IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

Tag: rizal

XIAO TIME, 13 December 2013: MGA ARAL SA BUHAY NI NELSON MANDELA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Nelson Rolihlahla Mandela, 1918-2013

Nelson Rolihlahla Mandela, 1918-2013

13 December 2013, Friday: http://www.youtube.com/watch?v=zvhwvCjBonQ

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Alam niyo ba na hindi si Crisostomo Ibarra ang bayani ni Jose Rizal sa kanyang mga nobela?  Ayon kay Heneral Jose Alejandrino, nabanggit sa kanya ni Rizal na pinagsisihan niya na pinatay niya si Elias at hindi si Crisostomo Ibarra sa kanyang unang nobela na Noli Me Tangere.

Jose Rizal at Jose Alejandrino sa Madrid.  Mula sa Vibal Foundation.

Jose Rizal at Jose Alejandrino sa Madrid. Mula sa Vibal Foundation.

Jose Alejandrino.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Jose Alejandrino. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Si Ibarra (na kamukha ni Rizal) sa unang eksena ng Noli Me Tangere sa bahay ni Kapitan Tiago.  Obra maestra ni Leonardo Cruz.

Si Ibarra (na kamukha ni Rizal) sa unang eksena ng Noli Me Tangere sa bahay ni Kapitan Tiago. Obra maestra ni Leonardo Cruz.

Si Ibarra at Elias sa pinilakang tabing.

Si Ibarra at Elias sa pinilakang tabing.

Kung alam lamang niya na makakapagsulat siya ukol sa himagsikan dapat daw ay binuhay niya si Elias dahil siya ang nagtataglay ng mga kinakailangang katangian ng isang tao na namumuno sa isang himagsikan:  noble character, patriotic, self-denying and disinterested.  Si Ibarra raw kasi ay makasarili, na kumilos lamang nang masaktan ang kanyang interes, at ang kanyang mga mahal sa buhay.  Sa mga katulad raw ni Ibarra na paghihiganti ang naiisip, walang tagumpay na dapat maasahan sa kanilang mga kilos.

Si Elias, si Maria Clara at si Crisostomo Ibarra.  Obra maestra ni Carlos "Botong" Francisco.

Si Elias, si Maria Clara at si Crisostomo Ibarra. Obra maestra ni Carlos “Botong” Francisco.

Si Rizal at si Elias.

Si Rizal at si Elias.

Nakakatuwa na sa kasaysayan ng daigdig, mayroong isang tao na tumumpak sa katangian ng isang Elias:  si Nelson Rolihlahla Mandela, na sumakabilang buhay noong nakaraang December 5 at magkakaroon ng state funeral sa Linggo, December 15 sa Qunu, South Africa.

NOW HAPPENING AS I BLOG:  Family members stand near former South African President Nelson Mandela's casket during his funeral service in Qunu, South Africa, Dec. 15, 2013.  Associated Press.

NOW HAPPENING AS I BLOG: Family members stand near former South African President Nelson Mandela’s casket during his funeral service in Qunu, South Africa, Dec. 15, 2013. Associated Press.

Si Mandela ay isinilang sa isang pamilya ng mga datu noong 1918.  Ngunit dahil ang Timog Africa ay nasa pamumuno noon ng mga Kolonyalistang British, naging malupit maging para sa kanya ang lipunan.  Noong 1948, isinabatas ang Apartheid, mula sa salitang “apart,” ang pagbubukod ang paghihiwalay sa mga puti at mga itim halimbawa sa mga pampublikong lugar, mga banyo, mga bus at mga paaralan.  Naglalagay ng mga karatulang “For whites only.”

Si Mandela bilang abogado.

Si Mandela bilang abogado.

Si Mandela bilng boksingero.

Si Mandela bilng boksingero.

Sampol ng paghihiwalay batay sa Apartheid.  Mula sa Wikipedia.

Sampol ng paghihiwalay batay sa Apartheid. Mula sa Wikipedia.

Gayundin, nararanasan din nilang maduraan o hindi pagbentahan sa tindahan.  Naging rebolusyunaryo si Mandela at nakibaka laban sa Apartheid.  Bagama’t naniniwala siya sa mapayapang pakikibaka tulad ng ginawa ni Gandhi, naniniwala siyang taktika ito kaysa prinsipyo.  Kung hindi magtatagumpay ang mapayapang pakikibaka, wala itong silbi.  Tulad ni Andres Bonifacio, ang marahas na himagsikan ay isang huling opsyon.

Si Mandela ay inaresto.

Si Mandela ay inaresto.

Si Mandela na tumutungo sa kanyang paglilitis suot ang tradisyunal na kasuotan ng kanyang dugong bughaw na pamilya.

Si Mandela na tumutungo sa kanyang paglilitis suot ang tradisyunal na kasuotan ng kanyang dugong bughaw na pamilya.

Ilang beses ikinulong hanggang sa mapatawan ng habangbuhay na pagkakabilanggo at ikinulong sa notoryus na Robben Island Prison kung saan siya ay araw-araw na ibinulid sa mahirap na pagtatrabaho sa ilalim ng mainit na sikat ng araw.  Sa loob ng kulungan, nakibaka siya para matanggal ang hard labor na ito sa mga bilanggo.

Robben Island Prison.

Robben Island Prison.

Mabigat na pagtatrabaho ng pagsisibak ng mga bato sa piitan ng islan ng Robben.

Mabigat na pagtatrabaho ng pagsisibak ng mga bato sa piitan ng islan ng Robben.

Si Mandela habang inaayos ang kanyang kasuotan sa piitan.

Si Mandela habang inaayos ang kanyang kasuotan sa piitan.

Si Mandela bilang isang preso.

Si Mandela bilang isang preso.

Si Mandela at si Pangulong William Jefferson Clinton na nagmo-moment sa loob ng naging piitan ni Nelson Mandela sa Robben Island.

Si Mandela at si Pangulong William Jefferson Clinton na nagmo-moment sa loob ng naging piitan ni Nelson Mandela sa Robben Island.

27 taon siyang nakakulong ngunit nang siya ay pinalaya noong 1990, hindi naghiganti.  Nakipag-usap siya sa bagong pinuno ng South Africa na si F.W. de Clerk sa tuluyang pagbabasura sa Apartheid, at dahil dito nagtamo sila kapwa ng Nobel Peace Prize.  At nang ganapin ang unang halalan na isinama ang mga itim noong 1994, nahalal si Mandela na Pangulo.

Nang mapalaya si Nelson Mandela mula sa piitang Victor Verster habang hinahawak ang kamay ng kanyang asawa na si Winnie, 11 February 1989.

Nang mapalaya si Nelson Mandela mula sa piitang Victor Verster habang hinahawak ang kamay ng kanyang asawa na si Winnie, 11 February 1990.

Si Mandela at si Pangulong F. W. de Clerk habang tinatanggap ang kanilang mga premyo Nobel, 1993.

Si Mandela at si Pangulong F. W. de Clerk habang tinatanggap ang kanilang mga premyo Nobel, 1993.

Itinatag niya ang mga Truth and Reconciliation Commission na siyang kumuha ng testimonya ng mga biktima ng pag-abuso sa karapatang pantao sa harapan ng mga bumiktima sa kanila at kung saan maaari ring humingi ng amnestiya ang mga nambiktima.  Dahil napag-usapan ang mga alaalang sumugat, naging salik ito sa pagkahilom ng mga ito at sa pagkakaisa ng mga puti at itim sa Timog Africa.

Si Arsobispo Desmond Tutu, kaibigan at kaisa sa pakikibaka ni Mandela, at ang kanyang mga kasama sa Truth and Reconciliation Commission.

Si Arsobispo Desmond Tutu, kaibigan at kaisa sa pakikibaka ni Mandela, at ang kanyang mga kasama sa Truth and Reconciliation Commission.

Ang unang pagpupulong ng Truth and Reconciliation Commission sa London.

Ang unang pagpupulong ng Truth and Reconciliation Commission sa London.

Si Nelson Mandela at si Pangulong Corazon Aquino ng Pilipinas.

Si Nelson Mandela at si Pangulong Corazon Aquino ng Pilipinas.

Tutol si Mandela sa dominasyon ng mga puti ngunit tutol din siya sa dominasyon ng mga itim.  Mula 1994 hanggang 1999, nagtagumpay siya na ipunla ang mga reporma at pagkakapantay-pantay sa kanyang bansa at dahil dito, siya ang kinilalang Ama ng Sambayanang Timog Aprikano.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pasay Rotonda, 12 December 2013)

Si Nelson Mandela, ang Ama ng Sambayanang Timog Aprikano.

Si Nelson Mandela, ang Ama ng Sambayanang Timog Aprikano.

AN ANDRES BONIFACIO TIMELINE (In commemoration of the month of the 150th birth anniversary of the Father of the Filipino Nation, updated and edited November 2017)

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Dr. Ambeth R. Ocampo.

  • 30 Nobyembre 1863—Isinilang si Andres Bonifacio sa Tondo, Maynila.  Panganay sa anim na magkakapatid.  Nag-aral sa ilalim ni Guillermo Osmeña na taga Cebu.  Naghanap-buhay kasama ang mga kapatid sa pamamagitan ng pagbenta ng mga baston at abaniko.  Naging clerk-messenger sa Fleming and Co. at Fressel and Co.  Itinuturing ni Dr. Milagros Guerrero na isang young urban professional noong mga panahong iyon.  Naulila ng lubos sa edad na 22.  Aktor siya sa Teatro Porvenir kasama nina Aurelio Tolentino at Macario Sakay at paborito niyang karakter si Bernardo Carpio, ang itinuturing na tagapagligtas ng mga Tagalog.  Naging bihasa siya sa Wikang Tagalog at nagbasa rin ng mga salin sa Espanyol ng mga aklat ni Alexandre Dumas, Les Miserables ni Victor Hugo, Las Ruinas de Palmyra, ukol sa Himagsikang Pranses, Buhay ng mga Pangulo ng Estados Unidos, Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal, Ang Bibliya, maging mga aklat ukol sa medisina at batas.
Ang magkakapatid na Bonifacio.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Ang magkakapatid na Bonifacio. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Si Andres habang nagbebenta ng baston at abaniko sa patio ng simbahan.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Si Andres habang nagbebenta ng baston at abaniko sa patio ng simbahan. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Nagsikap si Bonifacio na matuto sa sarili at naging palabasa.  Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Nagsikap si Bonifacio na matuto sa sarili at naging palabasa. Mula sa Adarna Publishing House, Inc.

Ang Katipunan

  • Enero 1892—May dokumento na natagpuan sa Archivo Militar sa Espanya na isinulat mismo ng Katipunan ukol sa plano ng pagtatatag at istruktura ng Kataas-taasang Katipunan bago pa man ito pormal na maitatag noong Hulyo 7, 1892.
Unang pahina ng "Casaysayan; Pinagcasunduan; Manga daquilang cautosan," Enero 1892.  Mula sa Archivo General Militar de Madrid sa pamamagitan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Unang pahina ng “Casaysayan; Pinagcasunduan; Manga daquilang cautosan,” Enero 1892. Mula sa Archivo General Militar de Madrid sa pamamagitan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

  • 3 Hulyo 1892—Itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.  Ang Liga ay naglalayong pagsama-samahin ang kapuluan sa isang katawan, proteksyon para sa lahat, pagtatanggol laban sa kaguluhan at kawalan ng katarungan, pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura, at pangangalakal, at pag-aaral at pagsasagawa ng mga reporma.  Naging kasapi nito sina Andres Bonifacio, Deodato Arellano at Apolinario Mabini.
Unang pahina ng orihinal na manuskrito ng saligang batas ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal sa Hongkong, 1892.

Unang pahina ng orihinal na manuskrito ng saligang batas ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal sa Hongkong, 1892.

