IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: maynila

XIAO TIME, 8 August 2013: INTRAMUROS: LUNGSOD SA LOOB NG MGA PADER

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

The Building of Intramuros.  Obra maestra ni Fernando Amorsolo.  Mula sa Pacto de Sangre.

The Building of Intramuros. Obra maestra ni Fernando Amorsolo. Mula sa Pacto de Sangre.

8 August 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=j2bltcomixg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  441 years ago, August 20, 1572, sumakabilang buhay si Miguel Lopez de Legaspi, ang conquistador ng mga Islas Filipinas, isang taon lamang matapos nilang itatag ng mga Espanyol ang kolonyal na Lungsod ng Maynila mula sa kaharian ni Rajah Soliman. 

Representasyon ng pagkamatay ni Miguel Lopez de Legaspi sa kanyang nitso sa Simbahan ng San Agustin na nilikha ng Espanyol na iskultor na si Juan Manuel Iriarte sa kagandahang loob ng Ministry of Froeign Affairs ng Espanya.  Mula sa Koleksyon ng Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Bago siya mamatay, ang lungsod na pinabakuran niya ng kawayan ay mayroon nang mga 150 na mga kabahayan na nakapaloob sa mga parisukat sa pagitan ng mga nagkukrus na daan tulad sa Europa—Roman Grid Pattern, at ang simbahan at monasteryo ng mga unang paring tumungo sa Pilipinas, ang mga Agustino. 

Ang pagtatayo ng mga Espanyol ng mga pader na kahoy sa paligid ng Lungsod ng Maynila.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagtatayo ng mga Espanyol ng mga pader na kahoy sa paligid ng Lungsod ng Maynila. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Noong 1574, ayon sa pinakamadaling basahin at pinakakomprehensibong gabay sa lungsod na isinulat ni Jose Victor Torres, ang Ciudad Murada, ang lungsod na ito ay binigyan ng titulo o karangalan ng Haring Felipe II, sa kanya ipinangalan ang ating bansang Pilipinas, bilang Insigne y siempre leal ciudad (katang-tangi at laging tapat na lungsod). 

Si Xiao Chua at Jose Victor Torres, 2013, mula sa Koleksyon ng Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at Jose Victor Torres, 2012, mula sa Koleksyon ng Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Pabalat ng Ciudad Murada.  Mula sa Aklatan ng Sinupang Xiao CHua.

Pabalat ng Ciudad Murada ni Dr. Vic Torres. Mula sa Aklatan ng Sinupang Xiao Chua.

Haring Felipe Segundo.  Obra maestra ni Antonio moro batay kay Pantoja de la Cruz.

Haring Felipe Segundo. Obra maestra ni Antonio moro batay kay Pantoja de la Cruz.

Ang coat of arms ng Maynila na nagpapakita ng  isang kastilyo bilang sagisag ng Kaharian ng Castille, ang pinakamalaking kaharian sa Espanya, at ang merlion, o ang ultramar na simbolo ng mga Espanyol para sa kapuluang Pilipinas.  Mula kay Dr. Ambeth R Ocampo.

Noong 1574, sumalakay ang piratang Tsino na kinatatakutan ng mga Portuges sa Malacca, mga Olandes, maging ng mga Muslim, si Limahong, kasama ng ilang indio tulad ni Rajah Soliman.  Bagama’t nabigo, kamuntik nang maagaw ang Maynila.  Noong 1587, isang pasaway na kandila ang hindi nabantayan sa burol ni Gob Hen. Gonzalo Ronquillo de Peñalosa sa Simbahan ng San Agustin.  Sinunog nito ang simbahan, sinunog din nito ang buong lungsod. 

Ang pagsalakay ni limahong sa Maynila.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagsalakay ni limahong sa Maynila. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagsalakay ni Limahong.  Detalye mula sa mural ni Carlos V. Francisco na pinamagatang "Filipino Struggles Through History" na nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Lungsod ng Maynila.

Ang pagsalakay ni Limahong. Detalye mula sa mural ni Carlos V. Francisco na pinamagatang “Filipino Struggles Through History” na nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Lungsod ng Maynila.

Napagtanto ang pangangailangan na gawing mas matibay ang lungsod.  Ang gumawa ng plano ay ang Heswitang si Padre Antonio Sedeño at sinimulang ipatupad ni Goberndor Heneral Santiago de Vera sa pagpapatayo ng mga tanggulang adobe na Fuerza Santiago, at ang pabilog na Nuestra Señora de Guia o Baluarte de San Diego) kapwa sa batong adobe

Baluarte de San Diego.  Planong gawing watch tower (bantayan) ngunit hindi itinuloy, ibinaon sa lupa hanggang aksidenteng madiskubre noong 1979.  Tinanggal  ang lupa at muling isinaayos ng Intramuros Administration.

Isang larawan sa Furza Santiago noong 1903.  Mula sa Wikipedia.

Isang larawan sa Furza Santiago noong 1903. Mula sa Wikipedia.

Ang humalili sa kanya, si Gobernador Heneral Gomez Perez Dasmariñas, ang siyang nagsimulang magpalibot ng buong lungsod sa pader noong Hunyo 1590 sa utos na rin ng hari.  Dalawang beses din kasi siyang pinagtangkaang kikilan ng tributo ng pinunong Hapones na si Hideyoshi.  Hindi lang pader ang kanyang ipinalibot sa lungsod kundi pati na rin mga ilog-ilogan o moat tulad sa mga midyibal na mga kastilyo sa Europa. 

Hideyoshi.  Mula a Wikipedia.

Hideyoshi. Mula a Wikipedia.

Ilog-ilogan na may drawbridge na parang mga kastilyo sa Europa, ito ang Ravelin Real de Bagumbayan.  Mula kay intrepiddreamer.wordpress.com.

Ilog-ilogan na may drawbridge na parang mga kastilyo sa Europa, ito ang Ravelin Real de Bagumbayan. Mula kay intrepiddreamer.wordpress.com.

Ikonikong gareta o bantayan ng Intramuros.

Ikonikong gareta o bantayan ng Intramuros.

Lumang mapa ng Intramuros noong 1713 na ginawa ni Antonio Fernandez Rojas mula sa orihinal ni Antonio Fernandez Rojas.  Nagpapakita ito ng kaayusan ng mga kalsada ayon sa Roman Grid Pattern at ang mga ilog-ilogan o moat na hindi basta-basta ilog kundi may mga harang na maliliit na isla.  Mula sa Ciudad Murada.

Siyempre, hindi ang mga mananakop ang nagtayo nito, kundi ang mga indio.  Sila ang kumuha ng mga batong adobe mula sa Guadalupe sa San Pedro de Makati, sila ang nagpaanod ng mga ito sa ilog, ang nagbuhat at nagtayo ng mga ito.  Ngunit nang matapos, tanging mga pari, opisyal at mga sundalong Espanyol lamang ang tumira at nakinabang. 

Ang pagpapaanod ng mga troso sa mga dagat at ilof ng mga indio sa pagtatatag ng Intramuros.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagpapaanod ng mga troso sa mga dagat at ilof ng mga indio sa pagtatatag ng Intramuros. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagbuhat ng mga indio sa batong adobeng gagamitin sa pagtatayo ng mga pader na nagmula sa Guadalupe sa San Pedro de Makati.

Ang pagbuhat ng mga indio sa batong adobeng gagamitin sa pagtatayo ng mga pader na nagmula sa Guadalupe sa San Pedro de Makati.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagtatayo ng mga indio ng Intramuros.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang pagtatayo ng mga indio ng Intramuros. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga pari at mga opisyal Espanyol ng pamahalaang kolonyal ang tumira sa Intramuros.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga pari at mga opisyal Espanyol ng pamahalaang kolonyal ang tumira sa Intramuros. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga mayayamang Espanyol ang siyang tumira sa Intramuros.  Nasa Plaza Mayor sila sa harapan ng Palacio del Gobernador.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga mayayamang Espanyol ang siyang tumira sa Intramuros. Nasa Plaza Mayor sila sa harapan ng Palacio del Gobernador. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Nakilala ang lungsod sa tawag na Intramuros—nakapaloob sa mga pader.  Ito lamang noon ang lungsod ng Maynila, kung saan naroroon ang lahat ng mahahalagang mga tanggapan ng pamahalaan, mga kumbento at monasteryo, mga paaralan.  Umabot sa mahigit pito ang bilang ng simbahan sa loob nito, ang labas nito ay tinawag na mga arabal o suberbs

Intramuros--Sa Loob ng mga pader. Itong 64 ektaryang lupain na ito ang tanging Lungsod ng Maynila noon.

Intramuros–Sa Loob ng mga pader. Itong 64 ektaryang lupain na ito ang tanging Lungsod ng Maynila noon.

Ang Plaza Complex ng Intramuros ang pinakasentro ng Imperyong Espanyol sa Asya!!!  Mga gusali mula sa kaliwa:  Ayuntamiento (City Hall), Katedral ng Maynila at Palacio del Gobernador.  Mula sa National Media Production Center.

Ang Plaza Complex ng Intramuros ang pinakasentro ng Imperyong Espanyol sa Asya!!!  Mga gusali mula sa kaliwa:  Ayuntamiento (City Hall), Katedral ng Maynila at Palacio del Gobernador.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang San Agustin Church, ang pinakamatandang simbahan sa Pilipinas.  Mula sa San Agustin.

Ang San Agustin Church, ang pinakamatandang simbahan sa Pilipinas. Mula sa San Agustin.

Ang Calle Real.  Mula sa Intramuros of Memory.

Ang Calle Real. Mula sa Intramuros of Memory.

Ang Puerte del Parian kung saan bumbili ang mga Espanyol sa mga mangangalakal na Tsino sa labas ng intramuros.  Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang Puerte del Parian kung saan bumbili ang mga Espanyol sa mga mangangalakal na Tsino sa labas ng intramuros. Iginuhit ni Norie Millare para sa Aklat Adarna.

Ang mga pader ng Intramuros mula sa Binondo at ilog Pasig.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang mga pader ng Intramuros mula sa Binondo at ilog Pasig. Mula sa Pacto de Sangre.

Mapa ng Intramuros at mga Arabales, 1898.

Mapa ng Intramuros at mga Arabales, 1898.

Sa loob ng tatlong siglo, pinrotektahan ng pader ang Pamahalaang Espanyol mula sa lahat ng banta, at ipinakita na mula sa Intramuros dumaloy ang ginhawa para sa kolonya, ang sentro ng Emperyong Espanyol sa Silangan!  Ang Intramuros ay bahagi po ng ating kasaysayan, ingatan po natin ito.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 27 July 2013)

Katedral ng Maynila ngayon sa perspektiba ng isang pool ng tubig-ulan.  Mula sa The Intramuros Collection.

Katedral ng Maynila ngayon sa perspektiba ng isang pool ng tubig-ulan. Mula sa The Intramuros Collection.

