IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: del pilar

XIAO TIME, 3 July 2013: ANG PISO NI ANITA PARA SA AMANG SI MARCELO DEL PILAR

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Xiao Chua bilang tagapagsalita para sa anibersaryo ng kapanganakan ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang pook sinilangan sa Bulakan, Bulacan kasama ang ilang lokal na mga personalidad tulad ng historyador na si Ian Alfonso, Direktor ng Bahay Saliksikan ng Bulacan Dr. Agnes Crisostomo, Curator ng Pook Pangkasaysayang Marcelo H. del Pilar Ka Alex Balagtas, at mga kaanak ng mga del Pilar.

Si Xiao Chua bilang tagapagsalita para sa anibersaryo ng kapanganakan ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang pook sinilangan sa Bulakan, Bulacan kasama ang ilang lokal na mga personalidad tulad ng historyador na si Ian Alfonso, Direktor ng Bahay Saliksikan ng Bulacan Dr. Agnes Crisostomo, Curator ng Pook Pangkasaysayang Marcelo H. del Pilar Ka Alex Balagtas, at mga kaanak ng mga del Pilar.

1 July 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=5Iq4vKuVIKo

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  117 years ago, July 4, 1896, sa isang sanatorium sa Espanya, namatay sa sakit na tuberculosis si Marcelo Hilario del Pilar, ang dakilang propagandista.  Marami ang nakakalimot sa mga nagawa ni del Pilar liban marahil sa kanyang Mr. Suave na bigote.  Bakit kaya?  Si Rizal, a-patay ng mga Espanyol, si Bonifacio, a-tapang a tao, pero del Pilar namatay sa ibang bansa?

Marcelo H. del Pilar.

Marcelo H. del Pilar.

Marcelo Hilario del Pilar, ang founder ng Pringles???

Marcelo Hilario del Pilar, ang founder ng Pringles???

Kinulayang bersyon ng sikat na larawan ng tatlong repormista:  Rizal, del Pilar at Ponce.  Mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.

Kinulayang bersyon ng sikat na larawan ng tatlong repormista: Rizal, del Pilar at Ponce. Mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.

Andres Bonifacio y Castro.

Andres Bonifacio y Castro.

Kung kikilalanin lamang ng mahusay ang manunulat na nakilalang si Plaridel, mas matagal siyang nanatili sa Pilipinas na harapan na sumusulat at nagrarally pa laban sa mga mapang-abusong prayle at mga opisyales na sibil bago siya tumungo sa Espanya noong 1888 at itatag ang dyaryong La Solidaridad.  Kumbaga a-tapang a tao din ito.

Diariong Tagalog.  Mula sa Revolt of the Masses ni Teodoro Agoncillo.

Diariong Tagalog. Mula sa Revolt of the Masses ni Teodoro Agoncillo.

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Super liwanag na scan ng La Solidaridad mula sa koleksyon ng larawan ni Dr. Vic Torres.

Ang Gobernador Heneral Ramon Blanco mismo ang nagwika na si del Pilar ay ang “pinakamatalinong pinuno, ang tunay na kaluluwa ng mga separatista, mas superyor pa kay Rizal.”  Kung ngayon ang tawag natin sa galit ang salita, ay nag-aalat, si Lolo Marcelo naman ay maanghang kaya nag-alyas din siya na “Siling Labuyo.”  Ngunit ayon kay Dr. Jaime Veneracion, tumamlay ang mga tao at natigil ang mga suportang isandaang piso kada buwan para sa La Solidaridad nina Apolinario Mabini at ng Cuerpo de Compromisarios na mula sa Pilipinas 1894 pa lamang.  Lubos na nakiusap si Del Pilar sa mga sulat kay Mabini na ituloy ang suporta lalo na at tila nahihinog na ang mga pangyayari.

Apolinario Mabini.  Mula sa A Question of Heroes ni Nick Joaquin, sa koleksyon ng Bahay Saliksikan ng Bulacan.

Apolinario Mabini. Mula sa A Question of Heroes ni Nick Joaquin, sa koleksyon ng Bahay Saliksikan ng Bulacan.