  • 6 Hulyo 1892—Inaresto si Rizal at ikinulong sa Fuerza Santiago, at matapos ang ilang araw, 17 Hulyo 1892, dumating si Rizal sa Dapitan bilang isang destiero.
  • 7 Hulyo 1892—Sa Kalye Azcarraga (ngayo’y CM Recto), itinatag ni Andres Bonifacio ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK), kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata (nang hasik o triangolo), Valentin Diaz, Deodato Arellano, Briccio Pantas at iba pang kasama.
  • Oktubre 1892—Dahil sa kabagalan ng metodong triangolo sa pagkuha ng mga kasapi, napagkayarian na ibasura ito tungo sa inisasyon.  Nang umabot ng isandaan ang kasapi ng Katipunan, nagkaroon ng halalan para sa Kataas-taasang Sanggunian at naging Kataas-taasang Pangulo (Supremo) si Deodato Arellano.
  • Pebrero 1893—Naging Kataas-taasang Pangulo si Roman Basa.
Sanduguan sa Katipunan,.  Detalye ng mural na "History of Manila" ni Carlos V. Francisco.

Sanduguan sa Katipunan,. Detalye ng mural na “History of Manila” ni Carlos V. Francisco.

  • Maagang 1895—Nahalal na Kataas-taasang Pangulo si Andres Bonifacio.  Muli siyang mahahalal sa 31 Disyembre 1895 at Agosto 1896 bago mabunyag ang lihim na samahan.
  • 12 Abril 1895—Tumungo si Andres Bonifacio at mga kasama sa Kweba ng Pamitinan, Bundok Tapusi, sa Montalban, tila sumusunod sa yapak ng maalamat na Tagapagligtas ng mga Tagalog, si Bernardo Carpio, at sinasabing isinigaw at isinulat sa mga pader ng kweba ng Makarok sa pamamagitan ng uling, “Naparito ang mga Anak ng Bayan, Hinahanap ang Kalayaan.  Mabuhay ang Kalayaan!”
Bundok Tapusi, Montalban.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Bundok Tapusi, Montalban. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Unang pahina ng limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan. Mula sa pribadong koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

  • Marso 1896—Lumabas ang una at huling edisyon ng pahayagan ng Katipunan, ang Kalayaan.  Mula 300 kasapi, dumami ang kasapian sa tinatayang 30,000 miyembro.  Sa mga sulatin dito, sa Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jacinto at iba pang akdang Katipunan makikita ang konsepto nila ng tunay na Kalayaan ng Katipunan na nakabatay sa kaginhawaan at matuwid at mabuting kalooban.  Gayundin, ang konsepto ng bansa na nakabatay sa pagkakaisa, kapatiran at pagmamahalan ng mga Tagalog (Taga-Ilog) tungo sa katuwiran at kaliwanagan.
  • 21 Hunyo 1896—Binisita ni Dr. Pio Valenzuela, bahagi ng pamunuan ng Katipunan, si Rizal sa Dapitan at pinaalam ng una sa huli ang binabalak na Himagsikan.  Inalok ni Valenzuela si Rizal na maging Pangulo ng Katipunan.  Tumanggi si Rizal at pinayuhan na kailangan ng armas, maghanda bago mag-alsa, humingi ng tulong sa mga mayayaman, at gawing heneral si Antonio Luna.
Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Isang paglalarawan ng pag-uusap nina Drs. Valenzuela at Rizal sa Dapitan.

Pagkabunyag ng Katipunan at Unang Sigaw ng Himagsikan

  • 19 Agosto 1896—Sinalakay ang Diario de Manila at natuklasan ang Katipunan matapos na isumbong ni Teodoro Patiño sa cura parroco ng Tondo na si P. Mariano Gil ang lihim na samahan.  Buong gabing nanghuli ang mga Espanyol ng mga pinaghihinalaang kasapi.
Padre Mariano Gil.  Mula kay Dr. Isagani Medina.

Padre Mariano Gil. Mula kay Dr. Isagani Medina.

  • 24 Agosto 1896—Ayon sa mga historyador na sina Guerrero, Encarnacion at Villegas, naganap  ang unang sigaw ng Himagsikan at punitan ng sedula (pagsira ng dokumento bilang simbolo ng paghiwalay sa Espanya–Grito de Balintawak, ang iba’t ibang lugar na binanggit sa mga tila magkakasalungat na tala–Balintawak, Kangkong, Bahay Toro, Pugad Lawin—ang unang tatlo ay mga lugar sa Balintawak).  Ayon kay Aurelio Tolentino, ang tunay na sinigaw ni Bonifacio sa “Unang Sigaw” ay:  “Kalayaan o kaalipinan?  Kabuhayan o kamatayan?  Mga kapatid:  Halina’t ating kalabanin ang mga baril at kanyon upang kamtin ang sariling kalayaan!”  At sa pulong sa araw na iyon sa kamalig ni Tandang Sora sa Sitio Gulod, Barrio Banlat, Kalookan, itinatag ang Rebolusyunaryong Pamahalaan at si Andres Bonifacio ang naging pangulo nito.  Napagkasunduan rin ang magaganap na pagsalakay sa Maynila sa hatinggabi ng 29-30 Agosto 1896.
Unang Sigaw ng Himagsikan.

Unang Sigaw ng Himagsikan.

Letterhead ni Andres Bonifacio, dokumento na nagtatalaga kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila kung saan binabanggit na si andres Bonifacio ang Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan--ang unang pamahalaang pambansa at mapanghimagsik (Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion).

Letterhead ni Andres Bonifacio, dokumento na nagtatalaga kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila kung saan binabanggit na si andres Bonifacio ang Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan–ang unang pamahalaang pambansa at mapanghimagsik (Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion).

  • 25 Agosto 1896—Sagupaan ng KKK at ng mga Espanyol sa Pasong Tamo malapit sa Bahay ni Tandang Sora, talunan ang mga Espanyol.
  • 26 Agosto 1896—Sagupaan ng KKK at ng mga Espanyol sa Caloocan at Malabon, talunan ang mga Espanyol.
  • 30 Agosto 1896—Madaling araw nang pangunahan ni Bonifacio ang pag-atake sa Polvorín, San Juan del Monte (Ngayo’y Pinaglabanan).  Nagkaroon ng sabay-sabay na pagsalakay sa buong lalawigan ng Maynila.  Hindi sumipot ang hukbo ng Cavite sa napagkasunduang pag-aalsa.  Ipinailalim ni Gob. Hen. Ramon Blanco ang walong lalawigan—Maynila, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, Cavite, at Batangas, sa ilalim ng Batas Militar (Sinasagisag ng walong sinag ng araw sa ating bandila).
Ang Pagsalakay ni Andres Bonifacio sa Pinaglabanan sa madaling araw ng August 30, 1896.  Kung gayon, paano siya nakatulog at hindi nakapaghudyat kung naroon nga sila sa San Juan?  Mula sa "History of Manila," mural ni Carlos V. Francisco, na nasa City Hall ng Maynila.

Ang Pagsalakay ni Andres Bonifacio sa Pinaglabanan sa madaling araw ng August 30, 1896. Kung gayon, paano siya nakatulog at hindi nakapaghudyat kung naroon nga sila sa San Juan? Mula sa “Filipino Struggles Through History,” mural ni Carlos V. Francisco, na nasa City Hall ng Maynila.

Katipunan sa Cavite

  • 31 Agosto 1896—Nagapi ni Hen. Artemio Ricarte ang mga Espanyol sa San Francisco de Malabon, Cavite.  Sinimulan ang pag-aalsa sa Cavite sa pangunguna ni Hen. Emilio Aguinaldo.
  • 9-11 Nobyembre 1896—Pagtatagumpay ng Cavite laban sa mga Espanyol sa labanan sa Binakayan.  Gamit ng mga taga-Cavite ang Giyerang Pantrintsera sa Zapote at Cavite Viejo sa pangangasiwa ng inhinyero na nagtapos sa Ghent, Belgium na si Edilberto Evangelista na namatay sa Labanan sa Zapote noong 17 Pebrero 1897 .
Ang mga trintsera ng Cavite na itinayo ni edilberto Evangelista habang epektibong ginagamit... ng mga Amerikano.  Mula sa Kasaysayan:  The Story of the Filipino People.

Ang mga trintsera ng Cavite na itinayo ni Edilberto Evangelista habang epektibong ginagamit… ng mga Amerikano. Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People.

  • 30 Disyembre 1896—Bahagi ng serye ng mga pagbitay na may kinalaman sa himagsikan, binaril si Rizal sa Bagumbayan.  Nasa Cavite na noong mga panahon na iyon si Bonifacio na inanyayahan upang uyusin ang sigalot ng mga paksyon ng Katipunan sa lalawigang iyon—ang Magdiwang, Magdalo at Mapagtiis.
Aktwal na larawan ng pagbaril kay Gat Dr. Jose Rizal noong 30 December 1986 sa ganap na 7:03 ng umaga.

Aktwal na larawan ng pagbaril kay Gat Dr. Jose Rizal noong 30 December 1986 sa ganap na 7:03 ng umaga.

Kumbensyon ng Tejeros, Pacto de Tejeros at Naic Military Agreement

  • 22 Marso 1897—Sa kanyang kaarawan, nahalal in absentia si Emilio Aguinaldo bilang pangulo ng pamahalaang rebolusyunaryo sa Kumbensyon sa Casa Hacienda ng Tejeros (Binalaan ni Diego Mojica si Bonifacio na maraming mga balota ang napunan na bago pa man ang halalan, ang ispekulasyon ay hindi pinansin ni Bonifacio).  Nauna nang pumayag si Bonifacio na palitan ang Katipunan bilang pamahalaan sa pagkumbinsi ng kumbensyon basta anumang mapagkayarian ng kapulungan ay igagalang.  Ngunit nang tutulan ni Daniel Tirona ang pagkakahalal ni Bonifacio sa consuelo de bobong posisyon ng Direktor ng Interyor dahil siya ay walang pinag-aralan at hindi abogado ay nainsulto si Bonifacio, tinutukan ng baril si Tirona, pinawalang-bisa ang konseho bilang tagapangulo nito, at lumisan.
Ang pagbunot ng baril ni Andres Bonifacio upang hamunin ng duwelo ang uminsulto sa kanyang pagkatao na si Daniel Tirona sa Kumbensyon ng Tejeros, 22 March 1897.

Ang pagbunot ng baril ni Andres Bonifacio upang hamunin ng duwelo ang uminsulto sa kanyang pagkatao na si Daniel Tirona sa Kumbensyon ng Tejeros, 22 March 1897.

  • 23 Marso 1897—Bumalik sa Casa Hacienda ng Tejeros sina Bonifacio at mga tagapanalig upang tutulan ang naganap na halalan sa pamamagitan ng Acta de Tejeros.  Habang nanumpa bilang Pangulo si Aguinaldo sa harapan ni P. Villfranca sa Tanza.  Nang ipahayag ang bagong mga opisyales ng pamahalaan noong 17 Abril 1897, kapwa mga Magdiwang at Magdalo ay kabilang na dito.
Huling pahina at mga lagda sa Acta de Tejeros, March 23, 1897.    Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Tejeros, March 23, 1897. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

  • 19 Abril 1897—Pagpupulong sa Casa Hacienda ng Naic ng pangkat ni Bonifacio.  Nang masabihan ni Lazaro Makapagal, napasugod ang namalariang si Aguinaldo sa nasabing pulong at muntik nang magkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng mga hukbo ni Aguinaldo at Bonifacio.  Nagulat pa si Aguinaldo na ang kanyang dalawang tapat na kawal na sina Mariano Noriel at Pio del Pilar ay kasama ng Supremo.  Muling bumalik kay Aguinaldo ang dalawang heneral at nanguna sa pag-uusig sa mga Bonifacio.
Huling pahina at mga lagda sa Acta de Naic, April 19, 1897.  Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Huling pahina at mga lagda sa Acta de Naic, April 19, 1897. Mula sa Tragedy of the Revolution, Studio 5 Designs.

