XIAO TIME, 3 July 2013: ANG PISO NI ANITA PARA SA AMANG SI MARCELO DEL PILAR

by xiaochua

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Xiao Chua bilang tagapagsalita para sa anibersaryo ng kapanganakan ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang pook sinilangan sa Bulakan, Bulacan kasama ang ilang lokal na mga personalidad tulad ng historyador na si Ian Alfonso, Direktor ng Bahay Saliksikan ng Bulacan Dr. Agnes Crisostomo, Curator ng Pook Pangkasaysayang Marcelo H. del Pilar Ka Alex Balagtas, at mga kaanak ng mga del Pilar.

1 July 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=5Iq4vKuVIKo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  117 years ago, July 4, 1896, sa isang sanatorium sa Espanya, namatay sa sakit na tuberculosis si Marcelo Hilario del Pilar, ang dakilang propagandista.  Marami ang nakakalimot sa mga nagawa ni del Pilar liban marahil sa kanyang Mr. Suave na bigote.  Bakit kaya?  Si Rizal, a-patay ng mga Espanyol, si Bonifacio, a-tapang a tao, pero del Pilar namatay sa ibang bansa?

Marcelo H. del Pilar.

Marcelo H. del Pilar.

Marcelo Hilario del Pilar, ang founder ng Pringles???

Marcelo Hilario del Pilar, ang founder ng Pringles???

Kinulayang bersyon ng sikat na larawan ng tatlong repormista:  Rizal, del Pilar at Ponce.  Mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.

Kinulayang bersyon ng sikat na larawan ng tatlong repormista: Rizal, del Pilar at Ponce. Mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.

Andres Bonifacio y Castro.

Andres Bonifacio y Castro.

Kung kikilalanin lamang ng mahusay ang manunulat na nakilalang si Plaridel, mas matagal siyang nanatili sa Pilipinas na harapan na sumusulat at nagrarally pa laban sa mga mapang-abusong prayle at mga opisyales na sibil bago siya tumungo sa Espanya noong 1888 at itatag ang dyaryong La Solidaridad.  Kumbaga a-tapang a tao din ito.

Diariong Tagalog.  Mula sa Revolt of the Masses ni Teodoro Agoncillo.

Diariong Tagalog. Mula sa Revolt of the Masses ni Teodoro Agoncillo.

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Ang Gobernador Heneral Ramon Blanco mismo ang nagwika na si del Pilar ay ang “pinakamatalinong pinuno, ang tunay na kaluluwa ng mga separatista, mas superyor pa kay Rizal.”  Kung ngayon ang tawag natin sa galit ang salita, ay nag-aalat, si Lolo Marcelo naman ay maanghang kaya nag-alyas din siya na “Siling Labuyo.”  Ngunit ayon kay Dr. Jaime Veneracion, tumamlay ang mga tao at natigil ang mga suportang isandaang piso kada buwan para sa La Solidaridad nina Apolinario Mabini at ng Cuerpo de Compromisarios na mula sa Pilipinas 1894 pa lamang.  Lubos na nakiusap si Del Pilar sa mga sulat kay Mabini na ituloy ang suporta lalo na at tila nahihinog na ang mga pangyayari.

Apolinario Mabini.  Mula sa A Question of Heroes ni Nick Joaquin, sa koleksyon ng Bahay Saliksikan ng Bulacan.

Apolinario Mabini. Mula sa A Question of Heroes ni Nick Joaquin, sa koleksyon ng Bahay Saliksikan ng Bulacan.

Xiao Chua at Dr. Jaime Veneracion sa Baler, 2005.

Xiao Chua at Dr. Jaime Veneracion sa Baler, 2005.

Kung minsan, nagyoyosi na lamang siya ng mga pinulot na upos ng sigarilyo upang makalimutan ang gutom.  Ngunit nagsara ang dyaryo noong May 1895.  Madalas din niyang napapanaginipan ang lupang tinubuan at ang kanyang mga anak na sina Sofia at Anita.  Ayon sa kanya, “Si Sofia hindi sumusulat sa akin. Wala akong balita sa ineng kong si Anita. Parati kong napapanaginip na kandong ko si Anita at kaagapay si Sofia, sa paghahali-halili kong hinahagkan, ay inuulit-ulit rau sa akin ng dalawa: ‘Dito ka na sa amin, tatay, huag kang bumalik sa Madrid.’ Nagising akong tigmak sa luha, at gayon mang sinusulat ko ito ay di ko mapigil-pigil ang umaagos na luha sa mga mata ko.”

Paglalarawan ng Neo- Angono Artists Collective kay Marcelo H. del Pilar bilang modernong peryodista na nagpupulot ng upos ng sigarilyo upang hithitin at makalimutan ang gutom, habang nakatanggap ng isa pang sulat mula sa pamilya.  Nakalagay sa National Press Club Bulding.

Si Plaridel habang humihitit ng upos.  Guhit ni Albert Gamos  mula sa Adarna.

Si Plaridel habang humihitit ng upos. Guhit ni Albert Gamos mula sa Adarna.

Si Plaridel habang nanlalamig malayo sa lupang tinubuan.  Guhit nina Albert E. Gamos at Leo A. Cultura/  Mula sa Adarna.

Si Plaridel habang nanlalamig malayo sa lupang tinubuan. Guhit nina Albert E. Gamos at Leo A. Cultura/ Mula sa Adarna.

Magugunita na nang malaman ang pagkagutom ng ama, binasag ni Anita ang kanyang alkansya at ang pisong naipon ay ipinakiusap sa ina na ipadala sa kanya.  Napaluha ang ama nang matanggap ang piso ng bunso.

Ang pag-aalay ng Piso ni Anita para sa amang si Plaridel.  Guhit nina Albert E. Gamos at Leo A. Cultura/  Mula sa Adarna.

Ang pag-aalay ng Piso ni Anita para sa amang si Plaridel. Guhit nina Albert E. Gamos at Leo A. Cultura/ Mula sa Adarna.

Lupaypay sa pagod at gutom, natagpuang patay si del Pilar na nakaupo, nagpipilit magsulat pa.  Malaki ang naging epeko nito sa kanyang anak na si Anita.  Sa kwento ng kanyang anak na si Padre Vicente del Pilar Marasigan, S.J., nang ang kanyang amang si Vicente ay magnais na lumabas sa mga Hapones nang bumagsak ang Bataan, nag-away ang mag-asawa.  Para sa kabutihan ng bayan ito sabi ni Vicente.  Tumaghoy si Anita, “Lagi na lang bang para sa kabutihan ng bayan?” 

Ang pagkamatay ni del Pilar sa paglilok ni Guillermo Tolentino.  Mula kay Antonio Valeriano.

Ang pagkamatay ni del Pilar sa paglilok ni Guillermo Tolentino. Mula kay Antonio Valeriano.

Malungkot na larawan ni Anita del Pilar de Marasigan sa kanyang kasal kay Vicente Marasigan.  Fixed marriage kasi.  Pero matututunan niya ring mahalin si Vicente.  Mula sa filipinoscribbles.wordpress.com.

Monumento ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang kasalukuyang libingan sa kanyang Dambana sa Bulakan, Bulacan, kung saan siya isinilang.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcelo H. del Pilar, na pinangangasiwaan ni Ka Alex Balagtas.

Oo nga naman, nawalan siya ng ama para sa kabutihan ng bayan.  Tayo, bayan, pinapahalagahan ba natin ang sakripisyo nila?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)