Xiao Chua at Dr. Jaime Veneracion sa Baler, 2005.

Xiao Chua at Dr. Jaime Veneracion sa Baler, 2005.

Kung minsan, nagyoyosi na lamang siya ng mga pinulot na upos ng sigarilyo upang makalimutan ang gutom.  Ngunit nagsara ang dyaryo noong May 1895.  Madalas din niyang napapanaginipan ang lupang tinubuan at ang kanyang mga anak na sina Sofia at Anita.  Ayon sa kanya, “Si Sofia hindi sumusulat sa akin. Wala akong balita sa ineng kong si Anita. Parati kong napapanaginip na kandong ko si Anita at kaagapay si Sofia, sa paghahali-halili kong hinahagkan, ay inuulit-ulit rau sa akin ng dalawa: ‘Dito ka na sa amin, tatay, huag kang bumalik sa Madrid.’ Nagising akong tigmak sa luha, at gayon mang sinusulat ko ito ay di ko mapigil-pigil ang umaagos na luha sa mga mata ko.”

Paglalarawan ng Neo- Angono Artists Collective kay Marcelo H. del Pilar bilang modernong peryodista na nagpupulot ng upos ng sigarilyo upang hithitin at makalimutan ang gutom, habang nakatanggap ng isa pang sulat mula sa pamilya.  Nakalagay sa National Press Club Bulding.

Paglalarawan ng Neo- Angono Artists Collective kay Marcelo H. del Pilar bilang modernong peryodista na nagpupulot ng upos ng sigarilyo upang hithitin at makalimutan ang gutom, habang nakatanggap ng isa pang sulat mula sa pamilya. Nakalagay sa National Press Club Bulding.

Si Plaridel habang humihitit ng upos.  Guhit ni Albert Gamos  mula sa Adarna.

Si Plaridel habang humihitit ng upos. Guhit ni Albert Gamos mula sa Adarna.

Si Plaridel habang nanlalamig malayo sa lupang tinubuan.  Guhit nina Albert E. Gamos at Leo A. Cultura/  Mula sa Adarna.

Si Plaridel habang nanlalamig malayo sa lupang tinubuan. Guhit nina Albert E. Gamos at Leo A. Cultura/ Mula sa Adarna.

Magugunita na nang malaman ang pagkagutom ng ama, binasag ni Anita ang kanyang alkansya at ang pisong naipon ay ipinakiusap sa ina na ipadala sa kanya.  Napaluha ang ama nang matanggap ang piso ng bunso.

Ang pag-aalay ng Piso ni Anita para sa amang si Plaridel.  Guhit nina Albert E. Gamos at Leo A. Cultura/  Mula sa Adarna.

Ang pag-aalay ng Piso ni Anita para sa amang si Plaridel. Guhit nina Albert E. Gamos at Leo A. Cultura/ Mula sa Adarna.

Lupaypay sa pagod at gutom, natagpuang patay si del Pilar na nakaupo, nagpipilit magsulat pa.  Malaki ang naging epeko nito sa kanyang anak na si Anita.  Sa kwento ng kanyang anak na si Padre Vicente del Pilar Marasigan, S.J., nang ang kanyang amang si Vicente ay magnais na lumabas sa mga Hapones nang bumagsak ang Bataan, nag-away ang mag-asawa.  Para sa kabutihan ng bayan ito sabi ni Vicente.  Tumaghoy si Anita, “Lagi na lang bang para sa kabutihan ng bayan?” 

Ang pagkamatay ni del Pilar sa paglilok ni Guillermo Tolentino.  Mula kay Antonio Valeriano.

Ang pagkamatay ni del Pilar sa paglilok ni Guillermo Tolentino. Mula kay Antonio Valeriano.

Malungkot na larawan ni Anita del Pilar de Marasigan sa kanyang kasal kay Vicente Marasigan.  Fixed marriage kasi.  Pero matututunan niya ring mahalin si Vicente.  Mula sa filipinoscribbles.wordpress.com.