XIAO TIME, 9 October 2013: IBANG BERSYON NG PAGPATAY KAY GOBERNADOR HENERAL BUSTAMANTE

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

"El Asesinato del Gobernador Bustamante y Su Hijo" (Ang Pagpaslang Kay Gobernador Bustamante at sa Kanyang Anak).  Mural ni Felix Resurrecion Hidalgo na nakalagak ngayon sa Pambansang Sinupan ng Sining sa Pambansang Museo ng Pilipinas.  Koleksyong Leandrom Locsin.  Mula kay pupuplatter.

“El Asesinato del Gobernador Bustamante y Su Hijo” (Ang Pagpaslang Kay Gobernador Bustamante at sa Kanyang Anak). Mural ni Felix Resurrecion Hidalgo na nakalagak ngayon sa Pambansang Sinupan ng Sining sa Pambansang Museo ng Pilipinas. Koleksyong Leandrom Locsin. Mula kay pupuplatter.

9 October 2013, Wednesday: http://www.youtube.com/watch?v=BSRbRo_CQ8E

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  294 years ago, October 11, 1719, pinaslang sa mismong Palacio del Gobernador si Gobernador Heneral Fernando Manuel de Bustillo Bustamante y Rueda, ang liberal na gobernador heneral ng Pilipinas at Field Marshal ng Emperyong Espanyol mula 1717 hanggang 1719.  Ito ay matapos na suwayin niya ang mga kagustuhan ng mga prayle dahil sa patuloy na pag-aresto sa mga may utang sa gobyerno kahit sila ay humihingi ng sanktwaryo sa simbahan.  Nang ang mga nabastos na opisyal na simbahan ay umalma at nagtangkang, “Ipapa-excommunicate ka namin!”  Ay lalo niyang ipinakulong ang mga Obispo, pati na ang Arsobispo ng Maynila, Francisco de la Cuesta.  Kaya ayun, ayon sa mga tradisyunal na tala sa ating mga aklat, nagbalak ang mga prayle at nagtipon ang mga pari kasama ang kanilang mga kabig mula sa Simbahan ng San Agustin at nagmartsa patungong Palacio del Gobernador sa loob ng Intramuros.  Sinugod nila ang ikalawang palapag, dinampot ang Gobernador Heneral, kinaladkad at pinagsasaksak hanggang mamatay.  Dumating ang kanyang anak upang iligtas siya ngunit ang anak niya rin ay napatay.  Dalawang asasinasyon ang nangyari.  Matapos noon, nagmartsa sila patungong Fort Santiago, pinalaya ang mga obispo at arsobispo, at ang Arsobispo ng Maynila ay ginawang interim na Gobernador Heneral sa loob ng ilang linggo.  Lalo itong nare-reinforce dahil sa isa sa pinakasikat na mural ni Felix Resurreccion Hidalgo, isang bayaning pintor ng ating bansa noong panahon ng propaganda, ang The Assassination of Governor General Bustamante and His Son.  Ipinapakita nito Bustamante na kinakaladkad at sinasaksak ng napakaraming prayleng dominikano!  Pero ayon sa isang artikulo ni Padre Cantius Koback, may mga tala na matatagpuan sa archives ng Unibersidad ng Santo Tomas na hindi talaga mga prayle ang pumatay kay Bustamante.  Sugatan siya nang dalhin sa dungeon ng palasyo, ngunit tinapos siya ng isa sa kanyang accountant na natagpuang nagnanakaw ng pera ng gobyerno.  Sa mga tala, isang Don Vicente Lucea ang pumatay sa kanya.  Ayon naman sa isang labandera sa palasyo, yung Don Vicente ay si Padre Sebastian de Totanes pala na Superyor ng mga Pransiskano.  Kung paniniwalaan si Padre Dr. Fidel Villarroel, isang respetadong historyador na Espanyol, teologo ng Dominican Order at dating archivist ng UST.

Fr. Fidel Villaroel.  Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Fr. Fidel Villaroel. Mula sa Philippine Daily Inquirer.

Hindi maaaring mga prayle ang gumawa ng krimen sapagkat sila ay nakakulong sa Fort Santiago.  Binanggit din niya na ang obra maestra ni Hidalgo ay sinadyang maging historically inaccurate.  Ang tagapayo raw ni Hidalgo ay si Antonio Regidor, isang sikat na mason na kilalang kalaban ng mga prayle.

Felix Resurreccion Hidalgo.  Mula sa Lopez Museum.

Felix Resurreccion Hidalgo. Mula sa Lopez Museum.

Antonio Ma. Regidor.

Antonio Ma. Regidor.

Kung gayon, talagang inilagay na mga pari lamang ang pumatay sa gobernador upang mas magkaroon ng matinding epekto sa nakakakita at magbigay ng mensahe ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas.  Samakatuwid ang obra ay isang pulitikal na propaganda.  Anuman, ang mga obra maestra ni Fernando Amorsolo at ang mga diorama ng Ayala Museum na nagpapakita na kapwa mga taumbayan at mga prayle ang pumatay kay Bustamante.

"Ang Pagpaslang Kay Gobernador Heneral Bustamante." Obra Maestra ni Fernando Amorsolo na nasa Judge Guillermo Guevara Room ng Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas.

“Ang Pagpaslang Kay Gobernador Heneral Bustamante.” Obra Maestra ni Fernando Amorsolo na nasa Judge Guillermo Guevara Room ng Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas.

"Ang Pagpaslang Kay Gobernador Heneral Bustamante."  Diorama sa Ayala Museum.

“Ang Pagpaslang Kay Gobernador Heneral Bustamante.” Diorama sa Ayala Museum.

Case Unclosed ang kaso ng pagpatay kay Gobernador Heneral Bustamante dahil sinarado agad ang kaso at hindi na pinaimbestigahan pa.  Sangkot man ang mga prayle o hindi, ang sentimyento ng taumbayan ay nagmula sa pagpapakulong ni Bustamante sa mga opisyal ng Simbahan.  Bottomline, ang insidente ay nagpapakita pa rin ng napakalakas na impluwensya ng Simbahan sa ating bansa, noon at ngayon.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 5 October 2013)

XIAO TIME, 10 July 2013: ANG DOKTORA NG BAYAN, OLIVIA SALAMANCA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Olivia Salamanca.  Mula sa Adarna Publishing,  House, Inc.

Olivia Salamanca. Mula sa Adarna Publishing, House, Inc.

10 July 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=H9WVPo9_KBc

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  100 years ago, July 11, 1913, namatay si Olivia Simeona Demetria Salamanca y Diaz.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Madyikero ba siya?  Salamankero??? LOL Hindi po.  Si Olivia Salamanca lang naman ang unang propesyunal na doktor na babae sa Pilipinas.  Sa kanyang panahon, bagama’t ikinagulat ng magulang niya ang pagnanais niyang manggamot sapagkat lalaki lahat ang mga doktor, hindi na ito bago.

Paglalarawan ng pagtatapat ni Olivia sa mga magulang sa pagnanais na maging doktor.  Mula sa Adarna Publishing,  House, Inc.

Paglalarawan ng pagtatapat ni Olivia sa mga magulang sa pagnanais na maging doktor. Mula sa Adarna Publishing, House, Inc.

Sa sinaunang panahon ang mga espituwal na pinunong babaylan ang siyang mga manggagamot natin.  Sa panahon ng himagsikan, nariyan ang mga katulad nina Tandang Sora, Josephine Bracken, Hilaria del Rosario, ang mga miyembro ng Asosacion de Damas de Cruz Roja o Krus na Pula upang gamutin ang mga may karamdaman at sugatan.  Si Olivia ay isinilang noong July 1, 1889 sa San Roque, Cavite.  Pangalawang anak ng mayamang sina Koronel Jose Salamanca, rebolusyunaryo, parmasista at pumirma sa Saligang Batas ng Malolos, at ni Cresencia Diaz.  Nakapasa sa eksaminasyon at naging iskolar ng pamahalaan na ipinadala sa Estados Unidos noong 1905—isang pensionada.

Mga pensionadong Pinoy sa Amerika.  Mula sa In Our Image.

Mga pensionadong Pinoy sa Amerika. Mula sa In Our Image.

Gusto niya sanang mag-aral para maging guro ngunit nagbago ang kanyang isip at nag-aral ng medisina sa Drexel Institute at nagtapos sa Women’s Medical College sa Philadelphia noong 1906, ang kanyang mga marka ay mataas pa sa 90 %.  Kaloka si ate.  Noong 1910, nakapasa sa eksaminasyon para sa serbisyong sibil sa Amerika at umikot rin sa mga pagamutan sa New York, Washington D.C., Baltimore, Rhode Island at Boston.

Olivia Salamanca sa Estados Unidos.  Mula sa johnraymondjison.wordpress.com.

Olivia Salamanca sa Estados Unidos. Mula sa johnraymondjison.wordpress.com.

Drexel Institute.  jula sa uchs.net.

Drexel Institute. jula sa uchs.net.

ANg pamosong anghel ng Drexel.  Mula kay Alice Gipson, fineartamerica.com.

ANg pamosong anghel ng Drexel. Mula kay Alice Gipson, fineartamerica.com.

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong 1910, pinagtuunan niya ng pansin ang sakit na tuberculosis at naging kalihim ng Philippine Anti-Tuberculosis Society.  Noon ang mga may tisis o TB ay lubos na pinandidirihan, madaling makahawa ang sakit na ito.  Ngunit para sa mga maysakit, tila isa siyang anghel na hindi sila pinandidirihan, hinahagod ang likod ng mga umuubong matanda, kinukumutan ang mga giniginaw.  Kahit out of duty na, kinakausap pa rin ang mga pasyente.  Sa kabila ng pandidiri ng kanyang mga kaibigan, nalungkot, ngunit hindi nawalan ng loob si Olivia.

Mga nanunang TB stamps ng Philippine anti-Tuberculosis Society.  Mula sa philippinestamps.net.

Mga nanunang TB stamps ng Philippine anti-Tuberculosis Society. Mula sa philippinestamps.net.

Ang anghel ng mga may TB.  Mula sa Adarna Publishing, House, Inc.

Ang anghel ng mga may TB. Mula sa Adarna Publishing, House, Inc.

Ngunit sa sobra naman niyang pagiging tapat sa tungkulin, napabayaan ni Olivia ang sarili, madalas mapuyat, malipasan ng gutom.  Hanggang siya mismo ay manghina at mahawa ng TB.  Sa kabila ng pagkakasakit, sinikap niyang maging masaya sa harapan ng ibang pasyente.  Ibinilin niya rin sa ibang mga kasamang doktor na patuloy na alagaan ang mga may TB.  Nang lumubha ang sakit, dinala si Olivia ng kanyang mga magulang sa Baguio at sa Hongkong upang gumaling ngunit sampung araw lamang matapos ang kanyang ika-24 na kaarawan, namatay si Doktora Salamanca.  Hindi naman nasayang ang mga sakripisyo ni Olivia.  Maraming mga doktor ang na-inspire sa kanyang ginawa.  Ngayon ang TB ay hindi na pinandidirihan na sakit, at bilang pagpupugay sa kanya, pinangalanan ang dako sa Kalye San Luis at Taft Avenue bilang Plaza Olivia Salamanca.

