XIAO TIME, 9 July 2013: ANG PAGKAKATATAG NG KATIPUNAN

by xiaochua

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pagtatatag ng Katipunan.  Mula sa Adarna.

Ang pagtatatag ng Katipunan. Mula sa Adarna.

9 July 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=0sdLq5P1MNY

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  Tatlong araw matapos na itatag ni Jose Rizal ang La Liga Filipina, inaresto siya ng mga Espanyol, 121 years ago, July 6, 1892.

Pagtatatag ng La Liga Filipina.  Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Kinabukasan, July 7, kumalat ang malungkot na balita sa Maynila.  Narinig ito ng mga kasapi ng Liga na sina Andres Bonifacio at Deodato Arellano.  At matapos ang sandaling pagiisip-isip, ay dali-dali nilang tinawag ang kanilang mga kaibigan, kabilang na sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata, Valentin Diaz, Jose Dizon, at Briccio Pantas sa bahay paupahan ni Arellano, sa 72 Azcarraga Street, ngayon ay Claro M. Recto malapit sa Elcano Street.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Jim Richardson.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Jim Richardson.

Deodato Arellano.  Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Deodato Arellano. Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Ladislao Diwa

Ladislao Diwa

Nasa gitna si Valentin Diaz.  Mula sa alaala ni Artemio Ricarte.

Nasa gitna si Valentin Diaz. Mula sa alaala ni Artemio Ricarte.

Jose Dizon.  Mula kay Jim Richardson.

Jose Dizon. Mula kay Jim Richardson.

Briccio Pantas.  Mula kay Jim Richardson.

Briccio Pantas. Mula kay Jim Richardson.

72 Azcarraga Street kanto ng Elcano.  Mula kay Dr. Vic Torres.

72 Azcarraga Street kanto ng Elcano. Mula kay Dr. Vic Torres.

Lumang itsura ng marker sa Kalye Recto kanto ng Elcano.  Mula kay Isagani Medina.

Lumang itsura ng marker sa Kalye Recto kanto ng Elcano. Mula kay Isagani Medina.

Bagong monumento ng pagtatatag ng Katipunan sa Kalye Recto kanto ng Elcano.  Mula kay Cari Noza.

Bagong monumento ng pagtatatag ng Katipunan sa Kalye Recto kanto ng Elcano. Mula kay Cari Noza.

Hindi nalimutan ng mga taong naroon ang diwa ng sinabi ni Andres Bonifacio sa lihim na pulong na iyon, “Mga Kapatid:  Tayo’y di mga pantas, kaya hindi mariringgal na talumpati at di maririkit na sulat ang ating idaraos; sa gawa natin daanin: ang katubusa’y hindi nakukuha sa salita o sa sulat; kinakamtan [ito] sa pagsasabog ng dugo.  Talastas na ninyo ang kalupitang ginawa sa ating kapatid na si Dr. Rizal, iya’y maliwanag na halimbawang nagpapakilala sa ating di tayo makaliligtas sa kaalipnan kung di daraanin sa pakikibaka.  Sucat na ang pagpapakababa!  Sukat na na ang pangganggatuwiran! Nangatuwiran si Rizal [ngunit siya] ay hinuli pagkatapos na mapag-usig ang mga magulang, kapatid, kinamag-anakan at kakampi!  Sucat na!  Papagsalitain natin naman ang sandata!  Na tayo’y pag-uusigin, mabibilanggo, ipatatapon, papatayin?  Hindi dapat nating ipanglumo ang lahat ng ito, mabuti pa nga ang tayo’y mamatay kaysa manatili sa pagkabusabos.  At ng maganap natin ang dakilang kadahilanan ng pagpupulong nating ito’y ating maitayo ang isang malakas, matibay at makapangyarihang katipunan ng mga anak ng Bayan.  Mabuhay ang Pilipinas!!!”  At sa liwanag ng lampara, ayon sa ulat, sila ay nagsipagsandugo tulad ng mga ninunong datu natin sa tuwing itatatag ang mga bayan at ang kanilang kapatiran, sinasabing sila ay magkakapatid sa Inang Bayan.  Isinulat nila bilang panata ang kanilang mga pangalan gamit ang kanilang sariling dugo.

Pakikipagsandugo sa Katipunan.  Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pakikipagsandugo sa Katipunan. Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pakikipagsandugo sa Katipunan.  Mula sa mural na "History of Manila" ni Carlos "Botong" Francisco.  Nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Maynila.

Pakikipagsandugo sa Katipunan. Mula sa mural na “History of Manila” ni Carlos “Botong” Francisco. Nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Maynila.

Pinakamaagang nahanap na dokumento ng Katipunan na nakasulat sa Katipunan Code, 1892.   May mga pirma nina Andres Bonifacio.  Mula sa Sulyap Kultura.

Pinakamaagang nahanap na dokumento ng Katipunan na nakasulat sa Katipunan Code, 1892. May mga pirma nina Andres Bonifacio. Mula sa Sulyap Kultura.

At doon naisilang ang Kataastaasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.  Ang Katipunan ay mula sa salitang tipon, kaya ang kahulugan nito ay asosasyon, o Liga.  Kaya ayon kay Padre Schumacher, ipinapagpapatuloy ni Bonifacio ang diwa ng sinimulan ni Rizal, ang pagtutulungan at pagsisimula ng pagkabansa sa grassroots, sapagkat sa isang sulat ni Dr. Ariston Bautista Lin kay Rizal, tinukoy niya ang Ligang bilang “katipunan,” ngunit nalalayo din kay Rizal dahil kumbaga tulad ng sinabi ni Fernando Poe, Jr. “Kapag puno na ang salop, kailangan nang kalusin.”  Ngunit hindi lamang itinuturo sa Katipunan ang katapangan at pagiging marahas sa kalaban, kundi ang mabuting kalooban, pagmamahalan, puri at kabanalan.

Orihinal na limbag na sipi ng Kartilya ng Katipunan mula sa koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Orihinal na limbag na sipi ng Kartilya ng Katipunan mula sa koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Ayon nga kay Bonifacio, “Sa kalamigan ng loob, katiyagaan, katuwiran at pag-asa sa ano mang gagawin nagbubuhat ang ikagaganap ng mabuting ninanais.”  Kaya naman, gumawa sila ng gumawa ng walang imik hanggang hindi naglaon, naging libo-libo ang kasapi ng kapatirang unang naggalaw ng isang pambansang paghihimagsik sa Timog Silangang Asya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 29 June 2013)