ninoy: the Willing Martyr ni Alfonso Policarpio.

Si Imelda kalmado habang nagkakagulo ang lahat sa harapan ng kanyang proyektong Cultural Center of the Philippines.  Ang proyektong binananatan ni Ninoy Aquino nang ikumpara niya ito kay Eva Peron.  Kuha ni Steve Tirona.

Si Eva Peron na mahilig sa aso.

Si Eva Peron na mahilig sa aso.

Si Imelda Marcos na mahilig sa aso,  na kumakain daw ng caviar.

Si Imelda Marcos na mahilig sa aso, na kumakain daw ng caviar.

Si Evita ay isinilang noong May 7, 1919 sa Los Toldos, Argentina, anak sa labas at lumaki sa hirap.  Si Imelda naman ay isinilang noong July 2, 1929 sa prominenteng pamilyang Romualdez ng Leyte, pangalawang asawa ang kanyang ina at minsan nanirahan sa garahe kasama ang ina bago maulila.  Si Evita ay ginamit ang kanyang charm sa kalalakihan upang maging aktres sa radyo at pelikula hanggang mapaibig niya ang isang sumisikat na koronel na si Juan Domingo Peron, nagpakasal sila.  Si Imelda naman ay naging beauty queen, Muse of Manila, at habang kumakain sa kantina ng Kongreso, napansin ng ambisyosong Congressman mula sa Ilocos Norte na si Ferdinand Marcos.  Matapos ang isang 11-day courtship, nagpakasal sina Marcos at Imelda.

Ang batang Evita noong kanyang unang komunyon.  Mula sa FIHEP.

Ang batang Evita noong kanyang unang komunyon. Mula sa FIHEP.

Ang batang Evita noong kanyang unang komunyon.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang batang Evita noong kanyang unang komunyon. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Evita bilang modelo.

Si Evita bilang modelo.

Si Imelda bilang Rose of Tacloban.

Si Imelda bilang Rose of Tacloban.

Si Evita bilang aktres.  Mula sa FIHEP.

Si Evita bilang aktres. Mula sa FIHEP.

Si Imelda bilang Muse of Manila.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Imelda bilang Muse of Manila. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Evita at si Kor. Juan Domingo Peron habang nagliligawan.  Mula sa Evita:  An Intimate Portrait of Eva Peron.

Si Evita at si Kor. Juan Domingo Peron habang nagliligawan. Mula sa Evita: An Intimate Portrait of Eva Peron.

Si Meldy at si Andy noong kanilang kasal.

Si Meldy at si Andy noong kanilang kasal.

Si Imelda at si Ferdinand Marcos habang siasariwa ang suyuan.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Imelda at si Ferdinand Marcos habang siasariwa ang suyuan. Mula sa Marcos Presidential Center.

Noong 1946, si Evita ay naging Unang Ginang sa edad na 26, habang si Imelda ay naging Unang Ginang noong 1965 sa edad na 36.  Parehong ninais na maging inspirasyon sa mga mahihirap kaya nagsuot ng mga magagarang mga gowns, mga alahas, mga sapatos.  Parehong nakibahagi sa pulitika, parehong nagpostura na kalaban ng aristokrasya, parehong naging diplomat, pareho ding nagpatayo ng mga ospital at parehong sinasabing nagbulsa ng pera ng bayan.

Si Evita Peron, Unang Ginang ng Argentina.

Si Evita Peron, Unang Ginang ng Argentina.

Si Evita Peron, Unang Ginang ng Pilipinas.

Si Evita Peron, Unang Ginang ng Pilipinas.

Juan at Eva Peron ng Argentina.  Mula sa Hoover Institution ng Stanford University.

Juan at Eva Peron ng Argentina. Mula sa Hoover Institution ng Stanford University.

Sina Ferdinand at Imelda Marcos ng Pilipinas. Mula sa Marcos Presidential Center.

Sina Ferdinand at Imelda Marcos ng Pilipinas. Mula sa Marcos Presidential Center.

Sina Juan at Eva Peron ng Argentina at sina Ferdinand at Imelda Marcos, royalty!

Sina Juan at Eva Peron ng Argentina at sina Ferdinand at Imelda Marcos, royalty!

Si Evita at si Imelda bilang mga fashionista sa mga gowns.

Si Evita at si Imelda bilang mga fashionista sa mga gowns.

Si Evita at si Imelda kapwa sa pribadong tagpo ng pagmamalaki sa kanilang mga alahas.

Si Evita at si Imelda kapwa sa pribadong tagpo ng pagmamalaki sa kanilang mga alahas.

Evita Peron, Jefa Espiritual de la Nacion.

Evita Peron, Jefa Espiritual de la Nacion.

Imelda Marcos, s akanyang imahe bilang Ina ng Bayan.  Mula sa Compassion and Commitment.

Imelda Marcos, s akanyang imahe bilang Ina ng Bayan. Mula sa Compassion and Commitment.

Nagpatayo ng pabahay na “Evita City” si Evita habang itinatag naman ang Metropolitan Manila para maging gobernador nito si Imelda at nagpatayo ng mga pabahay na BLISS at marami pang iba.  Kung si Evita ay may ampunan na “Children’s City,” si Imelda naman ay may ospital na “Lungsod ng Kabataan.”

Si Evita at Juan kasama ng kanilang ga kababayan.

Si Evita at Juan kasama ng kanilang ga kababayan.

Si Imelda Marcos kasama ang kaniyang mga tagahanga.

Si Imelda Marcos kasama ang kaniyang mga tagahanga.

Ang housing project na Ciudad de Evita ni Eva Peron.

Ang housing project na Ciudad de Evita ni Eva Peron.

Ang proyektong pabahay ni Imelda Marcos--Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS)

Ang proyektong pabahay ni Imelda Marcos–Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS)

Ang ampunang Ciudad Infantil (Lungsod ng mga bata), proyekto ni Evita.

Ang ampunang Ciudad Infantil (Lungsod ng mga bata), proyekto ni Evita.

Ang ospital na Lungsod ng Kabataan (Ngayo'y Philippine Children's Medical Center), proyekto ni Imelda.

Ang ospital na Lungsod ng Kabataan (Ngayo’y Philippine Children’s Medical Center), proyekto ni Imelda.

Ngunit hindi natupad ni Evita ang pangarap na maging bise presidente dahil nagkasakit ng kanser at namatay sa edad lamang na 33 noong 1952 na lubos na ipinagluksa ng tao.  Matapos nito, babagsak na rin si Peron.  Si Imelda naman naging “The Other President,” isa sa pinakamakapangyarihang babae ng kanyang panahon.  Bagama’t pinatalsik ng Himagsikang EDSA ang mag-asawang Marcos, tila winner pa rin si Imelda, hanggang ngayon buhay na buhay at aktibo pa sa pulitika.

