XIAO TIME, 2 July 2013: ANG LIHIM NA KWENTO NI IMELDA MARCOS

by xiaochua

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Sa likod ng karangyaan at mga magagandang hiyas ay isang mapait na kwento.  Si Unang Ginang Imelda Romualdez bilang isang Reyna sa paglalarawan ni Ralph Wolfe Cowan, tagapagpinta ng Prinsipe at Prinsesa ng Monaco, Rainier at Grace.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Sa likod ng karangyaan at mga magagandang hiyas ay isang mapait na kwento. Si Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos bilang isang Reyna sa paglalarawan ni Ralph Wolfe Cowan, tagapagpinta ng Prinsipe at Prinsesa ng Monaco, Rainier at Grace. Mula sa Marcos Presidential Center.

2 July 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=1Ms0hSVGf7k

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  84 years ago, July 2, 1929, isinilang si Imelda Remedios Visitacion Romualdez sa Lungsod ng Maynila.  36 na taon lamang ang lilipas, siya na ang unang ginang ng Pilipinas, Imelda Marcos, noong 1965.

Unang Ginang sa edad na 36, 1966.  Mula sa LIFE Magazine sa Aklatang Xiao Chua.

Unang Ginang sa edad na 36, 1966. Mula sa LIFE Magazine sa Aklatang Xiao Chua.

Isang personal na larawan nina Pangulo at Unang Ginang Ferdinand at Imelda Marcos.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Isang personal na larawan nina Pangulo at Unang Ginang Ferdinand at Imelda Marcos. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Imelda na may parasol sa paglalarawan ng hyperrealist na pintor mula sa Chile na si Claudio Bravo.  Mula sa Metropolitan Museum of Manila.

Si Imelda na may parasol sa paglalarawan ng hyperrealist na pintor mula sa Chile na si Claudio Bravo. Mula sa Metropolitan Museum of Manila.

Noong una, lagi na lamang ibinabandera na nagmula siya sa pulitikal at aristokratang angkan ng mga Romualdez sa Leyte.  Ngunit noong 1969, naglabas ng isang aklat ang peryodistang si Carmen Navarro Pedrosa, The Untold Story of Imelda Marcos.  Ang tanong niya?  Bakit itatago ang kanyang nakaraan kung maaari sana itong magbigay ng inspirasyon sa iba.

Carmen Navarro Pedrosa.  Mula sa koleksyong Carmen Pedrosa.

Carmen Navarro Pedrosa. Mula sa koleksyong Carmen Pedrosa.

Ang unang edisyon (1969) ng kontrobersyal na aklat, ang unang biograpiya na nagbigay linaw sa maagang buhay ng Unang Ginang.  Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Ang unang edisyon (1969) ng kontrobersyal na aklat, ang unang biograpiya na nagbigay linaw sa maagang buhay ng Unang Ginang. Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Sa isang bahay sa Kalye Heneral Solano, San Miguel, Maynila malapit sa Palasyo ng Malacañan, namuhay ang pamilya ni Imelda.  Ang kanyang ama na si Vicente Orestes bagama’t abogado at dekano pa ay suportado ng mga kapatid na mas prominente.  Ayon mismo sa anak ni Imelda na si Congresswoman Imee sa aming panayam sa kanya, “Yung tatay niya, pag minsan may pera, kung minsan wala.  Pag walang pera, tutugtog ng piano para makalimutan yung gutom.  Beethoven ang kinakain.”

Si Xiao Chua at Angelito Angeles habang kinakapanayam si Rep. Ma. Imelda "Imee" Marcos, September 6, 2004, Batasang Pambansa.

Si Xiao Chua at Angelito Angeles habang kinakapanayam si Rep. Ma. Imelda “Imee” Marcos, September 6, 2004, Batasang Pambansa.

Vicente Orestes Romualdez.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Vicente Orestes Romualdez. Mula sa Marcos Presidential Center.

Paglalarawan ng diumano ay pamumuhay ni Imelda noong siya ay bata pa sa Maynila.  Kuha ni Xiao Chua sa Sto. Nino Shrine sa Tacloban, Leyte.

Paglalarawan ng diumano ay pamumuhay ni Imelda noong siya ay bata pa sa Maynila. Kuha ni Xiao Chua sa Sto. Nino Shrine sa Tacloban, Leyte.

Si Estrella Cumpas, ang yaya ni Imelda, na nagkwento ng mga mapait na karanasan ni Imelda kay Carmen Pedrosa.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Estrella Cumpas, ang yaya ni Imelda, na nagkwento ng mga mapait na karanasan ni Imelda kay Carmen Pedrosa. Mula kay Carmen Pedrosa.

Habang ang ina naman ni Imelda na si Remedios Trinidad Romualdez, bilang pangalawang asawa, ay nagdusa diumano ng katakut-takot na sakit ng damdamin sa mga anak ng unang asawa.  Nang magkaroon ng lamat ang kanilang relasyong mag-asawa, sa isang tinayong karton sa garahe tumira ang mag-iina ni Remedios.

Ang kasal ng mga magulang ni Imelda.   Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang kasal ng mga magulang ni Imelda. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Remedios Trinidad noong kanyang kabataan.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Remedios Trinidad noong kanyang kabataan. Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad sa araw ng kanyang kasal.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad sa araw ng kanyang kasal. Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad Rmoualdez.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad Rmoualdez. Mula kay Carmen Pedrosa.