Malungkot na larawan ni Anita del Pilar de Marasigan sa kanyang kasal kay Vicente Marasigan. Fixed marriage kasi. Pero matututunan niya ring mahalin si Vicente. Mula sa filipinoscribbles.wordpress.com.

Monumento ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang kasalukuyang libingan sa kanyang Dambana sa Bulakan, Bulacan, kung saan siya isinilang.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcelo H. del Pilar, na pinangangasiwaan ni Ka Alex Balagtas.

Monumento ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang kasalukuyang libingan sa kanyang Dambana sa Bulakan, Bulacan, kung saan siya isinilang. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Marcelo H. del Pilar, na pinangangasiwaan ni Ka Alex Balagtas.

Oo nga naman, nawalan siya ng ama para sa kabutihan ng bayan.  Tayo, bayan, pinapahalagahan ba natin ang sakripisyo nila?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 25 March 2013: SIGAW NG CANDON AT ANG REBOLUSYUNARYONG PAMANA NG ILOCOS

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Federico Isabel Reyes, nanguna sa Cry of Candon.  Mula kay Orlino Ochosa.

Federico Isabel Reyes, nanguna sa Cry of Candon. Mula kay Orlino Ochosa.

25 March 2013, Holy Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=nPkWjGxCg4w

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Ngayon, ang turismo ng Vigan at ng Ilocandia ay natatali sa mga pamanang kolonyal ng mga Espanyol—mga lumang bahay, mga lumang simbahan, at iba pa.  Mungkahi ng historyador na si Jaime Veneracion, maaaring gawing maka-Pilipino ang pananaw ng turismo doon at ipakita ang mga rebolusyunaryong pamana ng mga bayaning Ilokano sa ating bansa.  Ilang taon na rin na isinasagawa nila sa Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan na ang Heroes’ Trail sa Tirad Pass, Ilocos Sur kung saan namatay ang batang heneral na Bulakenyo na si Gregorio del Pilar noong 1899.

Ang mga Bandoleros sa pangunguna ni Rex Flores bilang si Macario Sakay kasama si Dr. Nilo S. Ocampo sa Tirad Pass, Ilocos Sur, bilang paggunita sa kabayanihan ni Gregorio del Pilar.

Ang mga Bandoleros sa pangunguna ni Rex Flores bilang si Macario Sakay kasama si Dr. Nilo S. Ocampo sa Tirad Pass, Ilocos Sur, bilang paggunita sa kabayanihan ni Gregorio del Pilar.

Sa bahay na ito sa Vigan, Ilocos Sur din lumaki si Padre José Burgos na isinilang noong 1837.  Ilang lakad lang, sa bahay naman na ngayon ay isa nang restaurant nanirahan ang isang kilalang babaeng makata at nanunulat ng dulang Ilokano noon na si Leona Florentino, ang kanyang mga akda ay naisalin sa iba’t ibang wikang pandaigdig at naitanghal sa Espanya, Paris at St. Louis sa Missouri, gayundin sa Pranses na International Encyclopedia of Women’s Works noong 1889.  Sa harap nito, isang monumento at plaza ang inalay sa kanya.

Burgos House, Vigan, Ilocos Sur.

Burgos House, Vigan, Ilocos Sur.

Padre Jose A. Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Jose A. Burgos. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Cafe Leona sa Crisologo Street, Vigan, Ilocos Sur

Cafe Leona sa Crisologo Street, Vigan, Ilocos Sur

Monumento ni Leona Florentino.  Kuha ni Xiao Chua

Monumento ni Leona Florentino. Kuha ni Xiao Chua

Ang libingan ni Leona Florentino, 35 taong gulang, sa Katedral ng Vigan.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang libingan ni Leona Florentino, 35 taong gulang, sa Katedral ng Vigan. Kuha ni Xiao Chua.

Siya ang ina ng isang makabayang propagandista at iskolar, si Don Isabelo de los Reyes, isa sa tagapagtatag ng Iglesia Filipina Independiente o IFI.  Ang unang Obispo Maximo nito na si Don Gregorio Aglipay, ang magkapatid na Juan at Antonio Luna, si Heneral Artemio Ricarte at ang isa sa mga kasama ni Andres Bonifacio nagtatag ng Katipunan, at treasurer ng samahan na si Valentin Diaz ay pawang mga Ilokano.  Si Diaz ay isinilang sa plaza na ito malapit sa makasaysayang Paoay Church sa Ilocos Norte noong 1849.