Marker sa Plaza Olivia Salamanca.

Marker sa Plaza Olivia Salamanca.

Isang taong natutulog sa Plaza Olivia Salamanca malapit sa Luneta sa Daang Kalaw.

Isang taong natutulog sa Plaza Olivia Salamanca malapit sa Luneta sa Daang Kalaw.

Ang mga katulad ng health worker na si Mercy Briones Manlutac ang mga makabagong Olivia Salamanca.  Mula sa pelikulang "Health Worker:  Bayani ng Family Planning" ng JICA-DOH FP-MCH Project.

Ang mga katulad ng health worker na si Mercy Briones Manlutac ang mga makabagong Olivia Salamanca. Mula sa pelikulang “Health Worker: Bayani ng Family Planning” ng JICA-DOH FP-MCH Project.

Si Mercy kasama ang bayan, tulad ni Olivia Salamanca.  Mula sa pelikulang "Health Worker:  Bayani ng Family Planning" ng JICA-DOH FP-MCH Project.

Si Mercy kasama ang bayan, tulad ni Olivia Salamanca. Mula sa pelikulang “Health Worker: Bayani ng Family Planning” ng JICA-DOH FP-MCH Project.

Ang diwa ng kanyang kabayanihan ay ipinagpapatuloy ng mga doctor ng mga baryo tulad nina Juan Flavier, Johnny Escandor, Bobby de la Paz, at ng iba pang Pilipinong doktor, nars at health workers na naglilingkod sa loob at labas ng bansa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 29 June 2013)

XIAO TIME, 9 July 2013: ANG PAGKAKATATAG NG KATIPUNAN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pagtatatag ng Katipunan.  Mula sa Adarna.

Ang pagtatatag ng Katipunan. Mula sa Adarna.

9 July 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=0sdLq5P1MNY

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  Tatlong araw matapos na itatag ni Jose Rizal ang La Liga Filipina, inaresto siya ng mga Espanyol, 121 years ago, July 6, 1892.

Pagtatatag ng La Liga Filipina.  Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Kinabukasan, July 7, kumalat ang malungkot na balita sa Maynila.  Narinig ito ng mga kasapi ng Liga na sina Andres Bonifacio at Deodato Arellano.  At matapos ang sandaling pagiisip-isip, ay dali-dali nilang tinawag ang kanilang mga kaibigan, kabilang na sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata, Valentin Diaz, Jose Dizon, at Briccio Pantas sa bahay paupahan ni Arellano, sa 72 Azcarraga Street, ngayon ay Claro M. Recto malapit sa Elcano Street.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Jim Richardson.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Jim Richardson.

Deodato Arellano.  Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Deodato Arellano. Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Ladislao Diwa

Ladislao Diwa

Nasa gitna si Valentin Diaz.  Mula sa alaala ni Artemio Ricarte.

Nasa gitna si Valentin Diaz. Mula sa alaala ni Artemio Ricarte.

Jose Dizon.  Mula kay Jim Richardson.

Jose Dizon. Mula kay Jim Richardson.

Briccio Pantas.  Mula kay Jim Richardson.

Briccio Pantas. Mula kay Jim Richardson.

72 Azcarraga Street kanto ng Elcano.  Mula kay Dr. Vic Torres.

72 Azcarraga Street kanto ng Elcano. Mula kay Dr. Vic Torres.

Lumang itsura ng marker sa Kalye Recto kanto ng Elcano.  Mula kay Isagani Medina.

Lumang itsura ng marker sa Kalye Recto kanto ng Elcano. Mula kay Isagani Medina.

Bagong monumento ng pagtatatag ng Katipunan sa Kalye Recto kanto ng Elcano.  Mula kay Cari Noza.

Bagong monumento ng pagtatatag ng Katipunan sa Kalye Recto kanto ng Elcano. Mula kay Cari Noza.

Hindi nalimutan ng mga taong naroon ang diwa ng sinabi ni Andres Bonifacio sa lihim na pulong na iyon, “Mga Kapatid:  Tayo’y di mga pantas, kaya hindi mariringgal na talumpati at di maririkit na sulat ang ating idaraos; sa gawa natin daanin: ang katubusa’y hindi nakukuha sa salita o sa sulat; kinakamtan [ito] sa pagsasabog ng dugo.  Talastas na ninyo ang kalupitang ginawa sa ating kapatid na si Dr. Rizal, iya’y maliwanag na halimbawang nagpapakilala sa ating di tayo makaliligtas sa kaalipnan kung di daraanin sa pakikibaka.  Sucat na ang pagpapakababa!  Sukat na na ang pangganggatuwiran! Nangatuwiran si Rizal [ngunit siya] ay hinuli pagkatapos na mapag-usig ang mga magulang, kapatid, kinamag-anakan at kakampi!  Sucat na!  Papagsalitain natin naman ang sandata!  Na tayo’y pag-uusigin, mabibilanggo, ipatatapon, papatayin?  Hindi dapat nating ipanglumo ang lahat ng ito, mabuti pa nga ang tayo’y mamatay kaysa manatili sa pagkabusabos.  At ng maganap natin ang dakilang kadahilanan ng pagpupulong nating ito’y ating maitayo ang isang malakas, matibay at makapangyarihang katipunan ng mga anak ng Bayan.  Mabuhay ang Pilipinas!!!”  At sa liwanag ng lampara, ayon sa ulat, sila ay nagsipagsandugo tulad ng mga ninunong datu natin sa tuwing itatatag ang mga bayan at ang kanilang kapatiran, sinasabing sila ay magkakapatid sa Inang Bayan.  Isinulat nila bilang panata ang kanilang mga pangalan gamit ang kanilang sariling dugo.

Pakikipagsandugo sa Katipunan.  Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pakikipagsandugo sa Katipunan. Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pakikipagsandugo sa Katipunan.  Mula sa mural na "History of Manila" ni Carlos "Botong" Francisco.  Nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Maynila.

Pakikipagsandugo sa Katipunan. Mula sa mural na “History of Manila” ni Carlos “Botong” Francisco. Nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Maynila.

Pinakamaagang nahanap na dokumento ng Katipunan na nakasulat sa Katipunan Code, 1892.   May mga pirma nina Andres Bonifacio.  Mula sa Sulyap Kultura.

Pinakamaagang nahanap na dokumento ng Katipunan na nakasulat sa Katipunan Code, 1892. May mga pirma nina Andres Bonifacio. Mula sa Sulyap Kultura.

At doon naisilang ang Kataastaasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.  Ang Katipunan ay mula sa salitang tipon, kaya ang kahulugan nito ay asosasyon, o Liga.  Kaya ayon kay Padre Schumacher, ipinapagpapatuloy ni Bonifacio ang diwa ng sinimulan ni Rizal, ang pagtutulungan at pagsisimula ng pagkabansa sa grassroots, sapagkat sa isang sulat ni Dr. Ariston Bautista Lin kay Rizal, tinukoy niya ang Ligang bilang “katipunan,” ngunit nalalayo din kay Rizal dahil kumbaga tulad ng sinabi ni Fernando Poe, Jr. “Kapag puno na ang salop, kailangan nang kalusin.”  Ngunit hindi lamang itinuturo sa Katipunan ang katapangan at pagiging marahas sa kalaban, kundi ang mabuting kalooban, pagmamahalan, puri at kabanalan.

Orihinal na limbag na sipi ng Kartilya ng Katipunan mula sa koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Orihinal na limbag na sipi ng Kartilya ng Katipunan mula sa koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Ayon nga kay Bonifacio, “Sa kalamigan ng loob, katiyagaan, katuwiran at pag-asa sa ano mang gagawin nagbubuhat ang ikagaganap ng mabuting ninanais.”  Kaya naman, gumawa sila ng gumawa ng walang imik hanggang hindi naglaon, naging libo-libo ang kasapi ng kapatirang unang naggalaw ng isang pambansang paghihimagsik sa Timog Silangang Asya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 29 June 2013)

XIAO TIME, 5 July 2013: ANG PAPEL NI MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI SA ATING KASAYSAYAN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Miguel Lopez de Legazpi.  Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legazpi. Mula sa La Ilustracion Filipina.

5 July 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=ikjETWEEbVk

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Matapos ang pagkasawi ni Magellan sa Mactan, nagpadala ang Hari ng Espanya ng iba pang mga ekspedisyon patungo sa mga kapuluang ito—ang mga ekspedisyon nina Loaysa, Cabot, Saavedra at Villalobos na may tatlong pangunahing misyon:  Makipagkasundo sa mga bayan; magpaumanhin sa mga taga-Cebu sa nangyaring panggagahasa ng mga tauhan ni Magellan; ibalik ang mga labi ni Magellan.

Ang kamatayan ni Magellan, mula sa facebook ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ang kamatayan ni Magellan, mula sa facebook ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Lahat sila ay nabigo.  Marami pa sa mga pinuno nito ay nabihag ng mga karibal na Portuges na hawak ang kalapit na Moluccas o Spice Islands.  Ngunit inutusan ng Hari ng Espanya, Felipe Segundo ang Viceroyalty ng Nueva España sa Mexico na muling magpadala ng isa pang ekspedisyon sa Pilipinas.

Felipe II (Segundo).  Mula sa Pacto de Sangre

Felipe II (Segundo). Mula sa Pacto de Sangre

At si Adelantado Miguel Lopez de Legazpi ang napili.  Naging katuwang niya ang isang paring Agustino, si Padre Andres de Urdaneta, na bago maging pari ay beterano na ng Ekspedisyong Loaysa kaya alam na niya ang ruta patungong Pilipinas at pamilyar na sa pasikot-sikot sa kapuluan.

Isang paglalarawan kay Andres de Urdaneta bilang isang sundalo ni Antonio Valverde.

Isang paglalarawan kay Andres de Urdaneta bilang isang sundalo ni Antonio Valverde.

Padre Andres de Urdaneta

Padre Andres de Urdaneta

Padre Andres de Urdaneta.  Mula sa san Agustin Church.

Padre Andres de Urdaneta. Mula sa San Agustin Church.

Siya ang magiging alas ng ekspedisyon.  Umalis sila ng Mexico noong November 1864 at matapos ang dalawang buwan, nakarating sa Samar noong February 20, 1565.  Sa Bohol, sa pag-aakalang sila ay mga Portuges, nagsilikas sa kabundukan o nag-ilihan ang mga tao ngunit nang malaman ni Rajah Sikatuna na ibang mga tao ito, siya ay nakipagsandugo kay Legazpi, isang punto sa ating kasaysayan ni ipininta ni Juan Luna at ang obra maestra ngayon ay nasa Palasyo ng Malacañan.