Sa unang pagboto ng kababaihan sa Argentina na kanyang ikinampanya, bumoto si Eva Peron mula sa kanyang kama sa ospital bago mamatay sa sakit noong 1952.

Sa unang pagboto ng kababaihan sa Argentina na kanyang ikinampanya, bumoto si Eva Peron mula sa kanyang kama sa ospital bago mamatay sa sakit noong 1952.

Ang larawan ni Imelda na iginuhit ni Betsy Westerndorf de Brias sa Malacanang ay sinira ng mga tao noong himagsikang EDSA na nagpatalsik sa mga Marcos.

Ang larawan ni Imelda na iginuhit ni Betsy Westerndorf de Brias sa Malacanang ay sinira ng mga tao noong himagsikang EDSA na nagpatalsik sa mga Marcos.

Kung si Evita naghahagis ng pera, si Imelda naman ay mahilig maghagis ng kendi.

Kung si Evita naghahagis ng pera, si Imelda naman ay mahilig maghagis ng kendi.

Ang charming na si Mommy Imelda Romualdez Marcos.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang charming na si Mommy Imelda Romualdez Marcos. Mula sa Marcos Presidential Center.

Ngunit paanong pareho silang umiral at namayagpag sa kapwa Katolikong mga bansa—Ang Argentina at Pilipinas kung saan malakas ang machismo?  Kasi itinuturing ng mga taga-Argentina si Evita na isang curandera, isang lokal na babaeng faith healer, habang sa aking tesis masterado, aking sinabi na tila nag-ala sinaunang babaylan si Imelda—espirituwal at kultural na pinuno, kwentista at manggagamot.

Curandera, babaeng faith healer sa Argentina.

Curandera, babaeng faith healer sa Argentina.

Si Evita bilang curandera.

Si Evita bilang curandera.

Babaylan, ang manggagamot.  Detalye ng serye ng mural na "History of Philippine Medicine"  ni Carlos "Botong" Francisco.

Babaylan, ang manggagamot. Detalye ng serye ng mural na “History of Philippine Medicine” ni Carlos “Botong” Francisco.

Si Imelda na umaawit sa gitna ng kaguluhan sa karagatan.  Parang isang babaylan.  Kuha ni Steve Tirona.

Si Imelda na umaawit sa gitna ng kaguluhan sa karagatan. Parang isang babaylan. Kuha ni Steve Tirona.

Ang hindi maikakaila, sa masama man o mabuti, binago nila ang mundo.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 25 July 2013)

XIAO TIME, 2 July 2013: ANG LIHIM NA KWENTO NI IMELDA MARCOS

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Sa likod ng karangyaan at mga magagandang hiyas ay isang mapait na kwento.  Si Unang Ginang Imelda Romualdez bilang isang Reyna sa paglalarawan ni Ralph Wolfe Cowan, tagapagpinta ng Prinsipe at Prinsesa ng Monaco, Rainier at Grace.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Sa likod ng karangyaan at mga magagandang hiyas ay isang mapait na kwento. Si Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos bilang isang Reyna sa paglalarawan ni Ralph Wolfe Cowan, tagapagpinta ng Prinsipe at Prinsesa ng Monaco, Rainier at Grace. Mula sa Marcos Presidential Center.

2 July 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=1Ms0hSVGf7k

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  84 years ago, July 2, 1929, isinilang si Imelda Remedios Visitacion Romualdez sa Lungsod ng Maynila.  36 na taon lamang ang lilipas, siya na ang unang ginang ng Pilipinas, Imelda Marcos, noong 1965.

Unang Ginang sa edad na 36, 1966.  Mula sa LIFE Magazine sa Aklatang Xiao Chua.

Unang Ginang sa edad na 36, 1966. Mula sa LIFE Magazine sa Aklatang Xiao Chua.

Isang personal na larawan nina Pangulo at Unang Ginang Ferdinand at Imelda Marcos.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Isang personal na larawan nina Pangulo at Unang Ginang Ferdinand at Imelda Marcos. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Imelda na may parasol sa paglalarawan ng hyperrealist na pintor mula sa Chile na si Claudio Bravo.  Mula sa Metropolitan Museum of Manila.

Si Imelda na may parasol sa paglalarawan ng hyperrealist na pintor mula sa Chile na si Claudio Bravo. Mula sa Metropolitan Museum of Manila.

Noong una, lagi na lamang ibinabandera na nagmula siya sa pulitikal at aristokratang angkan ng mga Romualdez sa Leyte.  Ngunit noong 1969, naglabas ng isang aklat ang peryodistang si Carmen Navarro Pedrosa, The Untold Story of Imelda Marcos.  Ang tanong niya?  Bakit itatago ang kanyang nakaraan kung maaari sana itong magbigay ng inspirasyon sa iba.

Carmen Navarro Pedrosa.  Mula sa koleksyong Carmen Pedrosa.

Carmen Navarro Pedrosa. Mula sa koleksyong Carmen Pedrosa.

Ang unang edisyon (1969) ng kontrobersyal na aklat, ang unang biograpiya na nagbigay linaw sa maagang buhay ng Unang Ginang.  Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Ang unang edisyon (1969) ng kontrobersyal na aklat, ang unang biograpiya na nagbigay linaw sa maagang buhay ng Unang Ginang. Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Sa isang bahay sa Kalye Heneral Solano, San Miguel, Maynila malapit sa Palasyo ng Malacañan, namuhay ang pamilya ni Imelda.  Ang kanyang ama na si Vicente Orestes bagama’t abogado at dekano pa ay suportado ng mga kapatid na mas prominente.  Ayon mismo sa anak ni Imelda na si Congresswoman Imee sa aming panayam sa kanya, “Yung tatay niya, pag minsan may pera, kung minsan wala.  Pag walang pera, tutugtog ng piano para makalimutan yung gutom.  Beethoven ang kinakain.”

Si Xiao Chua at Angelito Angeles habang kinakapanayam si Rep. Ma. Imelda "Imee" Marcos, September 6, 2004, Batasang Pambansa.

Si Xiao Chua at Angelito Angeles habang kinakapanayam si Rep. Ma. Imelda “Imee” Marcos, September 6, 2004, Batasang Pambansa.

Vicente Orestes Romualdez.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Vicente Orestes Romualdez. Mula sa Marcos Presidential Center.

Paglalarawan ng diumano ay pamumuhay ni Imelda noong siya ay bata pa sa Maynila.  Kuha ni Xiao Chua sa Sto. Nino Shrine sa Tacloban, Leyte.