Isabelo de los Reyes

Isabelo de los Reyes

Obispo Gregorio Aglipay

Obispo Gregorio Aglipay

Si Xiao Chua kasama ni Jonathan Balsamo sa harapan ng monumento ni Obispo Aglipay sa Batac, Ilocos Norte.

Si Xiao Chua kasama ni Jonathan Balsamo sa harapan ng monumento ni Obispo Aglipay sa Batac, Ilocos Norte.

Ang kabaong ni Obispo Aglipay sa likod ng altar ng Simbahan ng IFI sa Batac, Ilocos Norte.  Kuha ni Xiao Chua

Ang kabaong ni Obispo Aglipay sa likod ng altar ng Simbahan ng IFI sa Batac, Ilocos Norte. Kuha ni Xiao Chua

Juan at Antonio Luna

Juan at Antonio Luna

Artemio Ricarte

Artemio Ricarte

Ang pagtatatag ng Katipunan ni Andres Bonifacio, kasama si Valentin Diaz.  Mula sa Aklat Adarna.

Ang pagtatatag ng Katipunan ni Andres Bonifacio, kasama si Valentin Diaz. Mula sa Aklat Adarna.

illust2

Sa sari-sari store na ito sa Plaza ng Paoay ang pook sinilangan ni Valentin Diaz.  Mga Kuha ni Xiao Chua.

Sa sari-sari store na ito sa Plaza ng Paoay ang pook sinilangan ni Valentin Diaz. Mga Kuha ni Xiao Chua.

IMG_4389 IMG_4386

Isa namang lihim na samahang makabayan, ang Espiritu de Candon, ang itinatag sa isa sa mga bayan sa Ilocos Sur.  Noong March 24, 1898, nahulihan sila ng isang kasapi at dahil pinahirapan, nabunyag ang samahan.  Kinagabihan sa isang piging, nalaman ito ng isa sa kanyang mga kasama, si Federico Isabelo Abaya.  Dali-daling tinawagan ni Kapitan Belong ang kanyang mga kasama, nag-armas, at alas dos ng umaga kinabukasan, 115 years ago ngayong araw, sinalakay nila ang himpilan ng guardia civil ng Candon.  Matapos nito ay kinuha nila ang convento at pinugutan ng ulo ang kanilang kura paroko at dalawang bisitang prayle.  Itinaas niya ang bandilang pula ng himagsikan sa plaza at ipinroklama ang malayang Republika ng Candon.  Ito ang tinawag na Ikkis ti Kandon o Cry of Candon.

Ikiis ti Candon.  Mula sa Philippine Almanac.

Ikiis ti Candon. Mula sa Philippine Almanac.

Candon Church

Candon Church

Isabelo Abaya.  Mula sa Arnaldo Dumindin.

Isabelo Abaya. Mula sa Arnaldo Dumindin.

Pinalaya din nila ang bayan ng Santiago ngunit ang mga naiwan sa Candon ay nahuli ng mga Espanyol at binitay.  Si Isabelo Abaya ay nakatakas at naging kasapi ng Hukbong Rebolusyunaryo sa ilalim ni Koronel Manuel Tinio at sa Philippine-American War ay nakipaglaban kasama ng mga Igorot sa Labanan sa Caloocan laban sa mga bagong mananakop na Amerikano.

Col. Manuel Tinio.

Col. Manuel Tinio.

Mga Igorot sa Battle of Caloocan.  Mula kay Arnaldo Dumindin.

Mga Igorot sa Battle of Caloocan. Mula kay Arnaldo Dumindin.