Pacto de Sangre.  Ang modelo para kay Legazpi ay ang bayaw ng pintor na si Trinidad Pardo de Tavera.  Si Sikatuna si Jose Rizal.  Obra maestra ni Juan Luna.

Pacto de Sangre. Ang modelo para kay Legazpi ay ang bayaw ng pintor na si Trinidad Pardo de Tavera. Si Sikatuna si Jose Rizal. Obra maestra ni Juan Luna.

Si Pangulong Noynoy Aquino matapos na umakyat sa Palasyo ng Malacanan, nasa likuran niya ang Pacto de Sangre ni Juan Luna.  Mula sa Yes! Magazine.

Si Pangulong Noynoy Aquino matapos na umakyat sa Palasyo ng Malacanan, nasa likuran niya ang Pacto de Sangre ni Juan Luna. Mula sa Yes! Magazine.

Ang tradisyunal na sayt ng Sanduguan na pinatayuan ng monumento na obra maestra ni Napoleon V. Abueva.

Ang tradisyunal na sayt ng Sanduguan na pinatayuan ng monumento na obra maestra ni Napoleon V. Abueva.

Si Prop. Ambeth Ocampo sa aktwal na sayt ng Sanduguan.

Si Prop. Ambeth Ocampo sa aktwal na sayt ng Sanduguan.

Kung para sa mga Boholano, tunay na kapatid na ang turing nila sa mga Espanyol bilang isang dugo na lamang sila, wala naman itong kahulugan sa mga Espanyol at tumalikod din sa kapatirang ito tulad ng binaggit ni Andres Bonifacio sa kanyang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog.”

Ang ruta ng mga galyon mula Maexico patungong Pilipinas na nadiskubre ni Urdaneta.

Ang ruta ng mga galyon mula Maexico patungong Pilipinas na nadiskubre ni Urdaneta.

Ang ruta ng Ekspedisyon ng Legazpi sa Pilipinas.

Ang ruta ng Ekspedisyon ng Legazpi sa Pilipinas.

Noong April 27, dumating sila sa Sugbu ngunit nilabanan ng mga tauhan ni Rajah Tupas.  Ngunit hindi naglaon, dahil sa mas diplomatikong approach ni Legazpi, nakipagkasundo rin sa mga Espanyol si Rajah Tupas.  Kalaunan, ang Cebu ang naging pinakaunang kolonyal na lungsod sa Pilipinas noong 1571.

Obra maestra ni Fernando Amorsolo na nagpapakita ng pakikitungo ng Legazpi sa mga Pilipino (expolorer-philippines.com)

Obra maestra ni Fernando Amorsolo na nagpapakita ng pakikitungo ng Legazpi sa mga Pilipino (expolorer-philippines.com)

Fort San Pedro sa Cebu, na may monumento ni Legazpi.  Mula sa driftwoodjourneys.com.

Fort San Pedro sa Cebu, na may monumento ni Legazpi. Mula sa driftwoodjourneys.com.

Isang liham ni Miguel Lopez de Legazpi.  Mula sa www.travelandpositiveliving.com.

Isang liham ni Miguel Lopez de Legazpi. Mula sa http://www.travelandpositiveliving.com.

Pirma ni Legazpi.  Mula sa www.travelandpositiveliving.com.

Pirma ni Legazpi. Mula sa http://www.travelandpositiveliving.com.

Ngunit hindi ibig sabihin na nasakop ang Cebu ay nasakop na ang buong Pilipinas, simula lamang ito ng mahabang proseso ng Conquista.  Lumipat siya sa Panay noong 1569, at ginamit ang mga dayuhan ng mga mandirigmang Panayanhon upang tulungan sila sa paggalugad at pananakop ng mga kalabang Moro sa Mindoro at Luzon na nilulusob sila.  Pinamunuan sila ng apo ni Legazpi na si Juan de Salcedo at Martin de Goiti.  Tampuhan ng Bisaya at Tagalog, noon pa pala iyon???

Juan de Salcedo.  Obra maestra ni Dan Dizon.

Juan de Salcedo. Obra maestra ni Dan Dizon.

Rajah Matanda kasama si Legazpi.  Obra ni Dan Dizon.

Rajah Matanda kasama si Legazpi. Obra ni Dan Dizon.

Martin de Goiti, ang namuno sa mga Espanyol na sumagupa sa mga Macabebe.  Mula sa Ayala Museum.

Martin de Goiti, ang namuno sa mga Espanyol na sumagupa sa mga Macabebe. Mula sa Ayala Museum.

"Entrevista de Goiti y Rajah Soliman," and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo.  Mula sa Pacto de Sangre.

“Entrevista de Goiti y Rajah Soliman,” and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo. Mula sa Pacto de Sangre.

Isang taon matapos na matalo ni de Goiti sina Rajah Soliman at ang mga taga-Maynila noong 1570, tumungo doon mismo si Legazpi at itinatag niya kasama ni Padre Urdaneta ang Lungsod ng Maynila, 442 years ago, June 24, 1571 na ginugunita ngayon bilang Araw ng Maynila.

Pagdating ni Legazpi at Urdaneta sa Maynila, 1571.  Mula sa Simbahan ng San Agustin.

Ang sagisag ng kolonyal na Lungsod ng Maynila.

Ang sagisag ng kolonyal na Lungsod ng Maynila.  Mula kay Dr. Ambeth Ocampo.

Namatay siya sa kanyang lungsod makalipas ang isang taon, August 20, 1572 at inilibing sa Simbahan ng San Agustin.  Ngayon, ang lumang monumento nina Legazpi at Urdaneta ay ninanakawan at kinakalakal ang mga bakal.  Naku!  Magtigil po kayo!  Bahagi po yan ng kasaysayan!

Ang libingan ni Legazpi at iba pang mga personahe sa San Agustin Church.

Ang libingan ni Legazpi at iba pang mga personahe sa San Agustin Church.

Monumento ni Legazpi at Urdaneta sa Luneta na ipinagawa noong huling bahagi ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas. Mula sa Pacto de Sangre.

Monumento ni Legazpi at Urdaneta sa Luneta na ipinagawa noong huling bahagi ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas. Mula sa Pacto de Sangre.

Ang dating kinalalagyan ng plake at ang estatwa ngayon sa ilalim ng Legazpi-Urdaneta monument noong wala na ito.  Pati daliri nawala.  Kaloka.  Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ang dating kinalalagyan ng plake at ang estatwa ngayon sa ilalim ng Legazpi-Urdaneta monument noong wala na ito. Pati daliri nawala. Kaloka. Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ang monumento ni Legazpi at Urdaneta ay unti-unting kinikilo.   Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ang monumento ni Legazpi at Urdaneta ay unti-unting kinikilo. Mula sa nostalgiafilipinas.blogspot.com.

Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 8 June 2013)

XIAO TIME, 2 July 2013: ANG LIHIM NA KWENTO NI IMELDA MARCOS

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Sa likod ng karangyaan at mga magagandang hiyas ay isang mapait na kwento.  Si Unang Ginang Imelda Romualdez bilang isang Reyna sa paglalarawan ni Ralph Wolfe Cowan, tagapagpinta ng Prinsipe at Prinsesa ng Monaco, Rainier at Grace.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Sa likod ng karangyaan at mga magagandang hiyas ay isang mapait na kwento. Si Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos bilang isang Reyna sa paglalarawan ni Ralph Wolfe Cowan, tagapagpinta ng Prinsipe at Prinsesa ng Monaco, Rainier at Grace. Mula sa Marcos Presidential Center.

2 July 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=1Ms0hSVGf7k

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  84 years ago, July 2, 1929, isinilang si Imelda Remedios Visitacion Romualdez sa Lungsod ng Maynila.  36 na taon lamang ang lilipas, siya na ang unang ginang ng Pilipinas, Imelda Marcos, noong 1965.

Unang Ginang sa edad na 36, 1966.  Mula sa LIFE Magazine sa Aklatang Xiao Chua.

Unang Ginang sa edad na 36, 1966. Mula sa LIFE Magazine sa Aklatang Xiao Chua.

Isang personal na larawan nina Pangulo at Unang Ginang Ferdinand at Imelda Marcos.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Isang personal na larawan nina Pangulo at Unang Ginang Ferdinand at Imelda Marcos. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Imelda na may parasol sa paglalarawan ng hyperrealist na pintor mula sa Chile na si Claudio Bravo.  Mula sa Metropolitan Museum of Manila.

Si Imelda na may parasol sa paglalarawan ng hyperrealist na pintor mula sa Chile na si Claudio Bravo. Mula sa Metropolitan Museum of Manila.

Noong una, lagi na lamang ibinabandera na nagmula siya sa pulitikal at aristokratang angkan ng mga Romualdez sa Leyte.  Ngunit noong 1969, naglabas ng isang aklat ang peryodistang si Carmen Navarro Pedrosa, The Untold Story of Imelda Marcos.  Ang tanong niya?  Bakit itatago ang kanyang nakaraan kung maaari sana itong magbigay ng inspirasyon sa iba.

Carmen Navarro Pedrosa.  Mula sa koleksyong Carmen Pedrosa.

Carmen Navarro Pedrosa. Mula sa koleksyong Carmen Pedrosa.

Ang unang edisyon (1969) ng kontrobersyal na aklat, ang unang biograpiya na nagbigay linaw sa maagang buhay ng Unang Ginang.  Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Ang unang edisyon (1969) ng kontrobersyal na aklat, ang unang biograpiya na nagbigay linaw sa maagang buhay ng Unang Ginang. Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Sa isang bahay sa Kalye Heneral Solano, San Miguel, Maynila malapit sa Palasyo ng Malacañan, namuhay ang pamilya ni Imelda.  Ang kanyang ama na si Vicente Orestes bagama’t abogado at dekano pa ay suportado ng mga kapatid na mas prominente.  Ayon mismo sa anak ni Imelda na si Congresswoman Imee sa aming panayam sa kanya, “Yung tatay niya, pag minsan may pera, kung minsan wala.  Pag walang pera, tutugtog ng piano para makalimutan yung gutom.  Beethoven ang kinakain.”

Si Xiao Chua at Angelito Angeles habang kinakapanayam si Rep. Ma. Imelda "Imee" Marcos, September 6, 2004, Batasang Pambansa.

Si Xiao Chua at Angelito Angeles habang kinakapanayam si Rep. Ma. Imelda “Imee” Marcos, September 6, 2004, Batasang Pambansa.

Vicente Orestes Romualdez.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Vicente Orestes Romualdez. Mula sa Marcos Presidential Center.

Paglalarawan ng diumano ay pamumuhay ni Imelda noong siya ay bata pa sa Maynila.  Kuha ni Xiao Chua sa Sto. Nino Shrine sa Tacloban, Leyte.