Paglilitis at Pagpaslang kay Bonifacio

  • 28 Abril 1897—Ang sugatang sina Andres at Procopio Bonifacio ay inaresto at dinala sa Naic.  Nasawi si Ciriaco Bonifacio sa pataksil na paglusob ng sariling kababayan sa Limbon, Indang sa pangnguna ni Kol. Agapito Bonzon, na nagtangka ring gahasain ang asawa ng Supremo at Lakambini ng Katipunan Gregoria de Jesus.  Sa Casa Hacienda ng Naic, ikinulong sa bartolina sa ilalim ng hagdanan sa loob ng tatlong araw ang Supremo, dalawang beses lamang pinakain pagkaing hindi na dapat banggitin.
Ang bartolina sa Naic.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang bartolina sa Naic. Kuha ni Xiao Chua.

Gregoria de Jesus.  Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Bahay Nakpil-Bautista.

Gregoria de Jesus. Mula sa opisyal na bahay-dagitab ng Bahay Nakpil-Bautista.

  • 1 Mayo 1897—Sa pagbagsak ng Naic sa mga Espanyol, lumipat sina Aguinaldo at ang kanilang mga bihag sa Maragondon, Cavite kung saan ipinagpatuloy ang paglilitis sa magkapatid na Bonifacio.  Hindi naisakatuparan ang pagliligtas sana sa Supremo na gagawin ng pangkat nina Diego Mojica.
Ang matandang bahay sa Maragondon kung saan nilitis ang Supremo Andres Bonifacio.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang matandang bahay sa Maragondon kung saan nilitis ang Supremo Andres Bonifacio. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

  • 10 Mayo 1897—Isinakatuparan ng pangkat ni Lazaro Macapagal ang kautusan ng Consejo de Guerra na barilin at patayin ang magkapatid na Bonifacio sa mga kabundukan ng Maragondon.  Ngunit ayon sa testimonya kay Guillermo Masangkay ng dalawa raw sa mga Katipunerong pumatay kay Bonifacio, binaril si Procopio pero tinaga raw hanggang mamatay si Andres Bonifacio.
"The Verdict," obra ni Rody Herrera. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Makikita sa aklat na Fine Artists of the Philippines 1999 ni Marlene Aguilar at Larry Bortles.

“The Verdict,” obra ni Rody Herrera. Ayon sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Makikita sa aklat na Fine Artists of the Philippines 1999 ni Marlene Aguilar at Larry Bortles.

Pagkamatay sa isang duyan.  Paglalarawan ni Egai Fernandez mula sa aklat na Supremo ni Sylvia Mendez Ventura.

Pagkamatay sa isang duyan. Paglalarawan ni Egai Fernandez mula sa aklat na Supremo ni Sylvia Mendez Ventura.

Andres Bonifacio.  Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

Andres Bonifacio. Mula sa Kasaysayan The Story of the Filipino People.

XIAO TIME, 7 August 2013: ANG MASALIMUOT NA BUHAY NI JOSEPHINE BRACKEN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Josephine Bracken sa kasuotang Pilipino.  Mula sa Wikipedia.

Si Josephine Bracken sa kasuotang Pilipino. Mula sa Wikipedia.

7 August 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=bSbu8VfKw_4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  137 years ago, August 9, 1876, isinilang si Josephine Leopoldine Bracken sa Victoria Barracks, Hongkong.  Kaakibat ng kanyang papel sa kasaysayan bilang huling pag-ibig ni Gat. Dr. Jose Rizal, heroe nacional ng Pilipinas, ay ang samu’t saring mga ispekulasyon ukol sa kanyang pagkatao.  Na isa siyang ilehitimong anak ng isang kapitan sa Hukbong Briton at isang Tsina, na isa siyang bayarang babae, na ang kanyang ama-amahan na si George Taufer ay nakilala siya sa isang bar, na naiteybol na siya ni Rizal nasa Hongkong pa lamang siya.

Si Rizal.

Si Rizal.

George Taufer

George Taufer

Mga ispekulasyon na mismong mga kilalang mga biographer at mga kaanak mismo ni Rizal ang nagpakalat.  Isang apo ni Josephine Bracken, si Macario Ofilada, ang nagsabi sa kanyang aklat na Errante Golondrina, The Life and Times of Josephine Bracken na inilimbag ng New Day, na isang dokumento ang magpapakita sa atin ng tunay na pinagmulan ni Josephine, ang kanyang baptismal records sa inilista siya na may lahing Anglo-Saxon.

Si Xiao Chua kasama sina Luciano Santiago at Macario Ofilada Mina, Vargas Museum, January 2007

Si Xiao Chua kasama sina Luciano Santiago at Macario Ofilada Mina, Vargas Museum, January 2007

Pabalat ng Errante Golondrina ni Macario Ofilada.

Pabalat ng Errante Golondrina ni Macario Ofilada.

Lumilitaw din ang pangalan ng kanyang ama na si James Bracken na nagpapatunay na lehitimo ang anak.  Hindi na nailista ang pangalan ng nanay sapagkat namatay ito ilang araw matapos isilang si Josephine.  Gayundin, nakalista na bilang saksi sa pagbibinyag ang mag-asawang James at Leopoldine Taufer na siyang aampon kay Josephine.

Baptismal certificate ni Josephine Bracken.

Baptismal certificate ni Josephine Bracken.

Ang calling card ni Jose Rizal bilang optalmologo sa Hongkong.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Ang calling card ni Jose Rizal bilang optalmologo sa Hongkong. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Nang tila nabubulag na ang kanyang ama-amahan, sinamahan niya ito patungo sa Pilipinas para magpagamot sa isang doktor na noong nasa Hongkong pa lamang ay naririnig na nila na nakakapagpagaling ng mga mata.  Noong February 1895, nagkakilala si Rizal at si Josephine at nang mukhang wala nang pag-asa na makakita ang matanda, hinatid na niya ito pabalik ng Hongkong.  Muntik nang pagpakamatay ang matanda sa pamamagitan ng paggilit sa sarili nang malaman na nag-iibigan ang dalawa, 18 taong gulang lamang si Josephine noon at si Rizal ay 33 na.  May mga nagsasabi rin na minomolestiya ni Taufer si Josephine.  Kaya naman hindi siya nagustuhan ng ilan sa mga kapatid ni Rizal.

Josephine Bracken.

Josephine Bracken.

Josephine Bracken.  Mula sa Lolo Jose.

Josephine Bracken. Mula sa Lolo Jose.

Ang lilok ni Rizal sa mukha ni Josephine sa isang kahoy.

Ang lilok ni Rizal sa mukha ni Josephine sa isang kahoy.

Ang lilok ni Rizal kay Josephine habang natutulog.

Ang lilok ni Rizal kay Josephine habang natutulog.

Anuman, natuto ng mga gawaing bahay si Josephine, paglalaba at pagluluto at nakatuwang ni Rizal sa kanyang klinika.  Nagkaroon pa sila ng anak na patay na nang maisilang.  Ngunit natapos ang maliligayang araw niya noong Hulyo 1896, nang magpasya si Rizal na umalis ng Dapitan.  Anuman ang sinasabi ng mga tao sa kaniya, ito ag sigurado tayo, nang barilin si Rizal sa Luneta noong December 30, 1896, sumama si Josephine kay Paciano sa himagsikan sa Cavite, nanggamot ng mga maysakit at nakabaril pa ng isang Espanyol!  At naroon na umaawat ng mga nagbabangayan sa Tejeros Convention.  Naglingkod siya sa Inang Bayan ni dear Joe.

Si Josephine Bracken habang nagsisilbi sa ating himagsikan.  Guhit ni Ronelito Escauriaga para sa Adarna Publishing House, Inc.

Si Josephine Bracken habang nagsisilbi sa ating himagsikan. Guhit ni Ronelito Escauriaga para sa Adarna Publishing House, Inc.

Dedikasyon ni Rizal kay Josephine sa isang aklat na "The Imitations of Christ" ni Thomas Kempis kung saan tinawag niya si Josephine na kanyang "dear and unhappy wife."

Dedikasyon ni Rizal kay Josephine sa isang aklat na “The Imitations of Christ” ni Thomas Kempis kung saan tinawag niya si Josephine na kanyang “dear and unhappy wife.”

Ngunit, nakaalitan ang pamilya Rizal dahil interasado siyang makihati sa mga aklat ni Rizal ngunit hindi niya mapatunayan na kinasal sila sa umaga ng kanyang kamatayan, kaya bumalik siya sa Hongkong, nagpakasal muli sa isang Pilipino na si Vicente Abad, at namatay sa murang edad na 25 noong 1902.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 27 July 2013)

Si Josephine Bracken at si Vicente Abad sa araw ng kanilang kasal.  Mula sa Errante Golondrina.

Si Josephine Bracken at si Vicente Abad sa araw ng kanilang kasal. Mula sa Errante Golondrina.

XIAO TIME, 24 July 2013: ANG PAGKAKATATAG NG LA LIGA FILIPINA

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina.  Mula sa Koleksyon ng Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Santiago.

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula sa Koleksyon ng Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Santiago.

23 July 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=L1wHGfrEEvE

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  121 years ago, July 3, 1892, sa kanyang pagbabalik mula sa kanyang mga paglalakbay sa ibang bansa, itinatag ng ating Héroe Nacional na si Jose Rizal ang La Liga Filipina.

Unang pahina ng orihinal na manuskrito ng saligang batas ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal sa Hongkong, 1892.

Unang pahina ng orihinal na manuskrito ng saligang batas ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal sa Hongkong, 1892.

Nasa Hongkong pa lamang siya ay sinulat na niya ang saligang batas nito, at naglakbay pa-hilaga ng Maynila noong June 27, 1892 upang subukan ang bagong riles na ginawa ng kanyang karibal, ang asawa ni Leonor Rivera na si Inhinyero Charles Henry Kipping, at upang kausapin ang ilang mga tao sa Malolos, San Fernando at Tarlac.  [Ilan sa kanyang mga kinausap sa Pampanga ay sina Don Cecilio at Tiburcio Hilario.]  Sa pook na ito siya nagpalipas ng gabi sa Tarlac, Tarlac.  Noong siya ay pabalik na, nakausap naman niya sa bapor sa Calumpit, Bulacan ang kaanak namin na si Don Procopio Hilario na sa kalaunan ay magiging kasapi ng Katipunan.

Ang riles at tren mula maynila hanggang Dagupan.

Ang riles at tren mula maynila hanggang Dagupan.

Ang bayan ng Malolos.  Mula sa www.univie.ac.at.

Ang bayan ng Malolos. Mula sa http://www.univie.ac.at.

Ang marker sa pook kung saan natulog si Rizal sa Tarlac noong Hunyo 1892, habang nag-oorganisa para sa pagtatag ng La Liga Filipina.

Ang marker sa pook kung saan natulog si Rizal sa Tarlac noong Hunyo 1892, habang nag-oorganisa para sa pagtatag ng La Liga Filipina.

Gabi ng Linggo, July 3, 1892, tinipon ni Rizal ang ilang makabayan at mason sa bahay ng Mestisong Tsino na si Doreoteo Ongjunco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila.  Kabilang sa pulong ang abogadong si Apolinario Mabini na noon ay tumatayo pa, ang bayaw ni Marcelo del Pilar na si Deodato Arellano, at ang bodegerong si Andres Bonifacio.

Doroteo Ongjunco.  Mula sa Rizal:  In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Doroteo Ongjunco. Mula sa Rizal: In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Ang bahay ni Doroteo Ongjunco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila.  Mula sa Sulyap Kultura.

Ang bahay ni Doroteo Ongjunco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila. Mula sa Sulyap Kultura.

Monumento sa sayt ng pagtatatag ng La Liga Filipina.  Mula kay Austin Craig.

Monumento sa sayt ng pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula kay Austin Craig.

Limbag ng edisyon ngsaligang batas ng La Liga Filipina.

Limbag ng edisyon ng saligang batas ng La Liga Filipina.

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina, mula sa mural sa sulok kung saan binaril si Gat Dr. Jose Rizal sa Parke Rizal. Obra ni Eduardo Castrillo.  Kuha nin Cari Noza.