Cry of Candon Monument

Isabelo Abaya Monument

Si Abaya ay napatay noong May 3, 1900 at ang kanyang katawan ay binandera sa plaza na ito ng Candon kung saan niya itinaas ang banderang pula ng kalayaan.  Ano pa nga ba ang maaasahan sa mga kalahi nina Diego at Gabriela Silang:  Kagitingan!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 March 2013)

XIAO TIME, 20 March 2013: ANG ISTORYA NG BUHAY NI MARIANO PONCE (Ponce@150)

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries, earlier, 20 March 2013, at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Jose Rizal, Marcelo del Pilar at ...Sino nga ba yung nakaupo na iyon??? Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Jose Rizal, Marcelo del Pilar at …Sino nga ba yung nakaupo na iyon??? Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

20 March 2013, Wednesday:

Xiao Chua’s speech at the official national commemoration of the 100th death anniversary of Mariano Ponce in Baliuag, Bulacan, 23 May 2018 documented by Giovanni Labao.

Xiao Time Ponce @150

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  May isang pamosong retrato sa ating kasaysayan na nagpapakita ng ating tatlong heroes sa Espanya noong 1890.  Kilala ng halos lahat ng tumitingin si José Rizal dahil sa kanyang unmistakable one-sided emo hair at si Marcelo H. del Pilar dahil sa kanyang mala-Pringles na bigote, pero ang nakaupo—oo siya nga si Mariano Ponce.  Pero kilala nga ba talaga natin si Mariano Ponce?

aaaah.  Si Mariano Ponce.

aaaah. Si Mariano Ponce.

150 years ago sa Biyernes, March 22, 1863, isinilang siya sa Baliuag, Bulacan.  Nag-aral sa Letran at UST bago tumulak pa-España noong 1881 upang mag-aral ng medisina at samahan ang Kilusang Propaganda na humihingi ng reporma sa mga mananakop na Espanyol.  Patnugot siya ng poetry section ng kilusan, at sa La Solidaridad na kanyang itinatag noong 1889, sumulat sa alyas na Naning, ang kanyang palayaw, Tikbalang, at Kalipulako, ang inaakalang orihinal na pangalan ni Lapu-Lapu.

Mariano Ponce, mula sa Vibal Foundation, Inc.

Mariano Ponce, mula sa Vibal Foundation, Inc.

Kalipulako, ang tunay na pangalan ni Lapulapu, ay isang alyas ni Mariano Ponce.

Kalipulako, ang tunay na pangalan ni Lapulapu, ay isang alyas ni Mariano Ponce.

Matapos maaresto sa Pilipinas ng dalawang araw sa pagsiklab ng himagsikan, tumakas pa-Pransiya at hindi naglaon sa Hongkong upang sumama sa ilang Tsino at Tsinoy na nangampanya para sa Pilipinas sa labas ng bansa, ang Junta Revolucionaria.

Junta Revolucionaria sa Hongkong.

Junta Revolucionaria sa Hongkong.

Siya ang naghanda ng balangkas para sa pamahalaang rebolusyunaryo sa muling pag-uwi ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Pilipinas, naging isa sa pinakauna nating mga diplomat at pumunta sa Yokohama, Japan upang bumili ng amunisyon para sa rebolusyon ngunit lumubog ang segunda manong barko dahil sa bagyo at hindi nakarating ang mga bala sa Pilipinas.  Kung titingnan ang larawang ito na kinunan sa Yokohama, naging magkaibigan pala sila ni Sun Yat Sen, ang Ama ng Modernong Bansang Tsina.

Sun Yat Sen, unang pangulo ng modernong Republika ng Tsina.  Close sila ni Ponce.

Sun Yat Sen, unang pangulo ng modernong Republika ng Tsina. Close sila ni Ponce.

Sino si Sun?  Sino si Ponce?

Sino si Sun? Sino si Ponce?

Nakakaloko ang larawan na ito, mapagkakamalan mong si Sun Yat San ang naka-kimono, yun pala, siya ang naka-amerikana habang si Ponce, ang Pilipino, ang naka-kimono.  Asteeeg!  Pinahiram pa ni Ponce si Sun ng mga baril na nabili nila sa isang Mr. Nakamura.  Sabi nga ni Ambeth Ocampo, nakamura nga sila pero niloko naman.  Puro mga kalakal na bakal ang nasa shipment.  Na-swindle sila.