Paglalarawan ng diumano ay pamumuhay ni Imelda noong siya ay bata pa sa Maynila. Kuha ni Xiao Chua sa Sto. Nino Shrine sa Tacloban, Leyte.

Si Estrella Cumpas, ang yaya ni Imelda, na nagkwento ng mga mapait na karanasan ni Imelda kay Carmen Pedrosa.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Estrella Cumpas, ang yaya ni Imelda, na nagkwento ng mga mapait na karanasan ni Imelda kay Carmen Pedrosa. Mula kay Carmen Pedrosa.

Habang ang ina naman ni Imelda na si Remedios Trinidad Romualdez, bilang pangalawang asawa, ay nagdusa diumano ng katakut-takot na sakit ng damdamin sa mga anak ng unang asawa.  Nang magkaroon ng lamat ang kanilang relasyong mag-asawa, sa isang tinayong karton sa garahe tumira ang mag-iina ni Remedios.

Ang kasal ng mga magulang ni Imelda.   Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang kasal ng mga magulang ni Imelda. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Remedios Trinidad noong kanyang kabataan.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Remedios Trinidad noong kanyang kabataan. Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad sa araw ng kanyang kasal.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad sa araw ng kanyang kasal. Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad Rmoualdez.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad Rmoualdez. Mula kay Carmen Pedrosa.

Sa kanyang pagiging Unang Ginang, ang dating nasa ibaba ng angkan ay nailagay na sa tugatog nito.  Mula sa Sto. Nino Shrine, Tacloban, Leyte sa pangangalaga ng Presidential Commission on Good Government.

Ang batang Imelda.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang batang Imelda. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Imelda (kanan) kasama ang half-sister na si Lourdes,  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Imelda (kanan) kasama ang half-sister na si Lourdes, Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang larawan para sa unang komunyon ni Imelda.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang larawan para sa unang komunyon ni Imelda. Mula sa Marcos Presidential Center.

Kahit si Imelda naaalala kung paanong ang kanyang ina ay ginagawan siya ng mga maliit na damit na gawa sa seda, binibihisan tulad ni Shirley Temple at pakakantahin sa gitna ng sala kapag sila ay may bisita.  Ngunit namatay ang ina ni Imelda sa sakit na pulmunya at sakit ng loob noong December 7, 1938.

Si Xiao Chua habang kinakapanayam si Unang Ginang Imelda Marcos, kuha ni Jose Angelito Angeles, 2008.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua habang kinakapanayam si Unang Ginang Imelda Marcos, kuha ni Jose Angelito Angeles, 2008. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Imelda bilang estudyante ng St. Paul's Tacloban.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Imelda bilang estudyante ng St. Paul’s Tacloban. Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang larawan ni Imelda na masasabing paborito ni Pangulong Marcos, naiwan ito sa kanyang mesa noong EDSA 1986.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang larawan ni Imelda na masasabing paborito ni Pangulong Marcos, naiwan ito sa kanyang mesa noong EDSA 1986. Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang batang Imelda.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang batang Imelda. Mula kay Carmen Pedrosa.

Nang kapanayamin namin si Gng. Marcos, sabi niya ukol sa ama at buhay nila noong bata pa, “How can he be a pauper?  Doctor of laws, and living in a garahe!  Ang corny!  Temporarily, true, …but it was my happy period of my life because my mother made a house, para kaming nagbahay-bahayan.  …The house was being repaired, baka mamaya mauntugan kami ng mga martilyo.”

Ang Rosas ng Tacloban.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang Rosas ng Tacloban. Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang Lakambini ng Maynila.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang Lakambini ng Maynila. Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang Unang Ginang ng buong Pilipinas.  Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Ang Unang Ginang ng buong Pilipinas. Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Si Imelda Marcos bilang gobernador ng Metro Manila at ministro ng Human Settlements.  Mula sa Fookien Times Yearbook sa Aklatang Xiao Chua.

Si Imelda Marcos bilang gobernador ng Metro Manila at ministro ng Human Settlements. Mula sa Fookien Times Yearbook sa Aklatang Xiao Chua.

Ang ikinubling karanasan na ito marahil ang dahilan kung bakit ang babaeng simple ang mga damit noon ay nagsuot ng mga magagarang kasuotan at mga alahas, at ang babaeng nagbahay-bahayan sa garahe ay tumira sa mga palasyo sa daigdig.  Sa kanyang talento at kagandahan, sinikap niyang baguhin ang kanyang buhay.  Sa masama man o mabuti, nagbago rin ang sa atin.  Nagbago rin ang buhay ni Pedrosa.  Dahil sa harassment ng mga tauhan ng mga Marcos, napawalay sa sariling lupa, ang kanyang aklat ay sinamsam at ipinagbawal.  44 na taon matapos na unang mailathala, noong nakaraang June 20 lamang ito pormal na inilunsad kaugnay ng isang bagong edisyon, hindi marahil makapaniwala na una, buhay pa sila habang marami sa kanilang mga kaibigan sa pakikibaka ay wala na, at pangalawa, dahil sa gitna ng pagmamali ng kasaysayan ng ilan ay kinakailangan pa ring ilabas muli ang konstrobersyal na aklat.

Si Carmen Pedrosa bilang destiero sa London.  Mula sa fb page ni Carmen Pedrosa.

Si Carmen Pedrosa bilang destiero sa London. Mula sa fb page ni Carmen Pedrosa.

Si Xiao Chua sa unang pagkikita nila ng idolong si Pedrosa, May 2011, Heroes Square Rizal @ 150 Tour, Fort Santiago.

Si Xiao Chua sa unang pagkikita nila ng idolong si Pedrosa, May 2011, Heroes Square Rizal @ 150 Tour, Fort Santiago.

Carmen Pedrosa hawak ang bagong edisyon ng kanyang akda.  June 20, 2013, Opera Haus, Makati.

Carmen Pedrosa hawak ang bagong edisyon ng kanyang akda. June 20, 2013, Opera Haus, Makati.

Ang makasaysayang unang paglulunsad ng isang higit 40-taon nang aklat.

Ang makasaysayang unang paglulunsad ng isang higit 40-taon nang aklat.

Si Xiao Chua, Jonathan Balsamo at Carmen Pedrosa noong paglulunsad ng kanyang The Untold Story of Imelda Marcos.

Si Xiao Chua, Jonathan Balsamo at Carmen Pedrosa noong paglulunsad ng kanyang The Untold Story of Imelda Marco.  Mula sa Koleksyong Jonathan Balsamo.

Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 21 June 2013: ANG MAGKATAMBAL NA KASAYSAYAN NG LUNGSOD NG MAYNILA AT NG METRO MANILA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Metro Manila:  Gates of Hell o Gotham City?  Kuha ni Louie Oviedo noong mga pag-ulan ng "Habagat," August 8, 2012 mula sa fb ng UP Socius.

Metro Manila: Gates of Hell o Gotham City? Kuha ni Louie Oviedo noong mga pag-ulan ng “Habagat,” August 8, 2012 mula sa fb ng UP Socius.

21 June 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=Tsep0NNU6N4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  442 years ago, June 24, 1571, itinatag ni Miguel Lopez de Legaspi ang kolonyal na Ciudad de Manila matapos mapilitan ang huling hari ng Maynila na si Rajah Soliman na isuko ang kanyang kaharian at parang mga iskwater na iniwan ang kanilang lumang bayan at nag-resettle sa Ermita at Malate, ang lugar na tinawag na Bagumbayan.

Miguel Lopez de Legaspi.  Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legaspi. Mula sa La Ilustracion Filipina.

Rajah Soliman, mula sa "History of Manila" mural ni Carlos "Botong" Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal.  Nasa City Hall ng Maynila.

Rajah Soliman, mula sa “History of Manila” mural ni Carlos “Botong” Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal. Nasa City Hall ng Maynila.

Ang kuta ni Soliman sa Maynila ayon kay J. Martinez, 1892.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang kuta ni Soliman sa Maynila ayon kay J. Martinez, 1892. Mula sa Pacto de Sangre.

Fort Santiago noong panahon ng mga Espanyol, dito makatirik ang dating kuta ni Soliman, ni Alfredo Carmelo, 1960.  Mula sa Pacto de Sangre.

Fort Santiago noong panahon ng mga Espanyol, dito makatirik ang dating kuta ni Soliman, ni Alfredo Carmelo, 1960. Mula sa Pacto de Sangre.

Bago dumating ang mga Espanyol, ang Maynila ay isang kaharian sa bunganga ng Ilog Pasig at ng Look ng Maynila, ang area na ngayon ay nasa Fort Santiago.  Ayon sa disertasyon ni Dr. Lars Raymund Ubaldo, ang lugar sa dalampasigan ng mga bakawan at ang tagpuan ng ilog at dagat na tinatawag sa Ingles na delta, ay tinatawag na “alog” ng mga ating ninuno.  At iyon raw ang tunay na pinagmulan ng salitang “Tagalog,” taga-alog at hindi taga-ilog.

Ang delta o "alog" ng Manila Bay at Pasig River.  Mula sa Wikipedia, 1800s.

Ang delta o “alog” ng Manila Bay at Pasig River. Mula sa Wikipedia, 1800s.

Ang bunganga ng Ilog Pasig sa Look ng Maynila--ang alog, maaaring pinagmulan ng salitang Tagalog--Taga-alog.  Mula sa manilahub.blogspot.com.

Ang bunganga ng Ilog Pasig sa Look ng Maynila–ang alog, maaaring pinagmulan ng salitang Tagalog–Taga-alog. Mula sa manilahub.blogspot.com.

Ang alog ng Look ng Maynila at Ilog Pasig ngayon.  Kuha ni David Montasco.

Ang alog ng Look ng Maynila at Ilog Pasig ngayon. Kuha ni David Montasco.

Si Xiao Chua at Dr. Lars Raymund Ubaldo sa tamabayan ng kanilang organisasyon UP Lipunang Pangkasaysayan sa UP Diliman, January 10, 2005.  Kapwa sila ngayon nagtuturo sa De La Salle University.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang Maynila noon ang nagsisilbing “toll gate” sa mga mangangalakal na nais magtungo sa mga iba’t ibang mga mauunlad na kaharian sa Laguna de Bai.  Ang Maynila ay nagmula sa salitang “nila,” isang indigo plant na tumutubo sa ilog, may nila.

Ang Look ng Maynila mula sa kalawakan.  Mula sa wv.mei.titech.ac.jp

Ang Look ng Maynila mula sa kalawakan. Mula sa wv.mei.titech.ac.jp

Mula Tondo at Maynila, ang Ilog Pasig ay bumabagtas hanggang Laguna de Bai--mga dating kaharian na tinukoy sa Laguna Copperplayte Inscription.  Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Mula Tondo at Maynila, ang Ilog Pasig ay bumabagtas hanggang Laguna de Bai–mga dating kaharian na tinukoy sa Laguna Copperplayte Inscription. Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Ang Nila, mula sa Flora de Filipinas ni Padre Manuel Blanco.

Ang Nila, mula sa Flora de Filipinas ni Padre Manuel Blanco.

"Entrevista de Goiti y Rajah Soliman," and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo.  Mula sa Pacto de Sangre.

“Entrevista de Goiti y Rajah Soliman,” and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo. Mula sa Pacto de Sangre.

Ito ang naging kabisera ng mga Espanyol, at ang Ciudad de Manila noon ay yaon lamang nasa paligid ng pinatayuan nilang mga pader—Intramuros.  Nang dumating ang mga Amerikano, maging ang mga nasa labas ng pader ay naging Lungsod ng Maynila.

Ang lumang mapa ng Espanyol na Ciudad de Manila na napapalibutan ng mga pader--Intramuros (Latin para sa nasa loob ng mga pader).  Nakaayon sa Leyes de las Indias ng mga Espanyol, ito ang naging huwaran ng iba pang mga pueblo o bayan sa Pilipinas--may sentro na tinatawag na Plaza at nahahati sa parisukat ayon sa Roman Grid Pattern.  Sa town planning na ito, nasa plaza ang pinakamahalagang institusyon ng Simbahan at Casa Gobierno, at ang mga bahay na pinakamalapit sa plaza ay yaong sa may kapangyarihan.

Ang lumang mapa ng Espanyol na Ciudad de Manila na napapalibutan ng mga pader–Intramuros (Latin para sa nasa loob ng mga pader). Nakaayon sa Leyes de las Indias ng mga Espanyol, ito ang naging huwaran ng iba pang mga pueblo o bayan sa Pilipinas–may sentro na tinatawag na Plaza at nahahati sa parisukat ayon sa Roman Grid Pattern. Sa town planning na ito, nasa plaza ang pinakamahalagang institusyon ng Simbahan at Casa Gobierno, at ang mga bahay na pinakamalapit sa plaza ay yaong sa may kapangyarihan.

Dahil napalibutan ng mga matataas na pader ang Intramuros, hindi napabagsak sa loob ng tatlong daang taon ang Conquista.  Mapa mula sa Pacto de Sangre.

Dahil napalibutan ng mga matataas na pader ang Intramuros, hindi napabagsak sa loob ng tatlong daang taon ang Conquista. Mapa mula sa Pacto de Sangre.