Ang pagtatatag ng La Liga Filipina, mula sa mural sa sulok kung saan binaril si Gat Dr. Jose Rizal sa Parke Rizal. Obra ni Eduardo Castrillo. Kuha nin Cari Noza.

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo.  Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Pambihirang larawan ni Apolinario Mabini na nakatayo. Mula sa Dambanang Pangkasaysayang Mabini sa Tanauan, Batangas

Deodato Arellano.  Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Deodato Arellano. Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Andres Bonifacio.  Mula sa La Ilustracion Espanola y Americana.

Andres Bonifacio. Mula sa La Ilustracion Espanola y Americana.

Matapos ang tatlong araw, inaresto si Rizal, July 6.  At matapos ang ilang araw, July 17, itinapon sa tila ang dulo ng mundo, Dapitan.  Tsk.  Bigo si Pepe.

Pag-aresto kay Rizal sa Malacanang, July 6, 1892.  Guhit ni Ibarra Crisostomo.

Pag-aresto kay Rizal sa Malacanang, July 6, 1892. Guhit ni Ibarra Crisostomo.

Dapitan, mula sa Vibal Foundation.

Dapitan, mula sa Vibal Foundation.

Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation.

Dapitan. Mula sa Vibal Foundation.

Sabi ng karamihan sa mga naunang historyador, si Rizal ay hindi para sa paghihiwalay ng Pilipinas mula sa Espanya dahil ang layunin ng Kilusang Propaganda ay reporma lamang.  Kung gayon, bakit siya National Hero kung di naman siya para sa nation???  Kaloka!  Tsaka wala namang ginawa si Rizal kundi sumulat ng sumulat.

Espana y Filipinas.  Obra maestra ni Juan Luna.

Espana y Filipinas. Obra maestra ni Juan Luna.

Ngunit ayon kay Floro Quibuyen sa kanyang aklat na A Nation Aborted, makikita na nais magtatag ng nagsasariling bansa si Rizal sa unang punto ng kanyang saligang batas:  “Magkaisa ang buong kapuluan upang maging isang katawan.”  Malamang, hindi ito samahan na magtatag ng isa pang samahan.  Ang isang katawan na bubuuuin dito siyempre ay ang bansa!  Anong klaseng bansa?  Ayon na rin sa saligang batas ng Liga, magbibigay “proteksyon mula sa lahat ng pangangailangan, pagtatanggol laban sa karahasanan at kawalan ng katarungan, pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura, at pangangalakal, at pag-aaral at pagsasagawa ng mga reporma.”

Pabalat ng A Nation Aborted:  Rizal, American hegemony and Philippine Nationalism ni Floro Quibuyen.  Mula sa Ateneo Press

Pabalat ng A Nation Aborted: Rizal, American hegemony and Philippine Nationalism ni Floro Quibuyen. Mula sa Ateneo Press

Si Xiao Chua nang unang personal na makilala si Dr. Floro Quibuyen sa Faculty Center ng UP Diliman, 2005.

Si Xiao Chua nang unang personal na makilala si Dr. Floro Quibuyen sa Faculty Center ng UP Diliman, 2005.

Ang mga layunin ng La Liga Filipina.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Ang mga layunin ng La Liga Filipina. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Pansinin, para kay Rizal ang pagkabansa ay nagsisimula sa grassroots.  Nagsisimula ang pagkabansa sa bawat mabuting gawa sa kapwa, pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat isang Pilipino.  Inugat ni Quibuyen ang konsepto ng bansa ni Rizal sa mga isinulat ng Alemang pilosopo na si Johann Gottfried von Herder:  Ang pagiging bahagi ng bansa ay hindi batay sa dugo kundi sa isang damdaming kultural at moral ng mga nakapaloob dito.

Johann Gottfried Herder.  Mula sa counter-currents.com.

Johann Gottfried von Herder. Mula sa counter-currents.com.

Sa Liga naipakita ni Rizal na hindi lamang siya puro sulat, nais niyang isakatuparan ang nais niyang bansa.  Naudlot man, ipinagpatuloy ng Liga member na si Bonifacio ang laban para sa pagkakaisa at pagkakapantay-pantay tulad ng sinasabi ng motto ng Liga, “Unus  instar  ómnium”—Ang isa ay tulad ng lahat.  Sa pagbubuo ng bansang maginhawa, mahalaga ka kabayani.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime. (Pook Amorsolo, UP Diliman, 22 June 2013)

XIAO TIME, 18 July 2013: FALL OF THE BASTILLE: ANG PRANSIYA AT ANG PILIPINAS

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pagkubkob sa kulungang Bastille sa kalagitnaan ng Paris.  Mula sa Wikipedia:  "The Storming of the Bastille", Visible in the center is the arrest of Bernard René Jourdan, m de Launay (1740-1789), Watercolor painting; 37,8 x 50,5 cm.

Ang pagkubkob sa kulungang Bastille sa kalagitnaan ng Paris. Mula sa Wikipedia: “The Storming of the Bastille”, Visible in the center is the arrest of Bernard René Jourdan, m de Launay (1740-1789), Watercolor painting; 37,8 x 50,5 cm.

18 July 2013, Thursday:  http://www.youtube.com/watch?v=RswpIjJxfT4

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  Si Andres Bonifacio, bagama’t isang bodegero noon sa isang Alemang kumpanya sa Maynila, ang Fressel and Company, ay mahilig magbasa ng mga aklat sa wikang Espanyol sa kanyang libreng oras.  Sinasabing ilan sa kanyang mga binasa ay ang Les Misérables ni Victor Hugo, mga nobela ni Alexandre Dumas, at ang kasaysayan ng Himagsikang Pranses.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Jim Richardson.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Jim Richardson.

Victor Hugo, may-akda ng "The Hunchback of Notre Dame" at "Les Miserables".  Mula sa freethoughtalmanac.com.

Victor Hugo, may-akda ng “The Hunchback of Notre Dame” at “Les Miserables”. Mula sa freethoughtalmanac.com.

Alexandre Dumas, may akda ng "The Count of Monte Cristo" at "The Three Musketeers."  Mula sa Wikipedia.

Alexandre Dumas, may akda ng “The Count of Monte Cristo” at “The Three Musketeers.” Mula sa Wikipedia.

Isang pagsasalarawan ng Himagsikang Pranses.  Mula sa teachnet.eu.

Isang pagsasalarawan ng Himagsikang Pranses. Mula sa teachnet.eu.

Isang pagsasalarawan ng Himagsikang Pranses.  Mula sa historymatters365.com.

Isang pagsasalarawan ng Himagsikang Pranses. Mula sa historymatters365.com.

Bagama’t kailangang sabihin na bagama’t sa bayan kumuha ng mga ideya si Bonifacio para sa itatatag na Katipunan, sa mga banyagang aklat maaaring kumuha siya ng inspirasyon na kayang mangyari ang kanyang mga inaadhika.  Dahil sa pagbabasa, nahiraya ni Bonifacio sa kanyang isipan na maari palang tayo ang maging hari sa bayang ito.  Isang weirdong kaisipan noong panahon na iyon.  Kaya itinatag niya ang Katipunan.  Nabasa ni Bonifacio na dati, naniniwala ang mga tao sa Europa na ang paghahari ng isang dinastiya ay kaloob ng Diyos—Divine Right.  Kaya naman, marami sa mga hari na ito ang namuhay na marangya sa kabila ng paghihirap ng tao.

Haring Louis XVI, tinanggal at pinugutan ng Rebolusyong Pranses.  Mula sa historicalhistrionics.wordpress.com.

Haring Louis XVI, tinanggal at pinugutan ng Rebolusyong Pranses. Mula sa historicalhistrionics.wordpress.com.

Ang Tennis Court Oath, isa sa mga nagpasiklab ng himagsikang Pranses, June 20, 1789.

Ang Tennis Court Oath, isa sa mga nagpasiklab ng himagsikang Pranses, June 20, 1789.

La Liberté guidant le peuple (Liberty Leading the People) ni Eugène Delacroix, 1830.

La Liberté guidant le peuple (Liberty Leading the People) ni Eugène Delacroix, 1830.

Ang Commune ng Paris ng August 10, 1792 -- Pagkubkob sa Palasyo ng Tuileries.  Mula sa http://www.newworldencyclopedia.org.

Ang Commune ng Paris ng August 10, 1792 — Pagkubkob sa Palasyo ng Tuileries. Mula sa http://www.newworldencyclopedia.org.

Ngunit pinatunayan ng mga Pranses 224 years ago, July 14, 1789, na maaari palang makalaya sila sa ganitong sistema.  Sa umagang yaon, ang mapaniil na kulungang Bastille, ang sentro at simbolo ng kapangyarihan ng hari sa kalagitnaan ng Paris ay kanilang pinabagsak.  Ito ang isa sa unang mga kaganapan na nagpaalab ng Himagsikang Pranses kung saan isinagaw ng mamamayan ng Pransiya—Liberté, Egalité, Fraternité!  Kalayaan, Pagkakapantay-pantay, Kapatiran.  Mga salitang ipinaburda din ni Emilio Aguinaldo sa isa sa mga unang kopya ng bandila ng Pilipinas noong rebolusyon.

Poster na nagpapakita ng motto ng Himagsikang Pranses.

Poster na nagpapakita ng motto ng Himagsikang Pranses.

Hango sa replica ng watawat:  Ang motto ng himagsikang Pranses.

Hango sa replica ng watawat: Ang motto ng himagsikang Pranses.

Matapos ang People Power Revolution na ang naging inspirasyon ay si Pangulong Cory Aquino, inanyayahan ang ating pangulo ni Pangulong Francois Mitterand ng Pransiya na maging tanging pinunong bisita ng estado o state visitor sa ika-200 taon ng Himagsikang Pranses noong July 1989.  Isang malaking karangalan para sa ating bansa.  Katibayan ng malagkit na ugnayan ng Pilipinas at Pransiya.

Ang Dating Pangulo ng Pransiya Francois Mitterand.  Mula sa EDSA:  The World Remembers.

Ang Dating Pangulo ng Pransiya Francois Mitterand. Mula sa EDSA: The World Remembers.

Si Pangulong Corazon Aquino ng Pilipinas ang tanging bisita ng Estado ng Pransiya noong ika-200 taon ng Himagsikang Pranses.  Mula sa EDSA:  The World Remembers.

Si Pangulong Corazon Aquino ng Pilipinas ang tanging bisita ng Estado ng Pransiya noong ika-200 taon ng Himagsikang Pranses. Mula sa EDSA: The World Remembers.

Parada para sa ika-200 taong pagdiriwang ng Himagsikang Pranses.  Mula sa EDSA:  The World Remembers.

Parada para sa ika-200 taong pagdiriwang ng Himagsikang Pranses. Mula sa EDSA: The World Remembers.

Flypast na gumugunita sa sa ika-200 taong anibersaryo ng Himagsikang Pranses. Mula sa EDSA:  The World Remembers.

Flypast na gumugunita sa sa ika-200 taong anibersaryo ng Himagsikang Pranses. Mula sa EDSA: The World Remembers.

Kamakailan lamang, noong May 29, 2013, dahil sa kanyang pagtulong sa ilang mga maralitang kabataan sa lansangan na makatuntong sa Pransiya at magkaroon ng panibagong pananaw sa buhay, ginawaran ng International Order of the Knights of Rizal sa pangunguna ni Supreme Commander Reghis Romero, II, ang kabiyak ng Primer Ministro ng Pransiya na si Madamme Brigette Ayrault ng medlyang Rizal Women of Malolos, ang unang pagkakataon na ibinigay ito sa isang natatanging babaeng Europeo.  Malugod na tinanggap ang aking mga brother knights tinaggap ng Primer Ministro Jean-Marc Ayrault sa tahanan ng mga Primer Ministro sa Hotel Matignon.  Nakakatuwa sapagkat sinamahan talaga sila ng mag-asawang Ayrault hanggang sila na mismo ang magpaalam sa mag-asawa na sila ay aalis na.  Ganun katindi ang pagpapahalaga sa Pilipinas ng pamahalaan doon.