Sa kanyang pagiging Unang Ginang, ang dating nasa ibaba ng angkan ay nailagay na sa tugatog nito.  Mula sa Sto. Nino Shrine, Tacloban, Leyte sa pangangalaga ng Presidential Commission on Good Government.

Ang batang Imelda.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang batang Imelda. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Imelda (kanan) kasama ang half-sister na si Lourdes,  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Imelda (kanan) kasama ang half-sister na si Lourdes, Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang larawan para sa unang komunyon ni Imelda.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang larawan para sa unang komunyon ni Imelda. Mula sa Marcos Presidential Center.

Kahit si Imelda naaalala kung paanong ang kanyang ina ay ginagawan siya ng mga maliit na damit na gawa sa seda, binibihisan tulad ni Shirley Temple at pakakantahin sa gitna ng sala kapag sila ay may bisita.  Ngunit namatay ang ina ni Imelda sa sakit na pulmunya at sakit ng loob noong December 7, 1938.

Si Xiao Chua habang kinakapanayam si Unang Ginang Imelda Marcos, kuha ni Jose Angelito Angeles, 2008.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua habang kinakapanayam si Unang Ginang Imelda Marcos, kuha ni Jose Angelito Angeles, 2008. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Imelda bilang estudyante ng St. Paul's Tacloban.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Imelda bilang estudyante ng St. Paul’s Tacloban. Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang larawan ni Imelda na masasabing paborito ni Pangulong Marcos, naiwan ito sa kanyang mesa noong EDSA 1986.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang larawan ni Imelda na masasabing paborito ni Pangulong Marcos, naiwan ito sa kanyang mesa noong EDSA 1986. Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang batang Imelda.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang batang Imelda. Mula kay Carmen Pedrosa.

Nang kapanayamin namin si Gng. Marcos, sabi niya ukol sa ama at buhay nila noong bata pa, “How can he be a pauper?  Doctor of laws, and living in a garahe!  Ang corny!  Temporarily, true, …but it was my happy period of my life because my mother made a house, para kaming nagbahay-bahayan.  …The house was being repaired, baka mamaya mauntugan kami ng mga martilyo.”

Ang Rosas ng Tacloban.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang Rosas ng Tacloban. Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang Lakambini ng Maynila.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang Lakambini ng Maynila. Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang Unang Ginang ng buong Pilipinas.  Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Ang Unang Ginang ng buong Pilipinas. Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Si Imelda Marcos bilang gobernador ng Metro Manila at ministro ng Human Settlements.  Mula sa Fookien Times Yearbook sa Aklatang Xiao Chua.

Si Imelda Marcos bilang gobernador ng Metro Manila at ministro ng Human Settlements. Mula sa Fookien Times Yearbook sa Aklatang Xiao Chua.

Ang ikinubling karanasan na ito marahil ang dahilan kung bakit ang babaeng simple ang mga damit noon ay nagsuot ng mga magagarang kasuotan at mga alahas, at ang babaeng nagbahay-bahayan sa garahe ay tumira sa mga palasyo sa daigdig.  Sa kanyang talento at kagandahan, sinikap niyang baguhin ang kanyang buhay.  Sa masama man o mabuti, nagbago rin ang sa atin.  Nagbago rin ang buhay ni Pedrosa.  Dahil sa harassment ng mga tauhan ng mga Marcos, napawalay sa sariling lupa, ang kanyang aklat ay sinamsam at ipinagbawal.  44 na taon matapos na unang mailathala, noong nakaraang June 20 lamang ito pormal na inilunsad kaugnay ng isang bagong edisyon, hindi marahil makapaniwala na una, buhay pa sila habang marami sa kanilang mga kaibigan sa pakikibaka ay wala na, at pangalawa, dahil sa gitna ng pagmamali ng kasaysayan ng ilan ay kinakailangan pa ring ilabas muli ang konstrobersyal na aklat.

Si Carmen Pedrosa bilang destiero sa London.  Mula sa fb page ni Carmen Pedrosa.

Si Carmen Pedrosa bilang destiero sa London. Mula sa fb page ni Carmen Pedrosa.

Si Xiao Chua sa unang pagkikita nila ng idolong si Pedrosa, May 2011, Heroes Square Rizal @ 150 Tour, Fort Santiago.

Si Xiao Chua sa unang pagkikita nila ng idolong si Pedrosa, May 2011, Heroes Square Rizal @ 150 Tour, Fort Santiago.

Carmen Pedrosa hawak ang bagong edisyon ng kanyang akda.  June 20, 2013, Opera Haus, Makati.

Carmen Pedrosa hawak ang bagong edisyon ng kanyang akda. June 20, 2013, Opera Haus, Makati.

Ang makasaysayang unang paglulunsad ng isang higit 40-taon nang aklat.

Ang makasaysayang unang paglulunsad ng isang higit 40-taon nang aklat.

Si Xiao Chua, Jonathan Balsamo at Carmen Pedrosa noong paglulunsad ng kanyang The Untold Story of Imelda Marcos.

Si Xiao Chua, Jonathan Balsamo at Carmen Pedrosa noong paglulunsad ng kanyang The Untold Story of Imelda Marco.  Mula sa Koleksyong Jonathan Balsamo.

Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)