Paglalarawan ng diumano ay pamumuhay ni Imelda noong siya ay bata pa sa Maynila. Kuha ni Xiao Chua sa Sto. Nino Shrine sa Tacloban, Leyte.

Si Estrella Cumpas, ang yaya ni Imelda, na nagkwento ng mga mapait na karanasan ni Imelda kay Carmen Pedrosa.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Estrella Cumpas, ang yaya ni Imelda, na nagkwento ng mga mapait na karanasan ni Imelda kay Carmen Pedrosa. Mula kay Carmen Pedrosa.

Habang ang ina naman ni Imelda na si Remedios Trinidad Romualdez, bilang pangalawang asawa, ay nagdusa diumano ng katakut-takot na sakit ng damdamin sa mga anak ng unang asawa.  Nang magkaroon ng lamat ang kanilang relasyong mag-asawa, sa isang tinayong karton sa garahe tumira ang mag-iina ni Remedios.

Ang kasal ng mga magulang ni Imelda.   Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang kasal ng mga magulang ni Imelda. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Remedios Trinidad noong kanyang kabataan.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Remedios Trinidad noong kanyang kabataan. Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad sa araw ng kanyang kasal.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad sa araw ng kanyang kasal. Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad Rmoualdez.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Remedios Trinidad Rmoualdez. Mula kay Carmen Pedrosa.

Sa kanyang pagiging Unang Ginang, ang dating nasa ibaba ng angkan ay nailagay na sa tugatog nito.  Mula sa Sto. Nino Shrine, Tacloban, Leyte sa pangangalaga ng Presidential Commission on Good Government.

Ang batang Imelda.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang batang Imelda. Mula sa Marcos Presidential Center.

Si Imelda (kanan) kasama ang half-sister na si Lourdes,  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Imelda (kanan) kasama ang half-sister na si Lourdes, Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang larawan para sa unang komunyon ni Imelda.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang larawan para sa unang komunyon ni Imelda. Mula sa Marcos Presidential Center.

Kahit si Imelda naaalala kung paanong ang kanyang ina ay ginagawan siya ng mga maliit na damit na gawa sa seda, binibihisan tulad ni Shirley Temple at pakakantahin sa gitna ng sala kapag sila ay may bisita.  Ngunit namatay ang ina ni Imelda sa sakit na pulmunya at sakit ng loob noong December 7, 1938.

Si Xiao Chua habang kinakapanayam si Unang Ginang Imelda Marcos, kuha ni Jose Angelito Angeles, 2008.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua habang kinakapanayam si Unang Ginang Imelda Marcos, kuha ni Jose Angelito Angeles, 2008. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Imelda bilang estudyante ng St. Paul's Tacloban.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Si Imelda bilang estudyante ng St. Paul’s Tacloban. Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang larawan ni Imelda na masasabing paborito ni Pangulong Marcos, naiwan ito sa kanyang mesa noong EDSA 1986.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang larawan ni Imelda na masasabing paborito ni Pangulong Marcos, naiwan ito sa kanyang mesa noong EDSA 1986. Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang batang Imelda.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang batang Imelda. Mula kay Carmen Pedrosa.

Nang kapanayamin namin si Gng. Marcos, sabi niya ukol sa ama at buhay nila noong bata pa, “How can he be a pauper?  Doctor of laws, and living in a garahe!  Ang corny!  Temporarily, true, …but it was my happy period of my life because my mother made a house, para kaming nagbahay-bahayan.  …The house was being repaired, baka mamaya mauntugan kami ng mga martilyo.”

Ang Rosas ng Tacloban.  Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang Rosas ng Tacloban. Mula kay Carmen Pedrosa.

Ang Lakambini ng Maynila.  Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang Lakambini ng Maynila. Mula sa Marcos Presidential Center.

Ang Unang Ginang ng buong Pilipinas.  Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Ang Unang Ginang ng buong Pilipinas. Mula sa Aklatang Xiao Chua.

Si Imelda Marcos bilang gobernador ng Metro Manila at ministro ng Human Settlements.  Mula sa Fookien Times Yearbook sa Aklatang Xiao Chua.

Si Imelda Marcos bilang gobernador ng Metro Manila at ministro ng Human Settlements. Mula sa Fookien Times Yearbook sa Aklatang Xiao Chua.

Ang ikinubling karanasan na ito marahil ang dahilan kung bakit ang babaeng simple ang mga damit noon ay nagsuot ng mga magagarang kasuotan at mga alahas, at ang babaeng nagbahay-bahayan sa garahe ay tumira sa mga palasyo sa daigdig.  Sa kanyang talento at kagandahan, sinikap niyang baguhin ang kanyang buhay.  Sa masama man o mabuti, nagbago rin ang sa atin.  Nagbago rin ang buhay ni Pedrosa.  Dahil sa harassment ng mga tauhan ng mga Marcos, napawalay sa sariling lupa, ang kanyang aklat ay sinamsam at ipinagbawal.  44 na taon matapos na unang mailathala, noong nakaraang June 20 lamang ito pormal na inilunsad kaugnay ng isang bagong edisyon, hindi marahil makapaniwala na una, buhay pa sila habang marami sa kanilang mga kaibigan sa pakikibaka ay wala na, at pangalawa, dahil sa gitna ng pagmamali ng kasaysayan ng ilan ay kinakailangan pa ring ilabas muli ang konstrobersyal na aklat.

Si Carmen Pedrosa bilang destiero sa London.  Mula sa fb page ni Carmen Pedrosa.

Si Carmen Pedrosa bilang destiero sa London. Mula sa fb page ni Carmen Pedrosa.

Si Xiao Chua sa unang pagkikita nila ng idolong si Pedrosa, May 2011, Heroes Square Rizal @ 150 Tour, Fort Santiago.

Si Xiao Chua sa unang pagkikita nila ng idolong si Pedrosa, May 2011, Heroes Square Rizal @ 150 Tour, Fort Santiago.

Carmen Pedrosa hawak ang bagong edisyon ng kanyang akda.  June 20, 2013, Opera Haus, Makati.

Carmen Pedrosa hawak ang bagong edisyon ng kanyang akda. June 20, 2013, Opera Haus, Makati.

Ang makasaysayang unang paglulunsad ng isang higit 40-taon nang aklat.

Ang makasaysayang unang paglulunsad ng isang higit 40-taon nang aklat.

Si Xiao Chua, Jonathan Balsamo at Carmen Pedrosa noong paglulunsad ng kanyang The Untold Story of Imelda Marcos.

Si Xiao Chua, Jonathan Balsamo at Carmen Pedrosa noong paglulunsad ng kanyang The Untold Story of Imelda Marco.  Mula sa Koleksyong Jonathan Balsamo.

Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 21 June 2013: ANG MAGKATAMBAL NA KASAYSAYAN NG LUNGSOD NG MAYNILA AT NG METRO MANILA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Metro Manila:  Gates of Hell o Gotham City?  Kuha ni Louie Oviedo noong mga pag-ulan ng "Habagat," August 8, 2012 mula sa fb ng UP Socius.

Metro Manila: Gates of Hell o Gotham City? Kuha ni Louie Oviedo noong mga pag-ulan ng “Habagat,” August 8, 2012 mula sa fb ng UP Socius.

21 June 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=Tsep0NNU6N4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  442 years ago, June 24, 1571, itinatag ni Miguel Lopez de Legaspi ang kolonyal na Ciudad de Manila matapos mapilitan ang huling hari ng Maynila na si Rajah Soliman na isuko ang kanyang kaharian at parang mga iskwater na iniwan ang kanilang lumang bayan at nag-resettle sa Ermita at Malate, ang lugar na tinawag na Bagumbayan.

Miguel Lopez de Legaspi.  Mula sa La Ilustracion Filipina.

Miguel Lopez de Legaspi. Mula sa La Ilustracion Filipina.

Rajah Soliman, mula sa "History of Manila" mural ni Carlos "Botong" Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal.  Nasa City Hall ng Maynila.

Rajah Soliman, mula sa “History of Manila” mural ni Carlos “Botong” Francisco, Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal. Nasa City Hall ng Maynila.

Ang kuta ni Soliman sa Maynila ayon kay J. Martinez, 1892.  Mula sa Pacto de Sangre.

Ang kuta ni Soliman sa Maynila ayon kay J. Martinez, 1892. Mula sa Pacto de Sangre.

Fort Santiago noong panahon ng mga Espanyol, dito makatirik ang dating kuta ni Soliman, ni Alfredo Carmelo, 1960.  Mula sa Pacto de Sangre.

Fort Santiago noong panahon ng mga Espanyol, dito makatirik ang dating kuta ni Soliman, ni Alfredo Carmelo, 1960. Mula sa Pacto de Sangre.

Bago dumating ang mga Espanyol, ang Maynila ay isang kaharian sa bunganga ng Ilog Pasig at ng Look ng Maynila, ang area na ngayon ay nasa Fort Santiago.  Ayon sa disertasyon ni Dr. Lars Raymund Ubaldo, ang lugar sa dalampasigan ng mga bakawan at ang tagpuan ng ilog at dagat na tinatawag sa Ingles na delta, ay tinatawag na “alog” ng mga ating ninuno.  At iyon raw ang tunay na pinagmulan ng salitang “Tagalog,” taga-alog at hindi taga-ilog.

Ang delta o "alog" ng Manila Bay at Pasig River.  Mula sa Wikipedia, 1800s.

Ang delta o “alog” ng Manila Bay at Pasig River. Mula sa Wikipedia, 1800s.

Ang bunganga ng Ilog Pasig sa Look ng Maynila--ang alog, maaaring pinagmulan ng salitang Tagalog--Taga-alog.  Mula sa manilahub.blogspot.com.

Ang bunganga ng Ilog Pasig sa Look ng Maynila–ang alog, maaaring pinagmulan ng salitang Tagalog–Taga-alog. Mula sa manilahub.blogspot.com.

Ang alog ng Look ng Maynila at Ilog Pasig ngayon.  Kuha ni David Montasco.

Ang alog ng Look ng Maynila at Ilog Pasig ngayon. Kuha ni David Montasco.

Si Xiao Chua at Dr. Lars Raymund Ubaldo sa tamabayan ng kanilang organisasyon UP Lipunang Pangkasaysayan sa UP Diliman, January 10, 2005.  Kapwa sila ngayon nagtuturo sa De La Salle University.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Ang Maynila noon ang nagsisilbing “toll gate” sa mga mangangalakal na nais magtungo sa mga iba’t ibang mga mauunlad na kaharian sa Laguna de Bai.  Ang Maynila ay nagmula sa salitang “nila,” isang indigo plant na tumutubo sa ilog, may nila.