Sina Supreme Commander Sir Reghis Romero, II, KGCR ng International Order of the Knights of Rizal sa harapan mismo ng Hotel Matignon, ang tahanan ng Primer Ministro ng Pransiya.  Mula kay Sir Mark Roy Boado.

Ang pagdating ng mag-asawang Ayrault. Mula kay Sir Mark Roy Boado.

Ang pagdating ng mag-asawang Ayrault. Mula kay Sir Mark Roy Boado.

Ang medlyang Rizal Women of Malolos na ipinagkaloob ng International Order of the Knights of Rizal kay  Madamme Brigette Ayrault, Unang Ginang ni Primer Ministro Jean-Marc Ayrault ng Pransiya.  Mula kay Sir Mark Roy Boado.

Nang isabit ni Supreme Commander Sir Reghis Romero, II, KGCR ang medalyang Rizal Women of Malolos sa kay Madamme Brigette Ayrault noong May 29, 2013 sa Hotel Matignon sa Paris, Pransiya.  Mula Kay Sir Mark Roy Boado.

Ang paggawad ng plake ng pagkilala kay Madamme Brigette Ayrault mula sa kapatirang International Order of the Knights of Rizal habang nakamasid si Embahador ng Pilipinas sa Pransiya Cristina Ortega.  Mula kay Mark Roy Boado

Sina Sir Choy Arnaldo, Sir Dave Santos, Sir Reghis Romero, Madame Brigitte Ayrault, PM Jean- Marc Ayrault, Amb. Cristina Ortega, French Minister, Sir Lino Paras, at Sir Rudy Nollas.  Mula kay Sir Mark Roy Boado.

Sina Sir Choy Arnaldo, Sir Dave Santos, Sir Reghis Romero, Madame Brigitte Ayrault, PM Jean-
Marc Ayrault, Amb. Cristina Ortega, French Minister, Sir Lino Paras, at Sir Rudy Nollas. Mula kay Sir Mark Roy Boado.

Si Supreme Commander Sir Reghis Romero, II habang ipinapaliwanag ang regalong "Bayanihan" kay Primer Ministro Jean-Marc Ayrault.  Mula kay Mark Roy Boado.

Si Supreme Commander Sir Reghis Romero, II habang ipinapaliwanag ang regalong “Bayanihan” kay Primer Ministro Jean-Marc Ayrault. Mula kay Mark Roy Boado.

Si Supreme Commander Sir Reghis Romero, II, KGCR habang nagpapaalam kay Madamme Brigette Ayrault na aalis na sa Hotel Matignon.  Sinamahan sila hanggang sa huli.  Mula kay Mark Roy Boado.

Si Supreme Commander Sir Reghis Romero, II, KGCR habang nagpapaalam kay Madamme Brigette Ayrault na aalis na sa Hotel Matignon. Sinamahan sila hanggang sa huli. Mula kay Mark Roy Boado.

Isinabay na rin nila sa paglalakbay na iyon ang pagbisita sa mga hotel, apartment, klinika na napuntahan ni Jose Rizal sa Paris kasama na ang tahanan nina Juan Luna kung saan binuo nilang magkakaibigan ang hiraya para sa isang mas malayang bansa tulad ng Pransiya.  Vive Le France!  Mabuhay ang Pilipinas!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)

Ang Supreme Council ng International Order of the Knights of Rizal at mga kaibigan sa Hotel Aramis, kung saan namalagi si Rizal noong nasa Paris.  Mula kay Mark Roy Boado.

Ang Supreme Council ng International Order of the Knights of Rizal at mga kaibigan sa Hotel Aramis, kung saan namalagi si Rizal noong nasa Paris. Mula kay Mark Roy Boado.

Marker sa naging klinika ni Rizal sa Paris.  Mula kay Mark Roy Boado.

Marker sa naging klinika ni Rizal sa Paris. Mula kay Mark Roy Boado.

Si Sir Mark Roy Boado kasama ang Surpreme Council ng International Order of the Knights of Rizal sa bahay ni Juan Luna sa Paris.  Mula kay Mark Roy Boado.

Si Sir Mark Roy Boado kasama ang Surpreme Council ng International Order of the Knights of Rizal sa bahay ni Juan Luna sa Paris. Mula kay Mark Roy Boado.

Ang Los Indios Bravos.  Mula sa Vibal Foundation.

Ang Los Indios Bravos. Mula sa Vibal Foundation.

Ang marker para sa Plaza sa Paris na ipinangalan kay Jose Rizal.  Mula kay Sir Mark Roy Boado.

Ang marker para sa Plaza sa Paris na ipinangalan kay Jose Rizal. Mula kay Sir Mark Roy Boado.

XIAO TIME, 17 July 2013: ANG PANINIRAHAN NI DR. JOSE RIZAL SA DAPITAN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Albert Martinez bilang si Jose Rizal, at si Amanda Page bilang si Josephine Bracken.  Stills  mula sa pelikulang "Rizal sa Dapitan."

Si Albert Martinez bilang si Jose Rizal, at si Amanda Page bilang si Josephine Bracken. Stills mula sa pelikulang “Rizal sa Dapitan.”

17 July 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=N-Df0oGj_Vw

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  121 years ago, July 17, 1892.  Alas siyete ng gabi.  Sakay ng bapor Cebu, dumating si Rizal sa isla ng Dapitan, Zamboanga del Norte.

Isang lumang larawan ng Dapitan.  Mula sa traveljunkiemanila.blogspot.com.

Isang lumang larawan ng Dapitan. Mula sa traveljunkiemanila.blogspot.com.

Monumento ng pagdating ni Rizal sa Dapitan.  Monumento para sa sandali ng pagbabago ng kanilang bayan.  Mula sa eastgatepublishing.com.

Monumento ng pagdating ni Rizal sa Dapitan. Monumento para sa sandali ng pagbabago ng kanilang bayan. Mula sa eastgatepublishing.com.

Naramdaman niya, napakalungkot ng dalampasigan, tila madilim ang buong paligid at tanging ang liwanag lamang ng kanilang gasera ang nagbibigay liwanag sa kapaligiran na puro damo!   Sinalubong siya ni Capitan Don Ricardo Carnicero y Sanchez, Comandante Politico-Militar sa lugar, at ang cura paroko, ang Heswitang si Padre Antonio Obach.  Tumira si Rizal sa bahay ni Carnicero at naging matalik silang magkaibigan.  Nang bumili siya ng parang Lucky Pick na numerong 9736 sa loterya kasama si Carnicero at isang pang Espanyol.  Nanalo sila ng ikalawang gantimpala.  Rizal??? Most famous Pinoy lotto winner??? Pwede!!!

Don Ricardo Carnicero.  Nililok ni Jose Rizal.   Mula sa Vibal Publishing, Inc.

Don Ricardo Carnicero. Nililok ni Jose Rizal. Mula sa Vibal Publishing, Inc.

Padre Antonio Obach.  Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Padre Antonio Obach. Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Casa Real, ang bahay ng komandante  ng Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Casa Real, ang bahay ng komandante ng Dapitan. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

At sa kanyang share na Php 6,200.00, binayaran niya ang kanyang mga utang, bumili ng lupa sa tabing dagat sa Dapitan upang magsaka at kung saan din siya magtatatag ng libreng paaralan at klinika para sa mga mahihirap, at ang natira ay ibinigay niya sa pamilya.  Dahil bored siya, sinabi niya marahil, e bakit hindi ko nalang gawing exciting ang bayan na ito.  Gumawa siya ng iba’t ibang hugis ng bahay at sinubukang mag-inhinyero at gumawa ng dam upang umagos ang malinis na tubig mula sa kabundukan patungo sa kanyang lupaing tinawag niyang Talisay.

Talisay, Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Talisay, Dapitan. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Ang kubo ni Rizal sa Dapitan.  Mula sa Rizal:  In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Ang kubo ni Rizal sa Dapitan. Mula sa Rizal: In Excelsis ng Studio 5 Designs.

Casa Cuadrada.  Mula sa backpackingphilippines.com.

Casa Cuadrada. Mula sa backpackingphilippines.com.

Casa Octagonal

Casa Octagonal

Guhit ni Rizal ng Talisay.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Guhit ni Rizal ng Talisay. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Dam na ginawa ni Rizal sa Dapitan.  Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Dam na ginawa ni Rizal sa Dapitan. Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Nang bisitahin siya ng kanyang paboritong guro sa Ateneo na si Padre Francisco de Paula Sanchez, gumawa sila sa plaza ng isang relief map ng Mindanao upang ituro ang isla sa mga tao.  Magiging inspirasyon ito para sa relief map ng buong bansa na itatayo sa Rizal Park, Luneta.  Kahit kumikita sa kanyang mga pananim, hindi siya nagdamot.  Lumikha siya ng kooperatiba ng mga mangangalakal ng abaka at nag-iwan pa siya ng makinarya mula sa ibang bansa upang magamit nila.  Nangolekta ng mga iba’t ibang species ng mga hayop at insekto na ipinapadala naman niya sa Europa.  At dahil mga bagong tuklas pala niya ang ilan sa mga ito, ipinangalan ang mga ito sa kanya—Draco rizali, isang butiki, Rhacophorus rizali, isang palaka, at Apogonia rizali, isang salagubang.

Padre Francisco de Paula Sanchez, S.J..  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Padre Francisco de Paula Sanchez, S.J.. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Malaking mapa ng Mindanao na nilikha nina Rizal sa plaza ng Dapitan.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Malaking mapa ng Mindanao na nilikha nina Rizal sa plaza ng Dapitan. Mula sa Vibal Foundation, Inc.

SI Rizal bilang mangangalakal ng abaka.  Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

SI Rizal bilang mangangalakal ng abaka. Mula kay Diosdado G. Capino at Virginia M. Buenaflor.

Ang mga bagong species ng mga hayup na ipinangalan kay Rizal ng mga siyentipiko sa Euro:  Draco rizali, isang butiki, Rhacophorus rizali, isang palaka, at Apogonia rizali, isang salagubang.  Mula sa Vibal Foundation, Inc.

Kwento ni Dr. Ambeth Ocampo, sumulat si Rizal sa mga kapatid upang magpadala ng mga lambat, kahit na sila ay nasa tabing dagat, walang marunong mangisda.  Nang dumating ang mga lambat napagtanto niya, hindi rin siya marunong mangisda kaya sumunod na nagpadala na rin si Rizal ng magtuturo sa kanilang mangisda.  Nang iwan niya ang Dapitan patungo sa kanyang kamatayan noong 1896, nag-iiyakan ang mga tao.  Iniwan niya ang Dapitan na mas makulay at maunlad.

Si Xiao Chua at si Dr. Ambeth Ocampo, 29 July 2013, Ayala Museum.

Si Xiao Chua at si Dr. Ambeth Ocampo, 29 July 2013, Ayala Museum.

Dramatisasyon ng pag-lisan ni Rizal sa Dapitan noong 1896 sa pelikulang "Rizal sa Dapitan."  Mula sa "Rizal:  In Excelsis" ng Studio 5 Designs.

Dramatisasyon ng pag-lisan ni Rizal sa Dapitan noong 1896 sa pelikulang “Rizal sa Dapitan.” Mula sa “Rizal: In Excelsis” ng Studio 5 Designs.

Madalas na hindi naituturo sa klase, ang mga taon sa Dapitan ni Rizal ang kung tutuusin pinakaproduktibo at pinakamahalaga, sapagkat lahat ng magagawa niya doon kung nabigyan siya ng pagkakataong maglingkod sa bayan at itatag ang bansa ay nagawa niya doon.  Puwede palang baguhin ng isang tao ang bayan—ng isang one-man NGO!  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)

XIAO TIME, 12 July 2013: ESKULTOR NG BAYAN, GUILLERMO ESTRELLA TOLENTINO

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Guillermo Tplentino habang nilililok ang kanyang busto ni Andres Bonifacio.  Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Guillermo Tplentino habang nilililok ang kanyang busto ni Andres Bonifacio. Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

12 July 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=JvodYP71Z0M

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  37 years ago, July 12, 1976, sumakabilang buhay si Guillermo Estrella Tolentino.  Huh??? Who’s that Pokemón??? Siya lang naman ang iskultor na nakilala sa kanyang mga likhang sining na nagpapakilala sa ating mga bayani, tulad ng busto ni José Rizal, Andres Bonifacio sa Monumento, Ramon Magsaysay, at marami pang iba.