Ang Intramuros sa panahon ng mga Amerikano, lumalaki na ang Lungsod ng Maynila.

Ang Intramuros sa panahon ng mga Amerikano, lumalaki na ang Lungsod ng Maynila.

Hindi na lamang Intramuros ang Lungsod ng Maynila noong panahon ng Amerikano, isinama na ang mga dating arabales o suburbs.

Hindi na lamang Intramuros ang Lungsod ng Maynila noong panahon ng Amerikano, isinama na ang mga dating arabales o suburbs.

Dahil maliit ang Maynila, hiniraya o nagkaroon ng vision si Pangulong Manuel Quezon na magtatag ng isang mas malaki at planadong bagong pangkabeserang lungsod na nakapangalan sa kanya, Quezon City, noong 1939.  Naging ganap na kabisera ng Pilipinas ang Quezon City noong 1948 ngunit binawi ito ni Pangulong Marcos noong 1976.

Si Pangulong Manuel Luis Quezon sa kanyang talumpating pampasinaya bilang Unang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas, November 15, 1935 sa lumang gusali ng Kongreso sa Maynila.  Ito ang pinagbatayan ng sikat niyang monumento.

Angnpaglalagay ng batong panulukan sa Lungsod Quezon na pinangunahan ni... Quezon.  Mula sa Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas.

Angnpaglalagay ng batong panulukan sa Lungsod Quezon na pinangunahan ni… Quezon. Mula sa Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas.

Ang elliptical circle at ang Quezon Memorial Monument.  Ang sanang magiging kapital ng Pilipinas.  Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Ang elliptical circle at ang Quezon Memorial Monument. Ang sanang magiging kapital ng Pilipinas. Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Palaki ng palaki ng palaki ng palaki.  Ito ang masasabi ukol sa kabisera ng Pilipinas lalo na nang itatag ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong November 7, 1975 ang Metropolitan Manila Commission o MMC na binubuo ng apat na mga lungsod ng Maynila, Quezon, Pasay at Caloocan; at ng labintatlong iba pang mga bayan upang maging Metropolitan Manila o National Capital Region.

Ang lalawigan ng Rizal ay hinati, ang pinakamauunlad na bayan nito ay naging bahagi ng Metropolitan Manila.  Naloka siguro ang mga Rodriguez ng Rizal.  Mula kay armandobalajadia.com.

Ang lalawigan ng Rizal ay hinati, ang pinakamauunlad na bayan nito ay naging bahagi ng Metropolitan Manila. Naloka siguro ang mga Rodriguez ng Rizal. Mula kay armandobalajadia.com.

Ang mapa ng Metropolitan Manila o National Capital Region.

Ang mapa ng Metropolitan Manila o National Capital Region ngayon.

Inatasan niya ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos na maging gobernador at upang diumano ay maiwasan ang pagtatampo ni Gobernador Isidro Rodriguez ng Lalawigang Rizal na pinagkunan ng lahat ng pinakamayayaman nilang bayan, ginawang alkalde ng Quezon City ang asawa niyang si Adelina S. Rodriguez.

Alkalde Adelina Rodriguez.  Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Alkalde Adelina Rodriguez. Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Nang manumpa ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos bilang tanging "Gobernador ng Metropolitan Manila" noong November 7, 1975 sa Palasyo ng Malacanan.

Nang manumpa ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos bilang tanging “Gobernador ng Metropolitan Manila” noong November 7, 1975 sa Palasyo ng Malacanan.

Si Imelda Marcos habang pinupulong ang mga alkalde ng Metropolitan Manila.  Naging makapangyarihan siyang gobernador hawak ang 15 % ng pambansang budget.    Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Si Imelda Marcos habang pinupulong ang mga alkalde ng Metropolitan Manila. Naging makapangyarihan siyang gobernador hawak ang 15 % ng pambansang budget. Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Nag-adhika si Imelda na ibigay ang 11 Basic Needs of Man, kaya tila kinuyog na parang mga bubuyog ng mga tao ang kabisera.  Lumaki ang populasyon nito.  Plano niyang palakihin ang land area ng MM, dadagdagan ang reclaimed area hanggang Cavite at isasali na ang area hanggang Real, Quezon upang maging bahagi ng MM!!!  Ang tanging lungsod sa daigdig na nakaharap sa dalawang malalaking katawan ng tubig.  Hindi ito natuloy.

Mapa na nagpapakita ng planong pinalaking Metropolitan Manila na nakaharap kapwa sa Dagat Kanlurang Pilipinas (Look ng Maynila) at Karagatang Pasipiko (Infanta-Real, Quezon).  Mula sa Metropolitan Manila Development Authority Library).

Nagpatuloy ang MMC sa pamamagitan ng  Metropolitan Manila Development Authority at nag-iwan din ito ng pamana.  Kaiba sa “Gates of Hell” na tawag sa lungsod ni Dan Brown, may progreso sa Metro Manila.

Ang Metropolitan Manila ngayon.

Ang Metropolitan Manila ngayon.

Solid na Manila shot na tila nagpapapala ang Panginoon.

Solid na Manila shot na tila nagpapapala ang Panginoon.Kuha ni Huno Garces.

Ang mga nakahimpil na tinitirhang maliliit na casco sa Ilog Pasig sa Lumang Maynila.

Ang mga nakahimpil na tinitirhang maliliit na casco sa Ilog Pasig sa Lumang Maynila.

Ang mga bahay sa gilid ng ilog.  Mula sa fb ni Delmar Taclibon.

Ang mga bahay sa gilid ng ilog. Mula sa fb ni Delmar Taclibon.

Paano naman ang rural poor?  Mula sa newsbox.unccd.int.

Paano naman ang rural poor? Mula sa newsbox.unccd.int.

Ngunit hindi ba’t sa sobrang pagbibigay ng ginhawa sa kabisera natin, nasakripisyo ang mga probinsya natin?  Pag-isipan natin, paano kaya natin maiiwasan ito?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Razon’s, UP-Ayala Technohub, 30 October 2012, 8 June 2013)

ON CESAR E.A. VIRATA’S ROLE IN THE MARCOS REGIME: Or On Why We Shouldn’t Be So Harsh on Virata

Cesar Emilio Aguinaldo Virata.  Photo displayed at the Emilio Aguinaldo Shrine at Kawit, Cavite.  The shrine for his granduncle.

Cesar Emilio Aguinaldo Virata. Photo displayed at the Emilio Aguinaldo Shrine at Kawit, Cavite. The shrine for his granduncle.