Ang Look ng Maynila mula sa kalawakan.  Mula sa wv.mei.titech.ac.jp

Ang Look ng Maynila mula sa kalawakan. Mula sa wv.mei.titech.ac.jp

Mula Tondo at Maynila, ang Ilog Pasig ay bumabagtas hanggang Laguna de Bai--mga dating kaharian na tinukoy sa Laguna Copperplayte Inscription.  Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Mula Tondo at Maynila, ang Ilog Pasig ay bumabagtas hanggang Laguna de Bai–mga dating kaharian na tinukoy sa Laguna Copperplayte Inscription. Mula kay Jaime Figueroa Tiongson.

Ang Nila, mula sa Flora de Filipinas ni Padre Manuel Blanco.

Ang Nila, mula sa Flora de Filipinas ni Padre Manuel Blanco.

"Entrevista de Goiti y Rajah Soliman," and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo.  Mula sa Pacto de Sangre.

“Entrevista de Goiti y Rajah Soliman,” and encuentro nina Martin de Goiti at Rajah Soliman, 1570. Obra maestra ni Fernando Amorsolo. Mula sa Pacto de Sangre.

Ito ang naging kabisera ng mga Espanyol, at ang Ciudad de Manila noon ay yaon lamang nasa paligid ng pinatayuan nilang mga pader—Intramuros.  Nang dumating ang mga Amerikano, maging ang mga nasa labas ng pader ay naging Lungsod ng Maynila.

Ang lumang mapa ng Espanyol na Ciudad de Manila na napapalibutan ng mga pader--Intramuros (Latin para sa nasa loob ng mga pader).  Nakaayon sa Leyes de las Indias ng mga Espanyol, ito ang naging huwaran ng iba pang mga pueblo o bayan sa Pilipinas--may sentro na tinatawag na Plaza at nahahati sa parisukat ayon sa Roman Grid Pattern.  Sa town planning na ito, nasa plaza ang pinakamahalagang institusyon ng Simbahan at Casa Gobierno, at ang mga bahay na pinakamalapit sa plaza ay yaong sa may kapangyarihan.

Ang lumang mapa ng Espanyol na Ciudad de Manila na napapalibutan ng mga pader–Intramuros (Latin para sa nasa loob ng mga pader). Nakaayon sa Leyes de las Indias ng mga Espanyol, ito ang naging huwaran ng iba pang mga pueblo o bayan sa Pilipinas–may sentro na tinatawag na Plaza at nahahati sa parisukat ayon sa Roman Grid Pattern. Sa town planning na ito, nasa plaza ang pinakamahalagang institusyon ng Simbahan at Casa Gobierno, at ang mga bahay na pinakamalapit sa plaza ay yaong sa may kapangyarihan.

Dahil napalibutan ng mga matataas na pader ang Intramuros, hindi napabagsak sa loob ng tatlong daang taon ang Conquista.  Mapa mula sa Pacto de Sangre.

Dahil napalibutan ng mga matataas na pader ang Intramuros, hindi napabagsak sa loob ng tatlong daang taon ang Conquista. Mapa mula sa Pacto de Sangre.

Ang Intramuros sa panahon ng mga Amerikano, lumalaki na ang Lungsod ng Maynila.

Ang Intramuros sa panahon ng mga Amerikano, lumalaki na ang Lungsod ng Maynila.

Hindi na lamang Intramuros ang Lungsod ng Maynila noong panahon ng Amerikano, isinama na ang mga dating arabales o suburbs.

Hindi na lamang Intramuros ang Lungsod ng Maynila noong panahon ng Amerikano, isinama na ang mga dating arabales o suburbs.

Dahil maliit ang Maynila, hiniraya o nagkaroon ng vision si Pangulong Manuel Quezon na magtatag ng isang mas malaki at planadong bagong pangkabeserang lungsod na nakapangalan sa kanya, Quezon City, noong 1939.  Naging ganap na kabisera ng Pilipinas ang Quezon City noong 1948 ngunit binawi ito ni Pangulong Marcos noong 1976.

Si Pangulong Manuel Luis Quezon sa kanyang talumpating pampasinaya bilang Unang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas, November 15, 1935 sa lumang gusali ng Kongreso sa Maynila.  Ito ang pinagbatayan ng sikat niyang monumento.

Angnpaglalagay ng batong panulukan sa Lungsod Quezon na pinangunahan ni... Quezon.  Mula sa Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas.

Angnpaglalagay ng batong panulukan sa Lungsod Quezon na pinangunahan ni… Quezon. Mula sa Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas.

Ang elliptical circle at ang Quezon Memorial Monument.  Ang sanang magiging kapital ng Pilipinas.  Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Ang elliptical circle at ang Quezon Memorial Monument. Ang sanang magiging kapital ng Pilipinas. Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Palaki ng palaki ng palaki ng palaki.  Ito ang masasabi ukol sa kabisera ng Pilipinas lalo na nang itatag ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong November 7, 1975 ang Metropolitan Manila Commission o MMC na binubuo ng apat na mga lungsod ng Maynila, Quezon, Pasay at Caloocan; at ng labintatlong iba pang mga bayan upang maging Metropolitan Manila o National Capital Region.

Ang lalawigan ng Rizal ay hinati, ang pinakamauunlad na bayan nito ay naging bahagi ng Metropolitan Manila.  Naloka siguro ang mga Rodriguez ng Rizal.  Mula kay armandobalajadia.com.

Ang lalawigan ng Rizal ay hinati, ang pinakamauunlad na bayan nito ay naging bahagi ng Metropolitan Manila. Naloka siguro ang mga Rodriguez ng Rizal. Mula kay armandobalajadia.com.

Ang mapa ng Metropolitan Manila o National Capital Region.

Ang mapa ng Metropolitan Manila o National Capital Region ngayon.

Inatasan niya ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos na maging gobernador at upang diumano ay maiwasan ang pagtatampo ni Gobernador Isidro Rodriguez ng Lalawigang Rizal na pinagkunan ng lahat ng pinakamayayaman nilang bayan, ginawang alkalde ng Quezon City ang asawa niyang si Adelina S. Rodriguez.

Alkalde Adelina Rodriguez.  Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Alkalde Adelina Rodriguez. Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Nang manumpa ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos bilang tanging "Gobernador ng Metropolitan Manila" noong November 7, 1975 sa Palasyo ng Malacanan.

Nang manumpa ang Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos bilang tanging “Gobernador ng Metropolitan Manila” noong November 7, 1975 sa Palasyo ng Malacanan.

Si Imelda Marcos habang pinupulong ang mga alkalde ng Metropolitan Manila.  Naging makapangyarihan siyang gobernador hawak ang 15 % ng pambansang budget.    Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Si Imelda Marcos habang pinupulong ang mga alkalde ng Metropolitan Manila. Naging makapangyarihan siyang gobernador hawak ang 15 % ng pambansang budget. Mula sa tanggapan ni Speaker Sonny Belmonte.

Nag-adhika si Imelda na ibigay ang 11 Basic Needs of Man, kaya tila kinuyog na parang mga bubuyog ng mga tao ang kabisera.  Lumaki ang populasyon nito.  Plano niyang palakihin ang land area ng MM, dadagdagan ang reclaimed area hanggang Cavite at isasali na ang area hanggang Real, Quezon upang maging bahagi ng MM!!!  Ang tanging lungsod sa daigdig na nakaharap sa dalawang malalaking katawan ng tubig.  Hindi ito natuloy.

Mapa na nagpapakita ng planong pinalaking Metropolitan Manila na nakaharap kapwa sa Dagat Kanlurang Pilipinas (Look ng Maynila) at Karagatang Pasipiko (Infanta-Real, Quezon).  Mula sa Metropolitan Manila Development Authority Library).

Nagpatuloy ang MMC sa pamamagitan ng  Metropolitan Manila Development Authority at nag-iwan din ito ng pamana.  Kaiba sa “Gates of Hell” na tawag sa lungsod ni Dan Brown, may progreso sa Metro Manila.

Ang Metropolitan Manila ngayon.

Ang Metropolitan Manila ngayon.

Solid na Manila shot na tila nagpapapala ang Panginoon.

Solid na Manila shot na tila nagpapapala ang Panginoon.Kuha ni Huno Garces.

Ang mga nakahimpil na tinitirhang maliliit na casco sa Ilog Pasig sa Lumang Maynila.

Ang mga nakahimpil na tinitirhang maliliit na casco sa Ilog Pasig sa Lumang Maynila.

Ang mga bahay sa gilid ng ilog.  Mula sa fb ni Delmar Taclibon.

Ang mga bahay sa gilid ng ilog. Mula sa fb ni Delmar Taclibon.

Paano naman ang rural poor?  Mula sa newsbox.unccd.int.

Paano naman ang rural poor? Mula sa newsbox.unccd.int.

Ngunit hindi ba’t sa sobrang pagbibigay ng ginhawa sa kabisera natin, nasakripisyo ang mga probinsya natin?  Pag-isipan natin, paano kaya natin maiiwasan ito?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Razon’s, UP-Ayala Technohub, 30 October 2012, 8 June 2013)

XIAO TIME, 6 June 2013: MGA PAGYANIG O LINDOL NA UMUKIT SA KASAYSAYAN NG LUMANG MAYNILA

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang paglalarawan ng paglindol sa loob ng intramuros sa Maynila.  Mula sa Intramuros:  Ang Lumang Lungsod ng Maynila ng Adarna.

Ang paglalarawan ng paglindol sa loob ng intramuros sa Maynila.  Guhit ni Norie Millare mula sa Intramuros: Ang Matandang Lungsod ng Maynila ng Adarna.

6 June 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=dM4BZs2NpCE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  150 years ago, June 3, 1863, bandang 7:00 ng gabi, nagkaroon ng isang malakas lindol na naramdaman sa Maynila.  Dito bumagsak ang buong kakatayo pa lamang na Katedral ng Maynila, liban sa kampanaryo, sa mga relihiyoso at hindi mabilang na mga deboto na noon ay umaawit ng kanilang vespers para sa kapistahan ng Corpus Christi.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Katedral ng Maynila bago ang lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Tatlong araw na sinikap na makuha ang mga biktima at mga namatay na natabunan ng katedral.  Isa sa mga namatay ang bayani ng unang sekularisasyon na si Padre Pedro Pelaez.  Isang tagapag-ulat mula sa Illustrated London News ang nagbalita at gumuhit ng ilan sa mga eksena noong lindol na iyon:  Sa ilalim raw ng mga guho na ito ng katedral ayon sa kanya, natabunan ang halos lahat ng biktima, na sinikap painumin ng tubig sa pamamagitan ng mga basag na organ pipes ngunit nangamatay rin sila sa ilalim ng mabibigat na batong ito.  Napakabaho raw ng amoy nang iginuhit niya ang drowing na ito.

Ang guho sa Katedral ng Maynila na lumabas sa Illustrated London News.  Mula sa National Information Service for Earthquake Engineering (NISEE) ng Pacific Earthquake Engineering Research (PEER), University of California, Berkeley.