Ang titulo ng larawan na ito ay "Sun Yat Sen meeting reporter of Look in Japan 1901."  Kung ang tinutukoy ay ang nakaupong lalaki sa gitna, obviously, nasa lugar sila ng mga Pilipinong makabayan, makikita si Ponce na naka-kimono at ang kopya ng La Independencia na nakasabit sa tabi niya.  Mula sa Wikipedia.

Ang titulo ng larawan na ito ay “Sun Yat Sen meeting reporter of Look in Japan 1901.” Kung ang tinutukoy ay ang nakaupong lalaki sa gitna, obviously, nasa lugar sila ng mga Pilipinong makabayan, makikita si Ponce na naka-kimono at ang kopya ng La Independencia na nakasabit sa tabi niya. Mula sa Wikipedia.

Matapos maglakbay sa Tsina, Indo-Tsina, Cambodia at Thailand bumalik sa Maynila kasama ng asawang Hapones, at nahalal pang kinatawan ng ikalawang distrito ng Bulacan sa Philippine Assembly.

Si Gobernador Heneral William Cameron Forbes kasama sa kanan si Mariano Ponce, isa sa kanyang mga tagapayo.

Si Gobernador Heneral William Cameron Forbes kasama sa kanan si Mariano Ponce, isa sa kanyang mga tagapayo.  Mula kay Austin Craig.

Sinulat niya ang kanyang alaala Cartas Sobre la Revolucion.  Ang lolo mo rin ang isa sa unang popular historian, kolumnista siya ng mga historikal na pitak sa kanyang Filipino Celebres at Efemerides Filipinas kasama si Jayme C. de Veyra.  Sinusundan siya ng mga katulad nina Carmen Guerrero Nakpil, Ambeth Ocampo, at Jaime Veneracion.

Jayme C. de Veyra, katuwang ni Ponce sa kanyang historical column na Efemerides Filipinas.

Jayme C. de Veyra, katuwang ni Ponce sa kanyang historical column na Efemerides Filipinas.

Anak ni Ponce:  Historical columnist Carmen Guerrero Nakpil kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce: Historical columnist Carmen Guerrero Nakpil kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce:  Historical columnist Lamberto Ambeth" Ocampo kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce: Historical columnist Lamberto “Ambeth” Ocampo kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce:  Historical columnist Jaime B. Veneracion kasama si Xiao Chua.

Anak ni Ponce: Historical columnist Jaime B. Veneracion kasama si Xiao Chua.

Sa kanyang pagtungo sa Hongkong upang bisitahin ang kanyang kaibigang si Sun yat Sen, namatay siyang bigla sa Civil Hospital ng Hongkong noong May 23, 1918 sa edad na 55.  Sa iyong kaarawan, patawarin mo kami Mariano Ponce na hindi namin nababanggit lagi ang kontribusyon mo.  Nais ka pa naming na lalong makilala.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 16 March 2013)

30 namatay siyang bigla sa Civil Hospital ng Hongkong noong May 23, 1918 sa edad na 55 31 Sa iyong kaarawan, patawarin mo kami Mariano Ponce

XIAOTIME, 30 October 2012: PAGTAKAS NI MARCELO H. DEL PILAR

Broadcast of Xiaotime news segment yesterday, 30 October 2012, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Marcelo Hilario del Pilar, ang founder ng Pringles???