Busto ni Jose Rizal sa Palma Hall (Arts and Sciences Building) ng Unibersidad ng Pilipinas.  Obra maestra ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua.

Busto ni Jose Rizal sa Palma Hall (Arts and Sciences Building) ng Unibersidad ng Pilipinas. Obra maestra ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Xiao Chua.

SI Guillermo Tolentino habang nilililok ang isa sa mga kopya ng kanyang busto kay Jose Rizal.  Mula sa Aklatang Pambansa ng Pilipinas.

SI Guillermo Tolentino habang nilililok ang isa sa mga kopya ng kanyang busto kay Jose Rizal. Mula sa Aklatang Pambansa ng Pilipinas.

Monumento ni Bonifacio sa Caloocan.  Obra maestra ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Prop. Enrico Gerard R. Azicate.

Monumento ni Bonifacio sa Caloocan. Obra maestra ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Prop. Enrico Gerard R. Azicate.

Si Guillermo Tolentino at ang kanyang "monumento."  Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Si Guillermo Tolentino at ang kanyang “monumento.” Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Winged Victory, isang klasikal na simbolo sa eskultura, sa ibabaw ng obelisk ng monumento ni Maganda pala sa malapitan.  Mula sa Peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Winged Victory, isang klasikal na simbolo sa eskultura, sa ibabaw ng obelisk ng monumento ni Maganda pala sa malapitan. Mula sa Peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Si Tolentino at ang kanyang monumento para kay Pangulong Ramon Magsaysay.  Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Si Tolentino at ang kanyang monumento para kay Pangulong Ramon Magsaysay. Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Isinilang siya noong July 24, 1890 sa Malolos, Bulacan.  Ang kanyang Amerikanong gurong Thomasite na si Mrs. H.A. Bordner ang siyang nakapansin ng galing sa sining ni koya kaya inusig niya ito, ituloy mo lang yan teh.  Sa Maynila itinuloy niya ang kanyang pag-aaral at tumira sa kanyang kamag-anak at nanilbihan sa kanila upang makaraos sa hayskul.  Ayon sa kanya, “Alilang kanin ako noon.”  Nang pumasok sa School of Fine Arts ng UF, Unibersidad ng Filipinas, este UP, katabi lang naman niya sa upuan noon ang future director ng eskwelahan nila at magiging grand master painter ng bansa na si Fernando Amorsolo.

Si Fabian de la Rosa, ang direktor ng UP School of Fine Arts, kasama ang kanyang mga estudyante kasama na sina Guillermo Tolentino (ikatlo mula sa kaliwa) at Fernando Amorsolo (ika-apat).  Mula sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Nagtungo sa Washington D. C., pitong dolyar lamang ang dala at namasukan sa isang kapihan sa Rock Creek Park na paboritong pasyalan ni Pangulong Woodrow Wilson.  Idol nitong si Tolentino si Wilson dahil sa kanyang pag-aadhika ng kapayapaan.  Giniguhit niya rin ang mga parokyano ng kapihan kaya napansin siya ng mismong sekretarya ng Unang Ginang.  Sa wakas, nagkakilala si Tolentino at ang kanyang idolong si Wilson, at dahil sa rekomendasyon ng pangulo, naging iskolar ng isang milyonaryo at nakapag-aral ng Advanced Sculpture sa Beaux Arts School sa New York City.  Naging assistant pa ni Gutzon Borglum, na siya lang naman ang gumawa ng mga istatwa ng mga pangulo ng Amerika sa Bundok Rushmore.

Pangulong Woodrow Wilson.  Mula sa history.com

Pangulong Woodrow Wilson. Mula sa history.com

Gutzon Borglum at isang modelo ng kanyang obra maestra.  Mula sa blackforestinn.net

Gutzon Borglum at isang modelo ng kanyang obra maestra. Mula sa blackforestinn.net

Itinuloy ang pag-aaral ng klasikal na iskultura sa Royal Academy of Fine Arts sa Roma.  Naghirap si Tolentino sa Roma kaya sa pamamagitan ng isang peryodista, nag-ambagan ang ilang kababayan para sa kanya.  Hindi niya sinayang ang kanyang talento.  Noong 1925, bumalik siya sa bayan, nagturo sa UP at nilikha ang isa sa kanyang pinakakilalang obra, isang bayaning hubad na handing ialay ang kanyang buhay para sa Inang Bayan—naging simbolo ng Academic Freedom sa UP, ang Oblation.

Guillermo Tolentino

Guillermo Tolentino

SI Guillermo Tolentino at ang kanyang "Oblation."  Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

SI Guillermo Tolentino at ang kanyang “Oblation.” Mula sa UP Departamento ng Kasaysayan.

Take note, hindi ang tatay ni FPJ ang modelo nito, kundi composite ng kanyang mga estudyante katulad ni Anastacio Caedo. Ito ang ebidensya.

Si Guillermo Tolentino (sa gitna) at ang kanyang protege na si Anastacio Caedo (sa kanan).  Kahawig ng katawan niya ang katawan ng Oblation.  Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Si Guillermo Tolentino (sa gitna) at ang kanyang protege na si Anastacio Caedo (sa kanan). Kahawig ng katawan niya ang katawan ng Oblation. Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Paglalarawan kay Anastacio Caedo.  Kuha ni Xiao Chua.

Paglalarawan kay Anastacio Caedo. Kuha ni Xiao Chua.

Gumawa siya dalawang wax statue ni Rizal na sabi ng mga nakakilala kay Rizal ay parang nakita mo na rin ang heroe nacional.  Ang mga monumento niya para kay Bonifacio ay ibinatay niya sa bone structure ng kapatid nito na si Espiridiona.  Nagreresearch talaga si lolo, hindi lang gamit ang kasaysayan kundi ang espiritismo.

Ang wax statue ni Rizal bilang eskultor hawak ang kanyang lilok ng Sagrada Corazon.  Obra maestra ni Guillermo Tolentino na natunaw noong digmaan.  Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Ang wax statue ni Rizal bilang eskultor hawak ang kanyang lilok ng Sagrada Corazon. Obra maestra ni Guillermo Tolentino na natunaw noong digmaan. Mula sa peysbuk ni Dr. Ambeth R. Ocampo.

Wax statue ni Jose Rizal na nililok ni Guillermo Tolentino na ngayon ay makikita sa selda ni Jose Rizal sa Rizal Shrine, Fort Santiago.  Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Wax statue ni Jose Rizal na nililok ni Guillermo Tolentino na ngayon ay makikita sa selda ni Jose Rizal sa Rizal Shrine, Fort Santiago. Mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Caloocan.  Nililok ni Guillermo Tolentino.  Mula kay Isagani Medina.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Caloocan. Nililok ni Guillermo Tolentino. Mula kay Isagani Medina.

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Liwasang Bonifacio.  Nililok ni Guillermo Tolentino.  Kuha ni Xiao Chua

Ang close-up ng ulo ni Bonifacio sa kanyang monumento sa Liwasang Bonifacio. Nililok ni Guillermo Tolentino. Kuha ni Xiao Chua

Espiridiona Bonifacio, kapatid ng Supremo.  Sa kanyang bone structure ibinatay ang mga busto ni Guillermo Tolentino kay Bonifacio.

Espiridiona Bonifacio, kapatid ng Supremo. Sa kanyang bone structure ibinatay ang mga busto ni Guillermo Tolentino kay Bonifacio.

Nang minsan sumangguni siya sa espiritista sa edad na 42 kung makakapag-asawa pa ba siya, hinula ng espiritista na ang kanyang 19-taong gulang na anak ang itinadhanang magiging ina ng mga bayani.  Ayun, niligawan niya ang anak ng espiritista at nagpakasal sila.  Si Tolentino at si Amorsolo ang naging tagapagtanggol ng klasikal na sining sa harap ng hamon ng modernismo at abstraksyon.

Guillermo Tolentino.  Mula kay Ian Alfonso.

Guillermo Tolentino. Mula kay Ian Alfonso.

The Sculptor (Portrait of Guillermo E. Tolentino).  Obra ni Cripin V. Lopez, 1958. Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

The Sculptor (Portrait of Guillermo E. Tolentino). Obra ni Cripin V. Lopez, 1958. Mula sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Noong 1973, itinanghal siyang Pambansang Alagad ng Sining.  Ka Guillermo, Artista ng Bayan, hindi ka dapat makalimutan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 6 July 2013)

XIAO TIME, 9 July 2013: ANG PAGKAKATATAG NG KATIPUNAN

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang pagtatatag ng Katipunan.  Mula sa Adarna.

Ang pagtatatag ng Katipunan. Mula sa Adarna.

9 July 2013, Tuesday:  http://www.youtube.com/watch?v=0sdLq5P1MNY

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  Philippine Historical Association, Bonifacio @ 150 Conference, Puerto Princesa, Palawan, August 22-24.  Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang pha1955.blogspot.com.  Tatlong araw matapos na itatag ni Jose Rizal ang La Liga Filipina, inaresto siya ng mga Espanyol, 121 years ago, July 6, 1892.

Pagtatatag ng La Liga Filipina.  Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Pagtatatag ng La Liga Filipina. Mula sa Koleksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa Dambanang Rizal sa Fort Bonifacio.

Kinabukasan, July 7, kumalat ang malungkot na balita sa Maynila.  Narinig ito ng mga kasapi ng Liga na sina Andres Bonifacio at Deodato Arellano.  At matapos ang sandaling pagiisip-isip, ay dali-dali nilang tinawag ang kanilang mga kaibigan, kabilang na sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata, Valentin Diaz, Jose Dizon, at Briccio Pantas sa bahay paupahan ni Arellano, sa 72 Azcarraga Street, ngayon ay Claro M. Recto malapit sa Elcano Street.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan.  Mula kay Jim Richardson.

Tanging larawan, at kupas pa, ni Andres Bonifacio, tagapagtatag ng Katipunan. Mula kay Jim Richardson.

Deodato Arellano.  Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Deodato Arellano. Mula sa Tragedy of the Revolution ng Studio 5 Designs.

Ladislao Diwa

Ladislao Diwa

Nasa gitna si Valentin Diaz.  Mula sa alaala ni Artemio Ricarte.

Nasa gitna si Valentin Diaz. Mula sa alaala ni Artemio Ricarte.

Jose Dizon.  Mula kay Jim Richardson.

Jose Dizon. Mula kay Jim Richardson.

Briccio Pantas.  Mula kay Jim Richardson.

Briccio Pantas. Mula kay Jim Richardson.

72 Azcarraga Street kanto ng Elcano.  Mula kay Dr. Vic Torres.

72 Azcarraga Street kanto ng Elcano. Mula kay Dr. Vic Torres.

Lumang itsura ng marker sa Kalye Recto kanto ng Elcano.  Mula kay Isagani Medina.

Lumang itsura ng marker sa Kalye Recto kanto ng Elcano. Mula kay Isagani Medina.

Bagong monumento ng pagtatatag ng Katipunan sa Kalye Recto kanto ng Elcano.  Mula kay Cari Noza.

Bagong monumento ng pagtatatag ng Katipunan sa Kalye Recto kanto ng Elcano. Mula kay Cari Noza.