Ang guho sa Katedral ng Maynila noong lindol ng 1863 na lumabas sa Illustrated London News. Mula sa National Information Service for Earthquake Engineering (NISEE) ng Pacific Earthquake Engineering Research (PEER), University of California, Berkeley.

Padre Pedro Pelaez, mula sa Kasaysayang:  The Story of the Filipino People.

Padre Pedro Pelaez, mula sa Kasaysayang: The Story of the Filipino People.

Nasira rin ang mga tore at harapan ng Simbahan ng Santo Domingo, ang tore ng simbahan ng Binondo, ang almacen o imbakan ng tabako ng pamahalaan, at ang Palasyo ng Gobernador Heneral.

Almacen ng tabako ng pamahalaan.  Mula kay Henry Charles Andrews (arcadja.com)

Almacen ng tabako ng pamahalaan. Mula kay Henry Charles Andrews (arcadja.com)

Guho ng konsulado ng Denmark sa Maynila na lumabas sa Illustrated London News.  Mula sa National Information Service for Earthquake Engineering (NISEE) ng Pacific Earthquake Engineering Research (PEER), University of California, Berkeley.

Sa sobrang pagkaguho nito, ipinasyang ilipat na ang luklukan ng kapangyarihan sa kapuluang Pilipinas sa Palasyo ng Malacañan.  Muli lamang naipatayo ang dating palasyo ng gobernador heneral makalipas ang mahigit isang siglo, noong 1976.

Ang lumang Malacanang na may mga mangingisda, mula sa Old Manila ni Jose Ma. Zaragosa.

Ang lumang Malacanang na may mga mangingisda, mula sa Old Manila ni Jose Ma. Zaragosa.

Ang muling ipinatayong Palacio del Gobernador.  Mula sa nifertari.multiply.com

Ang muling ipinatayong Palacio del Gobernador. Mula sa nifertari.multiply.com

Sa kalahating minutong lindol ng 1863, 300 ang namatay at higit 200 ang nasugatan kabilang na ang mga nasa night market at mga nasa ospital, 1,172 na mga bahay at gusali ang gumuho.  Makalipas lamang ang 17 taon, muling nagkaroon ng serye ng mga lindol mula July 14 hanggang 25, 1880, kabilang ang tatlong napakalakas, pinakamalakas dito ay Intensity 10!!!  Imagine.  Pinabagsak na nito ang kampanaryo ng Katedral ng Maynila na nakaligtas noong 1863 at nakapanghina sa isa sa mga kampanaryo ng Simbahan ng San Agustin.

Aktwal na larawan ng tore ng Katedral ng Maynila na gumuho noong 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Aktwal na larawan ng tore ng Katedral ng Maynila na gumuho noong 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Larawang guhit ng tore ng Katedral ng Maynila na gumuho noong 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Larawang guhit ng tore ng Katedral ng Maynila na gumuho noong 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Aktwal na larawan ng Simbahan ng San Agustin matapos ang lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Aktwal na larawan ng Simbahan ng San Agustin matapos ang lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Larawang-guhit ng Simbahan ng San Agustin matapos ang lindol ng 1880.  Ang tore sa may kaliwa ay gigibain kaya magiging isa na lamang ang kampanaryo ng pinakamatandang simbahan sa Pilipinas.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng Casa Taller del Fotograpficos noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng Casa Taller del Fotograpficos noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng Carroceria de Garchitorena noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng Carroceria de Garchitorena noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng portico ng Palasyo ng Malacanan noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng portico ng Palasyo ng Malacanan noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng General de Marina noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng General de Marina noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng isang bahal sa arabal ng Sampaloc noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng isang bahal sa arabal ng Sampaloc noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng mga kamarin ng isang pabrika noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng mga kamarin ng isang pabrika noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng isang bahay kubo noong lindol ng 1880.  Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Guho ng isang bahay kubo noong lindol ng 1880. Mula kay Dr. Jaime B. Veneracion.

Mas nauna sa mga ito ang isa pang hindi malilimutang lindol na nangyari noong kapistahan ni San Andres sa Maynila noong November 30, 1645.  Dahil daw kay San Andres, nakaligtas sila sa pagsalakay ni Limahong, ngunit sa araw ng pagdiriwang nila, 8:00 ng gabi, isang 7.5 surface wave magnitude ang naramdaman nila na yumugyog patungo sa lahat ng direksyon sa tagal ng apat na dasal na credo.  Ayon sa isang tala, ang mga batong pader ay tila naging mga piraso ng papel na nilipad ng hangin, at mga tore ay yumugyog na tulad ng mga punong nahanginan, “Nothing was heard but the crash of buildings mingled with the clamor of voices entreating Heaven for mercy, the cries of the terrified animals adding to the horror.”  Ang katedral ay “nilamutak na parang papel,” 150 mga gusali ang bumagsak, 600 Espanyol ang namatay, 3,000 Espanyol ang sugatan, hindi sinama sa bilang ang mga indio.  Ang kasaysayan na ang nagsasabi, possible ang isang malaking lindol sa Maynila—the big one!  Na nakatakdang mangyari anumang oras.  Handa ba tayo?  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 1 June 2013)

Larawan ng nagibang bahay noong lindol ng 1880.  Mula sa hispanofilipino.comoj.com.

Larawan ng nagibang bahay noong lindol ng 1880. Mula sa hispanofilipino.comoj.com.

Mga guho sa Maynila noong lindol ng 1880.  Mula sa shapero.com.

Mga guho sa Maynila noong lindol ng 1880. Mula sa shapero.com.

Mga guho sa Maynila noong lindol ng 1880.

Mga guho sa Maynila noong lindol ng 1880.

XIAO TIME, 12b February 2013: ANG MASAKER SA DE LA SALLE COLLEGE

Ang aktwal na larawan ng bahaging unang palapag ng De La Salle College na malapit sa hagdan at cellar nang abutan ito ng mga Amerikano noong February 15, 1945.  Ang isang larawan naman ang nagpapakita ng parehong lugar na ginugunita ni Xiao Chua bilang si Brother Flavous Leo sa LaSallian Historical Tour nitong February 4-7, 2013.

Ang aktwal na larawan ng bahaging unang palapag ng De La Salle College na malapit sa hagdan at cellar nang abutan ito ng mga Amerikano noong February 15, 1945. Ang isang larawan naman ang nagpapakita ng parehong lugar na ginugunita ni Xiao Chua bilang si Brother Flavius Leo sa LaSallian Historical Tour nitong February 4-7, 2013.

Broadcast of Xiaotime news segment earlier, 12 February 2013, at News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

11 February 2013, Monday:  http://www.youtube.com/watch?v=G5zj8t4N3gI

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  68 years ago, February 12, 1945, minasaker ng Hukbong Pandagat na mga Hapones ang mga Christian Brothers at mga refugee sa De La Salle College sa Maynila.  Noong isang linggo, isang serye ng tour ang aking isinagawa kasama ng College of Liberal Arts na nag-aalala sa kasaysayan ng DLSU at sa trahedyang ito.   Ngunit bakit nga ba nangyari ang masaker?

Arsobispo Michael O' Doherty

Arsobispo Michael O’ Doherty

Borther Egbert Xavier, Director ng De La Salle College.

Borther Egbert Xavier, Director ng De La Salle College.

Nang parating na ang mga Amerikano noong Pebrero 1945, inudyok ni Arsobispo Michael Doherty na umalis na ang mga nasa De La Salle College at baka manganib ang buhay nila sa magiging labanan.  Ngunit nagpasya ang direktor nilang si Brother Egbert Xavier na manatili na lamang sa gusaling dinisenyo ni Tomas Mapua dahil sa tibay at kapal ng mga pader nito, maaari lamang silang manganib kung direct hit ang mangyari.  Malaking konsiderasyon din na nais ng mga brothers na mapanatili ang eskwelahan para sa pagtatapos ng digmaan, makakapagsimula na agad ng klase.

De La Salle College, gusaling dinisenyo ni Tomas Mapua at ipinatayo noong 1921.  Mula kay Sunny Velasco.

De La Salle College, gusaling dinisenyo ni Tomas Mapua at ipinatayo noong 1921. Mula kay Sunny Velasco.

Ang gusaling tadtad ng bala.  Mula kay Sunny Velasco.

Ang gusaling tadtad ng bala. Mula kay Sunny Velasco.

Ang gusali sa panahon ng digmaan.  Tinatawag ito ngayong St. La Salle Hall.  Mula kay Sunny Velasco.

Ang gusali sa panahon ng digmaan. Tinatawag ito ngayong St. La Salle Hall. Mula kay Sunny Velasco.

Noong February 6, nagtanong ang mga Hapones kay Brother Xavier kung ilan ang mga tao sa loob ng gusali.  Ang sagot niya ay 101.  Nang binilang, 68 lamang pala ang mga ito.  Naghinala ang mga Hapones na baka nagtatago ng mga sniper ang mga brothers.  Nababaril daw sila sa katabing Nippon Club.  Kinabukasan, kinapkapan ang lahat ng tao at dinala ng mga Hapones si Judge Carlos at si Brother Xavier.  Hindi na sila nakita pa ng buhay.  Noong February 12, bumalik ang mga Hapones, naghahanap ng gerilya, nakakain pa ng tanghalian at umalis.  Sa kanilang pagbalik, nilusob nila, pinagsasaksak at pinagbabaril ang mga tao sa gusali.  Sa malapit sa hagdanan ng South Wing, sa may cellar, napagtanto na ni Brother Flavius Leo na mamamatay na sila kaya humingi siya ng absolusyon sa katabi niya noon, ang kapelyan na si Father Francis Cosgrave.  Habang nagdadasal si Father Cosgrave, inundayan na sila ng saksak ng mga Hapones.

Brother Flavius Leo

Brother Flavius Leo, ang unang namatay sa mga martir ng De La Salle College.

Monumento ng paggunita sa masaker sa De La Salle College na nagpapakita ng isang pari na nagbibigay absolusyon sa isang namamatay na Borther.

Monumento ng paggunita sa masaker sa De La Salle College na nagpapakita ng isang pari na nagbibigay absolusyon sa isang namamatay na Brother.

Fr. Francis Cosgrave, CSSR.  Mula sa These Hallowed Halls ni Andrew Gonzales, FSC at Alejandro Reyes.

Fr. Francis Cosgrave, CSSR. Mula sa These Hallowed Halls ni Andrew Gonzales, FSC at Alejandro Reyes.

Katabi nila ang Vasquez-Prada Family na pinatay rin.  Ang kanilang ilaw ng tahanan, si Helen, sa kanyang kakasigaw ay pinaglaruan pa ng mga Hapones, pinutol-putol ang mga bahagi ng kanyang katawan habang pinagtatawanan siya.  Nagkunwaring patay ang limang taong gulang na anak niyang si Fernando.  Namatay siya makalipas pa ang dalawang araw.  Pinalabas ang mga nasa cellar at pinagsasaksak.  Buhay si Father Cosgrave at ilang taong hindi lumabas sa cellar.