These past few months, a historical debate ensued with the naming of the University of the Philippines College of Business Administration as the Cesar E.A. Virata School of Business, the first time in UP that a school was names after a person, a living person for that, and someone who didn’t give a single centavo of financial contribution for it.  The Dean of the said college justified the decision saying, “Virata was an honorable public servant who has served as Secretary of Finance and Prime Minister of the Philippines.”  As a former professor and dean of the college, he was also instrumental in its development.  But the critics say that since he was part of the Marcos regime, and doesn’t deserve the honor.  I will leave it to UP people to talk about the ethics of renaming a UP college to a person still living but I would like to say, the critics had been also too mean on Virata.  

I used to think that Virata was just a rubber-stamp cabinet member, member of parliament and Prime Minister during the time of Marcos.  A pawn of the conjugal dictatorship.  I wanted to schedule an interview with him for my master’s thesis on Imelda as First Lady and Governor of Metropolitan Manila, he gave a very short answer on his role but didn’t elaborate much, except an encouragement to read more.

History is not black and white, its nuances and complications must be seen.  My humble findings on my thesis pointed out that although he became a “deodorizer” of the regime to the rest of the World, he did his best to avoid misappropriation of public funds to the frivolous projects of the regime especially the First Lady.  One must understand that the Palace during the early 1980s was actually divided two warring factions–the Ilocano group or the Andy Marcos people, and the Waray group or the Imelda people.  And the latter group was openly antagonistic towards him.  At one point he wanted to resign because of what’s happening to the country but Marcos didn’t want him to leave because without him, his regime would lose credibility to foreign lending institutions.

I would like to quote my thesis at length below but the bottomline is, yes, P.M. Virata was part of the Marcos regime, but he was not as sinister as he was pictured to be.  He did his best to try not to put so much money on projects deemed unnecessary, especially the Manila Film Center and the Metropolitan Manila Film Festivals.  He may have failed to totally battle corruption and human rights violations but he was a critical collaborator who placed some sanity in government in a time of dictatorship.  We may not give him credit for that, but I believe he is a decent man and he doesn’t deserve the nasty and simplistic generalizations and he doesn’t deserve our meanness.

xxx

Mula sa Michael Charleston Briones Chua.  2010.  ANG MAYNILA NI IMELDA:  Isang Kapanahong Kasaysayan ng Pagbabagong-Anyo ng Metropolitan Manila (1965-1986).  Hindi pa nailalathalang tesis-masterado para sa M.A. Kasaysayaan sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman:

Ang paghiraya ni Gng. Marcos sa Kalakhang Maynila ay naging posible dahil pinalibutan ng mga Marcos ang kanilang sarili ng mga matatalinong tao, mga ekspertong inilagay sa pamahalaan ay tinawag na mga technocrats (Paras 2008).  Sa kabila ng impresyon ng isang awtokratikong pamamahala, ano ang nagtulak sa mga teknokrat na ibigay ang kanilang paninilbihan sa estado at maging bahagi ng paghiraya sa lungsod ni Gng. Marcos?

Bagama’t kailangang linawin na hindi dapat banggitin ang akademya sa panahon ng Batas Militar na tila iisang yunit na nakipagsabwatan sa diktadura.  Ayon sa nabilanggong propesor ng Agham Pampulitika at naging Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas na si Dr. Francisco “Dodong” Nemenzo, ang akademya ay binubuo ng iba’t ibang ideolohiya at nag-uumpugang paniniwala.  Ang kanyang ibinigay na halimbawa ay ang kanyang kasamang propesor ng Agham Pampulitika na si Dr. Onofre Corpuz.

Ayon kay Dr. Nemenzo, bago pa man ang Batas Militar, makikita na sa mga sulatin ni Dr. Corpuz, at maging sa kanyang tesis doktorado sa Harvard ang paniniwala nito na dapat malakas ang sangay ng tagapagpaganap ng estado.  Kung hindi magiging malakas ang presidente, walang mangyayari sa bayan.  Sa kanyang unang paniniwala na mahinang pinuno ang Pang. Marcos, nagbitiw siya sa pamahalaan.  Kaya hindi rin nakapagtataka na muli siyang sumapi sa pamahalaan nang ipataw ang Batas Militar.  Dagdag ni Dr. Nemenzo:

“Marcos kasi had a vision, e, unlike GMA (Pang. Gloria Macapagal-Arroyo) who had no vision, but survival…  He would crush the oligarchs, restore the law and order, that he would  industrialize the country.  …That vision was quite appealing to people, yung mga technocratic minds like Gerry (Gerardo) Sicat, Cesar Virata, Jimmy (Jaime) Laya.  I think partly out of conviction.” (Nemenzo 2008).

Ayon kay Dr. Nemenzo, ang pagpasok ng mga teknokrat ay nasa konteksto ng krisis sa langis ng 1973.  Sa pagtaas ng presyo ng langis, nagkaroon ng salapi ang mga bansang OPEC at ang mga bangko ay nagnais na ipautang ang mga ito sa mga bansang may “clean bill of health.”  Nang ang International Monetary Fund / World Bank ay tila nagbigay ng endorso sa proklamasyon ng Batas Militar sa Pilipinas, at nang magkaroon ng speculation sa mga commodities na katulad ng bigas at copper, lalo na ang copper sa panahon ng digmaan sa Vietnam, nakita ng ilang mga ekonomista ang pagkakataon na magkaroon ng malaking pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas:

“For these economists and business administration people, there was great opportunity for economic progress under Marcos.  That also explains why the likes of Virata and Laya ay very acceptive to the ideas of Marcos and were willing to serve in the government. Marcos then had a vision of the Philippine industries and getting loans to build that.  Put them to more sugar mills…” (Nemenzo 2008)

Nang sagutin ang aking sulat sa telepono ng Minister of Finance at Prime Minister sa mga panahon na iyon na si G. Cesar E. A. Virata, sinabi lamang niya na ang papel niya sa pamahalaang Metropolitan ni Gng. Marcos ay ito:  “I just see to it that there are funds for the different departments.”  Ang  matipid na sagot na ito ay sinundan ng pag-uusig na magbasa pa at magsaliksik ukol sa kanyang naging papel (Virata 2007).  Nang gawin ko ito sa mga sumunod na taon, nabigla ako sa aking mga natuklasan.

Ayon kay Dr. Nemenzo, may makikitang kontradiksyon sa pagitan ng mga teknokrat at ng mga kroni, ang bagong oligarkiya na itinatag ng mga Marcos mula sa kanilang mga kapamilya at kaibigan.  Ang mga kroni ay sinuportahan ni Gng. Marcos, lalo na sa kanilang pag-utang sa mga institusyon sa pananalapi.  Kinalaunan, ang mga utang na ito ayon kay Dr. Nemenzo ay in-invest sa labas ng bansa at sa mga non-performing assets tulad ng mga edipisyo, imbes na sa industriyalisasyon ng bansa.  Tumaas ang utang ng bansa ngunit walang naging balik sa pamahalaan at ekonomiya.