Hindi nalimutan ng mga taong naroon ang diwa ng sinabi ni Andres Bonifacio sa lihim na pulong na iyon, “Mga Kapatid:  Tayo’y di mga pantas, kaya hindi mariringgal na talumpati at di maririkit na sulat ang ating idaraos; sa gawa natin daanin: ang katubusa’y hindi nakukuha sa salita o sa sulat; kinakamtan [ito] sa pagsasabog ng dugo.  Talastas na ninyo ang kalupitang ginawa sa ating kapatid na si Dr. Rizal, iya’y maliwanag na halimbawang nagpapakilala sa ating di tayo makaliligtas sa kaalipnan kung di daraanin sa pakikibaka.  Sucat na ang pagpapakababa!  Sukat na na ang pangganggatuwiran! Nangatuwiran si Rizal [ngunit siya] ay hinuli pagkatapos na mapag-usig ang mga magulang, kapatid, kinamag-anakan at kakampi!  Sucat na!  Papagsalitain natin naman ang sandata!  Na tayo’y pag-uusigin, mabibilanggo, ipatatapon, papatayin?  Hindi dapat nating ipanglumo ang lahat ng ito, mabuti pa nga ang tayo’y mamatay kaysa manatili sa pagkabusabos.  At ng maganap natin ang dakilang kadahilanan ng pagpupulong nating ito’y ating maitayo ang isang malakas, matibay at makapangyarihang katipunan ng mga anak ng Bayan.  Mabuhay ang Pilipinas!!!”  At sa liwanag ng lampara, ayon sa ulat, sila ay nagsipagsandugo tulad ng mga ninunong datu natin sa tuwing itatatag ang mga bayan at ang kanilang kapatiran, sinasabing sila ay magkakapatid sa Inang Bayan.  Isinulat nila bilang panata ang kanilang mga pangalan gamit ang kanilang sariling dugo.

Pakikipagsandugo sa Katipunan.  Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pakikipagsandugo sa Katipunan. Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pakikipagsandugo sa Katipunan.  Mula sa mural na "History of Manila" ni Carlos "Botong" Francisco.  Nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Maynila.

Pakikipagsandugo sa Katipunan. Mula sa mural na “History of Manila” ni Carlos “Botong” Francisco. Nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Maynila.

Pinakamaagang nahanap na dokumento ng Katipunan na nakasulat sa Katipunan Code, 1892.   May mga pirma nina Andres Bonifacio.  Mula sa Sulyap Kultura.

Pinakamaagang nahanap na dokumento ng Katipunan na nakasulat sa Katipunan Code, 1892. May mga pirma nina Andres Bonifacio. Mula sa Sulyap Kultura.

At doon naisilang ang Kataastaasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.  Ang Katipunan ay mula sa salitang tipon, kaya ang kahulugan nito ay asosasyon, o Liga.  Kaya ayon kay Padre Schumacher, ipinapagpapatuloy ni Bonifacio ang diwa ng sinimulan ni Rizal, ang pagtutulungan at pagsisimula ng pagkabansa sa grassroots, sapagkat sa isang sulat ni Dr. Ariston Bautista Lin kay Rizal, tinukoy niya ang Ligang bilang “katipunan,” ngunit nalalayo din kay Rizal dahil kumbaga tulad ng sinabi ni Fernando Poe, Jr. “Kapag puno na ang salop, kailangan nang kalusin.”  Ngunit hindi lamang itinuturo sa Katipunan ang katapangan at pagiging marahas sa kalaban, kundi ang mabuting kalooban, pagmamahalan, puri at kabanalan.

Orihinal na limbag na sipi ng Kartilya ng Katipunan mula sa koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Orihinal na limbag na sipi ng Kartilya ng Katipunan mula sa koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Ayon nga kay Bonifacio, “Sa kalamigan ng loob, katiyagaan, katuwiran at pag-asa sa ano mang gagawin nagbubuhat ang ikagaganap ng mabuting ninanais.”  Kaya naman, gumawa sila ng gumawa ng walang imik hanggang hindi naglaon, naging libo-libo ang kasapi ng kapatirang unang naggalaw ng isang pambansang paghihimagsik sa Timog Silangang Asya.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 29 June 2013)

XIAO TIME, 19 June 2013: ANG MAKULAY AT MAKASAYSAYANG KABATAAN NI JOSE RIZAL

Text of the broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Ang unang larawan ni Rizal sa kanyang uniporme sa Ateneo de Manila.  Mula sa Vibal Foundation.

Ang unang larawan ni Rizal sa kanyang uniporme sa Ateneo de Manila. Mula sa Vibal Foundation.

19 June 2013, Wednesday:  http://www.youtube.com/watch?v=ax58JI1OBoM

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  152 years ago, June 19, 1861, isinilang ang ating Heroe Nacional na si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, Pepe Rizal, sa Calamba, Laguna, sa pagitan ng alas onse at alas dose ng gabi.

Ang pamilya Rizal.  Likhang-sining ni Benedicto Cabrera mula sa Indio Bravo.

Ang pamilya Rizal. Likhang-sining ni Benedicto Cabrera mula sa Indio Bravo.

Kahit pampito na sa labing-isang magkakapatid mula kina Francisco Rizal Mercado at Teodora Alonso, lubos na nahirapan ang ina sapagkat bagama’t maliit ang bata, napakalaki ng kanyang ulo.  Isa silang maykayang pamilyang negosyante at magsasaka na nangungupahan sa Hacienda ng mga prayleng Dominikano.  Makikita ang katayuan nila sa buhay sa itsura pa lamang ng kanilang bahay na bato at sa lokasyon na ito na katabi mismo ng plaza at ng simbahan.

Ang orihinal na bahay ng mga Rizal sa Calamba, Laguna kung saan isinilang si Dr. Jose Rizal.  Mula sa Vibal Foundation.

Ang orihinal na bahay ng mga Rizal sa Calamba, Laguna kung saan isinilang si Dr. Jose Rizal. Mula sa Vibal Foundation.

Ang sinaunang drowing ni Johann Karuth sa Calamba.  Makikita sa kanan ang bahay ni Rizal katabi ng simbahan.  Mula sa Dambang Rizal sa Calamba, Laguna.

Ang sinaunang drowing ni Johann Karuth sa Calamba. Makikita sa kanan ang bahay ni Rizal katabi ng simbahan. Mula sa Dambang Rizal sa Calamba, Laguna.

Mga Dominikanong Espanyol.  Mula sa Rizal:  Ang Buhay ng Isang Bayani.

Mga Dominikanong Espanyol. Mula sa Rizal: Ang Buhay ng Isang Bayani.

Tatlong araw matapos maisilang, sinabi ni Padre Rufino Collantes habang binibinyagan niya si Pepe, “Lolay, tandaan mo ito.  Alagaan mong mabuti ang batang ito, at siya’y magiging malaking tao.”  Wow!  Prophetic.  At iyon naman ang ginawa ng ina.

Kung saan bininyagan ni Padre Collantes si Rizal sa Simbahan ng Calamba.  Mula sa Vibal Foundation.

Kung saan bininyagan ni Padre Collantes si Rizal sa Simbahan ng Calamba. Mula sa Vibal Foundation.

Si Teodora Alonso bilang unang guro ni Rizal.  Mula sa "Ultimo Adios" (Last Farewell of a Foolish Moth) ng Heroes Square Heritage Corporation sa Intramuros.

Si Teodora Alonso bilang unang guro ni Rizal. Mula sa “Ultimo Adios” (Last Farewell of a Foolish Moth) ng Heroes Square Heritage Corporation sa Intramuros.

Siya ang naging pinakaunang guro ni Pepe.  Si Doña Lolay ay pambihira sa mga babaeng india noon.  Siya ay nakapag-aral sa Colegio de Sta. Rosa sa Intramuros at pinag-aral din niya maging ang mga anak niyang babae sa Maynila.  Kaya naman naituro niya kay Pepe ang pagmamahal sa karunungan, binabasahan siya sa tuwing gabi ng isa sa koleksyon nila ng mga isanlibong aklat.

Teodora Alonso de Rizal y Quintos.  Mula sa Vibal Foundation.

Teodora Alonso de Rizal y Quintos. Mula sa Vibal Foundation.

Colegio de Sta. Rosa noong panahon ng mga Espanyol.  Mula sa Vibal Foundation.

Colegio de Sta. Rosa noong panahon ng mga Espanyol. Mula sa Vibal Foundation.

Si Rizal habang tinuturuan ng kanyang ina.  Mula sa Dambanang Rizal a Calamba, Laguna.

Si Rizal habang tinuturuan ng kanyang ina. Mula sa Dambanang Rizal a Calamba, Laguna.

Ilan lamang sa mga aklat ng mga Rizal.  Mula kay Austin Craig.

Ilan lamang sa mga aklat ng mga Rizal. Mula kay Austin Craig.

Ang ama naman niyang si Don Kikoy ay pinatayuan siya ng mga maliliit na bahay kubo sa kanilang bakuran upang mapaglaruan niya at maging workshop niya sa kanyang paglilok at pagpinta.

Francisco Rizal Mercado.  Mula sa Vibal Foundation.

Francisco Rizal Mercado. Mula sa Vibal Foundation.

Ang replica ng kubo ni Pepe Rizal sa bakuran ng Dambanang Rizal.  Kuha ni Xiao Chua.

Ang replica ng kubo ni Pepe Rizal sa bakuran ng Dambanang Rizal. Kuha ni Xiao Chua.

Si Pepe bilang isang artist.  Mula sa Vibal Foundation.

Si Pepe bilang isang artist. Mula sa Vibal Foundation.

Wala ring Rizal na bayani kung wala ang paggabay sa kanya ng kanyang Kuya Paciano, isang makabayang kaibigan ng binitay na si Padre Burgos, na nagturo sa kanyang mahalin ang bayan, at ang kanyang mga kapatid na babae, ilan sa kanila magiging kasapi kasama ni Paciano ng Himagsikan.

Tanging larawan ni Paciano Rizal Mercado.  Panakaw na kuha.  Ayaw magpakuha ng lolo mo.  Mula sa Vibal Foundation.

Tanging larawan ni Paciano Rizal Mercado. Panakaw na kuha. Ayaw magpakuha ng lolo mo. Mula sa Vibal Foundation.

Paciano Rizal habang ginagabayan ang batang Pepe.  Likhang sining ni Benedicto Cabrera mula sa aklat na Indio Bravo.

Paciano Rizal habang ginagabayan ang batang Pepe. Likhang sining ni Benedicto Cabrera mula sa aklat na Indio Bravo.

Josefa Rizal, kasapi ng Katipunan.  Mula sa Vibal Foundation.

Josefa Rizal, kasapi ng Katipunan. Mula sa Vibal Foundation.

Trinidad Rizal, kasapi ng Katipunan.

Trinidad Rizal, kasapi ng Katipunan.

Kaya medyo spoiled marahil dahil nasa kanya lahat ng pansin dahil siya ay bunsong lalaki.  Ngunit sa aking palagay, may isang hindi gaanong nababanggit na dahilan kung bakit kahit na nagmula siya sa isang mayamang angkan, hindi nawala ang kanyang koneksyon sa bayan.  Kahit sa kanyang alaala ng kabataan, Memorias de un Estudiante de Manila, prominente ang role ng kanyang yaya na habang siya’y nasa azotea at naghahapunan sa ilalim ng buwan, habang nakikita ang Bundok Makiling, bigla na lamang siyang tatakutin ng aswang, o kukwentuhan ng mga  tungkol sa nuno.

Ang pabalat ng alaala ni Rizal ng kanyang kabataan, Memorias de un Estudiante de Manila kung saan nagtago siya sa pangalang P. Jacinto.  Mula sa Vibal Foundation.

Ang pabalat ng alaala ni Rizal ng kanyang kabataan, Memorias de un Estudiante de Manila kung saan nagtago siya sa pangalang P. Jacinto. Mula sa Vibal Foundation.

Isang pahina ng Memorias ni Rizal, mula sa Vibal Foundation.

Isang pahina ng Memorias ni Rizal, mula sa Vibal Foundation.

Bundok Makiling.  Mula sa Vibal Foundation.

Bundok Makiling. Mula sa Vibal Foundation.