Ang patong-patong nakatawan sa hagdanan malapit sa Cellar.  Mula sa De La Salle, 1911-1986 ni Carlos Quirino.

Ang patong-patong nakatawan sa hagdanan malapit sa Cellar. Mula sa De La Salle, 1911-1986 ni Carlos Quirino.

Umakyat din ang mga Hapones sa chapel at pinagpapatay ang mga tao doon, liban sa mga nakaakyat sa hagdanan sa altar.  Sa railings na ito, iniwan ng mga Hapones ang mga brothers na unti-unting mamatay.

Ang Kapilya ni San Jose sa De La Salle College.  Mula sa De La Salle, 1911-1986 ni Carlos Quirino

Ang Kapilya ni San Jose sa De La Salle College. Mula sa De La Salle, 1911-1986 ni Carlos Quirino

Mula sa De La Salle, 1911-1986 ni Carlos Quirino.

Mula sa De La Salle, 1911-1986 ni Carlos Quirino.

Ang hagdanan na nagligtas sa marami.  Mula sa These Hallowed Halls ni Andrew Gonzales, FSC at Alejandro Reyes.

Ang hagdanan na nagligtas sa marami. Mula sa These Hallowed Halls ni Andrew Gonzales, FSC at Alejandro Reyes.

Sa communion railing na ito pinagsasaksak ang ilang mga brother at hinayaang mamatay sa kanilang mga sugat habang patuloy sa pagtawa sa kanila ang mga Hapones.  Mula kay Sunny Velasco.

Sa communion railing na ito pinagsasaksak ang ilang mga brother at hinayaang mamatay sa kanilang mga sugat habang patuloy sa pagtawa sa kanila ang mga Hapones. Mula kay Sunny Velasco.

Ang bahagi ng pader sa kanang bahagi ng altar na may mga bakas ng dugo.  Ilang dekada rin na hindi matanggal ang mga dugong ito.  Mula kay Dr. Vic Torres.

Ang bahagi ng pader sa kanang bahagi ng altar na may mga bakas ng dugo. Ilang dekada rin na hindi matanggal ang mga dugong ito. Mula kay Dr. Vic Torres.

Kinagabihan, ang nakapagtago sa CR na si Enrique Vazquez-Prada ay nakitang buhay pa ang kanyang anak na si Fernando at pinakain niya ito.  Muling bumalik ang mga Hapones at pinatay ang ginoo.  Hindi na pinansin si Fernando na akala nila’y mamamatay din sa mga sugat na natamo.  Lahat-lahat, sa trahedyang nangyari, 16 brothers ang namatay, 25 sibilyan.

Larawan ng 16 na mga brothers na nasawi.

Larawan ng 16 na mga brothers na nasawi.

28 25 sibilyan

Ayon kay Prop. José Victor Jimenez, ang historyador ng DLSU, ang nangyaring masaker ay bahagi ng isang sistematiko, at hindi desperadong, paglipol ng mga sibilyan sa buong Maynila na maaaring may basbas ng Tokyo.

Prop. José Victor Jimenez

Prop. José Victor Jimenez

Ang pagkawasak ng Maynila, makikita ang De La Salle College at Rizal memorial Stadium sa bandnag itaas ng larawan.  Mula kay Sunny Velasco.

Ang pagkawasak ng Maynila, makikita ang De La Salle College at Rizal memorial Stadium sa bandnag itaas ng larawan. Mula kay Sunny Velasco.

Anuman, hindi lamang biktima ang mga Christian Brothers, bayani sila ng mga Lasalyano sapagkat dahil sa kanila, nanatiling nakatayo ang paaralan hanggang umabot ito ng isandaang taon noong 2011.  Gayundin, bayani ang mga brothers ng bayan, nagbibigay ng suporta sa pamamagitan ni Brother Xavier sa mga gerilyang tagapagtanggol ng kalayaan, kahit na sila mismo ay kapos na.

Ang frontpage na larawan ng Philippine Daily Inquirer sa selebrasyon ng sentenaryo ng De La Salle University, June 16, 2011.  Makikita si Xiao Chua na kumukuha ng larawan ng kanyang sarili sa loob ng chapel sa bandang kaliwa, ilalim.

Plake na gumugunita sa pangalan ng 16 na bayaning borthers.  Mula kay Dr. Vic Torres.

Plake na gumugunita sa pangalan ng 16 na bayaning borthers. Mula kay Dr. Vic Torres.

Pagpapatuloy ng kabayanihang Lasalyano sa pagtulong sa mga biktima ng Ondoy, Setyembre 2009.  Kuha ni Andrew Pamorada.

Pagpapatuloy ng kabayanihang Lasalyano sa pagtulong sa mga biktima ng Ondoy, Setyembre 2009. Kuha ni Andrew Pamorada.

Mabuhay ang mga bayaning Lasalyano.  Animo La Salle!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiaotime.

(People’s Television, 5 February 2013)

XIAOTIME, 8 February 2013: SINO SI PADRE JOSÉ BURGOS?

Broadcast of Xiaotime news segment last Friday, 8 February 2013, at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

José Apolonio Burgos.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

José Apolonio Burgos. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

8 February 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=NCIx_f72m_o

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Para sa ating mga guro sa kasaysayan, bisitahin po natin ang filipinana.net, ang corporate social responsibility component ng Vibal Publishing, Inc., na nagbibigay ng libreng mga historikal na larawan at mga primaryang mga dokumento na ating magagamit sa pagtuturo tulad ng mga kumpletong sinulat ni José Rizal at ang Philippine Revolutionary Records.  Muli, bisitahin ang filipinana.net, the premiere digital library of the Philippines.

Filipiniana.net homepage.

Filipiniana.net homepage.

176 years ago bukas, February 9, 1837, isinilang sa Vigan, Ilocos Sur si Padre José Apolonio Burgos.  Huh??? Who’s that Pokemón???  Siya ang pangunahing tagapagtaguyod ng sekularisasyon para makuha ng mga sekular na pari noon ang pagiging kura paroko mula sa mga Espanyol na miyembro ng mga relihiyosong orden o mga paring regular.  Isa siya sa tatlong paring binitay noong February 17, 1872 na nakilala natin sa kolektibong tawag na GomBurZa.

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Padre Mariano Gomes, Padre Jacinto Zamora at Padre José Apolonio Burgos, malamang sa malamang composite na larawan. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Opisyal ng hukbong Espanyol ang ama ni Burgos, habang mestiza naman ang kanyang ina.  Ang bahay kung saan siya lumaki ay tinatayang dalawang siglo na ang tanda at hanggang ngayon at nakatayo pa rin, isa nang museo na maaaring mabisita sa likod ng kapitolyo ng Ilocos Sur.  Natuto siyang magbasa sa kanyang ina at nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran at Unibersidad ng Sto. Tomas.

Burgos Museum sa Vigan, ilocos Sur.

Burgos Museum sa Vigan, ilocos Sur.

Bukana ng Colegio de San Juan de Letran noong panahon ng mga Espanyol.

Bukana ng Colegio de San Juan de Letran noong panahon ng mga Espanyol.

Bukana ng Unibersidad ng Sto. Tomas sa Intramuros noong Panahon ng mga Espanyol.

Bukana ng Unibersidad ng Sto. Tomas sa Intramuros noong Panahon ng mga Espanyol.

Isa sa pinakamatalinong Pilipino ng kanyang panahon, nagtapos siya ng pitong mga digri, dalawa dito ay doktorado.  Dahil dito naging examiner ng mga nais magpari.  Siya ay naging mahistradong kanonikal ng Katedral ng Maynila

Katedral ng Maynila kung saan naging kura paroko si Burgos,

Katedral ng Maynila kung saan naging kura paroko si Burgos,

kaya kung tutuusin, hindi naman niya kailangan ang mga bagay na kanyang ipinaglalaban, napakataas na ng kanyang posisyon sa Simbahang Pilipino, ngunit hindi niya ito inalintala at itinaguyod ang mga sekular na pari tulad ng nauna sa kanya na si Padre Pedro Pelaez na sa kasamaang palad ay namatay sa katedral noong lindol ng 1863.

Padre Pedro Pelaez, mula sa Kasaysayang:  The Story of the Filipino People.

Padre Pedro Pelaez, mula sa Kasaysayang: The Story of the Filipino People.

Dapat kasi bitawan na ng marami sa mga regular na pari ang mga parokya upang ang mga sekular na pari ay makapagpraktis na sa pamumuno nito, ngunit marahil dahil sa kapangyarihan ng kura paroko sa isang bayan, hindi nila mabitawan ito.  Sa kanyang kasikatan, ginamit ang kanyang pangalan ni Francsico Zaldua nang ito ay magrekluta para sa pag-aalsa sa Cavite na naganap noong January 20, 1872.

Pag-aalsa sa Cavite.  Mula sa Filway's Philippine Almanac.

Pag-aalsa sa Cavite. Mula sa Filway’s Philippine Almanac.

Dali-daling nakakita ang mga kaaway ni Burgos, lalo na si Padre Benito Corominas, rector ng San Juan de Letran ng pagkakataon, pinaaresto si Padre Burgos at nagbigay ng abogado para sa kanya na ibinenta siya at sinabing umamin siya.

Monumento ni Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur.  Kuha ni Xiao Chua.

Monumento ni Burgos sa Plaza Burgos, Vigan, Ilocos Sur. Kuha ni Xiao Chua.

Tumayo si Burgos sa harap ng Konseho de Guerra at pinabulaanan nito ngunit hinatulan pa rin siya ng kamatayan.  February 17, 1872, sa Luneta, humahagulgol na binalian ng leeg sa pamamagitan ng garote si José Burgos.

Ang pagbitay sa GomBurza ni Elmer Borlongan, bahagi ng Rizalpabeto na isinulat ni Vim Nadera.

Ang pagbitay sa GomBurza ni Elmer Borlongan, bahagi ng Rizalpabeto na isinulat ni Vim Nadera.

Ayon kay Dr. Luis Camara Dery, Pangulo ng Philippine Historical Association, nang dumating ang karwahe ng bangkay ni Burgos sa kanilang tahanan, ang kanyang inang si Florencia Garcia na naghihintay mula sa taas ng hagdan ay dahan-dahan na gumapang pababa at sa kanyang paghihinagpis kinalong ang anak na namatay na parang isang sanggol at dinala sa ikalawang palapag upang ihiga sa kama.  Trahedya man ang nangyari kay Padre Burgos, isa siyang taong dapat nating ipagdiwang bilang Pilipino, isang napakatalinong tao na hindi sarili lamang ang inisip, bagkus inalay ang kanyang talino sa kanyang kapwa.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(North Conserve, DLSU Manila, 5 February 2013)