Sa kabila ng pagsuporta ni Gng. Marcos sa mga kroni, sinikap ng mga teknokrat na maging konsyensya kung mayroong nagiging kalabisan sa pagtupad ng hiraya.  Ang tunggaliang teknokrat at kroni/Gng. Marcos ay pinatutunayan ni Beth Day Romulo, kabiyak ng isang ministro:

“A cabinet member Imelda was especially hard on was Cesar Virata, the Minister of Finance and Prime Minister, who took his role as the “conscience” of the Cabinet very seriously, and opposed a number of her grandiose projects.  In official gatherings, she gave him no importance, and it was my protocol-minded husband [Hen. Carlos P. Romulo, Ministro ng mga Suliraning Panlabas] who kept insisting the Prime Minister be given his proper place.  The President, however, recognized that Virata was respected abroad in the international banking community, and so protected him even when Virata dared to say no to Imelda.

“In 1982 the First Lady asked for public funding for her international film festival.  Minister Virata blocked the request.  Miffed, Imelda raised the money she wanted by allowing movie houses in Manila to screen previously banned pornographic films.

“In a cabinet meeting, Mrs. Marcos accused Virata of treating her ministry as if it were “an enemy.”  Her friend, and her husband’s crony, Bobby (Roberto) Benedicto, also chimed in to attack Virata for his austerity measures and stringent policies. 

“But Imelda plodded along with her grandiose schemes, despite the downhill trend of our country’s economy…” (Romulo 1987, 187)

Muling nagkaroon ng “showdown” si Virata at iba pang mga bahagi ng partido ni Pang. Marcos, KBL, noong 14 Abril 1983, nang magpatawag ang pangulo ng pagpupulong upang repasuhin ang lagay ng bansa para sa mga bangkong nagpapautang sa atin.  Habang inaakusahan nina Benedicto at Ministro ng Labor Blas Ople ng kawalan ng kakayahan sa pagharap ng krisis sa bansa, malumanay na ipinaliwanag ni Virata, kasama si Jaime Laya, ang Gobernador ng Bangko Sentral, ang sitwasyon.  Nang magnais magbitiw ni Virata, hindi tinanggap ni Pang. Marcos ang kanyang pagbibitiw.  Ang kredibilidad ni Virata ang naging puhunan upang patuloy na makautang ang pamahalaan sa IMF-WB (de Dios 1988, 107-109)

Sa kabila nito, ayon sa pagtatasa ni Dr. Emmanuel S. de Dios, isang ekonomista, sa kabila ng pagiging teknokrat, maaaring nagkaroon ng pakinabang ang mga ito sa pagkakatalaga ni Pang. Marcos sa ilan sa mga ito bilang mga kasapi ng lupon ex-officio ng mga korporasyong hinawakan ng pamahalaan.  Subalit ayon sa kanya:

“In any event, the realization would dawn, even among the businessmen, that the technocrats themselves possessed no independent significance, that they were themselves products of the regime and hence could not be its guardians.” (de Dios 1988, 105).

Anuman, bagama’t madaling sabihing nakipagsabwatan sa diktadura ang mga teknokrat, sa mga susunod na bahagi, ating makikita ang punyagi ng mga matatalino at idealistikong taong ito upang panatilihin ang kaayusan sa kapasyahan ni Gng. Marcos sa kabila ng kanyang personalidad at kaisipan sa ating pagsaysay sa mga programa ng Unang Ginang para sa Kalakhang Maynila.

Mga Sanggunian:

de Dios, Emmanuel S.  1988.  “The Erosion of the Dictatorship,” sa Dictatorship and Revolution:  Roots of People’s Power, eds. Aurora Javate De Dios, Petronilo Bn. Daroy at Lorna Kawal Tirol, 70-131.  Lungsod Quezon:  Conspectus Foundation, Inc.

Romulo, Beth Day.  1987.  Inside The Palace:  The Rise and Fall of Ferdinand and Imelda Marcos.  Nueba York:  Ferrer and Simons.

Nemenzo, Francisco “Dodong”  (Naging Dekano ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya at Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas).  2008, 26 Hunyo.  Panayam kay Dodong Nemenzo ni Michael Charleston B. Chua.  University Hotel, UP Diliman, Lungsod Quezon.

Virata, Cesar Emilio Aguinaldo (Naging Minister of Finance at Prime Minister ng Pilipinas).  2007, 30 August.  Panayam kay Cesar Virata ni Michael Charleston B. Chua.  Tawag sa telepono.

XIAOTIME, 19 November 2012: Istorya sa Likod ng MANILA FILM CENTER

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 19 November 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pagguho ng Manila Film Center, 17 November 1981, kuha ng GMA News

19 November 2012, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=JkITPw4SYxw&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  31 years ago noong Sabado, November 17, 1981, bandang alas tres ng madaling araw, nang gumuho ang ginagawang Manila Film Center na proyekto ng dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos.  Sinasabing hanggang ngayon marami pa rin daw na katawan na nakalibing doon at nagmumulto sila?  Huh?

Sino kaya ang nagsulat ng mga nakasulat sa pader ng hindi napupuntahang bahagi ng Manila Film Center, at kaninong anino ito? Kay Howie Severino, sa kanyang dokumentaryong “Multo ng Nakaraan.”

Liwanagin natin.  Noong 1981, hiniraya ni Gng Marcos na magkaroon ng isang sinupan na mag-iingat ng mga pelikula sa Pilipinas at magtataguyod din ng masining na paggawa nito.  Si Arkitekto Froilan Hong ang nagdisenyo nito na inspired ng Parthenon sa Athens, Greece at nagkakahalaga ng tinatayang Php 200 Milyon.

Parthenon sa Atenas, Gresya

Sinasabing nais ni Gng. Marcos na maging “Cannes of Asia” ang Maynila at ninais raw niya na maglagay ng white sand sa bahagi ng CCP Complex upang makumpleto ang ilusyon.  Araw-gabi na trabaho upang madaliin ang gusali para umabot sa pagbubukas ng Manila International Film Festival o MIFF noong January 18, 1982.  Hindi pa gaanong natutuyo ang semento, naglalagay muli ng bagong palapag ang mga trabahador.

Noong madaling araw ng November 17 1981, gumuho ang bandang bubungan ng tinatayong gusali, natabunan ng sementong madaling matuyo maging ang ilang mga bata dahil may mga pamilya pala na nakatira doon.  Kinordunan ang eksena at maging ang mga ambulansya at nakapasok lamang matapos ang siyam na oras.