Iba rin itong trip ni yaya, ilalabas si Pepe sa gabi malapit sa ilog sa ilalim ng mga punungkahoy at doon itutuloy ang pagkukuwento.  Lumabas ang mga ito sa kanyang mga nobela.  Nakakantsawan man kung minsan dahil daw malaki ang kanyang ulo noong siya ay bata pa at ayon kay Ante Radaic ay nagkaroon ng inferiority complex tulad ng marami sa atin, tinugunan niya ito sa pag-aaral ng mabuti at pagiging malusog at aktibo.

Isang sketch ni Rizal sa sarili.  Feminine side?  Mula sa Vibal Foundation.

Isang sketch ni Rizal sa sarili. Feminine side? Mula sa Vibal Foundation.

Ang Croat na fan ni Rizal na si Ante Radaic.

Ang Croat na fan ni Rizal na si Ante Radaic.

Si Rizal sa eskwelahan.  Mula sa Dambanang Rizal.

Si Rizal sa eskwelahan. Mula sa Dambanang Rizal.

Ang dumbell ni Rizal sa Dapitan, nasa Dambanang Rizal sa Fort Santiago.  Mula sa Vibal Foundation.

Ang dumbell ni Rizal sa Dapitan, nasa Dambanang Rizal sa Fort Santiago. Mula sa Vibal Foundation.

Si Xiao Chua at ang monumento ng batang Rizal sa Calamba.  Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Xiao Chua at ang monumento ng batang Rizal sa Calamba. Mula sa Sinupan ng Aklatang Xiao Chua.

Si Pangulong Benigno Simeon "Noynoy" Aquino, III habang nagbibigay respeto sa monumento ng batang si Jose Protacio "Pepe" Rizal Mercado y Alonso Realonda noong ika-150 kaarawan ni Rizal noong June 19, 2011 sa Calamba, Laguna.

Si Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino, III habang nagbibigay respeto sa monumento ng batang si Jose Protacio “Pepe” Rizal Mercado y Alonso Realonda noong ika-150 kaarawan ni Rizal noong June 19, 2011 sa Calamba, Laguna.  TV grab mula sa NBN (ngayo’y PTV-4).

Isang huwaran para sa ating lahat.  Sa pagkabata maaari nang magsimula ang kabayanihan.  Nagbigay si Pepe ng pagmamahal sa bayan dahil nagkaroon siya ng sapat nito sa kanyang tahanan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 8 June 2013)

Rizal

Rizal

XIAO TIME, 17 May 2013: ARISTON BAUTISTA @ 150

Broadcast of the news segment Xiao Time, the three-minute history documentaries at News@1 and News@6 of PTV 4, simulcast over Radyo ng Bayan DZRB 738 khz AM:

Si Jose Rizal, Juan Luna at Ariston Bautista-Lin, detalye ng "Parisian Life" ni Juan Luna.  Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.  Kuha ni Xiao Chua.

Si Jose Rizal, Juan Luna at Ariston Bautista-Lin, detalye ng “Parisian Life” ni Juan Luna. Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kuha ni Xiao Chua.

17 May 2013, Friday:  http://www.youtube.com/watch?v=CeblM8hsAMg

Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime!  May isang kontrobersyal na painting na nabili ng pamahalaang Pilipino noong 2002 sa pamamagitan ng GSIS na ipininta ng bayaning si Juan Luna noong 1892.  Nabili natin ang obra maestrang “Parisian Life” sa halagang 46 Million Pesos!

Ang "Parisian Life" ni Juan Luna.  Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas.  Kuha ni John Ray Ramos.

Ang “Parisian Life” ni Juan Luna. Nasa Koleksyong GSIS sa Pambansang Tipunan ng Sining ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kuha ni John Ray Ramos.

Nagpapakita ito ng isang babaeng nakaupo sa isang Parisian Café na pinagmamasdan ng tatlong lalake.  Ang mga lalaki pala na ito ay sina Jose Rizal, si Juan Luna ang pintor, at ang may-ari ng painting na si Ariston Bautista y Limpingco.  Huh???  Who’s that Pokemón???

Tingnan ang larawan na ito ni Ariston Bautista, lagyan mo lang ng sombrero, pati pose ay katulad ng hitsura ng ikatlong lalaki sa "Parisian Life."  Kuha ni Xiao Chua mula sa GSIS Museo ng Sining.

Tingnan ang larawan na ito ni Ariston Bautista, lagyan mo lang ng sombrero, pati pose ay katulad ng hitsura ng ikatlong lalaki sa “Parisian Life.” Kuha ni Xiao Chua mula sa GSIS Museo ng Sining.

Isa siya sa mga hindi kilalang bayani ng ating bayan.  Ngayong taon, ipinagdiwang natin ang 150th anniversary ng kanyang kapanganakan sa Sta Cruz, Maynila, February 25, 1863.  Bilang bahagi ng pagdiriwang, inanyayahan ako at ang isang bagong gradweyt ng BA History na ginawang tesis si Ariston Bautista na si Patricza Torio ng GSIS Museo ng Sining na magsalita ukol sa bayaning Tsinoy sa kanyang mismong bahay na ipinatayo, Ang Bahay Nakpil-Bautista Museum noong May 4.

Prop. Michael Charleston "Xiao" Chua

Prop. Michael Charleston “Xiao” Chua

Patricza "Pat" Torio

Patricza “Pat” Torio

Lektura sa pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Ariston Bautista-Lin.  Kuha ni John Ray Ramos.

Lektura sa pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Ariston Bautista-Lin. Kuha ni John Ray Ramos.

Si Prop. Bobbie Santos-Viola, kaanak ni Julio Nakpil, Ariston Bautista (standee), Xiao Chua at Joshua Duldulao.  Kuha ni John Ray Ramos.

Si Prop. Bobbie Santos-Viola, kaanak ni Julio Nakpil, Ariston Bautista (standee), Xiao Chua at Joshua Duldulao.  May dalawang eksibit ngayong taon ukol sa buhay ni Ariston Bautista-Lin, sa GSIS Museo ng Sining at sa mas maliit na replica nito sa Bahay Nakpil-Bautista.  Kuha ni John Ray Ramos.

Isang mayamang estudyante ng medisina, nang magkaroon ng epidemya ng kolera noong 1880s, ibinigay niya ang kanyang serbisyo sa paggamot sa mga may karamdaman ng libre.  Nagtungo siya sa Europa at naging bahagi ng Kilusang Propaganda at ng La Solidaridad.

Ang mga anak ni Manuel Lin Bautista kasama ang kanilang tiyo na si Ariston Bautista.  Clockwise mula sa pinaka-kanan:  Dr. Ariston, Petra Bautista, Mariano Bautista, Enrique Bautista, Ariston Bautista, at Marina Bautista.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.  Kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ang mga anak ni Manuel Lin Bautista kasama ang kanilang tiyo na si Ariston Bautista. Clockwise mula sa pinaka-kanan: Dr. Ariston, Petra Bautista, Mariano Bautista, Enrique Bautista, Ariston Bautista, at Marina Bautista. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Grupo ng mga propagandista sa Espanya, hanapin niyo nga si Rizal at si del Pilar?

Grupo ng mga propagandista sa Espanya, hanapin niyo nga si Rizal, Marcelo del Pilar at Ariston Bautista?

Si Ariston Bautista (gitna) kasama ng mga propagandista sa Espanya.  GSIS Museum

Si Ariston Bautista (gitna) kasama ng mga propagandista sa Espanya. GSIS Museum

Pinondohan ang ating pamahalaan sa kanilang paglaban sa mga Amerikano at nang matapos ang digmaan, ginamit ang kanyang pera upang magpadala ng mga Pilipinong iskolar patungo sa Estados Unidos, ang mga pensionados.  Mahilig siya sa kagandahan, mga kababaihan, sining at musika at sinuportahan ang mga alagad ng sining na Pinoy tulad ni Fabian dela Rosa.

"Tampuhan" ni Juan Luna, 1895.  Ang modelo para sa lalaki ay si Ariston Bautista-Lin.

“Tampuhan” ni Juan Luna, 1895. Ang modelo para sa lalaki ay si Ariston Bautista-Lin.

Pangulo siya ng isang factory ng sigarilyo, ang “Germinal” at bahagi ng lupon ng Agricultural Bank, pinayo niya sa pamahalaan na magbigay ng pautang sa mga nagtatanim ng asukal at naging instrumental sa pagtatag ng isang National Bank of the Philippines.  Ngunit lagi siyang tumutulong at nasa panig ng mga malilit, naging kilalang pilantropo.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa GSIS Museo ng Sining.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa GSIS Museo ng Sining.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Katibayan mula sa Germinal, firmado ni Ariston Bautista-Lin.  Koleksyon Patricza Torio, kuha ni Xiao Chua.

Katibayan mula sa Germinal, firmado ni Ariston Bautista-Lin. Koleksyon Patricza Torio, kuha ni Xiao Chua.

Naging pinuno din siya ng Clinical Department ng Kolehiyo ng Medisina ng UP at sa tuwing tatambay sa mga mahihirap na maysakit ng Philippine General Hospital, pinapasaya niya sa kanyang pagpapatawa ang mga pasyente.  May gamot pa siya na nagawa para sa kolera at tuberculosis ngunit hindi niya ito pinagkakitaan, ibinigay niya sa pamahalaan ng libre.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ariston Bautista-Lin.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista, kuha ni Camille Eva Marie Conde.

Ariston Bautista-Lin. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Napangasawa niya si Petrona Nakpil, at sa kanyang malaking bahay na ipinatayo sa tabi ng Estero de Quiapo noong 1913-1914, pinatuloy niya ang mga kapatid ni Petrona kabilang na ang Katipunerong si Julio Nakpil at ang kanyang asawa na balo ni Bonifacio na si Gregoria de Jesus.

Ang Bahay Nakpil habang itinatayo, 1913-1914.  Mula sa Bahay-Nakpil.

Ang Bahay Nakpil habang itinatayo, 1913-1914. Mula sa Bahay-Nakpil.

Bahay-Nakpil na may dekorasyon para sa isang pista, Dekada 1930s.  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Bahay-Nakpil na may dekorasyon para sa isang pista, Dekada 1930s. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ang likuran ng Bahay-Nakpil, may dalawang naliligo sa Estero de Quiapo sa larawan.  Ngayon, gudlak!  Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Ang likuran ng Bahay-Nakpil, may dalawang naliligo sa Estero de Quiapo sa larawan. Ngayon, gudlak! Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Petrona Nakpil.  Mula a Bahay Nakpil-Bautista.

Petrona Nakpil. Mula sa Bahay Nakpil-Bautista.

Si Petrona Nakpil, kasama ang ilang bisita ng Bahay Nakpil, nasilip kung saan ang kanyang kapatid na si Julio Nakpil.   Mula kay Prop. Bobbie Santos-Viola.

Si Petrona Nakpil, kasama ang ilang bisita ng Bahay Nakpil, nasilip kung saan ang kanyang kapatid na si Julio Nakpil.  Makikita sa background ang orihinal na “Parisian Life.” Mula kay Prop. Bobbie Santos-Viola.

Julio Nakpil.  Mula sa bahaynakpil.org.

Julio Nakpil. Mula sa bahaynakpil.org.

Gregoria de Jesus.  Mula sa bahaynakpil.org.

Gregoria de Jesus. Mula sa bahaynakpil.org.

Hindi niya ipinagyabang ang kanyang mga mabuting gawa, naging inspirasyon siya sa marami.  Nang mamatay siya noong March 3, 1928, kahit walang pasabi, parang magic na sumulpot ang daang-daang tao upang nakiramay, naglakad pa ang mambabatas na si Sergio Osmeña noong kanyang libing sa Cementerio del Norte.

Ang mausoleong Bautista-Nakpil sa Cementerio del Norte.  Mula sa filhistory,com.

Ang mausoleong Bautista-Nakpil sa Cementerio del Norte. Mula sa filhistory,com.

Paalala si Ariston Bautista-Lin sa atin na ang mga maykaya sa atin ay hindi kailangan maging sakim, maaaring magkaroon ng puso para sa bayan.  Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.

(Pook Amorsolo, UP Diliman, 11 May 2013)