30 October 2012, Tuesday:

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Noong linggo ang 124th anniversary ng pagtakas mula sa Maynila patungong Espanya ni Marcelo Hilario del Pilar, October 28, 1888.  Bakit kinailangan niyang umalis ng Pilipinas?  Si del Pilar, sa kanyang bigote, ay ang founder ng Pringles.  Biro lang po.  Siya ay isang propagandista, ngunit hindi katulad ng mga propagandistang mga indio sa Espanya, ang karamihan sa kanyang mga pakikibaka ay dito niya ginawa sa Pilipinas.  Pansinin na ang nakababatang si José Rizal at mga kasama ay nasa Europa na noong 1882 pa lamang, si del Pilar ay tumungo lamang doon noong 1888.  Si del Pilar ay mahilig magpiyano, magbiyolin at magplawta, ngunit minsan nakasagutan niya ang isang prayle dahil ang mahal nitong maningil ng binyag, dahil dito ay nakulong siya.  Ito ang simula ng marami niyang pakikibaka laban sa praylokrasya.  Noong 1882 inilathala niya ang Diariong Tagalog para mabasa ng kapwa niya mga Pilipino.  Sumulat din siya ng isang satire ukol sa mga prayleng mapagsamantala sa Pilipinas, ang “Dasalan at Tocsohan.”  Tinutulungan siya ng kanyang batang pamangkin na si Goyo, ang magiging Heneral Gregorio del Pilar, na pinagpapalit ang misal sa simbahan sa mga sinulat ng tiyuhin.  Kapag ipinamudmod na ang mga babasahin, magtataka ang prayle bakit nagtatawanan ang mga tao.  Ito pala ang mababasa, “Amain namin sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit. Saul[i]an mo cami ngayon nang aming kaning iyong inarao-arao at patauanin mo kami sa iyong pag-[at]ungal para nang pag taua mo kung kami nacucualtahan; at huag mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila, Amen.”  Hindi lamang ang kanyang mga isinulat tulad ng “Monastic Supremacy in the Philippines” ang kanyang ginawa, aktwal siyang nag-organisa ng mga rally laban sa mga prayle sa Binondo at Navotas sa panahon na delikadong gawin ito.  Kaya naman minabuti niyang tumakas noong 1888. Sa pagsakay sa barko kanyang winika, “Tapos na ang tungkulin ko sa Pilipinas; sa iba namang dako ako tinatawagan, sa España, at doon sa lilim ng kalayaa’y maaari kong ipagsanggalang ang mga kabaguhang nararapat sa Pilipinas… Mapapalagi ang España sa Pilipinas, kung didinggin ang mga Pilipino.”  Noon lamang dumating siya sa Espanya nagsimula ang pahayagang La Solidaridad at siyang ang naging pangalawang editor nito, pumipirma sa matalas niyang pluma sa ngalang Plaridel.  Kalaunan kinilalang pinuno ng mga propagandista.  Ngunit hindi nakinig ang Espanya, naghirap siya at maghitit na lamang ng upos para makaraos.  Namatay siya sa sakit na tuberculosis noong 1896 habang nagbabalak na bumalik sa Pilipinas upang planuhin ang rebolusyon.  Ayon mismo kay Gobernador Heneral Ramon Blanco, “Marcelo H. del Pilar es el mas inteligente, el verdadero Verbo de los separatistas, muy superior a Rizal…”  Ayon kay Rizal, “…Bakit ‘di tayo nagkaroon ng sandaang Marcelo H. Del Pilar?”  Ang tindi ni Plaridel, hindi lamang pala siya Mr. Suave dahil sa kanyang bigote, kundi dahil inalay niya ang anumang talento na mayroon siya para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Lulan ng taxi, 25 October 2012, pasasalamat kay Ian Alfonso at Ka Alex Balagtas na nag-udyok sa akin na kilalanin pang lalo si Plaridel.  Ang Pringles joke ay nagmula kay Prop. Alvin Campomanes)

Ang Triumvirate ng Kilusang Propaganda: Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce

Mga propagandista din: Antonio Luna, Eduardo de Lete at Marcelo H. del Pilar

Si Xiao Chua bilang tagapagsalita para sa anibersaryo ng kapanganakan ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang pook sinilangan sa Bulakan, Bulacan kasama ang ilang lokal na mga personalidad tulad ng historyador na si Ian Alfonso, Direktor ng Bahay Saliksikan ng Bulacan Dr. Agnes Crisostomo, Resurreccion Gatchalian-Villanueva ng Bulakan Parish Commission on Cultural Heritage, Curator ng Pook Pangkasaysayang Marcelo H. del Pilar Ka Alex Balagtas, at mga kaanak ng mga del Pilar, at Ka Baby Lava na apo nina Dr. Jesus Lava ng HUKBALAHAP, 4 Hulyo 2012.