Sinasabing ang supervisor ng proyekto ay nag-utos “pour the cement” sa bangkay ng mga biktima at kahit ang mga hindi mabunot ay lagariin na lamang dahil ayaw maantala ng Unang Ginang ang pagpapatayo ng gusali.  Ayon sa opisyal na tala na lumabas sa mga dyaryong kontrolado ng rehimen, 25 lang ang namatay kabilang ang isang inhinyero, na si Benigno G. Aquino.  Hanep ang nilabas pang pangalan kapangalan pa ng kalaban ni Pangulong Marcos!  Ayon kay Gng. Marcos mismo, “…may nabaon na ilang taon doon, pero hindi totoo na meron kaming iniwan na patay d’yan.  Yan naman Diyos ang may alam.  Maski natin hukayin piece by piece, stone by stone d’yan, ni isang buto ng tao wala d’yan naiwan.  Totoo ‘yan.  I will never do that.”  Ang tunay na taya ay 168 ang nasawi, ang mga katawan ng marami sa mga ito ay sinunog sa tabing-dagat.  Matapos ang trahedya, hinarang ni Prime Minister Cesar Virata ang pagpapalabas ng karagdagang $ 5 Milyong pondo para sa MIFF.  Trenta minutos bago ang inaugural program naglalagay pa rin ng mga silya.  Ang mga damo ay kinulayan ng berde na dumikit naman sa gowns ng mga bisita.  Sa sumunod na taon 1983, flopchina na ang MIFF kaya pinayagan na rin ang mga experimental films o mga pelikulang hubaran.  Nakilala ang MIFF bilang Manila International Fighting Fish, Fighting Fish ay kolokyal na ekspresyon para sa torohan noon.  Pero in fairness maaari ngang totoo ang sinasabing wala ngang naiwan na patay doon.  Nang ilabas ni Howie Severino ang dokumentaryo niya ukol sa trahedya, “Multo ng Nakaraan” noong 2005, nanawagan siya para sa mga taong may kamag-anak pa na nabaon sa Film Center, walang tumugon.  Wala rin naming nagtitirik ng bulaklak doon tuwing Todos Los Santos.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 14 November 2012)

XIAOTIME, 9 October 2012: SI JOHN LENNON AT ANG BEATLES SA PILIPINAS

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 9 October 2012, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

John Lennon (1940-1980)

9 October 2012, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=hz8tDJfT6ZE&feature=plcp

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alay ko ang episode na ito sa best friend kong si Jeremiah “Mayo” Baluyut na nagpakilala sa akin sa taong ating tatalakayin ngayon.  Kung buhay pa si John Lennon ngayon, 72 years old na siya ngayong araw na ito, kaarawan niya ay October 9, 1940.  Nakilala siya bilang bokalista ng sikat na bandang The Beatles na nagmula sa Liverpool, England kasama sina Paul McCartney, George Harrison at Ringo Starr.  Sa panahon ng kalituhan at tawag ng pagbabago ng Dekada 1960—pagbaril kina John F. Kennedy, Robert Kennedy at Martin Luther King, at mga pagkilos laban sa Vietnam War, deskriminasyon sa mga itim at paniniil sa kababaihan, ang mga awitin at “Yeah, Yeah, Yeah” ng Beatles ang naging larawan ng mga pagbabagong ito.  Sa panahon ng kanilang kasikatan, tumungo sila sa Maynila noong July 3, 1966.  Agad silang dinala sa isang pribadong yate ng isang negosyante na kanilang ikinayamot.  Kinabukasan, July 4, habang sila ay natutulog sa Manila Hotel, bigla na lamang silang ipinasundo ng Palasyo.  Bagong pangulo noon si Pang. Ferdinand Marcos at First Lady Imelda Marcos na inaanyayahan sila sa isang courtesy call sa Malacañang.  Ilang buwan ang nakalipas, ipinagwalang bahala pala ng manager na si Brian Epstein ang imbitasyon ng palasyo at inakalang naman natin na ang hindi nito pagsagot ay pagsang-ayon na.  Hindi ginising ng manager ang mga Beatles.  Nabastos ang unang pamilya sa inaakalang pag-snub sa kanila ng Beatles mismo.  Matapos ang kanilang dalawang konsyerto noong hapon na iyon sa Rizal Memorial Football Stadium na sabi ng Beatles ay sumobra sa bilang ng kapasidad ng lugar, kinabukasan July 5, walang naghatid sa kanila sa airport, walang tumulong sa kanila sa pagbuhat ng kanilang mga gamit, at nang sila ay nasa airport na, pinatay ang mga escalator at ang mga naka-barong na mga guwardiya nila ay tinatakid at sinisiko pa sila.  Ilan sa mga kasama ng Beatles ang nasugatan sa insidenteng ito.  May mga kwento na sa tindi ng takot, sina John at Ringo ay nagtago sa mga madre dahil alam nilang hindi sasaktan ang mga madre sa isang Katolikong bansa.  Sa pag-aakalang pagsakay nila sa eroplano ng British Airways tapos na ang kanilang kalbaryo, pinababa ang manager at ang mga kasama ng Beatles.  Kinuha pala ang cash na kinita ng grupo.  Isa sa mga dahilan ng kanilang pagtigil sa pagtotour at pagkokonsyerto ang nangyari sa kanila sa Maynila.  Sa mga sigawan ng tao, ni hindi na nila naririnig ang kanilang sariling tumutugtog, hindi na rin sila lumago.  Kaya ang insidente sa Maynila ay nagbunga rin ng magandang epekto.  Mula noon, nagpokus na lamang sila sa studio at nilikha ang mas magaganda nilang album tulad ng Sgt. Pepper’s Lonely Hearts Club Band, Let It Be at Abbey Road.  Nang magkahiwalay na sila noong 1970, si John Lennon ang naging pangunahing boses ng peace movement sa pamamagitan ng kanyang kantang “Imagine” na binoto bilang isa sa mga pinakadakilang “Music of the Millennium” noong 1999.  Binaril siya ng isang nabaliw na dating tagahanga noong December 8, 1980 sa New York.  Nabastos ang maraming Pilipino sa Beatles noong 1966 dahil popular pa ang Pang. Marcos noon.  Ngunit sabi ng ilan, tila naging preview ito sa magiging lagim ng Batas Militar.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, 4 October 2012)

Beatles namilosopo sa press conference sa Maynila, 3 July 1966.

Ang konsyerto ng Beatles sa Rizal Memorial Football Stadium, 4 July 1966. Ang front act ay si Pilita Corrales.

Overcrowded. Imahe mula sa The Beatles Anthology.

Manila Blues, pag-alis sa tarmac ng MIA.